The one

By xxakanexx

670K 10.4K 515

Caleb Jireh had been waiting for someone to come back. He had spent the last seven years of his life, waiting... More

The one
Prologue
1. Faulty beginning
2. Tonight
3. My Shining Star
4. Never ever
5. Uncertainties
6. All that they needed to know
7. Friends?
8. Something kilig
9. Almost
10. Memory loss
11. How could you?
13. Plus one, minus one
14. When there was me and you
15. Ikaw lang

12. I'm yours

24.9K 505 18
By xxakanexx

 "Aswang talaga lahat ng lalaki sa The Pastels na iyan!"

Nakatingin lang si Aiko kay Jenny habang palakad-lakad ito sa harapan niya. Kanina pa ito naglilitanya. Hindi niya kasi ginustong mapag-isa sa gabing iyon. Ayaw rin naman niyang iyakan ang nangyari sa kanila ni Caleb, pero ang sakit-sakit noon. Hindi siya galit dahil sa katotohanan na bumalik ang dati nitong asawa. Galit siya dahil nagsinungaling ito sa kanya.

Ang daming beses na pwede nitong sabihin sa kanya ang totoo, pero mas pinili nitong tumahimik. Pakiramdam niya nagmukha siyang tangsa sa nangyari kanina. Everybody knows maliban sa kanya. Ang unfair.

"Hindi naman, mabait sila, Jenny, nagkataon lang na nagkakaproblema but I'm sure, the guys didn't want to leave Aiko in the dark." Mahinang wika naman ni Ella. The two had been at it for an hour now, mula nang matapos siyang magkwento ay nagtatalo na ang dalawa dahil sa Pastels. Nakita niyang pinanlakihan ni Jenny ng mga mata si Ella.

"Tse! Iyong asawa mo ang nuno ng aswang sa The Pastels na iyan! At iyang Caleb naman na iyan, sinasabi ko sa'yo Aiko, kapag nagkita kami, itim lang ng mata niya ang walang latay sa akin."

"Please..." Umalma na ako. "Ayoko nang pag-usapan ito. Please?" She looked at the two of them. Ella just sighed, umupo naman si Jenny sa harapan niya.

"Anong plano mo? Hindi mo na ulit kakausapin si Caleb?" Tanong ni Ella sa kanya. Nagkibit-balikat siya. Sa ngayon wala siyang plano, ayaw niya munang mag-isip. Nasasaktan kasi siya, kung sa ganitong problema ay hindi kayang maging tapat ni Caleb sa kanya, paano pa kaya sa iba?

She sighed. Pakiramdam niya siya lang ang nagho-hold on sa relasyon nila habang si Caleb, he was just letting everything slip away. Ipinaglaban siya nito, iniyakan, hinintay, para saan? Para lang sa huli pareho silang masaktan? Kung ganoon, sana pala hinayaan na lang nito na ganoon sila. Nabuhay siya ng ilang panahon na wala si Caleb sa buhay niya, kaya niya ulit mabuhay nang wala ito. She sighed, alam niyang nagsisinungaling lang din siya sa sarili niya dahil iyong kaisipan na muling mawawala si Caleb sa kanya ay para na siyang pinapatay sa sakit. Ang gusto lang naman kasi niya ay maging totoo sila sa isa't-isa. Minsan na siyang nawala dito dahil sa hindi pagsasabi ng totoo, uulitin pa ba naman nito ang noon?

"Hay naku!" Sabi pa ni Jenny. "Iba na lang ang mahalin mo Aiko, fucked up lahat ng Pastels."

"Hindi sila fucked up." Ella pinched Jenny's shoulder.

"Aray ha! Dahil sa Nathan ungas na iyon sinasaktan mo na ako, Ella?!" Tila nagtatampong wika ni Jenny. Ella laughed.

"Hindi noh." She sighed. "Isipin mo ang sitwasyon, Aiko. Wag kang magalit kay Caleb. Magalit ka sa sitwasyon. Nahihirapan din naman siya."

Hindi na siya kumibo. Naisip niyang tama rin si Ella. Pero ang point kasi, sana sinabi ni Caleb sa kanya ng mas maaga. Pipilitin naman niyang intindihin kahit na masakit.

