TOUCH ME AGAIN

Galing kay makiwander

13.8M 302K 33.1K

He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite... Higit pa

Prologo
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Is this Goodbye?
Prologo II
Part 2.1
Part 2.2
Part 2.3
Part 2.4
Part 2.5
Part 2.6
Part 2.7
Part 2.9
Part 2.10
Epilogue

Part 2.8

286K 6.6K 345
Galing kay makiwander

                  

Why?


xxRaevenxx


"Ate!" Sinalubong ko si Ysobelle sa airport hila ang napakalaking maleta. Kakabalik nya lang mula sa Amerika.


"Bakit ang dami mong dala? Hindi ka ba nahirapan?" Nag-aalala kong tanong. Ngumiti naman ang kapatid ko at umiling. Sumilip ako sa kanyang likuran at doon ko nakita ang isang may katangkarang lalake, palagay ko ito ang tinutukoy ni Ysobelle na manliligaw nya sa bago nyang trabaho doon.


"Ate, this is Grant, Grant, this is my Ate, Ate Raeven." Pormal na pagpapakilala ni Ysobelle.


"Hello." Bati sa akin ni Grant ng mayroong English Accent, I just nodded and smiled. Lumapit sa akin si Ysobelle at hinaplos ang aking tyan.


"Ang bagal naman lumaki!" Puna nya sa aking sinapupunan.


"Dalawang buwan pa lang! Alangan naman malaki agad." Umismid ako pero kapagkuwan ay ngumiti din.


Yes, I am pregnant. Nagbunga ang ginawa namin ni Deuce nitong huli. Malungkot akong ngumiti ng ako naman ang humaplos sa aking tyan.


"Hindi pa din ba sya nakikita ni Tito Hades?" Tanong sa akin ni Ysobelle. Binibitbit na ni Grant ang maleta ng kapatid ko patungo doon sa cart.


Umiling ako. Sabi sa akin ni Attorney Hades malapit na syang makita, kaya lang tuwing malapit na syang makita, magtatago ulit sya. Siguro ayaw nyang maging tatay kaya ganon. Nararamdaman nya kaya na nabuntis nya ako? Sinadya nya kaya?


Dalawang buwan na syang hindi nagparamdam. Gusto kong mainis ng husto kaya lang, bawal sa akin ang mastress. Tanging si Ysobelle lang ang nakakaalam ng kalagayan ko pati na din si Phen kaya doble ang hirap. Hindi ko maipagsigawan dahil ayokong malungkot ang mga tao dahil sa kalagayan ko.


"Belle!" Tumili si Phen habang bumababa ng kanyang sasakyan. Sinalubong nya ang kapatid ko. Hindi na sya nagpapractice ng pagkadoktor dahil nagkaroon sya ng foreigner na boyfriend na syang sumusuporta sa kanya. Pati tuloy ako ay nagawa nyang ampunin at ngayon pati si Ysobelle ay babalik sa pangangalaga nya.


"Ganda mo teh! Ang pogi ni Kuya oh. Naiintindihan ba ako nyan?" Nginuso ni Phen si Grant na nakangiti lang dahil hindi naman naiintindihan ang aming pag-uusap.


"Hindi po, Ate Phen. Nagpunta sya dito para magbakasyon." Paliwanag ng kapatid ko.


Sumakay kami sa sasakyan ni Phen at nagdrive sya patungo sa kanyang bahay.


"Eh paano naman si Tres? Laging nasa TV ang mokong ah, pinag-aagawan ng mga artista." Sumilip pa si Phen sa rearview mirror para tingnan ang kapatid ko.


"Ewan ko po sa kanya, bahala po sya sa buhay nya." Ngumuso si Ysobelle at tumingin sa labas ng bintana.


"Sus! Alam mo masyado kayong pabebe nitong Ate mo. Ano, naging masaya ba kayo? Ikaw, english ka ng english para makakuha ng boylet, etong Ate mo naman, naging dalagang ina!" Humalakhak si Phen kaya siniko ko sya.


"Ang sama mo, Phen! Marinig ka ng baby ko."


"As early as two months, hindi pa nadedevelop ang pandinig---"


"Tigilan mo ako sa pangaral mo, Phen. Wala ako sa mood." Umirap ako kunyari. Alam na alam ni Phen ang mga pinagdadaanan ko sa pagbubuntis kaya naalalagaan akong mabuti, kaya lang ramdam ko pa din ang kulang. Hindi naman talaga magiging buo dahil ang dami pang question mark sa future naming dalawa ng baby.


