The one

By xxakanexx

670K 10.4K 515

Caleb Jireh had been waiting for someone to come back. He had spent the last seven years of his life, waiting... More

The one
Prologue
1. Faulty beginning
2. Tonight
3. My Shining Star
4. Never ever
5. Uncertainties
6. All that they needed to know
7. Friends?
8. Something kilig
9. Almost
10. Memory loss
11. How could you?
12. I'm yours
14. When there was me and you
15. Ikaw lang

13. Plus one, minus one

25.5K 516 50
By xxakanexx

"Kasal ko, sinong plus one ninyo?"

Caleb was shaking head habang nakatingin siya kay Lex, paikot-ikot ito sa loob ng studio at tinatanong sila isa-isa kung sinong plus one ang isasama nila sa kasal nito sa Sabado. He sighed. He was of course, thinking of bringing Aiko. Gusto niya na ito ang kasama niya sa oras na iyon. He smiled at Lex.

"Si Aiko." Sabi niya sa kaibigan. Lex looked at him.

"Bakit? Bakit na kayo ni Miss Japan?" Tudyo nito sa kanya. Natawa lang siya. Kung tutuusin ay hindi naman sila nag-away ni Aiko, misunderstanding lang iyon. Maswerte siya at inintindi nito ang side niya kahit alam niyang napakahirap gawin noon para dito. Kung ilalagay niya kasi ang sarili niya sa sitwasyon ni Aiko, alam niyang mahihirapan din siya – isipin niya pa lang na may makikihati sa kanya sa pagmamahal niya dito ay nanghihina na siya – marahil ay ganoon din ang pakiramdam nito. He sighed.

"Hindi naman kami nag-away." Sabi niya kay Lex sabay tingin sa binabasa niyang music sheet. He sighed.

"Good. Si Calen, pwede kaya niyang plus one si Jin Hye?" Tumingin si Lex sa kanya. "Teka, invited si Jin Hye sa kasal ko, baka magtaka siya kapag hindi siya ang kasama mo?"

"Takte naman Lex!" Hindi niya napigil ang pagsigaw. Lex back off. Umalis ito sa harapan niya at si Kerky naman ang insitorbo. Of course, Kerky will bring Hanna. Napailing na lang siya, mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin naaalis kay Lex ang kakulitan nito tuwing excited ito sa isang bagay.

Bumaling siya sa kanyang kaliwa. He saw his twin brother sitting on the couch – texting. Ang laki-laki ng ngiti sa mukha nito at hindi niya alam kung bakit nakangiti ito nang ganoon na para bang sayang-saya ito sa buhay. Tumayo siya at saka lumapit dito.

"Sinong ka-text mo?" Tanong niya dito. Calen looked at him. He was still smiling.

"Si Harmony." He simply said. Kumunot ang noo niya. Harmony? Bakit pamilyar ang pangalan ng babaeng iyon para sa kanya?


"Iyong nag-opening act sa last gig?" He confirmed. Calen nodded. He sighed. Hindi niya alam kung nakikinig ba ang kapatid niya sa sinasabi ni Lex kanina kaya uulitin na lang niya dito. "Calen, walang kasama si Jin Hye sa kasal ni Lex, siya na lang ang plus one mo, because I'm bringing Aiko." Sabi niya dito. That caught Calen's attention.

"What? Akala ko si Jin Hye ang plus one mo. Balak ko pa naman ayain si Harmony sa kasal ni Lex." Kumunot ang noo niya. What the hell was Calen talking about? He would invite that woman to Lex and Keith's wedding? Seriously? The Pastels are family so bakit ipapasok ni Calen ang isang outsider sa mundo nila?

"What did you just say?" He asked his brother. Umiling si Calen.

"Wala..." He sighed. "Did you say that Jin Hye will be there?" Tanong nito sa kanya. Tumango siya. Bigla ay napangiti na naman ito – iyong ngiting alam niyang galing sa puso nito at hindi lang basta sa pisngi o sa labi. He was smiling because of the fact that he'll be with Jin Hye – sigurado siya doon. Calen looked at him.

"Can I- like pick her up that day?" He asked him. Tumango na lang siya at saka tinapik ang balikat nito.

"You can even kiss her if you want." Sabi niya sabay tayo. Calen laughed.

