The Indigo In Lilac [PHR] - C...

By phrjelevans

171K 3.4K 352

"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are lo... More

Basahin Muna Ito
Teaser
Prologue
Chapter One
Patalastas!
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Patalastas Two!
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven - The End
Thank you!
Hello!

Chapter Two

9.6K 201 15
By phrjelevans

ALAS KUWATRO y medya pa lang ng madaling araw ay dilat na dilat na si Lilac. Nakasanayan na niyang gumising ng mas maaga kaysa sa alarm clock niya.


Inabot niya ang cellphone na nasa ilalim ng unan niya at nagsimulang mag-type ng mensahe para kay Indigo. "Good morning, handsome! I hope you had a wonderful sleep last night. Did the bed bugs bite you? I love you," basa niya sa i-t-in-ype niya nang sakto namang lumiwanag ang screen ng phone niya at nagsimulang mag-alarm.


"Good morning, beautiful! Today is a new day! Today is a new life! You are worthy. You are lovely. You are loveable. Someday, someone will love you! Someone will chase after you! Someone will take care of you! Wake up! The world needs you!"


Hindi pa man natatapos ang self-recorded niyang alarm tone ay naiyak na siya. She cancelled her message to Indigo. She almost forgot that last night, she decided to let him go. Alam niyang matutukso siyang i-text ang lalaki kaya't nag-record siya kagabi upang paalalahanan ang sarili niya sa oras ng paggising niya na nagbagong buhay na siya. Hindi na niya guguluhin si Indigo. Sa kanyang paggising ay kailangan niyang itanim sa isipan niya na may isang taong nakalaan para sa kanya. She would remind herself of that from now on. Masyado na kasi siyang nasanay na parte ng buhay niya si Indigo. "Unang araw pa lang naman. Kaya ko ito!" kalma niya sa sarili at muling isiniksik sa ilalim ng unan ang cellphone saka bumangon.


She was cooking breakfast for herself. Naglalaba siya, namamalantsa ng sariling damit at naglilinis ng sariling bahay. Iyon ang kinalakihan niyang pamilya. Kahit na marami na silang pagmamay-ari at yaman, gusto ng mga magulang niya na huwag nilang abusuhin ang kapangyarihang dala ng pera. Gusto ng mga ito na maging payak ang kanilang pamumuhay. Naniniwala kasi ang tatay niya na habang yumayaman ang isang tao, dumadami rin ang gastos kaya't mas mainam na maghigpit at magtipid. Alam niya iyon at gusto niyang sundin ang kanyang ama sa prinsipyo nito.


She bought her own house from her own money. Kung dati ay empleyado lang siya ng hotel company ng kanyang ama, ngayon ay isinalin na nito sa kanya ang pagiging Chief Executive Officer kaya't lalong hindi siya dapat magpabaya sa trabaho. Mali ang ibang tao sa pag-iisip na maaari mong gawin ang kahit ano sa sarili mong kompanya dahil sa'yo naman iyon. Para sa kanya, kailangang pinag-iisipan ang mga desisyong ginagawa ng isang tao sa sarili nitong kompanya dahil marami ang nakasalalay, marami ang umaasa at marami ang maaapektuhan. 'Yon na lang ang iisipin niya sa ngayon upang mawala ang atensyon niya sa sawi niyang puso.


Kasalukuyan din siyang nag-iipon dahil gusto niyang libutin ang buong Pilipinas gamit ang sarili niyang pera. Hindi lahat ng tourist spots sa bansa ay may hotel branch sila kaya pati ang accommodation fees na kailangan niyang gastusin sa plano niya ay kailangan niyang pag-ipunan. All the while, she was planning this trip because she knew her heart would be broken. Ang paglilibot lang ang tanging paraan niya upang malibang bukod sa pagtatrabaho niya.


Tahimik niyang kinain ang agahan niya. Wala siyang ganang mag-jogging ngayong umaga. Ni hindi nga siya nagpatugtog habang nagluluto. When she woke up today, she knew her life would change drastically because she let him go. Ganoon kalaki ang epekto ni Indigo sa sistema niya. "Gising na kaya siya?" Tumingin siya sa wall clock. Sumisilip na ang liwanag ng araw. "Sana kumain siya ng breakfast. Magpakabusog ka, ha?" kunwa'y kausap niya sa invisible Indigo.


Nagbuntong-hininga siya. Hanggang pangarap na lang lahat.


"SIS! Ano'ng nangyari sa'yo? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Violet mula sa kabilang linya. Kausap niya ito sa landline na nasa opisina niya. "Tawag ako ng tawag sa cellphone mo pero hindi mo sinasagot. I know what you feel. After last night, I want to make sure na okay ka lang. Ano'ng nangyari sa'yo?" tuloy-tuloy nitong wika.


