The Basketball Jerk [Ongoing]

By acerkim

611K 9.4K 1.5K

"Yung inakala mong one-sided love lang sa part mo, yun pala mas mahal ka pa niya." - Louise Anne Gabriel All... More

Chapter 1: Darned!
Chapter 2: Oh he's got to be kidding me!
Chapter 3: That moment when...
Chapter 4: Lub dub! Lub dub!
Chapter 5: He cares.
Chapter 7: Bawi-bawi lang!
Chapter 8: What my heart yearns...
Chapter 9: The Thing I Do Best
Chapter 10: Weak lang kasi ako eh...
Chapter 11: Coincidence?
Chapter 12: And she cried...
Chapter 13: The TV episode!
Chapter 14: That moment to dare! ^__^
Chapter 15: "I don't think so..."
Chapter 16: "Hindi siya, IKAW!"
Chapter 17: Girlfriend?
Chapter 18: Let it go
Chapter 19: Heat vs. Spurs
Chapter 20: It stings!
Chapter 21: Missing you...
Chapter 22: The Restraining Order!
Chapter 23: His Little Secret
Chapter 24: Redemption
Chapter 25: The Boyfriend in Due Time
Chapter 26: The Man Behind the Arrogance
Chapter 27: The Basketball Court

Chapter 6: Crap! Akala ko yun na yun!

26.2K 418 62
By acerkim

*Pak!* at bigla na lang lumipad ang kamay ko sa kaliwang pisngi niya.

The hell, what did I just do? I freaking slapped his face! Yung mukha niya tuloy gulat na gulat. Pero kung gulat siya, mas gulat ako sa sarili ko. Ba’t ko siya sinampal? Dahil na-disappoint akong di niya tinuloy yung halik? Oh crap!

 

“So-sorry…” wala tuloy sa sariling hinaplos ko ang namumula niyang pisngi. “Sorry… Sorry…” inulit-ulit ko pa na tarantang-taranta. Oh I’m obviously out of mind, aren’t I?

Pero nganga lang siyang nakatitig sa akin na mukhang di niya talaga inaasahan ang ginawa ko. Galit kaya siya? Sa isip kong kinakabahan. Eh first time ko kasi siyang nasampal eh. Kahit kasi nagagalit ako sa kanya noon, I’ve never inflicted him any form of physical pain at least. And now that I did, I’m really surprised on how awful it feels.

 

“Awww!” late niyang reaction na nakakagago. And when I met his gaze, halata ang ngiti sa mga mata niya. “Were you disappointed?” he smiled widely saka hinawakan niya ang kamay kong nakadampi sa pisngi niya.

 

“Shatap!” agad ko siyang naitulak and then immediately avoided his eyes. Tama ba kasing ipamukha pa sa akin eh hiyang-hiya na nga ako.

 

“Gusto mo atang ituloy ko eh! You even closed your eyes,” tapos naging mahinang tawa na ang kaninang ngini-ngiti-ngiti lang niya.

 

“Tae mo! Kinabahan lang ako kaya ako pumikit!” mabilis kong paliwanag. Nakakawala naman ng confidence maging defensive sa ganitong sitwasyon. Paano ko nga ba naman kasi i-e-explain kung bakit ako napapikit? Should I rather say ‘I was disgusted to see your face so close’? Mas okay sanang excuse yun ano kaso it’s not believable.

 

“Talaga?” at muli pa siyang dumikit sa akin na nangti-trip na naman.

 

“Gago!” but I pushed him back as fast as I could. Naman kasi, his scent seems to paralyze my brain that I couldn’t think straight already.

 

“’Nay, madali lang naman ako kausap. Just tell me if you want me to kiss you because believe me, I’m very much willing to,” walang prenong satsat niya sabay kindat pa sa akin. Fffff! Pambihira naman oh! Ayaw niya talagang palampasin yun.

 

“I said shut up!” napalakas tuloy ang boses ko. “Balik ka na dun sa party, I’m better off alone here anyway since you suck!” nakasimangot kong litanya.

 

“Really?” and he kept grinning like shit. Tumahimik na lang ako, alam ko kasing wala na naman ‘tong katapusan. I’ll just pretend walang nangyari kanina tutal makapal naman ang mukha ko eh. “Buckle up, we’re going somewhere,” aniya pero tapos umikot na siya papuntang driver seat. Saan naman daw kami ngayon? Hindi ko tuloy alam kung matutuwa o maiinis ako kasi I’m stuck in here with him. Kaya humalukipkip na lang ako sa gilid at di na nagsalita habang pinapaandar niya ang sasakyan. “Masakit pa ba yang paa mo?” he broke the silence.

