A Rose between Two Thorns (Ed...

By unlichaaaa

5.3M 55.5K 4.8K

(AIRED ON TV5: WATTPAD PRESENTS- Nov. 9, 2015) Isang amazonang out of this world kung magsalita na si Elle Go... More

PROLOGUE
Chapter 1- F5
Chapter 2- Deal
Chapter 3- Ask
Chapter 4- Seatmates
Chapter 5- Schedule
Chapter 6- Dedication
Chapter 7- Neneg B
Chapter 8- Damoves
Chapter 9- Pahirapan
Chapter 10- Unexpected Realization
Chapter 11- Snob
Chapter 12- Unforgettable Activities
Chapter 13- Madramang Ethan
Chapter 14- GINAGAWA kasi yan
Chapter 15- About the Past
Chapter 16- Best feeling ever
Chapter 17- A day with him
Chapter 18- Fake Relationship
Chapter 19- Who is who?
Chapter 20- Vanilla and Lemon
Chapter 21- INIS Operation
Chapter 22- Day 1
Chapter 23- Day 2
Chapter 24- Day 3
Chapter 25- Day 4
Chapter 26- Day 5
Chapter 27- It's Official
Chapter 28- Our angel
Chapter 29- Elle's Birthday
Chapter 30- 100th day
Chapter 31- Dinner Date
Chapter 32- WORLD WAR III begins
Chapter 33- Cancelled
Chapter 34- Party
Chapter 35- Hurt
Chapter 36- Leaving
Chapter 37- Terror VS Bitch
Chapter 38- Prove it
Chapter 39- Revelations
Chapter 40- My destiny
Chapter 41- Enchanting day
Chapter 42- Friendly date?
Chapter 43- His tears
Author's note
Chapter 44- Sign
Chapter 45- Revealations
Chapter 46- Dreams
Chapter 47- Surprise
Chapter 48- Pretend
Chapter 49- Wishes
EPILOGUE
Special Chapter- Under the Mistletoe
Special Chapter- ChaCha
Special Chapter- Crowned Heart
ETERNALLY YOURS

FINAL CHAPTER

78.3K 960 298
By unlichaaaa

WATCH THE STORY TRAILER ABOVE

-------------

Ethan's POV

Have you ever liked someone with all your heart? Your head and mind are full of that person. If she smiles, you smile, and when she cries, you get teary. Just being by her side makes your life feel complete and you feel safe...

I thought our love was perfect..

It seems that destiny always finds a way to tear us apart...

Dati, ang lagi naming iniisip ay 'there's always a rainbow after the rain' pero kahit minsan hindi nasagi sa isip namin na 'there is always a tendency to rain again after the rainbow'...

Minsan na akong naniwala na meron talagang fairytale...

Pero pinaasa lang ako nito..

Totoo pala talaga na ang 'happily ever after' ay sa fairytale lang meron...

Hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay merong happily ever after ang bawat storya...

Totoo din ang promises are made to be broken...

Bakit ko nasabi?

Tried, proven and tested ko na...

May isang tao kasing nangako sakin na hindi niya ako iiwan pero hindi niya ito tinupad...

Iniwan niya akong nag-iisa at umaasa na babalik pa siya..

Umaasa akong babalik siya kahit alam ko naman sa sarili ko na kahit anong gawing iyak at dasal ko ay hindi na siya babalik...

Sampal sakin yun kasi malabong malabo ng mangyari...

Andito ako ngayon sa lugar kung saan kami naglagay ng love locks at kung saan namin sinaboy ang abo ng pinakamamahal kong babae.

7th death anniversary niya ngayon pero hanggang ngayon hindi ko padin matanggap ang lahat ng nangyari...

Na sa isang iglap lang...

Nawala na ang babaeng minamahal ko...

Pumikit ako saglit at nakita ko siya na nakatayo malayo sakin...

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin...

Didilat pa ba ako o mananatili nalang akong nakapikit at inaalala siya...

Tumakbo ako papalapit kung nasan siya at agad siyang hinawakan sa kanyang kamay pero inalis niya ito...

Masakit... Dahil kahit sa ilusyon ko ay iniiwan niya ako...

"Elle." Tumingin siya sakin. Sa loob ng 7 na taon, ngayon ko lang ulit nakita ang maamo niyang muka.

"Come with me. Still, take my hand please." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Umaasang kukunin niya ito at sasama siya sakin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gusto kong manatili nalang akong ganito kahit alam kong ilusyon lang itong lahat.