"Lol, sa'yo siya in love – sa ngayon." Sabi nito. Tumango na lang siya.

"Oo, pero iyong naaalala niya, ikaw." He said. "Oo nga pala, ilalabas ko si Jin Hye ngayon, gusto mo bang ikaw na lang?" He was so sure na papayag si Calen pero he got the biggest surprise of his life when he said:

"Ikaw na lang muna, pupuntahan ko kasi si Harmony." Tumayo ito at mas nauna pa itong umalis sa kanya. He watched him as he leaves the room. Parang naguguluhan siya sa mga nagaganap ngayon. He shook his head. Alam niyang alam ni Calen ang ginagawa nito. Nagpaalam na rin siya kina Lex at Kerky, susunduin niya muna si Aiko sa school bago niya puntahan si Jin Hye para ilabas. Hindi niya pa kasi nasasabi dito na lalabas sila ni Jin Hye, baka kung ano na namang pumasok sa isip nito.

Ayaw niyang nagdududa si Aiko sa kanya, maski ang magselos ito ay hindi niya kayang isipin. Nakakatuwa na nagseselos ito – ibig kasing sabihin noon ay mahal siya nito pero the thought na kasabay ng pagseselos nito ay nasasaktan ito at naiisip nito na hindi na niya ito mahal ay mas doble ang sakit sa kanya.

Nang makababa siya sa parking lot ay natanaw pa niya si Calen na pasakay sa motorbike nito. Nagtataka talaga siya sa ikinikilos nito – nang mga nakaraang araw ay parang ang saya-saya nito na dumarating sap unto na marami na itong nakakalimutan. He just sighed again.

He drove his car and after fifteen minutes ay nakarating na siya sa university kung saan naroon si Aiko. Agad siyang nagpunta sa lugar kung saan palagi siya nitong hinihitay. He was walking aimlessly when he suddenly caught a glimpse of sunshine – Calen's motorbike at nakita niya rin si Calen na kasama si Harmony. Calen was sitting with her sa isa sa mga student's lounge sa waiting area, they were talking. Kunot na kunot ang noo niya.

Ito ba iyong bagay na ipingapalit ni Calen sa pagkakataong makasama si Jin Hye?

"Caleb!" Napalingon siya nang marinig niya ang tinig ni Aiko. She was walking towards him. Tumingkayad ito para hagkan siya sa labi. Automatically, he smiled. Ngayon lang kasi ginawa ni Aiko iyon – sa gitna pa ng university kung saan maraming nakakakita sa kanila – Aiko was never expressive about her feeling kapag nasa labas sila – pero kaga sila lang ang magkasama ay napaka-sweet naman nito.

"Ay may lipstick." Sabi nito sabay pahid sa labi niya. "How was your day?" She asked him. Ipinalupot pa nito ang kamay nito sa braso niya at saka niyakag na siyang maglakad.

"Tiring." He said. "I was with mom the whole morning, inaayos namin iyong gusot sa office." He said. Aiko was intently listening to him. Isa iyon sa mga nagustuhan niya dito – maski walang kinalaman sa personal na buhay nito o sa kanilang dalawa basta siya ang nagsasabi dito, nakikinig ito.

"Ikaw, kamusta ang araw mo?" Tanong niya.

"Ayon, stressful, nakakaloka, nakakapangit buti na lang nandoon si Rafraf, pinapatawa ako." Humagikgik pa ito na para bang naririnig pa rin nito ang kung anumang sinabi ng Rafraf na iyon. Nakadama siya ng inis pero hindi siya kumibo. He just let her talk. Hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ay si Rafraf pa rin nito ang topic nila.

"Alam mo iyon, Caleb? He just makes everything so easy. Tapos ang hard pa ng biceps niya."

Unti-unti siyang napatingin dito. Biceps? Napatiim ang mga bagang niya, naikuyom pa niya ang mga palad niya habang nakapatong iyon sa manibela. Kasalukuyang nagsusuot si Aiko ng seatbelt at ngingiti-ngiti pa ito.

"Ay, babe oo nga pala." Sabi nito sa kanya. "Bukas wag mo na akong sunduin, kasi may emersion kami, si Rafael na lang ---"

"Shit!" Napamura siya. Hindi na siya makatiis. Hinarap niya si Aiko.

