TOUCH ME AGAIN

By makiwander

13.8M 302K 33.1K

He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite... More

Prologo
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Is this Goodbye?
Prologo II
Part 2.1
Part 2.2
Part 2.3
Part 2.4
Part 2.5
Part 2.6
Part 2.7
Part 2.8
Part 2.9
Part 2.10
Epilogue

Kabanata 27

275K 6.3K 614
By makiwander



Ang Panda at ang Kawayan.

xxRaevenxx

"Apology accepted, Attorney. Nag-alala din ako dahil akala ko may masamang nangyari sayo." Tinapik ko ang likod nya pero pinanatili ang yakap nya sa akin. Gumaan ng husto ang pakiramdam ko, parang ito lang ang kailangan ko sa kabila ng sama ng pakiramdam ko kahapon.

This is one of those things na kailangan ko para maniwala ako na kailangan kong mabuhay. To still feel this warmth and comfort. Sana lang bigyan nya ako lagi ng dahilan para lumaban. Dahil ang paghinga ko, nakadepende na lang sa mga taong umaasang mananatili ako kahit hindi nila alam ang kalagayan ko.

Hinawakan ako ni Deuce sa magkabilang braso at pinanliitan ako ng mata. He pressed my nose twice kagaya ng ginagawa nya noon kapag may ginagawa akong hindi nya nagugustuhan.

"Wag mo ng uulitin yon. Kapag hindi ako dumating sa oras, umalis ka na.." Mahinahong sabi nya.

"Paano kung dumating ka pero wala na ako?" Tanong ko pabalik.

"Ayos lang. Basta panatag ako na hindi kita pinag-intay."

"Dumating ka naman di ba? Pag sinabi mong dadating ka, mag-iintay ako."

Mas lalong nanliit ang mat ni Deuce at napakamot ng kanyang ulo.

"Aist! Ang tigas ng ulo. Gutom ka ba? Nasaan na ang diet plan na binigay nung doktor na yon?" Naiinis na tanong nya. Ibinigay ko ang papel na hawak ko mula kay Martin at agad nyang binasa iyon.

"Sige, magluluto ako. Higa ka muna sa kama at pilitin mong matulog. Nagpupuyat ka kasi kaya ka Anemic. Tingnan mo, may pasa ka na." Hinawakan ni Deuce ang braso ko pero iniwas ko yon sa kanya.

Ang bilis ng simtomas sa akin. Sana makuha ng gamot na inireseta sa akin ni Dra. Caedo, ang oncologist na kaibigan ni Martin. Si Martin lang ang bumili ng gamot para sa akin pero ang reseta, galing sa doktor na espesyalista sa cancer.

Stage 1 cancer. May pag-asa pang labanan, pero mas mabilis ang pagkalat kaysa sa proseso ng pagpapagaling,

"Papasok ka pa hindi ba?" Sumunod ako sa kanya patungo sa kusina. Tutok ang mata nya doon sa meal plan na hinanda ni Martin habang naglalabas ng kung ano ano sa ref.

"Hindi.. Hindi na siguro. Dito muna ako para mabantayan ka. Bukas wag ka munang pumasok sa school--"

"Ayoko." Sagot ko agad. May importante kaming report kaya hindi ako maaring umabsent. Nagtaas ng kilay nya si Deuce.

"Tsk, siguro gusto mo talagang magkasakit para makita ang Martin na yon?" Akusa nya.

"Importante ang klase ko bukas."

"At ang kalusugan mo, hindi? Tsk, dapat hindi na lang kita pinabalik sa eskwela."

Napayuko ako, gusto ko pa ding makapagtapos sana lalo na may tsansa na mamatay ako. Deuce sighed then pat my head tapos binigyan ako ng ngiti.

"Nag-aalala lang ako okay?"

Tumango ako.

Naniniwala nga akong nag-aalala sya dahil kinabukasan, nagseat-in sya sa klase ko. Pinagtitinginan sya ng mga kaklase ko pero wala syang pakialam. Madami ang namangha ng husto sa kagwapuhan nya but Deuce don't mind, nakasimangot sya at diretso ang tingin sa akin. Pinagmamasdan nya ako at nakikinig sa klase.

"Miss Mendoza, so your opinion contradicts what's written in your book, sigurado ka bang nagbasa ka?" Tinaasan ako ng kilay ni Professor Lou, mabagsik talaga ito at dati pang kinakatakutan ng lahat ng estudyante.

"Yes, Prof. I just said that because based on the examples that the author have given, mayroong loophole--"

"It's been proven for years!" Sinigawan ako ng propesor ko, napakagat ako ng labi, si Elaine naman nanatili sa sulok at hindi makasagot. Halatang natatakot na din.

Tumahimik ang buong klase. Namula ang pisngi ko. Hindi nya ako hinahayaang matapos sa pinupunto ko kaya hindi ko mapaliwanag ng maayos.

"Bakit mo sya sinisigawan ha?" Tumayo si Deuce mula doon sa upuan nya at galit na tiningnan ang Prof ko. Mabibilis ang kanyang paghinga na animo susugurin ang propesor.

"Deuce!" Awat ko, bumilis ang pintig ng puso ko.

