Hidden Hearts

By RingRoundRosie

17.2K 2K 2.2K

Dalawang bata, pinagbuklod ng isang school mystery. Dalawang magkaibigan, pinaghiwalay ng matinding away. Dal... More

Front Page [Series Description]
SEASON 1: SILENT HEARTS/Trisha Sends a Letter
[1] Perfect Patron
[2] Fourth Year - Unity
[3] School Service
[4] Special Project (Tim)
[5] Special Project (Trisha)
[6] Kulog
[7] Kidlat
[8] Numbers
[9] Letter (1 of 2)
[10] Letter (2 of 2)
Season 1 CODA: The Thaddean Herald (News Clippings)
SEASON 2: WAKING HEARTS/Tim in No Man's Land
[1] Ghost Story (1 of 2)
[1] Ghost Story (2 of 2)
[2] Primary Suspects
[3] Case 1: The Yellowmen [Clues]
[4] Case 1: The Yellowmen [Solution]
[4] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Briefing I]
[5] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Briefing II]
[6] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Clues]
[7] Case 2: Boyfriends & Betrayal [Solution]
[8] Trisha in Saint Bartholomew [1 of 2]
[8] Trisha in Saint Bartholomew [2 of 2]
[9] Case 3: Monster Story [Case Briefing]
[9] Case 3: Monster Story (Kier)
[10] Case 3: Monster Story [Conclusion]
Season 2 Coda: Clues You May Have Missed
SEASON 3: BURNING HEARTS/The Blackmail King
Chapter 1: Case 4: Fallen Stars [Case Briefing]
Chapter 2: Case 4: Fallen Stars [Clues]
Chapter 3: Case 4: Fallen Stars [Conclusion]
Chapter 4: Revelator [Tim]
Chapter 4: Revelator [Trisha]
Chapter 5: Case 5: Key To The Kingdom [Briefing]
Chapter 6: Case 5: Key to the Kingdom [Clues]
Chapter 6: Case 5: Key to the Kingdom [Clues II]
Chapter 7: Case 5: Key to the Kingdom (Conclusion)
Chapter 8: Silly-Talk (1 of 3)
Chapter 9: Silly-Talk (2 of 3)
Chapter 10: Silly-Talk (3 of 3)
Chapter 11: Demonio de la Guardia
Chapter 12: Case 8: Valley of the Shadow [1]
Chapter 13: Case 8: Valley of the Shadow [2]
Chapter 14: Case 8: Valley of the Shadow [3]
Chapter 15: Case 8: Valley of the Shadow [4]

Chapter 16: Case 8: Valley of the Shadow [5]

150 10 7
By RingRoundRosie

LAST TIME:

May gumagamit sa urban legend ng Reverie Valley Raider para tambangan ang mga kabataang vendor ng Kain-Cart Livelihood Program.

Nadiskubre nina Tim Crespo na ang mga inatakeng Kain-Carter ay puro ex-members ng Upos Komandos Gang – kung saan neophyte si Louella Ortega, ate ng client nilang si Elaine...

__________________________

THE EBARLE STREET Incident.

Ito ang isa sa hindi malilimutang engkuwentrong nasaksihan nina Trisha Navarro at Tim Crespo sa huling taon nila bilang schoolyard detectives.


Pero walang record ng pangyayaring nito na maipapapasa sa susunod na henerasyon ng schoolyard detectives ng St. Jude of Galilee Academy. Sa katunayan, buburahin nina Trisha at Tim ang Reverie Valley Raider case sa kasaysayan nila. 

As if it had never been.


The reason why would come later. But for now, the truth of what happened that night on 25 Ebarle Street can be told.

And it began - as most of these cases have – with children of young bodies and old souls, preparing to charge into the heart of evil.

***

Fourth Year Classroom / Tuesday, 4:00 PM

MATAPOS ANG KLASE, pagkaalis ng Tuesday cleaners ng Fourth Year classroom, nagkita-kita sina Tim, Trisha, Alexa, at Jomar para ikuwento ang update sa Reverie Valley Raider case.


"Yes!" sabi ni Alexa Sanchez, nakaupo sa isang armchair sa front row: akmang posisyon sa papel niya bilang rookie kina Trisha at Tim. "Pwede na ba kaming sumabak? I mean, this is an actual case now, right?"


Pero sinira ni Tim ang excitement ng sophomore. Nakasandal siya sa mabigat na teacher's desk ng classroom, nakapamulsa ang kamay niya na 'di naka arm sling.