"Ako ang kasama mo pero lagi na lang iyang Rafael na iyan ang bukambibig mo!" Gigil na gigil siya. Napalunok naman si Aiko. "May pa hard-hard ka pa ng muscles niya sa biceps! Tang ina! May biceps naman ako, hard din ang muscles ko bakit hindi na lang itong akin ang hawakan mo?!"

Aiko's face was almost comical. Kung hindi lang talaga siya naiinis, kanina pa sana siya natawa pero wala siyang balak ngumiti o tawanan man lang ang sitwasyon nila dahil sa nangyayari. Whoever that guy was, naiinis siya dito, anong karapatan nitong pangitiin o patawanin si Aiko?

He took a deep breath tapos ay nag-iwas siya ng tingin. Pinsibad niya ang sasakyan. He was just too mad at the same time overwhelmed. Hindi siya nagsasalita, Aiko didn't even try talking to him after his outburst. He was trying to be calm, he was trying so hard that he felt like punching the car door. Nang marating nila ang bahay ni Aiko ay kaagad siyang bumaba ng kotse. Marahang sumunod sa kanya si Aiko. Hindi pa rin siya nagsasalita, inihatid niya lang ito sa may pinto, wala pa rin siyang balak kausapin ito but then Aiko grabbed his hand and pulled him closer.

"Huwag ka nang magalit." Niyakap siya nito. He didn't hug her back. He was standing still. Naiinis pa rin siya.

"Caleb, sorry na..."

He sighed. He put his arms around her tapos ay hinagkan ito sa ulo.

"Sorry I yelled." He whispered. "I was just too jealous." Lumayo si Aiko sa kanya, nakangiti na ito.

"Sus! Kahit na ganoon kagwapo si Rafael, siyempre ikaw pa rin ang mahal ko." Sabi nito. That made him smile so wide. Aiko tiptoed to kiss him. He made the kiss longer. Alam niya na nasa crucial stage ang relasyon nila pero it was nice to see and feel that Aiko was making things easier for the both of them – na tulad niya ay gumagawa ito ng paraan para mag-work ang relasyon nila and he was happy – so happy about that.

"I love you..." Aiko said to him.

"I love you too, babe."

------------------------------

Aiko was really happy that day, first out of town trip nila ni Caleb at pinaghandaan niya talaga iyon. Kasal kasi ng isa sa mga kaibigan nitong si Lex – the wedding will take place at a certain resort in Batangas. She was really excited noong sinabi ni Caleb sa kanya na siya ang plus one nito – siya at hindi ang babaeng Koreanang iyon. It makes her feel na siya talaga ang mas mahalag dito at hindi ang babaeng iyon.

She looked at him, busy ito sa pagmamaneho, hawak-hawak nito ang isa niyang kamay habang ang isa pa nitong kamay ay nasa mmanibela. She was smiling, kinikilig talaga siya. Hindi nga niya maintindihan ang sarili niya, just one look from him, it was enough to make her heart flutter – ito lang yata talaga ang magpaparamdam sa kanya ng ganoon.

"Babe, sa coaster tayo sasakay." Maya-maya ay wika nito. Tumango na lang siya. Walang mapagsidlan ang ligaya niya sa umagang iyon. Caleb spent the night at her house last night – pero wala silang ginawa – they just slept together – hindi pa nga sila magkatabi. She slept on the bed habang nasa sahig naman ito. He was a perfect gentleman and she loved him more for that.

Narating nila ang bahay ni Lex. Tulad nga ng sinabi nito ay naroon na ang coaster na maghahatid sa kanila sa Batangas. She immediately saw Ella standing beside Nathan. Kausap ni Nathan si Lex habang si Ella naman ay nakikipaglaro sa anak ni Lex at Keith.

"Ellang pangit!" Tawag niya dito. Ella carried the little boy tapos ay humarap sa kanya. She smiled at her.

"Uy, bati na kayo?" Sabi nito habang nakatingin kay Caleb. She laughed.

"Hindi naman kami nag-away." Sabi niya dito. Hindi naman talaga sila nag-away ni Caleb – nag-inarte lang siya at nag-inarte din ito noong isang araw. Nag-usap pa sila ni Ella hanggang sa namalayan na lang niya na nasa tabi na pala niya si Caleb.

"Bagay sa'yo iyong may baby, Ella." Sabi ni Caleb sa kaibigan niya. Natawa lang ito.

