So Into You (BxB)

De Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... Mais

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 18 : Usher - Deal

20.7K 378 29
De Ytianity

ALLEN'S POV

Usher and Usherette? Check! Hahaha.

*FLASHBACK*

"Guys, magkakaroon tayo ng General Assembly at ang course natin ang naatasan na mag-usher sa mga guests sa symposium." sabi ko, nandito ako ngayon sa harap. Wala pa naman kaming prof eh.

"Sino napili mo?" tanong ni Alice. Basta hindi ikaw, wag kang mag-alala.

"Si Michelle." sagot ko.

Tumayo naman si B**chelle with matching gulantang na gulantang na expression.

"Ako?!" elevator tone dapat?

"Ay hindi? Baka si Alice o kaya si Rica. Ang layo ng A at R sa M ha?" sarcastic kong sabi sa kanya.

Nag-eyeroll lang siya at umupo saka siya nag-ekis ng mga braso sa dibdib niya.

"Ayoko!" bigla niyang sagot.

"Edi ihanda mo na mata mo sa pag-iyak kasi babagsak ka sa Adviser natin." sagot ko. Yan yung tinuro ni Ate Divine.

"Wala akong paki. Anong pakialam ni Sir sa grades ko kung hindi ako papayag na mag-usherette?" tanong niya. See? Ito yung sinasabi ko eh. Hindi bebenta yung ganitong rason. Pambobo kasi.

"Bahala ka. Basta ikaw ang usherette." sabi ko na lang para wala nang palagan.

"Si Aaron naman ang usher." pagpapatuloy ko.

"Ayoko." sabi ni Aaron.

"Narinig mo naman sinabi ko diba? Babagsak kayo sa Adviser natin!" sabi ko sa kanya.

"Edi ibagsak niya! Ang dami-daming school na pwedeng lipatan eh." bored na sagot ni Aaron.

Pero, in fairness ha? Gusto ko siyang palakpakan dahil hindi siya natatakot na bumagsak! Hahaha.

"Si Paul." sabi ko tapos wala pala ang hinayupak na yun sa classroom.

In-scan ko ang buong classroom hanggang sa mag-landing ang paningin ko sa isang gwapong nilalang na nakaupo sa may bandang likod.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya nag-angat siya ng mukha. Nginitian ko siya, yung pinaka-sweet kong ngiti, tapos ay tinanguan ko siya.

"Ikaw na Karl ang usher ha?" sabi ko sa kanya.

Nakatulala siya for 3 seconds tapos dahan-dahan naman siyang tumango. Yes! Wooh! May usher na kami!

"Sige, mag-a-usherette na ako!" excited na sabi ni B**chelle, with matching pagtayo at pagtaas pa ng kamay! Che, landi!

*END OF FLASHBACK*

Though nainis ako kay B**chelle, wait ang haba ng tawag ko sa kanya! LCH na lang para double meaning, pwedeng LECHE o kaya LEECH! Uso naman yung walang vowels ngayon diba? Hahaha.

Yun na nga! Though naiinis ako kay LCH, napangiti pa rin ako! At least, hindi ko na kailangan pang hassle-in ang sarili ko para lang pilitin siya. And that, thanks to my loving friend, Karl! Yoohoo!

KARL VINCENT'S POV

Bakit ba ako pumayag na mag-usher? BAKIT?! Peste kasing ngiti yun eh! Para akong na-hypnotize! Napa-oo tuloy ako! Bwisit!

"Next time, wag mo na akong isasali sa mga ganito-ganito ha? Nakakapagod eh." sabi ko sa kanya, nakasingit kasi ako ng pag-upo eh. Bahala na yung ibang usher, kaya na nila yan! Hehehe.

"Eh akala ko kasi interesado ka eh. Tapos never ka namang nagreklamo kahit na halos may tatlong linggo ka para tumanggi." may punto niyang sabi.

"Ewan ko rin kung bakit hindi ako tumanggi eh." sabi ko sabay tawa.

Natawa naman siya pero yung parang pilit lang.

"Ang boring dito." bigla niyang sabi.

At sumasang-ayon ako sa kanya sa aspetong yun! Hahaha.

"Tara, labas tayo?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Sasaglit lang naman kami eh. Gusto kong magpahinga sa pag-a-usher at gusto ko siyang paligayahin, este, pasiyahin! Hahaha.

"Eh paano yung attendance? Diba sabi sa atin, wag lalabas ng audi hangga't hindi pa tapos ang symposium?" tanong niya. Napaka-KJ naman nito.

"Saglit lang tayo. At saka, ikaw naman ang nagpapa-attendance diba? So, pwede kang magpagala-gala." suggestion ko.

