Amazonas:Into The World of Ga...

By moonmagnet

662 29 8

Amazona Into the World of Gangsters More

The Amazonas
The Plan
The Plan 2
Cake & Threats
Mall
Jam
Still Lucky
Magpapakamatay ka ba?!!
Pati ba naman sila?!
Pictures
Amazonas vs The Black Crow
Ouch
Save by the Crush
Sleep Over
Visitors
Slave
Moves

The Council

13 0 0
By moonmagnet

Ayn's POV

"Naku naman! naiwan ko na naman ang libro ko sa locker"

Reklamo ni Jannes habang naglalakad kami papuntang room. Napahikab nalang ako, kulang ang tulog ko kagabi, hayaan nyo na.

"Samahan ka namin"-Cice

"Wag na, mauna nalang kayo"-Jannes

"Sure ka?"-Sam

Tumango nalang si Jannes at umalis na, kami nalang ang pumuntang room, ng makarating ay agad na tumahimik ang room, dapat lang. Ng makaupo na kami ay dun naman nagsalita si Cice.

"Naku naman ang boring naman ang araw na to?"

"Paano mo naman nasabi yan eh kakaumpisa palang ng araw?"-Sam

"wala lang, feel ko lang"-Cice

Mukhang tama nga si Cice, ang boring lang kasi. Ano kayang magandang gawin ngayong araw, para naman kasing wala ding sa mood ang apat na to, si Angel kasi ayun tulog, pagkaupo tulog agad, si Cice naman ayun nag wa-wifi, si Sam nagbabasa at si Jannes, heto papasok na ng room. Nakabusangot naman ang isang to. Padabog na nilapag nito ang hawak na libro dahilan para magising si Angel at napunta ang atensyon namin sa kanya. 

"Anong problema mo?"

Inis na tanong ni Angel dahil parang naalimpungatan ito, sinimangutan niya lang si Angel tapos tingin sa board.

"Hoy Maria Jannesa  Guevarra, anong drama naman yan?"

Tanong ko sa kanya. Ang pangit lang kasi ng pagkakabusangot niya eh.

"Wala"

Walang ganang sagot niya, kita mo to? gusto pa atang pilitin namin. Nagkatinignan kaming apat at nagkibit balikat.

"Ok"

Walang gana din naming sagot sa kanya at balik uli sa dating gawa. Hanggang sa hindi ata agad nakatiis, sabi na eh, gusto lang pilitin.

"tsk, hoy Angel! kilala mo ba ang babaeng palaging kasama ni Sean?"

Sabay sabay kaming napatingin kay Jannes. Nakasimangot na tumingin ito sa parang walang pakialam na si Angel. Nakapikit uli ito habang nakasandal sa kanyang upuan.

"Mm? Sino?" Walang ganang sagot nito habang nakapikit pa.

"Yung palagi nga nyang kasama" naiinis na ulit ni Jannes sabay kamot pa ng kilay.

"Idescribe mo. Daming babae nun eh"

"Ah. Talaga. Tsk. Yung pandak na sabog ang buhok na may makapal na kilay at salamin."

Napakunot naman ang noo ko. Parang walang namang sabog ang buhok akong nakikitang school mate namin?

"Baka yung KULOT ang buhok. Na may suot na FASHION GLASS? Si Chen iyon. Kababata niya"

Natawa ako bigla. Wala lang. Natawa lang ako.

"Ah. Talaga. Malantod din yun no? May pahulog hulog pang nalalaman ng libro. Eh kung sabihin ko sa kanyang nasa iisang bubong kami natulog nung nakaraang araw para tantanan niya ah"

Pagmamalaking sabi ni Jannes na nakataas pa ang kilay. Akala mo naman shota.

"Kala mo naman jowa ka. Tumigil ka nga. Anong sa iisang bubong kayo natulog? Imagination mo ang limit"

Pang aasar ni Cice kaya mas lalong sumimangot ito. Natatawang tiningnan ko lang sila. Wala lang talaga akong masabi kaya tatawa tawa nalang. Kahit corny.

"Bakit totoo naman diba. Dalawa ba bubong sa bahay ni Sam? Limitahan ang katangahan minsan ah." Inis na inis na sabi sabi ni Jannes at inismaran lang si Cice.

"Hahahahaha"

Tawa ko nalang uli. Napatingin ako kay Sam na biglang mapasimangot at naglagay nalang ng earphones. Wala sa mood?