"Sorry, Sis. I am fine. Iniwan ko kasi ang phone ko sa bahay. Kung hindi ko kasi gagawin iyon, malamang i-text ko pa rin ng i-text ang kuya mo. First day pa naman ng pagbabagong buhay ko ngayon," sagot niya at saka nagpakawala ng hininga.


She stared at the mountain of papers on her table. Ngayon lang niya na-appreciate ang tambak na trabaho dahil maiwawaglit niyon ang isip niya sa kabiguang nararamdaman niya para kay Indigo.


"Nag-alala ako!" bulalas ni Violet. "Akala ko may ginawa ka nang masama sa sarili mo!"


Natawa siya. "Ano ba? I won't kill myself just because your brother would not want me. Besides, I'm already dead," dugtong niya sa mas mahinang tinig. Yes, she was already dead. Sa tuwing tinatanggihan at itinataboy siya ng lalaki, unti-unti siyang namamatay. At kagabi nga, tuluyan nang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Ibig sabihin, sooner or later, kailangan na niyang ilibing sa limot ang lahat.


"Don't be morbid! Hindi bagay sa makulit na Lilac na kilala ko," saway ng kaibigan niya. "Ano'ng ginagawa mo? Busy ka ba?"


"I was about to start flipping these papers when you called," aniya habang isa-isang binubuklat ang papeles na nasa harap niya. "Pero hindi naman ako nagmamadali. How are you?"


"I am not fine. You know that!"


Nang maglayas si Violet sa sarili nitong bahay dahil kay Red, sa kanya ito natulog ng isang gabi. Kagabi ay inihatid niya ito sa sarili nitong bahay pagkagaling nila sa Gorillas dahil nagpaalam si Red na aalis ng ilang araw. Sa pananatili nito sa bahay niya, naikuwento na nito ang mga naganap sa pakikibaka nito sa pag-ibig. Masakit ang puso niya, pero kailangan din siya ng kaibigan niya.


"Do you want to talk about it?" tanong niya.


Nagbuntong-hininga ito. "Sorry, Sis. I know you are hurting, too. But I have no one to share this. Punta tayo sa party ni Miguel del Castro sa Saturday? That's five days from now. In-invite niya rin naman kayo. Samahan niyo ko, ha?"


"Walang problema. Do you want to come over here at my office today? Samahan mo akong magmukmok buong araw," then she laughed.


"May meeting kami, Lilac. Whole day meeting with the board and Kuya Indigo. They wanted me to attend the family business," she sighed. Alam niyang ayaw nitong makialam sa business ng pamilya subalit gustuhin man nito o hindi, kailangan nitong ma-involve dahil silang dalawa lang ni Indigo ang tagapagmana ng kompanya ng mga Piedra. "Alas nueve na ng umaga, wala pa rin si Kuya. First time niya itong ma-late na wala man lang pasabi kung ano na nangyari sa kanya. Ang tagal."


"Wala pa si Indigo?" Pagtingin niya sa orasan ay lagpas na ngang alas nueve. Napano kaya si Indigo? May sakit kaya ito? Nakaramdam siya ng pag-aalala. Nais sana niya itong padalahan ng mensahe upang alamin ang kalagayan nito ngunit wala nga pala ang kanyang cellphone. At hindi na niya dapat pa itong i-text o tawagan. "Tinawagan mo na si Mr. Gregory?" tukoy niya sa butler ni Indigo.


"Wala naman akong number ni Gregory. Si Dad lang ang nakakaalam ng number ng lahat ng butler. I'm not even allowed to call Gregory," sagot nito.


"Hay! Bakit ba kasi hindi ko alam ang number ni Mr. Gregory. Nag-aalala naman ako. As in, wala pa talaga siya? Baka nandiyan lang sa ibang offices, naglilibot," suhestiyon niya habang pinakakalma ang sarili.


"Wala din. No one saw him enter the building."


"Talaga?" lalo siyang nag-alala.


"Oo. Ngayon lang na-late si Kuya sa usapan. Anyway, Sis. Sige na. See you tomorrow. Do what you have to do."


"P-pwede mo ba akong tawagan kapag dumating na si Indigo?" pakiusap niya sa kaibigan.


"Oo naman. Alam kong nag-aalala ka talaga, knowing how much you love my insensitive brother."


"Salamat, Violet."


Iyon lang at nagpaalaman na sila. Pinipilit niyang ituon ang atensyon sa ginagawa subalit lumipas na ang ilang oras ay hindi na talaga siya mapakali ng tuluyan. Hindi pa rin kasi tumatawag si Violet kung kumusta ang kapatid nito. Hindi na niya matiis kaya naman tinawag niya ang executive assistant para kumalap ng balita.