But I didn’t bother talking back. I’ll better shut my mouth or else he might bring back that embarrassing topic. Kunwari na lang bisi-busy akong nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya. Tumahimik na rin siya kaya napanatag ako, pero sa tuwing pasagli-saglit akong napapasulyap sa kanya eh kapansin-pansin pa ring napapangiti siya. Haizzt, I bet he’s still thinking about what happened minutes ago.

Mayamaya pa’y he pulled over nang may madaanan kaming convenience store. “Wait here, may bibilhin lang ako,” paalam niya bago siya lumabas. Nasundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad siya papasok sa may store. Kahit nakatalikod lang talaga siya eh, alam na alam mo ng pogi siya. Grabe lang, kahit sa anong anggulo talaga eh hot siya. No wonder kung bakit yung mga babaeng nakatambay sa may labasan ng convenience store eh agad napunta sa kanya ang atensyon.

Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung what if boyfriend ko siya. Masaya siguro ano, maraming maiinggit. I’ll be considered lucky then. Pero ang downside din siguro nun, parang di siya safe. Kaagaw-agaw kasi siya eh, it must be difficult trying to take a firm grip on to him para lang di siya mapunta sa iba. And basing it on his records, wala ata siyang girlfriend na nagtatagal. I wonder pa nga kung girlfriend ang tawag niya sa mga yun eh, they all look to me as merely flings.

Pero what the hell, why do I keep on thinking about him. His car seems to have some spell that would really make you think of its owner. “Makalabas nga saglit, ba’t ba kasi naiwan pa dito ang amoy niya?!” I was talking to myself na natitimang na saka ko binuksan ang pintuan at dahan-dahang lumabas. Then I saw an empty bench sa may gilid ng store at naisip kong makaupo nga doon. And so I was walked slowly, limping rather, para lang di mabigatan ang sprained ankle ng kaliwang paa ko. Unfortunately, I accidentally bumped on one of the girls na nakasalubong ko. “Sorry…” agad kong paumanhin.

 

“Putcha naman oh!” pero nagulat ako sa reaction ng babae kaya agad akong napalingon sa kanila. Nakataas ang noo ng isa na parang susugurin ako. At yung mga kasamahan naman niya, tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang war freak lang ng dating nila. What’s wrong with these people, nagsorry naman ako ah. “Ang luwang-luwang ng daanan namumunggo ka pa!” paasik pang sita sa akin ng babaeng nabunggo ko, mukhang siya pa ata kasi ang lider ng grupo nila. Pero kung tutuusin naman, may kasalanan din sila ah. They were walking on the sidewalk na parang sa kanila ang daan since they didn’t even bother sparing a space para sa mga taong makakasalubong nila. Hindi tuloy napigilan ng mga kilay kong tumaas. Ayoko kasi ng mga taong pa-bossy na astig-astigan lang.

 

“Excuse me?” naiiritang untag ko.

 

“Tangna excuse me daw oh!” kumunot ang noo nung babae saka siya ngumisi na tila nanghahamon ng away. Tapos mayamaya pa’y naglakad sila palapit pa sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan kasi marami sila, dagdag pang hindi okay ang paa ko at siguradong wala akong kalaban-laban if ever man sugurin nila ako. “Mayabang ka masyado ah!” nakangisi pa ring parinig ng lider-lideran nila. My goodness, ngayon lang ako naka-encounter ng mga taong di nakaintindi sa simpleng sorry.

 

“Nag-sorry po ako kung di niyo man narinig,” di ko tuloy napigilang ipamukha sa kanila. Pero dahil sa sinabi ko eh bigla tuloy akong sinugod ng isa sa kanila at akmang sasampalin na ako when---!

Don’t you dare hurt her or I swear to God I’m gonna kill you!”

At lahat kami sabay-sabay na napatingin kung saan galing ang boses na ‘yun. He’s there, Harold is there. Nanlilisik ang mga mata niya habang halatang mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya doon sa kamay ng babaeng sasampal sana sa akin kanina lang.

Kung sila nagulantang sa bigla niyang pagdating, ako naman nakahinga na nang maluwag. Malapit na ako nun ah. Muli tuloy akong napatingin sa mga babaeng nakapalibot sa akin, hindi ko alam kung paano i-describe ang mga itsura nila. They all seemed frightened and at the same time may ningning sa mga mata nila na halatang gwapong-gwapo sila sa knight and shining armor ko.

