Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 11 ♥ Princeton Academy

48.8K 541 52
By wistfulpromise

Chapter 11

WELCOME TO PRINCETON ACADEMY!

Malayo pa lang yan na ang mapapansin mo. Napakaraming estudyante sa paligid. Marami ang naglalakad, merong ring nagtatakbuhan, mga mayamang estudyanteng nakasakay sa kani-kanilang magagarang kotse at marami pang iba na papasok sa loob ng napakalaking gate ng isa sa mga pinaka prestihiyosong paaralan sa buong Pilipinas. Walang iba kundi ang...

Princeton Academy.

"Nanjan na ang Intricate band! Oh.Em.Ghee.!"

"Ms. Serene! Ang ganda nyo idol!"

"Kabibili ko lang ng bago nilang album at super ganda! Pramis!"

Kalalabas lang namin sa pinto ng kotse namin at may gulayness! Hindi ko inexpect na pati ang mga schoolmates namin ay dudumugin kami ng ganito. Kahit saan kami tumingin may mga flashes ng camera ang makikita namin. Meron ring mga hiyawan, sigawan at mga kamay na umaasang mahawakan kami o kahit mayakap man lang. Ni hindi na nga namin makita ang daan papasok sa loob ng school. Natatakpan na kasi ito ng napakaraming tao na hindi magkandamayaw mapansin lang namin. Si Julian ay todo kaway at ngiti sa kanila. Yan tuloy sa aming lahat, sya ang pinakadinudumog.

"May padating may padating!" sigaw ng iba pang mga estudyante sa paligid. At nang may mangilan ngilang magarang kotse na huminto malapit lang din sa amin. Mas lalo pang nagkagulo ang lahat. 

"Ang Princeton Band nanjan na rin!" 

"Oh may freaking gulay! Ang mga Prinsipe natin!!" 

"Nandyan na sila Jace my loves! Kyaahh!!"

Oh wait Prinsipe? At kailan pa naging 'Prinsipe' ang tawag ng mga tao dito sa school sa mga mokong na yun? 

Bumukas ang bawat kotse na sinasakyan nila at tulad namin ay dinumog rin sila ng mga estudyante. Si Rico napakalaki ng ngiti sa mukha parehas sila ni Nathan. Masaya nilang binati ang mga schoolmates namin lalo na ang mga babae gamit ang kindat at killer smiles nila. Lahat sila nakasuot ng itim na shades na nagpadagdag ng one hundred percent hot look sa porma nila.

Pero ng ibaba ni Shane ang shades pati na rin kay Niel. Kulang na lang ay mapatakip ako ng tenga dahil sa lakas ng hiyawan sa paligid. Lumapit sila sa amin at ang nagkukumpulang mga tao sa paligid ay nagbigay daan magmula ng magsimula silang maglakad.  

At sino pa ba sa tingin nyo ang leader ng mga Fpwet na 'to? Walang iba kundi si Jace Alvarez na wala pa ring pagbabago ang kaangasan, kaisnoban at kagwapuhan all in one! At nasabi ko na ba sa inyong bagay na bagay sa kanya ang jersey jacket na suot na uniform ng school? Para syang isang modelo na lumabas sa isang papel ng magazine at nagkaroon ng sariling buhay. At pinaka mas nakakagulat pa roon ay sa bawat hakbang ng gwapong nilalang na 'to na sinusundan ng tingin ng bawat babae na umaasa na mapansin nya... ang mga mata nya walang ibang tinitingnan kundi... ako.

Jusko ang puso ko. Kumalma ka lang. 

Nakatulala na siguro ako roon ng napakatagal kasi hindi ko namalayan ang biglang malakas na pagpitik sa noo ko. 

"Aray!" 

"Dahan dahan lang sa pagtitig," lumapit sa akin si Jace bago bumulong sa tenga ko "baka matunaw ako." 

One word. Waaaaah! Ay wait. Word ba yun? 

Nagsisimula ng mamula ang mukha ko. Ang init ng pisngi ko at hindi ko sya matingnan sa mata. Kasi naman eh! Huhu. Nakakahiya! Nahuli nya akong nganga sa kapogian nya. Aasarin na naman ako nito eh! Oo habang tumatagal eh si Jace gumagaling na sa ganyang propesyon pagdating sa akin.

Ang mang-asar!

 Isa sa mga hindi ko makakalimutan na ginawa nyang kalokohan sa akin eh yung araw pagkatapos lang din ng first time kong matulog sa condo unit nya.

