Breaking the Bad Boy (Publish...

By blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... More

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 42: Ex-boyfriend

547K 17.8K 7.2K
By blue_maiden




Nakauwi na kami galing Tagaytay pero hanggang ngayon naiisip ko pa din 'yong nakita ko kanina. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Si Kiro talaga 'yon pero bakit? Bakit niya kinausap si Anya? Anong pinag-uusapan nila?

Hindi ko pa man naririnig 'yong side ni Kiro, feeling ko nag traydor na siya sakin. I really hate this feeling.

Binuksan ko 'yong laptop ko pagkatapos tinignan ko kung online siya sa Skype. Nag video call agad ako sakanya. Pagkatapos ng tatlong ring, sinagot na niya 'yong call ko. As usual, naka topless na naman siya. He will never change.

"Hi Trix! Buti naalala mo na akong i-chat. It's been a while." Hindi ko maitago 'yong pagkairita ko. Naiisip ko na naman 'yong nakita ko kanina. "Why are you looking at me like that? Something wrong?"

"I saw you video chatting with Anya," huminto ako para makita ko 'yong reaksyon niya. He's a bit surprised. Not the reaction I'm looking for. "Tell me, what's that all about?"

"I'll say it as, keep your friends close and your enemies closer. That's how it is. I'm just trying to get an information that you can use against her. C'mon, do really think I'll betray you?"

I want to believe him but I just can't. "Okay, I just want to make that clear."

"So, how are you?"

"I'm fine, just a little bit tired. Galing kami ni Ailee at Ashton sa Tagaytay."

Nilagay niya 'yong kamay niya sa baba niya na parang may iniisip siyang malalim. "I'm not sure about that guy. Mag ingat ka sakanya."

"Kiro, okay si Ashton. He's sweet and nice," magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na lang siya. He's trying to be an overprotective best friend again. "Stop talking about Ashton, okay? I'm good with him."

Tumawa na lang siya. "So, how's your plan going?"

"Okay naman, umaayon lahat sa gusto ko," bigla na lang akong nag alangan na magbigay ng details sakanya. Hindi ko alam kung bakit. "Kiro, I need to get a rest. I'll talk you tomorrow."

Tinapos ko agad 'yong video call.

Matagal ko ng best friend si Kiro. Never ko siyang pinag-isipan ng masama.. ngayon lang. Gusto kong maniwala sakanya pero hindi ko magawa lalo na wala siyang ni isang binanggit sakin tungkol kay Anya. And the fact that it was Anya. Kailangan kong malaman kung ano ba talagang meron sakanilang dalawa. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. Ramdam ko na may iba pang ibig sabihin 'yong pag-uusap nila na 'yon. Sana lang talaga, walang masamang ibig sabihin 'yon.

--

Maaga akong nagising at dahil don, nai-kwento ko na kay Mommy at Daddy lahat ng nangyari. Nagulat lang ako sa reaksyon ni Mom dahil parang nalulungkot siya dahil wala na kami ni Caleb. Ayaw niyang maniwala na hindi ako minahal ni Caleb. Si Dad naman, medyo inis kay Caleb at Skie at mas pinag-iingat niya ako.

Masaya ako na nasabi ko na din kala Mom at Dad ang lahat. Ang hirap kasi na may tinatago ka sa parents mo. Ang bigat ng pakiramdam at parang hindi ka makagalaw ng maayos.

Sinunod ulit ako ni Ashton gamit ang Porshe niya. As always, ang gwapo niya. Minsan naiisip ko na swerte din pala ako dahil pumayag siya na maging partner ko siya. "Ash, thank you."

"Huh? For what?" Clueless niyang tanong.

"Thank you kasi pumayag ka na maging partner ko. Ang dami naman kasing pwedeng maging partner dyan pero ako pa din 'yong pinili mo."

He smiled, genuinely. "Yeah, madami sila pero nag-iisa ka lang, Trix." Natigilan ako sa sinabi niya. I don't know how to react. "Trix.. I like you." Literal akong napanganga sa sinabi niya. Buti na lang naka-park na kami sa school. Tinignan niya ako at bigla na lang siyang nag panic. "Trix, sorry. Sorry hindi ko napigilan 'yong sarili ko na sabihin 'yon. I know this is not the right time, I'm so sorry."

Inayos ko 'yong sarili ko. "Ash, no need to say sorry. That's fine. Well, at least I know."

"Wag ka sanang maiilang sakin," habang sinasabi niya 'yon para siyang bata. Ang inosente ng mukha niya. "I don't need you to like me too but that's how I feel, Trix."

"Thank you Ash."

