His Personal Driver

By BurningRain

14.5M 193K 5.9K

WARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! Burni... More

Prologue
HPD 1
HPD 2
HPD 3
HPD 4
HPD 5
HPD 6
HPD 7
HPD 8
HPD 9
HPD 10
HPD 11
HPD 12
HPD 13
HPD 14
HPD 15
HPD 16
HPD 17
HPD 18
HPD 19
HPD 20
HPD 21
HPD 22
HPD 23
HPD 25.1
HPD 25.2
HPD 26
HPD 27
HPD 28
HPD 29
HPD 30
HPD 31
HPD 32.1
HPD 32.2
HPD 33
HPD 34
HPD 35
HPD 36
HPD 37
HPD 38
HPD 39.1
HPD 39.2
HPD 40
Epilogue

HPD 24

270K 3.6K 133
By BurningRain

[ 24 ]

Paul's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan bakit ganoon na lang si Sherlyn sa amin kanina sa loob. Halos ipalipad ko na ang sasakyan kanina kay Nichole nang malaman ko ang nangyari.

She's one of the victims sa nangyaring aksidente kagabi sa EDSA. Nabangga ng isang bus ang sinasakyan nilang jeep. Damn that bus driver! He deserves more to die than of those innocent jeepney passengers.

My hands were shaking while in the car. What will I do kapag may nangyaring masama kay Sherlyn? I cannot afford to lose again someone because of fucking vehicle accident! Mom and Dad must be the first and last.

Pero pinaalis niya lang kami sa loob. Ganoon na lang iyon?

"She looks mad..." Nichole said.

Napatingin ako kay Nichole.

"And why?"

Nagkibit-balikat lang siya. "I don't know. Baka masama pa rin ang pakiramdam niya. I guess we should talk to her doctor na lang."

Napatango rin naman sina Ninong at Manang Pilar.

Nichole has a point. We should talk to the doctor at baka may mga kakailanganin pa para sa pagpapagaling ni Sherlyn. I want an assurance from her doctor na wala na nga talagang problema.

"Kayo ho ba ang relatives ni Ms. Sherlyn Arpiza?"

"Yes, her only relatives here in Manila." Nichole answered with confidence. Kahit magkaiba ang kinalakihan nila, may similarities pa rin talaga sila ng ate niya. Kung alam niya lang na kapatid niya talaga si Sherlyn.

"How is she, Doc?" Tanong ni Ninong.

I can see all the worries in his eyes. Kahit hindi niya ipakita, I know he wants to be a father to Sherlyn. I just don't know what are his reasons for keeping it from us.

"She is fine now. Nagkaroon lang siya ng ilang sugat at mga pasa sa katawan. We're just a little worried dahil sa tuluy-tuloy na pag-iyak niya kanina. I know it is normal for a mother to feel such pain but I must say, hindi makakabuti sa kanya ngayon ang ma-stress ng sobra. She needs to have enough rest."

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ng doctor. What did she say?

"W-What do you mean, Doc?" Parang kinakabahan ako sa sasabihin sa amin ng doctor.

"I'm talking about the baby. We're really sorry if we did not able to save the child. We already lost the child bago pa madala rito sa amin ang pasiyente."

Para akong naging yelo sa kinauupuan ko. We're all shocked.

"You mean Doc, she's pregnant?!" Gulat na tanong ni Nichole.

Napatakip ng bibig si Manang habang si Nichole ay nagtatanong na tingin ang binigay sa akin. Nanatili lang tahimik si Ninong pero makikita rin sa mga mata niya ang pagkagulat.

We're all looking now at the doctor... waiting for her answer.

Nagtatakang tiningnan niya rin kami.

"Yes. Hindi niya ba nasabi sa inyo ang tungkol dito?"

Nanlamig ang buong katawan ko. I slowly closed my fists.

Tumayo ako sa upuan at lumabas sa opisina ng doctor.

Now I understand. We lost our baby! Goddamn it! I know that's my child. I know that child was mine. Mine. I was wrapped by different emotions. Hindi ko na alam kung ano na nga ba ang nararamdaman ko.

F*ck. F*ck. F*ck!

I'm walking fast through the hallway when someone forcefully grabbed my collar and pinned me against the wall.

Ninong Anton.

"Tell me, Paul. Are you the father of her child?"

