So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 24 : Miss - Embrace

20.3K 387 86
By Ytianity

I'm sorry kung natagalan, guys! Masyado kasi akong natuwa sa mga kaganapan dito sa bahay kaya minsan nalilimutan kong buksan yung Wattpad ko. Saka nasabayan pa ng pamosong 'Writer's Block' na yan! I'm so sorry.

Mag-so-sorry din ako kasi walang kakilig-kilig na eksena sa chapter na 'to. Puro ka-seryosohan sa buhay ang naisip ko sa chapter na 'to eh.

So, so, so sorry!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

KARL VINCENT'S POV

"Anak, bakit parang lungkot na lungkot ka naman ata bigla? Kanina ang saya-saya mo ah? Tawa ka ng tawa. Oh, and by the way, uuwi pala ang Daddy mo bukas. Ikaw sumundo sa kanya ha? May gagawin ako eh." sabi ni Mommy na inaayos ang ilang kubyertos sa kusina.

Bumalik kasi si Daddy sa America after naming mag-bakasyon. Nagpaalam naman siya ng maayos at sinabi niyang babalik din siya agad pag natapos na ang problema doon.

"Yep, Mi." bored na bored kong sagot.

Ewan ko ba. Napansin ko rin na bigla akong lumungkot eh. Kanina tawa kami ng tawa ni Mommy dahil napagkwentuhan namin yung buhay ko nung grade school. Kaso, after nun, nawalan na ako ng gana. Peste kasing bagyo 'to eh! Dalawang araw na tuloy kaming walang pasok! Tapos bukas Linggo pa, wala ulit pasok! Eh anong gagawin ko?

Yung mga games ko naman, tapos ko nang laruin at ayokong laruin ulit yun!

Hay!

"May nami-miss ka 'no?" biglang tanong ni Mommy.

Ha? Ano daw? May nami-miss ako?

"Nabasa ko kasi dati na kapag ang tao biglang nalungkot, ng hindi naman niya alam ang dahilan, ay panigurado may nami-miss." sabi niya habang pinupunasan ang mga kutsara at tinidor.

Luuh si Mommy oh! May nami-miss daw ako?! Patawa tal-- Allen?

Si Allen, nami-miss ko?! Shit! Ang gay pakinggan nun ah? Pero seryoso ha?! Bigla siyang pumasok sa isip ko nung banggitin ni Mommy yung tungkol sa miss-miss na yan.

Ano kayang ginagawa nun ngayon? Panigurado bored na din yun. Hahaha.

Makapag-FB nga muna. Ano kayang pwedeng laruin? Yung dalawa kasi, walang net, sira daw, hindi tuloy kami makapag-GG.

Uy, as expected, maraming online! Sino kaya pwedeng maka-usap?

Shit! Bakit ang lakas bigla ng tibok ng puso ko? Peste ka, Allen! Ganito ba talaga pag nagkakagusto sa mga katulad mo? Pangalan mo pa lang naman ang nakikita ko ah?

Naalala ko tuloy bigla nung in-add mo ako dito sa FB.

*FLASHBACK, 1st year*

"Par, nakakainis yung iba nating kaklase! Ang daldal sa FB pero sa personal, napaka-tahimik! Parang mga abno." pagmamaktol ni Jason habang nakaupo kami sa ilalim ng puno ng mangga, ang 3 buwan na naming breaktime spot.

"Ganun talaga. Malay mo hindi nila kayang makipag-usap ng personal. Minsan kasi, mas magandang makipag-usap sa paraan na alam mong walang makakaalam ng feelings mo." mahinahong sabi ni Jomar.

"Okay po, 'tay!" biglang sabi ni Jason at nagtawanan kami, mali, ako lang pala.

"Allen, add mo naman ako sa FB." pabulong kong sabi kay Allen. Ang tahimik niya kasi eh.

Lumingon naman siya sa akin with that salubong na kilay niyang trademark.