"Sige sabihin mo para naman malagay ka niya sa annoying list niya. Tumahimik nalang nga kayo" Asar na ding sabi ni Angel kaya nakasimangot na tumahimik ang dalawa. Naalala ko ngang may ganung list daw na ginagawa si Sean sabi ni Angel noon. Para daw yun sa kinaiinisan nya na dapat nyang masapak. Wierdo.

Ano naman kaya ang problema ng magagaling kung kaibigan at parang nagsusungit sila? Buwanan ba nila ngayon? Pumikit nalang ako para matulog dahil parang wala namang pasok. Naalala ko bigla ang nangyari noong isang araw. Sobrang badtrip ako sa Giro na yun. Walang ginawa kundi pansinin lahat ng kilos ko at sisitain ako. Akala mo naman close kami. Pambihira. Pagkatapos kumain ay nag stay muna sila ng ilang oras bago umalis pero buong araw na akong badtrip. Kainis na unggoy.

"Ayn" Mahinang tawag ni Angel sa tabi ko.

"Oh?"

"Sa labas"

Napamulat ako sa sinabi ni Angel. Tiningnan ko siya pero wala sakin ang paningin niya at ng tatlo, nasa labas, kaya napatingin na din ako. Napasinghap ako ng makita kung sino ang nasa labas. Tumayo ako at sabay ding napatayo ang apat. Lumabas kami ng classroom. Ng makalabas kami ay agad na nagsitayo ang mga kaklase namin at ang nasa kabilang room para manood. Akala siguro nila makakapanood sila ng action. Tsk. Nagsimula ng mag bulungan ang mga nanonood samin.

"Anong kailangan nyo?"

Tanong ko sa tatlong lalaking nakasuot ng black Jersey na may tatak ng Council. May inaabot itong itim na sobre na may tatak din ng Council. Its a letter G with a shade of black and a blood flowing on it, and at the top of letter G is a crown made of small swords with a letter on each. Yan ang tatak nila.

"The Council is giving you this"

Tinanggap iyon ni Angel na nasa tabi ko at agad na ibinigay kay Sam.

"What for?"

"It's for you to find out. We're done here"

Sabi nong nasa gitna at tumalikod na ito samin at naglakad palayo. Ng makalayo ay tsaka ko pa hinarap ang tatlo. Sinusuri ni Sam ang envelope ng hindi pa ito binubuksan.

"I guess this is an invitation" sabi niya at binigay sakin ang sobre.

"Invitation for what?"

Pagtatanong ni Jannes. Napaisip din ako. Para saan na naman ito. And why the hell they gave us this?

"Hmmm. Maybe for a party. Buksqn natin para malaman." napatango tango pa si Sam na akala mo eh tama ang sinasabi.

"Later" sagot ko at tumango naman sila

"If that's it, why are we invited?"

Sabay kaming napatingin kay Cice. Tama siya. Something is not right here.

"Lets call a friend then. We'll meet Lady M's later"

Napatango kami sa sinabi ni Angel. Mabuti pa ngang tanongin namin ang myembro ng council. Nakakapagtaka lang talaga. At hindi ko maiwasang kabahan. I smell danger. At hindi ko ito gusto. Something inside me saying that it will cause danger.

"Hey"

Napatingin ako kay Angel ng tapikin nito ang balikat ko. Nakita kong naglalakad na sina Jannes, Cice at Sam sa loob ng classroom at kami nalang ni Angel ang naiwan sa labas.

"I know what you're thinking" usal nito ng hindi nakatingin sakin.

"I don't like this"

I said and walked inside our classroom. Nasa likod ko naman si Angel nakasunod. Walang kibo kaming umupo sa upuan namin at napabuntong hininga nalang ako. All eyes are on us kaya medyo nairita ako lalo.

"What are you all looking at?" Inis na tanong ko. Agad na nagsi ayos ng upo ang mga ito.

"Tsk. Why cant they just mind their own business" dugtong ko pa at pumikit nalang.

"Nasan ba si Mam?" Tanong ni Jannes sa isa naming classmate. Naiilang na tumingin ito kay Jannes.

"W-wala. W-wala daw tayong pasok n-ngayon"

Nanginginig na sagot nito. At mas namutla ito ng hinampas ni Cice ang mesa niya. Baliw.

"Bat ngayon nyo lang sinabi?!"

"N-ngayon...k-ka..kalang k-kasi nag t-tanong"

Gusto ko sanang matawa kung hindi lang ako naawa bigla sa mukha niya.

