The Indigo In Lilac [PHR] - C...

By phrjelevans

171K 3.4K 352

"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are lo... More

Basahin Muna Ito
Teaser
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Patalastas!
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Patalastas Two!
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven - The End
Thank you!
Hello!

Chapter Six

9.5K 219 31
By phrjelevans

PAPASOK NA si Lilac ng bahay nag mag-ring ang cellphone niya. Hindi pa man siya nakakapag-hello ay agad na nagsalita ang nasa kabilang linya.


"Lilac, samahan mo naman ako sa party."


Agad namang rumehistro sa kanya ang boses na iyon. "Juan Fidel?"


"I'll fetch you later at six in the evening. Casual party lang iyon kaya hindi mo na kailangang magdamit ng hindi ka magiging kumportable. Samahan mo ako. Please?" pagmamakaawa sa kanya ni Juan Fidel. There was urgency in his voice.


"I can't. Aalis na ako mamayang gabi for my vacation," sagot niya.


Bumuntong-hininga ang kausap. "Please? Ihahatid kita sa pupuntahan mo bukas. Promise! Just be my date for tonight," tila desperadong pakiusap nito.


"What's with the party tonight?" nagtatakang tanong niya. "Bakit ba gustong-gusto mo akong makasama? Imbitahin mo si fine-lady-in-blue mo."


"'I did. Pero may iba na siyang date for tonight. Can you guess who?"


"Sino naman? I don't care kung sino ang ka-date niya. I need to leave tonight. It's a matter of life and death for me," masungit niyang sagot sa makulit na kausap.


"Si Indigo mo lang naman ang date ng mahal ko."


Natigilan siya at lumukob ang damdaming anumang oras ay maghahamon ng away. "Pagkatapos niyang makipagbiruan sa mga magulang ko kanina dito, magtataksil siya sa akin ngayon?" wala sa loob na bulalas niya. Hindi na bale kung magkita sila ng stalker niya, huwag lang mapalampas ang gabing ito na may makasamang iba si Indigo.


Natawa ang nasa kabilang linya. "Possessive, huh?"


"Sunduin mo ako rito sa bahay ng parents ko ng saktong ala seis. I'll text you the exact address. Kung hindi, malilintikan ka sa akin. And before I hang up, ihatid mo ako sa Baguio bukas ng umaga!" matatag na wika niya.


"Baguio? What the ---"


"Oh? Bawal magreklamo. Hindi ba't sabi mo ihahatid mo ako? You can't back out now. I'm cancelling my trip to be your date. Bawal magreklamo, Juan Fidel!" putol niya sa pagrereklamo sana nito at saka in-off ang tawag.


Ang balak niyang pagbiyahe niya ng gabi ay ipagpapabukas na lang niya sa ngalan ng pag-ibig!


"Akala ko ba sumuko ka na?" tanong niya sa sarili.


Napaamang siya sa naisip. "Oo nga pala," saka umismid. "I'll be there for Juan Fidel. Hindi ako pupunta doon for my own agenda."


Pero sino ba ang niloloko niya? She would go there for herself also, not just for Juan Fidel subalit kahit kailan ay hinding-hindi niya iyon aaminin.



"AKALA ko ba ngayon ang alis mo? Bakit kasama mo si JF?" kunot-noong sita sa kanya ni Indigo. Nilapitan siya nito at dinala sa isang sulok habang abala ang mga tao sa pagkuha ng pagkain. "What are you doing here?" tuloy pa nito. Kulang na lang ay umusok ang ilong sa galit.


"He invited me to join him tonight," patay malisyang sagot niya.


"How about your trip?"


"He promised he would drive me to Baguio tomorrow. Basta pumayag lang daw akong sumama sa kanya ngayong gabi," kalmadong paliwanag niya.


"No! He can't!" bulalas nito. Nang lingunin niya ay bakas ang namimintong galit sa mukha nito.


"Yes, he can," bulong niya.


"Ako na ang maghahatid sa'yo bukas!"


