Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni lola kanina at natatakot ako sa sinabi niya. I know her very well. She will do whatever she said.
Napatingin ako sa orasan nang makarinig ako ng ugong ng sasakyan. Kanina ko pa hinihintay si Darnell na makauwi dahil nag-aalala ako sa kanya. Ganito palagi ang ginagawa ko, inaantay siyang makauwi. Alas dos na pala ng madaling araw.
Sinalubong ko si Darnell nang pumasok siya sa pinto. Amoy na amoy ko ang alak sa kanya. Lagi nalang bang ganito?
Hinawakan ko ang braso niya para alalayan sana siya nang hawiin niya ako kaya napaupo ako sa sahig.
"HUWAG MO AKONG HAWAKAN!" sigaw niya
"D-Darnell..." naiiyak na tawag ko sa kanya
"Ano?! Iiyak ka nanaman?! Akala mo ba maaawa ako sa'yo?! Hell no! This is all your fault, Hillary! Kaya wag mo akong iyakan diyan na parang ikaw pa ang kawawa sa sitwasyon na ito!" singhal nito at binasag ang vase na malapit sa kanya
Napatili ako sa lakas ng pagkakabasag ng vase at may tumalsik na bubog sa braso ko kaya nagkaroon ako ng maliit na sugat doon.
"I-I'm sorry, Darnell. Mahal kita kaya ko ginawa iyon." umiiyak na sabi ko
"Sorry?! Hindi maibabalik ng putang-inang sorry mo si Claire! Kasalanan mo kaya niya ako iniwan! Kasalanan mo!" singhal niya ulit at nilapitan ako
Napasiksik ako sa gilid nang lumapit siya sakin at hinawakan niya ng mahigpit ang magkabilang pisngi ko. Bumabaon ang kuko niya sa pisngi ko kaya hindi ko maiwasang mapangiwi.
"Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo, Hillary. Si Claire ang mahal ko. Siya lang ang mahal ko at mamahalin ko hanggang sa mamatay ako." malamig na sabi niya at marahas na binitawan ang pisngi ko
Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad palayo pero bago pa siya makalayo, niyakap ko siya agad mula sa likuran niya kaya napatigil siya sa paglalakad.
"D-Darnell, k-kahit konti lang. M-Mahalin mo naman ako." nagmamakaawang sabi ko
Mahigpit na hinawakan niya ang mga kamay kong nakayakap sa kanya at marahas na tinanggal iyon. Malakas na itinulak niya ako kaya napasadsad ako sa sahig sa pangalawang pagkakataon.
"WAG MO AKONG YAKAPIN! NANDIDIRI AKO SA BABAENG TULAD MO NA GAGAMITIN ANG KATAWAN PARA MAKUHA ANG LALAKING GUSTO NILA!" nang-uuyam na sigaw nito
Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. Siguro nga desperada na ako noong gabing iyon pero hindi ko pinagsisihan na siya ang nakakuha ng pagkababae ko.
"K-Konti lang naman ang h-hinihingi ko Darnell eh." humihikbi na sabi ko
"Ahhhh!" tili ko nang hagipin niya ang buhok ko at pinatayo ako
Sobrang sakit ng anit ko at pakiramdam ko matatanggal na lahat ng buhok ko sa sakit. Hinarap niya ako sa kanya at dinurahan.
"Hinding-hindi kita mamahalin. Tandaan mo yan." malamig na sabi niya
Iniwan niya ako na nakalupasay sa sahig habang nagdurugo ang braso ko na tinamaan ng basag na vase. Pinunasan ko ang mukha kong dinuraan niya tapos tinakip ang palad ko sa mukha ko at napahagulgol. Hindi ko maiwasang maisip kung saan ba ako nagkulang at saan ako nagkamali.
Dahan-Dahan akong tumayo at pinunasan ang luha ko. Niligpit ko rin ang piraso ng basag na vase at tinapon sa basurahan. Kumuha ako ng first aid kit at ginamot ang sugat ko sa braso. Ilang beses na ba niya akong napagbuhatan ng kamay? Ilang beses na ba akong umiyak ng dahil sa kanya?
Pero bakit ganun? Hindi ko kayang bumitaw sa kanya dahil mahal ko siya.
Bumalik ako sa kwarto naming mag-asawa at naabutan ko siyang nakadapa sa kama. Mabuti nalang at malaki ang kama kaya magkakasya pa ako sa kanang bahagi ng kama. Nahiga ako at marahang hinaplos ang buhok niya. Ang gwapo talaga ni Darnell pero hindi ko maipagkakaila na masama ang ugali niya.
"Good morning Darnell!" masiglang bati ko sa asawa na parang walang nangyari noong madaling araw
Maaga akong gumising kahit na late na akong natulog para maipaghanda siya ng breakfast niya kahit na alam kong ayaw niya akong kasabay na kumain. Hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang. Nanlumo ako nang marinig ko ang sasakyan nito na umalis na.
"Sayang naman yung pagkain. Paborito pa naman niya ang niluto ko." mahinang sabi ko habang nakapalumbaba sa mesa
Ano kaya kung dalhan ko nalang siya sa opisina niya? Tama! Dadalhan ko nalang siya sa opisina niya. Nababagot na ako dito sa bahay dahil ayaw niya akong lumalabas ng bahay.
Binalot ko na yung ulam at kanin para makaalis na ako. Mabilis akong naligo at nagsuot ng black fitted jeans na tinernuhan ng pink longsleeve polo na tinupi ko hanggang siko. Nagsuot ako ng pumps at nag-apply ng kaunting make-up. Napatingin ako sa repleksyon ko at napaisip kung kailan ba ako huling nag-ayos ng ganito. Napansin ko rin na pumayat ako pero makurba pa rin naman ang katawan ko.
