So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 25 : Box - Nicks

23.3K 368 71
By Ytianity

Pasensya ulit kung inaabot na ako ng halos isang linggo bago mag-upload. Nauubusan na kasi ako ng ideas eh. Kaya ngayon, nauubos oras ko sa panunuod ng mga 'romantic' na pelikula at saka sa pagbabasa ng ibang libro na may kaparehas ng tema.

Anyways, bagong chapter na! Hahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

ALLEN'S POV

"Allen!" ano na naman, Karl!?

Oof! Back hug na naman? Natutuwa-tuwa ka na sa pagyakap-yakap mo sa akin ha?

"Bitawan mo nga ako! Ano bang kailangan mo't nanggugulo ka sa groupings?" tanong ko sa kanya.

"Hoy! Kagrupo mo din ako, baka nalilimutan mo! Saka wala naman yung iba ah!?" sabi niya mula sa likod ko tapos pumunta siya sa harap ko at may nilabas siya sa bag niya.

Isang box na kasing laki ng box ng relo. Relo ba 'to? Naku! Wag naman sana, puro gastos na lang siya eh.

Inabot niya sa akin yun tapos ay hinila niya ako paupo sa damuhan, umupo siya sa harap ko, at sinenyasan akong buksan yun.

Kabado kong sinuri yung itim na box tapos titingin ako sa kanya, hoping na maiinip siya at siya na ang magbubukas nun o kaya sasabihin na lang niya ang laman nun.

Nung bubuksan ko na yung takip ay biglang dumating si MJ.

Umupo siya sa tabi ko tapos ay pinisil na naman niya ang pisngi ko.

"Hoy, cute! Salamat ha? Nanalo ako dahil sa'yo." nakangiti niyang sabi. What's with the cute? Nickname niya ba sa akin yun?

"Tss. Anong pinagpapasalamat mo? Eh isang boto lang naman ako ah?" sabi ko sa kanya tapos itinabi ko muna yung box sa gilid ko.

Pinisil niya ulit yung pisngi ko tapos ay ginulo niya yung buhok ko. Nung tanggalin niya yung kamay niya ay tinampal ko yung pisngi ko at diniin ko dun ang palad ko tapos saka ko inayos yung buhok ko.

"Ang cute-cute mo talaga! Eh kasi nga dahil sa'yo nanalo ako. Sabi kasi ng ibang bumoto, ibinoto daw nila ako dahil sa'yo. Na-cute-an kasi sila sa'yo nung samahan mo akong mag-room to room." ang babaw naman ng mga ka-course namin! Tss. Bigla niya akong tinapik sa balikat tapos may inabot siyang box din mula sa likod niya.

Saan galing yun? Kanina parang wala naman siyang dala-dala ah?

Inabot niya sa akin yung box kaya kinuha ko naman agad.

"Ano 'to?" curious kong tanong habang inaalog-alog yung box.

Pinigilan niya ako at umiling siya.

"Mamaya mo na buksan yan pag umalis na ako. Baka kasi pag alam mong nandito ako, hindi ko makita yung ine-expect ko." nakangiti at mahina niyang sabi.

Tumango na lang ako tapos ay saka siya umalis.

Inalog ko ulit yung box pero parang wala namang laman. Nakaka-curious na talaga ha? Mabuksan na nga.

Dahan-dahan kong hinawakan yung takip at hinila pabukas. Pero hindi ko pa nahihila ng buo yung takip ay may humila nito mula sa akin. Ano bang meron at may pumipigil sa akin na magbukas ng mga kahon ngayon? Nakaka-Pandora's Box naman ang peg sa sobrang dami ng hindrances.

Nilapag ng kumuha yung box sa kabilang side ko.

"Ano ba yun, Jake?" tanong ko sa kaibigan kong mukha nang nakakatakot dahil sa sobrang creepy ng ngiti.

"May ibibigay ako sa'yo." sabi niya.

"Ano yun? And would you please stop smiling? It's freaking creepy!" utos ko sa kanya at inalis naman niya agad yung creepy smile niya.

"Ito oh!" he exclaimed, tapos nilabas niya ang isang malaking box ng Nerd's! Yung mala-rainbow sa dami ng kulay? Yun!

Nanlaki yung mata ko at napatayo ako sa sobrang excitement!

