Crown 2: Fall Into Me

By RoviMochizuki

115K 3.6K 154

Highest achievement: Rank #189 in Romance Category (CROWN - Book 2) Scholarship, iyon lang talaga ang habol n... More

Fall Into Me
Chapter One √
Chapter Two √
Chapter Three √
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
A Minute For Silence
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty (Finale)
Mochi's Note

Chapter Twenty Two

2.2K 84 5
By RoviMochizuki

Pinapanood ko lang ang mga establishimento sa labas habang lulan kami ng kotse ni Trevor. Hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung saan nga ba kami pupunta. Dumaan na rin kami kanina sa bahay para kumuha ng aking mga gamit dahil baka dalawang araw daw kaming mawawala.

Nilingon ko si Trevor na kasalukuyang tahimik na minamaneho ang sasakyan. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. He's worth of every inch of my eye.

Ibinalik ko na lang sa labas ng kotse ang aking tingin bago pa ako mawala sa sarili. Masyado kasi siyang gwapo sa paningin ko at hindi ko mapigilan ang sarili kong mas lalo pang mahulog.

"Ang tahimik mo 'ata," pagpansin niya sa pananahimik ko. "Ayos ka lang?"

"A-ayos lang naman. I-iniisip ko lang kung s-saan tayo pupunta," sagot ko sa kanya. Nahirapan pa akong mag-isip kung ano ang pwedeng idahilan.

"Huwag mo kasi masyadong isipin," natatawang sabi niya. "Makikita mo rin naman mamaya e."

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko uli sa kanya. "Medyo dumidilim na kasi."

"Medyo," sagot niya sa tanong ko. "Idlip ka muna kung gusto mo."

Umiling ako rito. "Hindi na."

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa labas. Pinanood ko muna unti-unting nag-aagawan ang dilim at liwanag.

Shadows were lurking in the dark
I saw them while inside your red car
You reassured me with your sweet smile
That there's no monster will come up to me

Bigla akong napangiti sa naisip ko. Who would think I can be poetic for a second just because I'm bored? No one knew. I didn't even know.

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka isinandal ang ulo ko sa bintana. Mayamaya lang din ay iminulat ito at kinuha ang phone ko. Doon ko it-in-ype iyong tulang pumasok sa isip ko kanina.

Napatingin ako kay Trevor na nakatingin pala sa akin. Nginitian lang niya ako bago ibinaling ang tingin sa daan.

I tried to be comfortable on your passenger seat
And under your dark eyes that see through me

Bigla akong namula sa ngiting ibinigay niya sa akin. Yumuko na lamang ako para maitago ito. Kumabog din bigla ang puso ko sa dibdib ko na ikinatakot ko na baka marinig na ito ni Trevor sa sobrang lakas.

I couldn't turn away; you're driving me wild
Expertly maneuvering your way to my heart

Napahawak ako sa dibdib ko at nanlalaki ang mga matang napatulala sa paa ko. Ang bilis din ng paghinga ko at nag-umpisa na rin akong pagpawisan. And take note: dahil lang ito sa ngiti niya.

"Are you ok?" nag-alalang tanong niya sa akin habang pasulyap-sulyap sa gawi ko.

"Y-yes," nangangatog na sagot ko. "I-I'm fine."

"You don't look fine to me."

Sana hindi ka na nagtanong, sabi ko sa isip ko as I rolled my eyes mentally. I don't have the guts to say that out loud. Baka mawalan pa si Trevor ng gana sa little getaway namin.

"I'm totally fine." Bumaling ako sa kanya at nakangiting sabi sa kanya. "Just a little hungry. That's all."

"At buti may McDonald's dito," sabi niya as he parked his car. "Tara. Bili tayo ng makakain."

Tumango lang ako sa kanya dahil baka magtaka na siya kung sabihin kong hindi talaga ako gutom. Sabay kaming bumaba ng kotse niya. Tumabi pa siya sa akin sa paglalakad na ikinakaba ko ng sobra.

Habang naglalakad palapit sa fast food chain ay natapilok ako. Mabilis naman akong nasalo ni Trevor at niyakap ang bewang ko. Sa gulat ko ay napatingin ako sa mga mata niya.

Time and lights passed us by
Yet all that I'm aware of was your touch
How it felt like to be enveloped by your arms
Silently wishing this would last

Mahinang itinulak ko siya at saka ako tumayo ng diretso. Napakagat-labi ako at napaiwas ng tingin ng mapansing nakangiti siya sa akin. Naramdaman kong mas nag-init pa mukha ko dahil dito.

