These Three Jerks

By SweetAdmirer

1.8M 47.4K 9.9K

Clumsy, noob, slow-poke - these words describe Nica Eumice Sevilla. She moves from a remote place in the Phil... More

These Three Jerks ♥
Prologue
I. The First Jerk
II. Ang Anghel
III. Hotdog ni Pogi
IV. Ang Saging
V. Ehersisyo
VI. Meet Coffee
VII. Haba ng Hair
VIII. Ang Social Studies
IX. Her First Day
X. Doraemon
XI. Impregnated
XII. The Third
XIII. Suplado
XOXO. Halloween Special
XIV. Ano Kami Barbie?
XV. Hotdog, Saging, at Patola
XVI. Storm Signal
XVII. Three Jerks Reunited
XVIII. Singular and Plural
XIX. Tooth Brush
XX. Hapagkainan
XXI. Biology
XXII. Humble
XXIII. Jeepney
XXIV. Specimen
XXV. Beast Mode
XXVI. George's Insanity
XXVII. The Stains
XXVIII. Strawberry Jam
XXIX. The Resolution

XXX. Breeding

37.8K 1K 894
By SweetAdmirer

30. Breeding

"Ngayon na naka-schedule ang flight ko, Dominique. Ikaw ang nakakatanda sa mga kapatid mo, kaya ikaw ang mas nakakaalam kung ano ang mas tama. Lawakan mo ang pang-unawa mo sa mga kapatid mo, sa daddy at mommy mo, at kay Eumice. Mamimiss kita, apo." Hinalikan at niyakap ni Domeng ang lola niya.

"Kung gusto mo siyang maging nobya ay ayos lang sa akin. Mabait na bata itong si Eumice. Boto ako sa loveteam niyong dalawa. Pero, hindi ako pabor sa ideyang magkasama kayo sa iisang bahay. Pangit. Sobrang pangit sa paningin."

"Grandma naman,"

"Sinasabi ko lang ang totoo, apo. Huwag mo sanang masamain."

"Ingat po kayo sa biyahe niyo, grandma. Tawagan niyo po ako kapag nakauwi na kayo."

"Sige, apo. Halika nga dito, George Rafael.." pagtawag niya kay George na nasa tabi ko. Kanina pa siya tahimik at walang kibo.

"Nandito lang ang lola para sa'yo. Kung ano man ang galit jan sa puso mo, alisin mo. Sana magkaayos na kayo ni Eumice sa mabilis na panahon. Sundin mo ang kuya mo. Magsipag ka sa pag-aaral." Tumugon ng halik si George sa lola niya. Pinalapit ni grandma si Miguel. May binulong siya dito, pagkatapos ay tinapik niya ito sa balikat.

"Salamat po, ma'am." Sagot niya dito.

"Grandma. Ako ang 'yong lola. Grandma ang itawag mo sa akin."

"Okay ho, grandma."

Mabilis na umalis si grandma sakay ng isang magarbong kotse, hindi niya man lang kami nilingon sa huling pagkakataon kagaya ng mga pinapalabas sa drama. Makatapos ang ilan pang minuto ay pumasok na rin kaming lahat sa loob ng mansion.

Kagaya ng nakagawian ay inayos namin ni Dominique ang hapag kainan, katulong din namin si Miguel sa pag-aayos. Si George naman ay umalis ng bahay matapos umalis ng lola nila. Hay naku, saan kaya pumunta si George? Hindi pa rin nagigising si Minho, marahil ay napasarap ang tulog niya sa kwarto ko.

Matapos kong malaman ang lahat ay sa kwarto ko natulog si Minho.

"Miguel, paabot naman ng kutsarita." Utos ko sa kanya. Pinagtitimpla ko kasi sila ng kape. Ayaw ko namang isawsaw ang daliri ko sa kape at gatas nila dahil papagalitan ako ni Domeng, baka sabihin niya na wala na naman akong manners. Ayaw ko naman na mapagalitan niya.