"Sheeeet! I love you, Jake!" patalon-talon kong sabi sa kanya tapos ay nayakap ko siya.

"Alam ko kasing favorite mo 'to kaya binili ko nung nakita ko." sabi niya at sa tapat pa ng tenga ko! Grabe! Nakikiliti nga ako pag binubulungan with a husky voice eh! Nyeta!

Kumalas ako sa pagkakayakap tapos ay kinuha ko sa kanya yung Nerd's.

"Thank you dito." nakangiti kong sabi habang nakataas yung Nerd's tapos saka ko siya kiniss sa pisngi.

Ngumiti naman siya at pinat yung ulo ko.

"Sige, una na ako ha? May klase pa ako eh. Dinaanan lang kita para ibigay ko yan." nakangiti niyang sabi tapos tumango naman ako.

Bago siya umalis ay niyakap niya ako using his right arm lang, yung tipong yakapan ng mag-bro.

Bubuksan ko na sana yung Nerd's nang bigla namang iabot sa akin ni Karl yung bag ko.

"Next subject na! Akyat na tayo." seryoso niyang sabi. Bakit na naman? Ano na namang ikinaseseryoso nito sa buhay?

Tiningnan ko yung pwesto namin at nakita kong wala na yung mga box dun. Kinapa ko yung bag ko at may tumamang kanto ng box sa braso ko. Yep, nandito na nga yung mga box.

Nauna nang naglakad si Karl. Ano namang ikinagagalit nun? Tss.

KARL VINCENT'S POV

Tch. Nalimutan na yung box ko. Pinabili ko pa naman kay Daddy yun sa America. Tch.

Inuna niya pa yung Nerd's ng pinakamamahal niyang bestfriend kesa sa BRACELET na galing sa akin! Tch!

Tapos, nandyan pa yung box ng MJ na yun. Argh! Ang daming epal ngayong araw! Kailangan sabayan yung pagbibigay ko ng box? Tch!

Kinuha ko na lang tuloy ulit yung box, hindi ko na ibibigay sa kanya. Tutal at nalimutan naman na niya eh. Tch.

"Karl, paabot nung papel oh. May isusulat lang ako." utos niya. Bakit hindi ikaw ang kumuha?

"Thank you!" salamat ka at hindi kita kayang tiisin!

"Par, may nagpapabigay nito oh." sabi ni Jomar tapos ay inabot niya sa akin ang isang maliit na box.

Ako rin may box? Uso ba ngayon ang bigayan ng box? O baka naman 'Internatinal Box-giving Day' ngayon?

Whatever. Kung ano man laman ng box na 'to, wala akong paki!

"Buksan mo kaya." sabi ni Allen.

What? Wag na! Baka nakakahiya laman nito eh.

"Oo nga, par. Tignan natin laman. Mamaya singsing laman niyan at nagpo-propose na pala yung nagpabigay nyan." nakangiti pang pambubuyo nito ni Jason na tinawanan naman nina Jomar at Allen.

Tawa pa!

Binuksan ko agad yung box pero wala namang kakaiba dun. Isang maliit na rolyo lang ng papel ang nandun.

Kinuha ko yun at binuksan.

Napamura ako ng makita ko kung ano yung nakalagay sa papel!

'Karl Vincent Anacleto, I really, really like you!'

Shit naman oh! Hindi ba talaga susuko 'tong taong 'to? Tatlong linggo na mula nung 'bastedin' ko siya ah? Hindi niya ba ma-gets na ayaw ko sa kanya? Nakikita naman niya sigurong kasama ko palagi si Allen diba? Siguro naman from there napi-pick-up na niya na si Allen ang gusto ko diba? At saka sinabi ko naman nang 'syota' ko si Allen ah? Hindi ba yun kapani-paniwala? Tch.

Nilamukos ko na lang yung papel tapos hinagis ko sa trash bin na nasa sulok katabi ng pinto sa harap.

Pesteng araw 'to. Una, hindi pinansin ni Allen yung regalo ko. Pangalawa, umepal si MJ at may dala ding box. Pangatlo, UMEPAL din si Jake at may dala ding BOX ng Nerd's. Pangapat, itong misteryosong Freshman na ito na pilit akong 'nililigawan' ay may binigay sa akin na BOX na nakakairita ang laman! Bakit kaya ayaw niyang magpakilala? Parang timang!