Lumipas ang ilang oras, magkakasama pa rin silang tatlo. She was still thinking about Caleb and what happened to them earlier. Nakakainis, pinasaya muna siya nito bago siya sinaktan. She sighed again. Nang sumapit ang eight o'clock ay nagpaalam na si Ella at si Jenny. Naiwan na naman siyang mag-isa sa bahay. She sat on the couch, still thinking about Caleb and Jin Hye.

Kilala niya ang babaeng iyon. Pinakasalan ito ni Caleb noon – she was there – she saw the two of them – she was really hurt that time – iyong kasing binalikan niya akala niya na sa kanya pa – pag-aari nap ala ng iba. That devastated her. Ang dami niyang luhang iniyak noon. Ang akala niya hindi na siya makakagulapay sa dami ng sakit na iyon, but she made it, ang ikinatatakot niya ay ang ngayon.

Ngayong nandito ang babaeng iyon, masasaktan na naman ba siya?

She heard a knock on the door. Agad siyang tumayo at saka binuksan iyon. She was awestruck when she saw Caleb standing outside looking at her. Humalukipkip siya at saka itinaas ang kilay.

"Umaano ka dito?" She asked him.

"Aiko, baka naman pwede mo na akong kausapin." Sabi nito sa kanya.

"Hindi ako nakikipag-usap sa taong sinungaling." Sabi niya. Isasara sana niya ang pinto nang bigla na lang nitong iharang ang katawan nito doon. All her efforts were wasted. Hinayaan na lang niya itong pumasok, lumayo siya dito. Wala siyang balak pansinin si Caleb. Naiinis siya dito.

"Did... did you cry?" He asked her. Nainis lalo siya. Binalingan niya ito.

"Bakit naman ako iiyak? May patay ba?" She asked sarcastically.

"Aiko, I'm sorry." Mababa ang tinig nito. Tinaasan niya ito nang kilay.

"Sige, magpaliwanag ka." Sabi niya dito. Hindi naman siya unfair. Mahal niya si Caleb at hindi naman ito tulad ng dati na basta na lang siya tatakbo at iiwan ito. Gusto niyang maging maayos ang relasyon nila. Gusto niya itong makasama. Caleb sighed.

"Hindi ko gustong magsinungaling, Aiko."

"Ginawa mo na ibig sabihin okay lang sa'yo." Sabi niya dito. May kung anong bumikig sa lalamunan niya. "Sana hindi mo na lang ako pinabalik sa'yo kung sasaktan mo lang ako."

"What?!" Caleb exclaimed. "Look, I didn't mean it. I swear!" Ginulo nito ang buhok nito at saka muling tumingin sa kanya. "Pitong taon kitang hinintay, hindi ako naghintay nang ganoon katagal para lang saktan ka."

Napalunok siya. Hearing those words come out of his mouth made everything lighter – maski ang galit niya dito ay parang nawawala na.

"May amnesia si Jin Hye pero nakakaalala na siya ng kaunti. She thought that I was still her husband and the memories she remembers were mine and hers pero hindi ako iyon Aiko. Si Calen ang naaalala niya."

"Eh bakit hindi ninyo na lang sabihin sa kanya ang totoo? Nagmumukha lang siyang tanga noon." Naiinis na wika niya. Caleb sighed. Lumapit ito sa kanya at saka hinawakan siya sa magkabilang braso. He made her look at him.

"It's not that easy. Nathan said –"

"Aswang talaga iyang Nathan na iyan." Komento niya. Mukhang natigilan naman si Caleb at saka natulala sa kanya. Maya-maya ay napangiti ito.

"Hindi ka na galit niyan, Babe?" He asked sweetly. She made a face. Hindi naman niya kayang magalit dito nang matagal, kahit iyong noon na sila pa, basta mag-sorry si Caleb sa kanya – minsan nga kahit wala na iyong salitang iyon basta alam niyang nagsisisi talaga ito ay pinapatawad na niya. Ganoon nga yata talaga kapag mahal mo ang isang tao – kahit walang salit – mapapatawad mo dahil mahal mo.