"And who are you Mister?" Inayos ni Professor Lou ang kanyang salamin at sinipat si Deuce.

"Maganda ang argument Rae, tama sya. Kung mali, wag mong sisigawan.." Dugtong pa ni Deuce.

"Deuce.." Pakiusap ko.

Kinabahan ako sa tunog ng takong ni Professor Lou. Tinatapik nya ang palad nya ng stick na kanyang hawak at nilapitan si Deuce.

"Sa classroom na ito, ako ang propesor. Ako ang magsasabi kung tama o mali. Sisigaw ako kung gusto ko."

Hindi nagpatinag si Deuce at nakipagtitigan.

"Kakasuhan kita." Banta ni Deuce. Napaawang ang labi ni Professor Lou samantalang napasinghap si Elaine. Napatakip ako ng mukha dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari, hindi magpapatalo si Deuce.

"Ate Rae, sino ba yang kasama mo? Sabihin mo wag nang sumagot baka mapahamak ka pa.." Bulong naman ni Roda.

"Kakasuhan kita dahil inaaway mo si Raeven!" Kinuha ni Deuce ang bag ko at bigla na lang ako hinila papalayo.

Narinig ko ang bulungan sa klase. Parang napakagaan ko kung hilahin ni Deuce kahit nagpapabigat pa ako.

"Deuce.." Tawag ko sa kanya ng makalayo kami. Galit pa din sya.

"Bakit mo hinahayaang sigawan ka non?" Naiiritang sabi nya. Huminto kami sa gitna ng lobby, ipinagpasalamat ko na wala masyadong tao ang dumadaan.

"Paano pa ako babalik don kung inaway mo ang Professor ko?" Galit din na tanong ko sa kanya.

"Ha, eh di wag ka ng bumalik!"

"Hindi na kita isasama sa school ko kahit kailan. Isip bata." Nauna akong maglakad.

Nakakainis! Akala nya ba biro lang ang ginagawa ko?

"Rae.."

"Rae.."

"Rae, sorry.. Sige na. Hihingi ako ng sorry. Babalik tayo doon. Magsosorry ako." Huminto ako sa paglalakad at tinaasan ko sya ng kilay.

"Talaga?" Tanong ko.

"O-oo.."

Naawa ako sa mukha nya. Paano sya magsosorry, napakataas ng ego nya?

Ganunpaman hinila nya ang kamay ko at bumalik kami ng classroom. Tapos na ang klase at nahuhuling lumabas si Professor Lou.

"Prof.." Sumunod agad kami sa naglalakad kong propesor. Hindi man lang sya huminto.

"Prof Sorry..." Ako ang unang nagsalita.

Nakanguso lang si Deuce at parang wala talaga syang balak gawin ang sinabi nya na paghingi ng tawad.

I should have known!

"You failed this sem, Mendoza!" Lumingon sa amin si Professor Lou at sinamaan ng tingin si Deuce. Nanlaki ng husto ang mga mata ko at hindi nakapaniwala.

Bagsak?

"Naku Prof! Masama hong pinapasama ang loob ng buntis.."

Buntis?

Nagtataka kong tiningnan si Deuce.

"Who's pregnant?" Masungit na tanong ni Professor Lou kay Deuce.

"Yung misis ko ho.." Sagot nya sabay akbay sa akin. "Pasensya na ho kayo, kailangan ko syang ipagtanggol sa inyo kanina kasi sobrang sensitive nito.. Umiiyak sya kapag sinisigawan.. Di ba Baby?" Nilingon ako ni Deuce, my jaw dropped at kinuha naman yon ni Deuce na pagkakataon para ilagay ang labi nya sa labi ko.

He's kissing me in front of my Professor!

"Okay lang yan Baby.. Sabi sayo magpahinga ka na lang kapag buntis ka eh.. Kayang kaya naman kitang buhayin." Sabi nya pa sabay kurot sa pisngi ko. Ilang ulit akong napakurap ng maramdaman ko ang init ng labi ni Deuce sa akin.

"Enough. Okay. Im sorry Ms. Mendoza---" Hinarap ako ni Professor Lou at lumambot ang kanyang tingin.

"Mrs. Montemayor..." Pagtatama ni Deuce.

Aba't talagang pinanindigan!

"Okay. Mrs. Montemayor. Im sorry for being tough. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Nanay din ako." Tinapik pa ni Prof Lou ang balikat ko at naglakad na papalayo.

Nang natiyak kong hindi na nya kami maririnig, kinurot ko si Deuce sa tagiliran.

"Napakapilyo mo! Napakasinungaling mo pa! Hindi ka naman nagsorry eh! Nagsinungaling ka." Umirap ako sa kanya at nagpatiuna sa paglalakad. He chuckled habang sinusundan ako.

"Malay mo nakabuo na tayo?" Pang-aasar nya pa.

Natigilan ako sa sinabi nya. Oo nga pala.

Sana hindi.

Kawawa naman ang bata kung maaga rin lang naman akong mamamatay at papamanahan ko din sya ng sakit.

