TOUCH ME AGAIN

By makiwander

13.8M 302K 33.1K

He loved her.. He treasured her.. He worshipped her.. Deuce Montemayor loved like no other, but despite... More

Prologo
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Is this Goodbye?
Prologo II
Part 2.1
Part 2.2
Part 2.3
Part 2.4
Part 2.5
Part 2.6
Part 2.7
Part 2.8
Part 2.9
Part 2.10
Epilogue

Simula

762K 11.1K 1K
By makiwander



"Dos. Late ka na naman!" Tsk, Dos.

What The F*ck?

Para saan pa at pinangalanan ako ng Deuce kung Dos rin lang pala ang itatawag nya sa akin?

Binaba ko ang backpack ko sa sofa, t*ngina. Papasok na lang may pabaon pang sermon mula kay Attorney Hades Montemayor The Great. The Best Lawyer in Asia, probably one of the best in the world, pero t*ngina lang, the worst father in the world ang gunggong.

"I am in a rush, Dad." Pagod ko syang tiningnan, nangangalumata pa sya at mukhang kakauwi pa lang mula sa trabaho, it's 8am WTF? Kaya nga ayokong mag-abogado, walang social life. Ibabagsak ko talaga ang Bar, makikita nya.

"Paano ka magiging abogado kung wala kang sense of time?" Here we go again, eh sino bang gustong mag-abogado dito? Hindi ako kumibo at inilabas ang librong hindi ko kakailanganin ngayong araw.

"Sabi ni Nita, alas tres ka na naman umuwi?" He continues. "Ilang litrong alak na naman ang nilaklak mo? I should sue Valkyrie or Gramercy for letting you in."

Seriously? Go ahead. Andyan naman ang House Manila at Pool Club.

"Baka hindi tayo nagkakaintindihan dito? Bar Exams at hindi Bar Drinking Session ang ipapasa mo!"

"Dad, I understand but I need to relax, pucha, ang hirap ng criminal law, kapag hindi pa ako uminom, baka hindi na ako abutin ng isang taon sa Law School." Pagdadahilan ko. Pabagsak kong ibinaba ang libro ko at kumunot ang noo  muli ni Daddy.

"Nagdadabog ka ba?"

"Hindi po Dad, napalakas lang." Naglakad ako patungo sa Key holder para kunin ang susi ng sasakyan ko. Ilang ulit kong hinalungkat, tiyak kong nilagay ko lang dito yun kagabi. Lasing ako pero nandito lang yon.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Napalingon ako kay Daddy na winawagayway ang susi ng Camaro ko. I groaned. T*ngina paano naman ako papasok nyan?!

"I think I am spoiling you too much."

Spoiling? Wow ha. Spoiled pa ako sa lagay na to. Kulang na lang lagyan ako ng tracker sa paa. I got that Camaro when I passed Business Law, it's not that he gave it for free!

"Dad, I am running late, paano ako papasok?"

"Commute! Your month allowance is equivalent to a year's allowance of a normal student. You know what? I shouldn't be treating you a special student, nagiging abnormal ka tuloy."

Napahilamos ako sa mukha ko. Buti pa si Tres, nakukuha ang lahat ng gusto. He wanted to master business, he was able to do it, Ate Unah is a doctor too. Talaga bang kapag nasa gitna, ikaw ang less favored? Ang malas naman!

"Fine. Im leaving Dad!" Kinuha ko ang bag ko at hindi ko na sya tiningan. Paksyet talaga tong buhay na to. Paano ba magcommute?!

Naglakad ako patungong highway, buses are passing pero hindi ko alam kung alin ang papapuntang Law School. Pag ako nainis, hindi na talaga makikita ang anino ko sa Law School na yon.

Tumingin ako sa paligid, MRT Station. Alam ko may malapit din na train station sa Unibersidad de San Miguel, but what do they call that f*cking station? Kahit hindi ako sigurado, naglakad pa din ako. I really have no idea what I am doing.

"Boss, paano ba sumakay dito?" I asked the guard who is currently inspecting my bag.

"Sasakay ka lang sa Bagon." Pilosopo nyang sabi sa akin na napapangiti. Nagsalubong ang kilay ko. I hate it when people uses their sacrastic tone to me, it angers me. Kinuha ko ang wallet ko at naglabas ako ng isang libo.

"Paano sumakay ng tren? Pupunta ako sa Unibersidad de San Miguel at hindi ako marunong sumakay, kung sasagutin mo ang tanong ko bibigyan kita ng isang libo, kung hindi mo ako sasagutin, kakasuhan kita, abogado ang tatay ko."

"B-boss, w-wag po." Biglang namutla ang security guard. I smirked. Asan ang angas mo ngayon ha?

"Tsk, isip bata."

Biglang nawala sa kamay ko ang isang libo at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng unipormeng kulay puti. Humarap sya sa akin ng nakasimangot. Napatulala ako.

Ang ganda nya.