Ang sarap pa ng gising ko nun lalo na unang una kong nasilayan sa umaga ay ang gwapong mala-anghel nyang itsura na tulog na tulog pa rin. Pero nung pumunta ako sa washroom nya para maghilamos ay kulang na lang sumigaw ako ng isang 'Buh-loody Murder!' dahil sa repleksyon ko sa salamin. Kinalkal nya pala ang bag ko at pinagdiskitahang gawing painting ang mukha ko gamit ang lipstick, eyeliner at polbo ko sa bag! So imagine what I looked-- nagkaroon ako ng bigote't balbas, mukha na parang kalahi ni Edward Cullen at mga pisngi na may bilog fake blushes. Siguro ang gusto nyang mangyari ay gawin akong manika. Pero ang kinalabasan ay kabaliktaran ng gusto nyang mangyari. Dahil tinalo ko pa si chaka doll sa kachakahan ng mukha ko. Kahit ata kambing, kabayo't kalabaw ay pagtatawanan ako. 

Tumili ako ng napakalakas. Narinig siguro ito ni Jace at nagising kasi wala pang ilang sandali, nasa may pintuan na sya para tingnan kung anong nangyari sa akin. 

"Anong nangyari?" puno ng pag-aalala ang boses nya. Nakatalikod pa ako sa kanya nun at nang humarap ako sa kanya, biglang nagbago ang mood ng mukha nya. Mula sa pag-aalalang mukha, napalitan ito ng mahina at pigil na tawa bago lumakas ng lumakas. 

Ang mala-anghel nitong mukha kanina! Yun pala demonyo! I swear, binugbog ko sya noong araw na yun pero hindi pa rin sya tumigil sa kakatawa. Yun na siguro ang first time na nakita ko si Jace na sobrang saya at tumawa ng ganun. Pero magmula ng araw na yun, mas lalo pa syang naging mas makulit at mapang-asar. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako o hindi eh dahil sa laki ng pinagbago nya. Ako kasi ang nagiging number one target nya. 

"Gusto kong makita ang schedule nyo! Patingin! Patingin! Sana may klase na magkasama tayong lahat para mas masaya!"

"Ano bang kinuha nyo? Ito bang courses ang kinuha nyo? Ito ang akin o!" 

"Babes! Patingin din ng schedule mo! Ano yung mga courses mo? Sana kaklase kita kahit sa isang subject lang!" 

Naputol bigla ang pag-alala ko sa nakaraan dahil sa ingay na nasa paligid ko. Nandito na kami sa loob ng music room kung saan kami laging tumatambay noong mga nagdaang taon. Sobra ring nakakamiss ito kaya nga sobrang saya ko na ang dalawang banda na malapit sa puso ko (Intricate at Princeton band) ay nagsama sama na tumambay dito. 

Speaking of schedule. Kakukuha lang naman nito kanina sa office pagkapasok na pagkapasok namin. Ano kayang magiging mga klase ko? Binuklat ko ang papel na hawak ko. 

(IMPORTANT NOTE: 

     Hindi ko po alam kung paano ang patakaran ng K-12 sa Pinas since kapapasa lang po ng batas na yun. Since sinulat ko ang Princeton Academy as a K-12 school, ngayong school year na ito si Serene at ang iba pang characters ay Grade 11 pwera na lang kay Nyree na Grade 10 at Kelly na Grade 9. Wala akong kaide-ideya kung paano ang grade 11 and 12 (Senior year) sa Pinas kaya ang susundan ko ay ang patakaran ng K-12 kung saan ako pamilyar. Walang iba kundi ang K-12 sa Canada.

     Sa Canada kapag grumaduate ka ng grade 7, magsisimula ang high school years ng grade 8 hanggang 12. During those highschool years, may mga required mandatory subjects o courses na kailangan mong kunin (ex. Math, Science, English, Socials, P.E, etc.) Walo ang lahat ng subject o courses na kailangan mong kunin for the whole year. Kapag tumuntong ka ng Grade 11 and 12, mas konti na lang ang mandatory subjects na kailangan mong kunin base sa kung anong kurso ang ipupursue mo sa college (For example, grade 10 below is still required to take P.E classes pero kapag grade 11 and 12 ka na. Nasa sayo na ang choice kung gusto mo pa rin itong kunin). Sa Grade 11 required pa rin na kunin mo ang Math, Science (any branches, e.g. Biology, Chemistry, Physics), Socials at English. Yung apat na subject lang na yun ang pinaka-importante and the rest four subject eh bahala ka na kung anong gusto mong kunin para makumpleto ang walong subject na kailangan mo for the whole year. 

