Breaking the Bad Boy (Publish...

By blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... More

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 41: Soccer game

538K 16.9K 6.6K
By blue_maiden





It's been one week. So far, maganda naman 'yong mga nangyayari. Lahat ng bagay umaayon sa plano ko.

"Leading ka pa din sa online voting Trix kasunod mo si Anya pagkatapos si Ash naman second lang  kay Skie pero konti lang naman lamang niya,." Sambit ni Ailee, ang acting manager naming dalawa ni Ash. "Anong oras soccer game niyo, Ash?"

"Later by five. You two will come, right?"

"Yes, Trix needs to be there. Right?" Tinignan ako niya Ailee at ngumiti pa siya sakin. "Gagawa pa kaming banner for you, Ash."

Napangiti naman si Ash. Ang inosente ng mukha niya. "You don't need to that. Okay na sakin na nandon kayo lalo na si Trix." Nagkatinginan kami ni Ailee at 'yong tingin niya halatang nang-aasar. "You'll watch the game right?" Tanong niya sakin.

I smiled. "Yes, I will."

By that, umalis si Ashton na ang laki ng ngiti sa mukha. I don't want to assume but I think he likes me. Too bad, I'm not ready to love again, not when there's hate in my heart. He's kind akd sweet and he deserves better than me. All I'm thinking right now is my revenge.

"Humahabol na sayo si Anya sa votes," bulong ni Ailee ng makita namin si Anya na parang nangangampanya lang. Alam ko kasi pageant 'to eh at hindi election. "Ang sipag ba naman mangampanya, eh." Pareho kaming natawa. Nakakatawa naman kasi talaga si Anya. She's so pathetic.

"Si Skie pa din ba 'yong leading sa botohan?" Tanong ko.

"Oo pero kayang kaya naman habulin ni Ash 'yon. Wag ka mag-alala."

Hindi naman talaga ako nag-aalala. May tiwala naman ako kay Ashton, eh. Gusto ko lang palagi akong informed sa mga nangyayari. That's how you'll win this game. Kailangan, alam mo lahat ng nangyayari sa paligid mo.

Naghiwalay na kami Ailee. Pumunta ako sa next class ko kung saan classmate ko si Caleb. Hindi siya pumasok pero tingin ko naman dahil 'yon sa game mamaya. Semi finals na kaya for sure, pinaghahandaan talaga nila 'tong game na 'to. Well, gusto ko pa silang pumasok sa finals kaya hindi ko pa ilalabas ang alas ko. Gusto ko kapag nandon na sila pinakahuli tska sila malalaglag. For sure mas masakit 'yon para sakanila. Hindi ko na mahintay makita 'yong mga mukha nila.

Easy Trix, take it slowly but surely.

I'm done with my three classes. Fifteen minutes na lang bago magsimula 'yong soccer game pero gutom na gutom na ako kaya pumunta muna ako sa pantry. Medyo konti lang 'yong tao dahil for sure nasa field na 'yong karamihan ngayon. Akala ko nga tahimik akong makakakain pero may mga tsimosa sa likod ko at ang lakas pa ng boses.

"Totoo ba talaga? Bakit naman?" Sigaw ni girl number one. Ang tinis ng boses niya. "Siya pa naman inaabangan ko mamaya." Napabuntong hininga siya. Mukhang disappointed siya masyado.

"Nagulat nga din kami nung sinabi nung coach nila na nag quit na si Caleb sa team."

Nabulunan ako sa narinig ko. Buti na lang nakabukas na 'yong tubig ko kaya nakainom ako agad ng tubig.

Why did he he quit? Is he out of his mind?

"Siya 'yong MVP last year 'di ba? Gustong gusto niya mag soccer kaya bakit siya mag qu-quit?"

"Baka dahil kay Briana?" Tanong ni girl three. "Baka pinagbawalan na niya?"

"Duh, hindi naman seryoso si Caleb 'don. Kay Angel lang naman siya nagseryoso, eh. Isa pa, famewhore si Briana kaya gusto niya varsity player ang boyfriend niya." Sagot ni girl one. Tama siya sa mga sinabi niya except sa part na seryoso sakin si Caleb. "Nalulungkot talaga ako."

Tahimik akong umalis sa pwesto ko. Pumunta agad ako sa field at dumiretso ako sa side ng team nila Ashton. Reserved na sa aming dalawa ni Ailee 'yong upuan sa pinakaharap.

"Thank you Trix for coming." Bati sakin ni Ashton. "I hope we can win this game. I don't want to disappoint you."

"You can do it, Ash." I said trying to cheer him up but deep inside I want Skie's team to win. I'm sorry Ash. "Ailee!" Sigaw ko. Nang makita ako ni Ailee, tumakbo siya papunta sakin.

"Ash, totoo ba? Nag quit na kanina lang si Caleb sa team nila?" Tanong ni Ailee.