"Dito namin kayo kailangan, sa school. Bantayan niyo yung campus sa Blackmail King. Kami na'ng bahala sa Raider."


"Bakit?" tanong ni Jomar Benevidez. True to his trademark string of misfortunes, he had tried imitating Tim's leaning-back stance, only to accidentally lean on the chalk dust-filled edge of their blackboard. "'Di ba sabi mo, kulang kami sa experience?" tanong niya, pinapagpag ang likod ng pantalon niya.


"So ito ang gusto ninyong unang case?" lingon ni Tim kay Jomar. "That's like starting your driving lessons by winning the Grand Prix."

Kinontra ni Alexa si Tim. "Paano kami matututo kung ikaw lagi yung nagda-drive?" tanong nito.


Sumimangot si Tim. You airhead, he thought. You think you can replace Trisha? You think you can replace me?


"Hindi ko pa rin nalilimutan yung nangyari sa Homeowners' Association meeting," sagot ni Tim, pero nag-shrug si Alexa.

"Wala akong idea na HOA Board Member sina Miss Nieves at Ate Claire. Sorry, Kuya," sagot ng babae. "Pero 'di ibig-sabihing mali na lahat ng punto ko. Kailangan niyo kaming turuan."


"Pwede kaming mag-research sa Raider," alok ni Jomar. "Yung nabasa ko sa kanya? Marami pa 'kong nakita noon..."


Hanggang sa puntong ito, tahimik na pinapanood ni Trisha ang tatlo niyang kasama, nakaupo sa upuan ng teacher's desk at nag-iisip. She decided to speak up.


"Fine. Take Alexa: you're on research duty," sabi nito. "Go online, find old articles, newsletters, rumors: get me everything you can on the Raider's old attacks."


Napakamot muli ng ulo si Jomar. "Dinugo yung ilong ko, Trisha," nahihiya nitong ngiti.

Trisha smiled. She'd been so used to working with Tim (who thanks to his upbringing and exposure to Trisha, was more nosebleed-resistant than most) that giving orders in English wasn't a problem between them.


New staff, new rules, isip niya. Tinignan ni Trisha si Tim, at may pumasok sa isip ng babae.

Is that it? Is that why he's been such a downer lately?


Tinignan ni Trisha ang dalawang rookies, at isinantabi muna ng babae ang concern nito para kay Tim.

 "Um, okay: hanapin ninyo yung mga dating atake ng Raider. Halungkatin niyo lahat ng puwedeng halungkatin: online, sa library, sa mga kakilala ninyo dito sa village." 


Tumango ang dalawang rookies. Sinubukang umapila ni Alexa ng isang huling beses.

"Ate, Kuya...sooner or later kakaharap din kami ng ganito, 'di ba? Bakit hindi pa ngayon?"


"Alexa, nakakailang atake na yung Raider," sagot ni Tim. "Di pa namin alam talaga kung gaano kalalim 'to. Dito muna kayo."


Habang sinusubukang kumbinsihin ni Alexa si Trisha, tinitigan ni Tim ang sophomore, iniisip ang pinsan nito: si Miss Claire Sanchez, Security Manager ng Reverie Valley.


Nang kausapin sina Tim at Trisha ni Claire kahapon, binigyan ni Trisha ang Security Manager ng cover story: nasa Valley sila para mag-research sa public governance bilang parte ng isang SC project.

This was backed up by Tim's girlfriend Margie, who was a) SC President, and b) miffed at Tim for keeping his cases to himself. Margie saw this as her chance to be part of what she considered her boyfriend's "after-school job."


Claire had let Trisha and Tim off the hook...but her younger cousin apparently had no similar intentions.


"Fine," concede ni Alexa, bago ituro sina Tim at Trisha. "Pero sa next naming case, mai-impress to the bones talaga kayo sa amin. Promise!"

Nanatiling nakaturo ang daliri ni Alexa ng ilang segundo, at tinitigan siya ng tatlong Fourth Year.


"Grabe. Ambaliw mo," mutter ni Jomar, at nagsimula muling mag-away ang dalawang rookies.

"Sinong baliw, ha?" ani Alexa, sabay bangon sa armchair. "Ako ba kausap mo?"

"Sino pa bang baliw dito, ha?"

"E'di ikaw! Tignan mo nga yung grades mo! Pang-mental-"


Habang nag-away muli sina Jomar at Alexa, nagbuntong-hininga si Trisha.

