My Professor, My Love.

By SpecterOfYou

493K 13.1K 513

Have you ever fell inlove with your teacher? Or in this case, to your Professor? More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
Untitled Story Part
CHAPTER 40
Author's Note.
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 72
CHAPTER 71
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 85
CHAPTER 86 (Letting you go)
EPILOGUE
My Message From Me to You

CHAPTER 84

4.1K 113 8
By SpecterOfYou


Kinabukasan, ang sakit ng buong katawan ko. Ubo dito, sipon doon. Paulan pa Karlota, ang drama mo e.

"Karlota, wag kanang pumasok ang taas ng lagnat mo." Sabi ni Mama.

Para kong uhuging bata na nakasuot ng malaking tshirt at short habang may hawak hawak na isang rolyo ng tissue na sisinga kada segundo. Hawak ko yung acceleration test para ipakita kay Mama, pumasa ako sa test na hindi man lang nila nalalaman na nagtake ako ng ganung test.

"Ano ito?"

"Papel Ma."

*PAK!*

"Ma naman eh!"

"Alam kong papel ito, loko kang bata ka."

Nakakaloka, may sakit na nga ako binabatukan pa ko. Alam ko na, kay Mama ko talaga namana yung pagiging amazona ko. Inabot ko pa sakanya yung salamin nya sa mata para mabasa nya yung maliliit na letra na nakasulat sa papel.

"Ano ito uhh.....Certifi-certificate of a.....acceleration....test....Charlotte....uhhh...anong basa dito anak?"

Nilapit pa sakin ni Mama yung papel at tinuturo sakin yung word na "PASSED".

"Ako na nga magbabasa para sainyo Ma!" Kinuha ko yung papel at nagbasa sa harapan nya.

"This is a certificate of acceleration test that Ms. Charlotte Briones  from class 48-15, class instructor Mr. Yuji Salvatore that she took and passed the exam. She will be on the list of graduates this month of March 03, 2014. Congratulations!"

Pagkatapos ko magbasa, tumingin ako kay Mama. Halata sa itsura nya na wala syang naintindihan sa binasa ko. Mama ko talaga, matanda na.

"Ma? Naintindihan nyo po ba yung binasa ko?"

"Ma!"

"Uy! Mama!"

*PAK!*

"Wag ka magulo iniintindi ko pa yung binasa mo!"

Tingnan mo 'tong nanay ko. Ang amazona talaga e, hindi ba nya alam nananapak din ako? Joke, baka hambalusin ako nyan.

"Ibig mo bang sabihin nagtake kanang test at naipasa mo?"

"Opo."

"Acceleration test? Ibig sabihin gagraduate kana agad?"

"Opo."

"Hindi na kami gagastos ng Papa para sa tuition fee mo next year?!"

"Grabe, ganun ba ko kabigat pagaralin Ma? Opo, graduate na po ako. Hindi na kayo gagastos ng tuition fee next yea--"

"AHHH!!!! JOSELITO! ANG ANAK MO! ANG ANAK MO!" Nagtatatakbo si Mama sa taas papunta sa kwarto nila ni Papa.

"JOSELITO! HINDI KA MAKAKAPANIWALA! ANG ANAK MO! ANG ANAK MO!"

"Maganda! Maganda!" Natatawa kong sabi habang naririnig parin si Mama na sumisigaw sa taas.

"ANONG NANGYARI SA ANAK NATIN?! NAPAHAMAK BA?! NA ANO NA NAMAN SI KARLOTA?!" Natatarantang sagot ni Papa.

Grabe nagsisigawan sila, hanggang dito sa baba naririnig ko sila. Nasa lamesa lang ako at kumakain ng champorado na luto ni Mama hanggang sa nakita kong bumaba si Raven.

"Ang ingay ni Mama, anong meron?"

"Ewan." Sagot ko habang nilulunod ng evaporates milk yung mangkok ng champorado ko. Yum! Yum!

"KARLOOOOOTA!!!!!"

Susubo palang ako ng champorado ko, si Papa naman nagsisisigaw habang bumaba sya ng hagdan.

"Pa! Mahulog kayo! Magdahan dahan naman kayo." Inalalayan pa ni Raven si Papa bumaba ng hagdan.

Umaalog alog pa tyan ni Papa habang bumababa e. Laughtrip.

*HUGS*

"Pa--Papa...can't...breath..." Halos hindi ako makahinga ng yakapin ako ni Papa ng sobrang higpit.

To think na may hawak pa kong kutsara diba.

"Pa, ano po bang meron at nagsisisigaw kayo ni Mama?" Tanong ni Raven.

"Ang ate mo gagraduate na! Basahin mo to dali!" Binigay ni Papa yung papel kay Raven.

Kawawa naman yung certificate ko, gusot gusot na. Di bale, may copy pa naman ako sa school.

"Naks naman!" Sabi ni Raven habang nakikipagapir sya sakin.

Si Papa kanina pa ko hindi binibitawan, si Mama naman nasa telepono agad at sinabi agad sa mga kamag-anakan naming graduate na ko acheche. Ang tali-talino ko daw, manang mana daw sakanya. Inagaw naman ni Papa yung telepono at sinabing HINDI! SAKIN NAGMANA SI KARLOTA!

Nakakaloka.

"Hep. San ka pupunta?" Tanong ni Mama.

"Maliligo na Ma, kasali ako sa committee na magoorganize ng school ground para sa graduation day."

Hindi lang naman ako, kami kami nila Travis at Jess.

"O sige, pero umuwi ka agad at ipagluluto kita ng marami ha?"

Wow.

