The one

By xxakanexx

671K 10.4K 515

Caleb Jireh had been waiting for someone to come back. He had spent the last seven years of his life, waiting... More

The one
Prologue
1. Faulty beginning
2. Tonight
3. My Shining Star
4. Never ever
5. Uncertainties
6. All that they needed to know
7. Friends?
8. Something kilig
10. Memory loss
11. How could you?
12. I'm yours
13. Plus one, minus one
14. When there was me and you
15. Ikaw lang

9. Almost

26.9K 499 27
By xxakanexx

Aiko was looking at herself in the mirror. The last weeks she had spent with Caleb was nothing but a blast. Pakiramdam niya ay wala na siyang dapat katakutan sa mga susunod pang araw. Caleb had stayed truthful to his promise; totoong niligawan siyang muli nito, last night, they went on a date and she felt nothing but kilig. Hindi nga niya maintindihan, siguro ay totoo ang kasabihin na love is sweeter the second time around.

Mahal niya si Caleb at hindi naman na niya itatanggi iyon. Masarap ang pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo at sa ngayon iyon ang nararamdaman niya.

Maraming nagbago sa mga araw na nakaraan. Palagi siya nitong sinusundo sa school, minsan ay sinabi niya dito na huwag na lang siyang sunduin dahil pinagkakaguluhan ito palagi ng mga estudyante sa University pero hindi ito nakinig sa kanya, she remembered what he told her.

"Aiko, girlfriend kita, nami-miss kita palagi,at iyong moment na sinusundo kita, iyon iyong pinaka-highlight ng araw ko."

Wala na siyang sinagot doon. Hinayaan na lang niya ito. Alam niya ang tigas ng ulo ni Caleb, alam niya na kahit na anong sabihin niya ay hindi ito makikinig sa kanya.

She smiled at herself habang nakatayo siya sa harap ng salamin, sinuklay niya ang buhok niya at saka muling ngumiti. Hindi maipagkakaila na masaya siya. Lumabas siya ng bathroom. It was a Saturday morning, wala siyang pasok pero kahit ganoon ay napakarami naman niyang gagawin. Sisimulan niya ang araw niya ngayon sa pagbabasa ng mga pinasang assignments sa kanya ng kanyang mga estudyante sa major.

Lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa sala kung nasaan ang lahat ng trabaho niya. Umupo siya sa carpted floor at nagsimula nang magbasa. She was in the middle of reading the essay about DNA when her phone rang. Wala sa loob na kinuha niya iyon at sinagot ni hindi niya tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" She greeted the other line.

"Babe, kinig ka sa radio." Agad siyang napangiti nang mabosesan niya si Caleb. Automatically, binaba niya ang hawak niyang papel. Limot muna ang trabaho, landi time muna. Hinanap niya ang remote ng radio at saka binuksan iyon.

"Anong station?" She asked him.

"102. 7" He simply answered. Hinanap niya ang station na iyon and when she found it, ibinaba niya ang remote at saka nakinig.

"Here is The Pastels newest single from the album Finally,"

Moments later, pumailanlang sa ere ang boses ni Caleb.

----------------

"Our story started with once upon a time,

But sadly it ended with goodbye.

I was left hanging with a dying heart.

But baby, I tried to survive.

One day became a decade,

My heart was becoming jaded

One fateful night, destiny came in

It brought you back to me.

Babe, hold my hand, I'll never let you go

Let's write our songs with love and joy,

Hear the melody of my heart,

It starts with A-I-K and it end with O

----------------------------

Tinakpan niya ang mouth piece ng phone at saka impit na nagsisigaw siya sa kilig. Abot tainga ang ngiti niya.

"Eherm." Sabi niya bago siya muling nagsalita sa phone. "Kailangan spell ang pangalan ko sa song?" ngingiti-ngiting sabi niya. She heard Caleb laughed.