"Enough Cice." Saway ko sa kanya. Sabay kaming napatayo ni Angel nq para bang alam namin ang gagawin naming dalawa at sinukbit ang bag namin. Tiningnan ko ang president ng classroom namin na natatakot ding nakatingin samin.

"Hanggang ilang subject ang walang pasok?"

Kalmadong tanong ko kaya parang nawala ang takot nito sakin.

"Buong umaga wala tayong klase tapos early out tayo mamayang hapon dahil may meeting lahat ng teacher. Ngayong umaga naman ay nasa conference sila. Walang pasok lahat pero wala daw dapat na lalabas"

Sobrang bilis ng pagkakasabi niya pero buti at naintindihan ko naman. Hmm. Halos walang pasok pala ngayon.

"Ah..sige salamat. Tara girls. Canteen tayo" yaya ko.

"B-bawal d-daw l-lumabas"

"Sa inyo samin hindi"

Nakangiting sagot ko at nauna ng lumabas ng classroom. Tahimik ang buong hallway na dinadaraanan namin. At kahit hindi ko lingunin alam kong napapalingon ang mga estudyante ng bawat silid. Napahinto kami ng bigla kaming hinarangan ni Marvie.

"Hi Amazonas!"

Masiglang bati nito. Nginitian ko lang siya at natapingin kay Marvel at Marvic na lumabas na din ng classroom nila.

"Hi Lady M's, buti at nakita nyo kami" masiglang bati din ni Cice sa kanila.

"Mmm.. Mabuti nga. We heard that the Council gave you a card?"

Nagtatakang sabi ni Marvel. Kumunot ang noo ko. Papaano niyang nalaman eh ilang minuto palang nangyari yun at sa kabilang hallway pa ang room namin. I was about to speak ng inunahan ako ni Marvic.

"One of our classmate has a friend on your room. Narinig namin na tinext siya ng kaibigan niya ang nangyari sa labas ng room nyo. "

She explained. Tsk. Kakaiba din kapag chismosa na ang nag balita. Sobrang bilis ng balita.

"Mm. Kaya nga pupunta kaming canteen ngayon. Baka kasi nandun kayo. Pero heto na kayo sa harap namin"-Jannes

"Tara sa canteen na tayo mag usap." Yaya ni Sam sa tatlo. Agad na naglakad kami papuntang canteen. Malapit na kami ng may humarang na mga kalalakihan sa amin. Ang Breakers.

"We heard the news" napangiwi ako ng sabihin iyon ni Hance.

Sabay sabay kaming naglakad. Since kami lang ang mga estudyanteng gumagala kahit class hours pa ay payapa ang paligid hanggang sa pagdating namin sa canteen. Bumili lang ng pagkain ang Breakers at nagpaalam ng umalis since may gagawin daw silang importante.

"Can we see it now?"

Sabi ni Marvel kaya inilabas ko ang envelope at binigay sa kanila. Hindi na sila nagulat ng makita ang envelope.

"Can I see whats inside?" Dagdag pa niya.

"Actually hindi pa namin alam ang laman niyan"

Sabi ko at tumango naman silang tatlo. Marvel opened it at nagulat sa nakita then she gave to Marvie and Marvic na iisa lang din ang naging reaksyon. Nagkatinginan kaming lima ng makita ang reaksyon ng tatlo.

"Oh my gosh! I cant believe this" hindi makapaniwalang saad ni Marvie.

"Why? What is it?" Excited pang sabi ni Jannes

Kinuha ko ang laman ng envelope sa kanila at tiningnan ito. Natawa ako ng mahina. This can't be.

"Let me see!" Inagaw ni Sam ang envelope sa kamay ko at tiningnan nilang tatlo. Napalingon ako kay Angel na sobrang seryoso. Tiningnan niya ako na para bang sinasabi na mag uusap kami mamaya.

"Oh my gosh! I cant believe this! You are invited on a Royal War!!"

Halos kumislap ang mata ni  Marvic. I know that Royal War. I heard it many times, at base sa mga naririnig its a war of the highest gangsters. And if your group wins then you're powerful. Kakatakutan kayo ng lahat ng gangsters, sasambahin kayo. That's how Dark Alphas get their thrown na hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala sa kanila. Pero nasaan sila ngayon? They've been hiatus for almost a year. I wonder where they are.

"Bakit wala pa tayong invitation?" Nakasimangot na saad ni Marvie.

"Oo nga. Gustong gusto ko pa naman ang sumali"-Marvic

"Baka na delay lang. Maya maya meron din tayo"

Sagot sa kanila ni Marvel. They talked as if we're going on a famous party. Parang natural nalang iyon sa kanila. That the Royal War for then is just an ordinary party. Napadako ang mata ni Marvel sakin kaya sumeryoso ito.