"Paki-tawagan mo naman si Violet. Naiwan ko kasi ang cellphone ko. You can reach her by calling their firm. Just ask for her. Ito ang phone number," idinikta niya sa sekretarya ang numero ng opisina ni Indigo. She knew it. Memorize niya lahat ng contact numbers ng binata. Palpak lang dahil hindi niya alam ang number ng butler nito. "Pakitanong lang kung dumating na ba? Alam na niya kung ano iyon. Thanks, Lei."


"Okay, Miss Lilac."


Lumabas na ito ng opisina niya at nagbalik matapos ang ilang minuto. "Nandoon na raw po, Miss Lilac. Nasira daw po kasi ang alarm clock kaya tinanghali daw po ng gising," report nito sa kanya.


Nakahinga siya ng maluwag. Ligtas si Indigo. "O-okay. Thank you!"


Iyon lang ang hinihintay niyang kumpirmasiyon upang nakapagtrabaho na siya ng matiwasay buong araw. Hindi na niya namalayan pa ang tanghalian kundi lang siya kinatok ni Lei. Nagpabili lamang siya ng sandwich at iyon lang ang kinain habang patuloy sa pagbabasa ng mga papeles sa kanyang lamesa. She was studying all their past performances upang malaman pa kung paano mas lalago ang hotel business nila. Mayroong mga proposals din siyang inaprubahan tungkol sa marketing ng mga branches nila. Mahirap pala subalit na-e-enjoy niya ang pagbabasa ng mga iyon.


"Ma'am, uuwi na po ako. It's 6:00 already. Would you like some coffee or tea before I go?" anang assistant niya.


Nabigla naman siya. "Ha? Six na?"


"Yes, Miss Lilac. Puwede din po kayong magpahinga. Hindi naman daw po urgent ang mga iyan sabi ni Sir Nathaniel," nakangiting pahayag nito.


She really liked Lei. Maasikaso at epektibo sa pagtatrabaho. "Thank you. Tatapusin ko na lang itong isang folder then I'm out. Okay na ako. Just tell the security na naririto pa ako. Thanks, Lei and ingat sa pag-uwi," aniya at muling ibinaling sa mga papeles ang atensyon.


Mag-a-alas dose na ng hatinggabi nang makarating siya sa kanyang bahay. Agad niyang hinanap ang cellphone niya upang tingnan ang mga mensaheng hindi niya nabasa. Puro missed calls at text nga iyon mula kay Violet at ilang forwarded messages mula sa iba niyang kaibigan. Wala namang kakaiba sa mga mensaheng natanggap niya kundi ang nag-iisang load confirmation.


"Hindi naman ako nag-pa-load," nagtatakang tanong niya. Card ang madalas niyang bilhin para sa cellphone niya kaya imposibleng makatanggap siya ng load mula sa retail stores. "Anyway, salamat sa nagpadala," bale-walang sabi niya sa sarili. "It's twelve already? Tulog na kaya si Indigo?"


She started typing a message for him but before sending it, she remembered her promise not to communicate with him anymore. First step is the hardest step. At unang hakbang sa pag-mo-move on niya ang paghinto na sa pagpapadala ng mensahe kay Indigo. Kaya't binura niya ang message thread niya para sa lalaki at binura sa contact list ang numero nito kahit pa nga kabisado niya ang lahat ng iyon. Pinag-iisipan niya ring burahin ang isang folder sa gallery ng cellphone niya na pulos larawan lamang nito. Isa-isa niyang tinitigan bawat larawan bago pikit-matang pinipindot ang delete icon.


"Hay, pag-ibig! Bakit ka ba mailap sa akin? Ilang simbahan pa ba ang kailangan kong puntahan? Ilang santo ang kailangan kong tawagin? Ilang kandila pa ba ang aking sisindihan para lang mabigyang liwanag ang daan ng tunay na pag-ibig papunta sa akin?" sunod-sunod niyang tanong sa kawalan. Dati ang panalangin niya ay mapasakanya na si Indigo. Mula sa gabing ito, mananalangin na lang siya na kung sino ang ibinigay ng Diyos para sa kanya ay sana dumating na. She couldn't stand the pain she was feeling at the moment. "Lord, kung hindi para sa akin si Indigo, sana po ay maka-move on ako agad," usal niya.


Kasabay naman niyon ang pagkalam ng sikmura niya. Noon lang niya naalala na wala pa siyang matinong kain buong araw. Subalit sa halip na magtungo sa kusina ay dumiretso siya sa kuwarto at ibinagsak ang katawan sa kama. She was just too tired to eat.