Mukha na siguro akong makopa.

"I think ikaw na lang ang bumili. Hintayin na lang kita sa kotse," nagmamadali kong sabi sa kanya habang ang mata'y naglilikot at kung saan-saan natingin. "Ikaw ba bahala sa pagkain ko."

Pagkatapos kong magsalita ay mabilis akong tumakbo sa kotse ni Trevor at doon na lamang sa loob naghintay.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal nawala. Pero isa lang ang masasabi ko, salamat. Medyo may katagalan din kasi siyang nawala kaya naikalma ko pa sarili ko habang wala siya.

"Here," sabi niya sabay abot sa akin ng isang paper bag. "Burger at coke na lang binili ko sa iyo."

Tinanguan ko lang siya habang kinukuha ang burger na binili niya sa loob ng paper bag.

Nagulat ako nang bigla niyang i-start ang engine ng kotse at nagmaneho palabas ng parking lot.

"Hindi ka ba kakain?" takang tanong ko sa kanya habang tinanggal mula sa papel ang burger. Pinaningkitan ko ito ng mga mata nang may pumasok na ideya sa utak ko. "O baka hindi ka bumili ng para sa iyo?"

Tumawa siya sa pagtatanong ko at ginulo ang buhok ko na pinaghirapan ko pang ayusin kanina para lang ma-impress siya.

"Don't worry. Bumili ako ng para sa akin," sagot niya sa akin na ikinahinga ko ng maluwag. "Maya ko na lang siguro kainin kapag nagutom ako."

Tumango na lamang ako sa kanya at nakangusong ibinaling ang tingin sa unahan habang nag-aayos ng buhok.

Nagulat ako nang sundutin niya ako sa tagiliran.

"Uy!" pang-aasar niya sa akin. "Tampo pa siya sa akin." Saka siya tumawa ng malakas.

Lalo naman akong napasimangot sa pang-aasar niya at may inis na kumagat sa burger.

Sinundit uli niya ang tagiliran ko. Pero this time, hindi lang isang beses. Sinundot-sundot na niya ang tagiliran ko na para bang natutuwa pang naiinis ako."

"Huwag ka na kasi magtampo."

"Sinong hindi maiinis?" inis na tanong ko sa kanya habang naniningkit ang mga mata. "Imbes na makiliti ako sa ginagawa mo e, nasasaktan ako." Pumalatak ako saka ibinaling sa unahan ang tingin. "Wala akong kiliti sa tagiliran."

"Ay, gano'n ba?" natatawang tanong niya. "Sorry. Ang epic ng pangingiliti ko."

Hindi ko siya pinansin at tinuloy na lamang pagkain ng burger. Pakiramdam ko kasi nagutom ako sa 'pangingiliti' ni Trevor sa akin.

Nagulat ako nang may naramdaman ako sa gilid ng mga labi ko. Nang lumingon ako ay nakita kong pinupunasan niya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. Napatulala ako sa kanya. Hindi ko nga napansin na red pala ang traffic lights kung hindi dahil sa pagpunas niya.

Nang lumayo siya ay ngumiti siya sa akin na ikinakabog ng dibdib ko.

And I saw the shadows lurking in the dark
But your smile drove so wild
Hoping to stay in this perfect moment
Hoping this drive wouldn't end

***

I am Mochi says: Sorry kung matagal mag-update. Matagal naman kasi talaga ako mag-update xD
Anyways, iyong tula po na nakapaloob sa chapter na ito ay dedicated sa taong nakilala ko sa Jollibee. Weird man but you're starting to grow in me. Kahit isang beses palang tayong nagkakausap. Sana makasakay uli ako sa kotse mo (which is gray, not red as stated in the poem) and have a sensible talk with you.

Continue Reading

You'll Also Like

504K 13.7K 45
Highest Achievement: Rank #156 in Romance Category (CROWN - Book 1) Napasok sa isang magulong high school life ang tahimik na si Yuya Ichinose. Paano...
77.1K 1.2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1.4K 132 9
Countryside Romance [BXB] Written by IthinkJaimenlove Status: ON GOING Date Started: 12 | 23 | 2023 Date Finish: 00 | 00 | 0000 Countryside Romance (...
496K 13.3K 62
We're not friends. We're not enemies. We're just strangers... with some memories. Book Cover (c) @yuukieee ♥