"Ayoko." monotonous niyang sabi.

"Bakit naman? I-a-add mo lang naman ako eh. It wouldn't hurt to try." pamimilit ko pa sa kanya.

"Heh! Ayoko." sabi niya lang tapos ay bumalik na ulit siya sa pagbabasa ng libro.

O-kay, edi ako na lang mag-a-add sa'yo mamaya.

*END OF FLASHBACK*

Pero ang ending nun ay tuwang-tuwa ako. Pagbukas ko kasi ng FB ko nun ay nakita kong may nag-add sa akin. Siya! Hahaha. Ayaw niya pala akong i-add eh. Hahaha.

Tapos ayun, simula nun ay naguusap kami sa chat pag naaabutan naming online ang isa't-isa. Hindi kasi siya pala-online nun eh.

Pero, ngayon, himala! Online siya ng ganitong oras?

KARL: Allen! :)))

ALLEN: Yow!

KARL: La lang. Na-miss kita eh. :)))

ALLEN: Lul! Pagkalat mo sa kanto!

Hahaha. Minsan talaga may sa abnormal din 'tong si Allen eh, pero in a good way ha?

KARL: Seryoso ako. -__-

ALLEN: Weh? Di nga!?

KARL: Oo nga! Tch! Hindi naniniwala. Tch!

ALLEN: Che! Oo na! Ang corny mo!

KARL: Corny na ba ang maka-miss?

Kasi kung corny ang maka-miss, edi guilty ako. Pero ikaw naman ang nami-miss ko, kaya ayos lang. Hehehe.

ALLEN'S POV

Shit lang po to infinity! Kinikilig ako! Sa sobrang kilig ko, ine-epilepsy na ako dito.

Bakit kasi ganun ang bungad niya sa akin? Parang wala tuloy ulan! Hahaha.

ALLEN: Ano bang ginagawa mo ngayon?

KARL: Wala nga eh. Gusto ko sanang gumala eh. Kaso ang lakas ng ulan eh. :(

ALLEN: Edi pumunta ka na lang dito sa bahay! Hahaha. :))

Pero joke lang yun! Ang lakas-lakas na nga ng ulan papupuntahin ko pa siya dito?

Teka, seen lang? Uso mag-reply, you know.

2

3

4

5 minutes? Wala pa ring reply?

Hmmp! Bahala na nga siya! Kung ayaw niyang mag-reply, edi wag! Ang dami-dami namang pwedeng kausapin dyan eh. Ang daming naka-online oh!

Pero kasi ....

NAMI-MISS KO NA DIN SIYA EH. Ang saya kasi ng bagyong 'to eh, nag-enjoy sa Pilipinas porke't hospitable ang mga Pilipino! Hindi ko tuloy nakita si Koopa for 2 days.

Makatulog na nga muna. Wala rin naman akong makaka-usap ng maayos sa mga naka-online eh. Puro mga jejemon 'tong mga 'to, ewan ko kung bakit ko sila in-add.

Nag-logout na ako tapos ay pinatay ko na yung WiFi. Yep, nakiki-connect ako sa WiFi ng aming mabuting kapitbahay! Hahaha.

Tumingin muna ako sa relo para ma-orasan ko ang tulog ko. Yep, ala-una, magigising ako nito ng bandang alas-tres. Tulog na!

"ANAK! MAY BISITA KA! BABAIN MO NA! BASANG-BASA SIYA!" biglang sigaw ni Mama habang pinagbububuksan ang mga drawer ko ng damit! Ang bigat kasi ng pagkakasara niya sa drawer eh.

Nagdilat naman ako ng mata at chineck ko kung anong oras na. 2:38 ng hapon. Sino namang tarantadong nilalang ang pupunta sa bahay ko ng ganitong oras at sa ganito kasamang lagay ng panahon? Abnormal siya kung ganun.

