Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 10 ♥ Gun Fight

51.9K 518 67
By wistfulpromise

Thank you thank you sa walang hanggang pagbabasa ng story ko kaya dedicated sa kanya 'to. Godbless always and keep inspiring!

Unedited. Kaya pasensya sa mga mali-mali. Enjoy! :) 

♥♥♥

Chapter 10   

"Bayeng ma-gay-liw pair-las neng siluh-nganen, eylab ng pusow sa dibdib mo'y buhey..."

Hinampas ko ang katabi ko na si Niel na hindi mapigil sa katatawa. Halos mamulamula na sya sa kinauupuan nya ngunit tila ba hindi nya ito mapigilan. Ginamit nya ang hawak na libro pantakip sa bibig nya para kahit papaano ay maitago ang tawa nya  

"Lowpang hi-nee-ruhng doo-yan ka neng magi-teeng sa menluluwpig di cuh pasisi-eel..  

Tikom ang mga bibig ko. Halata na rin sa mukha ko ang pigil na tawa na kanina ko pa pinipigilan.   

"Sa duh-gut at bone-duck sa simoy et sa lung-git mo'y bag-how. May dee-lug eng too-luh et aweyt sa pag-luh-yeng mine-nuh-mahal. Eng kiss-lap neng wuh-tawat mo'y tagum--" bago pa matapos ni Julian ang malagim nyang pag-awit sa Lupang Hinirang ay ang agad kong pagpapahinto sa kanya. Kapansin pansin na medjo kumulimlim na ang kalangitan. Kahit ata si Jose Rizal, Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo ay nagsama-sama't nagsikapit bisig sa isa't-isa bago nag-iyakan dahil sa malagim na pag-awit ni Julian sa ating Pambansang Awit.  

"Ok. Ok. Julian that's enough"   

Kinuha ko ang kopya ng lyrics na hawak nya at nakapaweng na tiningnan.   

"What? Did I made a mistake again? But... I'd read and sang the lyrics as carefully as I could!" reklamo nya. Kunot noo nya akong tiningnan.   

Sa tabi namin ay bigla na lang humagikgik si Niel ng tawa. Hawak hawak ang tyan nya na parang hindi na sya makahinga. Tinuro nya si Julian sa kalagitnaan ng tawa. Ni hindi na nga nya mabigkas bigkas ang dapat na sasabihin dahil sa walang tigil na pagtawa  

"'B-boneduck' daw! Amputek!

Binigyan ko sya ng tingin at ganun din si Julian na halos maningkit ang mga mata. Hindi naman mapigil si Niel sa pagtawa at may pahampas hampas pa sya sa mesa na nalalaman. May dinampot si Julian na bato sa baba at saka hinigas kay Niel ng napakalakas. Walang kahirap hirap naman itong nasalo ni Niel bago tumama sa mukha nya.  

Dumila pa si Niel kay Julian bago nang-asar at sinabing 'You missed." Pagkatapos ay ngumisi sya saglit na parang walang nangyari bago ipinagpatuloy ang naudlot na pagtawa. Muli kong kinuha ang atensyon ni Julian na nakikipagpalitan na ng asaran kay Niel. And I just rolled my eyes at the sight of them. Para silang mga bata na nagtatalo sa isang napakaliit na bagay.   

"Julian, first, its suppose to be 'at' not 'et'. We're talking tagalog here and not french." pinakita ko sa kanya yung papel at tinuro ang mga lyrics kung saan sya nagkamali. Inabot pa ako sa paghagis kay Niel ng isang kahon ng tissue para mapahinto sya sa kakatawa at para muling makuha ang atensyon ni Julian. Ayun sapul sa ulo. Binigyan nya ako ng puppy eyes na sinuklian ko naman ng laser beam eyes. Bumalik sya sa pagbabasa ng libro na tulad ng ginagawa ng isang mabuting estudyante. Good.

"Second, there's no 'bone-duck' in the lyrics. Its bundok." 

"Ok." puno ng determinasyon sa kanyang tinig "bone-duck.bigkas nya sa sinasabi ko. 

"Nope. its bun-dok." 

"Bone-duct?"   