"Ganyan kita kamahal, Shining star." Sabi nito sa kanya. He called her shining star – that warmed her heart. Minsan ay iniisip niya kung anong kabutihan ang nagawa niya at iniregalo si Caleb sa kanya. Naupos siya sa sofa at saka nagbuntong hininga.

"What are you thinking, babe?" He asked her again. Pinaglaruan niya ang dulo ng kanyang buhok at saka sumagot.

"Sana nandito ka..." She sighed. Iyon talaga ang iniisip niya. Hearing that song makes her want to see her Caleb.

"Talaga?" Sabi nito sa kabilang linya na para bang excited na excited. "Babe, your wish is my command!" He said. Hindi naglipat minute ay may narinig siyang pagkatok. Nagtatakang tumayo siya, Caleb was still on the other line. Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Caleb na naroon. He was smiling at her.

"Hey, beautiful." Sabi nito sa kanya. She giggled like a five year old school girl. Inilagay niya sa bulsa niya ang phone niya at saka walang pasabing ipinalupot ang kamay sa leeg ni Caleb.

"Alam mo ba that you just made my day?" She asked him.

"Talaga?" Nag-puppy dog eyes pa ito sa kanya. Pinindot niya ang ilong nito. Ang gwapo-gwapo talaga ng Caleb niya.

"Oo, at dahil diyan, may premyo ka." Kinindatan niya ito. Caleb put his arms around her waist. Parang alam na nito ang premyong ibibigay niya dito. He closed his eyes. Natawa naman siya, she tiptoed to give her Caleb a light kiss, her lips touched his, when she was about to pull away, Caleb cupped her face and he dominated her lips.

She savored the moment. This was actually the first time he kissed her after they got back together. Caleb didn't change at all, his lips tasted the same, it was sweet and warm and tasty...

Caleb pulled away, he was still hugging her, bigla na lang itong tumawa. Nakadama siya ng inis, hinampas niya ito sa balikat.

"Bakit ka tumatawa?" Naiinis na tanong niya.

"I don't know. It's actually silly pero, babe, I feel like it's our first kiss again." What he said made her blush. Ewan ba niya, araw-araw, kumokota siya ng kilig kay Caleb.

"Hmp." Iyon lang ang tangi niyang nasabi. Bahagya siyang lumayo kay Caleb at hinatak ito papasok sa loob ng bahay niya.

"Anong ginagawa mo?" He asked when he saw the papers on her coffee table.

"Checking assignments." Bumalik na siya sa kinauupuan niya, as much as she wants to make landi with her boyfriend, hindi naman pwede dahil sandamukal ang trabaho niya. "Baka mainip ka, uwi ka na kaya?"

"Ouch." Biglang sabi nito habang titig na titig sa kanya. "Gaano katagal ba tayong di magkasama?" He asked her.

"Seven years..." Sabi niya. Sa tuwing naaalala niya iyon ay nalulungkot pa rin siya. Pero wala naman nang use to be sad over that fact. Ang mahalaga ngayon ay magkasama na sila and they are actually making up for the lost years. She looked at him, alam niyang may gusto itong sabihin sa kanya.

"Caleb, bakit?" She asked.

"Kahit kasi magkasama tayo na ganito, nami-miss pa rin kita." Seryosong wika nito. She smiled and then she gave out a long sigh. Tumayo siya at naupo sa sofa kung nasaan si Caleb. Humilig siya sa balikat nito. Ginagap nito ang palad niya at saka ngumiti.

"Promise me you won't leave again." Caleb said to her as he kisses her temple. Niyakap na lang niya ito. Sa estado kasi nila ngayon, alam niyang sumapit na naman siya doon sa moment kung saan hindi na naman niya kayang mabuhay nang wala si Caleb sa tabi niya.

"Promise." She answered. Caleb didn't say anything but he pulled her closer and held her tighter. In her head she was thinking: Wala nang iwanan.

------------------------------------------------------

"Nasaan ka na?"

