The Indigo In Lilac [PHR] - C...

By phrjelevans

170K 3.4K 351

"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are lo... More

Basahin Muna Ito
Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Patalastas!
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Patalastas Two!
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven - The End
Thank you!
Hello!

Chapter Seven

10.1K 219 12
By phrjelevans

"I'M PART of the welcoming committee," may pagmamalaking salubong ni Indigo. Dahan-dahan ay nilapitan siya ng lalaki. Yumukod ito at marahang sinakop ng isang kamay ang likod ng kanyang ulo at hinalikan siya sa kanyang noo.


Napakabilis lang ng halik na iyon pero ramdam na ramdam niya hanggang talampakan ang kuryenteng hatid nito. Inabot nito sa kanya ang mga bulaklak at matamang tinitigan ang kanyang reaksyon.


Nanlalaki ang mga mata niya na punung-puno ng pagtataka, kaba, kilig, at iba pang emosyong nakikisali sa oras na iyon. "T-thank you. N-nag-breakfast ka na?" sa kawalan ng masabi ay iyon na lang ang naitanong niya.


He cocked his head to one side and stared at her, like searching for something in her eyes. Habang siya ay hindi alam kung ano'ng gagawin. Napako lang din ang mga mata niya sa titig nito.


"I-I... Lei!" sigaw niya at saka kunwaring tumalikod para ibigay sa assistant ang hawak na mga bulaklak.


"Ma'am nandito lang po ako sa tabi ninyo. You need anything, Miss Lilac?" nangingiting tanong nito, parang alam ang pinagdadaanan niya sa mga sandaling iyon.


"G-get us anything for breakfast," aniya at muling humarap kay Indigo. Nakangiti na ngayon ang lalaki at nakapamulsa.


"'Wag na. May dala akong breakfast para sa ating dalawa," sabay lingon sa lamesa kung saan nakalagay ang mga paperbags ng pagkaing sinasabi nito at dalawang malaking cup ng kape. "I wanted to have breakfast with someone today. Kaya naisip kong ikaw ang puntahan since nakabalik ka naman na," pagpapatuloy pa nito.


Nag-aalangan siyang patuluyin ito sa kanyang opisina. Sound proof iyon at talagang pribado. Paano na siya hihingi ng tulong kung sakaling maisipan niyang mangisay na lang doon dahil sa lalaking ito?


"Doon na lang tayo sa opisina mo. Your staff are already here. We might disturb them," bulong nito sa kanya.


Nanghilakbot ang lahat ng balahibo niya sa ginawa nito. "'Wag ka ngang bumubulong," aniya sa mahinang tinig at nagpatiuna na sa kanyang opisina. Nagmartsa na siya at hindi na inabala ang sariling yayain ito. Alam naman niyang susunod ito sa kanya.


Nang mailapag ni Indigo ang mga pagkain sa lamesa sa kanilang harapan ay muli siyang nakaramdam ng gutom kahit na kumain na siya sa bahay. Sandwiches, salad at may kung anu-ano pang pagkain na hindi naman pang-umagahan.


"Wala ka bang trabaho ngayon, Indigo?" panimula niya.


"Wala. I claimed this day as my one and only vacation day for this month. Naiinip ako sa opisina. Napakagaling ng mga empleyado namin na parang hindi na nila kailangan ang eksperto kong opinyon," natatawang sagot nito. Inabot nito sa kanya ang isang kape at umupo ito sa kanyang tabi. "Kumusta ang baksayon mo? You look..." bitin nito sa sinasabi at muli na naman siyang tinitigan sa mata. "Radiant," tuloy nito.


Natawa naman siya. "Radiant? Maybe because of my new lipstick."


"No. There's something in your eyes. I think... Masaya ka ba?"


"Of course I am," she said proudly.


"H-Have you forgotten your feelings for me?" nag-aalangang tanong nito.