     Sa grade 12, nag-iisang mandatory subject na lang ang kukunin mo which is English 12 (Sa Canada) But since ang setting ng story ko ay Pinas pati Filipino 12 isasali ko as mandatory :) Yun na lang at wala ng iba dahil the rest of the six courses ay ikaw nang bahalang pumili. Which I said before, depende sa kung anong kurso ang kukunin mo sa college. Kunwari gusto mong maging doktor, since Medicine is all about science dapat lang na subject na kunin mo ay syempre sciences at math (Physics, Chemistry, Biology, Math Foundation, Calculus, etc.) Syempre kung Law naman ang gusto mo iba na naman, pero kailangan mo pa ring kunin yung English 12 at Filipino 12.

     During highschool years, eh wala po itong pinagkaiba sa way ng klase kapag college. Hindi teacher ang lumilipat ng klase kundi ang mga estudyante kaya madalas eh iba iba ang mga kaklase mo sa iba't-ibang subject. Pero sa story ko sisimulan ko pa lang ang ganitong style ngayong grade 11 sila which is a senior year. Wala na silang class adviser at mas lalong wala ng Section A to F. Tapos na ang kabanata na yun noong Grade 10 sila :) Ngayong Senior year para na silang college. 

Yep. Difinitely super important note dahil ayoko pong malito kayo sa story dahil ibang iba sya sa way ng klase na nakasanayan natin sa Pinas. Although alam kong nakakalito talaga eh sana po maintindihan nyo. Kaya kung may tanong po kayo regarding dito wag kayong mahiyang magcomment sa baba :) 

P.S. Wala pong first quarter hanggang fourth quarter ang K-12 sa Canada dahil hinahati ang isang taon sa First and Second Semester alone (yep. parang college talaga) Pero since mas gusto ko ang First Quarter hanggang Fourth Quarter style sa story ko. Yun ang susundin ko. At ang walong subject na yun ay ang magiging subject nila sa buong taon parang sa Pinas :) So it's like, pinaghalo ko ang Canadian at Pinoy style school dito sa story ko. Hoho! xD )

Sinuri ko ang walong subject na nakalista sa schedule ko. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang Math subject na may galit talaga sa akin kahit kailan. Pinagkampihan pa talaga nila ako ni Science dahil may Physics at Chemistry na rin ako. Gusto kong umiyak. Huhu. Pero anong magagawa ko. Gusto kong maging doktor kaya sa ayaw ko man o gusto, yun ang required na kailangan kong kunin. 

"Babes patingin ng schedule mo ah!" hinablot ni Rico ang papel na hawak ko bago pa man ako pumayag. Kita mo 'to nagpaalam pa kukunin rin pala nya. 

"Yes! Kaklase kita sa apat na subject babes! Ang saya saya!" 

Hinablot naman ni Nathan ang papel ko mula kay Rico na tumatalon talon sa sofa dahil sa sobrang saya. Pinagkumpara ni Nathan ang sa kanya at akin at napasigaw din ng malaman na may limang klase na kasama ko sya. Lima talaga? Wow. I'm stuck with him then. Sad life. Pero syempre joke lang!

"Apat lang sayo Rico! Sa akin lima! Woooh!" 

"Ang daya naman! Magrereklamo ako sa may office! This is unfair!"

"Ikaw kayang namili ng mga subject mo last year! Yan kasi! Haha!"

Nagtuloy tuloy lang sa bangayan at asaran si Rico at Nathan tulad ng lagi nilang ginagawa. Hindi ko na sila pinansin kahit na ba sa loob ng band room boses nila ang namumukod tangi. Lumapit ako kay Jace na kausap si Shane. Tiningnan ko ang schedule nya na nakapatong sa tabi nya. May klase kaya na kasama ko sya? 

"Nag-English Enriched 11 ka? Law 11 at may Calculus 11 rin?!" say what?! Gusto kong mahimatay dahil nanlulula ako sa mga subjects na kinuha nya. Wala talagang pag-asa na maging kaklase ko sya sa mga subject na 'to. Masyadong advance ang lahat ng kinuha nya! Hindi normal para sa isang normal na estudyante ang mga kinuha nya sa buong taon na 'to! 