"Ito oh," sabi niya at inabot sa akin ang pilak na kubyertos.

"Gutom na ba kayo? Sandali na lang 'to, gisingin niyo na si Minho sa taas dahil malapit na kong matapos magluto." Sabi ni Domeng at sinunod ko naman ang utos niya. Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo kung nasaan ang kapatid ko.

Nagkataon na kagigising pa lang niya. Gulo gulo ang buhok, at nag-iinat pa sa kama. Umupo ako sa tabi niya at inipit sa kamay ko ang maputi niyang mukha. Minasdan ko siya at pinakatitigan.

Kamukha ko nga siya.

Mataba ang mga pisngi niya at namumula ang mga ito. Singkit ang mga mata at sobrang pula ng mga labi. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay at pinisil pisil pa ang mga ito, "Gutom ka na?" tanong ko at yumakap lang siya sa akin at tumango.

Buhat buhat ko siya habang nakayakap ang mga paa niya sa baywang ko. Natapos na rin si Miguel at Dominique sa mga ginagawa nila. Handa na kaming kumain at lagyan ng laman ang aming mga tiyan.

"Niknik, paano ka makakakain niyan? Yakap yakap ka pa rin ni Minho," tanong sa akin ni Miguel. Hindi ko alam kung bakit ayaw umalis sa pagkakayakap si Minho sa akin. Lumapit sa akin si Miguel at inamo ang batang nakayakap sa akin, "Come here, baby. Dito ka sa lap ko." Sumama naman ito.

Wala gaanong nangyari noong umagang iyon. Matapos naming kumain ay pinilit akong maligo ni Dominique.

"Ayoko nga, Domeng. Ang lamig kaya!" sabi ko sa kanya.

"Masarap ipaligo ang malamig. Maligo ka na at may pupuntahan tayo." Sabi niya at pilit akong pinapapasok sa banyo. Hinawakan ko ang pader at tinutulak ng likod ko ang katawan ni Domeng na tumutulak sa akin.

"Pumasok ka na sabi!" sabi niya, "Hindi naman malamig ang tubig, bilis na." pagpupumilit niya.

"May heater naman sa banyo mo," sagot niya.

"Ah.. eh.. hindi ko nga alam gamitin! Tsaka ano ba 'yon?!" tanong ko. Marami din kasing mga hose sa cr dito sa kwarto ko, tanging timba at tabo lang ang pinapakelaman ko dito at 'yung parang gripo na may hose na nakakabit sa bowl. Madalas ko ngang gamitin 'yon kapag nagbabanlaw na ko ng shampoo sa buhok ko.

"Ayun oh, 'yung kulay red. Mainit na tubig 'yun." Sabi niya sa akin.

Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya, "Maliligo ako ng mainit na tubig?! Ha?! Grabe ka naman, Domeng. Masakit sa balat 'yun! Maligamgam lang ang kaya ng balat ko pero 'yung mainit?! Grabe ka talaga sa akin." Pagtutol ko sa suggestion niya.

Binatukan niya ako habang nangingiti, "Sira ka talaga! Saglit nga lang at aayusin ko lang ang pampaligo mo. Sobrang daldal mo, alam mo bang ang sakit na ng tenga ko."

"May sakit ka sa tenga? Sus, magcotton buds ka kasi." Sabi ko at tumawa na naman siya.

"Baliw ka talaga." Natatawang sabi niya. Ito ang ayaw ko kay Dominique, e. Hindi ko naman inaano pero sinasabihan ako ng baliw, ng sira, ng nakakatawa ako. Hala siya, hindi naman ako nakikipaglokohan sa kanya. Siya ata ang baliw.

Sinundan ko siya sa malawak na banyo, "Ayaw mo ba maligo sa bath tub? O magsshower ka na lang?" tanong niya sa akin, "Mag-shower ka na lang pala. Baka mapatagal ka pa kapag nagbabad ka sa bath tub." Pagsagot niya sa sarili niyang tanong.