Tiningnan ko si Niel na muling napabungisngis ng tawa sa likod ng libro na ginagamit nyang pantago sa mukha nya. Napailing na lang ako. Gusto ko ring matawa pero ayokong tumawa. Paano ko matuturuan ang estudyante ko kung pati ang teacher tinatawan ang pagkakamali ng estudyante nya  

"Booon-dok" dahan dahan kong bigkas ulit sa salita na itinuturo ko.

"Booown-doc?" kunot noo nyang sambit "Wait I think I almost get it. Bone-doc? Booon-dak?  

Umiling ako. Kahit ano kasing gawin nya pilipit pa rin ang dila nya. Ilang oras na naming pinagprapraktisan ang national anthem na ito pero hindi pa rin nya makuha. Napapakamot na lang ako. Hindi rin naman kasi ganun kadaling matuto ng bagong lenggwahe.   

"You're almost there"

"Urgh! C'est tellement frustrant!" -this is so frustrating!-   

Padabog syang umupo sa kinauupuan nya. Binigyan ko naman ng evil-glare si Niel na bigla napa-'ahem' sabay kunwaring super busy ulit na nagbabasa sa libro na hawak nya. Nandito kaming tatlo sa garden sa likod ng bahay. Sa susunod na linggo na ang pasukan namin kaya tinuturuan ko na si Julian ng mga basic na tagalog.   

"Do I still really need to memorize this?" turo ni Julian sa lyrics ng 'Lupang Hinirang' sa mesa. "And this?" Nanlalaki ang mga mata nyang tanong sa akin.

Tumango ako. Syempre kung may 'Lupang Hinirang' malamang kasunod nyan ay ang 'Panatang Makabayan'. Buti nga hindi ko pa idinagdag ang awit ng lugar namin eh at ang mangilan ngilan dasal kundi patay sya. Binigyan ako ng give-up look ni Julian sabay bulong ng 'Im dead'   

"No don't give-up" hila ko sa kamay nya "You can do this! I know you can! Go Julian go!"   

Hinila ko sya hanggang sa tumayo ulit sya sa kinauupuan nya. Tinatamad man ay kinuha nya ang lyrics ng kanta sa kamay ko. Tuloy tuloy lang ako sa pag-checheer with full energy pa. Nakapout syang tumingin sa akin pati na rin kay Niel.  

"Oh. Je suis mort." -I'm really dead- reklamo pa ulit nya sabay malungkot na tingin sa lyrics na hawak hawak nya 

"Non, vous n'êtes pas." -No, you're not- sagot ko naman. Naku naman pati tuloy ako nahahawa na sa kakafrench nya. 

"You can do this Julian. And please, quit speaking in french. Nasa Pinas ka kaya tagalog tayo ok?" 

"Oh-po." Nakangiti nyang sagot kaya natuwa naman ako.  

Nakakapagsalita at nakakaintindi naman na sya ng basics kahit papaano. Kahit pa slang pa rin sya magsalita ng tagalog atleast he's trying. Sya na lang kasi ang hindi marunong magtagalog sa loob ng bahay. Ayoko namang ma-o.p. sya.   

Muli syang umayos ng tayo at sinumulan ulit ang pagkanta. Malagim man ang bawat bigkas nya sa bawat salita ay nakakabawi pa rin sya dahil sa ganda ng boses nya. Sa gilid ng aking paningin ay muli kong tiningnan si Niel na nahuli kong nakatingin sa akin. Bumalik ulit sya sa pagbabasa sa hawak nyang libro.

Lumapit ako sa direksyon nya.   

"At ikaw naman?" taas kilay kong tanong "Kamusta ang bagong lesson mo?"

Pabiro syang sumaludo sa akin "Okay naman ma'am" 

"Oh-kay." Tumango ako pero hindi lubos na naniniwala na okay sya sa lesson na pinapabasa ko sa kanya. Mas inuna kasi nya ang tawa eh   

"Bonjour. Comment allez-vous?"

Nung tuturuan ko na si Julian ng filipino, nagrequest si Niel sa akin kung pwede ko ba daw syang turuan mag-french. Tinanong ko kung bakit pero ang lagi nyang sagot ay dahil gusto lang daw nya. Binigyan ko sya ng french basic na libro na syang binabasa nya ngayon. Kami lang dapat ni Julian ang nandito pero dahil nagpupumilit sya, isinama ko na. Hindi ko nga alam kung gusto nya ba talagang pumunta dito para matuto o pumunta lang dito para inisin si Julian. Parang wala naman kasi syang interes sa pagbabasa eh.