Teka nga. Normal pa nga ba sya? Parang hindi na eh. Tiningnan ako ni Jace at Shane. 

"Magkaklase kami ni Jace sa lahat ng subject Serene. Ang saya nga eh." tuwang tuwa na sambit ni Shane

"Ikaw rin?!" 

Talk about guys with over average mind. Sige kayo na genius. *Le me crying and moping in the corner*

"Ano bang mga kinuha mo?" tanong sa akin ni Jace. Hinablot nya ang schedule ko sa kamay ni Nathan since malapit lang naman ito sa kanya. 

"Jace naman tinitingnan ko pa eh!" reklamo ni Nathan pero hindi sya pinansin ni Jace at tiningnan lang ang schedule ko. 

"Four subjects," sabi nya at pagkatapos, ipinatong nya sa ulo ko yung schedule. Nakaupo kasi sila ni Shane sa mataas na parte ng sofa kaya medjo nakatingala ako sa kanila.

So may four subjects pala kami na magkaklase! Ang saya naman! 

"Talaga?!" 

Kinuha ko agad ang schedule ko at ang sa kanya bago pinagkumpara. Kaklase ko sya sa Music and Arts 11 at Filipino 11! But oh crap. Kaklase ko rin sya sa Physics 11 at Chemistry 11. Ay mali, kaklase ko sila ni Shane sa subjects na yun. Huhu. Bakit? 

Sa buong taon ito ang mga subjects ko. Sa umaga

Period 1: English 11 

Period 2: Chemistry 11

Period 3: Biology 11

Period 4: Mathematics 11 (Simple Math lang at hindi Calculus. Dahil kung Calculus yan, iiyak ako ng dugo)

At syempre ang Lunch na favorite subject ng lahat! Tapos tuloy tuloy tayo sa 5th hanggang last Period.

Period 5: Filipino 11

Period 6: Music and Arts 11

Period 7: Social Studies 11 and last but ot the least 

Period 8: Physics 11

Tumunog na ang bell at ang good news! Kaklase ko naman si Niel at Reece sa lahat ng subject! Halos mapatalon nga ako dahil sa saya ng malaman yun eh. Si Julian naman lima sa walo kaya masaya pa rin! Sayang nga yung tatlo eh nalihis pa ng landas. Parehas kasi sila ni Jace na nanguha ng English Enriched 11 (na to the highest level na English! Yung mala-Shakepeare English na ang peg), Calculus 11 (Dahil parehas silang mahilig sa math) at Law 11 kaya magkaklase sila ni Jace at Shane. 

Hinatid ko si Nyree at Kelly sa kanya kanya nilang klase. Parehas silang nasa Section A and I'm so proud of them. Hindi na nila ako kailangang gwardyahan ngayon dahil si Niel na as a guardian ang nag-take ng full responsibility ukol doon. 

"Rene dali! Baka ma-late tayo sa first period natin!" Hinila ako ni Reece. Nasa likod namin si Niel na nakasunod lang. 

"Mukhang ayos pala na kaklase ka namin sa lahat ng subjects. Hindi ka na kasi malalate dahil hihilain ka namin papasok sa classroom sa tamang oras." Tinawanan ako ni Niel bago ginulo ang buhok ko na parang bata. Nandito na kami sa tapat ng classroom namin para sa first Period which is English. 

Lahat ng mga kaklase namin ay sa amin nakatingin magmula ng mapansin na papasok kami sa loob ng kwarto. Mga pamilyar na mukha ang mga nakikita ko. Karamihan pa sa kanila ay naging kaklase ko na sa mga nagdaang taon. Ang pinagkaiba lang ngayon ay sa tuwing nagtatama ang mga mata namin agad nila itong nililihis at yumuyuko sa sahig. Marahil hanggang ngayon ay nahihiya sila sa sarili dahil sa pangungutya na ginawa nila sa akin noong ako pa si 'Serene' na loser at freak sa paningin nila. 

"Doon tayo!" turo ni Reece sa tatlong bakanteng upuan malapit sa may bintana "I want us all three to sit over there!