Caleb was talking to Aiko on the phone. Masaya siya dahil sabi nito, pupunta ito sa gig nila. He was really ecstatic to hear that come from her, ang tagal-tagal na niyang pinapangarap na manood si Aiko sa kanya.

"Hoy!" Tinapik siya ni Kerky sa likod. Napatingin siya dito. "Ang lawak ng ngiti mo ah! Darating si Miss Japan noh?!" He teased him. Hindi siya sumagot. Inilagay niya sa bag niya ang telepono at saka kinuha ang gitara na nakalagay sa tabi ng kakambal niya.

"Bok, ganoon pala iyon no? Iyong feeling na alam mong manonood siya, parang pakiramdam ko first time ulit nating kakanta sa harap ng maraming tao."

Tahimik ang lahat habang nakikinig sa kanya. Lex and Kerky smiled habang si Calen naman ay binatukan siya nang malakas.

"Who are you and what have you done to my twin?" He asked him. Napailing na lang siya.

"Tsk, kayo naman, masaya lang ako. Sa tagal kong naghintay, sa tagal kong nalungkot, nakalimutan ko na kung ano iyong feeling ng genuine happiness. Now that she's here, I guess I'll always be happy."

Muling tinapik ni Calen ang balikat niya. His brother gave him his elusive smile, he was actually glad to know that he could smile like that again, kahit paminsa-minsan lang iyon.

"Happy for you, bok." He said. Napatango siya.

"Magiging happy ka din." Makahulugang sabi niya sa kanyang kapatid. He sighed. Maya-maya ay may kumatok na sa dressing room nila. Sumilip roon ang road manager nila at sinabing sila na daw ang next set. They did all their traditional pre-play mantras at pagkatapos noon ay lumabas na sila sa stage.

People were already calling for their names.

I love you Lex!

Kerky you're so hottt!

Calen look at me!

"Groupies..." Bulong niya. Sa dami ng tao sa venue nila ay isang mukha lang ang gusto niyang makita and when he saw her – she was standing by near the post, she was still wearing her teacher uniform, may hawak pa itong mga libro habang ngingiti-ngiti sa kanya – bigla siyang kinabahan. He wanted to give his shining star the best performance of his life. Para it okay Aiko kaya dapat bigay todo.

She waved at him. He smiled. Noong ngumiti siya ay nagtilian ang mga babae but he didn't care not at all, hindi naman para sa kanila ang ngiting iyon.

He looked back at his bandmates, kinindatan niya ang mga ito.

"Before we start playing, I just wanna say something." He sighed. "This is for the woman whom I've been missing so much. Babe, hindi ko man masabi na nasa iyo na ang lahat, kayang-kaya ko namang patunayan na minamahal kita ng tapat. Ikaw lang...."

"Tss. Baduy lang ha..." Narinig niyang sabi ni Lex sa likod. He gave him the death glare. Lex started hitting the drums, kinalabit naman niya ang gitara and a moment later, they were playing a harmonious music.

They did the cover of Aiko's favorite song Sunday Morning.

"That may be all I need
In darkness, she is all I see
Come and rest your bones with me
Driving slow on Sunday morning
And I never want to leave..."

After five more songs, nagpaalam na sila sa audience. Mabilis siyang pumunta sa back stage para makababa. Pupuntahan niya si Aiko pero bago pa siya makalabas ng back stage ay hinarang na siya nang mga fans and no matter how much he tried getting off them, hindi naman siya makaalis. Sa huli pinagbigyan na lang niya ang mga ito. After an hour, natapos ang meet and greet, natapos ang authograph signing, malaya na siyang nakalabas ng back stage pero nanlumo siya nang wala na doon si Aiko.

Nakadama siya nang lungkot. Nagpalinga-linga pa siya pero hindi niya ito nakita. Kinabahan siya, baka galit ito sa kanya dahil nakita nitong maraming babaeng lumapit sa kanya kanina. Napailing siya, selosa pa naman si Aiko. He was about to leave nang mahagip ng mga mata niya ang isang pamilyar na pigura ng isang babaeng nakaupo sa isa sa mga monoblock chairs na nakaharap sa stage. She was eyeing him silently, may ngiti sa labi nito.

