The one

xxakanexx द्वारा

670K 10.4K 515

Caleb Jireh had been waiting for someone to come back. He had spent the last seven years of his life, waiting... अधिक

The one
Prologue
1. Faulty beginning
2. Tonight
3. My Shining Star
4. Never ever
5. Uncertainties
6. All that they needed to know
7. Friends?
8. Something kilig
9. Almost
11. How could you?
12. I'm yours
13. Plus one, minus one
14. When there was me and you
15. Ikaw lang

10. Memory loss

25.9K 443 19
xxakanexx द्वारा

Caleb was walking back and forth in the middle of his living room, he was looking at Jin Hye, who was by that time, sitting on the couch while looking at him like he was the most in important person for her. Naguguluhan siya. Ano bang nangyayari? What the hell was Jin Hye doing here? Why was she here? She was supposed to be in Korea where she can be safe, pero nandito ito ngayon at sinasabi nito na mag-asawa sila!

Yes they were married pero na-annul na ang kasal na iyon a year ago bago ito maaksiedente. Kaya ano bang sinasabi nito? He sighed hard. Naupo siya sa couch at saka tinitigan ito.

"Jin Hye why are you here? Dapat nasa Korea ka." Wika niya dito. Jin Hye shook his head.

"I could only remember some things, Caleb, pero alam ko na dapat nandito ako for us. We need to make this marriage work. I love you."

Mas lalo siyang namangha sa mga salitang lumabas sa bibig nito. Mahal siya nito? Pero hindi. Jin Hye never loved him. Iba ang mahal nito at ang taong iyon ay walang iba kung hindi ang kakambal niya.

"Jin Hye, hindi ako iyon, si Ca-"

"Alam kong matagal na tayong wala, Caleb, pero mahal kita at to what I remember, mahal mo rin ako. You were the one who saved me from Madam Won's claws..."

"That's not---!" Tinakpan ni Jin Hye ang kanyang bibig at saka ngumiti.

"Hindi ka pa siguro ready. It's okay. I'll wait for the time na ready ka na para makapagsimula tayo muli." Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot. Tumayo ito at saka kinuha ang bag na nakapatong sa coffee table niya. His mouth parted with so much awe.

"I'll go now. I'm staying at the Manila Hotel, I hope you come and see me Caleb. I missed you so much." Yumuko pa ito at saka hinagkan siya sa labi, after that she waved him goodbye and the she left. Sa lahat ng iyon ay nakanganga lang siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari.

Jin Hye is back, she could remember him pero hindi talaga siya ang naaalala nito. He knew for a fact that it wasn't really him. The one that saved her from Madam Won's claws was none other than his brother, si Calen iyon, pero bakit inaakala nito na siya iyon. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Gulong-gulo siya. Right when things were in their rightful places, right when he was in that part of his life where he was finally happy with Aiko – the love of his life, saka naman babalik si Jin Hye at sasabihin sa kanya that she wanted to make their marriage work?

Anong gagawin niya?

-----------------------------------------------------

"Wow! Ang laki yata ng ngiti mo Miss Nakashima."

Aiko blushed when Rafael – her colleague greeted her with that tone. Kasalukuyang nasa faculty room siya at napasukan siya nito na tulala. Wala naman siyang problema, masaya nga siya, naiisip niya si Caleb at ang mga nangyari nitong nakaraan, she was just so happy. Hindi niya alam na pwede pa siyang maging masaya at ang lahat ng iyon ay dahil dito.  

"Wala lang..." Nginitian niya si Rafael. Naupo ito sa tabi niya at saka tinitigan siya. She felt her cheeks turned red, napabuntong hininga ito habang titig na titig sa kanya. "Mr. Alvarez, do you know that it is impolite to stare?" She said to him. Naipailing lang ito at saka muli na namang ngumiti.