"Nasaan na ba yung mga towel mo? Basa na yung bisita mo dun eh. Mukhang sumugod sa ulan." sabi pa niya habang halos binabaligtad na yung kwarto ko sa paghahanap lang ng tuwalya.

This time ay inangat ko na ang katawan ko mula sa pagkakahiga para umupo ng pa-indian sit sa gitna ng kama ko. Binalot ko yung katawan ko ng kumot dahil naramdaman ko ang lamig.

"Ma, ayun yung towel ko oh! Yung isa kasi ginamit ni Ate eh, tapos yung isa nasa ilalim pa ng drawer ko." sabi ko sa kanya habang nakapaningkit kong itinuro ng kanan kong kamay ang pinto at pinangkakamot ng aking batok ang kaliwa.

Agad niyang kinuha yung towel ko tapos ay lumabas ng kwarto. Hmmm, sino kaya yung dumating? Makababa na nga para malaman ko na. Pero, uunahin ko muna pantog ko. Grabe, naiihi ako sa sobrang ginaw eh.

Ay, magulo na naman buhok ko! Mamaya ko na aasikasuhin yan, naiihi na talaga ako eh!

Paglabas ko ng kwarto ay nasalubong ko ang nakababata kong kapatid, na tinatawag kong Ate. Masyado kasi siyang magalang para tawagin akong 'Kuya'.

Nagulat ako ng tapikin niya ako sa balikat.

"Nice choice! Marunong kang pumili ha?" nakangiti niyang sabi tapos ay nilagpasan na niya ako.

Ha? Ano yun? Nice choice ng alin? May toyo ba siya today?

Iiling-iling na lang akong bumaba at dumiretso sa tapat ng CR. Pero bago ako pumasok roon ay may nakakuha ng atensyon ko. Isang tao, nagpupunas gamit yung towel na kinuha ni Mama kanina. Nung matapos siya at mag-angat ng mukha ay natigilan ako.

ANONG GINAGAWA NI MJ DITO?!

JOKE!

SI KARL! ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!

KARL VINCENT'S POV

Yep, nandito nga ako kina Allen. Pinapunta niya ako diba? Hahaha.

Ewan ko ba kung bakit na-excite ako nung sabihin niyang pumunta ako sa bahay nila. At talagang nagmadali pa ako! Wala akong paki kahit iniwan ko dun sa kanto yung sasakyan ko at saka sumugod ako sa ulan saka lumusong ako sa baha. Ang mahalaga lang, makita ko si Allen kasi nami-miss ko na siya.

Nakita kong papalapit siya sa akin at magkasalubong na naman ang kilay niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang tinutulungan niya akong punasan ang basa kong katawan. Hindi naman pala siya galit.

"Sabi mo, pumunta ako dito diba?" nakangiti kong tanong din sa kanya.

"Ano ka ba? Joke lang yun! Kita mong bumabagyo eh." sagot niya habang pinupunasan niya ng tuwalya ang ulo ko.

"Wala akong paki. Gusto kasi kitang makita eh." mahina kong sabi at bigla naman siyang nag-blush. Ang cute! Na-miss ko yan.

"Paano ka nga pala nakapunta dito? At saka bakit basang-basa ka?" tanong niya.

"Ginamit ko sasakyan ko." sagot ko habang pinupunasan ko ang mga braso ko.

"Eh saan mo iniwan? Naku, barubal pa naman mga tao dito. Pag hindi nila kilala kung kanino yung sasakyan, binabarubal nila." sabi niya tapos ay nagsuot siya ng tsinelas.

"Hubarin mo na yang sapatos mo tapos kumuha ka ng tsinelas dyan. Ituro mo sa akin kung saan mo iniwan yung kotse mo." medyo nagmamadali niyang sabi kaya agad akong kumuha ng pares ng tsinelas at lumabas.