"Sinong hinahanap mo?" She asked him. Nakahinga siya nang maluwag. He was being silly.

"Akala ko iniwan mo na naman ako." Naupo siya sa tabi nito.

"Huh? Bakit?" He smiled again.

"Akala ko kasi nagselos ka sa mga babaeng lumapit sa akin kanina." Sabi niya dito. Aiko laughed.

"Hindi ah, proud nga ako kasi ang hot-hot ng boyfriend ko sa stage." Sabi nito na para bang kinkilig. Tumaas ang kilay niya.

"Hot? Ako?" He asked.

"Hindi, iyong boyfriend ko. Iyong Bassist. Iyong  gray iyong eyes." Tatawa-tawa ito. Na-freeze ang ngiti niya.

"Hindi nakakatawa iyong joke mo." Sabi niya dito. Mas lalo pang natawa si Aiko sa kanya. "Kakambal ko iyon, wag mo akong paselosin." Inis na sabi niya. Aiko touched his face tapos ay kinurot siya nito.

"Ikaw naman, joke lang." Sabi nito.

"Kahit na."

"Kapatid mo iyon, uy!" Sabi nito. Umiling siya.

"Alam ko, pero kasi Aiko, lahat ng lalaki basta pagdating sa'yo, kompitensya ang tingin ko – maski si Calen."

He looked at her. Aiko's face was red, hindi niya alam kung bakit, then after a while hinagkan nito ang kanyang pisngi.

"Cute mo, selos ka naman." Sabi nito. Umingos ito sa kanyang tabi, that made him laugh.

"Seryoso, naiisip ko pa lang na may iba kang gusto, nagseselos na ako."

-----------------------------

Caleb went home after he took Aiko home. Dama niya ang pagod pero masaya siya. After the maal show, he took Aiko to dinner, ang best part doon, kasama nila ang buong barkada even Lex and Kerky's wives were there and Keith and Hanna seemed to like Aiko so much.

Wala na yatang papantay pa sa kasiyahan niya ngayon. Halos lahat sa buhay niya ay nasa rightful places at wala na siyang mahihiling pa.

He parked his car in front of his house at saka siya bumaba para buksan ang gate ng bahay niya nang mapansin niya ang isa pang kotse na naka-park doon. Kunot noong tinanaw niya ang loob noon. Sinong magpa-park sa tapat ng bahay niya at bakit nandoon pa iyon?

After a while he saw the car door opened and mula roon ay umibis ang isang babae. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil madilim. May narinig siyang mga boses, he was about to ignore their voices kasi hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito, pero biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Caleb!"

He stopped dead. Kilala niya ang boses na iyon. Napalingon siya, as if on cue may dumating na motor bike, nailawan ang paligid dahil sa head lights na galing doon and he saw the owner of the face who called his name.

"Jin Hye!" He exclaimed. Tumakbo ito sa kanya at saka siya niyakap.

"Gosh, I missed you so much!" Madamdaming wika nito. Hindi niya alam ang gagawin niya. What the hell was happening? Why was Jin Hye here? She was supposed to be in Korea.

"I'm sorry I was away." Sabi nito sa kanya.

"What are you talking about?" Lumayo siya dito. "What are you doing here?"

"Caleb." She said my name like it was the most important word for her. "I'm your wife. We should be together."

Dahan-dahang napaawang ang kanyang mga labi.

What did she just say?

Continue Reading

You'll Also Like

755K 15.5K 14
When Aguinaldo Emilio came to Bling's life she thought that her problems were solved. She thinks that Aguinaldo is her sister's "destiny." Pero paano...
3.4M 69.3K 29
Marcela Guanzon had one thing in mind; she wanted to complete her to do list. But that thing changed when a conceited Brain Surgeon named Nathaniel V...
98K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...