My Professor, My Love.

By SpecterOfYou

493K 13.1K 513

Have you ever fell inlove with your teacher? Or in this case, to your Professor? More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
Untitled Story Part
CHAPTER 40
Author's Note.
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 72
CHAPTER 71
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86 (Letting you go)
EPILOGUE
My Message From Me to You

CHAPTER 80

4.1K 102 3
By SpecterOfYou


The other day, nasa dean's office ako at naatasan na naman ng isang Prof na iorganize yung mga programs na gagawin ng campus. Ang dami palang mangyayaring activities this coming december, may mga grand ball pa for freshman at seniors. May mga competing groups at recognitions ding mangyayari. Ang busy busy ng campus nato, too bad hindi na kami aabot ng seniors.

Mamayang hapon na kami magtatake ng test nila Travis at Jess. Sinabi nadin namin kay Penny, kinumbinsi din namin syang makijoin samin na kumuha ng acceleration test para sabay sabay kaming apat but she refused. Kaming tatlo lang naman daw yung brainy saming magbabarkada at ok lang daw sakanya na kami ang maging Prof nya pagdating ng araw, para daw ipasa namin sya agad. Loka loka din talaga.

"Ms. Briones, be a lamb and give this papers to Mr. Yuji. He said he'll be needed it." That's Mrs. Hernandez, head sya ng dean's office.

"Sure Ma'am, I'd be happy to." Kinuha ko agad yung medyo may kakapalan na mga papel.

Sa dami nito, hindi ko alam kung para saan ba 'to. Umakyat ako agad ng 5th floor papunta sa office ni Yuji habang buhat lahat ng dala dala ko. Nang matanaw ko na yung office nya, nakita kong pumasok si Ms. Lina dun. Napataas naman agad yung kilay ko. Anong ginagawa ng babaeng yun dun? Binilisan ko yung lakad ko papunta sa pinto at inilapit yung tenga ko para marinig yung pinaguusapan nila.

"Let's grab some lunch?" Narinig kong aya nya kay Yuji.

Tatanggi yan, may plano na kaming dalawa kumain sa labas mamayang lunchbreak e.

"Oh, I'm sorry Ms. Lina. May kasabay na kasi ako mamaya."

See? I told you tatanggi sya.

"Ganun ba, um.. may I know kung sino kasama mo maglunch mamaya?"

Ay? Echosera. At bakit naman gusto nyang malaman?

"Just my--" Naputol yung sasabihin ni Yuji ng magsalita si Ms. Lina.

"I like you, Yuji."

WHOA. Easy there girl, you are talking to my fiance.

"I--" -Yuji

"Hindi ko alam kung kailan pa 'to nagsimula but I think I started to have a crush on you since the first time I saw you. You're such a gentleman and kind person. Lahat ng gusto ng isang babae nasa sayo na. Mabait ka, maalahanin, I even tried to get close to you so I could be your bestfriend."

"Ms. Lina--"

"Sabi kasi nila, you could always fell inlove to your bestfriend right? So yeah, I did that. Naging close tayo, ako yung palaging nandyan para kasabwatin yung ibang mga Professors para supresahin ka sa birthday mo. Ginagawa ko yun para mafall ka sakin. Do I look pathetic, Yuji? Sa tagal nating naging co-Professors dito sa campus, I've always adore you Sir. Yuji. I like--no. You know what? I love you. I love you, Sir. Yuji and I hope you love me too."

Halos mapipi na yung tenga ko sa pinto sa kakadiin ko ng tenga ko dun. Sabi na nga ba hindi lang ako yung may pagnanasa kay Sir. Yuji noon eh, pati yan si Ms. Lina. Madali syang mahalata noon pa.

"Ms. Lina, I-I'm sorry but--"

"No. Please Yuji, kahit konting pagmamahal lang ba wala kang naramdaman sakin? Yung inalagaan mo ko sa apartment ko dahil nagkasakit ako, wala lang ba sayo yun?"

WHAT!!? ANONG INALAGAAN SYA NI YUJI SA APARTMENT NYA?! WHEN?! HOW?! NASAAN AKO NUNG MGA ARAW NA YUN?!

"Ms. Lina, I'm engaged. I already have a fiancee."

Medyo tumahimik sa loob ng sabihin yun ni Yuji. Anong nangyayari sa loob? Hindi kaya naghahalikan na sila sa loob?

"What? No! Kailan pa?! Ni hindi ka nga nagkakagirlfriend diba? Who is she, Yuji?! No! This can't be happening! No! No! NO!" *Cries*

Humahagugol na si Ms. Lina sa loob, I can tell na nilapitan na sya si Yuji para icomfort sya. Puro "No!" yung naririnig kong sinasabi ni Ms. Lina, kahit naiinis ako sakanya parang naawa naman ako sa sitwasyon nya ngayon.

"E-ehem."

"Ay! Lolo mong panot!"

Halos mapatalon naman ako sa taong nag-ehem sa likod ko. Umayos ako agad ng tayo at hinarap sya ng maayos.

"Anong ginagawa mo dyan, Iha?"

"Ah...ehh..ku-kumakatok po kasi ako wala atang tao he he he."

Maling palusot, Karlota! Pano pag pumasok yan sa loob at nakita nyang nagmomoment si Yuji at Ms. Lina? Lagot na! Iisipin nyan chismosa ka!