Isang payong lang ang ginamit namin kaya magkadikit kaming naglalakad papunta sa kanto. Habang naglalakad ay ramdam na ramdam ko yung init ng katawan niya. Para naman akong na-attract sa init ng katawan niya kaya pasimple ko siyang inakbayan at lalo pang idinikit sa katawan ko. Hehehe. Warmth. Ang sarap! Hmmmmmm.

"Hoy! Subukan mong kantiin yan, papasabugin ko yang mukha mo!" biglang sigaw ni Allen kaya tinanggal ko agad yung braso ko.

Nakita kong nakaturo siya sa isang lalaki na may hawak na kahoy. Shit! Dos-por-dos! Masisira kotse ko nyan, p're!

"Alis! Aba't pinanlalakihan mo pa talaga ako ng mata ha? Akala mo natatakot ako sa'yo?" patuloy niyang sabi tapos kinuha niya yung payong sa akin.

"Humanap ka ng masisilungan. Ako nang bahala sa kanya." mahina niyang sabi tapos bahagya akong tinulak papunta sa parteng may bubong.

Isinara niya yung payong tapos ay ginamit niya iyong panduro sa lalaki.

"Layuan mo yang sasakyan kung ayaw mong masaktan!" pagbabanta niya sa lalaki.

Pero hindi natinag yung lalaki. Yung kahoy na hawak niya, ginawa niyang parang espada tapos yung titig niya parang hinahamon si Allen na lumapit. Lumapit naman si Allen tapos biglang winasiwas ng lalaki yung kahoy, napigilan naman yun ni Allen gamit yung payong. Wow, improvised sword fight! Hahaha.

Pero nagulat ako nang biglang ihampas uli nung lalaki yung kahoy at tumama iyon sa braso ni Allen.

Tarantado ka ah?! Bakit mo sinasaktan si Allen?!

"Hoy! Tarantado ka ah!? Layuan mo ang kaibigan ko!" pagbabanta ko sa lalaki tapos ay patakbo ko silang nilapitan.

Bago pa ako makarating sa pwesto nila ay binitawan ng lalaki yung hawak niyang kahoy at tumakbo.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Allen ng makalapit ako sa kanya.

Binuksan niya naman uli yung payong, na medyo nasira dahil ginamit niyang panangga sa kahoy, at pinayungan kaming dalawa. Basa na kaming dalawa, ano pang use ng payong?

"Oo, ayos lang ako. Salamat. Medyo makirot lang yung braso ko pero ayos lang 'to." sabi niya tapos ay hinila niya ako papunta sa driver's side.

"Sakay. Paandarin mo kotse mo hanggang sa ituturo ko." sabi niya tapos ay lumipat siya sa kabila.

Agad naman akong sumakay at ini-start ang makina. Pagsakay niya ay umiling-iling pa siya. Shit! Droplets!

Nakow! Kung wala lang akong gusto sa'yo, Allen, baka napatay na kita! Binabasa mo interior ng kotse ko!

ALLEN'S POV

Medyo masakit yung hampas nung lalaki ha? Pero okay lang, tiis-tiis lang, para naman kay Koopa 'to eh. Hahaha.

Abnormal kasi eh. Iniwan yung sasakyan sa kanto, eh ang dami pa namang kawatan dito sa amin. Buti nga kilala ako dito kaya walang kumakanti sa akin, bukod dun sa lalaking yun!

Iniwan namin yung kotse niya sa bahay ng Tito ko. May garahe kasi sila, though wala silang kotse.

"May alcohol ba kayo sa bahay?" bigla niyang naitanong.

"Wala." sagot ko lang.

"Tara, bili tayo. Ayokong magkasakit eh." sabi niya.

Arte.

"Wag na. Ang arte mo. Hindi ka magkakasakit." sabi ko sa kanya habang niyayakap ang sarili ko. Nilalamig na ako eh.

Kasalanan 'to ng lalaking kawatan na yun! Nabasa tuloy ako!

Brrr! Lamig!

"Nilalamig ka na ah?! 'lika nga!" biglang sabi ni Karl tapos pinulupot niya yung kamay niya sa baywang ko at hinapit ako palapit sa kanya.