Kahit ba nahihiya sila at napapayuko kapag tumitingin sila sa akin, hindi pa rin nakatakas sa mapagmatyag kong mga mata ang mga tingin na ibinibigay nila kay Niel at Reece na syang kasama ko. Tingin na puno ng paghanga at kilig lalo na kay Niel. Sa tingin ko nga eh titilian at dudumugin si Niel pati na si Reece dito mismo sa loob ng classroom kung wala lang ako dito. Pero yun nga lang nahihiya at naiilang sila kasi 'guilty' sila sa mga kasalanan na nagawa nila from the past. 

"Good morning everyone. I'm Mr. Andres Santiago, your teacher for your English 11 for this year. Hope you will all be a good student because I'm not tolerating any imprudent action inside my classroom. Understand? Well then, students... Welcome to Princeton Academy!" 

 Tulad ng normal na gawain sa tuwing pasukan, tumayo kami sa harap at isa isang nagpakilala. Lumipas pa ang ilang mga subjects at ganun din ang ginawa namin. Sa Biology class nakita ko si Clarisse. Alam kong nakita nya ako pero hindi nya ako pinansin--nila-- kasama ang mga kasama nya. Wow. Bagong buhay na ba talaga ang peg nila? Pero kung maka-irap pa rin sa akin si Clarisse wagas eh. 

Hanggang sa naglunch. Napakaraming estudyante at halos lahat nagkakagulo dahil sa dalawang sikat na band na nasa school, walang iba kundi ang The Intricate at Princeton Band. Dinudumog rin ako ng mga estudyante pero wala na atang mas makakapantay pa sa dami ng tao na dumudumog kanila Jace and rest of the crew, with Julian of course. Kaming mga girls with Reece, Kelly at Nyrie ay chill chill lang ang life. Sila? Na-uh. I don't think so.

"Jace, Niel! Mga prinsipe koooo! Let me hug you!"

"Julian!! you're so cute!! Rico!! I labyow!"

"Shane and Nathan my loves! Catch me please! 'Coz I'm fallin' falling for your love!"

 Oh-kay. So hashtag "#medjo O.A" na ang peg ng mga kaklase ko lalo na ang last part kung makaqoute sa kanta eh wagas! Natatawa na lang ako. Nasarhan pa nga ako sa cafeteria nung papasok ako eh dahil sa mga fans nila na hindi magkandamayaw. Ang nakakatawa may nakabangga pa akong bagong estudyante. Grabe lang, kay bago bago eh naranasan na nya ang full power force ng mga avid fan na Listeners sa mga guy members ng band. Nilibre ko na lang sya ng lunch dahil ayaw kong isipin nya na may ganung reputasyon ang Princeton Academy! Haha. But I like her, she's nice. 

Pagdating ng first period sa hapon doon lang kami ulit nagkita ni Jace. Magkatabi kaming umupo dun sa likod kasama si Reece at Niel sa tabi namin. Tutunog pa lang ang bell ng biglang pumasok si Julian with grand entrance effect pa. 

"Magan-deng ha-phone! Classmates!" 

At as usual, dinumog na naman sya ng mga kaklase naming mga babae. Pumili sya ng upuan na mauupuan sa tapat namin. Paglapag na pagkalapag nya ng bag sa sahig, tumayo sya at humarap sa amin, nakalahad ang magkabilaang kamay sa hangin na parang isang performer na nanalo ng gold medal. May malaking ngiti sa labi nya na parang proud na proud. 

"So guys how's my tagalog? Guma-gay-leng na ba akow mang-ga kai-bye-gun?"

Tulad dati, pigil ang tawa ni Niel na tumingin sa ibang direksyon. Si Reece nganga, ako napa-ismid na lang at si Jace? Mukha mang walang pakialam sa mundo kundi ang hawak nyang libro ng Calculus pero ang ngisi sa mukha nya. Hanep! 

Walang sumagot sa amin. Nagsisimula ko ng marinig ang dumadaang uwak sa paligid. 

"Ahm.. ahem!" pakunwaring ubo ni Reece bago kinalabit si Niel sa tabi nya "Ah Niel ano na ba ulit yung sinasabi mo? Di ba may tinatanong ka sa akin kanina?" 

"Ah oo! ito o, hindi ko kasi alam kung anong ibig sabihin nito. Ikaw ba Serene alam mo?" 

"Ang alin? Ah yan ba kamo? Madali lang yan! Ganito o!" 

Nanigas na ata si Julian sa pose nya dahil hanggang ngayon hindi pa rin sya gumagalaw. Nakita kong puno ng disappointment ang mukha nya, bago nagpout hanggang sa naging teary eyes ang mga mata nya na parang mga napapanood ko sa anime. Umupo sya sa mesa nya at nagmukmok. Paulit ulit pa nyang inuuntog ang ulo nya sa may mesa. 