"Sabi kasi nila, blooming daw ang mga woman in love. I guess you're in love, blooming ka kasi." Tatawa-tawang sabi nito. Napangiti na lang siya. Ganoon na ba ka-obvious? Sabagay hindi na rin naman niya itinatago, mahal naman talaga niya si Caleb at tulad noon, she couldn't see herself loving someone else other than him. Caleb is the air that she breathes at alam niyang pareho lang sila.

"Susunduin ka ba ulit noon? Ang swerte niya sa'yo." Sabi pa nito sa kanya. Hindi na siya nagsalita. Tumingin siya sa relo at saka lalong napangiti. Ilang minuto na lang pala at darating na ang prince charming niya kaya nagsimula na siyang mag-ayos.

She wondered kung anong surpresa ni Caleb sa kanya  ngayon. Tuwing susunduin kasi siya nito ay may surprise palagi ito sa kanya, like the first time her ever picked her up, he brought her roses pero hindi nito iyon basta ibinigay sa kanya. Kinasabwat nito ang ilang mga estudyante at lahat ng iyon ay sinalubong siya on purpose para ibigay sa kanya ang mga rosas na galing dito. Napapangiti na siya, she was always looking forward to this time of day.

Hindi niya alam kung anong meron si Caleb, pero mas kinikilig talaga siya dito ngayon. Minsan nga kapag tatawag o magte-text ito sa kanya, makita niya pa lang ang pangalan nito sa screen ng cellphone ay kinikilig na siya. Para siyang teenager.

Bumaba na siya sa ground floor. Doon na lang niya hihintayin si Caleb, sigurado naman kasi siya na parating na ito. Naupo siya sa isa sa mga benches doon at nakipagkwnetuhan pa sa mga estudyante niya, nalibang siya, ni hindi niya namalayan ang oras. Napansin na lang niya na gabi na pala pero wala pa rin si Caleb. Nakadama siya ng pag-aalala. Agad niya itong tinawagan, sumagot naman ito.

"Babe, sorry, di kita nasundo." Sabi nito sa kabilang linya. Apologetic ang tono nito. She sighed.

"Nasaan ka ba?" She asked him. Mataman niyang hinintay ang sagot nito. She suddenly felt na parang may mali sa kanilang dalawa pero ayaw niyang i-entertain ang kaisipang iyon.

"Sa..." He paused. "Uhm nasa studio pa ako, may ginagawa pa kasi kami." Sabi nito sa kanya. Huminga siya ng malalim. "G-galit ka ba?"

"Hindi. Pero sana nag-text ka, nag-aalala kasi ako sa'yo." Sabi niya dito. Natahimik ang kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit pero sa tuwing matatahimik ito ay lalong tumitindi ang kaba niya.

"Sorry, Aiko." Sabi nito. "Nandyan ka pa ba? Susunduin na kita." Umiling siya na parang kaharap niya ito.

"Huwag na lang. May ginagawa ka pa diba? Magta-taxi na lang ako." Sabi niya dito. "Bye, ingat ka." Tinapos niya ang tawag. Tinitigan niya ang phone niya, dama niya sa kanyang dibdib ang kaba. Bakit ganoon? Why does it feel like Caleb wasn't telling her the truth? Bakit pakiramdam niya ay may hindi ito sinasabi sa kanya?

Ayaw man niya pero nagdududa talaga siya. Napalunok siya. Sinaway niya ang sarili niya when she realized that she was having doubts sa relasyon nila ni Caleb. Sa huli ay natawa na lang siya sa kanyang sarili, she knew Caleb, alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya. Napag-usapan na nila iyon, pareho nilang ayaw maulit ang nangyari sa kanila noon so they had a deal that they will tell each other everything.

So wala siyang dapat ipag-alala. She shouldn't be feeling like that kaya lang...

Bakit parang hindi siya makampante?

-------------------------------

Aiko ended the call. Caleb sighed. He wanted to call her again but then he had some other things he had to deal with tonight. He put his phone inside his pocket at saka pumasok muli sa loob ng clinic ni Nathan. He was at the hospital, he wasn't inside the studio like what he told his girlfriend. He wasn't with the guys – we'll Nathan was there but what he didn't tell Aiko was the fact that Jin Hye was with him.