At least, kahit sa ilusyon man lang ay makasama ko ulit siya...

Nakatingin lang siya sa kamay ko. Tila nagiisip siya kung tatanggapin niya ba ito hangga't sa may tumulong luha sa kamay ko na galing sa kanya. Hanggang sa ilusyon ba naman ay napapaiyak ko padin siya? Nasasaktan padin siya?

Hinawakan niya ito gamit ang kanyang dalawang kamay pero kakaiba. Yung hawak na nagpapaalam. Yung hawak na tinatanggihan. Yung hawak na binabalik niya ito sakin.

"Masyado nang malayo ang narating natin, Ethan. Wag na tayong lumayo pa lalo." At dahan dahan niyang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sakin.

"Bye." Tumalikod na siya at naglakad palayo sakin. Naiwan akong mag-isa at nakatulala. Kahit alam kong hindi totoo ito.. Bakit ang sakit? Bakit hanggang dito iniiwan niya ako?

Dumilat na ako at pinunasan ang mga luhang tumulo galing sakin...

"Elle, kung asan ka man ngayon.. Sana masaya ka diyan. Sana ako padin ang mahal mo kasi ako..."

"Mahal na mahal padin kita." Napaluhod ako sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Sa bawat araw na lumipas, walang oras o minuto ko siyang hindi iniisip. Kahit saan ako magpunta, siya ang naaalala ko. Kahit saan ako magpunta may naalala at naalala padin ako na may memory sa kanya. She's my world right?

"Sabi mo matutulog ka lang pero.. bakit?"

"Bakit mo ako iniwan?"

Hanggang ngayon mahina padin ako pagdating kay Elle...

"Natatandaan mo ba nung mga bata pa? we fell in love, like each other, cried, ran away, knelt down, and turned our backs at each other countless of times pero nung bata padin tayo, we ran into each other's arms, held each other's hands, and held tightly against each other." Napangiti nalang ako habang inaalala ko yung mga nangyari dati. Yung mga masasaya at malulungkot na nangyari samin.

Hindi ko na kaya. Hinakbang ko na ang isa kong paa paakyat sa tulay. Tatapusin ko na tong paghihirap ko nato. Gusto na kitang makasama. Hindi ko na hahayang paghiwalayin pa tayo. Lalaban tayong dalawa diba? Hinatyin mo ako, magkakasama na ulit tayo. Wala ng makakapaghiwalay pa ulit sa ating dalawa.

The first love helps one grow up, and the last love completes the person.

"Hindi ka na maghihintay pa ng matagal." Tumingin ako sa mga ulap. Alam kong pinapanood niya ako ngayon.

"Hintayin mo ako Elle. Parating na ako." Hindi ka na maiinip pa.

"Magkakasama na ulit tayo." At hinding hindi na ulit tayo maghihiwalay.

"I miss you and our memories."

"I love you."

Dito nagsasara ang libro namin. Wala ng susunod na chapter. Wala ng happy ending. Wala ng happily ever after...

She is my last love and she is the one who completes me.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"DADDY! DADDY!"

"Daddy! Gising na!" Nagising ako dahil sa sweet na boses ni Ircy pero nakapikit padin ako.

"DADDY!!!!!!"

"Eto na anak! Eto na!" Bigla akong napatayo sa sigaw ni Ice

"Daddy naman, ang hirap hirap mong gisingin. Yari ka kay mommy." Nag-sign pa si Ice ng parang 'lagot'. Mama's boy kasi tong si Ice. Si Ircy naman, daddy's girl syempre.

"Daddy, mommy says that she will kick you to Mars." Nagpout pa si Ircy

"ETHAAAAAAAAAAAAAAN!" Patay!

"Andiyan na." Sigaw ko at binuhat ko yung kambal sa magkabila kong braso

"Elle? Bakit?" Sabi ko sabay ngiti ng malapad

"Bakit ang tagal tagal mo gumising? Pinapatay mo nanaman ako sa panaginip mo!" Kinagat niya yung tenga ko at nginitian ko lang siya ng nakakaloko

"Mommy, let's go na. We're late already." Sabi ni Ice habang nakayakap kay Elle

Alam niyo, minsan nagseselos ako kay Ice kasi nakakayakap siya basta basta kay Elle tsaka nakakahalik siya basta basta. E ako? Kailangan munang paghirapan! Buhay naman oh! Tsk! -____-

Pero...