I didn't answer him.

"Sagutin mo ako!"

I'd never seen him this mad. I'd never even thought that he could be mad. He's a saint actually.

I just stared at him. Silence is enough to answer his question. I heard him sighed.

"Ano ba'ng nangyayari sa inyong mga kabataan ngayon..."

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kwelyo ng damit ko.

"Kahit kayong mga matatanda rin, Ninong. Hindi rin namin kayo maintindihan."

Tiningnan niya ako. Sinalubong ko ang mga tingin niya.

"I know the real relationship between you and Sherlyn. Natigilan siya at bakas na bakas ang pagkagulat sa mukha niya. But this is not the right time to talk about it. She needs me now..."

"No. Hayaan mo muna siyang magpahinga. You've heard her doctor, iyon ang kailangan niya ngayon."

Nakipagsukatan pa ako ng tingin sa kanya but I guess he's right. Napaupo na lang ako sa upuang malapit sa kinatatayuan naming pareho. He just tapped my shoulder.

+++

Kinabukasan, hindi pa rin muna ako pumasok sa kwarto niya. Hinayaan ko muna siya makapagpahinga. Si Manang Pilar ang nag-aasikaso sa kanya. I asked her na huwag munang ipaalam kay Sherlyn na alam na namin ang totoo.

Galing ako sa opisina pero wala rin doon ang buong isip ko. So I decided na bumalik na lang ulit sa ospital.

Nakita ko si Manang Pilar na kakalabas lang ng kwarto ni Sherlyn.

"How is she?"

"Buong maghapon siyang nakatulog pero ayaw niya pa ring kumain, hijo."

I sighed.

"Mabuti pa siguro kung magkakausap na kayong dalawa... inabot niya ang kamay ko ...sinabi na sa akin ni Nichole ang nangyayari sa inyo. Hindi ako makikialam pero sana gawin mo kung ano ang sa tingin mong tama."

Malungkot lang akong ngumiti kay Manang at niyakap ko siya.

"Oh sya, pupunta muna ako sa baba para makapagkape." Tumango lang ako.

Tumigil ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya. Ano nga ba ang sasabihin ko? Ano nga ba ang dapat kong gawin? Ano ba ang una kong gagawin?

Damn this life! Why all of these things are happening to me... to us!

Isang malalim na paghinga ang binitawan ko bago ko hinawakan ang door knob at dahan-dahang ipinihit ito.

Nakita ko siyang patagilid na nakahiga. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya namalayang pumasok ako. Her shoulders are shaking. Nanghina ako.

She's crying. At di ko siya masisisi.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama. Bigla siyang napalingon at kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang makita niya ako pero nawala rin iyon kaagad. Iniwas niya na uli ang tingin niya sa akin.

"Please ayaw ko munang makipag-usap ngayon."

Hinaplos ko ang buhok niya. I really don't know how will I comfort her kung ako rin mismo ay nawalan. Inalis niya ang kamay ko kaya napakunot ang noo ko.

"Sabi ko gusto ko muna mag-isa." She said in a cold tone.

"Why you didn't tell me?"

Gulat siyang napatingin sa akin. Tumango lang ako.

"Yeah. We knew already. I... I honestly d-don't know what to do ... or w-what to say ... Oh God. Our baby... my child..." I'm out of words. Nasapo ko na lang ang noo ko.

I looked at her. I can clearly see the pain in her eyes. And it kills me! Fuck. What must I do? Gulat pa rin siyang nakatingin sa akin when I saw tears fell from her eyes. She started to cry again. Para akong dinudurog sa mga iyak niya. I hugged her. Pinipilit niya akong itulak but I hugged her tighter.

Most people view men as strong. We look like superman at times because women think na hindi kami marunong masaktan. But not with the person we love the most. They are our kryptonite.

I can be the strongest person in anything but not with her. Pagdating sa kanya, naduduwag ako. Nakakahiyang aminin na mahina rin ako pero hindi ko kakayaning mawala siya at mas lalong makitang nasasaktan siya. It pains me a lot to see her crying now and I can't even do anything. I feel useless!



Sherlyn's POV

I was shocked when he said they knew already.

"Yeah. We knew already. I... I honestly d-don't know what to do ... or w-what to say...

You don't know what to say? And what to do? You're the reason why all of these happened!