"Pag sinabi nyo bang marami, kasama pati ginataang alimango lulutuin nyo Ma?" Favorite ko yun!

"Kahit ano pa, Anak. Reward mo yan dahil nagmana ka sa akin, matalino!"

Bigla namang humarang si Papa samin at nakipagtagisan na naman kay Mama.

"Sa akin nagmana si Karlota! Bagsak ka nga palagi sa Math e!" --Papa

"Anong bagsak sa Math?! Gusto mo pakita ko pa sayo yung card ko noon? Matataas ang gradea ko oy!" --Mama

"Ano, magsstay kaba dyan o sasabay kana sakin pumasok?" Sabi ko kay Raven at sabay na kaming umakyat sa taas.

Iniwan na naming nagtatalo sila Mama at Papa sa baba. Para talaga silang mga bata.

---

Pagdating ko sa school, lahat ata ng klase ng gamot nasa bag ko na. May dala pa kong rolyo ng tissue, para na kong mamamatay nito.

"SHACHA!!!!"

Nagsitakbuhan sila Travis at Jess sakin pero bago pa sila makalapit, nababahing na ko.

*Achooo!*

"Ewww..." Sabay nila sabi habang unti unti silang umaatras palayo sakin.

"Ano na? Nasaan na ang hug ko?"

"WAG! Wag kang lalapit sakin, Sha! May sipon ka ewww!" --Travis

"Pati saken! Wag na wag kang makakalapit sakin, Cha! Please lang! Layo ka muna! La---"

*HUGS!*

Hindi na sila nakaimik ng yakapin ko sila pareho ng sabay. Ang aarte, puro sila ewww habang niyayakap ko sila. Pinagkikiss ko pa sila sa mga pisngi nila, lalo sila nandiri hahaha!

"Charlotte."

Natigilan ako sa kakayakap ko sa dalawa ng may magsalita sa likod ko.

Lord, bakit ngayon pa. Hindi ko pa sya kayang harapin ngayon.

"Yan, si Sir. Yuji nalang yakapin mo, till death do us part naman kayo diba? Haha" --Travis.

*PAK!*

"AHH! SHAA!!"

"Loko ka e, tara na nga maiwan na namin kayo, Cha." Sabi ni Jess habang hila hila nya si Travis.

Pagka-alis nila, syang hila sakin ni Yuji paakyat ng building. Hawak hawak nya yung kamay ko papunta sa office nya. Gusto kong bumitaw pero ang higpit ng hawak nya sa mga kamay ko.

*Door opens then closes*

"You passed the test, right? Bakit hindi mo nirereplyan yung mga text ko?" Tanong nya.

"Wala akong load."

"Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot."

"Tulog ako."

Nakayuko lang ako habang kinakausap nya ko. Ayoko syang tingnan. Ayoko.

"Charlott--"

"May uhh...handaan sa bahay mamaya. Iniimbitahan ka nila Mama at Papa, makakapunta kaba? Kasi kung hindi ok lang, o kung pumunta ka nga tapos aalis kalang din wag nalang, ako nalang magsasabi sa kanila."

"Charlotte, I'm really sorry. Maxine had contractions, in any day by this week or next week manganganak na sya." May ngiting kumurba sa mga labi nya ng sabihin nya yung part na manganganak na si Maxine.

I can te na excited sya sa paglabas ng anak nya.

Gusto ko magalit, gusto ko manumbat, gusto ko sumigaw, gusto ko syang itulak, gusto ko syang konsensyahin, gusto kong sumabog ngayon din pero nung tumingala ako at nakita ko yung mga mata nya, nawala lahat ng nararamdaman ko sakanya. Gumaan yung loob ko, nagiging mahina na naman ako.

I smiled.

"That's great! May naisip na ba kayong pangalan para sa baby nyo?"

Ngumiti nadin sya ng makita nya kong nakangiti sakanya.

"Marcus. Marcus Salvatore yung ipapangalan namin sa bata. It's a boy, Charlotte!"

Sa sobrang saya nya, binuhat nya ko at niyakap nya ko ng mahigpit. Kwento sya ng kwento habang nakayakap sya sakin pero ako, hindi ko mapigilang maiyak habang yakap yakap ko sya.

Nakakatuwa dahil ngayon ko lang sya nakita na ganitong kasaya sa loob ng limang buwan na naging kami. I never seen him this happy before, I never seen him so excited and full of joy na tipong kahit sinong nasa harapan nya mayayakapin na nya sa sobrang saya nya. Ang saya nya, sobra.

"Thank you so much, Charlotte. Sa pagiintindi at pagtanggap sakin. Ikaw at ang mag-ina ko ang kumukumpleto ng buhay ko."

At yun na nga. Hindi ko na kinaya. "Mag-ina" Yun ang sinabi nya. Pamilya na sila, buong pamilya.

Ikaw at ang mag-ina ko.

Yun na ata ang pinaka-masakit na narinig ko sa talambuhay ko. Ako dapat, kami dapat ng magiging anak namin ang tatawagin nyang mag-ina pero hindi. May sarili na syang pamilya sa iba.

---

Continue Reading

You'll Also Like

84.3K 3.3K 120
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
15.8K 1K 33
Are you willing to fight for your love even when the whole world is against it?
2.7M 6.7K 7
Arrange Marriage #1 Skyler Takagi is a half filipino/half japanese guy, Jenny Ahbighael Lee's childhood friend and ultimate crush. Skyler Takagi is t...
545K 10.1K 65
Magkapatid kami, nagmamahalan kami Ano ang gagawin mo kung sakaling mahuli ka ng mga kaibigan at magulang mo? Pano kung my dumating na pagsub...