"Fine. The babies stay here," sabi ng babae, naka-headdesk. "Pero hindi mo 'to puwedeng takasan habang-buhay, Tim. Kailangan nila tayo. At kakailanganin natin sila."


At kung narinig lang ni Trisha ang nasa isip ni Tim, malamang naagapan nito ang lahat ng nakaambang mangyari – sa batang Elaine, kay Louella...at sa sarili niya.


Nakasandal pa rin sa teacher's desk, tinignan ni Tim ang dalawang rookies, at bumulong ang demonyo sa isip niya.

I don't need them. And I'll do everything I can to make sure it stays that way.

***

25 Ebarle Street / Wednesday, 6:30 PM

STAKEOUT.

This was what Tim's blunder at the Reverie Valley Clubhouse had forced he and Trisha into: hiding in the tall grass in front of 25 Ebarle Street, waiting in the darkness and hoping to catch a lead before someone beat them to it.


"Alam mo na yung plano, 'di ba?" bulong ni Trisha kay Tim. Parehas silang naka-squat sa ilalim ng isang higanteng puno ng narra: nakatago sa talahiban sa dulo ng Ebarle Street.


Sa isang bungalow katapat ng talahiban, dalawang mesa ang pinagdugtong sa gitna ng kalsada para gawing patungan ng beer at pulutan.

Tama ang tip na binigay ni Louella Ortega sa kanila. Bagaman masungit pa rin ang Upos Komandos Gang member kina Trisha at Tim, tinuro sila nito sa tamang direksyon.


"Oo, alam ko yung plano," pasaring na sagot ni Tim, tinitignan ang mga nag-iinuman. Nakaupo sa dulo ng isang mesa si Emet Magtagad, boyfriend ni Louella. Umiinom siya mula sa isang bote ng alak, kasama ang lima pang lalaki.


Ito ang plano nina Trisha at Tim: dahil mag-isang nagpunta dito si Emet, at lahat na kainuman niya'y nakatira sa bungalow, susundan nila ang Kain-Carter hanggang makalayo ito sa Ebarle Street...

...kung saan kokomprontahin siya nina Tim at Trisha (bitbit ang tirador niya) para sa konting Q&A tungkol sa Kain-Cart Program, sa Upos Komandos Gang, at sa Raider.


Ni-recite ito ni Tim, at tumango si Trisha.

"Basta tandaan mo," bulong ng babae, "hindi tayo puwedeng magkamali dito. Whatever your problem is with Alexa and Jomar? Now is not the time."


Hindi man lang lumingon si Tim. Tumaas ang kilay ng babae, at bumalik sila sa pagmamasid.


Ilang minutong nagkuwentuhan sina Emet gamit ang mga malalakas na boses at nangingibabaw na tawanan. Pero sa mga pinag-usapan nila, walang napulot sina Trisha at Tim sa Upos Komandos Gang, sa Kain-Cart o sa Raider.


Humikab si Trisha, at tatanungin na sana niya si Tim kung anong oras na nang may ginawa si Emet na kumuha sa atensyon nila.

Hinampas ng Kain-Carter ang mesa, at kinaway palapit ang dalawang kamay niya, para bang sinasabing: all right, bring it here.


"Sahuran na tayo! Asan na yung sa inyo?" sigaw ni Emet.

Naglabas si Emet ng isang maliit na pulang sobre, at kumuha ang katapat nito ng isang parehas na sobre, sabay abot kay Emet.


"Bantayan mo 'yan, ha?" sabi ng kasamahan ni Emet, habang pinapanood nina Trisha at Tim. "Tapat yung bilang namin 'diyan, boy. Walang labis, walang kulang."


Tumango si Emet at nilapag ang dalawang sobre. Nagpatuloy ang inuman, pero imbes na makisali ito, tinuon ng Kain-Carter ang atensyon sa dalawang sobre.


Nagtinginan sina Tim at Trisha, bago lumapit para makita ang ginagawa ni Emet sa sobre.

At nang makita ni Tim ang makapal na rolyo ng papel mula sa sobre, nagulat siya.


A-ano yan? Pera?

What the hell? Bakit andami?


And that was when the shadow burst from the tall grass beside them, grabbing the back of Emet's head and slamming it face-first into the table.

***

The Raider / Ebarle Street, 7:13 PM

IT HAPPENED so fast.