"Naghahalikan kayo noong Koreana noh?" Pinitik niya ang ilong nito. Lalong nanlaki ang mga mata ni Caleb.

"Hindi noh, lagot ako noon kay Cal, tapos you'll hate me na naman..." He said tapos ay hinagkan siya sa noon. "Aiko, hindi ko alam kung alam mo, pero mula nang ma-in love ako sa'yo, seven years ago, hindi na ako tumingin sa ibang babae. It has and it will always be you, just you and no one else."

"Wow ha!" Pilit niyang itinatago ang ngiti. Caleb smiled at him, idinikit nito ang ilong nito sa ilong niya.

"Bati na tayo." Sabi nito sa kanya. Ngumuso iya. Pinakatitigan niya si Caleb. Bakit ganoon? Matagal na niyang kasama ito, sanay na siya sa presensya nito pero sa tuwing makikita niya ito ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso niya at sa tuwing alam niya na malapit na itong dumating o sa tuwing magkikita sila, nagkakaroon pa rin siya ng butterflies sa stomach niya – sa madaling salita ay kinikilig pa rin siya kay Caleb which is a good thing because it only means na may romance talaga sa pagitan nilang dalawa.

"Tse." Sabi niya ulit. Lalo siyang hinapit ni Caleb.

"Bati na tayo. Alam mong ayokong pinapalipas ang isang araw na magkagalit tayo." Sabi pa nito sa kanya. Napabuntong hininga na naman siya.

Mula nang bumalik siya kay Caleb ay madalas niyang maisip nab aka masaktan na naman siya tulad noon. Ayaw na niyang mangyari iyon – pero sa kabila ng lahat ng iyon she knew that she was willing to take the leap just to be with Caleb. Inuuto lang naman niya ang sarili niya tuwing sinasabi niyang kakayanin niya ulit na mawala ito sa kanya.

She put her arms around his neck.

"Ako lang ha? Ayoko nang may kahati." Sabi niya dito saka ngumiti. Caleb nodded.

"Only you, Babe..."

 

----------------------------------

Saturday night and Caleb asked Aiko to go with him sa gig ng mga ito, excited talaga siya although hindi ito ang unang beses na inaya siya ni Caleb na magpunta sa gig ng mga ito – this time it was different – sila na kasi – other times na inaaya siya nito ay hindi naman siya nagpupunta noon – nagpupunta man siya pero nagtatago siya dito. Hindi niya rin alam kung bakit pero ganoon siya noon. Nahihiya pa nga siya noon sa tuwing ipinapakilala siya ni Caleb na girlfriend nito. Ang sa kanya naman kasi, nasa banda si Caleb, baka makaapekto sa mga ito kapag nalaman nang iba na may girlfriend ang front man ng Pastels pero ngayon, she swear kapag hindi siya pinakilala ni Caleb na girlfriend nito, sasakalin niya ito.

Habang nakatingin sa salamin ay narinig na niya ang busina ni Caleb. Agad siyang lumabas ng bahay. She was wearing a simple blue dress, naghanda talaga siya para kay Caleb. She smiled when she saw him waiting for her outside the car.

"Hey, babe!" Bati nito sa kanya sabay halik sa kanyang pisngi. Binukas nito ang sasakyan at saka pinapasok siya. Pinanood niya si Caleb habang paikot, ang gwapo nito ngayon. He was wearing a black polo shirt and a pair of semi tight jeans nang makasakay ito ay hindi niya matiis na hindi hawakan ang buhok nito. Bisyo niya iyon. She smiled when Caleb looked at her.

"Magulo, inaayos ko lang." Sabi niya dito habang sinusuklay-suklay ang buhok nito. Kumunot ang noo niya, pinagmamasdan kasi niya si Caleb, parang uneasy ito, parang may iniisip itong malalim.

"Caleb, okay ka lang?" She asked. He looked at her.

"Babe, sabi mo, you want me to be honest. May sasabihin ako sa'yo and I want you to know na hindi ko naman gusto ito." He sighed again.

"Ano ba iyon?" She asked kahit parang may ideya na siya, Whatever Caleb was going to tell her, may kinalaman ito sa Koreanang iyon. She breathe in sharply.

