So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 28 : Space-out - Avoid

17.9K 343 26
By Ytianity

Mej heavy 'to. Ang heavy kasi ng ulan habang ginagawa ko 'to eh. Damang-dama ang peg. Hahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

Well, what do you know!? Para akong tanga!

Pinipilit kong kalimutan si Karl at yung kasinungalingan niya pero hindi ko magawa!

Paulit-ulit kong naririnig iyon sa utak ko, na para bang isang kanta iyon na may magandang tono at mensahe.

"Yan ka na naman! Parang ang lalim ng iniisip mo! Okay ka lang ba?" ramdam ko ang concern sa tanong ni MJ.

Ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagtango.

Hindi ako sumama sa tatlong ugok, ULIT! Nagtatampo na nga sina Jason at Jomar sa akin eh. Hindi na daw nila ako nakakasama masyado, malungkot daw.

*FLASHBACK*

"Allen! Sama ka sa amin mamaya, DotA tayo. Turuan kita." nakangiting pag-aya sa akin ni Jomar.

"Wala akong pera eh." nakangiti kong sagot sa kanya habang tinatapik ang aking bulsa.

"Ice lang yan! Sagot ka ni Karl. May pera yan! Saka yan naman laging nanlilibre sa'yo diba?" biglang singit naman ni Jason saka siya umakbay kay Karl.

Napatingin ako kay Karl. Yep, still wearing that damn straight face since THAT day! 2 weeks na kaming hindi nagpapansinan masyado. Hindi ko pinapahalatang galit ako dahil baka mang-usisa yung dalawa at bigla na lang sumabog yung emosyon ko at maikwento ko lahat ng nangyari.

Si Karl naman, kahit hindi niya pinapakita ay alam kong ilang na ilang at iritang-irita siya sa akin. Paano ko nasabi? Eh paano ba naman, mag-aabot na lang ng mga bagay sa akin, kahit katabi na lang niya ako, ipapaabot niya pa sa dalawa! Buti nga may sa oblivious yung dalawa kaya hindi nang-i-interrogate eh. Pero sigurado ako nag-iisip na yang mga yan kung bakit ganito namin pakitunguhan ang isa't isa.

"Wala rin akong pera ngayon. Nalimutan ko sa bahay wallet ko." monotonous niyang sagot. Nagsinungaling na naman! Eh kanina lang nakita ko wallet niya!

"Ice lang, Jason. Makikipagkita din naman ako kay MJ ngayon eh. Next time na lang, pag may pera na ako." nakangiti kong sabi tapos napansin kong parang nagbato ng matalim na tingin sa direksyon ko si Karl.

Para namang tangang lumapit sa akin si Jason at inakbayan ako.

"Next time na naman? Nung isang linggo nag-next time ka na ah? Nung isang araw din. Tapos ngayon, next time na naman?" madrama niyang pagtatanong.

"OA mo! Importante lang talaga pag-uusapan naming dalawa. Tungkol sa amin 'to." seryoso kong sabi sa kanya tapos ay kumalas siya sa pagkakaakbay sa akin at tinalikuran ako.

"Hindi mo pinapaalam sa amin na may boyfriend ka na ha? Okay lang naman sa amin yun eh. Ang point ko lang, wag mo namang pabayaan kaming mga kaibigan mo. Masakit yung nine-neglect ka. Ang sakit!" sabi niya pa.

Oo masakit ang ma-neglect. Damang-dama ko nga eh.

Binatukan ko siya dahil sa sobra niyang pagda-drama kaya natawa na lang din siya, pati si Jomar. Nakita kong nakangiti si Karl pero nawala din iyon ng magtama ang paningin namin. Tss.

"Next time talaga, sasama ako sa inyo kahit itali pa ako ni MJ sa poste!" sabi ko sa kanila habang nakataas ang kanang kamay ko. Ayan ha? Nangako na ako!

"Siguraduhin mo lang ha? Patay ka sa akin pag nagtalkshit ka sa akin!" pagbabanta pa niya.

"Oo nga!" sabi ko.

"Oh sige na! Lumayas ka na! Ay teka! Sabihin mo nga pala dyan sa MJ na yan, pakilala niya ako sa kaklase niyang nakaupo sa likod niya. Ang hot kasi eh!" nakangiti niyang sabi.

"Gago! May boyfriend na yun!" sabi ko sa kanya.

"Ano naman? Kasal na ba sila?" mayabang niyang tanong.

"Hindi pa. Pero may anak na yun! Dalawa pa!" sagot ko tapos natawa ako ng malakas kasi halos sumayad na yung panga niya sa lupa! Hahaha.

"Lul!" sabi niya.