Oo nga naman! Mawawala yung ginaw ko kasi maiinitan ako dahil sa KILIG!

Just the two of us under an umbrella in the midst of a pouring rain in the middle of the street? Tapos hapit na hapit ng kamay niya yung baywang ko? Ay, ang saya! Nag-evaporate na po kaluluwa ko! Wooh!

KARL VINCENT'S POV

Eh sa yun na yung nakikita kong pagkakataon para gawin yun eh. Matagal ko na kayang gustong gawin yun sa kanya. Ang sarap pala sa feeling? Kakaiba. Hindi ko maipaliwanag.

"Ma, painit naman ng tubig tapos patimpla po ako ng tsaa!" sigaw ni Allen pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. Aww, Y U iwas? Haha.

Hinubad niya yung tsinelas niya at iniwan lang iyon sa labas.

Bigla namang lumitaw yung Mama niya mula sa kusina.

"Oh, anong nangyari sa inyo? Bakit basang-basa kayo?" tanong nito habang pinapahid yung kamay sa bimpong dala-dala.

"Wala po. Iniwan niya po yung kotse niya sa kanto. Eh alam mo namang maraming kawatan sa atin diba?" sagot ni Allen tapos ay dumiretso siya sa harap ng isang pinto.

Tumango naman yung Mama niya at inabot sa akin yung tuwalyang ginamit ko kanina. Ang bango talaga ng tuwalyang 'to, kanino kaya 'to?

"Maupo ka muna dun sa kusina ha? Kukuha lang muna ako ng tuwalya para sa anak ko." sabi ng Mama ni Allen kaya tumango naman ako.

Nagmamadali siyang umakyat sa taas at iniwan ako. Napansin kong CR pala yung tinapatan na pinto ni Allen.

Nakita ko ring nandoon siya sa loob. Naliligo kahit suot niya pa yung damit niya na nabasa sa ulan. Hindi ba siya marunong magsara ng pinto? Kung nakahubad lang siya, para na akong nanuod ng porn. Tch!

"Oh, anak! Bilisan mo dyan para makapagbanlaw din yung kasama mo, mamaya magkasakit pa yun eh." biglang sabi ng Mama ni Allen habang inaabot sa kanya yung tuwalya.

"Opo." sagot niya lang tapos ay isinara niya ang pinto.

After ng mga 4 or 5 minutes ay narinig kong bumukas ang pinto. Nung lumingon naman ako ay walang lumabas.

"Karl, magbanlaw ka na. Ikukuha kita ng damit. Siguro naman kasya sa'yo damit ko kahit papaano." pasigaw na sabi ni Allen na nasa taas na pala! How come nandun agad siya? Nag-TP ba siya? May sa ninja ata 'tong si Allen eh.

Pumasok na lang ako sa CR at nagbanlaw. Medyo maliit lang ang CR nila at walang shower. Hayaan na nga, aarte pa ba ako?

Saktong pagbuhos ko ng huling tabo ng tubig ay may kumatok sa pinto.

"Karl, try mo nga 'to. Tignan mo kung kasya sa'yo." sabi ni Allen.

Hinubad ko muna yung T-shirt ko at piniga iyon saka isinabit sa hook sa may pinto. Tapos ay kinuha ko yung tuwalya at nagpunas ng buhok.

Nung buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang gulat na gulat na itsura ni Allen. Bakit?!

ALLEN'S POV

AY JUSMIYO GARAPON NA ITINAPON NG MGA HAPON KAHAPON!

BAKIT PO KAILANGAN NIYO AKONG TORTURE-IN?

Isang hubad na lalaki sa ilalim ng aming tahanan? Harujosko! DAYUM! Hahahaha.

Pero hindi naman completely naked, baka dambahin ko na siya nun at gawin ang mga bagay-bagay. Hahaha. Topless lang naman. Pero, kahit na! Yung abs niya eh. Anim! Very visible! Naghe-hello! DAYUM!