"Yeah," tumigin siya sakin. Tinitignan ata niya kung anong magiging reaksyon ko. "Sinabi lang kanina ni Coach samin. Although may kapalit si Caleb sa team nila, malaking kawalan pa din siya kaya malakas talaga 'yong chance na manalo kami ngayon."

Bigla akong kinabahan. Matatalo nga kaya sila Skie? Hindi pwede. Masyado pang maaga para matalo sila.

"Go Skie!" Biglang sigaw ni Anya. Nasa kabilang side na sila pero ang lakas pa din ng boses niya. May banner pa talaga siya. How cheap. "Go baby!"

She looks so desperate but I wonder what would the other guy feel about that? Your girl, supporting another guy. Worst part is, that guy is your best friend.

Na excite na tuloy akong ibuking si Anya at ang kabit niya pero masyado pang maaga. Pang grand finale na 'yon. Sa ngayon, pa onti-onti lang muna 'yong gagawin kong paghihiganti sakanila. "The game will start now, cheer me okay?" Sambit ni Ash.

Sabay kami ni Ailee na nag cheer sakanya. Ang cool tignan ni Ashton habang papunta sa gitna. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang lakas ng cheer para sakanya. Hindi na nga ata kami kailangan ni Ailee.

Naglakad na din sa gitna sila Skie pero wala talaga si Caleb. I can't deny the fact that I'm a bit affected about Caleb. Alam ko kung gaano niya kagusto ang soccer at ang mag MVP ulit ngayong season. Last chance na nila maglaro ngayon kaya alam ko na importante 'to para sakanya. Suddenly, gusto kong malaman kung bakit siya umalis.

Nag start na 'yong game. Lamang na lamang sila Ashton. Ramdam na ramdam 'yong pagkawala ni Caleb sa team. The struggle is real for Skie's team. Ganon nga siguro kagaling si Caleb na pakiramdam ko siya 'yong inaasahan nilang lahat kahit na si Skie ang captain.

Full support naman ako kay Ash pero deep inside gusto ko pa din manalo sila Skie. Gusto ko silang makaabot sa championship dahil mas masakit bumagsak kapag nasa pinakataas ka na.

"Go Skie baby! Kaya mo 'yan!" Sigaw ni Anya. Mukha na naman siyang tanga. "Kaya pa yan!"

Humabol 'yong team nila Skie. Lahat ng 'yon dahil sa effort niya. Pagod na pagod na siya pero binibigay pa din niya 'yong best niya. Nakakaawa nga siya pero hindi ko magawang maawa sakanya. Lalo na kapag naiisip ko 'yong ginawa nila sakin.

Tuwang tuwa si Anya nang manalo sila Skie. Nagbunga naman 'yong effort niya pero pakiramdam ko sooner or later bibigay na 'yong katawan ni Skie. Poor him, wala man lang nagawa si Luke at Enzo kanina sa game. Medyo ilang pa din kasi sila sa isa't-isa. Well, mas okay din dahil mas umayon lang ang lahat sa plano ko.

Pagbalik samin ni Ashton, halatang malungkot siya. Alam kong gusto niyang manalo at ayaw din niya na mapahiya sa amin ni Ailee. "Nakakahiya, natalo kami." Sambit niya pa.

"You did your best, Ash. For me, your still the winner," tinap ko 'tong balikat niya para naman hinfi na siya malungkot. "Cheer up, okay?"

"Mabuti pa," singit ni Ailee. "Mag coffee tayo ulit sa Tagaytay. Tingin niyo?"

"Yeah, good idea. What do you think, Trix?"

I smiled. "That's fine with me. I'll just go to my locker." Iniwan ko muna sila pagkatapos nagmadali akong pumunta sa locker ko para ilagay muna don 'yong mga books ko.

May kakaiba akong naramdaman habang nakatayo ako sa tapat ng locker ko. Lumingon ako at nakita ko si Caleb na nakasandal sa pader sa hindi malayo. Nakatingin lang siya sakin, diretso sa mata ko. Is he really looking at me?

Ngumiti siya sakin pero bago pa siya makatalikod, may mga luha na pumatak sa mata niya. May kung anong kumirot sa puso ko ng makita ko 'yon.

No, Trix. You shouldn't be affected.

Matagal ko nang kinalimutan ang feelings ko para kay Caleb. Wala na 'yon at hindi na 'yon babalik pa. Sinaktan pa din niya ako.

Pumunta na akong parking lot. Wala na 'yong Porsche ni Ash, Range Rover na 'yong nandon. Malamang pinadala niya 'yon sa driver niya.

Si Ash ulit 'yong nag drive. Sa tabi niya ako umupo pagkatapos nasa likod namin si Ailee. Nagulat na lang ako ng biglang Paramore music 'yong tumugtog sa player ni Ash. Kahit anong gawin ko, si Skie at si Skie pa din ang naaalala ko sa lahat ng kanta ng Paramore. Hindi na 'yon maaalis sakin kahit na anong mangyari.