He decided to take Jin Hye to Nathan to see why she could remember some things pero hindi pa rin nito maalala ang ilan. He was happy to know that she could remember him as her husband pero matagal na iyon, halos dalawang taon lang silang nagsama, pagkatapos noon ay ito na rin mismo ang umalis dahil sa tingin nito ay wala namang mangyayari sa kanila. Back at that time, they were both in love with someone else and no matter how much he wanted to make things work, kusa silang tumatanggi.

"Hi Nathan." Jin Hye greeted Nathan when he entered the room. Nakatayo pa rin siya habang komportableng nakaupos si Jin Hye sa visitor's chair na nasa gilid ng mesa ni Nathan. Nathan smiled, tapos ay tumingin ito sa pinto, from there, pumasok si Calen. He caught his breathe. Calen looked... we'll he looked scared, he was slowly walking at nang huminto ito ay pinakatitigan nito si Jin Hye na nakatingin naman sa kanya that time.

"Hey, bro!" Inakbayan niya si Calen. Calen didn't budge. Tahimik itong naupo sa waiting chair doon.

"Why is Calen here?" Biglang nagsalita si Jin Hye. Calen seemed to be really surprised by the comment.

"Y-you could... remember me?" He asked her. Jin Hye shrugged.

"You're Caleb's brother, the one who sent me back to Korea." She smiled. Kitang-kita niyang bumagsak ang balikat ni Calen sa narinig. Nakadama siya ng awa para sa kapatid.

"Shall we start?" Nathan asked. Jin Hye smiled to him. Naupo naman siya sa tabi nito, nang makaupo siya ay biglang ginagap ni Jin Hye ang kamay niya. Parang napasong binawi niya ang kamay niya dito. Napatingin siya sa kapatid niya. He saw how painful it was for him to see Jin Hye and him like that. Hindi siya mapakali. Tumayo siya at naisip niyang maupo sa tabi nito. He tapped his shoulder.

"Caleb, bakit nandyan ka?" She asked in and irritated tone. Umiling siya at hindi ito pinansin. Nathan tried catching her attention.

"Jin Hye, can you tell me the things you remembered while you were in Korea?" He asked her. Jin Hye started telling Nathan all the things she remembered. Mataman siyang nakinig, panaka-naka ay tinatapik niya ang braso ng kapatid. He wanted to tell him that things will be okay, gusto rin niyang paniwalaan ang bagay na iyon. Gusto niyang umasa na darating ang panahon na mawawala na ulit ang problemang ito.

He sighed. Suddenly he remembered Aiko. Alam niyang nagtatampo ito sa kanya. Isa pa, nagi-guilty siya dito. They just got back together pero nagsinungaling na siya dito. Hindi na kaagad niya natupad ang pangako niya dito na hinding-hindi siya magsisinungaling dito.

He wondered where she was now? Ano na kayang ginagawa nito. He sighed again, after this; he will go to Aiko and tryo to apologize. Ayaw niyang masira na naman sila nang dahil na naman kay Jin Hye.

He's so in love with Aiko at hindi niya hahayaan na may mangyari pang hindi maganda sa kanila.

"I see..." Naulinigan niya si Nathan. "About Caleb, what are the things you remember about him? Do you remember the first time you've met him?"

"Of course." Sabi ni Jin Hye. Ngiting-ngiti ito. "I met him at the park. We bumped in to each other and he fell to the ground. When he saw me, he asked me if he was in heaven because I looked like an angel." Sumulyap pa ito sa kanya. "That was the moment when everything between us started. And I guess that was when I first fell for him." Namumula ang mga pisngi nito.

Bigla ay tumayo si Caleb.

"Cal?" He asked him.

"Excuse me." Lumabas ito ng clinic at iniwan sila. He looked at Nathan. Tumayo siya para sundan ang kapatid.

"Caleb, where are you going?" She asked him. Hindi niya ito pinansin. Mas mahalaga ang kapatid niya.

"Calen!" He called him. Huminto ito. "Calen... I'm sorry..."