"Anong isusukat ko?" bigla niyang tanong.

Ay, oo nga pala!

"Oh, eto, isukat mo. Mukha namang kasya sa'yo yan eh." sabi ko tapos inabot ko sa kanya yung pulang T-shirt ko.

Kinuha niya yung shirt tapos nagsara ng pinto.

"Kasya!" sigaw niya.

Makasigaw naman 'to akala mo isang building ang pagitan namin! Nasa kabilang side lang ako, boy!

"Okay. Ikukuha lang kita saglit ng shorts ha?" mahina kong sabi.

"Sige." sagot niya kaya umakyat uli ako sa taas.

Kinuha ko yung camo shorts ko na isang beses ko pa lang na nagamit pati boxer shorts na hindi ko pa nagagamit.

Inabot ko agad yun sa kanya at umupo ako sa may hagdan para antayin siya.

Paglabas niya ay namangha ako! Bagay sa kanya yung mga damit ko! Ang gwapo niya lang! DAYUM!

Ano bang DAYUM yan, na-a-adapt ko na! Hahaha.

"Okay lang ba?" tanong niya bigla.

"Ang alin?" pa-inosente kong tanong. Pero alam kong ang tinatanong niya ay yung itsura niya.

"Yung itsura ko. Okay lang ba?" see? Hahaha.

"Oo naman! Wala akong damit na nagpapapangit sa sumusuot nun." sarcastic kong sabi, medyo na-offend kasi ako eh.

"Wow! So ano 'tong mga damit mo? May superpowers?" corny joke ba yun o corny joke? Whatever, hindi siya nakakatawa!

"Last mo na yan ha? Wag ka nang uulit pa!" sabi ko sa kanya tapos tumayo na ako.

"Ha? Oo naman! Hinding-hindi na ako lulusong sa ulan!" nakangiti niyang sabi.

"Ungas! Yung pagjo-joke ng corny yung sinasabi ko!" sabi ko sa kanya tapos tinawanan ko siya, tumawa din siya at inakbayan ako.

"Halika na nga. Nag-aantay na tsaa ko." sabi ko tapos sabay na kaming pumunta sa kusina.

KARL VINCENT'S POV

Nandito na kami ni Allen sa sala, nanunuod kami ng DVD. Actually, pangalawa na namin 'to. Yung unang pinanuod namin, Up, ngayon naman, How to Train Your Dragon.

Sa buong panunuod namin ay umiinom siya ng tsaa. Naisip ko nga, bakit hindi siya nauuta sa tsaa eh lasang dahon naman yun. Nakaka-tatlong cup na kasi siya.

"Bakit?" bigla niyang tanong.

Napalingon naman ako sa TV at humigop ng kape. Kanina ko pa 'to iniinom hanggang ngayon hindi ko pa rin ubos. Pero, masarap magtimpla ng kape Mama ni Allen ha?

"W-wala!" sagot ko.

Narinig ko na naman yung 'Tss' niya tapos tinanggal niya yung kumot na nakataklob sa kanya. Oo nga pala, nagkumot kami kasi nilalamig kami kanina saka para daw hindi kami matuluyang magkasakit sabi ng Mama ni Allen.

Pagbalik niya ay may dala siyang unan.

"Anong meron? Bakit may ganyan ka?" tanong ko sa kanya habang pabalik na siya sa upuan at nagtatalukbong uli ng kumot. Pero tinanggal niya uli yun tapos kinuha niya yung unan at niyakap saka uli siya nagkumot.

"Wala kasi akong kayakap eh. Gusto ko ng may kayakap habang nanunuod sa ganitong klaseng panahon." sagot niya nung maiayos na niya ang sarili niya.

Oo nga naman, malamig, masarap ang may kayakap.

