Second Wave and Round 2 Entri...

By WPGameKaNaBa2015

3.4K 140 128

Gusto lamang naming batiin ang lahat ng sumali at naglaan ng kanilang oras sa paggawa ng mga akdang ito! Mabu... More

Mechanics (Second Wave)
Entry 2:The Traitor
Entry 3:Sunken Sun
Entry 4:Ang Huling Eba
Entry 5:Bula
Entry 6:Autobiography ng Isang Guwapong Nilalang
Entry 7:Panayam
Entry 8:Pinagmulan
Entry 9:Ang Forever ay Gawa-gawa Lang (DQ)
Entry 10:Stupid Cupid
Entry 11:Sojourn
Entry 12:The Love App
Entry 13:Bato Balani
Entry 14:May Magic Ang Kaniyang Panty
Entry 15: The Beauty of Love
Entry 16:Sarah: Ang Dating Munting Prinsesa
Entry 17:Frozen Heart
Entry 18:Titanic
Entry 19:Payapang Hating-gabi
Entry 20:E 'di, ako na bitter! (DQ)
Entry 21:Hello Radio
Entry 22:Future Tenses: Papaasahin, Iiwanan, Masasaktan
Entry 1 for Round Two: Una: Ikawalo
Entry 2 for Round Two: Sinteya
Entry 3 for Round Two: Ang Malunod sa Dagat ng Pananalig
Entry 4 for Round Two: Cul-de-sac

Entry 1:Black Star: Legion

301 9 12
By WPGameKaNaBa2015

Genre: Sci-fic

Word Count: 1309 words

"Nahuli na tayo. Malaki na ang naging pinsala sa lugar na 'to."

"Wala na rin naman tayong magagawa." Hinahabol an gaming mga hininga.

Ang mga pangyayaring gaya nito ay tila dumadalas na ngayon. Hindi ko naman mawari na magiging ganito pala kapagod ang pagpuksa sa mga ito. Pero hindi ko dapat ito isantabi. Dahil kahit ako'y nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa lintik na 'yan.

Ang pagkawasak nitong parte ng Quezon ay maihahambing sa isang napakalalang trahedya. Makikita ang mga taong nakaluhod, umiiyak. Ang iba naman ay para bang nabaliw na dahil hindi na nito makayanan ang mga kaganapang kanilang nasasaksihan.

Naalala ko tuloy na ganoon din ako gaya nila noon. Nagluluksa, sinisisi ang sarili kung bakit nangyari ang mga bagay na iyon. Dahil sa mga eksenang nakikita ko rito ay napaigting na lamang ako ng panga dahil bumabalik na naman lahat ng ito. Lahat ng alaala kung paano nangyari ang mala-delubyong dumating sa mundong 'to. Kung paano nagsimula-----ang----lahat.

Ang bata ko pa lang noon, pero sa taon na iyon ay nakita ko kung paano nagwakas ang kanyang buhay. Nakita ko kung paano nagpira-piraso ang kanyang katawan, nadurog at naging abo. Ang natira naman sa kanya ay inihip na lamang ng hangin, papalayo.

Sumunod ang ina ko makalipas lamang ang ilang araww. Dahil iyon sa kakulitan ko. Nakayakap lang ako sa kanya, ayaw ko siyang bitawan dahil ayaw kong matulad siya sa aking yumaong na ama. Iyak ako ng iyak, at ang tangi ko na lamang ginawa ay tumakbo. Papalayo sa kanilang lahat. Ngunit, hindi ko akalain na sa harapan ko mismo sisibol ang susunod na "Black hole", dahil sa pagkataranta ko ay nasubsob ako habang ako'y bumabalik sa aking tahanan. Akala ko noon, katapusan ko na at napapikit na lang ako ng aking mga mata sa takot---ngunit pagkadilat ko, hawak hawak na ako ng isang naka-uniporme na gaya ng aking mga magulang. Niligtas niya ako kahit alam niyang mapapahamak siya. Ang huling alaala ko ng aking ina bago siya mawala at madurog ay ang nakatingin siyang nakatingin sa akin na para bang nagsasabing, "Narito lang ako palagi sa tabi mo, para sa'yo anak."

Nawala ako sa sarili 'nun at ilang araw din akong 'di natulog at nakain dahil para bang pinipiga ang aking puso sa sakit na aking nararamdaman. Doon ay inimbita nila ako sa isang samahan na pumupuksa, nagpapatigil doon na kilala sa tawag na---The Retributors. Nakasuot din sila ng uniporme ng aking mga magulang. Trabaho din nila 'yun, na isugal ang kanilang sarili para sa kaligtasan ng marami.

"Ayaw mo bang makatulong sa iba? Kaysa sa nariyan ka't sinasayang ang iyong buhay, kakaiyak? Bakit hindi mo gamitin ang iyong galit para makapaghiganti sa mga ito at samahan kami sa pagpuksa sa delubyong 'to?" Nakatatak sa isip ko 'yon hanggang sa ngayon. Sinabi ng isa sa pinakarespetadong tao sa industriya ng Retributors, walang iba kun'di ang aming leader, Si Colonel Miles Guevarra.

"Bumalik na tayo. May isa pa tayong patitigilin. Ang Legion."

"Handa na ba kayo?" Handa na nga ba kami? Kami ay ipinadala ngayon upang magpahinto sa limangput walong black hole sa buong lungsod ng Manila at may isa pa kaming dapat harapin, ang Legion hole. Ang paliwanag sa amin ng nakakataas ay naganap ang lahat ng ito dahil sa isang bulalakaw na kung tawagin nila ay "Black Star". Ito ang dahilan kaya nasira ang rotasyon ng mundo, kaya mula noon ay marami na ang nagsilabasan sa buong mundo na tila blackhole ang itsura. Nakakagulat nga dahil kaagad nila naagapan ang unang black hole na para bang alam na nito ng gobyerno nung una pa lang. Hanggang ngayon ay kilala ang black hole na iyon sa pangalang Leo ilang libo na ang nakakaraan.