Hay. Hay. HAY!

"Karl, itigil mo nga yan! Naba-bother ako!" biglang sabi ni Allen habang nagte-take down ng notes.

Eh kung hindi mo binalewala yung regalo ko, edi sana hindi ako mukhang tangang nag-o-overthink dito. At saka bakit ka naba-bother? As if namang concerned ka talaga sa akin. Eh ni hindi mo nga ako napansin nung dumating yung dalawang mokong eh. Tch.

"Itigil ang alin? Nananahimik ako ah?" sagot ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako tapos ay may sinulat siya sa isang papel. Tumayo siya at nagpaalam sa prof na magsi-CR lang. Bago niya ako lagpasan ay inabot niya sa akin yung papel na sinulatan niya.

Oh, ano to? Ako pa magtatapon ng basura?

Binuklat ko yung papel at napangiti ako sa nakasulat.

I raised my hand and ...

"Ma'am! May I go out!?"

ALLEN'S POV

"Ang tagal mo naman! Akala ko hindi mo binasa eh." sabi ko sa kanya habang nakasandal ako sa pader.

"Akala ko kasi basura eh." nakangiti niyang sabi.

Che! Pakainin kita ng basura dyan eh.

"Bakit ba? Ano bang gagawin natin dito?" bigla niyang tanong.

Kakanta! Kakanta tayo sa fire exit, Karl! Minsan, napapaisip ako kung matalino ka ba talaga o nagmamarunong ka lang.

"May ibibigay ako sa'yo." sabi ko sa kanya tapos bigla siyang nagkunot ng noo.

Nilahad niya yung dalawang kamay niya na para bang nag-aantay ng materyal na bagay. Pero wrong ka Karl! Hindi materyal na bagay ang ibibigay ko! Hahaha.

Hinawakan ko siya sa balikat at hinalikan ko agad siya sa pisngi.

Nung bumalik ako sa pwesto ko ay nakita kong nakatulala siya. Okay ka lang dre?

Kinaway-kaway ko yung kamay ko sa harap niya para kunin yung atensyon niya, which I successfully did!

"A-ano yun? P-para saan yun?" nauutal-utal niyang tanong.

Oh, how cute! Nahihiya si Baby-Boy sa akin! Hihi.

"Reward! You behaved yourself when Jake was there eh, in front of you." nakangiti kong sagot sa kanya tapos ay pinitik ko siya sa tenga.

Hinawakan niya yung tenga niya tapos ay tinitigan ako, yung tipong 'What-was-that-for!?'.

"Get a hold of yourself nga! Para kang tanga dyan!" sabi ko sa kanya pero in truth, kinikilig ako!

"Eh, nabigla ako eh." sagot niya tapos nag-pout pa.

Ano baaaaa!? Itigil mo nga yan! Palagi ka na lang ganyan! Anak naman ng pitumpu't pitong puting pating eh! Tama na pagpapa-cute, okay? Baka hindi na kayanin ng puso ko eh. Kain pa naman ako ng kain ng ma-cholesterol this past few days!

"Tigilan mo nga yang pagpa-pout mo! Ang pangit kaya sa'yo! Hindi bagay!" pagsisinungaling ko.

"Weeh? Eh bakit namumula ka? Kunwari ka pa, naku-cute-an ka na sa akin eh." oo na, oo na! Peste ka kasi! Ang gwapo mo na nga, nagpapa-cute ka pa! Kainis!

"Hindi 'no! Ang kapal naman ng mukha mo! Mas cute ako sa'yo!" pagmamayabang ko. Totoo naman diba? Nagawa ko pa ngang panalunin si MJ dahil sa ka-cute-an ko eh. Hahaha.

Umikot siya at tinalikuran ako.

"So, kaya ka tinatawag ng MJ na yun ng 'cute'?" hilig niyang gumanyan. Yung bubulong pero naririnig ko. Seriously, bumubulong ka ba o talagang gusto mo lang iparinig yang mga iniisip mo?

Tinusok ko yung tagiliran niya at nag-react naman siya.

"Uy, may nagseselos~" pakanta kong sabi.

Umikot naman siya pero hindi ako tinitigan.

"Selos? Tch. Mas gwapo ako dun sa lalaking yun para magselos." angas-angasan niyang sabi.

Wow! I-deny mo nga! Hahaha!