Nagtataka ba kayo kung ano ang nangyari kay Elle? Naguguluhan? O ano man.

Eto na! Magkwe-kwento na! Alam kong gulong-gulo na kayo.

>>Flashback<<

Lumabas ang doctor sa ICU na nakayuko...

Iba ang pakiramdam ko...

Parang ayaw ko ng malaman ang resulta...

"Sorry.." Pinat ng doctor ang balikat ko at naglakad sakin papalayo.

Gaya ng sabi ni Elle, ayaw niyang nakikita akong umiiyak at nasasaktan para sa kanya pero hindi ko talaga kayang gawin yun.

Ang buong mundo ko ay bumaksak...

Nasa isang sulok lang ako habang umiiyak...

Namanhid ang buong katawan ko...

Hindi ako makagalaw...

She is my greatest hello...

And...

My hardest goodbye...

"Doc! Doc! Nagka-heartbeat ang pasyente." Napalingon ako sa nurse na tumatawag dun sa doctor at biglang tumakbo pabalik sa ICU yung doctor.

Hindi ko alam kung panaginip...

Ilusyon..

Nagha-hallucinate ako...

Na-dejavu ako..

Or totoo yung narinig ko...

>>End of Flashback<<

Ang sabi ng doctor, isang miracle ang nangyari kay Elle. Impossible na daw kasing mabuhay ang taong nawalan na ng heartbeat. Pumunta kami ng America ni Elle for 2 years para doon siya ipagamot. Mas hightech daw kasi ang mga gamit dun sa America.

Ang kwento sakin ni Elle, kaya daw siya nagising kasi natandaan niya na may utang pa daw ako sa kanyang 8 pesos nung nag-jeep kami. -_____-

De joke lang siyempre! ^___^

Lumaban daw siya dahil nag-flashback daw yung mga nangyari samin. May nakikita na nga daw siya liwanag nun kaso bigla niya daw ako narinig at sinasabing "Wag mo akong iiwan ha?" tapos sumagot naman daw siya ng "Oo, promise." Kaya ayun, magkasama padin kami ngayon at hindi hindi na kami maghihiwalay. Kung pwede nga, lagyan ko nalang ng mightybond yung katawan namin para siguradong hindi na kami maghihiwalay e. KUNG PWEDE LANG TALAGA! =_____=

Ngayon, meron na kaming kambal. Isang babae, isang lalaki. Palagi padin kaming nag-aaway ng walang dahilan (May bago pa ba dun? XD) pero nagkakabati din agad agad. ^___^

Si Elle? Wala pading pinag-bago... Maganda, maa-alalahanin, mapag-mahal, sweet, BRUTAL, OUT OF THIS WORLD KUNG MAGSALITA, MALDITA, MATARAY, SUPLADA pero sa kabila nun mahal na mahal ko padin siya, WALANG PINAGBAGO AT HINDI NA MAGBABAGO.

"Hoy Ethan! Dalian mo! Yung bag ng mga bata, ibaba mo na. Mala-late na sila."

"Ay! Oo nga pala!" Lumabas ako ng kotse at ibinaba yung bag ng kambal sa compartment tapos nagkiss na sila sakin at nagba-bye.

"Elle." Humarap ako sa kanya at ngumuso.

"Ano?" Inosenteng tanong niya tapos tinuro turo ko yung lips ko.

"Kiss kiss ko yang nguso mo sa manibela. Gusto mo?" Pinanlakihan niya ako nga mata

"Joke lang naman." Tumawa siya ng mahina at niyakap ako. Ang hirap ng posisyon namin no? Nagmamaneho ako habang nakayakap siya sakin.

Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa...

Sumagi sa isipan ko ang isang katanungan...

"Bakit kaya hindi ka pa kinuha ni God?" Nanlaki yung mata niya. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Anong sabi mo?!" Galit na tanong niya

"I mean, ano kayang rason niya? Bakit hindi ka niya kinuha. Dumating na kasi sa point na wala ka na talagang buhay noon." Tumango tango naman siya at nag-isip.

Kakaiba siya mag-isip. Kung yung iba tinuturo yung ulo, siya naman tinuturo yung pisnge. Hay! Kakaiba talaga.