"I'm going to pick Jin Hye tonight. Ako ang date niya." Caleb said. Parang nagpantig ang tainga niya. Date? Ang alam niya, siya ang girlfriend ni Caleb pero bakit date ito ng ibang tao ngayong gabi? She just sighed. Una pa lang naman ito, palalagpasin niya. Pipilitin niyang intindihin ang sitwasyon ng babaeng iyon. Mas mahalag si Caleb kasya sa pride niya at sag alit niya.

"Okay." Sabi niya dito. Caleb smiled at her tapos ay hinagkan siya nito sa pisngi.

"Thanks, babe." Sabi nito. Lulan ng sasakyan ay tinahak nila ang isang direksyong hindi pamilyar sa kanya. Huminto sila sa tapat ng isang malaking bahay. Caleb got out of the car tapos ay pumasok ito sa loob ng bahay na iyon.

She stayed there sitting at the passenger's seat. Kung ano-anong naiisip niya habang naghihintay sa mga ito. Paano kung biglang sunggaban ng Koreanang iyon si Caleb? Paano kung bumigay si Caleb? Paano kung magkabalikan ang mga ito? Paano kung maisip ni Caleb na mas gusto nitong kasama ang babaeng iyon kaysa sa kanya? Sa bawat minuto na wala ito sa tabi niya at naroon ito sa loob ng bahay na iyon ay nababaliw siya. Gusto niyang pumasok para tingnan ang mga ito. Gusto niyang hatakin ang buhok ng babaeng iyon, sabunutan siya at iuntog sa pader para mawala ang amnesia nito at para lubayan na nito si Caleb pero hindi niya pwedeng gawin iyon.

Nakahinga siya nang maluwag nang makita niya si Caleb na lumalabas ng bahay, kasunod ang babaeng iyon. Mabilis ang lakad ni Caleb papunta sa kanya. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at saka tumingin sa kanya.

"Aiko... kasi..."

"Caleb saan ako uupo?"

Caleb looked at the woman standing behind him. Matagal na niyang kilala ang babaeng iyon pero ngayon niya lang talaga natitigan ang Koreana. She was pretty, her eyes, her nose and her lips were perfect for the shape of her face, kulot ang dulo ng buhok nito, sa madaling sabi ay napakaganda nito – mukhang prinsesa talaga.

"Sa back seat ka, Jin." Sabi ni Caleb.

Pinagmasdan niya ang reaksyon nito. She looked offended. She just sighed.

"No, ako na lang." Lumabas siya ng sasakyan at saka pumunta sa likuran. Alam niyang magrereklamo sana si Caleb pero hindi na rin ito nagsalita. Pinasakay na nito si Jin Hye sa loob at saka umikot na rin ito. Pagsakay ni Caleb ay tiningnan siya nito mula sa rear view mirror.

"You okay?" He asked her. She tried to smile at him.

The trip was very quiet. Nakaupo lang siya sa likod at panaka-nakang tinitingnan ang dalawa. Hindi nakalampas sa kanya nang hawakan ni Jin Hye ang kamay ni Caleb. Natulala siya. Pakiramdam niya ay may maliit na karayom ang tumtusok sa puso niya. Lalo pang nadagdagan iyon nang ngitian ni Caleb si Jin Hye na para bang sinasabi nito na okay lang ang lahat.

She looked away. Naluluha siya pero pinipigilan niya ang sarili niya. She was never a cry baby. Hindi siya tulad ng iba na idinadaan ang lahat sa luha. She's a strong woman with a strong will. Paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na hindi siya dapat masaktan o magselos dahil may sakit ang babaeng iyon at ginawa lang ni Caleb ito dahil sa bagay na iyon. Hindi ito mahal ni Caleb. Siya ang mahal ni Caleb.

Muli ay tumingin siya sa mga ito. Jin Hye was smiling at Caleb. Hinaplos nito ang mukha ni Caleb at saka may ibinulong. Lalo siyang nagngitngit. Gusto niyang isigaw sa babaeng iyon na siya ang girlfriend, na siya lang ang may karapatang gumawa noon kay Caleb dahil siya ang nagmamay-ari ng puso nito.