"Seryoso ako, timang! Nakita ko pa yung isa dun nung magpunta ako sa room nila." sabi ko pa.

"Tama na! Wrong move, p're!" sabi niya tapos ay napapitik pa siya. Hahaha.

"Sige na, alis na ako!" sabi ko sa kanila.

"Sige, makipagkita ka na sa boyfriend mo!" sagot ni Jason at tinapik naman ako ni Jomar sa balikat. Si Karl, ayun, nakatayo lang at ang layo ng tingin.

Bahala ka dyan, tuod!

*END OF FLASHBACK*

"Ayos lang ako. Iniisip ko lang yung Finals. Magiging busy na kasi tayo." sagot ko kay MJ. Malapit na rin kasi kaming mag-Finals, tapos, woohoo, 2nd sem na!

At ngayon, after 1 week ay nag-aya na ulit si Jason.

Mapilit talaga siyang maturuan ako nung DoTA eh, kaya sabi ko sasama ako sa kanila kung papayag silang isama ko si MJ.

Pumayag naman sila at nag-offer na tuturuan din si MJ ng DoTA. Dito na din kami sa mall maglalaro, dito kasi kami nagpunta ni MJ. May ipapakilala daw kasi siya sa akin na mga tao.

Maya-maya ay may umupo sa harap ko, katabi ko kasi si MJ.

"J! Si Allen 'to diba?" nakangiting tanong ng isang lalaki.

"Oo, tama ako ng pinili diba?" tanong naman ni MJ na halatang ipinagmamalaki ako.

"Aba, malay ko. Never ko pa naman siyang nakasama eh." sagot naman nung lalaki. Wow, medyo industrial fan ka dyan ha?

Maya-maya lang ay may nagsilapitan pang mga tao sa amin. Pulos mga ka-course namin ang nandito. Pati nga si Diegz kasama eh.

"Allen, I want you to meet them. Kilala mo naman na yung iba sa kanila, right?" sabi ni MJ. Shit! Parang nakaramdam ako ng hiya ah?

Tumango lang ako ng marahan at ngumiti.

"Oh, ang cute naman niya! MJ, pwede ko siya ipakahon tapos papa-ship ko sa bahay?" pagbibiro ng isang babae.

Nagtawanan naman ang lahat bukod sa akin.

"Basta kasama na natin siya palagi kapag may mga ganito tayo." sabi pa ni MJ.

"Talaga!?" amused na amused na tanong ng isa pang babae.

"Oo, buti nga pumayag na siya eh. Ang hirap niyang pilitin ha? Iniwasan niya pa ako ng isang linggo bago siya sumagot." yes MJ! Ikwento mo pa yan! Nakakahiya!

Nagtawanan sila ng nagtawanan. Hanggang sa ako na ang ipinakilala ni MJ formally.

"Well, guys, this is Allen Estanislao. My soon-to-be --" natigilan si MJ sa pagsasalita dahil nagsitilian yung ibang babaeng kasama namin.

Paglingon ko ay nasa likod ko na yung tatlong ugok! Ay, susme! Akala ko naman kung sinong artista na ang dumating! Ang babaw niyo mga miss!

KARL VINCENT'S POV

" ... My soon-to-be ..." soon-to-be ano? Pa-epal kasi 'tong si Jason eh, nginitian pa yung mga babae! Nandun na eh! Aamin na sila eh! Tch!

"Allen, ano na?" biglang tanong ni Jason habang kinakawayan yung mga babae.

Lumingon naman si Allen sa mga babae saka binalik ang paningin kay Jason.

"Itigil mo na nga yan! Halika na! Magpapaalam lang ako saglit." sabi niya.

"Guys! Mauna na pala kami. May DoTA session pa kami eh." nakangiting pagsingit ni MJ. Tch!

Ngumiti naman ang iba at kumaway.

Lumabas na kami sa fastfood resto na yun at dumiretso sa computer shop.

Swerteng magkakadikit kami ng naupuan. Pero ang malas ko kasi si Allen ang katabi ko, hindi ako makakapag-focus sa laro nito!

"Hoy! MJ! Ano tayo dito? Ganyan ka lang? Humanap ka ng pwesto mo! Sumali ka!" sabi ni Allen kay MJ na nasa likod lang namin at pinaplano na manuod lang.

"Marunong na ako nyan. Ako na lang magtuturo sa'yo gusto mo? Pare, ako na lang magtuturo kay Allen, ayos lang?" tanong ni MJ kay Jason at tumango naman siya. Bakit ka tumango!?

Kumuha ng upuan si MJ at umupo sa likod ni Allen, pero sinigurado niyang may makakadaan pa din sa likod niya.