"Siguro kasi hindi pa tapos yung love story natin. Gusto niya pa tayo maging masaya. Gusto niya pa tayo magsama at i-prove sa buong mundo na ang happy endings ay nageexist din sa reality." Nginitian niya ako at tumingin ako sa malayo. Kinikilig ako e. :P

"Ethan, tignan mo nga. Maganda ba ako? Naka-make up ako e." Lumingon ako sandali sa kanya

"Bakit ka naka-make up?" Iritang tanong ko

"Nagpapaganda na nga ako sayo, ikaw pa galit?." Tinaasan niya ako ng kilay

"Di mo na kailangan magpaganda kasi kahit may konting fats ka na, ikaw padin ang pinaka-magandang babae para sakin." Kinurot ko yung mga taba taba niya sa braso

"Hoy! Ang ka----" Wooh! Saved by the bell

*Heavily broken and I don't know what to do*

"Oh bakit?" Ganyan talaga siya makipag-usap. Hindi uso ang 'hello'.

"ASAN NA BA KAYO?!" Naka-loudspeaker kaya naririnig ko. Si Charmaine pa nga yung kausap niya e.

"Malapit na! Atat?" Sagot ni Elle

"Dalian niyo! Aagawin ko pa si Ethan sayo." Sinamaan ako ng tingin ni Elle

"Hi Charmaine!" Sigaw ko at tumawa naman yung barkada sa kabilang linya

"Dalian niyo na! Kayo nalang hinihintay."

"OO NA!" Sigaw ni Elle

"Bye! Love you." Sabi ni Charmaine

"Babush! Love you too." Dati, magkaaway sila pero ngayon BEST FRIENDS na sila.

Elle's POV

Andito kami ngayon sa bahay nila Blaze or should I say... BAGONG BAHAY nila Blaze at Isabelle. May house blessing kasi ngayon kaya pinapunta nila kami dito. Reunion nadin ng barkada, matagal tagal nadin kasi kami hindi nagkakasama-sama dahil sa work at family.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ni Rachel

"Hinatid pa kasi namin sila Ice. Magpakasal na kasi kayo para may hinahatid nadin kayo." Tukso ko sa kanila at inirapan lang ako ni Rachel. Sila yung unang naging mag-on saming lahat tapos ngayon hindi pa sila kasal.

"Hi, bestfriend." Lumapit sakin si Blaze at akmang makikipag-apir

"Hi, P.A" Nakipag-apir ako sa kanya then I smirked

"Hay grabe! Wala ka pading pinagbago. Wait! Lumala ka pa ata." Tumawa lang ako at hinablot yung bonnet niya tapos sinuot ko. Naka-bonnet padin siya hanggang ngayon, namamaho na talaga siguro yung ulo neto.

"Yung bonnet ko!!!!" Tumakbo ako papunta sa likod ni Ethan

"Hoy! Hoy!" Pagbabawal ni Ethan kay Blaze. Kumamot nalang ng ulo si Blaze at sinamaan ko ng tingin tapos umalis na.

"Ang ligalig mo." Blah blah! Wala akong naririnig. Sermon nanaman. -____-

"Hayaan mo na! Minsan lang naman! Sipain kita papuntang Mars." Pinakita ko sa kanya yung kamao ko.

"Tch." Yan nalang ang sinabi niya. Hindi ko ba nasasabi sa inyo na wala padin siyang pinagbago.. Well, tipid padin siya magsalita. Yung tipong parang 1,000,000 pesos yung ibabayad niya kada word kapag nagsalita siya.

Pero...

Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila sa garden ng bahay nila Blaze at umupo ako sa swing habang tinutulak niya ito.

"Anong gagawin natin dito?" Imbis na sagutin niya ako..

Ganto ang sinabi niya...

"Ang dami nating pinag-daanan. Nagpapasalamat ako kasi sa lahat ng pagsubok na dinaanan natin, ni isa sa ating dalawa ay walang bumitaw."

"Minsan may pakiramdam na ayaw na natin. Na napapagod na tayo. Na nahihirapan na tayo. Na gusto na nating bumitaw pero at the end of our story tayo padin ang nagkatuluyan." Nakangiti lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Ethan..

"Hindi man laging masaya ang love story natin, nagtapos naman ito sa 'and they live happily ever after'." Tumawa ako ng mahina.

"Eto nanaman sila! Nagso-solo!" Sigaw ni Michelle

"Storbo talaga kayo." Singhal ni Ethan sa kanila

"Kakain na po kasi tayo!" Binelatan lang ni Michelle si Ethan.