Napakunot noo si Niel na tila ba nag-iisip kung ano ang isasagot nya sa tinanong ko.    

"Ah! Wait. Alam ko yan eh! Di ba 'how are you yun?'"

Tumango ako "Yep."

"Teka, teka. Alam ko yung sagot dun eh."  

Binuklat nya ang hawak na libro, hinahanap ang pahina kung saan ang sagot sa katanungan na tinatanong ko sa kanya.   

"Très bien!" -I'm very good!- masaya nyang sagot at proud na proud dahil nasagot nya ang tanong ko sa kanya. 

"Good."  tango ko. Kuntento sa binigay nyang sagot "Quel âge avez-vouz?"  

Ilang beses pa nyang inulit ulit sa sarili yung tinanong ko sa kanya bago napapitik at sumagot.   

"Ah alam ko yan, alam ko yan!" tuwang tuwa nyang sambit "'How old are you' yun diba?"  

Tumango ako ulit. Aba, good thing for a beginner na hindi naman gaanong nagpa-pay attention sa libro.

"Je.. je.." halata ang concentration sa mukha ni Niel. Determinado talagang maalala ang mga salita na tinuro ko sa kanya. 

"Je-je... mon?" pabiro kong sambit  

Tumawa sya at umiling bago bumalik sa pagkokonsentrayt sa nais na sabihin. Oo alam ko. Ako nang panggulo. Meron sa tawa ni Niel na natutuwa ako sa tuwing naririnig ko ito. Kahit kailan talaga napakagaan ng loob ko sa kanya. Ang dali nyang patawanin... ang dali nyang mapasaya. May anong saya dito sa dibdib ko na hindi ko maintindihan kapag kasama ko sya. I'm so lucky he's my guardian... one of my bestfriend. He's really one of a kind kahit na ba napakakulit at may topak rin minsan na tulad ko.  

"J'ai dix-sept ans? tama ba?" nagniningning ang mga mata nya na tumingin sa akin para sa kumpirmasyon sa sinabi nyang sagot.  

Tama na sana kung hindi nya binigkas ang sagot nya ng "Dyay diks-sep ans". Pinoy na pinoy ang accent eh. Sa totoo nyan kung ang french teacher ko sa Canada ang makakarinig ng pronounciation nya. Kanina pa sya napakatakip ng tenga dahil sa dami ng wrong pronounciation. Napangiwi ako.   

"Niel dapat imbis na 'dyay' ang bigkas mo sa 'j'ai' dapat 'zhey'. Laging may 'z' sound ang salitang 'Je' sa french at mas lalong hindi binibigkas ang 'j' dun." 

"Ah ganun ba ok. Sige try ko ulit."   

Ilang beses nyang sinubukang bigkasin ang sinasabi ko pero kahit sya ay pilipit rin ang dila pagdating sa lenggwaheng 'to. Sa may tabi, may narinig kaming tawa. At ng mapatingin ako si Julian pala ito. Tinatawanan nya si Niel dahil sa mga pinagsasabi nyang wrong grammar sa french tulad ng pagtawa ni Niel kanina kay Julian sa maling pagpronounce sa tagalog. Napapailing na lang ako sa dalawa na ngayon ay nagpapalitan na naman ng salita at nag-aaway na parang bata.   

Niel sa french at si Julian sa tagalog. Oh well. Parehas lang naman na pilipit ang dila sa nasabing lenggwahe kaya wala na akong masabi. 

"Beat yah there! You sound like a dying monkey whenever you say those words!" asar ni Julian kay Niel sabay tawa. Dumila rin ito katulad ng ginawa ni Niel sa kanya kanina. 

"So what? Atleast I'm trying my best." dila rin pabalik ni Niel sa kanya "What about you? You sound like a frog whenever you sing that song!"   

"No I'm not!"

"Yes you are!" 

"No I'm not!"