Naglaban ang kalooban niya. "Bakit ba ganyan ka? Lumalayo na nga ako sa'yo, lapit ka naman ng lapit!" Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil na isigaw iyon. Mula sa gilid ay nakita niyang nakatingin sa gawi nila ang original date ni Indigo. Nakita niya kung paano nito pasadahan ang itsura niya at ang bahagyang paglungkot ng mukha nito. Kahit na nag-uumapaw ang galak niya dahil tila kina-iinggitan siya ng magandang ka-date nito ay hindi niya kayang maging mang-aagaw sa paningin ng babae. She knew how it felt. "Hey! Instead of pestering me here, why don't you go to your date? Hindi magandang pinaghihintay mo siya," aniya at saka siya tumalikod.


"Lilac!" tawag nito subalit hindi na siya lumingon pa.


"Ang tagal naman kasing kumuha ng pagkain ni Juan Fidel," she muttered under her breath.


Nang matagpuan niya ito ay agad niyang isinukbit ang braso niya sa braso ng lalaki. "Huwag kang umarte, JF. They are looking at us. I'm sure of it," may kumpiyansang pahayag niya.


Right then as if on cue, paglingon nila ay siya namang paglapit ng iniiwasan niyang magkapareha. Nakangiti ang dalawa subalit nang dumako ang tingin niya kay Indigo ay nanlilisik ang mga mata nito. Hindi nito iyon maikukubli sa kanya.


"Pare," bati ni Indigo kay JF. Nagkamay ang dalawa.


"Siya nga pala, we always see each other but I haven't really gotten the chance to introduce my lovely date for tonight. JF, Lilac, meet Alessa. Alessa, this is Juan Fidel. Of course you know each other," tukoy nito kay JF at Alessa. "And this very pretty lady here is Lilac, one of my little sister's friend."


Inabot niya ang kamay nito at nakita niya muli ang lungkot na nakita niya sa mukha nito kanina. Kumpirmado. May pinagdadaanan rin ito. It's your fault, Indigo! He caught you talking to me. Sino'ng babae nga naman ang magiging masaya kapag nakita niya ang mahal niya na may kausap na magandang babae. Oh. He called me very pretty, biglang bawi niya sa isip niya. Silently, kinilig ang insides niya. He called her very pretty.


"Nice to meet you, Miss Lilac," nakangiting bati sa kanya ng babae.


She couldn't get angry with her even if Indigo was holding her hand. She just couldn't get angry with her sad eyes. Ako na ang martir! "Nice to meet you, too. You're very beautiful, Alessa," 'di mapigilang bati niya.


"Yes, she's beautiful," wala sa sariling bulong ni JF sa kanyang tabi.


Namula naman at bahagyang ngumiti si Alessa. Like she really liked the way Juan Fidel whispered those words.


Siniko niya ang lalaki at binigyan ng nagbababalang tingin. Natauhan naman ito at umakbay pa sa kanya. Nagpapanggap sila dahil sa dalawang taong ito na mahal nila subalit ayaw naman sa kanila. Kaya kailangang pagbutihan nila ang pag-arte.


Maayos naman ang naging takbo ng gabi kahit pa panay palabas lang sila ni JF para pagselosin ang mga kasama sa table, sina Indigo at Alessa. Even so, she still enjoyed the party and even saw familiar faces like Ysa Rivero, Juan Paolo and Juan Carlos.


"Uuwi na kami. I still has to pack my things for my travel tomorrow," paalam ni Lilac sa kanila.


"I-ingat kayo," sabi ni Alessa. Naroon na naman ang lungkot nito na hindi nito ipinapahalata.


"Sure. Kayo din ni Indigo."


Kinamayan ni Juan Fidel si Alessa at muntik pa siyang mapa-roll eyes. He lingered for seconds. "Come on, JF. Let's go."


"Pare, I have a suggestion," biglang singit ni Hell Dragon.


Kinabahan siya. "We don't have time, Indigo. We need to leave early."


"My suggestion would be, ako na lang ang magsasabay kay Lilac since her parents' house is just beside our house. And Alessa and JF's route is just the same. Right?" baling nito sa kanila.


"I think that's a great idea!" biglang payag ni Juan Fidel. Nakahanap nga naman ito ng pagkakataong ma-solo si Alessa.


"No!" protesta niya at the top of her lungs. Sa isang sasakyan na naman sila sasakay. Na-trauma na siya.


"It's settled then," masayang bulalas ni Juan Fidel.