Dumulas si Emet sa mesa't bumagsak sa semento. Nagliparan ang perang papel mula sa kamay nito.


Agad tumigil ang mga natitirang binatilyo. Tinuro ng isa sa kanila ang dulo ng mesa, nanginginig sa takot.

"Ano yan?!"


Tumayo ang anino mula sa nakahandusay na katawan ni Emet. Lumapit ito sa apat na natitirang kabataan. At mula sa damuhan, nakuha nina Trisha at Tim ang unang sulyap nila sa Reverie Valley Raider.


Nakasuot ito ng itim na tactical jacket, combat gloves fatigues at combat boots: pumasok sa isip ni Tim ang sinusuot ng mga SWAT officer tuwing may, well, raid.

Dagdag pa rito ang isang hood kung saan walang mukha ang makita, kundi dalawang bilog...bago ma-realize ni Trisha na nakasuot ito ng gas mask, at ang dalawang 'mata' ay ang lenses nito, kumikinang sa liwanag ng buwan.


Sa gitna ng takot ni Trisha, may pumasok sa isip niya:

Huh. Whoever said 'dead soldier'... they weren't far off.


Pinulot ng Raider ang pangalawang sobre at binulsa ito.

Lumingon ito sa mga nasindak na teenager, at sa unang beses, narinig ni Trisha ang boses ng Raider: malalim at malakas, gamit ang isang bagay na, hours later, ay mare-recognize niya bilang isang voice modulator:


"Yung isa pang sobre. Akin na 'yan."


Isang lalaki ang galit na lumapit sa kanya.

"Hoy! Teka, pera namin 'yan-"


Pero lumapit ang bandido't sinakmal ang lalaki. Bumuwelo ang isang kamao, at tumilapon ang binatilyo sa suntok na pinakawalan ng Raider.

Gumulong ito sa semento't hindi na bumangon. Two down. Three left.


"Rap-Rap!" sigaw ng isa sa tatlong natitirang lalaki, bago galit na ituro ang Raider.

"Tang-ina mo! Patay ka sa'min!"


Hindi natinag ang Raider. Hindi ito umatras, hindi ito sumagot. Imbes, tinaas lang nito ang dalawa nitong kamao at nag-intay.


At na-realize ni Trisha ang mangyayari, bago pa ito magkatotoo.

This man in black, whoever he is...he's about to demolish them.

And, oh God - under that mask, he'll be smiling all the way.

***

MULA SA TALAHIBAN, walang magawa si Tim kundi tumingin.

Sumugod ang mga Kain-Carters sa Raider, at sa matinding takot ni Tim, agad niyang napansin kung bakit hindi man lang natakot ang bandido. 


Walang-hirap na sinalag at iniwasan ng Raider ang mga suntok at sipa sa kanya, bago gumanti ng sarili nitong opensa.

Niyukuan niya ang isang suntok, at tiniklop pabaliktad ang sikong nagtangka nito. Narinig ni Tim ang makunat na tunog ng buto, at ang pagtili ng lalaking may-ari nito.


The gangster who'd broken Tim's arm months ago took half a minute to do it. The one in front of him now did the same in seconds.

Nagpatuloy ang pagtili ang lalaki, bago ito putulin ng isang uppercut mula sa Raider. Lumagapak ito sa aspalto. Three down. Two left.


Nakita ng isang teenager ang ginawa sa braso ng kasama niya. Tinangka nitong tinadyakan ang Raider...pero lumuhod ito, sinalo ang paa ng kalaban bago ito baliin sa bukong-bukong.

Crack.


Before the boy could scream for his now-pointed-backward foot, the Raider yanked him close by the ankle before connecting with an elbow strike, knocking him unconscious.

Four down. One left.


Sinunggaban ng Raider ang huling binatilyo, at tumingin si Tim kay Trisha.

We need to move. Now.

***

TUMAKBO sila mula sa talahiban, at habang lumapit si Tim sa Raider, lumuhod si Trisha sa tabi ni Emet.

Huli na kami.


They wouldn't be getting any answers from him now: he was out cold. Imbes, tinignan ni Trisha ang paligid, at nakita ang sobreng hinahawakan ni Emet kanina.


Isa itong ang pow: ang pulang sobreng binibigay ng mga ninang at ninong tuwing pasko.

Bakit...bakit may ang pow si-


Sa likuran ni Trisha, hindi na matiis ni Tim ang kalupitang nagaganap sa harap niya. Bago pa siya mapigilan ni Trisha, tumakbo si Tim papunta sa direksyon ng Raider.