Ngumisi si Phen, binabalikan nya lang ako ng tingin hanggang sa makarating kami sa kanyang bahay. Yung tingin na nang-aasar pero alam ko namang concerned sya sa akin.


"Ang gara ng bahay!" Bulalas ni Ysobelle na hindi makapaniwala sa tirahan ni Phen ngayon. Malaki kasi ito at nakapwesto sa isang ekslusibong subdivision sa Makati. Nakakatuwa din na mayroon itong garden na maari kong lakaran tuwing umaga bilang ehersisyo.


"Oo, kahit nagsinungaling kayong dalawa sa akin na deds na itong si Raeven, maeenjoy nyo pa din ang perks ng pagiging kaibigan ako." May himig pang-uusig na turan ni Phen. Lumapit si Ysobelle kay Phen at yumakap.


"Sorry na, Ate.. Request ni Ate Raeven yon eh."


Ngumiti lang ako at tumango ng tingnan ako no Phen na nakairap sa akin. Natawa na lang ako.


Ako ang kusang nagpunta kay Phen noong nalaman kong buntis ako. Hiningi ko ang detalye kay Ysobelle dahil sila ang madalas magkausap. Hindi ko na nilapitan pang muli si Martin dahil alam kong hindi naman sya sang-ayon sa mga naging desisyon ko. Lalo pa't buntis ako at umalis si Deuce, tiyak na madidismaya sya ng husto.


"Dumating na nga pala ang damit mo. Itinawag sa akin ni Doray kanina. Doray!!!" Tili ni Phen na ang tinatawag ay ang kanyang househelp. "Pakidala ang damit ni Raeven."


Lumabas mula sa kitchen si Doray na mayroong bitbit na dalwang paperbag.


"Hindi sabi ako pupunta eh." Umiling ako ng makita ko ang damit na inilaladlad na ni Phen, ang sapatos naman ay yakap yakap ni Ysobelle.


"Ang ganda! Galing ba ito kay Tito Hades?" Tanong sa akin ng kapatid ko na kulang na lang ay halikan ang sapatos.


Tumango ako. It's Attorney Hades' birthday at iniimbitahan nya ako. Hindi nya pa alam na magkakaroon na sya ng apo sa akin pero mukhang tanggap na tanggap na niya ako bilang parte ng kanyang pamilya.


"In fairness, love ka na ng Montemayor family, kaso naglaho yung leading man. Pumunta ka, ihahatid kita tsaka susunduin, malapit lang naman ito di ba?" Panungumbinse sa akin ni Phen.


"Ayoko. Anong gagawin ko doon?" Tanggi ko.


"Duh, socialize! Di ba kamaganak mo na sila kasi kasal pala kayo nung Attorney Yummy?"


Hindi na ako umimik pero may punto si Phen. Iniencourage talaga ako ni Phen sa paglabas. I am grumpy this past few days, nahihirapan ako sa paglilihi. May hinahanap ako lagi pero pag nasa harapan ko naman, parang ayoko na. There are things that I want to do pero tamad na tamad din ako.


Wala na akong nagawa ng humapon na, nagpatawag pa si Phen ng makeup artist para sa akin.


"Ang ganda mo Ma'am!" Pambobola sa akin ng makeup artist pagkatapos akong maayusan. I faked a smile. Smokey eyes at nude lipstick ang nilagay sa akin, kinulot naman ang buhok ko.


Inantay ko na lang na makapag-ayos at makaalis ang makeup artist ko bago ko sinilip ang damit na nakalahad sa kama ko. It's a platinum halter dress na sumisilip ang pagka-itim kapag hindi natatamaan ng liwanag. Exposed ang likod at ang hita pero hindi naman ito bastusin dahil ang mahaba kong buhok ang tatakip sa likod ko.


Hinubad ko ang robe at sinilip muna ang aking tyan mula sa salamin, maliit na maliit ang umbok but the baby is growing really fine ayon sa ultrasound.

Wag ka sanang mag-mana sa amin ng Tatay mo ng katigasan ng ulo.


Napangiwi ako sa heels na suot, tantya ko ay 3 inches ito pero simula noon pa ay hindi ako nagsusuot ng mga ganito, hindi naman ako maaring magrubbershoes kung sakali. Lumabas na ako ng kwarto ng makapagbihis. Sa living room ay dinig na dinig ko ang masayang pagkukwentuhan ni Phen, Ysobelle at Grant. Walang ginawa si Phen kundi asarin si Grant.