"Nagseselos ka eh." sabi ko tapos tinusok ko ulit ng daliri ko yung tagiliran niya.

"Hindi nga! Ang kulit!" sabi niya tapos tinalikuran niya ulit ako.

"Selos."

"Hindi."

"Selos eh."

"Hindi nga! Kulit!"

"Seloso!"

"Hindi nga! Bata!"

"Ha? Bata? Sinong bata?"

"Ikaw! Mas bata ka naman talaga sa akin ah?! Saka yung kakulitan mo, parang sa bata!"

"Wow ha! Ikaw nga 'tong makulit eh."

"Ikaw kaya! Bata!"

"Heh! Pangit!"

"Ako pangit? Masamang magsinungaling, Allen. Tsk tsk."

"Oh sige, hindi ka pangit. Cute ka."

Katahimikan.

Katahimikan.

KATAHIMIKAN!

"Bakit?" bakit ang tahimik mo?

"Tch. Tinawag mo akong 'cute'" seryoso niyang sagot.

"Oh eh ano naman? Parang cute lang?" tanong ko.

"Ayoko nun! Tawagin mo na ako sa lahat ng gusto mong itawag sa akin basta wag lang yun." monotonous niyang sabi.

"Ha? Bakit? Anong problema kung tatawagin kita nun?" curious kong tanong. Ano bang problema dun diba?

"Eh yun yung tawag sa'yo ni MJ eh." o-kay, hindi daw siya seloso! Hahaha.

"Eh ako naman tatawag sa'yo nun ah? Anong problema dun?" tanong ko sa kanya.

"Basta!"

"Cute!"

"Allen!"

"Cute!"

"Ano ba!? Wag nga yun!"

Lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya tapos sinabi kong ...

"Ang cute-cute mo!"

Hinawi niya yung mga kamay ko tapos tinulak ako, pero mahina lang naman, saka niya ako nilampasan.

Oy, wait!

Hinabol ko siya at hinawakan sa braso. Paghatak ko nung braso niya ay sinabayan niya yun ng ikot at bigla pa akong ... NIYAKAP!

O-kay! Ano 'to!? Ganito na lang palagi, Karl?

Yung pakikiligin mo ako tapos hindi mo pananagutan yung feelings ko? Grabe ha? Wag ganun!

PANAGUTAN MO 'TO! PANAGUTAN MO 'TONG GINAGAWA MO SA AKIN! Hahaha.

"Ganyan ka lang? Baka wala na tayong abutan sa klase!" nakangiti niyang sabi habang nakatago yung mga kamay niya sa likod niya.

Ang cute talaga ng Baby-Boy ko! Hahahaha.

KARL VINCENT'S POV

What?! Nagtataka na naman kayo kung bakit ginawa ko yun?

Eh sa hindi ko na mapigilan yung sarili ko eh!

Oo, alam ko dapat ko nang aminin kung ano nararamdaman ko para kay Allen! Kaso natatakot pa ako eh. Ano na lang sasabihin ng mga tao? Na nakakadiri ako, kami, kasi pinatulan namin ang isa't-isa kahit we're both on the same sex? Ayoko ng ganun.

Kuntento na ako sa ganito. Yung nagpaparamdam ako pero parang wala lang sa kanya. Ayos na yun! At least, nailalabas ko yung feelings ko para sa kanya na hindi nalalaman o napapansin ng iba.

Tapos pa, nawala na rin yung galit ko kasi kiniss niya nga ako kanina. Nakakawala pala talaga ng galit yung kiss? Yung mga naging girlfriends ko kasi parang hindi ko naramdaman sa kanila yun.

"Oh ano! Manunuod ba tayo sa inyo, Karl?" biglang tanong ni Jason.

Bakit ba napakakulit ng taong 'to? Sa aming tatlo, parang siya yung kiti-kiti eh.

"Oo na! Ano ba gusto niyong panuorin?" tanong ko sa kanila para maipahanda ko na yung kwarto ko.

"Kahit ano! Basta! Pwede namang mamili dun sa inyo eh."

So, ayun after ng 3 classes namin ay ito na kami at nasa harap ng bahay namin.

"Mommy! Nakauwi na po ako!" sigaw ko bilang pagpapaalam.

"Wala siya Karl. Nagpunta sa mall kasama Daddy mo." sagot ni Manang.