Hindi imposible na magkagusto din naman ako kay Ash. Mabait siya at sweet. Ayoko lang muna talaga na magkaroon ng divertion. Gusto kong mag focus sa plano ko. Siguro pagkatapos ng lahat ng 'to, kung nandyan pa din si Ash para sakin baka pwede ko siyang bigyan ng chance, hindi lang ngayon.

"Trix!" Sigaw ni Ailee. Hingal na hingal siya. Hinawakan niya 'yong magkabilang tuhod niya para makahinga siya ng maayos. "Bad news, naunahan ka na ni Anya sa votes tapos si Skie ang laki na ng lamang kay Ashton."

Napatingin agad ako sa phone ko. Naunahan na nga ako ni Anya sa votes at isang libo pa 'yong pagitan namin. Paano naman kaya niya nagawa 'yon overnight? Bigla akong nainis. Kakaiba 'yong nararamdaman ko dito. For sure may ginawang kalokohan 'tong babae na 'to.

"She's a thousand votes away from you in a span of one night. How can she do that?" Tanong din ni Ashton. "Is that a legit vote?"

"I doubt, I know that girl and she'll do everything to win," nag-isip agad ako ng pinakamadaling way para malaman ang totoo at si Ailee agad ang naisip ko. "Ailee, sa ating tatlo, ikaw ang pinakamalapit kay Anya at nasa iisang bahay lang kayo kaya mas madali mong malalaman ang totoo."

"Sure, mamaya pag-uwi ko maghahanap agad ako sa kwarto niya at kahit mag spy pa ako sa mga kausap niya sa phone gagawin ko."

"I need to now, I'll see you later." Paalam ko. Dumiretso agad ako sa class kung saan classmate ko sila Anya.

Pag pasok ko pa lang, inirapan na agad ako ni Anya. Inirapan ko din siya at sinamaan ko siya tingin pero nginisian na lang niya ako bigla. Alam kong dahil 'yon sa nakalamang na siya sakin sa votes.

Just wait and see, bitch.

Dumating na sila Skie pero wala si Caleb. May kakaiba sa mga inaasal niya this past few days. Una na don 'yong pag quit niya sa soccer tapos ngayon puro ka siya absent na hindi naman niya ginagawa dati. Hindi naman sa naaawa ako sakanya o apektado ako, naguguluhan lang ako sa mga kinikilos niya lately.

After class, naunang umalis sila Skie pero nagpaiwan sila Anya. Hindi din muna ako umalis dahil alam ko na pupuntahan niya ako sa pwesto ko. I'm not afraid of this girl.

"Nakita mo na ba?" Tanong niya. "Sabi ko naman sayo, malalagpasan kita." Ang laki ng ngiti sa mukha niya. Kulang na lang mapunit 'yong labi niya. Nakakatawa lang siya.

"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?" Tanong ko. Nagtaasan sila ng kilay nila.

"What are yoy talking about?"

"Niloloko mo na nga 'yong sarili mo, pinapaasa mo pa," tumawa ako ng nakakaasar. 'Yong tawa na magpapainit ng ulo niya. "Alam naman nating dalawa na may ginawa kang kalokohan para tumaas yang vote mo. Hindi ako pinanganak kahapon. Hindi ako tanga na katulad mo. Wag mo nang paasahin 'yang sarili mo, Anya. Ikaw din, mas masasaktan ka lang sa huli." Lumapit pa ako lalo sakanya at nginisian ko siya. In your face, bitch.

Maganda din na every once in awhile malaman ni Anya na hindi ako magpapadaig sakanya. Hindi na ako 'yong Angel na inaapi-api niya lang dati.

Being nice is good but being stupid is not.

Pumunta muna ako sa locker ko. May note akong nakit, Pwede ba tayong mag-usap? Hihintayin kita sa gym.

Hindi ako sigurado kung kanino ba talaga galing 'to pero pakiramdam ko kay Caleb galung 'to.

Why should I talk to him?

Hindi ko pinansin 'yong note niya. Ayoko nang magkaroon ng kahit anong koneksyon sakanya. Tapos na ang lahat sa amin at ayoko ng bumalik pa. Lahat din naman ng mga nangyari dati puro kasinungalingan lang.

Tinawagan ko si Ashton at Ailee. Nagkita kami sa resto malapit sa school. Nag-iisip pa din si Ailee kung paano kami mangunguna sa votes. Two weeks na lang, pageant na.

Wala na naman akong magagawa sa pandadaya ni Anya. Ayoko naman gawin 'yon. That's too easy. Walang thrill kapag ganon. If she wants to play dirty, then so be it.

"What are your plans, Trix?"

"I won't do anything about the votes yet, madali lang habulin 'yon," kinuha ako ang phone ko. "Gusto ko muna na kabahan si Anya."