Huminto kami sa isang pulang bubong na kung saan malapit ng mabuo ang susunod na delubyo. Kahit pagod ay hindi kami dapat tumigil.

"Smile, everyone!" Sabi ni Harold, isa sa mga kasamahan ko. Ginagawa namin ito bago kami sumabak sa isang blackhole, dahil konting mali lang namin o kung may hindi inaasahang mangyari ay mawawalan kami ng kasamahan. Iilan na ang nawala, at kahit takot kami ay wala kaming magagawa dahil ito na ang nakatadhana sa aming trabaho.

"One minute, guys. Palibutan niyo na ang paligid." Inatasan kami ng aming leader. Kami ay nagmadaling nagpalibot sa paligid at bumuo ng hugis bilog. Inihanda ang aming mga kagamitan na nakasuot sa aming likuran na para bang backpack.

"3, 2, 1---GO!" Kaagad naming sinindi ang "Looper" na bumubuo ng kaparehong enerhiya nito, at dahil doon ay naiiwasan ang pinsala at madali itong patigilin. Nagsimula na ang lahat. May lumitaw na bilog na kinagigitnaan namin at unti unti itong lumalaki. Habang ito'y lumalaki ay mas nahihirapan kami sa pagpigil rito. Nararamdaman na namin ang tindi ng pressure na dulot nito ngunit hindi dapat kami magpatinag, dahil kailangan naming wakasan 'to.

"H---Hindi ko----na---kaya ang pre---" Bigla na lang siyang tinangay paloob na para bang siya ay nilalamon.

"FELIX!"

"Huwag tayong matinag, kailangan pa natin itong pahintuin!"

"PERO SI FELIX! ILILIGTAS KO SIYA!" Sumunod siya rito ng walang atubili.

"ANDREA!" Habang kami ay nababawasan ay mas nahihirapan kami sa pagtigil ng dambuhalang black hole na nasa aming harapan. Pakiramdam ko ngayon ay nilalamon na ako sa takot nito pero sinusubukan ko pa ring 'wag magpaapekto.

"JASON!"

"MARA!"

"LOUISE!"

Isa-isa silang tinangay nito.

"We need back-up sir, location, Caloocan. 368 north 582 west." Sambit ng aming leader na nakahawak sa kanyang tila-headphone.

"Ang pinakamalapit na unit diyan ay nasa Baclaran pa. Sana ay makayanan niyo pa kapag sila'y nakarating." Umigting ang panga ko dahil matagal pa bago sila makarating, siguro ay naubos na kami rito kung nangyari 'yon.

"WALA NA BANG MAS MALAPIT NA UNIT, SIR?! ANG LAYO PA 'NON."

"Hindi namin magamit ang aerial looper sa ngayon dahil ito'y kagagamit lamang. Matatagalan pa bago ito marefuel-up."

Wala bang ibang paraan para matigil 'to? Anong dapat naming gawin? Tumingin ang leader namin, sa akin.

"Huwag kang mawawalan ng [ag-asa ah?" Napalunok ako, nanginginig na ang mga paa ko sa mga nangyayari, damang dama ko na ang lakas ng pwersa nito na para bang hinihigop na ang aking kaluluwa.

Ilang minuto pa ang lumipas, ilang members pa ang sumunod sa mga namatay. Iilan na lang kami rito. Nagsimula na lamang akong mag-isip ng magagandang pangyayari sa buhay ko para makayanan ko ang lahat. Pero nagsisimula ng bumigay ng katawan ko. Para bang, 'di na ako aabot, 'di ko na kaya. Napapikit na lamang ako, dahan-dahan.

"Nakaganti ka na ba sa kanila?"

Hindi ko na kailangang gumanti pa.

"May nararamdamang galit?"

Oo, galit na galit.

"Sumusuko ka na ba?"

Mukhang ito na ang limitasyon ko at wala na akong magagawa pa para baguhin 'yon.

"Nawawalan ka na ba ng pag-asa?"

Hindi, pero wala na, huli na---

"GISING! GUMISING KA NA."

Inimulat ko ang mga mata ko, ang liwanag. Ito na baa ng sinasabi nilang kabilang buhay? Lumingon ako at may nakita akong pamilyar na mukha na nakangiti sa akin, umiiyak.

"Nagawa natin, akala ko'y katapusan na natin pareho, ngunit dumating sila. Tama lang ang dating nila. Tamang-tama lang." Tumayo ako sa aking kinahihigaan at dali-dali niya akong niyakap.

"N---Nasaan tayo?"

"Nasa hospital tayo."

"H—Hospital?"

"Oo, hindi pa tayo patay, soldier."

B---Buhay kami?

"Oo, buhay na buhay kayo." Kaagad akong napalingon sa aking likuran nung may biglang bumulong sa akin, at nakita ko ang aking mga magulang na nakatingin sa akin habang nakangiti. Hindi ko maiwasang 'di maiyak sa aking nakita.

"Ipagpatuloy mo ang iyong buhay, anak. Marami pang pagsubok ang dadating pero alam naming kayang-kaya mo lahat ng iyon." Kinagat ko na lamang ang mga labi ko para huminto sa pag-iyak at saka tumingin sa kanila ng nakangiti.

Salamat. Maraming maraming salamat...

"Kailan mo kaya mapapatigil ang black hole kung wala 'tong katapusan?"

When you believe in yourself and when you embrace the---impossible.

FIN.

Continue Reading

You'll Also Like

856K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
350K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
444K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...