TOUCH ME AGAIN

Por makiwander

13.8M 302K 33.1K

He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite... Más

Prologo
Simula
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Is this Goodbye?
Prologo II
Part 2.1
Part 2.2
Part 2.3
Part 2.4
Part 2.5
Part 2.6
Part 2.7
Part 2.8
Part 2.9
Part 2.10
Epilogue

Kabanata 3

329K 7.7K 530
Por makiwander


Everything Happens for A Reason.


"Pahingi ng pera. Rae. Bangon, pahingi ng pera." Pupungas pungas pa ako at nabungaran ko agad si Nanay na amoy alak.

"Nay, maaga pa. Bibili na naman kayong alak? Pababain nyo na muna yan sa sikmura nyo." Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagsipa ni Nanay sa kama ko.

"Nagrereklamo ka na? Pasalamat ka kinupkop kita nung nakulong ang Tatay mo. Anong pinagmamalaki mo ha?"

"Wala po. Sabi ko nga po Thank you at kayo ang naging madrasta ko." Padabog kong sabi bago tinungo ang bag ko at inabutan sya ng isang daan.

"Kulang to. Tinitipid mo na ako ngayon?"

"Wala pa po ang sweldo. Pamasahe na lang ang natira sa akin."

"Wala ka talagang kwenta." Iiling iling na sabi ni Nanay at lumabas na ng bahay. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko litrato ng pamilya ko sa ilalim ng unan ko. Maganda ang ngiti naming tatlo, si Mama, si Papa at ako. Kuha iyon nung huling bagong taon naming magkakasama, dahil nung taong din yon, binawian ng buhay si Mama dahil sa cancer.

Ilang buwan kong dinibdib iyon, hanggang sa inuwi ni Papa si Elena sa bahay. Sya na ang kinilala kong Nanay mula noon, pero di din nagtagal, pinagbintangan si Papa na nagkalat ng information doon ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nya doon sa kalaban nitong kumpanya. Alam kong hindi magagawa ni Papa yon dahil mabuti syang tao, narating nya ang pagiging supervisor ng pabrika sa sariling sikap nya.

"Papa! Wag nyo po akong iiwan!" Umiiyak na sigaw ko ng ilayo na sya sa akin ng mga pulis.

"Papa!" Ulit ko.

"Rae, anak... Babalik din ang Papa, mapapatunayan din na wala akong kasalanan. Lagi mong ipapanalangin---"

"Halika na." Hinila na sya muli ng pulis papalayo sa akin.

"Sir!" Tawag ko sa naka-Amerikanang nang-usig sa Papa ko. Nakakatakot ang mga mata nya pero hindi ako nagpadala sa takot kahit sampung taong gulang pa lang ako.

"Sir, wag nyo na po ipakulong si Papa. Sir.. Please po.. Wala na po akong Papa."

"I am sorry Hija, but justice must be served. Bawat pagkakamali ay may kapalit na kabayaran." Sabi sa akin ni Attorney Hades Montemayor.

"Bawat pagkakamali ay may kapalit na kabayaran.." Pinalis ko ang luha ko sa pag-uulit ng salitang iyon. Limang taon pagkatapos na makulong ni Papa, namatay sya dahil sa Tuberculosis, pagkalipas ng isang taon pagkatapos non, binawi ng kumpanya ni Papa ang kaso sa iilang mga tao na nasangkot kasama na ang Papa ko. Dapat ay malaya sya.

Pero dahil sa isang pagkakamali...

Kring..

Ilang segundo kong tiningnan ang mumurahing cellphone ko na nagriring, tumatawag sa akin si Deuce.

"Hello.." Pinilit kong pasayahin ang boses ko na kagagaling lang sa iyak.

"Hello Baby... Kamusta ang gising mo?" Malambing nyang tanong.

"Maganda. Boses mo agad ang narinig ko eh." Pagbibiro ko.

He chuckled like a teenager, kinikilig na naman sya kahit alam nya namang binobola ko lang sya.

"Ginising ba kita? Sorry ha. I just missed you. Anong oras ang out mo sa trabaho? Susunduin kita."

Tiningnan ko ang kalendaryo. Oo nga pala at hindi na pala ako sa school papasok ngayon. Nakakapanibago pa din kapag puro trabaho naman ang aatupagin ko.

"7PM pa, pero ayokong aabsent ka sa klase mo dahil lang susunduin mo ako. Aantayin na lang kita hangga't hindi ka pa tapos. Pagkatapos ay magrereview tayo ng lessons mo."

"Yes Ma'am. Nasa restaurant na ako ng 7:30, 6:30 ng huling klase ko, medyo mata-traffic lang ako at dahil ayaw mo akong pabilihin ng eroplano, mag-iintay ka." Pagbibiro nya pa.

Sa isang restaurant ako pumapasok ngayon bilang waitress, kaibigan ni Deuce ang mayari kaya maganda ang pagtrato sa akin. Bilang ganti, tinutulungan ko din si Deuce sa pag-aaral nya.