Mamahalin din ako ni Darnell. Sana.
Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papunta sa kompanya nila kung saan siya ang CEO. Binati naman ako ng mga empleyado doon na nakakita sakin.
"Good morning ma'am!" nakangiting bati sakin ng HR
"Good morning! Kumusta?" masiglang bati ko rito
"Ayos lang naman po, ma'am. Kayo po? Parang pumayat kayo ah." nakangiting sabi niya
Tipid na ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Nagdadiet eh." pagbibiro ko rito
"Naku ma'am! Di niyo na kailangan yun kasi sexy na kayo." pambobola nito
Natawa ako sa sinabi pagkuwan ay nagpaalam na rin ako at nagpunta sa floor kung saan mahahanap ang opisina ni Darnell. Bumukas ang elevator kaya lumabas na ako at nagtungo sa opisina niya. Nagtaka ako nang hindi ko naabutan ang sekretarya nito sa cubicle nito.
Oh well. Baka may ginagawa siya.
Lumapit ako sa pinto at akmang kakatok na nang mapansin ko ang pinto na hindi gaanong nakasarado. Mula sa siwang ng pintong iyon, narinig ko ang ungol ng asawa ko. Hindi ako ganun katanga para hindi malaman kung anong nangyayari sa loob. Pero kahit alam ko na may nangyayari sa loob, hindi ko magawang tumalbo at umalis doon.
Kinagat ko ang labi ko habang nanlalabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mata ko. Tanga nga siguro ako dahil imbes na umalis ako, binuksan ko ang pinto ng opisina niya. Kitang-kita ko ang ginagawa nila ng sekretarya niya.
"D-Darnell..." umiiyak na tawag ko rito
Huminto sila sa ginagawa nila at gulat na napatingin sakin. Namumutla ang sekretarya nito habang si Darnell ay walang emosyon na nakatingin sakin.
"Iwan mo muna kami." malamig na utos ni Darnell
Mabilis naman na nagbihis ang sekretarya nito at nagmamadaling lumabas ng opisina niya. Nanatili akong umiiyak sa isang gilid habang nakatingin lang siya sakin ng malamig.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig na tanong nito
Pinunasan ko ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya. Lumapit ako sa mesa niya at nilapag ang paper bag na dala ko.
"D-Dinalhan kita ng l-lunch--" pinutol agad nito ang sasabihin ko
"Sinabi ko bang dalhan mo ako ng pagkain?!" galit na singhal nito sakin
Muntik pa akong napatalon sa gulat. Napayuko nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko.
"H-Hindi ka kasi kumain kanina kaya naisipan kong d-dalhan ka---" pinutol nanaman niya ang sasabihin ko
"ITO BA ANG DALA MO HA?! ITO BA?! HINDI KO KAKAININ YAY! HINDI KITA KAILANGAN!" sigaw nito sakin at hinagis ang mga pagkain na binalot ko
Hindi ko napigilan ang kumawalang hikbi sa labi ko dahil sa sinabi niya. Masakit marinig sa taong mahal mo na hindi ka nila kailangan. Napangiwi ako nang hablutin nito ang braso ko kung saan may sugat ako at kinaladkad palabas ng opisina niya. Wala itong pakialam kahit na may nakakita samin na ibang empleyado lalo na ang sekretarya niya na nakayuko lang sa gilid.
"UMALIS KA NA DITO!" bulyaw nito sakin at binalibag ang pinto ng opisina niya pagkapasok niya
Pinigilan kong umiyak dahil ayokong makita ng mga empleyado na ganito ang itsura ko. Baka magka-issue pa kami.
"M-Ma'am..." nauutal na tawag sakin ng sekretarya ni Darnell
Pinunasan ko ang luha ko bago ko siya hinarap at binigyan ng malakas na sampal. Kahit ito man lang magawa ko para sa sarili ko. Napabaling sa kabilang side ang mukha nito. Namumula ang pisngi niyang sinampal ko at hindi ko maipahkakailang malakas talaga ang pagkakasampal ko sa kanya.
"You are fired." matigas na sabi ko
Gulat na napatingin ito sakin at nagmamakaawa ang mata na tumingin sakin. Gusto kong maawa pero sa estado ko ngayon, hindi ko magawa.
"I-I'm sorry, m-ma'am..." naiiyak na pagmamakaawa nito sakin
Matalim ko siyang tinignan at inilabas ko ang makapal na blank cheque ko. Kinuha ko ang ballpen na nasa bag ko at tinignan siya.
"Magkano ang kailangan mo?" malamig na tanong ko rito
"M-Ma'am?" gulat na tanong nito
Kilala ko ang sekretarya niyang ito pero hindi ko inakalang papatulan niya ang asawa ko. Masisisi ko ba siya kung sadyang malandi ang asawa ko at nagpadala naman siya sa pagkamanyak ng asawa ko?
"Tatlong milyon. Sapat na ba yan para mawala ka sa landas ng asawa ko?" matigas na tanong ko rito at inabot sa kanya ang cheke
Kinuha niya ang cheke sa kamay ko at naluluhang tumingin sakin. May bahid ng tuwa ang mata nito pero hindi ko na iyon pinag-tuunan ng pansin. Tinalikuran ko na siya at akmang aalis na nang magsalita ulit ito.
"Ma'am, napakabuti po ng puso niyo. Sana po mahanap niyo na ang tunay na kaligayahan niyo. Sana mahanap niyo yung taong totoong magpapasaya sa inyo."
Sana nga maging masaya na ako. At magiging masaya lang ako pag minahal ako ng asawa ko tulad ng pagmamahal ko sa kanya.