Napabuntong-hininga siya. "Honestly? Ang aga-aga pa, ganyan na ang mga itinatanong mo," reklamo niya. "No. I still has a thing for you, Indigo. Pero kaya ko nang i-handle ito. Wala eh. Talagang kailangang paunti-unti ang acceptance," natatawang sagot niya sa tanong ng lalaki. She was comfortable talking about her feelings for him now. Siguro dahil natanggap na niyang wala talagang pag-asa. "Kaya, sinisigurado ko sa'yo na hindi mo na kailangang gawin ang mga bagay na ito. Are you guilty? That's why you're coming here and doing all these things?"


Umiling ito. "I am not guilty, okay? Wala lang akong magawa. Nasabi ko na sa'yo 'yon kanina. You're not listening. So... tinawagan ka na ni JF?"


Oh. Nawala na sa sistema niya si Juan Fidel. Kumusta na kaya ito? For the sake of the man and his love for Alessa, itutuloy niya ang pagpapanggap kahit na wala na siyang kailangan pang ipagpanggap. "Yes, he did. Lagi naman niya akong tinatawagan during my trip. He was actually excited for our date later. Hindi kasi niya ako napuntahan kahapon pagdating ko," masayang pagsisinungaling niya.


When she looked at Indigo, kunot-noo na ito.


"I was wondering... Would you like to have a date with me later tonight? Wala akong gagawin buong maghapon. Puwede ba akong maghintay na lang dito sa'yo? Wala ka namang meeting for the day, 'di ba? Dito na lang ako. Hindi kita iistorbohin sa mga gagawin mo diyan."


Sa gulat niya'y tumayo ito at ini-lock ang pinto ng opisina niya. What the?!


"Seryoso ka? But I have a date tonight!" 'di makapaniwalang bulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa gusto nitong mangyari. Kailan pa naging ganito si Indigo?


"Yeah, seryoso ako." Inilabas nito ang cellphone at inilapit sa tainga. Ilang sandali pa ay may kausap na ito sa kabilang linya. "Pare! May date daw kayo ni Lilac mamaya?" tanong nito.


"Si JF 'yan?" natatarantang singit niya. God! Tell him we have a date tonight! Ilang ulit niya iyong sinambit sa isip niya para mirakulosong umabot sa pandinig ni Juan Fidel.


"Ganoon ba? Pero niyayaya ko siya na lumabas mamayang gabi," tuloy ni Indigo. "Really? Okay. Thanks, pare." Iyon lang at bumalik na ang tingin nito sa kanya. "Bigla daw siyang tinawagan ni Mr. Del Castro. Bibisitahin daw nila sa kulungan si Miguel at hindi niya alam kung makakauwi sila agad. That fucking Miguel!" galit nitong sambit.


Sa tatlong linggong pamamasyal niya ay maraming nangyari sa Maynila, partikular na sa kaibigan niyang si Violet. Muntikan na itong mapagsamantalahan ni Miguel sa mismong gabi ng party nito at makaraan lang ang ilang linggo ay ikinulong ang lalaki. He did crimes to women and if it weren't for Violet's butler and now boyfriend, Red, hindi iyon matutuklasan ng mga pulis. Hindi kataka-takang galit na galit si Indigo kay Miguel dahil sa muntikan na nitong magawa sa kapatid nito.


"Sayang naman," kunwari'y malungkot niyang sambit.


"Don't be sad. Ako naman ang ka-date mo mamaya. Hindi ka na talo doon," pag-aalo nito sa kanya.


"Hindi pa ako pumapayag sa date na sinasabi mo," sansala niya.


"I know. Pero wala ka rin namang magagawa. I am not going anywhere today. Babantayan lang kita," he said as a matter of factly.


"Bakit mo naman ako babantayan?" naiinis niyang tanong.


"'Cause I'm bored."


She muttered to herself. Hindi niya maintindihan ang timpla ng lalaking ito. Mauubusan lang siya ng dugo kung tatanggi siya. Mukhang wala naman talaga itong balak umalis sa opisina niya.