 

“Siya yung team captain ng Navs na crush nila Paula, siya si Harold Cortez!” tapos narinig ko pa silang nagbulungan sa likod ko. Navs, short for ‘Navigators’, sa pagkakatanda ko, yun ata yung team name nila. Ngayon ko lang napapatunayan kung gaano sila kasikat.

Tapos mayamaya pa’y pinagilid niya yung babaeng nasa harap ko saka niya ulit ako biglang binuhat na tila walang pakialam sa kanila.

 

“Teka lang---!” pigil ko pa pero mukhang galit ang itsura niyang naglakad na papunta doon sa bench na pupuntahan ko sana kanina saka dahan-dahan niya akong pinaupo doon. Mayamaya pa’y may nilabas siya sa supot na dala-dala niya. Parang frosty siya na something. “Sssss…” nagulat pa ako sa lamig na dulot nun nang bigla niya iyong dinampi sa may ankle area ng paa ko.

“It’ll keep down the swelling,” seryosong sabi niya na di pa rin tumitingin sa mga mata ko. Napaisip tuloy ako na baka galit siya kasi lumabas ako sa kotse niya eh sinabihan niya akong hintayin siya doon.

 

“Sorry…” napayuko tuloy akong nag-apologize.

 

“Para saan?” tanong niya saka siya tumabi siya sa akin.

 

“For the trouble,” I answered shortly na di pa rin tumitingin sa kanya. “And thank you…” pero di siya nagsalita kaya mas nag-alala na naman tuloy ako. “Hindi ko naman sinasadya yun eh, masyado lang kasi silang maangas maglakad na inukupa na nila yung buong daan kaya di ko naiwasang mabunggo yung isa…” at para akong batang nagpaliwanag. “I even said sorry… kaso bastos lang talaga sila kaya di na ako nagpakumbaba. Ayoko nam---!”

 

“Alam ko,” putol niya sa sasabihin ko pa sana.

 

“Eh kasi para kang galit eh… kaya sorry…” di ko mapigilang komento.

And then nagulat na lang ako nang bigla siyang napatawa. Did I say something funny? Nakasimangot ko tuloy siyang hinarap. He’s sometimes creepy and weird.

 

“Look Louise, I’m not mad at you…” he cupped my face and then looked straight into my eyes. “Ba’t naman ako magagalit sa’yo? I was worried, that’s all,” he said saka niya mahinang pinisil ang pisngi ko.

 

Worried? Ulit ng utak ko kasabay ng mahinang kalabit sa puso ko. Okay na din yun ano, knowing he worries about me is enough to make my day.

 

“Alam mo naman dati pa na ayokong nasasaktan ka…” tuloy pa niya na mas kinagulat ko. Oh right, I remember. He said before that seeing me hurt freaks him out a lot. Pwede ko na sanang i-assume na kaya siya ganun sa akin eh dahil mahal niya ako di ba? Kaso hanggang doon lang kasi siya eh, I’ve never seen interest in his eyes other than the freaking truth that he just cares.

 

“Oo nga pala…” sabi kong patango-tango lang saka ko inagaw sa kanya yung frosty something na pagkain at ako na mismo ang nagdampi sa paa ko.

 

“Ako na,” pero inagaw niya muli sa akin yun.

 

“Ako na,” at nakipag-agawan pa ako. Ayoko ngang siya, sa tuwing nararamdaman ko kasi ang balat niyang paminsang-misang sumasagi sa skin ko eh lakas ng epekto sa akin. Kinikilig ako na di ko maintindihan at ayokong masanay sa ganun.

 

“Ang kulit mo, sabing ako na!” asik niya na kinabigla ko. Ba’t ba parang ang init ng ulo niya ngayon?

 

“Kaw kaya ‘tong makulit!” singhal ko din sa kanya. “Buwakaw, paa ko to kung nakakalimutan mo!” pero ngumisi lang siya sabay iling.

 

“’Nay sandali lang,” sabi niya sabay hila sa akin para harapin siya. “Pasensya na pero sa tuwing yumuyuko ka kasi may nakikita akong iba…” at biglang lumihis ang mga mata niya pataas. And then… OH SHIT! Then I realized kaya agad akong napatingin sa may dibdib part ko. Damn it! “I’m just worried some folks might see those and be disappointed,” he smirked shamelessly.