"Hoy!" sigaw ni Tim. "Ano sa palagay mong ginagawa mo?"

Hinatak niya pabalik ang nakabuwelong kanang braso ng Raider. Natakot ang ex-point guard nang maramdaman niya kung gaano katigas at kalakas ito: mala-marmol ang pakiramdam sa nanlalamig niyang palad.


Jesus, someone's been working out. Add that to-


Sinikmurahan siya ng Raider gamit ng kaliwang siko. Bumitaw si Tim, humarap sa kanya ang Raider, at bago maka-react ay ibinaling ng bandido kay Timothy Crespo ang suntok na sinubukan nitong pigilan.

Bam!


A barrage of small fireworks went off in Tim's face, and from experience he knew what had happened: the cluster of blood vessels around his left eye had just ruptured.

Oh. Hello, black eye, old friend. Will you be staying with us for a few days?


Tumumba siya sa lansangan at napatingala sa tulisan, nakatayo sa liwanag ng buwan.


Inantay ni Tim ang pagsunggab ng Raider. Sa huling sandali, inisip ni Tim si Trisha...at pinagdasal na isipin nitong tumakas bago siya isunod ng bandidong nag-umpisa ng madugong gabi na ito sa Ebarle Street.


Pero matapos ang ilang sandali, tumalikod lamang ang Raider, at binalikan ang teenager na nabigong iligtas ni Tim.


Tim sat there, stunned and bleeding, as the carnage began anew. 

***

BINULSA NI TRISHA ang ang pow at tumayo, kasabay ng pagtumba ng huling taga-Ebarle.


Inupuan ng Raider ang huling Kain-Carter, at kinuwelyuhan ito. Isang kamao ang bumuwelo, basa na sa dugong dumanak mula sa mga kabataang sinaktan nito kanina.


Walang magawa ang huling Kain-Carter kundi magmakaawa.

"Ser, tama na po, wala kaming ginagawa-"


"Teritoryo ko 'to."

"Wag po, please-"


The Raider's fist hammered down on the teenager's helpless face. Tumalbog ang bungo ng Kain-Carter sa semento, at sa wakas, wala nang natira sa mga biktima ng Raider.


Kahit sa gitna nito, nanaig pa rin ang instincts ni Trisha: tandaan lahat ng sinabi ng isang suspect, at gamitin para sa susunod. Kung may susunod man.

Teritoryo? Teritoryo para kanino?


The man in black stood up, looking at the butchery around him. He had taken every threat against him and turned them into victims.


And then, amidst the bodies, the broken bottles and the fluttering cash, the Reverie Valley Raider turned and stared at Trisha and Tim.


Paika-ikang lumapit kay Trisha si Tim. Narinig niya ang bulong ng lalaki.

"Trisha, kung may plano ka, ito na yung oras."

***

He trusted her.


That was what it came down to, Tim thought. Their friendship, their time together – as unstable as it was - had seen them through dozens of cases and dozens of masked men.


None as efficiently violent as the Raider, true. But the point, at least in Tim's fear-soaked mind, still stood.


Kaya nang tumingin si Trisha sa kanya, at tinapik ang kilay nito ng dalawang beses, nawala ang takot ni Tim, kaharap man nila ang brutal na enforcer ng Upos Komandos Gang.


This signal, the one Trisha had given, was one of many they'd used through the years. It was a message meant to open a tactic. And that message was:

Move in front of me. Stall him. I need time.


Tumango si Tim. Tumayo siya sa harap ni Trisha, para bang pinoprotektahan ang babae.

Pinituhan ng lalake ang Raider, sabay turo sa sarili niya.


"Alam mo, ang killjoy mo sa inuman," he taunted, trying to keep his voice from shaking. "Kaya ka siguro hindi inimbitahan dito," ngiti niya, sabay turo sa mga walang-malay na mga Kain-Carters. "Or is it the criminal brutality and the fist-fighting? Some people are really hard to pin down." 


Tinignan lang sila ng tulisan. 

"Wala kayong lugar dito."


"Sa amin mo nakuha 'tong lokasyon na 'to, ano?" sagot ni Tim. "Yung lokasyon ni Emet. Kaya mo alam na dito siya magpapakita."


Walang sagot na dumating, pero alam ni Tim ang totoo.

Whoever the Raider is, he's (or she's) one of the HOA Board. 