"Practice makes perfect." sambit ni Jace kaya napatingin kami sa kanya. Ngayon ko lang sya ulit narinig nagsalita ngayong araw na 'to. Minsan talaga hindi ko makuha ang mood nya. Minsan madaldal, minsan tahimik, minsan mapang-asar, minsan masungit! Oh well. Still... he's my Jace'y berry kaya kahit ano pang labo ng mood nya he's still be my polar bear. 

Tumingala si Julian mula sa mesa na kinasusubsuban ng mukha nya. 

"You really think so?" Mukha syang batang inalipin at mukhang batang kawawa na tumingin kay Jace. Lahat ng babae sa classroom namin napa-'Awww' dahil sa puppy look face nya pero kaming tatlo? Wa epek. 

Hindi na tumingin si Jace sa kanya pero nakangising syang bumalik sa libro na binabasa. Si Jace minsan yung 'man of few words' kaya kapag sya na nagcomment importante talaga at may impact. Kapag sumabat sya sa kahit anong usapan na hindi naman sya tinatanong, it only means he cares. Kung wala, bakit ka pa nya sasagutin sa walang kwentang tanong mo? But now, nakikita ko namay magandang kahihinatnan 'to. 

Dahan dahan eh parang maluluha na si Julian sa saya hanggang sa dali dali syang tumayo sa kinauupuan at niyakap si Jace ng walang pasabi. 

"I'm really so happy to meet someone who understands me!" 

"Get off me! Julian!" reklamo ni Jace sa pagkakayakap sa kanya ni Julian. Nalaglag pa nya ang binabasang libro sa baba kaya pinulot ko. Lahat ng tao sa classroom nagtatawan dahil sa kanilang dalawa. 

"In one condition." 

"Fine. Fine. Fine! Just let me go!" 

"You'll going to be my tutor in tagalog instead of Serene! How cool is that!" 

"What?!" 

Lumayo na si Julian sa kanya na masayang masaya. Kapag si Julian talaga may gustong bagay wala syang pakialam kung magmukha pa syang weird makuha lang nya. That's the hidden power of Julian Moore. 

"You hear me right my friend." ngiting aso ni Julian kay Jace "You'll going to be my tutor in tagalog from now on!" 

"No! I won't!" 

Ilang beses mang magreklamo si Jace hindi na sya pinakinggan ni Julian na patuloy pa rin sa pag-eevil laugh hanggang ngayon.

"Serene" binigyan ako ng tingin ni Jace na parang nagsasabing tulungan ko sya pero nagkibit balikat na lang ako at kunwari hindi ko sya narinig. Ngayon pa lang alam ko na, na pinagsisisihan nyang nagbigay pa sya ng moral of advice kay Julian.

Jace sometimes look that he doesn't care pero ang totoo nyan he cares so much lalo na sa akin at pati na rin sa mga kaibigan ko. I'm so happy for both of them. Julian and Jace might as well be a very super duper best friend forever after that tutor lessons. Pambawi ko na rin ito sa kanya dahil sa pagpapaint nya sa mukha ko noon at ginawa akong chaka doll. Now Jace'y berry, you'll gonna feel my wrath *evil laugh*

Dumaan pa ang ilang mga subjects na parang hangin sa aking paningin. Masyado kasi akong nag-enjoy sa bawat klase na pinapasukan ko. Marami akong nakilalang bagong kaklase at mga kaibigan na grabe ang suporta sa akin as 'Serene' the famous member of Intricate Band. 

Hanggang sa dumating ang last subject ko which is Physics 11. Ayos naman dahil wala pa namang solving solving eklavush theme at puro pagpapakilala pa rin sa harap at pagdidiscuss ng rules sa school at classroom ang main topic namin. Meron ding debate na syang ginagawa namin ngayon. Alam ko pampalipas oras lang 'to pero masaya pa rin dahil walang math. 

Ang main topic namin? "How math is important in everyday life."