Kung magiging katulad rin lang ng buhay ko sana hindi na lang dahil magiging mag-isa lang ang bata na yon. Walang ina na magmamahal, at sa uri din ng trabaho ni Deuce baka maaga din sya mawawalan ng tatay.

"Uy joke lang. Naoffend ka ba?" Tumakbo si Deuce patungo sa akin. Ngumiti ako at umiling.

"Okay lang naman kung hindi tayo nakabuo. Ulitin na lang natin." Biro nya ulit. Siniko ko na ang kanyang tyan at naglakad na papalayo.

"Rae.. Gutom na ako. Wala ka ng klase di ba?" He asked. while jogging backwards in front of me. Ano ba namang klaseng seat in na to? Kung ano ano ang pangangailangan.

"Hindi na kita isasama sa susunod." Sambit ko. Lumabi sya at lumapit sa akin.

"Ang bait ko kaya. Tara kain na tayo, tapos uuwi na." Masayang deklara nya.

Nagtungo kami sa isang Japanese restaurant. He's trying to feed me sushi. Maganda daw ito para sa anemic kaya lang hindi naman ako kumakain ng hilaw.

"Parehas lang naman kung hilaw at luto di ba?" Nakangiwing tanong ko at akmang susubuan nya ako gamit ang chopsticks.

Natigilan sya. "Ayaw mo?"

"Hilaw eh.." Nahihiyang sabi ko. Nagtaas ng kamay si Deuce at tumawag ng waitress.

"Can you grill this?" Tanong ni Deuce sa babae.

"Sir?"

"I said, can you please grill this." Ulit ni Deuce,

"Sir, sushi po--"

"Alam ko, naglilihi ang misis ko, gusto nya ng inihaw na sushi." Umismid si Deuce, mabilis naman na kinuha ng waitress ang mga sushi at nginitian ako.

"Kailan ka ba titigil sa pregnant jokes mo?" Pinanliitan ko ng mata si Deuce.

"Cos I can easily get away by saying it. Parang magic word no?" Humahalakhak na sabi nya.

I looked at him and smiled while he is laughing his heart out. Slowly, my smile vanish. Mas madali siguro kung sasabihin ko sa kanila na may cancer ako. Maybe the world will be easier, maybe I can really get things that I want, maybe I could make him love me again.

Love out of pity.

Posible yon hindi ba?

Kasi pag namatay na ako, pupwede naman syang magmahal ng iba ulit.

Sht, ang sakit isipin. Mawawalan na ako ng pag-asa na mahalin sya kahit malayo kasi titigil na sa pagtibok ang puso ko.

"Tingnan mo si Ate, naka-costume ng panda." Tinuro sa akin ni Deuce ang mascot na habang bitbit ang ulo ng panda. Napangiti ako.

"Mmm. Naalala ko noon nung nag-aaral ka pa ng law gusto mong maging panda." Sabi ko kay Deuce.

"Yeah." Nagningning ang mga mata ni Deuce habang tumatango, "Kain tulog di ba? Ang sarap maging panda!" Humalakhak sya. "Ikaw, anong gusto mong maging bukod sa maging teacher?"

Natigilan ako at tumingin ng diretso sa mga mata nya.

"Kawayan." Sagot ko sabay ngiti.

"Ah, tama.. Kinakain ng panda ang kawayan di ba?" Humagikgik si Deuce. Ngumiti ako ng malungkot.

"Gusto kong magkaugat sa isang lugar na minahal ko. Hindi na ako aalis. Umulan, bumagyo nandoon lang ako, sumusunod sa kumpas ng hangin, tumitibay sa init. Bamboos don't die easily. Ang trabaho nya lang maging matayog. Nakatunghay sa lahat kasi sobrang taas nya. Kapag malapit na syang mamatay---" Huminga ako ng malalim. "Pwedeng gawing pinto, o di kaya lamesa. Makikita pa din. Maaalala. Gusto kong maging kawayan." Nalungkot ako sa paghahalintulad ng sarili ko sa kawayan.

"Umiiyak ka." Nilagay ni Deuce ang hintuturo nya sa gilid ng mata ko at sinalo ang luha ko. He sighed.

"Ang lungkot naman ng kawayan na yan. Sige sasamahan ka ng panda para hindi ka na malungkot. Basta damihan mo ang dahon mo ah. Yung malagong malago para lagi mo akong masisilungan. Kasi--- hindi na aalis yung panda kapag madami kang d-dahon. Makakatulog ako ng mahimbing sa lilim mo."

I smiled bitterly. He did too.

Sana nga, Deuce. Sana..

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang mas malakas na pag-iyak. Unti unting gumuguho ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang pagdepende ni Deuce sa akin.

Kahit hindi nya sabihin, ramdam ko..

Kailangan nya ako.

---

Maki Say's: Tiwala lang 😁✌🏽️

Continue Reading

You'll Also Like

8.8K 207 13
"Why do you think moving on is so hard?" "Because it is hard to accept that you're not just going to let go of the past, but also the future you w...
2.4M 154K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3K 86 44
VILLAREAL-CARDEJAS SIBLINGS SERIES Jian Glenn Villareal-Cardejas is the youngest in their family. He's the heir of the Villareal-Cardejas properties...
105K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...