Oh God. Our baby... my child..."

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon. Tumindig ang mga balahibo ko... Our baby... my child...

Tuluyan ko ng hindi napigilan ang pag-iyak. I can't believe I heard those words. Dapat ba akong matuwa dahil kinilala niya ang baby namin... na inangkin niya rin? Pero mas nangunguna ang galit sa puso ko ngayon na hindi ko man lang kayang matuwa sa mga narinig ko.

He hugged me pero pilit ko siyang tinutulak. Mas lalo ko siyang tinutulak palayo, mas lalo niya ring hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin hanggang sa unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkawala ng lakas ko kaya umiyak na lang ako nang umiyak.

"You killed my baby..."



Paul's POV

Hindi na siya lumaban habang hinihigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya. Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak sa balikat ko. I guess that's what she needs. Hanggang paunti-unti na siyang tumigil.

"You killed my baby..."

Halos nanlalaki ang mata ko sa narinig kong sinabi niya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at bahagya ko siyang inilayo para makaharap ko.

"W-What are you saying?"

Inalis niya ang tingin sa akin. Tahimik lang siya pero kita ko ang tuluy-tuloy na pagtulo ng mga luha niya.

"Tell me! What do you mean by that?! Why did you say I killed my child?"

Tumaas na ang boses ko pero nanatili lang siyang tahimik.

"Sherlyn!"

"I saw you and Nichole that night!"

At muli na naman siyang umiyak. I was stunned.

She was there that night? Tiningnan ko lang siya at hinintay ang susunod na sasabihin niya. There's a moment of silence bago siya uli nagsalita.

"The same day... nang malaman kong b-buntis ako. I-I really don't know what to do that time kaya bumalik ako sa bahay. I was about to tell you... to tell you... pero nakita ko kayo sa office room mo. She was sitting on your lap... and was about to kiss you. So I ran off..."

"B-But..."

I know there's a mistake here.

"It's all because of you! You put me in this kind of situation. You let me fall in love with you pero hindi mo naman ako sinalo..."

She is crying while saying all those words and I can feel myself trembling lalo na nang masalubong ko ang tingin niya. A stare with full of anger. Ilang laway na ang nalunok ko.

"B-Baby..."

"Don't say that word! Wala na ang baby ko!"

F*ck! For the first time in my life, ngayon lang umurong ang dila ko ng ganito.

"Ang sakit-sakit, Paul. All this time pumayag ako sa ganitong situation kahit hindi ko maintindihan lahat... kahit hiyang-hiya ako sa sarili ko... kahit alam kong nagmumukha akong kabit sa inyo. Kasi nga mahal na mahal kita! Pero dahil sa mahal kita, ako itong dakilang tanga na naniwala sa lahat ng sinabi mo..."

"P-Please listen to me..."

"Ang mas masakit? Wala pang isang araw nang malaman kong may baby sa tiyan ko. Siya na lang ang mayroon ako... siya na lang..."

Mas lalo siyang umiyak. Akma ko siyang lalapitan pero umiwas siya.

"Ngayon alam ko na... mas pinili mo siya...

Nakatitig lang ako sa kanya. Gulat at parang estatwang nakatingin lang sa kanya.

...at dahil pinili mo siya, kaya nawala sa akin ang baby ko!"

"S-Sherlyn..."

"Umalis ka na." She said coldly.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko. Napayuko na lang ako at dahan-dahan kong tinungo ang pinto.


At bago ko pa tuluyang nabuksan ito, naramdaman ko na ring tumutulo ang luha sa mata ko.


----

A/N:

For survey purposes only...

HIGH BLOOD NA PO BA ANG LAHAT? Hahahaha.


But isn't it also a good time to check realities? :) Considering her situation, traumatic and painful past, confusing identity... can we judge her so badly on how she feels and decides? 


In reality, can you gather enough strength to be rational and critical in situations where you feel you are in your heightened pain and emotions? :))))

Continue Reading

You'll Also Like

109K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
64.5K 1.5K 31
I am Angelique Rain Tuazon, A teacher by profession... They said, I am a selfless angel from heaven because I always help the unfortunates... I am al...
971K 11.8K 45
Adult content included. I warned you. "She's curious while he's furious. She's a beginner while he's a trainer." Experience all kinds of fun in this...