My Professor, My Love.

By SpecterOfYou

493K 13.1K 513

Have you ever fell inlove with your teacher? Or in this case, to your Professor? More

Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
Untitled Story Part
CHAPTER 40
Author's Note.
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 72
CHAPTER 71
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86 (Letting you go)
EPILOGUE
My Message From Me to You

CHAPTER 45

5.5K 137 1
By SpecterOfYou


"Kaya siguro seloso ako pagdating sayo, I see you as my family now Charlotte and I'm just scared as hell to lose you too. Wag mo akong iiwan ha?"

Those words hit me like a truck. Seryosong mga mata, seryoso pati yung pagkakasabi nya, to think na ako pa sasabihan nya nun e ako nga tong natatakot na baka ako yung iwan nya.

"Hindi naman kita iiwan, sa tagal ko kayong pinagpantasyahan magagawa ko paba kayong iwan ngayong pagmamayari ko na kayo." He smiled as I said those words.

Papalapit sya ng papalapit habang nakatingin sya sa mga labi ko. Pabilis naman ng pabilis yung kabog ng dibdib ko, ang bango nya naaamoy ko na sya konting konti nalang ng may naalala ako.

"Sir?" Sa sobrang lapit nya magdikit na yung mga ilong namin at nagkakatitigan kami.

"Yes, Ms. Briones?" He smirked sabay ngisi nya na nakakalaglag panty.

"Um..ano e..hindi pa ako nagtutoothbrush." Ngumiti naman sya ng nakakaloko sa sinabi ko sabay lapit nya lalo sakin.

"I don't care." Didikit na sana nya yung labi nya sakin ng pigilan ko sya gamit yung palad ko. So yeah, palad ko yung nalips to lips nya.

"I. CARE." Sambit ko pa habang itinataas ko yung kilay ko.

"Fine." Umikot sya at naglakad papalapit sa cr ata yun.

"Here's the bathroom." Kinuha ko naman agad sa bag ko yung toothbrush ko at naglakad papunta sa banyo.

Yes, I'm that kind of girl who always bring her toothbrush wherever I go. Takot ako sa cavities at takot ako mabungi eh. Nakasandal lang si Sir sa pader malapit sa pinto ng cr habang nakacrossed arms. Nakapasok na ako sa loob ng banyo pero dinungaw ko pa sya.

"Anong ginagawa nyo dyan?"

"Inaantay kang matapos, may naudlot tayong business diba?" He smirked again, I know he's talking about the kiss.

"No, naudlot na nga e. Tapusin nyo nalang yung niluluto nyo dun gutom na ko ih. Please?"

Inirapan na naman ako ng lolo nyo sabay alis nya papunta sa kusina. May lahi talagang bakla yun eh, ang hilig mangirap. Sinarado ko naman agad yung pinto ng banyo tsaka nagwalling paupo sa sahig.

"Congratulations, Karlota you're still alive!" Hawak hawak ko pa yung toothbrush ko ng itaas ko ang mga kamay ko.

Bago magtoothbrush nilibot ko yung mata ko sa loob ng banyo, grabe lang parang banyo sa mga hotel. Sinilip ko yung bathtub ang daming shampoo, yung iba ata shower gel. Kumuha pa nga ako ng konti sa kamay ko at inamoy yun, dun ko naamoy yung palagi kong naamoy kay Sir. Ang bango, ito nga rin bibilhin ko para magkaamoy na kami. Pagkasarado ko ng shower curtain, napunta naman yung tingin ko sa salamin na alam kong nabubuksan dahil ganun yung salamin namin ni Raven sa bahay. Nakita ko dun yung pangshave nya, wax para sa buhok, yung Axe for men, mga facial wash at iba't iba pang klase ng lotion. Nakakaloka, tinalo pa nya ako pagdating sa mga beauty products ah. Kalikot lang ako ng kalikot sa loob ng cabinet ng may nakita akong limang maliliit na botelya ng gamot. Kukunin ko na sana yun ng magulat ako sa pagkatok nya sa pinto.

"Charlotte, ayos kalang ba dyan? Kanina kapa dyan sa loob."

Binalik ko naman agad sa dating ayos yung mga pinakailamanan ko sabay sarado ko ng cabinet. Binuksan ko agad yung gripo tsaka ko sumagot sakanya.

"Eto na eto na patapos na!" Binilisan ko yung pagtotootgbrush ko sabay labas ko ng banyo.

"Done?" Nasa tapat sya ng pinto habang nakacrossed arms.

"Yep." Ngumiti naman ako sakanya at inakbayan nya ko papunta sa kusina. Hindi maalis sa isipan ko kung para saan yung gamot na nakita ko sa banyo. What if may malubha pala syang sakit na hindi ko alam?

Nasa sala palang kami pero amoy na amoy ko na agad yung niluluto nya.

"Wow." Yun nalang nasabi ko ng makita kong nakahain na sa lamesa yung mga pagkain. May salad pa akong nakita na ikinagutom ko lalo. I love salad!

Inurong nya yung upuan para sakin at tabi kaming kumain. Sya naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko ng lagyan nya ng broccoli yung plato ko.

"No no no no. Hindi ako kumakain ng broccoli, mukha syang puno." Kumuha naman ako ng tinidor saka ko inalis yung broccoli sa plato ko.

Nakita ko naman syang ngumiti sa ginawa ko.