"You don't have to be." Sabi nito. Humarap ito sa kanya at saka tinapik ang balikat niya. "The most important thing is that she's alive, she's well and she's happy." Wala na itong sinabi, umalis na lang ito. He could imagine how awful his brother was feeling, the more that Calen hurts, nasasaktan din siya.

"Caleb, bakit mo ako iniwan sa loob?" Tanong ni Jin Hye. Binalingan niya ito.

"Iuuwi na kita." Pagkasabi noon ay tinalikuran na niya ito. He was feeling awful. Nasasaktan siya para sa kapatid niya. He sighed.

"Ihahatid mo ako?" Jin Hye asked him, she was hopeful. Umiling siya.

"Kasama mo iyong driver mo. Tatawagan na lang kita." Wika niya. Sumakay siya sa kotse at saka pinasibad iyon. He could hear Jin Hye calling him pero hindi na niya ito pinansin. He sighed, he drove and after a while, inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Aiko.

Nagmamadaling bumaba siya at saka kumatok sa gate nito. After a while bumukas iyon at nakahinga siya nang maluwag nang makita niya si Aiko. Walang kaabog-abog na niyakap niya ito.

"Caleb?" Nagtatakang tanong nito.

"Babe, I'm sorry, sorry hindi ako nag-text, sorry hindi kita nasundo. Sorry, sorry, I love you." Pinugpog niya ng halik ang mukha ni Aiko. A little while later, she was laughing while trying to push him away.

"Caleb! Nakikiliti ako, ano ka ba?" She was giggling. Niyakap niyang muli ito. Hindi niya alam kung para saan ang takot niya pero natatakot na talaga siya. He feels like any moment from now, things will fall apart.

"Wag ka nang magalit, babe ha? I love you." Bulong niya dito. Hinampas siya nito sa balikat at saka lumayo.

"Hindi naman ako galit." Sabi nito habang nakangiti. "Ikaw talaga."

"Akala ko kasi...."

"Mature enough na tayo. Naiintindihan ko na may trabaho ka. Pero next time, magtext ka muna, nag-aalala naman kasi ako sa'yo." She smiled. "Kumain ka na? Pakakainin kita, come." Hinatak siya nito papasok sa bahay. They were holding hands, kahit paano naman ay naiibsan ang takot niya, mahal na mahal niya si Aiko and he guessed that it was the most important thing of all.

"Ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay ko, Aiko." He said to her.

"Ang sweet-sweet mo naman ngayon, siguro may ginawa kang kasalanan sa akin, nambabae ka no!" Pinanlakihan siya ni Aiko ng mga mata. Hindi kaagad siya nakasagot. He thought about telling her... pero kung sasabihin niya, anong mangyayari? Masasaktan na naman si Aiko at baka sa pagkakataong iyon ay mawala na ito sa kanya.

He was about to answer when she laughed. Muli na naman siyang hinampas nito.

"Katawa ka. You should've seen your face! Akala mo nakakita ka ng multo!" Tawa ito nang tawa. Pinilit na lang niyang ngumiti. "Lika na nga, baka gutom ka lang." Hinatak na muli siya nito. He was just eyeing her, sana hindi dumating ang sap unto na iiwan muli siya ni Aiko... baka hindi na niya kayanin. 

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

To Her With Love Cher द्वारा

सामान्य साहित्य

571K 21.6K 20
Sa unang pagkakataon sa buhay ni King Solomon Sandoval ay may ginusto siyang hindi niya kahit kailan pakakawalan. He's in love with Atty. Telulah Con...
Bulls Eye Cedric Stuart द्वारा

रहस्य / थ्रिलर

1.9K 180 24
Ready to face your past? Or you'll be haunted in the present.
549K 11.2K 14
Danni - Dandelia Cielo Santos - only wanted one thing in her life and that is to have an eternal love story with her Mr. Right. She had been hurt bef...
Secrets Volume 2 Cher द्वारा

सामान्य साहित्य

3.2M 115K 59
More secrets, deeper, darker...