Since ako ay anti-math at kasali sa katipunan ng mga 'Sawing Palad Sa Math'. Nagtaas kamay ako at nagvolunteer para mapunta sa kabilang team. Kalaban namin sila Jace at Julian na oh so full of logic pagdating sa debate na ito. Buti na lang kasama ko si Niel kasi may kakampi ako. Ang debate ay nauwi sa barahan pero hindi ako nakikisali. Nauwi ba naman kasi sila sa usapang Theory of Relativity at Quantum Mechanics (thanks to Jace of course) Dahan dahan napunta sa likod ng mga kagrupo ko dahil dumudugo na ang ilong ko.

Sa kalagitnaan ng mainit na debatihan bigla akong nagtaas ng kamay. Tumingin sa akin ang lahat ng estudyante kabilang na si Jace na hindi ko namalayang katatanong lang pala sa grupo namin ng isang napaka-importanteng tanong!

Hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako nagtaas ng kamay eh! Huhu! Waeee? *sniffs*

"Yes Ms. Lopez? Any counterback answer for Mr. Alvarez about the importance of Einstein Field Equations? Since sinabi ng grupo mo na wala daw 'tong kwenta at sakit lang ng ulo para sa mga estudyante?" tanong ng teacher ko sa akin. Dahan dahan tumingin ako sa mga kagrupo ko, may evil smile sa mukha ko at lahat sila napa-peace sign na lang. Bakit hindi na lang sila naki-go with the flow at sumang-ayon na lang kay Jace about kay Lolo Einstein?! 

Gayunpaman, naglakas loob akong lumapit papalapit kay Jace na parang naghahamon since its all about debating. Taas noo akong nakatingin sa harap nya, isang bagay na ako lang ang nakakagawa dahil lahat sila takot sa kanya. Matindi ang tinginan namin sa isa't-isa, lahat napapa-'oooooh' dahil sa matinding eye to eye contact na ginagawa namin na parang naglalaban kung sino ang unang kukurap. Syempre magpapatalo ba naman ako? Einstein Field of Equations ba kamo? Psh. Easy. 

Muli akong nagtaas ng kamay at tumingin sa teacher namin.

"Yes Ms. Lopez?"

Lahat ng mga kaklase ko nag-aabang ng sagot na isasagot ko kay Jace na ni minsan ay hindi pa natalo sa mga ganitong bagay. Lahat nakikinig, lahat nag-aabang. Lahat naghihintay sa sasabihin ng nag-iisang Serene Lopez...

"Sir..." usal ko habang nakatingin ulit ng masinsinan kay Jace "Can I go to the washroom?" 

Napanganga ang lahat sa aking napakagenius na counter back question. Bago pa man sila makagkumento sa sagot ko, tumakbo na ako ng napakabilis palayo sa kanilang lahat at diretso sa washroom kung saan ako ligtas. Einstein Field of Equations? Takte! Anong alam ko dun?! Simpleng algebraic equation nga lang nganga na ako doon pa kaya? If I want to preserve my sanity, the best way to do this is to get out and leave! At success ako doon! *laughing hysterically with thunder striking in the background* 

"Ang bagal bagal mo naman! Tayo dali! Pangit!"

"Paano makakatayo jan eh ang taba taba! Haha tabachoy!"

"Napakaloser mo!

"Dapat ang mga katulad mo, hindi pinapapasok sa Princeton Academy school of Elites!"

"Sipain na yan at ng matuto!" 

Napahinto ako ng may makitang isang grupo ng babae sa harap lang din ng washroom. Bago pa man masipa ng isa sa mga babae ang kawawang bagong estudyante na pinagkakaisahan nila, nasangga ko na ito gamit ang isa kong paa. Nakabulsa ang dalawang kamay ko at nakatingin lang ako doon sa babae na pinagkakaisahin nila. Pero noong itinaas ko ang tingin ko sa kanilang lahat, napangisi ako. 

"Long time no see... patpating girl." 

Naaalala ko na itong mismong babaeng nasa harapan ko ngayon kasama ang mga kasama nya sa likod ay ang mismong babaeng patpatin na bumubugbog at nambubully sa akin noong bago bago pa ako dito. Kita mo nga naman, patpatin pa rin sya hanggang ngayon at kasama pa rin nya ang mga back-ups nya sa likod tulad ng dati. Naaalala ko pa kahit ganyan kapayat ang katawan nya malakas pa rin sya kahit papaano na manipa at manuntok. Memories... memories...

"Tss. Serene Lopez." taas noo nya akong tiningnan "Akala mo ba kahit ikaw ang may ari ng school na 'to eh matatakot na ako sayo?" 