Grabe! Hindi nila ako sinamaaa!

Anyways!

"Sa kwarto lang po kami ha? Pag dumating sila at hinanap po ako, nandun lang po ako." sabi ko kay Manang tapos ay umakyat na kami.

Agad na tumakbo yung dalawa at nag-agawan agad sa computer.

"Par, pahiram nga ng laptop mo. Naunahan ako ni Jomar eh." malungkot na sabi ni Jason.

Hinagis ko sa kanya yung susi ng kotse ko.

"Kunin mo sa kotse. Naiwan ko dun eh." sabi ko tapos ay agad siyang lumabas ng kwarto.

Si Allen naman ay parang security guard na nakatayo sa gilid.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.

"Saan ba ako uupo? Dati nung pumunta ako dito, may beanie ka, may upuan dito sa sulok, ngayon, sahig at saka kama mo na lang ang pwedeng upuan. Ayoko namang umupo sa kama mo kasi baka isipin mong feel at home ako. Pero ayaw ko din namang umupo sa sahig kasi mal---" tinakpan ko yung bibig niya kasi masyado na siyang maraming sinasabi.

Nginitian ko lang siya at ginabayan papunta sa kama, habang nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig niya. Tumuntong ako sa kama at sinenyasan kong umupo na rin siya.

Nung una ay mukhang nag-aalangan siya pero kalaunan ay umupo rin siya.

"Wait lang ha?" pagpapaalam ko sa kanya para magpalit ng damit.

Pagbalik ko galing CR, alangan namang magpalit ako sa harap niya, nakakailang, ay nakita kong nakatulala siya sa akin.

ALLEN'S POV

Peste naman oh! Yan ka na naman Karl eh! Nagsisimula ka na naman sa mga ano mo eh!

Kailangan ba talagang naka-muscle sando ka na white-and-navy-blue-striped? At saka naka-fatigue shorts? Ang lamig-lamig dito sa kwarto mo tapos nag-ganyan ka pa? Pero, aaminin ko, ang gwapo mo dyan!

Tumingin ako sa kanya at may sinabi ako sa kanya, yung walang boses, mamaya mag-react ng violently yung dalawa eh.

"Ang cute mo!" sabi ko, mute mode ako.

Ngumiti lang siya at napakamot ng ulo! Ay shit pow! Yung armpit hair nya, jusko! 18 pa lang siya pero ganun na agad kakapal yun? Ibaba mo nga yan! Mamaya may mangyari nang masama dito eh, if you know what I mean! Hahaha.

Bumalik siya sa pwesto niya at nagkumot. Bumalik na rin si Jason dala-dala ang isang laptop. Umupo yung kumag sa sahig at agad na binuksan ang laptop.

"Par, DoTA!" excited na sabi ni Jason.

"LoL na lang. Naglalaro na ako eh." sagot naman ni Jason na busyng-busy sa pag-command ng hero na gamit niya.

"Walang LoL dito. HoN, meron dyan? Tang kasi nito ni Karl eh, uso mag-download ng patch, Par!" sabi naman ni Jason sa dalawa niyang kaibigan.

"Lul! Kayo nga lang gumagamit ng computers ko pag nandito kayo eh, so, by the time na gagamitin ko na yan, nalilimutan ko nang mag-patch." pagdadahilan naman ni Karl.

"I-DL mo patch ng LoL para sa susunod yun na yung laruin natin." sabi naman ni Jomar.

"Sandali lang! Alam ko may patch na dito eh." sabi ni Jason.

"Wala, tanga!" sabi naman ni Karl.

"Lul! Kinalkal ko 'to kahapon! May nakita ako. Yun ata yung dinownload ko nung isang araw eh." sabi naman ni Jason.

Wow ha? Mas kabisado pa nila gamit ni Karl? Hahahaha.

"Bahala ka." sabi na lang ni Karl tapos nag-slouch siya at tinaas yung kamay niya. Nilagay niya yun sa likod ng ulo niya at ginawa iyong unan.

Shit, Karl! Sabi nang ibaba mo yang braso mo eh!

Umiwas na lang ako ng tingin tapos ay kinuha ko yung bag ko sa sahig sa gilid ng kama. Binuksan ko iyon at kinuha ang box.