"Kayo, bagay kayo." Sabi nito sa kanila. Calen put his arms around her shoulder.

"Siyempre. Ang tagal kong naghintay, di ko na papakawalan ito."

She remained silent. Kung nakakamatay ang kilig siguro kanina pa siya nakabulagta doon.

Nakarinig sila ng isang paparating na sasakyan. Huminto iyon sa tapat nila at mula roon ay bumaba si Calen – ang kakambal ni Caleb. Nginitian niya ito pero napalis ang ngiting iyon nang bumaba ang Koreanang ayaw sana niyang makita. Autiomatically, Caleb pushed her away. Nilapitan ito ng Jin Hye na iyon at saka yumakap pa dito. She looked away.

Kanina masaya siya, ngayon gusto niyang pumatay ng tao.

"Caleb, I missed you." Sabi nito sabay halik sa pisngi ng boyfriend niya. Napatiim ang bagang niya. In her head, duguan na si Jin Hye, in her head nagmamakaawa na ito sa kanya, pero sa utak niya lang iyon.

"Uhm, Jin Hye..." Narinig niya si Calen. "We can sit together if you like." Sabi pa nito. She smiled. Tama naman, silang dalawa naman talaga ni Calen ang dapat magkasama.

"No, thanks. I'd rather sit beside my husband." Walang kaabog-abog na hinatak nito si Caleb palayo sa kanya. Pumasok ang dalawa sa coaster. Nilingon siya ni Caleb pero wala naman itong ginawa. He could've said no pero ni hindi ito nagsalita.

"Aiko, tabi na lang tayo." Sabi ni Ella. Umiling siya.

"Sit beside Nathan." Mariing sabi niya. Naiinis na lumulan na rin siya sa coaster. Nang makaakyat siya ay bumungad agad sa kanya si Hanna at si Kerky, tapos ay nakaupo na si Nathan doon, he was waiting for Ella at nang tumingin siya sa dulo, doon niya nakita si Caleb at si Jin Hye, nakahilig ang ulo ni Jin Hye kay Caleb at si Caleb naman ngingiti-ngiti. May pinag-uusapan ang dalawa at hindi niya matanggap na ngumingiti si Caleb. Inis na inis siya. Padabog na naglakad siya at nagpunta sa dulong upuan. It was supposed to be their first ever out of town trip as a couple pero imbes na siya ang kasama nito ay iyong babaeng iyon.

After a while, umakyat na rin ang iba. Aalis na yata sila. She saw Calen walking towards her. Nakangiti ito sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. He settled at the seat right next to her.

Umandar ang bus. She really wanted to cry – pero hindi. Bakit siya iiyak. Nabubwisit siya kay Caleb. Marami itong pwedeng gawing excuse pero hindi nito ginagawa. Marahil ay gusto rin nito ang ginagawa ng dati nitong asawa.

Dating asawa.

Kung tutuusin ay mas may karapatan pala si Jin Hye kay Caleb kaysa sa kanya. Asawa ito, girlfriend lang siya – that makes her the kabit. Lalo siyang nangigigil. Minsan tinatanong niya ang sarili niya kung mahal ba talaga siya ni Caleb – sa nangyayari kasi ngayon ay parang wala naman siyang halaga dito.

"Aiko, gusto mo tabi tayo?" Narinig niyang tanong ni Calen.

"Heh! Manahimik ka diyan kundi sasampalin kita nang paulit-ulit hanggang sa mamaga iyang mukha mo!"

Everyone inside that bus looked at her. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mukha nito. Calen shook his head. Hindi na siya nag-abalang itago pa ang inis niya. She looked at Jin Hye who was looking back at her, amazement was written all over her face – wala siyang pakialam kung maintindihan nito ang mga salitang lalabas sa bibig niya.

"Shibalnyun." She cursed and then she looked away. Nag-init bigla ang mga mata niya. Gusto niyang maiyak pero hindi niya ipapakita kay Caleb na iniiyakan niya ito. Hindi kahit kailan.

---------------------------

"Nathan, okay lang ba kung sa room natin matutulog si Aiko."

Kitang-kita ni Aiko na nalukot ang mukha ni Nathan habang pinapakiusapan ito ni Ella. Nasa hotel na sila noon at nalaman niya na wala siyang kasama sa isang  cottage samantalang si Caleb kasama sa kwarto ang babaeng iyon.