"Is that all you got... white-y?Binigyan ni Niel si Julian ng isang winning smirk. Inuntog ko na lang ang ulo ko sa may mesa. Oh please. Not again.   

Muling pinaningkitan ni Julian si Niel at ganun din si Niel kay Julian. Nagiging favorite na ata nilang hobby ang mag-asaran sa isa't-isa. At nah, wag nyo na silang pansinin. Masyado lang talagang sweet ang dalawang yan sa isa't-isa kaya kung anu-anong tawagan ang tinatawag nila sa isa't-isa para makapang-asar lang. Lagi nilang ginagawa yan basta magkikita sila. No biggie.  

"You think I'm gonna backdown to you, browny?taas kilay ni Julian kay Niel. "Come on. Bring it on!"   

Tumayo si Niel sa kinauupuan, dinig na dinig ko pa ang pagbagsak ng upuan nya. Humakbang sya papalapit kay Julian. Taas noo silang nagtitigan mata sa mata na puno ng angas. Napupuno na ng tensyon sa buong paligid at wala akong ibang ginagawa kundi umupo sa upuan, magbasa ng libro at humigop ng tsaa na iniwan ko kanina sa mesa. Ang sarap grabe. This is what you call life.  

"Tss. Who said I'm gonna back down? You might even cry like baby after I'm done to what I'm going to do to you." iniangat ko ang tingin sa libro mula sa libro na binabasa ko. Halos magka-height lang pala sila Julian at Niel? Wow. Ngayon ko lang napansin yun ah.

"Sure, eh?" Oh that 'eh' word of Julian na binigbigkas sa Canada as 'ey'. Tatak Canadian talaga. Ngumisi si Niel bilang sagot halata pa rin sa mga mata ang mga nakakatakot nyang mga tingin at ganun din si Julian.   

"Boys," sabat ko ng hindi inaangat ang tingin sa kanila mula sa libro na binabasa ko. Ramdam na ramdam ko ang kumakapal na tensyon sa pagitan nilang dalawa.  "Just be sure to clean up your mess after you're done alright?" kinapa ko ang ipinatong na tsaa sa mesa bago itinapat sa aking bibig at matiwasay na humigop. 

Hindi sila sumagot pero alam ko na alam na rin nila ang ibig kong sabihin. Sa gilid ng aking paningin nakita ko ang dahan dahang paggalaw ng kamay ni Niel. May kinuha syang isang bagay na nakasabit sa kanyang bewang. Isang baril, tama yun nga. Marahan nya itong ikinasa bago itinapat kay Julian.   

"Are you ready to die?" dead serious na tutok ni Niel sa kanya nito. Ngumisi si Julian. Hindi apektado sa pananakot sa kanya. Hanggang ngayon ay wala pa ring kurap ang titigan nila sa isa't-isa. I give them points for that.   

"You're irritating you know." wika ni Julian 

"Why don't you just fire that gun up. You little coward." 

"I hate your guts." sagot naman ni Niel. Makamandag ang pagkasambit nya nito at kahit sino ay mapapaatras sa takot. 

"I should have done this to you a long time ago. You psycho freak."  

Sa pagkakarinig nito ay ang paglipat ko sa pahina ng libro na binabasa ko. Kinikilig kilig ako at napapangiti na mukhang tanga. Naparomantic kasi nung bidang lalaki dun sa babae. Kung hindi lang nakakahiyang tumili sa kilig ngayon kanina ko pa ginawa! Muli kong itinaas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Aawww, ang sweet naman ng dalawang guy bestfriend ko. I sighed dreamily. Makabalik na nga sa binabasa kong libro

"And now you deserve... to die."   

Ikinalabit ni Niel ang gatilyo ng baril... at lumabas dito... ang malakas na pagpusitsit ng tubig.   

"Oh sh*t." punas ni Julian sa mukha nya. Inamoy amoy pa nya at tinitigan ng mabuti ang tubig na tumama sa kanya 

"Why does it smells odd?"

"You think so?" nakakalokong ngisi ni Niel sabay takbo palayo 

"You must be right because I remember... I added my pee on there from yesterday." 

"Y-you... you put your p-pee in here?!" nanlalaking mga mata ni Julian. Dali dali nyang pinunasan ay mukha nya nya gamit ang damit na suot. Di kalayuan ay si Niel na tawa ng tawa.   

