TOUCH ME AGAIN

By makiwander

13.8M 302K 33.1K

He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite... More

Prologo
Simula
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Is this Goodbye?
Prologo II
Part 2.1
Part 2.2
Part 2.3
Part 2.4
Part 2.5
Part 2.6
Part 2.7
Part 2.8
Part 2.9
Part 2.10
Epilogue

Kabanata 13

251K 6.2K 220
By makiwander




Ganito Kasakit.


xxRAEVENxx


"Ano bang meron ngayon?" Tanong ko kay Tatiana habang inaabutan sya ng malilinis na table cloth. Inaayos kasi namin ang Filipiniana Hall para sa isang importanteng event mamayang gabi.


"Masanay ka na, Rae. Sa five star hotel tayo nagtatrabaho kaya halos araw araw may malalaking event. Ngayon ay stockholder's meeting daw ng Valdemar Industries kaya bawal magkamali." Sagot naman ni Tatiana. Tumango ako. 


Lumapit naman ako sa cleaning supplies ko at nagsimulang mag-mop ng sahig. All around kasi ang housekeeping dito, basta lahat ng may kinalaman sa paglilinis ay kami ang gumagawa. Mas pinili ko na ito kaysa sa Food and Beverage Department dahil hindi masyadong nakikisalamuha sa tao ang housekeeping. Tama na yung mga kapwa ko empleyado ang pinapakisamahan ko, hindi pa requirement ang magpaganda dito sa houskeeping, nakakatamad kasing mag-ayos.


"Raeven, Tatiana at Oscar.." Tawag samin ni Mrs. Dolor, ang head ng housekeeping na nakatayo doon sa may pinto ng hall. Agad kaming lumapit sa kanya.


"Kulang ang F&B ngayon. Kayo ang may experience sa pagwe-waiter kaya punan nyo muna ang kulang. Iwan nyo na ang mga ginagawa nyo dito at kunin nyo ang uniporme nyo doon kay Sonya, nandon sya sa quarters." Utos sa amin ni Mrs. Dolor. Sumunod naman kaming tatlo kahit alanganin ako dahil iniisip ko pa lang kanina na ayoko sana sa F & B.


Nang makapagbihis na kami ay nilapitan ako ni Tatiana para alukin ng make-up, matigas ang naging pag-iling ko.



"Hindi naman kailangan yan, Tat." reklamo ko.



"Anong hindi kailangan? Maputla kang tingnan pag wala. Hindi ka pa din talaga nagbabago. Manang ka pa din." Napailing si Tatiana sa akin ng nadidismaya. Ngumuso ako at pinagmasdan syang lagyan ng brown na eyeshadow ang aking mata.


"Wag kang malikot. Ngayong gabi lang naman ito, sa Housekeeping hindi kailangan ng make-up pero kung haharap ka sa tao kailangan. Doon sa restaurant ni Ma'am Atasha, hindi mahigpit doon, pero ito, five-star, kailangan lahat maganda." Pangaral nya pa.


"Ayoko ng pulang lipstick." Sabi ko agad ng makita ko si Tatiana na pumipili ng lipstick para sa akin.


"Yes Madam, baby pink lang para sa pabebeng kagaya mo." Sabi nya, sumimangot ako. Sumunod na ginawa ni Tatiana ay kinulot ang dulo ng buhok ko. Nang makuntento na sya sa aking itsura, pinatayo nya ako sa lifesize mirror dito sa quarters.


"Ay ang ganda mo! May itinatago ka pa palang ganda bwisit ka! Akala ko todo na yang mukha mo! Lechhhh! Tinalbugan mo ako!!" Sinipat sipat ako ni Tatiana kaya alanganin naman akong ngumiti. Pati si Oscar ay napapalingon na din tuloy sa amin.


Nang umalis si Tatiana sa likod ko para sya naman ang mag-makeup, pinagmasdan ko din ang sarili ko. Medyo nag-improve nga naman ako kaysa kanina. 