"Mia... tama na yan" awat ng mga kasama nya sa tabi nya

"Hindi. Bakit ako titigil? Bumango lang ang pangalan nya pero para sa akin isa pa rin syang loser at freak!"

Tinulak nya ako at sa pagtulak na yun ay bumalik sa akin ang nakaraan. Kung paano nya ako itulak noon sa mismong lugar na 'to. 

"Ano ha? Lalaban ka na? O wag mong sabihing magsusumbong ka sa mga bodyguards mo?" tumawa sya bago ako tinulak tulak ulit hanggang sa napasandal na ako sa isang pader "Myembro ka ba kamo ng Intricate Band? Psh. You're a crap. Mas mabuting hindi ka na bumalik. 'Coz Intricate Band is better without you!" 

Sasampalin na nya ako pero nasangga na ito ng kamay ko. Iniangat ko ang tingin ko at ngumisi sa kanya. 

"Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ka pa rin nagbabago." sya naman ang itinulak ko ng itinulak tulad ng ginawa nya sa akin kanina. 

"Psh. You're a crap. Mas mabuting hindi ka na bumalik. 'Coz Princeton Academy is a school only for people with morals and values. Princeton Academy... is better without you."

A taste of her own medicine ika nga. Her own words backfired to her at natatawa na lang ako sa reaksyon nya. Ibinulong ko na lang sa kanya ang mga huling salita bago ako umalis at tinulungang tumayo ang babae na kanina lang ay pinagkakaisahan nila. 

"Okay ka lang ba?" inalalayan ko syang tumayo

"Ah o-opo. Salamat po!" 

"Ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya

"A-alessa San Pedro po."

 "Hoy freak! Sandali kinakausap pa kita!" akmang sasabunutan na ako ni Mia tulad ng ginawa nya sa akin noon pero nakailag ako at sa halip na ako ang masubunutan nya, sya ang sinabunutan ko. Hinila ko ang buhok nya at lahat ng mga babaeng nasa paligid namin ay nagulat sa ginawa ko. Humarap ako sa kanila hawak hawak pa rin sa kamay ko ang buhay ni Mia

"Anong pangalan mo?" tanong ko dun sa isang babae na kasama nya. Hindi sila sumagot at kinakabahang tumingin sa ibang direksyon. Napasigaw ako

"Anong pangalan mo!" 

"H-hazel Sarah Unice po!" 

Tinaasan ko sya ng kilay "Pangalan nyo na bang lahat yun?" 

"H-hindi po. A-ako lang po."

Wow. Kung ako nga pinagkaitan ng second name sya tatlo tatlo ang pangalan? Tinuro ko pa sila isa isa para malaman ang pangalan nila. Wala akong pakialam kahit kanina pa sigaw ng sigaw at palag ng palag si Mia na hindi ko pa rin binibitawan ang buhok hanggang ngayon. Takot na takot sila sa akin at nakayuko akong sinasagot. 

"Alessa," usal ko matapos malaman ang lahat ng pangalan nila. "Pwede mo ba silang bantayan para sa akin? May tuturuan lang kasi ako ng leksyon eh."

 

 Tumingin ako sa mga kasama ni Mia at ngumisi "At wag nyong subukang tumakbo palayo. Alam ko na ang mga pangalan nyo. Take a wrong move and you'll vanish in Princeton Academy."

With that said, hinila ko si Mia papasok sa washroom bago isinara ang pinto na kaming dalawa lang. Naalala ko noon sa mismong lugar na 'to dito nya ako pinagkakaisahan kasama ng mga kasama nya. Memories... memories... Iba ni Serene ngayon at hindi na ako magpapatalo. And now...

Is the payback time. 

***

Author's Note:

Please read my new story "THE SEVENTH ROSE" Prologue pati na rin po ang PAPER PLANES Part 2!! My new story has a big role in Listen To My Heart kaya kailangan nyo pong basahin yun ^___^ isa pa sidestory sya ng ibang character ng sa LTMH!! :D Hope you'll support it! VOTE AND COMMENT po sana kau dun Listeners!! Maraming salamat!!

~G.Jade

Continue Reading

You'll Also Like

355K 16.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
333K 13K 30
As the King and Lord of Elityian's Empire, Avenight has to fulfill his responsibility and find a woman to marry before his ceremony. As their whole c...
13.1K 3.4K 55
There is a bigger question about what real life is. And that will be 'her' job to know what really is the truth. But an unfortunate things will go ag...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...