Pinihit niya ang parang door knob at bumuhos sa kanya ang tubig. Parang nagslow motion ang lahat habang nababasa siya ng tubig na nanggagaling sa shower. Bumabakat ang balat niya sa nababasang puting t-shirt niya. Napanganga ako at parang gusto ko na rin maligo dahil ang init ng pakiramdam ko. Bakit kaya?

"Tss, nabasa ako." Sabi niya sa akin, habang sinusuklay ang basa niyang buhok, "Pwede ka ng maligo, ayos na 'yung init ng tubig." Naiwan akong nakanganga sa banyo habang siya naman ay dahan dahang naglalakas papalabas ng kwarto.

Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Matapos kong maligo at makapagbihis ay nakaready na rin si Dominique. Nakaboard shorts lang siya habang nakasuot ng t-shirt, at nakasuot lang siya ng tsinelas. May shades din siya at nakasumbrero.

"Bakit ka naka-dress?" tanong niya sa akin, "At bakit ang tagal mo? Kanina pa ko tapos maligo, dalawang oras na kong naghihintay dito." Nabubugnot niyang sabi.

"E? Sinuot ko lang naman 'tong mga binibili niyong damit sa akin." Depensa ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at sumakay naman ako dito.

"Bakit kasi ang tagal niyong maligong mga babae?" tanong niya sa akin matapos makapasok sa kotse. "Seat belt mo, Eumi." Sambit niya matapos mapasadahan ng tingin ang strap ng belt na 'to. Pinaandar niya ang makina at nagmaneobra papalabas ng garahe.

"Bakit ka ba nagagalit? Naligo lang naman ako." Sabi ko sa kanya.

"E, bakit kaming mga lalaki. Naligo naman din pero hindi matagal. Saglit lang." sagot niya sa akin habang nagmamaneho.

"Ano bang ginagawa niyo sa loob ng banyo?"

"Naliligo." Sagot niya.

"Anong klase paliligo? Sabihin mo sa akin ang lahat ng ginagawa mo kapag naliligo ka."

"Detailed ba na pagkkwento?" tanong niya na naman.

"Paanong detailed?" tanong ko naman sa kanya.

"For example, hinakawan ko ang akong patola at pinasadahan ko ito ng sabon. Mga ganun."

Namula ako noong marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ako ganito dati pero sa hindi maipaliwanag na rason ay dumudumi ang utak ko. At paano siya nagkaroon ng patola sa banyo?

"Hindi ganon, Domeng. Nakakainis ka naman." Tumawa siya sa nabibwisit kong reaksyon.

"Nagshampoo. Nagsabon ng katawan. Gumamit ng bimpo para maalis ang libag. Nag-tooth brush. Mga ganun lang, kayo ba?"

"Ay? Hindi ba kayo gumagamit ng tubig kapag naliligo? Naku, Domeng. Dapat binabasa mo muna katawan mo bago ka magsabon at basain mo muna buhok mo bago ka magshampoo. Hindi bubula 'yun." Sagot ko sa kanya at nag-make face lang siya sa akin.

"Marami kasi kaming ginagawa sa loob. Mga dalawa o tatlong beses kaming nagtotooth brush, depende sa flavor kung masarap. Mga dalawang beses nagsshampoo dahil mahaba ang buhok namin at di kami satisfied kapag isang beses lang. Nagcconditioner. Tapos, ilang beses magsasabon at magkukulkol ng katawan. Kumakanta din kami at minsan ay sumasayaw. Ginagawa naming concert ground ang banyo, wag ka nga."

"Ganyan din naman kami, pero di naman kami ganyang ka-OA." Sabi niya.

"Hoy Domeng! Wag mo nga kinukwestyon kaming mga babae at ang paliligo namin. Gusto mo bang magkagirlfriend na puro libag?! Puro kuto?! At may amoy ang kili-kili?!" tanong ko sa kanya.