Wait nga! Dalawa dapat 'to ah? Bakit box lang ni MJ ang nandito? Nasaan na yung binigay sa akin ni Baby-Boy? Nasaaaaaaan?!

"Karl, diba ikaw naglagay ng mga box sa bag ko? Wala ka bang naiwan dun?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Bakit?" tanong niya rin.

Sasabihin ko ba?

"Nawawala kasi yung box na binigay mo eh. Akala ko nilagay mo na sa bag ko." medyo malungkot kong sabi.

Natahimik naman siya at nag-iwas ng tingin.

Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa bag. Binuksan niya yung bag niya at may kinuha mula roon.

Pagbalik niya naman ay inabot niya sa akin yung itim na box na ibinigay niya sa akin kanina.

"Bakit nasa iyo 'to?" tanong ko sa kanya.

"Akala ko kasi wala ka nang balak buksan yan eh, kaya kinuha ko na lang ulit." nakayuko niyang sabi.

"Eh bakit naman?"

"Eh kasi nagsidatingan yung mga box nina MJ at Jake, akala ko hindi mo na papansinin yan eh." sagot niya.

Hindi siya seloso nyan ha? Hahaha.

"Ang cute! Cute!" mahina kong sabi sa kanya tapos kinurot ko yung pisngi niya.

Lumingon naman siya ng magkasalubong ang kilay. Hahaha. Sorry na! Hahaha.

Nag-focus naman ako sa box at dahan-dahang binuksan yung takip.

Nagulat ako sa nakita ko nung mabuksan ko na yung kahon.

Isang bracelet!

Wow!

Kinuha niya yung bracelet tapos ay in-unlock. Kinuha niya yung kaliwang braso ko tapos isinuot dun yung bracelet.

"Pinabili ko pa yan kay Daddy sa America." mahina niyang sabi pero hindi sa akin yung focus ng mata niya.

Binatukan ko naman siya kasabay ng pamumula na kasing pula ng strawberry.

Lumingon naman siya sa akin ng may ngiti habang sapu-sapo yung batok niya. Kasi naman eh! Bakit may pag-bracelet? Naman eh!

Napatingin ako sa mata niya at ganun din naman siya.

Bigla namang parang may magnet na humila sa amin para maglapit ang mga mukha namin.

Isang dangkal na lang yung pagitan ng mukha namin! Gusto ng utak ko na lumayo pero yung katawan ko, pasaway!

Dahan-dahan pang nilapit ni Karl yung mukha niya kaya napapikit na lang ako.

Nag-aantay ako sa mga susunod na mangyayari nang biglang sumigaw si Jason.

"Yown!"

KARL VINCENT'S POV

SHIT NAMAN OH!? BAD TIMING KA, PAR! TCH!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

This is such a mess. Ginagawa ko kasi 'to tuwing madaling-araw. Lumalabas kasi ang ideas sa utak ko pag mej inaantok na ako eh. Eh sa sobrang kaantukan ko naman, nagkakagulo-gulo mga iniisip ko. Hahaha. I am so baliw, right?

@SHERWINLEE : Hahahaha. Ididikit, este, ide-dedicate ko sana sa'yo 'tong chapter na 'to eh. Kaso sabi mo, gusto mo yung magandang chapter. Hahahaha. Mej pangit 'to eh. Hahahaha. Pinilit ko na lang kagaguhan ko dito! Hahahaha.

Anyways, masaya ako ngayon. Nakita ko na kasi yung favorite TV show ko nung bata ako! Oh, it brings back the memories! Hahaha. :)))

Kayo, ano ba fave TV show niyo nung bata pa kayo? I-comment niyo yan! :)))

Continue Reading

You'll Also Like

262K 5.4K 20
BOYXBOY GAY YAO BROMANCE-- Tahimik ang buhay ko. Simple lang,with my father I feel complete. Namatay si Mama habang pinapanganak ako kaya si Papa ang...
125K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???
574K 12.8K 33
BOYXBOY GAY YAOI ~ Si PRUE (Pru) ay isang simple at masayahing bading na nag iba ang takbo ng buhay at naging mala Roller Coaster ride mula ng may ma...
120K 4.4K 48
Gaano nga ba kahirapang magsimula muli? Hanggang saan kadadalhinng isang pusong sawi? Anong mga pagbabago ang maidudulot nito sayo. Ito ang pang-apa...