Sheen's POV
Natapos na't lahat ang mga subjects pero wala parin sa katinuan ang mokong.
Oh ayan lunch break na. Mauuna na ko sa canteen, mukhang wala naman balak tumayo si Luke sa kinauupuan nya e. Wala din naman si Gab kaya malamang ako nalang munang mag isa ang kakaen.
Nandito na ko sa isang table malapit sa counter. Inilabas ko na ang aking baunan na may laman na pancit. Nang akmang susubo na ako, biglang may nagsalita sa harapan ko.
"Miss, pwede bang makishare ng table?" ang sabi ng lalake na nakangiti at nag hihintay ng sagot ko.
"Ah, sure! Sige." ang sagot ko at ska ako sumubo na ng pagkaen.
"Gusto mo?" ang pag aalok nya ng pagkaen na dala nya.
Napalunod ako dahil ang sarap ng pagkaen nya.
Hindi na nya ako hinintay sumagot at ska nya sinalinan ang baunan ko ng pagkaen nya.
"Salamat ha." ang nakangiti kong sabi sa kanya at ska ko kinaen ang binigay nya sa akin. Grabe ang sarap!
"Miss, hinay-hinay lang baka mabilaukan ka. Eto juice oh."
"Ang baet mo naman, thank you ha. Ang sarap kasi kaya di ko na napigilan." Sabi ko sa lalaki habang punong-puno ng pagkaen ang bibig ko.
"Oo nga pala, I'm Paul, bago lang ako dito." At inilahad nya ang kamay nya.
"I'm Sheena, but you can call me Sheen." at nag shake hands kami.
"Ahm, okay! Anong year mo na?" ang tanong ni Paul sakin habang pinapanuod ako sa paglamon.
"First year palang ako. Dun lang ang room ko sa kabilang building 3rd floor Class A. Ikaw anong year mo na?"
"Ahmm. 1st year din ako Class B, full na daw kasi ang Class A kaya napunta ako sa B. Sayang mag classmate sana tayo."
"Oo nga e, may dalawang dumagdag samin kanina." ang sabi ko habang patuloy parin ako sa pagkaen.
"Sheen, sabihin mo lang kung gusto mo pa at bibigyan kita, wag kang mahiya." Aniya habang inaabot ang pagkaen nya sakin.
"Hindi na Paul, sobra na nga to e." Nako kung hindi lang talaga ako nahihiya e.
Inubos ko na agad ang pagkaen ko dahil naalala ko may subject nga pala ako ng 1pm.
"Sige Paul, I have to go. May klase pa ko e. Nice meeting you and thanks sa food."
"Welcome pretty Sheen."
Windang naman ako sa sinabi nya na pretty ako pero hindi ako nagpahalata. At nag wave na ako sa kanya. Nagmadali na akong lumabas ng canteen at ska dumiretso sa kabilang building. Nang makarating ako sa room ay nakita ko na wala si Luke sa upuan nya. Baka kumakaen pa yon ng lunch. Naupo na ako sa upuan ko at naisipan ko munang mag nap habang wala pang prof. Wala parin naman kasi yung mga classmates ko, 5 palang kami dito at lahat pa sila nakatingin sakin. Ano kayang mga problema nila. Well, I don't care kung ano man ang iniisip nila about sakin. Basta inaantok ako. Ipinikit ko na ang mga mata ko. Makakatulog na sana ako ng nagtilian na naman ang mga babae. Hayst! Nakakainis naman! Lage nalang ba silang titili sa tuwing makikita nila ang bwisit na yun.
"Ang gwapo nya, balita ko galing yan ng Canada. Dito sya ipinanganak at nung baby palang sya dun na sila tumira at ngayon nalang sya ulit bumalik dito." Ang sabi ng isang babaeng nakikipagtsismisan. Kahit nakapikit ako at hindi ko nakikita mga pinag gagagawa ng mga taong nasa paligid ko, naririnig ko naman sila.
Sino naman kaya yung tinutukoy nila. Akala ko pa naman si Luke ang tinitilian nila.Lalong lumakas yung tilian. Nakakainis! Pag mulat ko ng mga mata ko, si Paul papalapit sakin. Oo nga pala gwapo si Paul pero hindi na talaga ako naa-attract sa mga lalake e. Kung friends okay lang pero pag may love na, no way!
"Pretty Sheen, halika labas muna tayo, wala ang mga prof ngayon." Sabay hila kamay ko kaya napatayo ako.
"Wait" sabi ko kaya napahinto sya.
"Yung bag ko." Sabi ko at ska kinuha yung bag ko. Sabay hila nya ulit sa kamay ko. At lumakad na kami palabas ng room.
Parang mga nagiging istatwa ang mga taong nadadaanan namin. Bigla kasi silang titingin samin at ska biglang hindi na gagalaw.
"Pano mo nalaman na wala yung mga prof?"
"Nasa meeting silang lahat. Kaka-announce lang kani-kanina." Sagot nya habang dirediretso lang sa paglalakad. Nauuna syang malakad at nasalikutan nya lang ako pero magkahawak kami ng kamay.
"Di ko narinig e." sabay kamot ko sa ulo.
"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa baba lang, sa garden ng school, di pa kasi ako nakakapunta don. Fresh air daw dun e." ang nakangiting sabi nya.
"Okay! Pero di ko din kasi alam kung san yon e."