Maayos naman ang naging maghapon niya. Nagpa-deliver si Indigo kay Mr. Gregory ng pagkain at magkasalo nilang inubos ang pananghalian. Nang matapos sila ay napansin niyang namumungay ang mata ni Indigo kaya't ini-offer niya ang isang guest room sa hotel upang mapagpahingahan nito kahit sandali subalit tumanggi ito. Sa halip, pinagkasya nito ang sarili sa sofa na nasa opisina niya at natulog doon. Natutuwa siya sa inaakto ng lalaki. Whatever he was up to, wala na muna siyang pakialam. Ayaw niyang paasahin ang sarili niya kung mag-a-assume lang siya.


Saktong mag-a-alas singko nang gumising ito at nag-inat ng katawan. "Iligpit mo na ang mga gamit mo. Let's go somewhere before we have dinner," anito.


"Can I just have fifteen more minutes? I have to finish this one," tukoy niya sa nag-iisang proposal na binabasa niya.


"Tama na 'yan," anito at tumayo sa sofa. Lumapit ito sa harapan niya at tinapik ang kanyang pisngi na nakatunghay dito. "Hindi dapat napapagod sa trabaho ang mga prinsesa."


Sa pagdaiti ng palad nito sa kanyang pisngi ay kinilabutan ang katawan niya. Well, that's part of his effect on her. Kaya imbes na tumutol ay napapayag na siya nito.



MASAYANG-MASAYA si Lilac dahil ilang linggo na siyang pinupuntahan ni Indigo sa opisina niya tuwing hapon. Katuwiran nito'y hindi raw tama na nag-o-overtime ang mga prinsesa lalo na daw siya. Kung mag-exceed daw kasi siya sa oras ay hanggang hatinggabi. Well, totoo naman iyon. Wala naman kasi siyang ibang gagawin sa bahay niya kaya nandoon na lang siya sa opisina.


"Umikot ka nga," utos sa kanya ni Indigo habang nakapamulsa. Nasa labas ito ng fitting room kung saan ilang beses na siyang pinagsukat ng damit dahil wala raw bumagay sa kanya ayon sa lalaki.


"Sir, bagay na po ito sa kanya. Actually po, lahat po ng isinuot niyang damit mula pa kanina ay bagay sa kanya," nakangiting komento ng saleslady. Sa loob-loob nito ay naiinis na dahil nga ilang beses nang kung anu-ano ang isinusuot niya.


"For God's sake, Indigo. Okay na ang haba ng damit na ito. This is not revealing at all! Isa pa, sasamahan lang naman kita sa binyag na pupuntahan mo kaya hindi ako ang magiging center of attention doon. They won't even care what I wear!" nakangiwing reklamo niya dahil sa totoo lang, pagod na rin siyang magsuot at maghubad ng mga damit na kinukuha nito.


"Hindi mo kasi kilala ang mga kaibigan ko," naiiling na wika nito. "Makakita lang ng legs ang mga iyon ay parang mababaliw na. You have nice legs. Delikado ka," pagpapatuloy nito habng pinapasadahan ang itsura niya.


"'Yon naman pala, eh! Magpa-pantalon na lang ako!"


"Hindi. Okay na 'yan." Bumaling ito sa saleslady, "I'll buy that dress," at saka nagpatiuna sa counter.


Sinundan lang niya ito ng tingin. "Ang laki ng problema mo sa isip, Indigo," bulong niya.


"Napakapili po ng boyfriend niyo, Ma'am. Protective po sa inyo. Ang sweet!" tila kinikilig na sabi ng saleslady. "Kung tutuusin, puwede na po kayong maging modelo ng lahat ng damit na narito sa boutique namin dahil bagay sa inyo lahat ng isinuot niyo. Ang gusto lang pala niya ay 'yong hindi makikita ang kagandahan ng legs niyo."


Nagbuntong-hininga siya sa labis na kapaguran at kilig na hindi niya maintindihan. "He's not my boyfriend." I wish he is. "Naku! Hindi ko nga alam diyan sa lalaking 'yan. Hindi naman ako long-legged. And I can pull off any jeans I want to wear. Malakas lang siguro ang sapi niya ngayong araw na ito," nagbibiro niyang sagot na ikinatawa lalo ng saleslady na tutumulong sa pag-aayos ng kanyang gamit.