"2v2! Kampi kami ni Jomar! Kampi kayo ni Allen, Par!" biglang sabi ni Jason. Gusto kong tumanggi pero naka-set na eh, ako na nga lang hinihintay eh.

Nung magsimula na kami ay tinuro ni MJ yung mga basic na kakailanganin ni Allen.

At nung makaharap naman namin yung dalawa ay na-first blood ako!

Tang kasi eh! Hindi ako makapag-focus! Kailangan ba pag magtuturo ng DoTA halos magkadikit na yung mukha? Kelangan magka-holding hands sa ibabaw ng mouse? Kailangan bungisngisan ng bungisngisan?

"P're! Mid tayo! Push natin yung tore!" utos ni MJ.

"Epaaaal~ Akala ko ba tuturuan mo lang ako? Eh ikaw na ang naglaro eh." sabi naman ni Allen tapos napansin kong nag-agawan sila sa mouse.

Tumawa naman si MJ tapos ginulo yung buhok ni Allen.

Buong game ay hindi ako nakapag-focus kaya natalo kami. Deym! May naglalandian kasi sa tabi ko eh. Tch.

"Par, ayos ka lang?" concerned na tanong ni Jomar sa akin habang naglalakad kami.

"Oo." monotonous kong sagot pero ang totoo ay gusto kong pumatay ng tao dahil sa inis.

"Sa tingin mo sila na?" pabulong na tanong sa akin ni Jason habang nakatingin kina Allen at MJ na nasa harap namin.

"Tch. Wala akong paki sa kanila. Gusto nila maghalikan pa sila dyan eh." really now, Karl? Maghalikan? Sa harap mo? Kayanin mo kaya? Baka mamaya umatungal ka pag nakita mo silang nagngangasaban ng labi sa harap mo?

"Yuck, p're! Wag naman sana nilang gawin yun sa harap ko! Kadiri!" sabi ni Jason tapos para pa siyang kinilabutan.

"So, saan na tayo? Nagugutom na ako, wala ba kayong balak na kumain?" biglang tanong ni Jason kaya umikot yung dalawa at hinarap kami.

"Uuwi na ako. Wala naman akong gagawin dito eh." sagot ni Allen kaya parang naramdaman kong nadadagdagan na naman ang galit ko sa kanya.

Okay lang na iwasan niya ako pero sana naman wag niyang idamay yung dalawa. Wala naman silang clue sa nangyayari eh.

"Kutos gusto mo? Sasama ka sa amin! Hindi na nga kita napagkikikita sa school eh." sabi ni Jason na sinang-ayunan naman ni Jomar.

"Sadista mo! Oo na!" sabi naman ni Allen at humarap siya kay MJ.

Parang may binulong si MJ sa kanya saglit at tumango siya.

Humarap ulit siya kay Jason at tinanong kung pwede bang sumama sa amin si MJ. Gusto ko sanang sumagot kaso naunahan na ako ni Jason na tumango eh. Deym!

Kumain muna kami saglit sa isang fastfood restaurant. Dun, nagpakilala sa amin si MJ formally.

Siya nga pala ang president ng aming org, nalimutan ko. Nakilala niya daw si Allen sa meeting, na alam naman namin kung kailan nangyari.

Ang ipinagtataka ko, bakit hindi pa niya sinasabi na sila na ni Allen? I mean, they act like it so why hide it? Hmmm.

Nung matapos kaming kumain ay napag-desisyunan naming lahat na manuod ng sine.

Sabi nung tatlo ay magsi-CR lang daw muna sila kaya pinauna na nila kami ni Allen na mamili ng panunuorin.

Gusto kong tumanggi at sabihing ayaw kong maiwan kasama si Allen pero ito namang si Allen ay parang walang inaalala. Hindi niya siguro dama na ang awkward ng atmosphere between us.

"Hmmm. Parang wala namang maganda panuorin!" sabi niya habang nakatingin siya sa nagfa-flash na movie list sa LCD screen na nakadikit sa pader.

Bakit ang kalmado niya? Bakit parang wala lang sa kanya na iba ang pakikitungo ko sa kanya? Bakit ba, Allen!?

"Allen, kayo na ba ni MJ?" mahina kong tanong sa kanya, making sure na kaming dalawa lang ang magkakarinigan.

Hindi siya sumagot kaya parang nakaramdam na naman ako ng inis at galit sa loob-loob ko. Pwede namang sagutin diba? Para magkaintindihan kami kahit papaano.

Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat. Naramdaman ko yung pagkagitla niya kaya bumitaw din ako agad.

"Sorry." mahina kong sabi.