Kulay gray ang mata nya, I am not sure if it's contact lens but it suoted her thick lashes. Her nose perfectly fits her small face and her lips are naturally pink. T*ngina, ang perfect naman ng babaeng to!

"Ako na lang ang magtuturo sayo kung paano ka sasakay, akin na lang to ha, dito ko na lang din kukunin ang pamasahe mo. Roundtrip." She said. Wala sa sariling napatango ako.

Sumunod ako sa kanya nang pumila sya sa cashier, she got the card for both of us.

"Gayahin mo ang gagawin ko ha." She told me. She slid the card in the machine at ginawa ko din, para din palang train sa Singapore that you have to tap something before it will let you enter.

I observed everything when we got in the waiting area. So there's area for women and for men.

"Okay na ako dito, dun ka na sa may mga babae." I told her but she just looked at me and raised her brows.

"Matapobre ka na nga, sexist ka pa."

"W-what?"

"Eh ano naman kung gusto kong sumakay kasama ang mga lalaki, hindi naman bawal." Nagpamewang pa sya, Pucha ang cute.

"Miss, I suggested na doon ka sa mga babae dahil baka maipit ka ng mga lalake at may manamantala sayo."

"Sa apat na taon kong sumasakay dito araw araw, hindi pa naman nangyayari yang sinasabi mo."

"W-what? Araw araw?"

"Ay sorry Mister, hindi po kasi ako kasing yaman nyo na kayang magabayad ng isang libo para ituro lang sayo ang direksyon. Yung isang libo kasi Mister, dalawang linggong baon ko na yon."

What? Dalawang linggo? That's just half of my daily allowance.

"Pero Miss—"

"Wag ka na ngang magsalita, naiirita ako sayo! Saka paano ko ituturo sayo kung saan ka bababa kung hindi ako sa mga common area sasakay? O baka naman gusto mong sumama sa akin doon sa Women's area?"

Hindi na ako umimik dahil baka tuluyan nga syang magalit sa akin, sinundan ko lang sya ng sumakay na sya ng tren, hindi nya ako pinapansin pero ang mga mata ko nakatutok lang sa kanya. Mas maganda pa sya kaysa sa kahit kanino kong nakadate na model at artista. Her face screams elegance kahit ang simple simple lang ng suot nya.

Tumayo ako sa kanyang likuran para protektahan sya sa mga lalakeng tiyak na nagagandahan din sa kanya. She doesn't even mind at all.

"Dito na." She said. Hindi ko man lang namalayan ang mahabang byahe na yon dahil nalibang ako sa pagtingin sa maganda nyang mukha.

Damn, tinamaan pa ata ako.

I followed her, nakalimutan ko ngang pansinin ang dinadaanan namin, siguro ay sasabay na lang ako sa tropa mamaya para makauwi.

O di kaya, magpapahatid na lang ako ulit sa kanya mamaya. Alam kong malakas maka-pabebe boy pero yun lang ang paraan para makita ko sya ulit. Sana pumayag sya.

"San Miguel di ba? Dito ka na." She said.

"I-ikaw? Saan ka?"

"Dyan sa tapat. Sa San Jose."

Tinanaw ko ang eskwelahang tinutukoy nya. Tiningnan ko ang orasan ko. Late na late naman na ako.

"Ihahatid na kita."

Nanlaki ang mata nya "Bakit?" She looked horrified, adorably horrified.

"Gusto ko lang."

"Siguro hindi ka dyan nag-aaral no? Rapist ka no?!" She accused me, I laughed and get my id from my pocket.

"Hindi no, look at this." I showcased my ID, she creased her forehead at binaliktad pa ang ID ko. Napakasegurista naman ng cute na babaeng to.

"Montemayor?" She asked.

"Yup." I smiled. I think she saw my father's name at the back. Attorney Hades Montemayor is a household name for most controversial and famous cases so I would say, walang hindi nakakakilala sa tatay ko.

"Ikaw? What's your name?" I asked. Hindi sya agad sumagot, nakita ko ang pagdiin ng hawak nya sa ID ko habang hindi pa din inaalis ang tingin dito.

"Why would you prefer the picture kung pupwede mo naman akong titigan sa personal?" I asked playfully.

"Raeven. Raeven Mendoza." She said after she gave back my ID. Tumalikod na agad sya sa akin.

"Raeven.." I called her. Lumingon sya but she just gave me a cold stare.

"Pupwede mo ba akong ihatid mamaya? Babayaran ulit kita." I said.

"H-hindi eh. Gagabihin ako."

"Mag-iintay ako."

"Wag na—"

"Please?" Tiningnan ko sya ngnagpapaawang mata. Saglit syang nag-isip, mamaya maya pa ay marahan syang tumango.

"Anong oras ang uwian mo?" She asked.

"Anong oras ang sayo?"

"6PM." She answered.

"Sakto, 6PM din ako." Kahit ang totoo ay 7PM pa, uuwi na lang ako ng maaga ang importante ay makasabay ko sya.