"Siya nga pala, Lilac," baling ng lalaki sa kanya. "Nagpapadala pa ba ng regalo sa'yo ang stalker mo?"


Napaisip siya. "Since I left for my vacation, wala na akong natanggap. Wala din akong nadatnan na mga regalo sa bahay ko. Kahit ang mga kapitbahay ay wala ring ibinigay. So, I guess, huminto na siya sa pagti-trip sa akin," sambit niya.


"Hindi ka na niya ginugulo?" usisa pa ng lalaki.


"Ginugulo? I don't even know that person. Pero..." natigilan siya. Sa unang linggo ng pagbabakasyon niya ay may unregistered number na tumatawag sa kanya. Kapag sinasagot naman niya ay walang nagsasalita. Naisip niyang kagaya lang iyon ng prank caller niya sa bahay. Nababahala man siya ay panatag ang loob niya dahil malayo naman siya sa Maynila at pribado ang mga resort na pinuntahan niya.


"Pero ano?" seryosong tanong ng lalaki. "Tell me, Lilac."


"May tumatawag sa bahay noon. Pero hindi naman nagsasalita kapag sinasagot ko. And even while I was on my trip, an unregistered number was calling me. Pareho lang din, hindi sumasagot kapag kinakausap."


"Why didn't you call me? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang mga bagay na iyan? I told you to call me if something happens," tila nagtatampong wika nito.


Nakonsensya naman siya dahil sa concern na bakas sa mga mata nito. "Sorry. Ayoko lang kasing makaistorbo sa'yo. Okay lang naman ako. Nakabalik na nga ako. 'Di ba?"


"Kahit na! Paano kung may nangyari doon sa'yo?"


"Wala nga pong nangyari sa akin," ulit niya.


"Buti na lang." Mas lumapit pa ito sa kanya bitbit ang paperbag na naglalaman ng bagong biling damit niya. "At buti na lang nakabalik ka na. Because I won't take my eyes off of you from now on," matatag na bigkas nito.



"NINONG Indigo!" nakangiting bati ni France, kaibigan ni Indigo at ama ng batang katatapos lamang binyagan. Karga nito ang anak na guwapong-guwapo kahit na baby pa lamang. Kinakagat nito ang laylayan ng mala-prinsipe nitong kasuotan.


"Hi there, Big Boy!" ganting bati naman ni Indigo. Maingat nitong kinuha ang bata at nilaro. "Look at Tita Lilac. She's so pangit, 'no? She's so pangit!" sabi nito.


Pinalo niya ang balikat nito. "Shh! 'Wag kang magsinungaling sa harapan ng baby. Baka lumaking sinungaling 'yan," nakangiti niyang saway at nilaro na rin si baby Kier. "Sama ka kay Tita?" alok niya habang nakaantabay ang dalawang kamay kung sasama ba ito o hindi. Mas pinaliit pa niya ang boses, "Sama na kay Tita Lilac na maganda?" tuloy pa niya. Sa tuwa niya ay lumipat ito sa mga bisig niya. "'Ayan. Dito ka sasama palagi sa mga magaganda. Huwag sa mga tulad ni Ninong Indigo na pangit. Ha? Ha?" aniya. Nilingon niya si Indigo. Nakatitig lang ito sa kanya at tila ba tuwang-tuwa siyang pinanonood. There was something in his eyes that made her smile too. Hinaplos niya ang tungki ng ilong nito at kinurot ng marahan ang pisngi. "Ang pangit-pangit mo," aniya gamit ang baby voice niya.


Tumawa lang ito at saka hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi nito. Ang akala niya ay tatanggalin lamang nito iyon subalit hindi na nito iyon binitiwan. Pinagsiklop nito ang palad nila at saka ipinagpatuloy ang pagngiti sa kanya. Damang-dama niya ang init ng palad nito. Alam din niyang namumula na ang kanyang pisngi dahil mainit ang pakiramdam niya doon.