"Sigurado kaba, Iha?"

"Um..ano po kasi.."

"Alam mo iha, walang problema kung sasabihin mo sa akin ang totoo."

He's old. Medyo kuba na sya maglakad at may tungkod sya. Pero nakapolo at pormal yung ayos nya, I wonder kung Prof ba sya o ano dahil ngayon ko lang sya nakita dito.

"Uhh..ehhh.."

"Sabihin mo na iha, dahil sa sagad ng tenga mo dyan sa pinto, alam na alam ko kung anong ginagawa mo."

Hindi sya mukhang galit pero gusto nya talagang sabihin ko sakanya yung ginagawa ko kanina.

"N-nakiki uhh...nakiki ano po um.."

"Nakikiusyoso ka sa usapan ng iba, totoo ba?"

*Facepalm* Karlota, amin na. Buking kana wala ng oras para magpalusot kay lolo.

"Pasensya na po." Yumuko ako kay lolo at nagbow nadin. Nakakahiya tuloy nahuli pa nya ko sa akto.

"Hahaha, ayos lang yan iha. Lahat tayo mausyoso sa usapan ng ibang tao. Nakakatuwa naman kasi pakinggan ang drama ng iba hindi ba? Hahaha."

Kanina mukha syang mamamalo ng tungkod pag di ko sinabi yung totoo, ngayon tumatawa na sya habang hawak hawak nya yung tyan nya. Nakahithit ba si lolo?

"Ah ehh haha! Sorry po talaga."

"Hahaha, ang mabuti pa samahan mo na lamang ako sa baba."

Bigla syang lumapit sakin at humawak sa braso ko.

"Naku po lolo, kailangan ko pa po itong ibigay kay Sir. Yuji." Ang dami ko pang dalang papel lagot ako kay Mrs. Hernandez pag di ko to binigay kay Yuji.

"Yuji ba kamo? Haha mabait na bata iyon, wag ka magalala maiintindihan nya kung hihiramin ko ang estudyante nya sandali."

"P-paano nya po nalamang estudyante ako ni Sir. Yuji?" Wala naman akong sinasabing Prof ko si Sir. Yuji ah?

"Iha, nakauniporme ka gaya ng suot ng ilang estudyante dito at nasa tapat kanang office ni Prof. Yuji. Sa tagal ko na dito sa eskwelahang ito, sa tingin mo ba hindi ko malalaman kung kaninong instructor ang isang estudyante rito?"

"Ganun, instructor din po ba kayo dito? Saan? Ano pong subject nyo?"

"Hahaha, iha kanina kapa nagtatanong. Sasamahan mo ba ako sa baba para kumain o dadalhin kita sa disciplinary office?"

Pero si Yuji kasama ko maglunch. May plano kaming sa labas kumain eh! Pero ayoko rin naman mareport sa deciplinary office.

"Naku po lolo, tara na po sa baba kakain tayo ng marami!"

Tawa lang ng tawa si lolo habang inaalalayan ko syang bumaba ng hagdan. Hindi ko pa alam pangalan nya kaya lolo lang muna tinatawag ko sakanya, mukhang ok lang naman sakanya na tawagin ko syang ganun. He seems nice, and funny dahil sinasabayan nya yung mga pagpapatawa ko sakanya. Kainis padin dahil iniwan ko sila Yuji at Ms. Lina dun, mamaya may nangyayari na dun na di ko alam!

*POK!* Nagulat nalang ako ng may tungkod na pumukpok sa ulo ko.

"Lolo! Para saan po yun?!" Tanong ko habang hinahawakan ko yung ulo ko.

"Hindi mo ako inaalalayan. Tsaka mo muna isipin yang nobyo mo."

Napanganga ako sa sinabi nya. Nobyo? A-alam nya relasyon namin ni Yuji?! P-pero paano?

"N-nobyo? Paano nyo po--"

"Gaya ng sabi ko sayo iha, matanda na ko at walang pwedeng mangyari dito sa loob ng eskwelahan nato ng hindi ko nalalaman. Ngayon, aalalayan mo ba ko o papaluin kita ulit nitong tungkod ko?"

Nagmadali naman agad akong alalayan sya pababa ng hagdan. Puro ako tanong kung paano nya nalaman relasyon namin ni Yuji pero tinatawanan nya lang ako. Seryoso ako ulit sa pagtatanong pero tatawanan nya lang ulit ako. Pangatlong tanong ko, pinokpok nya ko ulit ng tungkod nya. Nakakaloka si Lolo, nakakatatlo na sya ah! Hindi ba nya alam nananapak ako?

---

Continue Reading

You'll Also Like

149K 2.4K 72
Yun bang feeling na sa araw-araw ninyong pababangayan eh hindi mu na namalayan nahuhulog ka na pala sa kaaway mO,, I Fell In Love with My Enemy????
1.2M 21K 57
Secretly Married to the person you hated the most. A gangster that loves fighting, drinking and smoking. Kaya mo ba mabuhay nang kasama siya? Maiinlo...
118K 4.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
48.2K 3.5K 47
Meet MaryDale Entrata , a Nerd who fell in love with his BestFriend , Edward Barber . ( COMPLETED BOOK )