Halos hilahin ko ang oras para mag-alas-sais na, wala pa ngang alas-sais lumalabas na ako ng Law School.

"Deuce! May klase pa tayo kay Camarin ah!" Oswald yelled from afar. All my classmates are going to the classroom and I am the only one walking against the flow.

"May importante akong lakad." I just said.

"Gago! Magbubulakbol ka na naman, patay ka sa erpats mo!" Beni laughed at me too. I shook my head. Kilalang kilala na talaga nila ako.

"Hindi ah! Basta ba hindi nyo ako isusumbong then I am fine. See you tomorrow guys!" I said and waved at them goodbye.

Para akong chicks na naiihi sa kilig ng makalabas ako ng Law School, I breathe the air and I almost say that the air has never been fresh since the last time I smelled it. Kung hindi lang may sunod sunod na busina ng bus at jeep, I won't choke to death.

T*ngina nasa Pilipinas nga pala ako.

Tumawid ako gamit ang overpass patungo sa San Jose, ang University ni Raeven, syempre hindi naman ako papayag na sunduin nya pa ako.

Napangiti ako ng makita ko ang maganda nyang mukha na nagulat pagkakita sa akin, may dalawa syang kasamang babae, siguro ay mga kaibigan nya.

"Hi Raeven.." Pag-bati ko sa kanya.

"Uy, Raeven, may boyfriend ka na pala, hindi mo pa sinasabi sa amin?" Her friends joked and she blushed.

"Hindi ko sya boyfriend, nagtatrabaho lang ako sa kanya." Bulong nya. Ang ganda nya kapag nahihiya.

"So? Let's go?" I asked, tumango sya at binigyan ko naman sya ng oras na magpaalam sa mga friends nya.

Sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ng MRT, mabagal lang ang mga lakad namin, sinasadya ko talaga yon para mas matagal pa kaming magkasama. Sana nga ay maubusan kami ng ticket kaya lang ay roundtrip ticket nga pala ang binili nya sa akin kanina.

Dumiretso kami sa waiting area ng tren. Tahimik lang syang nagaantay ng tren.

"Uhm, Raeven, saan ka nakatira?"

"Bakit gusto mong malaman?"

"W-wala lang, baka kasi pupwede akong magpahatid sayo araw araw."

"Araw araw? Seryoso ka?"

Tumango ako.

"Malapit lang ako sa station ng MRT na sinakyan natin kanina. Pero imposible yang sinasabi mo, tiyak na magkaiba ang schedule natin."

"I will pay you.."

She gave me a weirded look.

"Para kang sira. Hindi mo pa din ba natatandaan ang dinaanan natin?" She frowned, and I fell even more.

"H-hindi eh." Sayo lang kasi ako nakatingin.

"I am grounded in using my car. Magbabayad naman ako. Extra Income mo na din. Ako na lang ang magaadjust sa schedule mo kasi flexible naman ang schedule sa Law School." -Not true.

Saglit syang nag-isip, in that moment of silence, I prayed that she will say Yes.

"O-okay.. Sige."

Halos mapatalon pa ako sa tuwa pero pinigilan ko ang sarili ko, baka sabihin nya baliw ako kahit tingin ko ay malapit na talaga.

May kinuha sya sa bag nya, she gave me the list of her subject and schedules written in a pink post it. She has a nice penmanship, wala bang kapintasan ang babaeng ito?

"Raeven.. Pwede ko bang mahingi ang number mo?" I asked. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Bakit na naman?" She asked.

"P-para hindi ka mag-intay ng matagal kung hindi ako makakapasok."

"Hindi naman kita iintayin. Kung wala ka pa sa estasyon dalawang oras bago magsimula ang klase ko, aalis na ako."

"Ouch. Ang cold mo naman." Umakto pa akong parang nasasaktan. Umiwas sya ng tingin but I think I saw her smile.

"Napangiti kita no?" Siniko ko sya ng bahagya pero tinalikuran nya lang ako.

"Raeven, itawa mo yan baka sa iba lumabas yan."

At doon nga hindi na nya napigilan ang pagtawa.

I laughed with her pero huminto ako, dahil sa kabila ng ingay ng napakaraming tao sa estasyon ng tren, wala akong ibang marinig kundi ang masayang pagtawa nya. Bigay na bigay iyon. It is so full of life and complete. She sounded happy. Gustong gusto ko ang tunog ng kanyang pagtawa. Parang pinapaalala nito ang lahat ng masasayang bagay na naranasan ko sa buong buhay ko sa maigsing sandaling iyon.

And from that day, I promised to myself, I will aim to make this girl happy, forever.

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.7K 21
Dice and Madisson
94.2K 3.9K 26
Some of our best battles are those fought in bed...
8.8K 207 13
"Why do you think moving on is so hard?" "Because it is hard to accept that you're not just going to let go of the past, but also the future you w...
548K 27.2K 44
1/3 of Lord Series "He's like a lightning. He will strike you once and it's either you'll be destructed or you will be marked. In my case, I am both...