"Kailan ba kita hindi hinintay. O sige na, mag-aasikaso na ako, magkita na lang tayo mamaya at magfocus ka sa klase mo." Natatawang bilin ko.

"Bye Baby, I love you.." He whispered.

"I love you too.."

----

"Bro, Valk tayo ngayon, Friday naman." Tiningnan ko lang si Oswald mula sa binabasa kong libro.

"Pass muna ako Oz, susunduin ko ang girlfriend ko mamaya."

"Ayun naman pala, alak versus sexy time? Sexy time!" Kantyaw naman sa akin ni Rodrigo.

"Gago hindi." Sabi ko na lang sabay balik ng tingin sa librong binabasa ko. Kaya kong mag-intay, alam kong hindi priyoridad ni Raeven ang maagang magkapamilya, isa pa ayoko syang biguin sa mga pangarap nya, at pangarap nya para sa akin; hangga't hindi pa sya handa, mag-iintay ako.

Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas na ang Professor namin sa huling klase ko. Laging ganito ang pakiramdam sa bawat pagtatapos ng araw, dahil alam kong makikita ko na naman sya, mayayakap at mahahalikan.

Tinulungan ko syang makapasok sa restaurant ni Ate Atasha, ang bestfriend ni Ate Unah, buti at mayroong bakante, maari din daw ituloy ni Raeven ang pagtatrabaho nya doon kapag natapos babalik na syang muli sa pag-aaral. Ilang beses ko nga syang inalok na pag-aaralin ko nalang, kahit mula sa allowance ko ay mococover ko naman ang tuition nya pero ayaw nya, gusto daw nyang magsikap ng husto. Dahil doon proud na proud ako sa girlfriend ko.

Nagpark ako sa tapat ng restaurant ni Ate Atasha, napangiti ako ng makita ko ang mukha ni Raeven na masayang nagsisilbi sa isang customer pero napasimangot ako ng lapitan sya ng lalakeng manager nila. Nagtatawanan silang nag-uusap at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkairita.

Puta, hinawakan ang siko nya?

Nagmadali akong bumaba ng sasakyan saktong pagbukas ko ng pinto ng restaurant ay sya namang paglabas ni Raeven mula doon.

"Deuce, kanina ka pa? Hindi ba traffic?" Nakangiting tanong na.

Umiling lang ako, humalik sya sa pisngi ko pero hindi ko sya pinansin.

Pinagbuksan ko lang sya ng pinto pagkatapos ay nanatili ang katahimikan sa amin.

"Babe? May problema ba?" Malambing nyang tanong sa akin. Hindi pa din ako kumibo.

"Babe.." Hinaplos nya ang braso ko.

"Babe." Ulit nya at pabirong kinurot ang tagiliran ko.

"Ano ba Raeven!" Hindi ko naiwasang masigawan sya. Agad naman akong nagsisi dahil nakita ko ang pag-uulap ng mata nya. Put*ngina para palang hinihiwa ang puso kapag nakikita mong umiiyak ang mahal mo.

"T-tinatanong ka lang eh." Parang bata nyang sabi. Lumabi pa sya. Hindi ko alam kung mauuna ba akong patahanin sya o kurutin ang pisngi nya dahil ang cute cute nyang umiyak. Namumula ang ilong at pisngi nya, nagdidikit dikit pa ang mahaba nyang pilikmata.

"M-mainit lang ang ulo ko." Mahinahon kong sabi.

"Mainit ang ulo mo tapos sa akin ka galit." Buong pagtatampong sabi nya.

"Baby, hindi ako galit sayo." Sambit ko, pero mukhang huli na, tinuon na lang nya ang mata nya sa labas ng bintana at tahimik na humikbi.

--

Nakarating kami sa condo unit ni Deuce, hindi naman sya dito natutulog, umuuwi pa din sya sa Daddy nya gaya ng sabi ko para maayos pa din ang tunguhan nila kahit papaano, pero nagrenta sya ng maliit na condo unit para sa aming dalawa, tuwing nag-aaral sya.

Ako ang nagdisenyo nito, ginawa ko itong masaya at madaming kulay, pero ngayon parang black and white. Hindi pa din ako makapaniwala na bigla na lang akong sinigawan ni Deuce kanina. Dalawang buwan palang kami pero sinisigaw sigawan na nya ako.

"Baby." Untag sa akin ni Deuce. "Gutom ba ang Baby ko?" Tanong nya ng buong paglalambing.

Hindi ako kumibo. Manigas sya dyan.

"Baby... Sorry na si Deuce. Sorry na talaga Baby."

Pinalis ko muli ang luhang pumatak sa akin "Wag mo akong kakausapin, mainit ang ulo ko."

"Baby naman, papalamigin ko yan. Wag ka na kasing magalit sa akin. My fault. Nagsisisi na ako agad. Bati mo na ako." Pagsusumamo nya pa habang inaalayayan nya akong umupo sa kanyang sofa.

"Aray!" Reklamo nya ng hinampas ko sya ng malakas sa braso dahil sa sobrang inis ko.