Huminto ang sasakyan. Inis na inis na lumabas siya doon at pabalibag na isinara ang pinto. Hindi na niya hinintay si Caleb, pero maya-maya ay may humatak sa kanya at saka hinarap siya.

"Aiko..."

"Distansya, please, kahit ngayong gabi lang." Sabi niya dito at saka tumalikod. Hindi na ito nakasunod sa kanya dahil tinawag na ito ng Jin Hye na iyon. She sighed, naglakad siya nang mabilis para hindi siya maabutan ng mga ito pero pati doon ay bigo siya. Nang makapasok sa loob ay sinalubong sila ni Hanna, she was smiling at her, itinanong na lang niya kung naroon ba si Ella, mas gusto niyang kasama si Ella ngayon kaysa kay Caleb.

Natagpuan niya si Ella kasama ang asawa nito sa table na malapit sa stage, naupo siya sa mga ito.

"Hi Aiko," Bati ni Nathan sa kanya. Inirapan niya ito.

"Aswang ka talaga, Nathan!" She hissed. Napatingin si Nathan kay Ella at saka tumawa ang dalawa. She looked at them, bakit ganoon? Bakit si Ella masaya na, bakit wala na itong kahati kay Nathan? Samantalang siya, siya ang tunay na girlfriend, pero siya pa ang nakikihati.

Nagsimula ang gig, unang kumanta ang babaeng nagpakilalang Harmony. She was smiling while she was listening to her, maganda kasi ang boses nito, pero nawala ang ngiti niya nang makita niya si Jin Hye na umupo sa kabilang side ng table kasama si Caleb. Nag-init na naman ang ulo niya. Naramdaman niyang hinawakan ni Ella ang balikat niya.

"Aiko, okay ka lang?" Bulong nito sa kanya.

"Mukha ba akong okay? I swear! Sasampalin ko ang babaeng iyan kapag may time na ako!" She hissed. The song ended. Caleb stood up, set na kasi nila. Nang tumayo si Caleb ay tumayo rin si Jin Hye. Kitang-kita niyang hinagkan nI Jin Hye ang labi ni Caleb. Napadako naman ang tingin sa kanya ni Caleb tapos napakamot ng ulo. She looked away.

"Good evening, guys." It was still Caleb. Nasa stage na ang mga ito. Hindi niya tinitingnan si Caleb kahit alam niyang sinusulyapan siya nito. She heard him sigh.

"This song..." He started. "is for the owner of my heart."

Sinenyasan ni Caleb ang mga kasama nito. After a while, they started playing at unti-unti ay napatingin na siya dito...

You've touched these tired eyes of mine
And mapped my face line by line
And somehow growing old feels fine
I listen close for I'm not smart
You wrap your thoughts and works of art
And there hanging on the walls of my heart.

She smiled. He was singing for her. It was as if he was reassuring her that he was for her – only hers.

I may not have the softest touch
I may not say the words as such
And though I may not look like much
I'm yours.

And though my edge is maybe rough
I never feel I'm quite enough
And it may not seem like very much
But I'm yours.

Just like what the song said, "I'm yours..."

Caleb was singing those words while looking at her. Tila ba ipinaparating nito sa kanya na wala nang ibang nagmamay-ari dito kundi siya lang. After the song ended Caleb smiled at the crowd. May isang fan na sumigaw ng  I love you, Caleb!

He smiled even more, tapos ay tumingin ito sa kanya at saka sinabing: I love you, shining star."

And just like that, her heart fluttered with so much joy... 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 26.2K 22
Santiago Emilio III a.k.a. Trey Emilio - Neon's drummer had a tormented past. He trapped himself inside a world where loneliness and pain dwells his...
550K 10.1K 16
Robi only knows one thing, he's still in love with Ian. He was ready to be with her now, he's willing to do everything just to be with her, but there...
146K 8.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Gorgeous By Cher

General Fiction

1.8M 86.2K 25
Cinderella Leona Escalona is the youngest of all Judas' children. She is very obedient and honest. Wala siyang hindi sinasabi sa kanyang mga magulang...