"Children, kasal muna bago anak. Ha?" pukaw sa kanyang atensiyon ng boses ni France at ang malakas na tuksuhan ng mga kaibigan ni Indigo. Subalit hindi niya magawang lumingon sa mga ito.


"Indigo! I-uwi mo na si Lilac!" kantiyaw ng isa.


"Bagay na bagay sa inyo ang maging magulang, oh! You seem perfect to be Kier's parents," anang isa pa.


"Hey! Kier is ours. Gumawa na lang sila ng sarili nilang baby," sabad naman muli ni France.


"Kung ayaw mo namang i-uwi si Lilac, ako na lang. Miss, can I invite you for a date?" natatawang singit ng isa pa.


Nilingon ito ni Indigo. "Get a life, Jacob! Can't you see she's with me? Ako lang ang puwedeng i-date ni Lilac. Allergic siya sa ibang lalaki," may himig ng iritasyon sa tinig nito. "Pakialaman mo ang sarili mong babae."


Nagkibit-balikat lang ang lalaking tinawag nitong Jacob. "I was just asking her. Kung ayaw naman niya, okay lang. Not my loss," may kayabangang sagot nito.


"Hindi talaga niya gusto. Just shut your freaking mouth!"


"Relax, guys. We're all cool here," babala naman ni France.


"It's okay, Bro. Sa labas ko na lang bubugbugin ang isang iyan mamaya," at saka nakipag fistbump kay Jacob.


Muntik pa siyang matakot dahil mukhang seryoso na sa pagsusukatan ang dalawa. Buti pala at sadyang may sayad din ang mga kaibigan nito.


Then he turned to her again. They just kept looking in each other's eyes with that damned delicious smile. Tumigil ang mundo. Hindi na niya naririnig pa ang patuloy na tuksuhan ng mga lalaki sa kanilang tabi. Tila silang dalawa na lamang ang naroroon at ang magkahawak nilang mga kamay. Kung hindi lamang nagkakawag si Baby Kier sa bisig niya ay mas matagal pa sana ang eye-to-eye nila ni Indigo.


"Hey, baby boy. Don't cry," alo niya sa bata.


Agad namang kinuha sa kanya ni Indigo ang bata at ipinasa sa ama nito. "Ang iyakin naman ng inaanak ko," kunwa'y reklamo ng binata.


"Ayaw nga kasi niyang nakikita ang pagmumukha mo. Ang pangit mo raw kasi," biro niya.


"Sino ba ang may karga sa kanya? Ikaw 'di ba? Ikaw ang pangit at hindi ako," nakalabing sagot nito sa kanya.


Nagtaas lang siya ng kilay. "I am ugly?"


Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kanyang mukha. His hand lingered on her cheeks. "You're never ugly. You're beautiful."


Wala nang nagawa ang puso niya. Napangiti na lang siya at nagpasalamat sa langit sa pagkakataong ito na hindi niya inakalang mangyari pa sa buhay niya. Magmula kasi nang tinanggap niyang wala na silang pag-asa, friendly touches na lang ang maaari nitong ibigay sa kanya. Subalit ngayon, parang lagpas na doon ang ngiti, tingin at haplos nito. Parang may kalakip na rin iyong something. Hay! Ayokong isipin! Ayokong isipin!


He slid his other hand to her palm and held tight. Masarap pala sa pakiramdam ang may kahawak ng kamay. Sa higpit niyon, tila sinasabi ni Indigo sa kanya na hindi ito bibitaw. Hindi siya nito pakakawalan. Kiming ngumiti siya sa naisip.

Continue Reading

You'll Also Like

261K 3.7K 25
PUBLISHED UNDER PHR If it was difficult for Amanda to make the decision of living with her best friend, it was even harder for her to go throug...
169K 3.4K 20
Galit sa paasa si Carol. Lalo naman sa paasa na nga, tumatalikod pa sa responsibilidad. Kaya lagot lang talaga sa kanya si Luis
96.9K 1.7K 10
PUBLISHED: May 2011 Dalawa ang rason ni Marivic kaya pumayag siya sa pakulo ng kanyang ina na makipag-date siya kay Lance. Una, gusto niyang makuha...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...