"Bakit mo ako sinasaktan? That's Domestic Violence, Baby."

"Wag mo akong gagamit gamitan ng mga kasong minememorya mo ha. Galit ako sayo!"

Nanlaki ang mata ko ng biglang lumuhod sya sa harapan ko "Baby, sorry na. Patawarin mo na ako, nagselos lang ako sa manager mo—"

"Kanino?" Pagpuputol ko sa kanyang sinabi.

"Sa Manager mo.." Bulong nya pa na parang nahihiya.

"Kay James?"


"Kita mo na, first name basis lang kayo." Dismayadong sabi nya pagkatapos ay umupo na syang muli sa tabi ko.

Paano naman sya magseselos kay James?

"James ang tawag ng lahat sa kanya sa Restaurant, ayaw nyang magpatawag ng Sir." Paliwanag ko. Bumaba ang tingin nya sa mga sapatos nya.

"Hinawakan nya ang siko mo. Baby, galit na galit ako. Gusto ko syang sakalin."Aniya ng hindi makatingin sa akin.

Di ko napigilan ang mapangiti. Gumapang ako para kumandong sa kanya. Ngumiti ako pero nag-iwas lang sya ng tingin.

May ikinaseselos pa pala ang gwapong to? Tiningnan ko ang itim na itim na mata ni Deuce, his features screams dominance, his hair is jet black, his eyes is like the night sky—kaya angat na angat ito tuwing masaya sya o naluluha, doon lang ito nalalagyan ng kakaibang ningning. Parang nililok naman ang kanyang mga ilong at labi, his after shave scent gave him a certain distinction.

"Akala ko ba magiging abogado ka? Parang kriminal naman ata ang path mo." I kidded but he didn't smile. Kumuyom lang ang kanyang panga and his dimples showed up dahil sa panggigigil.

I started giving him small kisses on his face "Relax ka na Babe. Hindi ko na kakausapin si James para hindi ka na magalit." Pangsusuyo ko.

"You are just saying that." Pinanliitan nya ako ng mata.

"Siko lang ang hinawakan nya nagagalit ka na. You have access to more than that." Panunukso ko sa kanya.

"Don't dare me.." Suplado nyang sabi.

"I love you Attorney." Bulong ko sa kanyang tenga sabay gawad ng halik.

"Ugh, Raeven, get off me." Aniya na may kasamang pagpikit. Hinampas ko sya sa dibdib.

"Ayaw mo ba sa akin?" Sinimangutan ko sya.

"G-gusto, gustong gusto pero baka hindi ko mapigilan..."

"May pumipigil ba sayo?" Tinaasan ko sya ng kilay.


"Baby... I want to wait until you are ready." Pagdadahilan nya.

"Virgin ka pa ba?" Tanong ko naman.

"Hindi na."

Nagngitngit ako sa inis. Kinagat nya pa ang pang-ibabang labi nya at halatang pinipigilan ang pagtawa.

"Bakit binigay mo ang virginity mo sa iba?" Sinabunutan ko sya at naramdaman ko na naman ang pagiinit ng sulok ng mga mata ko.

"Baby, ano ka ba. 24 na ako, anong akala mo sa akin, santo? 16 pa lang ako hindi na ako virgin." Pagmamalaki nya pa. Pinalo ko ang bibig nya.

"Ayokong marinig." Just imagining him giving kisses to other girls ay hindi ko na matanggap. Gusto ko syang sapakin kasi hindi nya ako inintay. Humikbi ako sa kanyang harapan. Wala akong pakialam kahit sabihin nyang iyakin ako pero iyakin naman talaga ako. And it feels good to cry with someone to comfort you, huling iyak ko ng may kasama ako ay yung buhay pa si Papa.

"Baby." Pinalis ni Deuce ang luha ko.

"Kahit hindi ikaw ang makauna sa sexy body ko, ikaw naman ang huli." Pang-aalo nya pa.

"Hindi ako natatawa, hindi ka sexy. Hindi kita bati. Pinaiiyak mo ako. Pangit ka. Baho."

Tumawa naman si Deuce. Lalo akong sumimangot at pilit na pinalungkot ang mukha ko.

"Wahhhh!!!" I cried even more. Masuyo akong niyakap ni Deuce.

"Ang cute mo Baby. Akala ko matapang ka, iyakin ka pala."

"Ayaw mo na sa akin kasi iyakin ako?"

"Hindi. Mas lalo kitang gustong alagaan. Ayaw kong makita kang umiiyak eh. Mahal na mahal kita."

I found comfort in Deuce's arms, kumpleto na at wala na akong hihilingin pa. He may be the son of the person who took away my father from me pero binigyan nya din naman ako ng masasandalan.

Maybe everything happens for a reason.



Seguir leyendo

También te gustarán

66.3K 2.8K 4
Believe me, it wasn't JUST the kiss...
3K 86 44
VILLAREAL-CARDEJAS SIBLINGS SERIES Jian Glenn Villareal-Cardejas is the youngest in their family. He's the heir of the Villareal-Cardejas properties...
102K 1.6K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...