"What's with the sudden reaction, huh? Of course, not."

"Naku, don't English me. Ayun naman pala, e. Ayaw mo. So wag ka na magtanong sa mga issues namin sa buhay. Try mo din kayang magpahaba ng buhok tapos patuyuin mo. Hirap diba?" tumango siya sa mga sinabi ko, "Wait, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Pet shop," simple niyang sagot.

Pumasok kami sa isang lugar na puro hayop. Ito pala ang pet shop. Maraming hayop sa pet shop. Marami ding mga kulungan ng hayop.

"Nasaan 'yung CR, Domeng? Naiihi ako." Tanong ko kaagad sa kanya pagkapasok namin sa Pet Shop. Tinanong niya naman ang babae na nakaputi at tinuro nito kung nasaan ang CR. Nagpaalam ako kay Domeng at nagtungo na sa loob.

Umihi ako at pagkalabas ko ng cubicle ay may dalawang babae na nakaharang sa pinto. Mga masasama ang tingin. Ang titingkad pa ng mga lipstick nila. Pumunta ako sa sink at naghugas ng kamay. Matapos kong maghugas ay kumuha ako ng tissue at ipinunas ang kamay ko dito.

"Girlfriend ka ni Dominique?" tanong sa akin ng babae na hindi katangkaran.

"Sa itsura mong 'yan, pinatulan ka ni Dominique? So mababa pala ang taste niya." Pag-segunda pa ng katabi nito. Natigil ako sa pagpapatuyo ng kamay ko sa hand dryer. Tumalikod ako at tiningnan sila, mata sa mata.

"Don't you know who I am?" I asked them.

Natigil sila na para bang hindi nila na-absorb ang mga sinabi ko, hindi ba nila narealize na kaya ko ring mag-english?

"So sinasabi niyong low standard ako para piliin ni Dominique? What if I told you na girlfriend niya nga ako at hindi kayo nagkakamali sa mga speculations niyo?" lumapit ako papalapit sa kanila, habang hindi inaalis ang mga matatalim na tingin na binibigay ko sa dalawa.

"Ikaw? Girlfriend? You must be kidding me." Sagot ng isa.

"Yes, I am. Bago niyo ako laitin, at pagmalditahan siguraduhin niyong afford niyo ng mamili ng mga branded na bags, hindi kagaya ng mga bags niyo ngayon. Mga branded na make-ups, hindi kagaya ng mga nakalagay sa mga mukha niyo ngayon, at branded na damit para hindi naman kayo magmukhang basahan." Tinabig ko sila gamit ang braso ko at umalis papalabas.

Kinalma ko ang sarili ko at nagpanggap na ayos lang ang lahat. Nakita ko si Dominique na nakatingin sa mga ibon habang ako naman ay napako ang tingin sa mga pusa.

"Ang cute ng pusa, Dominique." Sabi ko sa kanya at tinuro ang isang uri ng kakaibang pusa. Tumingin naman siya dito habang nakaakbay sa akin.

"Ganda ng kulay, color gray. Gusto mo niyan? Ibili kita?" tanong niya sa akin.

"Ayaw. May pusa akong nakita sa tv noong minsan na nalipat ko sa channel na puro hayop. Ganong laki ng pusa ang gusto ko, ayaw ko ng maliit."

"Anong breed?" nakatingin na tanong niya sa akin.

"Tiger ata tawag doon."

"Halika na nga at bumili tayo ng bagong alaga ni George, non-sense na naman mga sinasabi mo." Sabi niya at nailing. Mas gusto ko pa ng ganitong buhay, hindi kinaiinggitan. Naaalala ko na ang lahat; kung sino ako at sino ang pamilya ko. Pero hindi ako babalik sa nakaraan dahil masaya na ko kung anong meron sa akin ngayon. I must say, I am happy with these three jerks. I'll make sure that every seconds of my life that I'll spend with them is worth remembering. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 84.4K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
5.4M 275K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...