"Bakit?" Nathan asked. "May cottage naman siya diba?"

"Hoy aswang!" She hissed at him. "Kasalanan mo ito, ikaw ang doctor ng luka-lukang iyon! Kasama niya si Caleb sa kwarto kaya isasama ako ni Ella sa kwarto ninyo. Ang lagay ba ako lang ang mahihirapan? Magsdusa ka din! Aswang!"

"Aiko..." Hinatak ni Ella ang manggas ng damit niya. Tinaasan niya lang ng kilay si Nathan at saka tumalikod na.

"Fine, fine..." Sabi ni Nathan. "But you'll sleep beside me at night, okay?" Sabi ni Nathan kay Ella. She heard Nathan sighed tapos ay sinabi na nito sa receptionist ang arrangement na gusto niya. She was thankful na naroon si Ella dahil kung wala doona ng kaibigan niya ay baka kanina pa niya nabunot ang lahat ng buhok ni Calen, Lex at Nathan.

"Okay na, lika na Aiko." Yakag sa kanya ni Ella. She and Ella went to the cottage, pero parang binibiro talaga siya ng tadhana dahil nalaman niya na ang cottage sa tapat nila ay ang cottage ni Caleb at ni Jin Hye.

"Gusto ko nang pumatay ng Koreana!" She exclaimed sabay bato ng gamit niya sa kamay. Hindi niya napansin na naroon nap ala si Nathan.

"Aiko, just please understand Jin Hye, may sakit siya." Nathan said. Tiningnan niya ito.

"Sige nga, Nathan." She sighed. "May sakit si Ella. Tapos babalik sa buhay niya si Albert, tapos aalagaan ni Albert si Ella. Tapos sasabihin ko sa'yo, Nathan, just please understand Albert, may sakit si Ella eh." She mimicked the tone of his voice. Hindi nakasagot si Nathan.

"Ano? Anong gagawin mo?!" She demanded. Nathan sighed.

"Papatay din ako ng tao." Nakatiim ang bagang na sagot nito. She grinned.

"See, now you know how I feel."

Tinaasan niya ito ng kilay at saka siya nag-walk out. She really wanted to cry at inis na inis siya sa pakiramdam na naiiyak siya. Ayaw niyang umiyak. That's so not her. Malakas siya at hindi niya iiyakan si Caleb. Hindi. Hindi talaga!

----------------------------------------------

"Caleb, let's go!"

Jin Hye giggled as she called Caleb. Napailing na lang siya. Nag-ayaw kasi itong magpunta sa tabing dagat. Hindi niya mahanap si Calen kaya hindi niya makagawa ng paraan para mapagsama ang dalawa. He sighed. Tulad ng paghahanap niya kay Calen ay hindi niya pa rin ito. Mula nang dumating sila sa resort ay nowhere to be found na si Aiko.

"Caleb!" Jin Hye grabbed his hand tapos ay hinatak siya nito. Jin Hye was really pretty with her sundress and sun hat. Kung nakikita lang sana ni Calen ito ngayon pero wala nga ang kapatid niya at hindi niya alam kung nasaan ito. Naupo sila ni Jin Hye sa isa sa mga tanning beds doon.

"Take your shirt of, lalagyan kita ng sunblock." Sabi ni Jin Hye sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya.

"W-wag na!" He said. Jin Hye stood up tapos ay kinuha nito ang dulo ng damit niya at saka pilit na ipinahuhubad iyon sa kanya.

"C'mon, mag-asawa tayo, inaalagaan lang kita." Jin Hye succeeded on taking off his clothes. Naupo ito sa tabi niya at saka simunulan siyang lagyan ng lotion. Inuna nito ang braso niya.

He looked away. Pilit niyang hinahanap ang mga kaibigan niya o si Calen. Hindi tama itong nangyayari. Jin Hye shouldn't be doing this to him. Dapat kay Calen lang. Napatayo siya nang makita niya si Kerky.

"Kerkz!" Sinenyasan niya itong lumapit sa kanya.

"Uy, kamusta?" Sabi nito. "Ang ganda mo ngayon, Jin ha!" Jin Hye giggled.

"Si Calen?" Tanong niya.

"Nasa cottage niya, dinaanan ko pero busy sa kakatext." Napabuntong hininga siya. Text na naman.