"Of course I'm kidding! You idiot! Uto-uto!umikot ikot si Niel habang tawa pa rin ng tawa na parang baliw dahil sa reaksyon ni Julian.  

"You!" galit na turo ni Julian sa kanya "are going to be so dead!" 

  
Kinuha ni Julian ang malaking baril sa may mesa at nagmadaling hinabol si Niel sa loob ng garden.



"Water gun fight!" sabay nilang sigaw na dalawa bago nagsitakbuhan paikot-ikot na parang mga bata sa paligid ko. Tama kayo sa narinig nyo. Ang baril na kinuha ni Niel sa bewang nya ay walang iba kundi isang water gun na puno ng tubig. Kinabahan ba kayo doon? Ako kasi hindi eh. Manhid na ako sa dalawang yan kaya masanay na rin kayo sa mga kabaliwan na pumapasok sa kokote nila.   

"And this is... war!" muling sigaw ni Julian sabay taas ng baril sa ere. Sunod sunod silang nagpusitsitan ng tubig sa isa't-isa na akala mo ay talagang nasa totoong labanan. Sandaling oras pa lang pero basang basa na sila ng tubig at wala pa ring tigil sa bangayan sa isa't-isa tungkol sa mga bagay bagay na wala namang kabuluhan.   

Malapit na akong matapos sa pagbabasa. Ang totoo nga nyan ay nandoon na ako sa pinakamagandang parte ng libro! Nang bigla na lang napusitsitan ang pahina na binabasa ko na nagdahilan sa pagkabutas nito... may ilang bang tumama sa damit ko, sa paa and worst sa may mukha! Tumayo ako sa kinauupuan ko.   

"Guys!" bigla silang napahinto sa pagkakarinig ng boses ko. Sabay nila akong tiningnan walang kaide-ideya kung ano ang ikinapuputok ng butchi ko. Matapos nilang makita ang basa basa kong damit dahil sa walang ingat nilang pamamaril ng tubig, alam na nila... na patay sila sa akin.   

"Ahm... you know what Niel... I think we better run."

"I really think you're right Julian" mataimtim silang nagsitinginan bago sabay na sumigaw ng...

"Run for our lives!" at nagsitakbuhan palayo sa akin na para bang dito nakadepende ang buhay nila

Narinig ko pa ang hiyawan nilang dalawa sa takot na baka mahuli ko sila. I love each one of my books. They are my babies! Pagkaingat-ingat kong wag silang malukot tapos sa isang walang pag-iingat na water gun fight lang masisira ang pagkaingat-ingatan ko? They are really so so so dead.  

"Wait till I get you both. You ruin my book and now... I will haunt you down." at dahil dun, nasali tuloy ako sa gun fight nila ng wala sa oras.     

Lumipas ang ilan pang mga araw at sa bawat araw na lumipas, ineenjoy na talaga namin ang summer. Minsan lumalabas kami kasama ng mga kaibigan ko pero kadalasan ay nandito lang kami sa loob ng bahay, gumagawa ng mga kababalaghan, kalokohan at kung anu-ano pang mga bagay na maisipan namin tulad na lang ng water gun fight namin nila Julian at Niel noong isang araw. Naaalala ko pa, natapos ang araw na yun na tawa kami ng tawa dahil lahat kami ay mukhang basang sisiw!     

Madalas pumupunta si Jace dito sa bahay after ng work nya. Nanonood kami ng tv kasama ang lahat at walang kapantay na saya yun dahil sa piling nila pakiramdam ko may pamilya ako. Minsan ako naman ang pumupunta sa apartment nya para bumisita at dumalaw. Binigay na kasi ni Jace sa akin ang password ng condo unit nya pati na rin yung card na kailangan kong i-swipe. Sabi ni Jace pumunta lang daw ako dun anytime at yun naman ang ginagawa ko. Ang sarap nga ng feeling kapag nasosorpresa ko sya sa pagpunta doon. Sa tuwing nakikita ko si Jace hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ishinare nya sa akin ang isa sa mga bagay na pinakatago tago nyang sikreto. I feel happy and honored at the same time lalo na ng malaman ko na sa akin nya pa lang pala ito sinasabi at wala ng iba.