Pabato ko tuloy na binigay sa kanya yung frosty. “You’re an asshole!”

 

“I know. But you might want to add an adjective to that. An honest asshole perhaps who couldn’t stand the view that’s why he told you,” ang shit niya talaga! Tinitigan ko tuloy siya nang matalim.

 

“Are you sure you didn’t enjoy the view yourself?” I bravely asked him. Tingnan na lang natin kung sino ang matibay. “’Coz for all I know, men are practically the same.”

 

“Ahhhmmmm…” at kunwari pang napaisip ang loko tapos mayamaya pa’y he gestured something using his thumb and his index finger, na parang mini-measure pa niya. “Slight lang,” and he said it na parang naaawa pa sa akin.

 

“Bastos!” sabi ko sabay palo sa balikat niya and then napatingin ako sa suot ko. Right now I’m wearing a sleeveless yellow knee length dress na medyo mababa yung sa may harap part pero di naman exposed yung tinatakpan, sa tuwing yumuyuko lang siguro ako na ayon sa kumag na ‘to eh may nakikita na. Napatayo tuloy ako sabay ayos ulit sa suot ko bago ko siya muling hinarap.

And there he is, he was just staring at me na tulala.

 

“Wow, nagbago na isip mo?” tanong ko na kinangiti niya.

 

“No, it’s just that you look so pretty today…”

 “H-Huh?” my heart stopped. Why does his compliment matter to me so much that I couldn’t even find the right words to say. “Nga-ngayon lang?” there there! Napangiti na naman tuloy kaya akala ko tatango siya kaso nagkibit balikat lang siya. “Sama nito talaga!”

 

“But you definitely look prettier when you’re with me.” BOOM!

“Ang kapal mo! Ginawa mo pa talaga akong dependent variable,” I hissed at him.

 

“Ayaw mo nun? It sounds cool to me, that would mean we look good when we’re together,” relax na relax pa niyang dagdag. But I rolled my eyes instead and then smiled at him mockingly.

 

“Haha!” basag trip kong tawa sabay upo ulit. Ayoko na rin makinig, lahat kasi ng sinasabi niya eh tumatagos sa dibdib ko. Delikado na dahil baka mauto pa niya ako.

 

“Tara na!” sabi niyang tumayo na. “Baka hinahanap na tayo nila mama,” he’s pertaining to my mom again. Yumuko at akmang bubuhatin niya ulit ako pero this time napigilan ko na siya.

 

“Huwag na, alalayan mo na lang ako,” sabi ko as I stood up at nagsimulang naglakad. Agad ko namang naramdaman ang isang kamay niya sa may likod ko para alalayan ako.

 

“As you wish,” he said smiling as we headed back to his car. “Nga pala, may game kami sa this coming Saturday, wanna come?”

“I’m not interested,” sagot ko naman agad, bored.

 

“Okay, pero kung magbago man isip mo, just call me,” sabi niya calmly as he focused on the road.

“I doubt it.”

 

Nakarating kami sa may reception ng kasal nila ate Kristelle na pawang tahimik na. Nakakapagod din talaga kasing sakyan ang mga pambihirang trip niya eh.

At bubuksan ko na sana ang pintuan at mauuna nang lumabas nang pigilan niya ang kamay ko. “Ano na naman?” naasar na tanong kong binalingan siya. Kaso sinagot niya ako sa pamamagitan ng halik na di ko inaasahan.

Oo! As in, halik!

“That was for the kiss you expected na di ko tinuloy,” ngiting-ngiti siya saka niya ako tinalikuran at binuksan yung door sa tapat niya at nauna nang lumabas.

Napahawak naman ako sa pisngi ko, or rather, yung part na malapit na malapit sa lips ko. Oh shit, what the hell was that? Almost sa lips ko na yun ah! And then nagulantang ako nang katukin pa niya yung sa nakasara ng bintana sa tapat ko.

“Di ka pa lalabas?”

============================================

A/N:

Waaaaah! And I'm back! :) Haha, grabe I'm almost out of ideas for this freakin' chapter. Ewan kung anong nangyari sa nagbakasyon kong utak. Haha! But I still find this chapter cool kaya I'm still glad.

Maraming salamat sa pagbabasa, sa mga comments at votes niyo. Those are all enough to make my day too...

Annyeong! God bless! ^__^

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
171K 4K 49
To be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, st...
955K 16.1K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
45.6K 1.9K 27
BL story. Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2