Lumingon siya sa akin tapos ay ngumiti siya habang may isinuksok siya sa bag ko.

I was going to look at my bag nang dumating sina Jomar.

"So, ano papanuorin natin?" nakangiting tanong ni Jason.

Ngumiti naman si Allen and it broke my heart. Again. That smile of his was so genuine, gusto ko ulit makita yung ngiti niyang iyon, yung para sa akin lang.

Napag-desisyunan ng lahat, well sila lang, hindi kasi ako nagsalita, na manuod ng isang romantic-comedy na movie.

Nung pumasok kami sa sinehan ay agad na nag-unahan sina Jason at Jomar na humanap ng upuan. Napili nila yung pinakatuktok na row sa kaliwa. Naupo si Jason sa dulo tapos katabi niya si Jomar tumabi ako kay Jomar at, syempre, ano pa nga ba, katabi ko si Allen at katabi ni Allen si MJ.

Kalahati ng pelikula ay tawa ng tawa si Allen pero natitigil siya sa pagtawa kapag naghaharap na yung dalawang bida for a romantic scene. I mean, what's with the awkward glance pag nangyayari yun? Ganun kasi ginagawa niya eh, susulyapan niya ako, eh as if namang hindi ko siya nakikita, eh sinusulyapan ko din kasi siya!

Nung matapos yung movie ay dumiretso agad ako sa CR, kanina pa kaya ako naiihi!

Paglabas ko ng cubicle ay nakita kong nananalamin si Allen.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa braso.

"Aray! Ano bang problema mo!?" paasik niyang tanong sa akin.

"Allen, sabihin mo nga! Kayo na ba ni MJ!?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba ako sa hindi niya pagpansin sa akin o sa pagiging magka-relasyon nila ni MJ, basta galit ako!

"Aray! Karl! Masakit!" pasigaw na niyang sabi dahil humihigpit na pala ang hawak ko sa braso niya.

Agad ko siyang binitawan at umatras ako ng bahagya. Hindi ko naman sinasadya yun eh, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin!

"Sorry." mahina kong sabi habang nakayuko.

"Ano ba kasing paki mo!? Wala ka namang paki sa feelings ng iba, diba? So, would you please stop? Nakaka-irita na eh." sabi niya habang hinihimas niya yung kamay niya.

What did he just say!? Wala akong paki!? Nasasaktan ako dito tapos wala akong paki!? Kung alam mo lang, Allen. Kung alam mo lang!

Pagkatapos ng outburst niya ay tinabig niya ako sa balikat at lumabas na siya ng CR. Ako pa ngayon ang walang paki sa feelings ng iba!? Ako!?

ALLEN'S POV

Why'd he freaking do that!? Ang sakit sa braso ha!?

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni MJ. Ang 'boyfriend' ko daw, sabi nila.

"Oo, medyo nasobrahan lang siguro ako sa pagtukod sa countertop." nakangiti kong sabi sa kanya para hindi na siya mag-alala.

"Si Karl? Hindi ba kayo nagkita?" biglang tanong ni Jomar.

"Hindi eh. Baka nasa cubicle siya nung pumasok ako." palusot kong sagot.

"Oh okay." sabi lang ni Jomar saka biglang dumating si Karl.

Biglang nag-flash uli sa utak ko yung itsura niya kanina.

Mga matang nag-aapoy sa galit, mukha at tengang mukhang umuusok na sa sobrang inis, salubong na kilay, at mala-halimaw na paghawak! At muli din ay nainis na naman ko!

"Guys, uwi na ako. Nalimutan kong may pinapagawa pala sa akin sa bahay." bigla kong nasabi para maiwasan si Karl.

"Ano!? Lul!" sabi ni Jason tapos ay inakbayan ako.

"Kailangan ko na talagang umuwi." sabi ko sa kanya habang nagpupumilit akong umuwi.

"Oo na. Uwi na rin pala ako mga p're. Anong oras na din kasi eh." sabi naman ni MJ habang nakatingin sa kanyang relo.

Tinanggal ni Jason ang kamay niya sa leeg ko at umatras.

"Sige." yun lang ang nasabi niya.

Tinaas ni Jomar ang kamay niya kaya inapiran ko siya, ganun din naman si Jason. Si Karl? Aba, bahala siya! Magdusa siya!

Magkalimutan na lang kami!

Continue Reading

You'll Also Like

366K 2.1K 23
10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...
1.8M 54.3K 81
Bagay na naiisip ko habang walang ginagawa. Storyang kathang isip lamang na pwedeng makaapekto sainyo. Sundan ang mala fairytale na buhay ni Anjo sa...
273K 9.3K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...