"What?!" Lahat ng himaymay ng pagkatao niya ay tutol sa desisyong iyon.


"Tara na, Lilac. JF, bahala ka na kay Alessa. Take care of her. Okay? Babasagin ko 'yang mukha mo kapag may ginawa kang masama sa kanya," aya nito sa kanya kasabay ng babala nito kay Juan Fidel.


"P-pero, Indigo..." reklamo rin sana ni Alessa. Nalilito ang itsura nito kaya minsan pa siyang tumutol.


"No!" Ngunit wala ng saysay ang reklamo niya dahil hinawakan na ni Indigo ang braso niya at marahan siyang hinila palayo kay Juan Fidel.


"Huwag ka nang makulit!" saway nito sa kanya habang mahigpit siyang hawak.



"CALL me when something happens. Okay?" may kung ilang ulit nang bilin ni Indigo sa kanya.


Hinatid siya nito sa sakayan ng bus. Hindi kasi ito pumayag na si Juan Fidel ang sasama sa kanya sa Baguio. Ayaw din naman ni Lilac na ang lalaking ito ang maghahatid sa kanya. Ang ending, nagpahatid na lang siya sa sakayan ng bus kahit pa nga handang-handa ang lalaki at ang butler nito na ihatid siya sa kabundukan. Hiniling niya rin sa ama na huwag na siyang pasamahan ng butler. She is independent at ayaw niyang may bumubuntot sa kanya kung saan man siya magpunta.


"Hindi ka naman sumasagot sa mga tawag ko," sagot niya.


Tumikhim ito. "Hindi naman ako sumasagot ng tawag kapag hindi importanteng bagay," anito.


Parang kutsilyo na naman iyon na tumarak sa kanya. Bakit ba kasi nagtanong pa ako, sabi niya sa sarili. "Then I won't call you when something happens. Hindi naman ako importante. I might just waste your time."


Hindi niya napansin na punong-puno pala ng hinanakit ang tinig niya at narinig iyon ni Indigo. "I... Lilac... I didn't mean it that way," he said to her while giving her an apologetic look.


"Puwede bang huwag ka na lang magsalita, Indigo? Just let me get off quietly and get into that damn bus quietly. Don't talk," sansala niya. Mabigat ang kanyang loob.


"Sure," tila maamong tupang sagot nito sa kanya.


She needed silence. Mahirap na nga para sa kanya na kasama ito sa isang closed space tapos maririnig pa niya ang matalim nitong mga salita? This is torture, aniya sa sarili.


"Ihahatid na kita sa loob ng bus. Ako na ang mag-aakyat ng gamit mo," alok nito nang makarating sila sa terminal. Sinenyasan nito ang butler na maiwan na lang sa sasakyan.


Tumango na lang siya at nauna nang bumaba. Nakonsensya yata ang hudyo.


"Dito na lang ako sa likod ng driver. Pakibaba na lang dito sa gilid ang bag ko," turo niya sa sulok.


Nilampasan lang siya ng lalaki. "Dito ka umupo sa bandang gitna. Kung sakaling mahulog sa bangin ang bus, mas malaki ang tiyansang mabuhay ka," paliwanag nito. "I also paid for this seat next to you. Dito ko na lang ilalagay ang bag mo, so no one will seat beside you. Magiging kumportable ka."


He did that for her. He's concerned about me, huh? "Salamat," tipid niyang sagot.


"Sasamahan na lang muna kita rito hangga't 'di pa umaalis ang bus. Do you need anything? Water? May pagkain ka ba?" sunod-sunod nitong tanong.


"I'm fine, Indigo. Umuwi ka na. Saka..." bitin niya. Paano ba niya sasabihin? "Hindi kasi ako sanay na mabait ka sa akin. Pakiramdam ko tuloy baka mamatay na ako. Ang bait mo. 'Wag kang ganyan. Please?" pakiusap niya. Lalo kasing nahuhulog ang loob niya. May ugat ng pag-asa doon na pilit niyang pinapatay. Mabait lang si Indigo ngunit hindi ibig sabihin nito ay may pag-asa silang dalawa.


"'Wag kang mag-alala. Wala lang akong magawa." At hayu'n na naman ang katuwiran nito. Wala pa ring magawa sa buhay kaya siya ang pinagdidiskitahan.