Matiwasay naman ang buhay at kahit papaano ay wala namang gulo na nangyayari sa paligid. Masaya ako na ganun dahil sa wakas kahit papaano ay naranasan ko ang mamuhay ng malaya at walang takot kahit sa sandaling panahon lang. Tuloy tuloy pa rin ang mga dinadaluhan naming guess events sa mga nagsisikatang tv channels sa tv at ganun din sa mga radio para sa mga bago naming awitin. Kalalabas nga lang ng album namin na 'Listen To My Song' last week at balita ko sold out na daw ito agad pagkalabas na pagkalabas pa lamang nito sa merkado.     

Everything is good. Everything is fine. Pero alam ko na sa pagbubukas ng Princeton Academy bukas para sa pinakahihintay ng lahat... ay ang marami pang pagsubok at responsibilidad na kailangan kong harapin.      

***

"Serene iha! Bumaba ka na at kakain na ng almusal!" 

"Opo ate Des! Nandyan na! Sandali na lang po!" 

Tumingin ako sa salamin at ngumiti. Suot suot ko na rin sa wakas ang uniform ng school namin na sobra kong namiss. Bawat isang estudyante ay binibigyan ng jersey jacket na may tatak ng school logo at initial na P.A para sa Princeton Academy. Kulay royal blue at puti ang manggas para sa babae at royal blue at itim na manggas naman para sa lalaki. Ito ang suot ko ngayon imbes na yung school blazer na madalas naming isuot. Ito kasi ang kadalasang isinusuot tuwing pasukan. 

May biglang kumatok sa pintuan ko. 

"Ate master kain na daw tayo!"

"Labas na po dali!" si Nyree at Kelly sigurado ako. 

"Oo sige sige malapit na talaga ako. Mauna na kayo sa baba!" 

May kinuha akong ribbon na clip malapit sa may mesa ko. Kulay itim sya at marahan kong iclinip ang mahaba kong bangs na dati ay madalas ko lang na inilulugay kaya lagi nitong natatakpan ang mukha ko. There's no point of hiding now. Hindi na ako takot at mas lalong hindi na ako tatakbo. And this will be the start... of a new me. 

Inilalapag ko na ang suklay sa may mesa ng may bigla na lang akong mapansin. Sa may bintana, sa likod ng mga kurtina, may napakabilis na paggalaw. Tahimik akong nagmatyag, nag-iingat na hindi gumawa ng kahit anong ingay para marinig ko kung saan ito nanggaling. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ako nag-iisa, may nagmamatyag sa akin na hindi ko nakikita. Ilang sandali pa ang lumipas at nang mapasulyap ako sandali sa may salamin na nasa harapan ko, nakita ko ang repleksyon nya --mukha ng isang pamilyar na kalaban-- pinaputakan nya ako ng baril na agad ko namang naiwasan. Tumalon ako palayo sa harap ng salamin na ngayon ay basag na. Sunod sunod pa ang putok ng baril na pinakawalan nya. Ang higit na nakapagtataka ay kung bakit ni isang tunog ay wala kang maririnig sa bawat pagputok ng baril. Doon ko lang napagtanto na gumagamit sya ng silencer sa baril nya.

Nagpadausdos ako sa makintab at madulas na sahig ng kwarto ko diretso sa ilalim ng kama. Buti na lang girls scout ako at laging nagtatago ng baril dito just in case na may mangyaring ganito. Naglagay din ako ng silencer tulad ng sa kanya para walang gaanong ingay na mangyari. Mabilis kong ikinasa ang hawak na baril at ng may marinig na napakabilis na 'whoosh!' malapit sa aking tenga. Walang anu't-ano ay nagpagulong ako palabas ng kama at inasinta rin sya sa pagkalabit ko ng gatilyo. 