Huminga ako ng malalim ng nakita kong unti unti nang napupuno ang mga upuan. Lumabas na kami ni Tatiana sa quarters at humalo sa mga waiters at waitresses na nagsisilbi ng drinks.Hindi naman mahirap ang ginagawa, tatanungin lang kung ano ang gusto ng guests, ang mga pagkain naman ay buffet, halos drinks lang ang inaabot namin at ang pag-aasiste sa mga upuan.


"Frenny, jingle lang ako. Ikaw na magpasok sa kitchen ng mga basong ito." Iniabot sa akin ni Tatiana ang hawak nyang tray na may mga baso. Nilagay ko ito sa dishwashing area pagkatapos ay muling lumabas.


Nagsisimula na ang conference ng lumabas akong muli. Nanatili akong nakatayo at nag-iintay ng tatawag sa akin para sa kung anong request.


'May we give the floor to the legal counsel of Valdemar Industries, Attorney Deuce Montemayor.'


Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi ng emcee. Ilang beses akong napalunok at nanatiling nakatuon lamang doon sa stage kung saan umaakyat ang lalaking iniwan ko dalawang taon na ang lumipas. He's in his all black suit, simpatikong simpatiko ang kanyang dating.


He still looks... the same. Mula sa tindig at ang kurba ng kanyang mga labi. Sya pa din ang Deuce na minahal ko ng sobra noon. But in his eyes, mukhang mayroong kulang...


"We all gather here to discuss about the status of stocks of Valdemar Industries. Juan Miguel, my friend initiated this meeting to let you know that we are against of further opening the shares to the public.." Umingay ang buong hall, mukhang tanda ng pagtutol.


"And my advice is, anyone who will go against it, can sell their shares now and return it to Valdemar property." Malamig na sabi nya. Mas lalong umingay ang hall. Hindi ko naiintindihan ang kanilang pinag-uusapan pero mukhang lahat ito ay disgusto sa sinabi ni Deuce. Tumindig lamang si Deuce sa gitna at mukhang walang pakialam sa mga pagtutol. Like a cold beast ready for a fight. Wala ng init at ngiti sa kanyang mga labi.


"Ibang klase si Montemayor. Ang bangis. Pati sa pagnenegosyo masyadong matalino." Narinig ko ang isang naka-amerikanang lalaki sa aking harapan. I can't help but to be proud for Deuce. Malayo na talaga ang kanyang nararating at kilalang kilala na sya.


"Ikakapahamak nya yan, Luis. Iba din ang tabas ng dila ng isang yan. Arogante." Sabi naman nung isa.


"At walang awa. He's the ruthless lawyer hindi ba? Dinaig pa ang kanyang ama."


Napaawang ang mga labi ko. Hindi maaring ganon. Why would he become worst compared to Hades Montemayor? Hindi ko nakitaan ng ganoong senyales si Deuce. He's selfless at magaling makisama. Masyado syang mabait para maging ganoon. Bumalik ang tingin ko sa stage. At ganoon na lamang ang panlalamig ko, when his eyes met mine.....



xxDEUCExx


Hindi pa ba nasanay ang mga taong ito sa akin? They want to offer Valdemar shares in public, alam ko naman ang nasa isip nila, they want to play with the market, sila din ang bibili ng shares at dahil alam nila ang nangyayari sa loob ng negosyo, they want to be at the advantage when to sell or to buy the shares.


Naging maingay ang Filipiniana Hall kaya kailangan kong tumigil sa pagsasalita, kinailangan kong antayin na makabawi ang lahat sa kanilang pagkabigla bago sabihin ang susunod pang mga salita. Pinaikot ko ang mga mata ko. Hanggang sa isang pamilyar na mukha ang nahagip ng tingin ko.


She stood out because of her shiny hair that was curled. Mapapansin agad ang kanyang tangos ng ilong at ang kanyang mga mata. She really looks different among the waitress here.


Nagtiim bagang ako. Kung saan saan ko sya hinanap noon, dito ko lang pala sya makikita?


Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya, may ilang napapansin na din ako na tumitingin sa kanya, agad akong nakaramdam ng pagkainis. What to adore with that beautiful woman? Sa likod naman ng magandang mukha, nagtatago ang katauhan nya na magaling mang-iwan.