PERO KANINA PA KAMI MAGKASAMA AT NANUNUOD, NI HINDI NIYA MAN LANG AKO BINIGYAN NG HINT NA GUSTO NIYA PALA NG GANUN! EDI SANA KANINA KO PA SIYA NIYAYAPOS DITO!

Tch!

"Bakit?" tanong niya.

Anong bakit?! Gusto mo pala ng may kayakap, hindi ka nagsasabi? Tapos ako naman natatakot na yakapin ka, kahit gustong-gusto kong gawin yun, kasi akala ko ayaw mo. Ahhh! Wala! Tch!

"Wala." monotonous kong sagot sa kanya.

"Wala!? Eh 'tch' ka ng 'tch' dyan. Para kang butiki." sabi niya.

"Wala nga." sagot ko.

"Meron eh. Sabi-- Oof!" o-kay meron nga!

Ito yun eh. Gusto kitang yakapin kasi gusto mong may kayakap ka saka matagal ko nang gustong gawin 'to, nagpipigil lang ako sa harap ng maraming tao. But since tayo lang dalawa ang nandito at yung Mama mo at kapatid mo ay nasa taas, might as well, do it na, right?

"K-Karl, m-m-masa-ah! Mas-masa-ah!" ay shit! Napahigpit! Sorry, Allen! Na-excite lang!

Agad ko mnang niluwagan yung yakap ko sa kanya pero hindi yung tipong bibitawan ko siya.

"Papatayin mo ba ako?!" galit niyang tanong.

Hindi kaya! Hahaha. Umiling lang ako bilang sagot.

"Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!" sabi niya tapos tinutulak-tulak niya pa ako.

Walang epekto yan! Mas malakas ako sa'yo!

"Ayaw." pa-cute kong sabi. Bakit ba? Kami lang namang dalawa nandito eh. Okay lang na magpa-cute ako ng magpa-cute.

"Wag ka ngang magpa-cute! Hindi bagay sa'yo! Bitawan mo na ako!" sabi pa niya at talagang pinipilit pa rin niyang kumawala sa akin.

"Ayaw." magpapa-cute ako hangga't gusto ko, pero sa harap mo lang! Hahaha.

"Isa." wow! Countdown! Sige, let's play a game!

Bilangan mo ako, pero kada bilang mo hihigpitan ko yakap ko sa'yo. Hahaha. I'm such a genius! I think I'll love this game. Hahaha.

"Dalawa! Oof!" hehehe.

"Tatlo! Ah! Bitawan mo ako!" sabi ko sa'yo ayaw ko eh. Hehehe.

Mukha namang na-gets niya ako kasi tumigil na siya sa pagpupumiglas.

Tama yan! Yan ang gusto ko sa'yo eh, masunurin ka.

"K-karl, ano ba 'to?" mahina niyang tanong.

"Wala. Sabi mo gusto mo ng kayakap diba?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"Eh-eh, ano, kayakap k-ko na y-y-yung unan ko eh." nauutal niyang sagot.

Eh? Y U utal-utal? Are you kinikilig? Well you should be! Hahaha.

"Nakakapagbigay ba ng init ang unan? Hindi diba? Kaya sige na, okay lang na ipulupot mo yang mga braso mo sa bewang ko, hindi ako magagalit." nakangiti kong sabi sa kanya.

Please, please yakapin mo ako! Please.

Oh yes! Side-hug!

Tinitigan ko siya and he also stared at me. Those eyes. Why are they so mesmerizing?

Marahan kong pinat yung ulo niya tapos inakbayan ko siya at hinapit pang lalo palapit sa akin.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

HAHAHAHAHAHAHAHA. HAHAHAHAHAHAHAHA. ANG SAYA ANO PO? :)))))))))

Continue Reading

You'll Also Like

174K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...
167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
366K 2.1K 23
10 years ago, may nakilala si Kenjiro sa isang ospital, Si Toffee.. Maghapon silang naglaro.. Si Toffee ay isang batang masayahin, may dimples...
207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...