Luke's POV
Nakita ko si Loren at natulala ako. Nagulat talaga ako ng makita ko sya. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko. Parang nawala ako sa sarili ko at nang biglang pumasok sa isip ko si Sheen biglang para akong natauhan. Nakita ko wala na si Sheen sa upuan nya. Ang iba naman nag aayos ng gamit nila at bababa na sila sa canteen para mag lunch. Si Loren nakaupo sa kalapit na upuan ko sa kanan ko at si Sam naman sa likuran ko. Shit! Ano ba tong nangyayare sakin.
"Luke, let's go sweetie mag lunch na tayo." Sabi ni Sam na nakatayo sa bandang kaliwa ng kinauupuan ko. Si Loren napansin kong biglang napatingin saming dalawa pero hindi ako nagpahalata na napansin ko yun. Hindi ko sya tinitingnan ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"No, ikaw nalang, marami pa akong aasikasuhin," Sagot ko kay Sam at lumabas na ako ng room.
Walangyang babaeng yan. Hindi man lang ako niyaya na mag lunch. Nasan kaya yon?
Dumiretso ako ng canteen at nakita ko si Sheen nakaupo sa table na malapit sa counter. Palapit na ko ng makita ko ang isang lalaki na lumapit sa table nya. Sa tingin ko makikishare ng table yung lalaki.
Nakakabadtrip! At pumayag naman sya magshare ng table. Imbes na kaming dalawa dapat magkasabay mag lunch. Lalapit na sana ako ng biglang may umakbay sakin.
"San kana naman ba pupunta ha? Dun ang table natin." Sabi ni Greg na nakaakbay sakin at hinila ako papunta kila Jom.
Kahit nandon ako sa table namin nila Greg, tinatanaw ko parin sila Sheen at ang lalaking epal na yun. Sino ba yung epal nay un. Bagong mukha ah!
"Bro, sinong tinitingnan mo?" tanong ni Jigger na tinatanaw kung sino ba ang tinitingnan ko.
"Wala!"
Lalo pa akong nainis ng magshake hands pa sila. Anak ng teteng! Dito pa talaga sila naglalandian ha.
"Pare nandito na ulit si Loren, anong plano mo? Eto na yung matagal mong hinihintay."
Bigla naagaw ang atensyon ko sa nagsalitang si Jom.
"Ewan ko. Bahala na." Pinanunuod ko pa rin sila mula dito sa mesa at gusto ko na silang puntahan.
"Parang nagbago kana, hindi ka naman ganyan dati ah! Kapag mabanggit lang ang pangalan na Loren ni hindi kana magkanda ugaga. Ngayon parang ang cool mo lang. Wala naba talagang natitira d'yan" sabay turo ni mackoy sa dibdib ko. "na pagmamahal." Dugtong pa nya.
"Matagal nang panahon yun, tapos na yun."
Bigla silang natahimik agad. Halatang gulat sila sa sinabi ko.
"Tara na kumaen, gutom na ko." Pagyaya ko sa kanila para maiwasan ang usapan tungkol kay Loren.
Muling bumaling ang atensyon ko kina Sheen. Mukhang enjoy na enjoy pa silang nagkukwentuhan. Yung lalake naman akala nya hindi ko nahahalatang nagpapacute sya kay Sheen! Nanggigigil tuloy ako.
Maya-maya nakita ko si Sheen na tumayo na at sa tingin ko nagpapaalam na sa lalake at meron kaming subject ng 1pm, pero walang klase ngayon hapon dahil magpapa-meeting sila Mommy.
"Welcome pretty Sheen."
Ang sabi ng mokong na unggoy kay Sheen. Pretty Sheen daw! Feel naman ng babaeng yun. Nakakairita!
Tinititigan ko yung lalake ng masama kaso hindi man lang tumingin dito sa pwesto ko. Kapag sinita nya ko kung bakit masama akong tumingin, bubugbugin ko sya.
Balak pa nyang dumiskarte kay Sheen! Aaminin ko hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa buong buhay ko. Kumukulo ang dugo ko sa lalakeng yun. Nagkamali sya ng binangga, baka gusto nyang kicked out agad sya dito sa school ko.
"Sino na naman ba yang tinitingnan mo? At tinitingnan mo pa talaga ng masama." Tanong ni Jigger habang hinahanap kung sino ang tinitingnan ko.
"Sino ba yang lalake na yan na nakaupo sa table malapit sa counter?" Tanong ko sa kanila habang tinuturo ko yung lalake.
"Ah si Paul Mendoza." Sagot ni Mackoy.
"And?"
"And sila yung nag mamay-ari ng isang exclusive school sa Canada." Dugtong pa nya
"And?" ang sabi ko ulit.
"And ano?" ang nagtataka nyang tanong.
"And anong ginagawa nya dito. May sarili pala syang school e bakit hindi nalang sya don bumalik." Ang galit na sagot ko.
"Malamang nag aaral." pagsingit ni Greg
"Basta wag lang nya akong babanggain sa teritoryo ko." Ang sabi ko sa kanila habang nakatingin parin sa asshole na yun.
"Chillax! Ano ba ginawa nya sayo at ang init ng mata mo sa kanya." Ang nagtatakang tanong ni Jom.
"Wala, alis na ko." Sabay tayo ko sa kinauupuan ko. Hindi na ko lumingon pa at hahanapin ko na si Sheen. Itatanong ko kung bakit hindi nya man lang ako hinintay kanina. Basta nya lang akong iniwan sa classroom.