"Why are we invited? Eh hindi kami gangsters"

Tanong ko. Tumango agad siya at umayos ng upo.

"Well, that invitation is a key Ayn. Once na pumunta kayo dyan, it means you already accepted their offer na maging gangsters. And if not, they will hunt you down dahil kayo" sabi nito sabay turo saming lima
"Ang mortal nilang kaaway dito. You always put gangsters name on shame. Yun ang kinagagalit nila. Kung tutuusin nasa lebel na kayo ng Dark Alphas sa sobrang daming gangster na ang nakanti nyo. Even the highest one walang binatbat sa inyo. Hindi ko kayo tinatakot- kahit di naman kayo natatakot talaga- but I'm just stating the fact here."

Mahabang sabi nito. Napabuntong hininga ako. Yun pala yun. Until now they're all into us. They won't stop

"If the Amazonas will be a gangster ikakatuwa talaga nila iyon. Matagal na kayong sinusuyo ng mga yun"

Dagdag pa ni Marvie. Tahimik naman ang grupo ko na parang nag iisip ng gagawin.

"Sa tingin ko. Yung nangyari sa kapatid ni Ayn. Inaprubahan nila iyon para magkaroon ng dahilan si Ayn na pumasok sa mundo nila"

Biglang sabi ni Sam. Napalingon ako sa kanya at sa Lady M's na tumango tango pa.

"Naalala ko nga. Hindi sila gumawa ng akyon ng malaman nila ang ginawa ng Crow sa kapatid ni Ayn. Ibig sabihin kinunsinti nila ito. Iniipit nila ang leader ng grupo. Good idea."

Marvic said while nodding her head in approval. Thats it. This is all a plan. Pero kahit na gawin nila iyon I won't make a decision alone. We're a group, a team. I still needs everyone's approval.

"Hindi lang naman ako ang mag dedesisyon nito. Kailang ko parin ang approval ng mga kasamahan ko. My decision still boils down on what my friends decision. Kung anong gusto nila then thats it"

Tumayo na ako at tiningnan ang tatlo na ngumiti sakin. Pilit na ngumiti ako at umalis na. I dont know what to do. Ayaw kong masali kami sa magulong mundong yun pero tama naman ang sinabi ni Sam noon. Kahit anong gawin namin. Kasali na talaga kami. Pero mas gugulo pa kaya kapag sumali kami o magiging payapa na kami? Ayokong ilagay ang buhay ng mga kaibigan ko sa panganib. Entering the world of gangsters is such a big action that can put everyone's life, my friends life, in a danger. But didn't we already put our lives in danger when we started to knocked down those stupid gangsters? Nagsimula iyon dun na nasundan ng iba pa. Kami ang ginamit na challenge ng council para sa mga bagong gangsters na sasali. Jezzz! Sana pala hindi nalang namin sila pinatulan.

"Ayn wait!"

Napalingon ako at nakitang kalmadong naglalakad ang apat. Nakangiti silang tatlo maliban kay Angel. Parang inaantok na naglakad ito. Hinintay ko sila at sabay kaming naglakad.

"What do you think? Sasama ba tayo?"

Biglang tanong ni Cice kaya napatingin kami sa kanya.

"Its up to you guys" sabi ko at nagkibit balikat.

"We'll talk about it later Cicely"
Angel said habang humikikab pa. Bat parang puyat ang isang to?

Dumaan kami sa isang classroom at narinig na mga nag sisigawan na parang may ninubully. Hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Angel! Lets go. Bat ka tumigil dyan"

Rinig kong sabi ni Jannes kaya napalingon ako. I saw Angel standing in front of that classroom. Parang may tinitingnan at maya maya pa ay nangunot ang noo nito.

"Angel"

Tawag ni Sam at Cicely pero parang wala itong narinig. Napatingin ako sa loob ng classroom. Iilan lang ang nakapansin kay Angel sa labas kaya natahimik ang mga ito pero ang iba  sobrang lalakas pa ding tumawa at parang may pinapalibutan sila.

"Angel what are you doing?"

Inis na sabi ni Sam ng humakbang papasok si Angel. She's acting wierd. Wala na kaming nagawa kundi sundan siya sa loob ng classroom na biglang tumanimik ng pumasok kami.

Continue Reading

You'll Also Like

259K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
2.1M 98.9K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
575K 4.9K 28
Written by: 4reuminct Gwy Saludes.
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.