Naglatag na ng banig sila Dylan sa may garden para dun kumain. Picnik lang ang peg nila. Yung mga babae naman, nilagay na yung mga pagkain sa banig at umupo na dun. Hinawakan ni Ethan ang kamay ko at sabay kaming umupo sa may banig.

Ang sarap makita na lahat kami ay magkakasama sa pagkakataong ito. Kumakain ng sabay sabay, nagbibiruan, nagtatawanan at nagmamahalan.

Maraming nangyari sa pagkakaibigan na ito. Kung hindi dahil sa kanila, hindi makukumpleto ang buhay ko. Madaming pagsubok ang dumaan sa aming magkakaibigan pero dahil dito kaya naging matatag ang pagsasamahan naming lahat.

Maraming beses kaming nadapa, pero hindi kami sumuko. Alam kasi namin na isa lang yung pagsubok na binigay ni God. Hindi niya naman ibibigay yun kung alam niyang hindi mo kaya. Hindi kami sumusuko kasi andito kami para sa isa't isa para magdamayan at magtulungan.

Sa huli, lahat kami ay naging masaya. May kanya kanya na kaming buhay at may kanya kanyang pamilya pero kahit ganun hindi padin namin nakakalimutan ang isa't isa dahil dati kami din ang magkakapamilya.

"Guys, pwedeng group hug?" Sigaw ko sa kanila

"GROUP HUUUUUUG!" Lumapit sila sakin at inayakap ako.

Maswerte padin pala ako kasi binigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na makasama silang lahat...

Maswerte din ako dahil nakilala ko sila...

Lalong lalo na si Ethan...

"Tama na to! May nangangamoy!" Sigaw ni Chase. Panira ng friendship moment.

Pero oonga!

*sniff sniff*

PRUUUUUUUUUUUUT!

Pfft! Yung tunog parang galing kay Xavier. Lahat kami napatingin sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

"Ahh--ehh! Kainis naman! Tama na nga yung drama! Nasusuka ako." Pagsesegway niya.

"Mabaho kasi kaya nasusuka ka." Hinagisan siya ng paper plate ni Ethan

"Bobo! Hindi!" Sagot ni Xavier

"E ano? Buntis ka?" Pangaasar ni Ethan

"Heh! Ayaw ko lang ng madrama! Iba kasi yung aura, parang mamatay na si Elle. Ikaw naman! Parequest request ka pa ng group hug, bakit? Iiwan mo nanaman ba-- aw!" Di niya natuloy yung sinasabi niya kasi binatukan si ni Ethan. Segway talaga tong siya Xavier kahit walang ka-connect connect yung mga sinasabi niya.

"Hindi na tayo iiwan ni Elle. Segway ka pa diyan, dinamay mo pa si Elle." Tumawa nalang kaming lahat at lumafang na ulit nung nawala na yung pasabog ni Xavier. ^___^V

Tinignan ko si Ethan...

Ang dami naming pinagdaanan...

Madaming luha ang binuhos namin...

Ang daming panahon ang nasayang...

Akala ko dati hindi totoo ang destiny...

Ang dami kasing hadlang na nangyari sa aming dalawa...

May nasaktan, may nanloko, may pinagpustahan at may muntik ng mamatay...

Pero sa kabila ng lahat...

Andito ako ngayon...

Katabi ang kaisa-isang tao na nakatadhana sa akin...

Ang isang masungit at snob na Ethan Hernandez...

And I chose the right person...

Magiging masaya kami, ngayon and forever...

We proved to the world that happy endings do exist in reality too...

Basta magtiwala.. Kumapit at magmahal ka lang....

"Hey, Mr. No one dares to mess up with me." Nakangiting sabi ko.

"Hmmm?" Lumingon siya sakin

"I love you."

Ngumiti siya at hinawakan yung kamay ko...

"I love you too.. Hindi na magbabago yan..."

And they lived happily FOREVER! <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 5K 9
Their game is already over. Now It's their turn to take over. Never ending LIES and CHALLENGES will test even the new generation. Just remember the...
1.5M 9K 11
What Gwen wants, Gwen gets. Iyan lamang ang simpleng rule ng buhay ng 17-year-old na si Gwen Guinto. She is your typical bad girl who breaks hearts o...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
62K 2.1K 29
"Kapag bali-baliktarin mo ang mga letra ng salitang TRIED ay mabubuo mo rin ang salitang TIRED dahil minsan, sa kasusubok ay mapapagod ka rin."