Nag sulat ako ng article na ipapasa ko sa page ng Bellas. This is just a blind item. Hindi pa ito ang tamang panahon para ibuking ko siya. Patikim pa lang 'to sakanya at for sure matataranta siya.

Blind item:
Let's all call this girl, slut machine. Hindi siya simpleng babae dahil sikat siya. She's a one hella famous girl here in the campus. Ang hindi lang alam ng iba, si Slut machine ay may tinatagong isang sikreto. She's been fvcking her boyfriend's best friend. Paano niya kaya nasisikmura ang ganon? After ni BF, si BF's BF naman. She's so pathetic lalo na kasali siya sa Ms. Enderun. Yan ba ang dapat hangaan ng mga studyante? Kung ako sakanya, ngayon pa lang, aatras na ako bago pa mabunyag ang sikreto niya sa buong campus. Well, I'll be back.. xoxo.

Alam kong ipo-post 'to sa page nila kahit na may kakilala pa sakanila si Anya. Hindi nila pwedeng palagpasin ang bagay na 'to. Malaking scoop 'to sa page nila.

Parehong binasa ni Ailee at Ashton ang sinulat ko at pareho silang walang masabi. Wala na akong pakialam kung harsh ba 'yong mga sinabi ko o hindi. I'm just telling the truth.

After five minutes, naka-post na agad sa bellas ang blind item ko. Sabi na nga ba, eh. Ano na kayang gagawin ngayon ni Anya?

"Top post na agad 'yong blind item, ang dami nang shares at comments." Sambit ni Ailee. "Halos lahat sila si Anya 'yong hula."

"Ganon ba siya ka obvious? Wala na nga akong masyadong details, eh. Pwede naman din masing maging ako 'yan pero well, mas mukha siyang slut kaysa sakin."

Tinignan ko si Ashton pero mukhang bothered siya. May problema ba siya? "What's wrong Ash?" Tanong ko.

"Trix, ayoko lang na mapuno ka ng galit sa puso mo. You're beautiful inside and out. Wag ka lang magpakain ng buo dyan sa paghihiganti mo na 'yan."

Natahimik kaming tatlo. He has a point but he will never understand me. Hindi naman siya 'yong napahiya at nasaktan, eh. Ako 'yon kaya ako lang ang makakapagsabi kung tama na. They deserve this. It's just a result of their actions.

Nag-aya na lang akong umuwi. Ayokong mag away pa kami ni Ashton. Hinatid nila ako at pagdating ko sa bahay umakyat agad ako sa kwarto ko at natulog. Nagising ulit ako ng bandang alas siyete ng gabi at sakto, bumuhos ng malakas ang ulan.

Pinatay ko 'yong AC sa kwarto ko at nung isasara ko na 'yong bintana, may nakita akong lalaki sa tapat ng gate. Nakatayo siya don habang basang basa siya. Tinignan ko siya nga mabuti, nanlaki 'yong mata ko nung malaman ko kung sino siya. Anong ginagawa niya dito at bakit kailangan niyang magpaulan?

Tinignan ko 'yong phone ko at ang daming missed call at ang dami din text. Binuksan ko na lang 'yong pinakabago.

Angel, please mag-usap tayo. Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap. Please..

Ano bang nasa isip niya? Ang lakas ng ulan! Nababaliw na ba talaga siya?

Gusto kong bumaba at harapin siya pero hindi. Hindi ako pwedeng maawa sakanya. Niloko niya lang ako at sinaktan.

Sinara ko na 'yong bintana, humiga ulit ako sa kama ko. Inalis ko na sa isip ko si Caleb.

Pagkatapos ng ilang minuto, sinilip ko ulit siya pero wala na siya. Tinignan ko ulit 'yong phone ko.

Angel.. I still love you. I always do. Sana mapatawad mo na ako. Hindi ko na kaya na ganito tayo. Miss na miss na kita. Miss ko na 'yong nga ngiti mo, your eyes, your smell, your laugh, your jokes, your kiss.. everything. I miss everything about you. Mahal na mahal kita Angel.. sana bigyan mo ulit ako ng chance.. please kahit ano gagawin ko. I already gave up soccer for you and I can gave up everything, just tell me. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal.. kahit umasa pa ako sa wala. Maghihintay ako.. my angel.

- Caleb

Continue Reading

You'll Also Like

49.4M 1.2M 81
I used to be the girl in his eyes. I used to be the girl who can make him laugh, I used to be the girl who can taste his lips. I used to be his ever...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
24.8M 250K 101
Now a published book under Summit Media. Php 175.00. English. Available in all bookstores nationwide. :)
21.6K 1.1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...