"Tss. Pag ako napagalitan sa balak mo, bibigyan kita ng kutos na malupit!" sabi niya pero tumayo din naman siya.

We made sure na kontimg atensyon lang ang makukuha namin habang naglalakad kami sa mala-Great Wall of China sa haba na aisle.

"Nakakabato dun! Gusto kong matulog, kaso nasa harap ako eh." sabi niya habang nilalabas sa bulsa niya ang cellphone niya.

"Eh ako nga, kanina pa pagod eh. Sabi sa amin, i-a-assist lang namin yung guest to their respective seats. Ang ending, naging utusan kami." sabi ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako tapos yumakap sa braso ko. Shit! Parang biglang uminit?

"Sorry na ha?" pa-cute niyang sabi. Naka-pout pa ampots.

"Ang pangit mo! Wag ka ngang magpa-cute! Hindi bagay sa'yo!" pagsaway ko sa kanya. Pero ang totoo ay gusto kong makita buong araw yun! Ang cute kasi.

"Pansin ko nga din eh. Hindi ko na uulitin yun, ever!" sabi niya tapos ay nilampasan niya ako.

"Teka! Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Bibili lang ako ng tubig. Medyo nauuhaw ako eh." sagot niya tapos ay pumunta siya sa may kiosk.

Nakita kong nagsimula na naman silang magdaldalan ni Ate Malen, siya yung favorite naming bilhan sa kiosk, pati magtawanan.

Pa-ninja ko siyang nilapitan at ginulo ang buhok.

"Aish! Peste ka! Mamaya ka sa akin!" galit na galit niyang sabi habang dinuduro ako.

Isa pang 'face' niya na gustong-gusto ko ay yang pag galit siya. Ang cute lang. No words can express that face pag galit o naiinis siya. Ang weird ko 'no? Hahaha.

"Sorry na." nakangiti kong paghingi ng tawad sa kanya.

Inirapan niya lang ako. Hahaha. Pinagti-tripan mo ako ha? Humanda ka.

"Sorr-" natigilan ako ng may biglang tumawag sa pangalan ni Allen.

"Jake! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" pasigaw na tanong ni Allen habang nilalapitan si Jake.

Nandito na naman 'to? Akala ko lumipat na yan ng school. Tch.

Nakita ko namang sinuntok siya ni Allen sa sikmura at napayuko siya habang hawak ang tiyan niya. Hahaha. Buti nga sa'yo! Hahaha.

"Karl! Bigay mo nga kay Allen 'to!" sabi ni Ate Malen tapos inabot sa akin yung tubig.

Ako na nagbayad nung tubig kasi busy siya sa pagbulyaw kay Jake.

Naupo muna ako sa isang bench at pinanuod silang dalawa. Sige, bugbugin mo yan Allen, para wala nang mamagitan sa atin. Sa pagkakaibigan natin.

ALLEN'S POV

"Peste ka! Ngayon ka lang nagpakita! Halos mamatay na ako sa pag-aalala!" medyo pasigaw at galit na galit kong sabi kay Jake.

Peste naman kasi talaga eh.

"Sorry na! Naging busy lang ako sa pag-aaral!" sagot niya.

"Eh bakit hindi ka nagtetext?" tanong ko sa kanya.

"Ayoko lang ng distractions! Isipin ka nga lang, nadi-distract na ako eh. Paano pa kaya pag naka-text na kita? Edi hindi na ako nakapag-aral lalo." madrama niyang sagot.

Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit sa mukha ko ang isang bote ng tubig.

"Ang drama mo p're!" sabi ni Koopa.

"Papansin ka? Gusto mo, suntukan na lang?" tanong ni Jake.

"Gusto niyo ako na bumasag ng mga mukha niyo? Wala na ba kayong ibang alam gawin kundi magtalo pag nagkikita kayo?" tanong ko sa kanila. Para kasing magkakaroon ng giyera pag nagkikita sila eh.

"Eh epal kasi yan eh. Bakit ba kinaibigan mo pa yan?" obvious ang inis sa boses ni Jake.

"Wow! Ikaw nga 'tong epal eh! Nakikita mo nang magkasama kami ni Allen, sisingit ka pa!" naiinis ding sabi ni Karl.

Ay jusmiyo garapon! Ang sakit sa ulo ng dalawang 'to!

Hinablot ko na lang kay Karl yung tubig at binatukan silang dalawa.

"Diba sabi ko wag na wag kayong mag-aaway? Ang kukulit niyo ha? Para kayong mga bata!" sigaw ko sa kanila tapos ay tumungga ako ng tubig.

"Eh, Allen, kahit anong pilit mo sa akin, hinding-hindi ko makakasundo yang pangit na yan!" sabi ni Karl.