Natahimik sila ng makita nila ako. Nakangiting lumapit sa akin si Phen at pinagmasdan pa ako ng ilang segundo.


"Taray! O di ba, kamukha na kita. Magkasing ganda!" Bulalas bigla ni Phen na syang nagpangiti sa akin.


"Ang ganda mo Ate. Pakisabi kay Tito Hades mayroon akong bisita na hindi maaring iwan kaya hindi ako nakarating. Please send my Happy Birthday!"


"Sus! Isa pa tong chikadora! Ayaw lang makita si Baby Tres! Hindi ka ba man lamng kyuryoso sa itsura nya? Mas yummy sya ngayon beh!"


Sumimangot si Ysobelle. Masyadong updated si Phen sa tsismis, kung ako nga ay hindi pa nakikita muli si Tres.


Madaming ibinilin sa akin si Phen habang nasa sasakyan. Sabi nya ay lagi lang akong ngingiti kapag may nakatama ako ng tingin. Tumango lang ako at sumang-ayon.


Bumaba ako sa harap ng mansyon ng mga Montemayor. Mula sa labas, kitang kita ko na ang liwanag at dinig din ang jazz music. Maingat akong humakbang dahil natatakot ako sa suot kong heels. Nakapakapit pa ako sa aking tyan at tiniyak kong napoprotektahan ko iyong mabuti.


Lumakad ako sa may hardin, hinanap agad ng aking mga mata si Attorney Hades, sya lang naman ang tinungo ko dito. Kailangan ko syang makita para makakauwi agad ako mamaya.


Nakita ko sya sa isang kumpulan ng mga kalalakihan na kasing edad nya. Puro mga naka-amerikana ang mga ito. Mabuti na lang talaga at pinaayusan ako ni Phen, kahit papaano ay bumagay ako sa lugar.


"Raeven!" Masayang pagbati sa akin ni Attorney Hades. Nakakapit sya sa kanyang tungkod kaya lumapit ako sa kanya para bumeso.


"Happy Birthday po, Attorney.." Bati ko. Tumango sya at tinapik ako sa balikat.


"Gentlemen, meet my daughter in law, Raeven Frances Mendoza-Montemayor." Nanlaki ang mga mata ko ng ipakilala ako ni Attorney Hades sa kanyang mga kaibigan.


"Daughter in law kanino, Panyero?" Tanong ng isang lalaking pinakabata sa grupo.


"Sa panganay ko." Buong pagmamalaking sambit ni Attorney Hades, hindi ako nakaimik kundi ngumiti na lang. Ito ba ang plano? Ipapakilala nya ako bilang asawa ni Deuce kaya nagpumilit syang pumunta ako?


"I thought hindi natuloy ang kasal?" Tanong nung isa.


"Attorney Sycip, Deuce is a Montemayor, we can't help but to get sneaky at times." Kumindat pa sya at humalakhak. Hinarap ako ni Attorney Hades pagkatapos ng kanilang masayang kwentuhan at itinuro ang buffet table.


"Nandoon ang mga pagkain, Raeven. Sabihin mo lang ang pangalan mo at mayroon kang sariling lamesa. Or if you want, you may get inside the mansion if you prefer silence, mag-utos ka na dalhan ka ng pagkain." Nagkibit balikat pa ito habang nakangiti. Tumango ako, hindi naman ako nakakaramdam ng gutom, mamaya na lang siguro. Pumasok ako sa mansyon, tutal naman mayroong permiso, gusto ko nga ng katahimikan.


Umakyat ako sa ikalawang palapag dahil natanawan ko na don ang daan patungo sa veranda, lumagpas ako patungong library at napakunot ang noo ko ng makarinig ako ng pag-ungol na nanggagaling doon.


Sumilip ako at sa kabila ng dilim, nakita ko ang pagkilos ng isang bulto at isang babae doon sa may sofa. Kinabahan ako bigla lalo na ng mag-angat sila ng tingin sa may pinto kung saan ako nakatayo.


"Im sorry!" Hinging paumanhin ko.


Sasarhan ko na sana ang pinto ng marinig kong nagsalita ang babae, 'Come on Tres, make it quick.'


"Tres?" Bumalik ako at binuksan na ng tuluyan ang pinto.


