First day na pagbabalik ni Sir sa campus. OMO, ang inspirasyon ko makikita ko na ulit sa school! Dali dali akong nagayos para sa pagpasok at dali dali ring umalis ng bahay. Sa totoo lang ang saya saya ko this past few days, sino ba namang hindi diba? Biruin nyo yung pagaassume ko na may crush sakin si Sir at nagaantay lang sya ng chempo para umamin sakin e nagkatotoo? Feeling cloud 9 tuloy ako, pakiramdam ko natapak ako sa ulap at palutang lutang lang ako sa puso ni Sir.
Pagdating ko sa campus si Thunder at Jess agad nakita ko, unexpectedly kasama rin nila si Penny, at magkatabi pa sila ni Thunder. Mm.. I smell something fishy.
"Hi guys!" Bati ko.
"ShaCha!" Sabay na sigaw ni Jess at Thunder sakin sabay yakap nila.
ShaCha?
"Wait. Anong ShaCha?" Tanong ko habang hawak ko ang mga noo nila para hindi nila ako mayakap.
"Sha, kasi yun yung tawag ko sayo. Cha, kasi yun yung tawag sayo ni Jess. E nagtatalo kami pag tinatawag ka namin, kaya pinagsama nalang namin." Magbebeautiful eyes pang pageexplain ni Thunder sakin.
"Ahhh....ANG PANGET. Itigil nyo." Sabay irap ko sakanila ng pabiro at lapit ko kay Penny.
"Penny Alavod Ca!" Bati ko kay Penny at yakap ko sakanya.
"Penny Alavod Ca?" Tanong naman ni Jess.
"Tawag nya sakin yan dati, ewan ko ba sa babaeng yan kung san nya nakuha yang Alovod Ca na 'yan." Natawa lang ako sa sinabi ni Penny at sabay sabay na kaming pumasok sa campus.
Ako pala inaantay nila sa gate para sabay sabay kaming pumasok.
"So, ok na kayo ni Thunder?" Bulong ko kay Penny. Nasa likudan kasi namin si Thunder at Jess.
"Oo, ang galing magpaawa effect nyan." Napangiti naman ako, buti naman ang umepekto yung pagpapacute ni Thunder sakanya. Kundi forever war sila nito ni Penny.
Pagdating namin sa Room, magkakatabi kaming apat. Jess-Ako-Thunder-Penny. Ganyan yung ayos namin napaggigitnaan ako nila Thunder. Nanonood lang kami ng funny vids, at nagkukwentuhan habang nagaantay ng prof. Si Thunder at Penny may sariling mundo, share sila ng earphone at nakaharap si Thunder sakanya. Napangiti naman ako, buti naman at close na sila hindi na sila nagsisigawan.
"Ngayon balik ni Sir. Yuji diba?" Tanong ni Jess.
"Yep."
"E ba't si Ms. Lina yung prof natin?" Nagsalubong naman yung kilay ko ng makita kong si Ms. Lina na nga yung pumasok sa pinto at may dala syang books.
"Goodmorning Class." Sabay sabay naman namin syang binati pabalik, pero ako? Naguguluhan ako, hinahanap ng mata ko si Sir. Yuji. Sabi nya ngayon sya babalik? E ba't si Ms. Lina yung nandito?
"I would like first to discuss about our teacher's week. The SSG org program remember? I have all the listed members, I'm going to call each names just to be sure."
Nagtatawag na si Ms. Lina ng mga pangalan, ako naman para akong giraffe na ang kulang nalang e humaba yung leeg ko kakadungaw sa pinto.
"Mapuputol na yang leeg mo, baka naman bukas pa sya papasok?" Sabi ni Jess.
"Hindi, sabi nya ngayon sya babalik. Ngayon ang sabi nyang first day nya. Ba't wala pa yun." Bumubulong na 'ko sa kinauupuan ko. Nagaalala tuloy ako.
"Charlotte Briones, Travis Kyle Rajishima and Jess Madrigal--"
"Ma'am, idadag po pala namin sa team namin si Penny Cuenca." Approached ni Thunder kay Ms. Lina.
"Ok, let me repeat that. Briones, Rajishima,Madrigal and Cuenca, correct?"
"Yes Ma'am!" Ang laki naman ng ngiti ni Thunder ng masali na sa team namin si Penny. He obviously likes Penny.
"Ok, moving on.." Patuloy na nagtatawag si Ms. Lina ng teams ng may biglang kumatok sa pinto.
*Knock.Knock*
Napatingin agad ako sa pinto, and there he is. Naginhawaan naman ako ng makita ko sya, nagaalala na kasi ako baka may nangyari sakanya. Baka nabundol, naholdup, nasagasaan, baka narape! Baliw na kung baliw, ganun ako magalala eh.
"Si--" Naputol naman yung sasabihin ko ng unahan ako ni Ms. Lina.
"Sir. Yuji!" Agad agad syang pumunta sa pinto at nagulat ako ng yakapin nya ang ASAWA KO.