Pucha, hindi ako naniniwala na mapagbiro ang tadhana, ngayon lang talaga. Gusto ko syang sugurin at agad na kumprontahin, gusto kong ipakita sa kanya kung ano ako ngayon, kung sino na ang iniwan nya. Kung ano na ang halaga ng ipinagpalit nya sa barya na ibinigay sa kanya ng sarili kong ama.


"Attorney.. Attorney.." Tawag sa akin ni Leona, ang emcee. Doon bumalik ako sa katinuan, bago ko ialis ang tingin ko sa kanya, nagtama ang mga mata namin. Ngumisi ako sa kanya, pero tumalikod lang sya at naglakad na papalayo.


Nagsimula na ulit akong magpaliwanag ng mga mangyayaring pagbabago sa Valdemar Industries, hinahanap sya ng mata ko pero hindi ko na sya muling makita. Hanggang sa makababa ako, hindi ko na sya nakita pang muli. Nang magsimula na ang dinner, tumayo din ako, hindi para kumuha ng pagkain kundi para hanapin si Raeven.


Pasimple akong pumasok patungo doon sa kitchen, alam kong bawal ako dito pero wala akong pakialam, I want to see for myself that she's real. She's back.


Napangiti ako ng makita ko syang nakasandal doon sa may entrada ng kitchen at tulala, agad kong kinuha ang kamay nya at hinila papalayo.


"D-deuce.." Napapikit ako. Sa unang pagkakataon narinig kong muli ang boses nya. Wala pa ding pagbabago iyon. My senses still recognize it but now, I feel nothing but hate.


Dinala ko sya sa backdoor ng kitchen kung saan dumadaan ang deliveries, lumayo pa kami ng kaunti mula doon sa pinto. I cornered her, sumandal sya doon sa pader at ikinulong ko sya sa magkabilang braso ko na nakadikit din sa pader na sinasandalan nya. 


"Hi Raeven Mendoza, long time no see." Malamig kong sabi.


Her eyes locked mine, hindi ko maintindihan kung ano ang ekspresyon nyang yon, but I can see that her lips are trembling. Madilim na madilim sa parteng iyon ng hotel, walang ingay kundi ang tunog ng paghampas ng hangin sa mga puno, marahil ay giniginaw sya, but I don't feel like offering my suit to her, para ano pa? Wala na syang kahit anong halaga sa akin.


Ganito pala ang pakiramdam kapag napuno na, mabubura na ang lahat. Hindi ako makapaniwala sa ibinigay ko noong atensyon sa kanya. 


Ganito lang? 


Ito lang sya pero nasaktan nya ako ng sobra? I had girls better than her! Mas maganda at edukada. Mga babaeng mas bagay sa akin, hindi kagaya nya.


"D-deuce, Im sorry." Bulong nya sa akin.



xxRAEVENxx


"P*tangina sorry lang?" Galit na galit na sigaw ni Deuce, nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatuon sa akin.


"Pinagpalit mo ako sa pera, sorry lang? Bakit mo ako iniwan Raeven?" Buong hinanakit na sigaw nya.


"May mga bagay lang akong kailangang piliin, Deuce." Nanginging ang boses ko pati ang mga kamay ko, kinailangan ko pang kumapit sa laylayan ng palda ko para humiram ng lakas doon.


"At hindi ako yon?" Puno ng pait nyang tanong.


"Im sorry... Hindi kita ipinagpalit sa pera, kung yan ang sinasabi sayo ng Daddy mo. Hindi. Hindi ko ginawa yon, Deuce. Si Nanay ang binayaran nya pero hindi ako kasama ni Nanay nung nawala ako."


"Sinungaling! Bakit ka nandito? Naubos na ba ang pera mo? Manghuhuthot ka na naman ng mayayaman?" Nasasaktan ako sa mga paratang nya pero hindi ko masabayan ang galit nya. His anger is at it's boiling point and it's melting me up. Although I know it's useless to defend myself pero susubukan ko pa din.