"Ano bang atin? Ang sweet ninyo ha!" Tudyo pa nito sa kanila. Inirapan niya si Kerky.

"Si Hanna? Baka pwedeng sumama muna si Jin sa kanila..."

"Wala, kasama si Keith." Napakamot siya ng ulo. Hopless na yata talaga, hindi na siya makakatakas kay Jin Hye. He breathed out sharply. He grabbed Jin Hye's hand. Isa na lang ang naiisip niya, dadalhin niya si Jin Hye kay Calen at hahanapin niya si Aiko. Alam niyang kanina pa ito galit na galit sa kanya. Alam niyang kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa isipan nito. Hinatak niya si Jin Hye pabalik sana sa cottage ni Calen pero bago pa sila tuluyang makaalis ay napahinto siya.

Nakita na niya ang hinahanap niya – si Aiko. Pero hindi sa ganitong paraan niya ito gustong makita.

Aiko was wearing a red two piece. She was walking aimlessly habang ang mga kalalakihan sa paligid nito ay titig na titig dito. Nakadama siya ng panibugho. Hindi siya papayag na tingnan nang ganoon si Aiko. Walang sabi-sabing binitiwan niya si Jin Hye at nilapitan niya ito. He grabbed her by the arm.

"Caleb, ano ba?!" She hissed. Hinatak niya si Aiko pabalik sa cottage niya. Nang nasa loob na sila ay saka niya lang ito binitiwan.

"Ano bang problema mo?!" She exclaimed.

"Ikaw ang problema ko! Anong pumasok diyan sa isip mo at nagsuot ka ng ganyan!"

"Dahil dito nagagalit ka?" Tumaas ang sulok ng bibig nito. Umiling si Aiko. "I don't have time for this." Sabi nito at saka tumalikod. Akmang lalabas ito nang hatakin niya ang kamay nito.

"Mag-uusap tayo sa ayaw at sa gusto mo." Mariing sabi niya.

"Ayoko. Bumalik ka na doon sa Jin Hye mo, mas kailangan ka niya kaysa sa akin." Madiin ang bawat salitang lumabas sa bibig nito. Napanganga siya. She was acting like this just because of Jin Hye?

"Ilang beses kong sasabihin na ginagawa ko lang ito para kay Calen, at dahil may sakit si Jin Hye?" He asked her.

"Ah! So dahil may sakit siya, okay lang na halikan ka niya sa labi? Okay lang na yakapin ka niya nang ganoon? Okay lang na pahiran ka niya ng sunblock sa katawan mo? Okay lang iyon kasi may sakit siya? Okay lang iyon?! Eh paano naman ako?! Nakadepende ba sa babaeng iyon ang kaligayahan at kalungkutan ko, Caleb? Kasi right now, I'm on the verge of giving up this fucked up relationship!"

He was shocked with what he heard. Aiko wanted to give up? Just like that she was giving up. Bigla siyang lumapit dito. Hinawakan niya ang mga kamay ni Aiko pero iwinaksi siya nito.

"Aiko naman, pwede bang intindihin mo muna ang sitwasyon. Please..."

"Naiintindihan ko." Wika nito. "Pero hindi naman ibig sabihin noon, hindi ako masasaktan."

"I didn't mean to hurt you." He said.

"Noong araw na pumayag ka na makisakay sa baluktot na paniniwala nang babaeng iyon, sinaktan mo na ako." Mariining sabi nito. Hindi siya makasagot. Why does it feel like Aiko was indeed giving up on them.

"Ayaw mo na ba?" He asked her.

"H-hindi ko alam, Caleb..." After saying that she turned her back on him. 

Continue Reading

You'll Also Like

941K 16.9K 12
Ashlee have always been in denial of her feelings for Reede Dela Fuente. From the outside, she acts as if she doesn't care at all, but deep inside h...
15.3K 398 34
You're all I ever need. You're amazing and you were here to save me.
964K 17.1K 21
Calen Eugene - The black sheep of The Pastels had always believe that he will only love one woman and that is his Cinderella - who had forgotten him...
2.1M 72.1K 22
Lost and found. Finders keepers. Missing Person. Wanted. Nagpatuloy ang buhay para kay Axel John. Pilit niyang kinakalimutan ang nawawala. Kung iisi...