"Ate Raeven?" Lumabas sya at umalis na mula sa pagpapaimbabaw sa babae.


"Fck, hindi nga nagjo-joke si Dad! Buhay ka!" Nilapitan ako ni Tres at niyakap ako ng mahigpit. His naked upper body carressed by exposed back. May pantalon naman sya na pang-ibababa.


"Hindi nga nagjojoke si Phen, babaero ka na." Napailing ako sa kanya, dismayado. Akala ko ay mayroon syang gusto sa kapatid ko.


"Tss, I am always like this." Sambit nya.


"Sabi nga pala ni Ysobelle, Hi." I muttered, nanlaki ang mga mata nya.


"Sinabi nya yon?"


Ngumuso ako at pinagmasdan magtaas baba ang adams apple nya. Ngumisi ako ng mapansin ko na parang kinabahan sya kaya bumagsak ang balikat nya "She wouldn't say that, right?"


Tinapik ko ang kanyang balikat at iniwan na sya doon sa library. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa veranda. I find the silence endearing, sa baba ay ang mga nagkakasiyahang mga guest. Sanay na sanay ang mga ito sa ganitong okasyon, hindi ba sila napapagod ngumiti?


Nanatili ako doon ng ilang minuto. Nahagip ng mata ko ang isang kumpulan, bigla kasing nagsilapitan doon ang mga bisita. Isang pamilyar na paghalakhak ang dumaan sa pandinig ko.


"Where have you been?" Halos pare-parehas ang tanong ng mga nandoon. Kumalabog ang puso ko ng nagkaroon ng kaonting space doon sa may kumpulan at inuluwa noon si Deuce! Pakiramdam ko nilatigo ang puso ko at inutusan akong gumalaw.


Maingat akong tumalikod at humakbang pababa ng veranda. Nang makarating akong muli ako sa garden kung saan ginaganap ang pagtitipon, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.


Unti unting nahati sa gitna ang kaninang kumpol at doon ko tuluyang natagpuan si Deuce. He's in his all black suit at nagkaroon na sya kahit papaano ng laman. Maayos ang kanyang gupit at ang kanyang pagkaka-ahit. He looks better now!


"D-deuce.." Bulong ko, kumunot ang noo nya. Hahakbang na sana ako papalapit sa kanya pero mayroong humagip sa kanyang braso na isang babae na hindi ko pa nakikita.


"How was London?" Tanong nito sa kanya. Humalakhak si Deuce.


"Come on, Tanya, you were there two weeks ago." Sagot naman ni Deuce.


Magkasama sila Two weeks ago? Tumawa ang babae, yung masakit sa tenga.


"Of course! I was just kidding. Akala ko nga makukumpleto natin ang dalawang buwan na magkasama tayo."


Pakiramdam ko sinaksak ang aking puso. Nangilid ang luha ko. Mabilis akong naglakad papalabas ng mansyon at nilagpasan ko sila. I heard Attorney Hades called me, even Tres pero hindi ko sila nilingon. Mabibilis ang paghakbang ko, nakakagulat dahil kanina ay halos hindi ko maihakbang ang paa ko pero ngayon parang nakapaa lang ako kung humakbang.


Nakalabas ako ng mansyon. Palayo na ng palayo ang ingay. Fck, I even forgot my bag! Hindi ko alam kung paano ako magpapasundo kay Phen.


Naglakad ako ng naglakad. Hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon ko, wala naman talaga kasi akong ideya kung paano aalis sa lugar na ito pero ayaw ko namang bumalik. That douche! Wala syang karapatan maging ama ng dinadala ko kung ganoon na lang sya kung mambabae.


Natatanawan ko na ang exit ng village, doon sa pwesto ng mga guards, nagkaron ako ng pag-asa na makasakay ng taxi mula roon.


Napalingon ako sa likod ng may tumunog na busina, isang itim na Lexus ang nandoon. Agad na bumaba doon si Deuce, galit ang kanyang tingin pero hindi ako nagpatalo, sinalubong ko din ng galit ang mga mata nyang yon.


"Raeven! Bumalik ka doon." Utos nya. Napapikit ako. He knows! He knows I am Raeven but fck why he was with another girl?!

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

8.8K 207 13
"Why do you think moving on is so hard?" "Because it is hard to accept that you're not just going to let go of the past, but also the future you w...
3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
66.3K 2.8K 4
Believe me, it wasn't JUST the kiss...