Sumandal ako at napatingin ako sa bintana. Bigla kong na-miss 'yong dating Skie. 'Yong Skie na minahal ko. I wish he could come back..

Natawa na lang ako sa isip ko. Kahit anong mangyari, hindi na siya babalik dahil kahit bumalik pa 'yong ala-ala niya, ibang iba na din siya ngayon.

Tumambay ulit kami sa coffee shop na pinuntahan namin dito dati. In the middle of our conversation, naisip ko si Anya at 'yong lalaking nag traydor kay Skie.

Sa totoo lang, wala naman talaga akong ebidensya eh. Panakot ko lang 'yon kay Anya. Sa sobrang gulat ko nang araw na 'yon, hindi ko na nakuhanan ng picture 'yong pagtataksil nila. Well, with the right amount, makukuha ko 'yong cctv footage ng hotel na 'to ng araw na 'yon. Good thing, powerful si Ashton kaya pwedeng pwede niya gawin 'yon.

"I have something to say, well.. last week that we're here I found out something.." Nagkatinginan sila pareho. Hinihintay nila 'yong susunod kong sasabihin. "Anya is cheating. He's making out with Skie's best friend. I saw it with my own eyes." I looked at them, Ash was surprised but not Ailee. Did she know all of this? "Ailee, do you know this?"

Huminga siya ng malalim. "Yeah, I know. I'm really sorry, I didn't say anything. I promised Mon and Dad that I will not tell that to anyone."

"Kailan pa nila niloloko si Skie?" Tanong ko.

"'Yong babae na sinasabi ko sayo na umahas sakin, si Anya 'yon. So technically, six months na nilang niloloko si Skie. Hindi ko lang masabi lahat ng 'to dahil may pinang-black mail agad sakin si Anya. Sinabi niya 'yon kala Mom at Dad at nakiusap siya sakanila na pigilan ako na sabihin kahit kanino 'yon. Ginamit niya pa 'yong sakit niya sa puso kahit na hindi naman 'yon ganon kalala. She's really insane."

Hindi ko masisi si Ailee. May point naman siya. Kasalanan lang talaga lahat ng 'to ni Anya. Ang galing niya talaga magpanggap kahit kailan. Mas lalo ko siyang kinanakamuhian. She's a fvcking b*tch.

"Trix, we can use that against her." Suggest ni Ash. Yeah, I already planned about it. "Did you take a picture or a video of them being together?"

"I'm so surprised I wasn't able to do that but with your help, maybe we could have the hotel's cctv footage last week."

I know confidential 'yong nga ganong bagay pero makapangyarihan naman 'yong Daddy ni Ashton kaya kaya niyang kunin 'yon. Isa pa, hindi naman namin gagamitin sa masama 'yong footage na 'yon. We just want to have an evidence. Mahirap humarap sa gera ng wala kang bala.

"I'll talk to my Dad about it."

"Thank you Ash."

Nine o'clock nasa Manila na ulit kami. Hinatid muna namin si Ailee tska ako hinatid ni Ash sa amin. Gusto ko pa ulit magkape kaya nagpababa na lang ako sa Starbucks sa labas ng gate ng village namin. Pinauna ko na si Ash dahil halatang pagod na siya. Galing pa siya ng soccer game kanina. Sinabi ko na lang na magpapasundo na lang ako kay Dad later.

Umorder ako ng tatlong frappe tska tatlong ensaymada para kay Mom and Dad. Habang naghihintay ako sa order ko, may narinig akong boses na pamilyar na pamilyar sakin. Sinilip ko kuny sino 'yon at nakita ko si Anya. Hindi niya ako nakita dahil nakatalikod siya sakin.

"Three grande Java chip frappuccino and three ensaymadas for AB." Sigaw ng barista. Buti na lang ibang pangalan 'yong palagi kong sinasabi sa SB sa tuwing o-order ako. Lumapit ako sa counter at tahimik ko lang na kinuha 'yong order ko.

Sinilip ko ulit si Anya at tutok na tutok talaga siya sa Laptop niya. Humanap ako ng tamang pwesto para makita kung sino 'yong kausap niya. Nang makita ko na ng malinaw kung sino 'yon, nabagsak ko 'yong hawak hawak kong paper bag.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Is this even real?

"Kiro.. why?"

---

Continue Reading

You'll Also Like

8.7M 310K 58
"Hindi ako pa-fall at patutunayan ko 'yan sa'yo!" - Misty Kirsten Lee Book 2 of Warning: Bawal Ma-fall *2016 Talk of the Town Awardee*
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
4.6M 158K 48
Paano kapag pinagbigyan ni tadhana na mapalapit ka sa tao na sobra mong iniidolo?