"Deuce, I am sorry. Nalaman kong may kapatid ako bago tayo ikasal at may sakit sya. Kailangan kong piliin ang kapatid ko, mas kailangan nya ako, Deuce."


"Sinungaling!" Sigaw nya muli sa akin, ang mga palad nya ay kumuyom at hinampas nya ng malakas sa pader, napaigtad ako sa lakas non. "O baka naman totoo na gusto mo akong sakitan dahil gumaganti ka sa Tatay ko? You never loved me."


Umangat ang palad ko para haplusin ang kanyang pisngi pero marahas nya lang na pinalis ang mga kamay ko. Nasaktan ako ng husto sa pagtataboy nya.


"I love you.. Deuce, minahal kita. Hindi ko alam kung anong sinabi sayo ng Tatay mo pero pinalayo nya ako kung hindi sasaktan nya ang kapatid ko."


"Kaya pinili mo ako ang saktan ganon ba? Kasi iniisip mo na baka hindi kita kayang pagtanggol?" Magsasalita pa sana ako ng ilagay ni Deuce ang kanyang daliri sa aking mga labi.


"Hindi na. Wala na akong pakialam. Pinagpalit mo ako sa pera, pinagpalit mo ako sa kapatid mo o ginamit mo lang ako para gumanti ka sa Tatay ko, isa lang ang totoo. Iniwan mo ako at wala na tayo. This fcking turmoil in my head will end tonight. Siguro ito lang ang kailangan ko, kailangan ko lang makita ka at ipakita sayo kung ano na ngayon ang iniwan mo." Napakalamig ng bawat salita nya. Hindi ko na maramdaman ang init na pinadarama nya sa akin noon, kahit ang pag-iingat ay wala na.


Kitang kita ko sa mga mata nya ang kagustuhang saktan ako. Handa sana akong tanggapin yon, but he never lift  a finger, maybe he just don't feel that I even deserve his muscle to hurt me.


"Deuce Im sorry." Humikbi ako. Kadalasan noong umiiyak ako, isang patak pa lang ng luha ko, aamuhin na nya ako, pero iba na ngayon, hindi na sya kagaya ng dati. Hindi na sya ang Deuce na iniwan ko. I made him a cold hearted man.


"Nandito lang ako para sabihin sayong hinding hindi kita mapapatawad Raeven. Wag ka ng mag-aksaya ng laway at luha mo dahil hindi na kita kailangan. Nakatayo ako mag-isa. Kaya ko ng wala ka at matagal na kitang kinalimutan." Pagkasabi non ay marahas nya akong tinulak kaya napaupo ako sa damuhan. Tumalikod na sya na mayroong malalaking hakbang.


Naiwan akong nakasalampak lang sa lupa kung saan ako iniwanan ni Deuce, basang basa ng luha ang kubuuan ng mukha ko, my chest tensed and my breathing became rigid. Gusto ko syang habulin, yakapin at humingi ng tawad pero hindi nya ako hahayaan. Ayaw na nya sa akin. Hindi na nya ako mapapatawad.


Sari saring pagsisisi ang naramdaman ko, sana ay hindi ko pinatagal ng ganito. Sana humingi ako ng tulong sa kanya noong pinagbantaan ako ng tatay nya. O di kaya mas pinagbutihan ko pa ang pagsusumamo kay Attorney Hades Montemayor noon para hindi kami paglayuin ni Deuce, siguro ay hindi kami aabot sa ganito.


May mga bagay talagang hihilingin mo na sana ay ginawa mo at makakaramdam ka ng sakit kapag nakita mo na ang resulta. I've seen this coming, pero ni minsan, hindi ko inakala na magiging ganito kasakit.


Continue Reading

You'll Also Like

105K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
66.3K 2.8K 4
Believe me, it wasn't JUST the kiss...
3K 86 44
VILLAREAL-CARDEJAS SIBLINGS SERIES Jian Glenn Villareal-Cardejas is the youngest in their family. He's the heir of the Villareal-Cardejas properties...
3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...