"So, ayaw mo ng broccoli?"

"Yes."

"Why?"

"Dahil mukha syang puno?"

"So?"

"Dahil mukha nga syang puno!"

"And so what kung mukha syang puno?"

"I don't eat food that looks like a tree." Tinaasan ko pa sya ng kilay baka magtanong ulit e.

"Alright then, no dessert for you Ms. Briones." Kinuha nya yung salad na nasa harapan ko at akmang tatayo sya habang buhat buhat yun.

"Where are you going with may salad?"

"No broccoli, no salad." Iniling pa nya yung ulo nya.

"Nooo! Yan na nga lang gusto kong kainin e!"

"Kumain ka muna ng broccoli ng tumaba ka."

"No."

"Alright then." Nagsimula na naman syang maglakad dala yung bowl na may salad ng pigilan ko sya.

"Fine!" Padabog kong kinuha yung tinidor sabay tusok ko sa broccoli at isinubo ko yun.

Mangiyak iyak kong nginuya yun hanggang sa maubos ko pero nagsitayuan yung mga balahibo ko pagkatapos.

"Very good. See? That wasn't so bad." Nilapag naman nya agad yung salad pabalik sa lamesa.

"Wasn't? That broccoli tastes like I'm chewing the branch of a tree."

Natawa sya sinabi ko at ginulo yung buhok ko.

"Too bad, favorite ko ang broccoli." Tinatawanan parin nya ko habang sumusubo na sya ng pagkain. I just glared at him, dahil dinagdagan parin nya ng broccoli yung plato ko at tinakot akong walang dessert pag di ko kinain. Blackmailer!

Pagkatapos ng dinner, napagdesisyunan naming manood ng movie. Horror yung napili ko pero documentary about pyramid yung napili nya kaya nagtalo na naman kami.

"Ayoko nyan." Sabi ko.

"Gusto ko to, atleast dito may matututunan ka Ms. Briones."

"Wala tayo sa campus para matuto, nandito tayo para magenjoy!"

"Just because we're outside the campus doesn't mean na hindi kana dapat matuto."

"Fine, manood ka nyan magisa." Inirapan ko sya at nagdabog ako paakyat ng hagdan ng hawakan nya ang kamay ko.

"Fine, The ring na papanoorin natin."

"Yey!" Nagtatatalon naman ako papunta sa dvd player at nilagay agad yung cd. Umupo naman sya ng padabog habang ako ang laki ng mga ngiti ko sa harap ng screen ng TV.

---

1 HOUR LATER..

"KYAAA!!! Patayin mo yung TV! PATAYIN MO!" Tumitili ako habang nagtatakakip ng unan sa mukha ko. Ayoko na takot na takot na ko.

Lumapit naman sya agad sa TV at pinatay nya yun.

"Parang hindi ka naman nanood e, nagtatakip kanang unan mula pa umpisa nung palabas."

"Nakakatakot e! Baka mapanaginipan ko."

"E ba't natin pinanood?"

"Because you're supposed to hug me while we're watching but you did not!" Para naman akong bata na binato sya ng unan at nagcrossed arms pero nasalo nya.

"H-hug you?" Tanong pa nya habang lumalapit sya sakin.

"Oo! Para romantic!"

"Ganun ba yun?" Parang nagtataka pa yung mukha nya.

"Tss." Tumayo naman ako para pumunta na ng kwarto.

"Where you going?"

"Tutulog na ko." Dire diretso lang ako paakyat sa kwarto at humiga sa kama ng makita ko syang nakatayo sa pinto.

"You know, that's my bed." Nakacrossed arms na naman sya.

"Sleep somewhere else." Maikling sagot ko sabay talukbong ko ng kumot.

Hindi ko na sya narinig na sumagot kaya akala ko bumaba na sya ng biglang may tumalbog sa kama.

"Oy! Anong ginagawa mo?"

"This is my bed kaya dito ako matutulog." Kindat pa nya sakin.

"Sisigaw ako ng Rape pag dumikit ka sakin." Sabi ko pa.

"This house is soundproof Ms. Briones, so even if you scream as loudly as you can, nobody can't hear you."

Tinititigan na naman nya ako sa labi at lumalapit ng dahan dahan sakin.

"S-sir Yuji"

"Shh.." Papalapit parin sya ng papalapit sakin hanggang sa magkadikit na naman yung ilong namin. Lord, kayo na po bahala, mahal ko na naman po tong tao nato e. Ipinikit ko mga mata ko ng bigla syang tumawa.

"HAHAHA! Charlotte, I'm just playin'! Hahaha!" Tumayo sya at umikot sa higaan palapit sa akin.

Hinawakan nya yung balikat ko then he gently kissed my forehead.

"Matulog kana, sa baba ako matutulog para mabantayan narin kita. Goodnight Ms. Briones, I love you."

"That was not funny."

"Yes it was." *Winks*

---

Continue Reading

You'll Also Like

589K 11.4K 71
Highest achieve in rank #9 in teenfiction Dalawang taong pinaglayo dahil sa isang pagkakamali ng isa... Pero ipinagtagpo ulit para sa isang kasund...
13.8K 1K 26
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
72.7K 2.6K 52
What if ang taong kinaiinisan mo at kinamumuhian mo ay ang mag papa-ibig din sa puso mo? Are you willing to give your heart to a man who does'nt have...
85.6K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...