I'm willing to bet my remaining arm on that. Or whatever body parts SWAT Officer Dementor here leaves after he's done with us. 


"Sino ka? Si Sir Ellis? Si Ma'am Claire? Sir Milo? Miss Nieves?" banggit ni Tim, naghahanap ng reaksyon mula sa Raider. Wala siyang nahugot.


"Wala kayong pakialam kung sino ako."

The Raider was giving them nothing – no motive, no body language, no clue. Tim tried again.


"Hahanapin ka namin."

"Subukan ninyo. Hahanapin ko kayo."


"Ready," bulong ni Trisha sa likod ni Tim, at bagaman natakot si Tim sa banta ng Raider, alam niyang ilang segundo lang ay tapos na ang case na ito.

Tumabi ang ex-point guard. At nang makita ng tulisan ang tinatago ni Tim Crespo sa likuran nito, natigilan ito.


Tinignan ng Raider ang tirador sa kamay ni Trisha Navarro, naka-asinta sa kanya.

"Ito, hanapin mo," kindat ni Trisha, sabay bitaw sa goma ng tirador.

PAK!

***

SA WALONG TAON niya bilang schoolyard detective, pitong tao ang tinamaan ni Trisha ng pinagkakatiwalaan niyang tirador.

Lahat sila, napabagsak niya.


Ang Raider ang pang-walo.

Hindi man lang ito natinag.


Tumalbog ang bato – tumalbog – sa dibdib ng Raider. Nanlaki ang mata ni Trisha sa takot. Sa tabi niya, napanga-nga si Tim.


Tumingin ang tulisan sa kanila, at naaliw na tumagilid ang ulo nito: agila na nakamasid sa dalawang bubwit.

"Heh. Takbo."


At tumakbo sila.


Tumakbo sila mula sa Ebarle Street - palayo sa madilim at madugong lansangan, sa mga naiwang nakahandusay... at sa malalim at malakas na halakhak ng Raider: tawa ng tagumpay at kahibangan.


Hindi alam nina Trisha at Tim kung gaano kalayo't katagal silang tumakbo. Hindi tinignan ni Trisha kung hinahabol nga sila ng Raider, sa takot na makita itong pasugod sa kanila.


They ran and they ran, like rabbits from the wolf; like foxes from the hounds...like children from the monster, in a fairy tale they only thought was make-believe. 


Saka lang sila tumigil nang makarating na sila sa gate ng Salgado Residence. Nang makita nila ang matanda sa loob, agad silang sumigaw para pagbuksan nito.


"Manang..." hingal ni Tim, nakasandal ang noo sa bakal na rehas. "Manang, buksan mo yung gate!"


Sa likod niya, tahimik na hinawakan ni Trisha ang napulikat niyang tagiliran. Para siyang lalagnatin.


Totoo. Totoo lahat ng sabi nila.

There is someone stalking this subdivision. Someone mad. Someone angry. Someone dangerous.

And we have no idea how to stop him.

***

Salgado Residence

"OO, HIJO. Sandali lang!"


Pagod na naglakad sa gate si Manang Carmen. Hinimas ng matanda ang dibdib niya, hawak ang isang malamig na baso ng tsaa.

"Hija, Hijo. Kumusta ang pamamasyal?" hingal nito, pagbukas ng gate.


Ngumiti si Manang Carmen kina Trisha at Tim.

"O, ano? May nakita ba kayo?"

­__________________

NEXT: AN ENVELOPE FOR LOUELLA 

Note: Ayan! Haha.  Above: Reverie Valley Raider. Patawad. Hindi ko alam gumawa niyan sa Sims 4. :D 

Anyway, sino kaya sa HOA Board ang most likely na Raider? There's a trick in there, kung saan yung prime suspect niyo mula sa apat ay yung personality na most relatable sa inyo. 

Hence the Popular Guy, the  Silently Suffering Woman, the Unassuming Nerd and the Headstrong Lady. Plus si Louella, which I guess would be the Reckless Teenager. Yang limang personalities na 'yan ang most common na may dangerous identity transformation sa mga stories kasi.  Equally likely silang lahat. 

Haha. Yun lang. As usual, thanks for reading po! Kita-kits!




Continue Reading

You'll Also Like

25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
17.8M 320K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
6.9M 254K 30
The day Molly's attackers were set free was the day Mallary decided to take justice into her own hands. And Mallary knew that in order to do that, sh...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...