"Oops." Narinig ko pang reaksyon ni Jess at Thunder sabay tingin nila sakin.
BITCH, THAT'S MY HUSBAND! GET YOUR FILTHY ARMS AWAY FROM HIM!
Nagsitaasan ang mga kilay ko at nakita yun ni Sir. Sa akin naman kasi sya nakatingin ng yakapin sya ni Ms. Lina. Bumitaw naman agad sya ng samaan ko sya ng tingin.
Nasarado yung pinto sa paglabas ni Ms. Lina kaya hindi ko alam pinaguusapan nila. That bitch, she's getting on my nerves.
"Selos hahaha!"
*PAK!*
"SHA!" Binatukan ko agad si Thunder, ngayong mainit ang ulo ko wag nya kong aasarin.
"Siraulo ka kase haha!" Dagdag pa ni Jess, natawa naman si Penny at pinagtatawanan din nila ako. Selos na selos daw kasi yung mukha ko, kung cartoon character lang ako siguro umuusok na yung tenga ko.
"10 mins na ang tagal ng usapan ha." Bulong ko pa habang nakatingin ako sa pinto. Oo binibilang ko yung minutong nasasayang dahil may sarili silang mundo sa labas!
"They're probably talking about Math stuffs and all. Wag kanang magisip ng kung ano ano Cha." Sinusubukan akong kalmahin ni Jess pero wala, naiinis padin ako.
"Paano kung hindi?"
*PAK!*
"SHA!" Binatukan ko na naman si Thunder. Nasampolan ko na ng isa kanina, umuulit na naman sya.
"Gago-gago karin e alam mong nagseselos na 'tong isa e hahaha!" Tawa na naman ni Jess sakanya.
Ilang minuto pa e pumasok na si Ms. Lina at Sir sa loob ng room. Wow, ba't pumasok pa sila? Sa tagal ng paglalandian nila sa labas parang wala na nga silang balak pumasok e!
"Good news everyone, Sir. Yuji's back and he will be your Professor again in Math. Actually Sir. Yuji, we're just talking about our program this coming Teacher's week. We've formed different teams to compete, and as you may know that all Professors are required to join too. If you want, you can be in team with Mrs. Balajadia and Mr. Ray."
"Sure, Ms. Lina." Nakangiting sagot ni Sir.
Talaga naman oh, hala sige kunin mo na yan Ms. Lina. Mukhang nagpapalande naman yang lalaking yan.
"Great! Um, Ms. Briones?" Tawag sakin ni Ms. Lina.
Yes, bitch?
"Could you accompany Sir. Yuji to our Registry list in the Dean's Office? The real copy of teams are there so I need him to sign some papers timo have registry I.D."
Oh, sure. Tumayo agad ako at naglakad sa harap ni Sir na sya namang sunod nya sakin palabas. Pagkasarado nya ng pinto ay inuunahan ko sya maglakad, wala akong balak na kausapin sya.
"Ms. Briones."
Tseh!
"Ms. Briones."
Malandi ka!
"Ms. Briones."
Alam mo ng nilalandi ka nakikipagcooperate kapa, manigas ka dyan!
Bumaba lang ako ng hagdan ng hindi sya pinapansin ng bigla nyang binilisan bumaba at hinarangan yung dadaanan ko.
"Charlotte." Nakatingin sya sa mga mata ko, nako! Tigilan mo 'ko Yuji sa mga galawan mo na yan.
Lumihis ako ng daan para makadaan ako pero hinarangan nya parin ako.
"What is it?"
"Bakit Sir? Diba sasamahan ko kayo sa Dean's Office?" Nakangiti pa ko sakanya patay malisya sa ginagawang kalandian nya.
"Not that. Is this about me teamed up with Ms. Lina?" Tinaasan ko sya ng kilay sabay crossed arms ko sakanya.
"Charlotte, wala yun okay? It's just for the sake of Teacher's week. Besides, nakita ko yung listed teams and I saw your name together with Jess and Travis."
Aba! Ako pa inaakusahan nya dito?
"And PENNY. Hindi lang kaming tatlo magkakagrupo." Sabay irap ko sakanya but he held my hand.
"Are you jealous?"
Yes.
"No."
"Ms. Briones, hindi mo pa ako sinasagot."
So? Anong connect nun?
"So?"
"That means, you don't have the right to get jealous if I'm not yours."
Now, he wants to talk about being owned by someone?!
"Sir, isang buwan na nakakalipas. Palagi kayong nasa bahay, palagi tayong magkasama. You have already said I love you, and I have already said I love you too. Does it ever occur to you that you and I are already in a relationship?!"
Nagulat sya sa mga sinabi ko pero wala syang sagot kaya dinaanan ko lang sya. Ang slow hindi nya ko nagets!
"We are? Y-you mean, tayo na?" Nabubulol pa nyang sagot.
"Ewan." Bumaba ako ng hagdan at hinahabol nya ko.
"Ms. Briones! Tayo na nga?!"
"Ewan! Ang slow nyo!"
"Ms. Briones, wait! Tayo na nga?"
"Oo nga!"
---