"Lalo naman ako! Kumukulo dugo ko pag nakikita ko yan!" sabi naman ni Jake.

Please naman! Kalma muna, inom muna ng tubig.

"Oh sige. Let's have a deal ulit. Pag nagkita kayo at nag-away kayo, susuntukin ko kayo sa mukha. Pero pag nagkita kayo at nag-behave kayo sa harap ko, hmmmm ......" ano bang ire-reward ko sa kanila pag hindi sila nag-away?

"Ili-libre mo ako?" nakangiting suggestion ni Karl.

Pwede. Kaso lang magastos eh.

"Ako, kahit kiss lang. Never pa akong nakatanggap ng kiss mula sa'yo eh, puro ako na lang nagbibigay since high school." nakangiti ding suggestion ni Jake na ikina-blush ko naman. Bakit naman yun? Bakit naman niya sinabi yun? Nakakahiya kay Karl eh.

"Wag na kiss! Nakakahiya! Libre na lang din kita." sabi ko kay Jake.

"No! Ayoko! Kung ililibre mo ako, fine dining lang ang kakainin ko. Walang iba!" sagot niya. So, kiss talaga ang gusto niya? Bakit ba napaka-immature ng kaibigan kong ito?

"Oh sige. Iki-kiss kita pero sa pisngi lang ha? Wag kang ano!" sabi ko sa kanya at napangiti naman siya ng abot tenga. Bakit kasi hindi na lang mag-girlfriend 'to eh.

"At ikaw naman, ililibre kita pag nag-behave ka ha?" si Koopa naman ang sinabihan ko.

"Actually, ....." pabitin niyang sabi.

"Don't tell me na ganun din gusto mo?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya.

Shit lang! Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa kondisyon nilang dalawa. Oh well.

"Sige na nga. Sigurado naman akong wala akong mahahalikan sa inyong dalawa eh." pagsang-ayon ko na lang.

And right at that moment ay nakita ko ang mga ngiti nila. Lagpas tenga, or should I say, abot hanggang Andromeda Galaxy. Hahahaha.

KARL VINCENT'S POV

Kiss para lang hindi kami mag-away ni Jake sa harap niya? Nadala lang din ako kay Jake eh. Unfair kasi. Siya may kiss pag tumino, ako ililibre lang? Unfair! Kaya, kiss na lang din ang akin! Hahaha.

"Para kang tanga! Kanina ka pa nakangiti!" sabi ni Allen.

Kanina pa? Parang hindi ko nga feel na nakangiti ako eh. Aray! Teka! Bakit parang nangangalay panga ko? Nakangiti talaga ako? Seryoso?!

"Ah, wala 'to. Kailan pa ako nakangiti?" pasimple kong tanong.

"Simula nung umalis si Jake?" unsure niyang sagot.

No wonder ang sakit ng panga ko. Halos isang oras na pala akong nakangiti.

"Anong bang meron at nakangiti ka ng ganyan?" tanong niya.

At bigla naman akong kinabahan, for no apparent reason.

"Wala. Hindi ko alam." sagot ko na lang.

"Baliw ka na ata eh. Sabihin mo lang sa akin kung kailan kita dadalhin sa mental ha?" sabi niya.

Pasikreto akong natawa dun kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Ay ano ba?! Palagi na lang ginugulo buhok ko eh." naiirita niyang sabi habang inaayos ang buhok niya.

Hay, wala talagang araw na hindi ako sumaya pag kasama ko si Allen. Palagi siyang nakangiti, palagi siyang cute kaya never kang makakaranas ng negative vibes sa kanya. Sana lang forever na siyang ganyan para forever akong masaya. Hahahahaha.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Booooooooooooring! Hahaha. Mej maikli ano? Mej tinatamad kasi ako eh. Wala pang inspiration. Bawi na lang ako ulit. Hahahaha. :)))

BTW, sino sa inyo nakakaintindi ng gay language? :)))

Continue lendo

Você também vai gostar

1.8M 54.3K 81
Bagay na naiisip ko habang walang ginagawa. Storyang kathang isip lamang na pwedeng makaapekto sainyo. Sundan ang mala fairytale na buhay ni Anjo sa...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
574K 12.8K 33
BOYXBOY GAY YAOI ~ Si PRUE (Pru) ay isang simple at masayahing bading na nag iba ang takbo ng buhay at naging mala Roller Coaster ride mula ng may ma...
207K 4.3K 33
CAN ANOTHER LOVE TAKE AWAY THE PAIN? "THE BROKEN MAN'S GAME" M2M INTENSE DRAMA SERIES DATE STARTED: JUNE 20,2015 (SATURDAY) DATE FINISH: JULY 18,2015...