Naiwasan nya ito at nagtago sa likod ng pader sa may bintana. Pagkatapos ay mabilis syang nagpaputok pabalik. Nailagan ko ito at napasomersault bago napaluhod at agad din syang ginantihan ng putok. Kung ibang tao lang siguro ako kanina pa ako tapos ng hindi ko nalalaman dahil sa bilis at galing ng kalaban ko pagdating sa paghawak ng baril. Animo'y laruan na lamang ang turing nya sa baril na hawak at pinaikot ikot pa nya itong nilaro sa hintuturo nya. Sumugod sya sa akin mula sa pinagtataguang pader bago ako muling pinaputukan ng baril. Napangisi ako. Sa galaw nya at sa ugali pagdating sa pakikipaglaban, kilala ko na sya. 

Muli akong napatalon palayo. Sa mabilis kong paggalaw hindi man lang nya napansin na nasa tabi na nya ako. Sinipa ko ng napakalakas ang kamay nya na may hawak na baril kaya nabitawan nya ito. Nasaktan man ay mabilis syang lumayo sa akin bago hinatak ang dalawa pang maliit na baril na nakasabit sa hita nya. Sabay nya itong itinutok sa akin. 

"Blow," usal ko sa pangalan nya. Sabay nyang pinaputok ang hawak na baril kaya mabilis akong napahawak sa sahig at napasirko sa kabilang gilid. Ang layo ng kinatatayuan nya ngunit sapul ang dalawang picture frame ko na nakasabit sa pader. Lahat ito ay butas ang salamin, diretso sa may ulo ko sa larawan na nakasabit. Kung nandito si Blow. Nasaan ang kakambal nya?

"You," muling tutok nya sa akin ng baril. Meron sa asul nyang mga mata na bigla akong nanlamig. Mga mata na puno ng galit. "ruin everything... from me."

Taliwas sa galit na nararamdaman, may pumatak na luha sa kanyang mga mata. Isang mahika lamang ba yun? O nilalaro lamang ako ng isipan ko? Mabilis kasi itong nawala, parang hindi nangyari, parang hindi totoo. Na ang isa sa kilalang pinakamatapang na babae na kilala ko ay luluha ng ganun. 

Muli pa sana nya akong papuputukan ng baril ng bigla na lamang bumukas ng napakalakas ang pinto. Si Julian at ang iba ko pang mga kasama na gulat na gulat matapos makita si Blow sa loob ng kwarto ko. 

Kinuha ni Julian ang baril na nasa sahig at mabilis na itinutok sa kanya. Alam ni Blow na sa laban na ito sya ang talo dahil bukod sa dami namin, si Julian ang kaharap nya-- ang pinakamagaling sa paghawak ng baril bukod sa kanilang dalawang magkapatid. Isang putok lamang, alam nyang wala syang kawala. Walang emosyon nyang binitawan ang baril sa sahig. Maingay itong nagpatalbog talbog bago tahimik na humimlay pero ang tingin nya sa akin ay hindi pa rin nagbabago. 

Tumakbo sya papunta sa may bintana na agad ko namang sinundan. Bago pa man tumalon ay muli syang lumingon sa akin. 

"You and Pietr... will going to pay." ang huli nyang sambit bago tumalon palabas ng bintana at hinabol ng iba ko pang mga kasama. 

Ang BlowGun twins na sikat na sharp shooter princesses ng "Ace Gang" ay hindi naghihiwalay kahit kailan. The fact na si Blow lang ang nakalaban ko at wala ang kakambal nya sa tabi nya... that worries me the most. Something happened to them. Something big and dangerous. 

♥♥♥

Author's Note: 

Ok so I lied. Ang pagbubukas ng Princeton Academy ay sa susunod pang chapter xD Nagkamali ako ng kalkulasyon kaya pasensya na sa naghintay. Peace tayo! Pero I hope nakabawi ako sa chapter na 'to kahit papaano :) I hope Listeners you do like it ^___^ 

Important Note:

At gusto ko pa lang pagsalamat sa kaibigan ko na nagreport ng plagiarism ng 'Listen To My Song' kaya ngayon wala ng problema. Kung sino ka man kaibigan MARAMING MARAMING SALAMAT sa pagrereport mo!

I hope mapa-Listeners man o iba pang readers ng ibang story eh wag matakot na magreport ng plagiarism kung may mapansin man kayo. It will really be a big help. Promise <3

And once again, thank you Listeners for reading Jace and Serene's story

I Love You All! 

-G.Jade

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 95.9K 15
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
56.4M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
274K 17.2K 38
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...