"Alam ba ni Alessa na magkasama tayo?" tanong niya.


"Oo naman. I told her last night after I checked kung naihatid ba siya ng maayos ni Juan Fidel," sagot nito.


"A-are y-you... dating her exclusively?" pigil hiningang hirit pa niya.


Tiningnan siya nito at binigyan ng nakakalokong ngiti. "Why are you asking?"


"Nothing!" defensive niyang tugon. "I just want to know."


"She has been my date for some time now. Laging siya ang isinasama ko sa mga events na pinupuntahan ko. But we're not dating exclusively. Ayaw niya eh," paliwanag nito sa kanya habang tinititigan mabuti ang kanyang reaksyon.


Tumango lang siya. She must be very special. Hinihintay mo talaga siyang pumayag.


"How about JF and you? Are you dating exclusively?" ganting tanong nito. He even smirked.


"No. Not exclusively. Not yet. Maybe after my soul searching ay seryosohin ko na ang tungkol sa aming dalawa," sagot niya. Wala siyang ideya kung saan ang tutunguhin ng pagpapanggap nila ni Juan Fidel pero hangga't magagamit niya ang fake nilang relasyon para lang hindi siya magmukhang tanga kay Indigo ay itutuloy niya ang palabas nila.


"Then after your vacation, I might keep an eye on you better."


Nagulantang siya. "B-Bakit n-naman?"


"Because I... I want to know how it feels... dating you, Lilac. Kung hahayaan mo ako," putol-putol nitong tugon sa kanya na tila tinitimbang ang lahat ng sinasabi.



"WELCOME back, Miss Lilac," masiglang bati sa kanya ng mga empleyado nang umagang iyon. Nakabalik na siya galing sa tatlong linggong paglilibot sa kung saang sulok ng Pilipinas para makapagpahinga at magkaroon ng bagong mga karanasan.


It was a sunny and vibrant Monday morning. She woke up earlier than usual and zipped up her most impeccable business suit. She stood tall in her three-inch heels while wearing her devil red lips. She just let her hair fall loosely. 'Yan na ang panibagong style na paninindigan niya ngayon. Farewell to her teenage image. Lagi na lang kasi siyang napagkakamalang estudyante dahil sa pag-iwas niyang magsuot ng ganito kapormal na damit at heels na tatlong puldada ang tangkad. Of course, she wore them whenever parties and events were at hand but she really never paid much attention to her suit and appearance in the office. First time din niyang maglagay ng ubod ng pulang lipstick.


Nakangiti niyang kinawayan ang mga naka-linyang staff at sa dulo niyon ay inabutan pa siya ng malaking pumpon ng kulay lilac na rosas.


"Kaninong pakulo ito, ha? Masyado ninyong pinapaganda ang umaga ko!" kinikilig niyang wika at pinasadahan ng amoy ang hawak na bouquet.


"Sa admirer niyo po, Ma'am!" sagot ni Wendell, ang isa sa mga senior managers na naroroon.


Tiningnan niya ito at natawa, "Si Daddy lang ang nag-iisa kong admirer, Wendell."


"Hindi na siguro ngayon, Miss Lilac," may himig ng panunuksong singit ng executive assistant sa kanyang tabi.


"Paboritong kulay ko pa itong mga rosas. These are hard to find! Well, everyone! Thank you for the warmest welcome ever!" pasasalamat niya at nagtuloy na sa elevator area.


'Pag bukas ng elevator sa palapag ng kanyang opisina ay muntik pa siyang masamid sa sariling laway nang madatnan ang hindi inaasahan. Indigo was standing at the middle of the receiving area, smiling, wearing his suit and tie, holding another bunch of her favorite flowers.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 41.2K 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang s...
25.2M 630K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
1.4M 33.4K 32
Laki sa hirap si Bianca. Dalawa ang trabaho niya para lang maka-survive sila ng sakiting ina sa araw-araw. Kaya nang makilala niya si Ross at hayagan...
251K 7.5K 34
THIS STORY IS EXCLUSIVELY AVAILABLE ON DREAME Mistake Series #1 (Completed) "Let's talk about how other people mistakingly thought that we're destine...