HINDI malaman ni Lilac kung bakit kanina pa siya nakakaramdam ng kakaiba. Alam naman niyang marami talagang nakatingin at humahanga hindi lang sa kanya kundi sa iba pa niyang kaibigan dahil stand-out ang beauty nila doon bukod pa sa sikat na modelo ang kambal na sina Purple at Lavender. Sinamahan kasi nila si Violet na tumugtog sa opening ng isang hotel ng DC Constructions. Iginala niya ang paningin. Hindi siya mapakali.


"Please make youselves comfortable. I'll just meet my friends and hopefully, introduce them to you, ladies," ani Miguel del Castro sa kanila at saka umalis. Miguel invited them to attend the opening ceremony. He was the Junior Engineer and the son of the owner of DC Constructions. May gusto ito kay Violet at nagtatangka pa yata itong manligaw sa kaibigan niya. Well, wala naman itong mapapala dahil iba ang gusto ni Violet.


"He's so dreamy!" bulalas ni Lavender.


"Could you stop that, Lav? You're annoying," nakasimangot na saway ni Purple dito.


"Hey! Let's just enjoy the night. 'Wag nga kayong mag-away na dalawa dito," saway naman niya sa kambal.


Maya-maya pa ay bumalik na si Miguel kasama ang tatlong lalaki. "Guys, here's Miss Violet, Lilac, Purple and Lavender," pakilala nito sa kanila. "This is Juan Paolo," tukoy nito sa isa nitong kasama. Agad nitong nilapitan si Lavender at walang babalang yumukod at humalik sa kamay nito.


Napataas ang kilay niya sa preskong pakikitungo ng lalaki. Samantalang gusto niyang hablutin ang buhok ng kaibigan.


"This is Juan Carlos," pagpapatuloy nito. Kay Purple ito lumapit at humalik sa pisngi ng kaibigan niya.


"Hello, beautiful," he said sexily.


Naikot na lang niya ang mata dahil sa biglaang pamimilipit ni Purple dala ng kilig. Parang alam na niya ang agenda ni Miguel. Binibigyan sila nito ng mga kapareha para sa gabing iyon. Gusto niya sanang sabihing huwag na itong mag-abala dahil hindi siya interesado subalit itinikom niya ang bibig at nagpaskil ng pekeng ngiti upang matapos na lang ang lahat. Gusto na rin niyang umuwi dahil tapos naman na si Violet sa pagtugtog. Hindi pa rin kasi siya mapakali.


"And finally, this is Juan Fidel," tukoy nito sa nag-iisang lalaking naiwan sa tabi nito.


Matangkad ang lalaki at maganda ang mga mata kahit nakatago sa likod ng makapal na salamin. Matikas ang pangangatawan nito na kagaya ng mga lalaking lead roles sa Marimar. Alintana sa suot nitong plain shirt at butas-butas na pantalon, mukhang 'in' pa din ang get up nito kahit nasa isang pormal na pagdiriwang sila. Mukhang nahatak lang ni Miguel ang isang ito mula sa ibang lugar.


Subalit kagaya ng sabi niya kanina, hindi siya interesado dahil sa iisang lalaki lang siya interesado. Sad to say, that man would never be interested with her. Ilang araw na niyang hindi tini-text si Indigo. Kaya naman pala ng powers niya ngunit hindi pa rin ibig sabihin na hindi na niya ito naiisip sa buong isang araw ng buhay niya. Aminado siyang ito pa rin ang laman ng isip niya magmula sa umaga hanggang gabi. Matatagalan siguro bago tuluyang mawala sa sistema niya si Indigo. Sa ngayon, masaya siya na kinaya niya ang mga araw na hindi ito kinukulit. Subalit may munting bahagi sa kanyang puso na umaasa na sana ay na-mi-miss din ni Indigo ang presensiya niya sa bawat araw nito kahit alam naman niyang suntok sa buwan iyon.


Bumalik sa realidad ang isip niya. Lumapit sa kanya ang lalaking ipinakilala ni Miguel. "Nice meeting you, Lilac," nakangiting sabi nito at 'di kagaya ng iba pang lalaki ay magalang lang siya nitong kinamayan.


"I think, the group is complete now," masayangbulalas ni Miguel.    

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 65 17
2ND GENERATION OF MAGIKĒ ACADEMY(BOOK 1) The Bloody Royals is a group of young people whose fate is still unknown. An irreversible curse has been cas...
630K 3.1K 200
Sinulat ko to hindi dahil sa wala lang..sinulat ko to dahil gusto kung eshare sa inyo ang mga story na maganda yung pagkasulat ng mga ibat ibang auth...
5.6M 198K 58
Is he as dark as his eyes?
97.5K 2.6K 32
What if ang lalaking cold na kinaiinisan ni Cennia ay ang Childhood bFf nya?? Ano ang gagawin nya?? Let us know!! ********* Please vote me guis....Lo...