Listen To My Heart

By wistfulpromise

2.9M 40.9K 7.6K

(The Second Installment of G-Clef Song Trilogy) Ang hirap mamili lalo na kung puso mo na mismo ang nakataya... More

Paunang Salita
LTMH: Prologue
Chapter 1 ♥ She's Officially Back
Chapter 2 ♥ Meet The Band
Chapter 3 ♥ Partners In Crime
Chapter 4 ♥ I Love You
Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.
Chapter 6 ♥ Rico's Cousin
Chapter 7 ♥ Ellipses And Their Feather Tattoo's
Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)
Chapter 9 ♥ Secrets (Part two)
Chapter 10 ♥ Gun Fight
Chapter 11 ♥ Princeton Academy
Chapter 12 ♥ Oh Friends!
Sa Mata ng Balatkayong Bata
Chapter 13 ♥ Foreshadow
Chapter 14 ♥ Operation 101
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part one)
Chapter 15 ♥ School Clubs (Part two)
Chapter 16 ♥ Changes
Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza
Chapter 18 ♥ You are my Sunshine
Chapter 19 ♥ Maeda Mora High
Chapter 20 ♥ Trouble
Chapter 21 ♥ Problem Unsolved
Chapter 22 ♥ Good Morning Sunshine!
Chapter 23 ♥ A game of no turning back
Chapter 24 ♥ Complicated
Chapter 25 ♥ Normal Day at Princeton
Chapter 26 ♥ Lovers Quarrel?
Chapter 27 ♥ Black Savage's Famous Leader
Chapter 28 ♥ The Opposite Makeover
Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora
Chapter 30 ♥ Threat
Chapter 31 ♥ Love is in the air
Chapter 32 ♥ Acapella Song
Chapter 33 ♥ Consequences
Chapter 34 ♥ Pietr's Confession
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part one)
Chapter 35 ♥ It's Complicated (Part two)
Chapter 36 ♥ Who's the Traitor?
Chapter 37 ♥ Compromise
Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal
Chapter 39 ♥ Payback For Real
Chapter 40 ♥ Serene's Answer
Chapter 41 ♥ Unleashing Secret
Chapter 42 ♥ More Clues...
Chapter 43 ♥ The Queen (Part one)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part two)
Chapter 43 ♥ The Queen (Part three)
Chapter 44 ♥ Confused Heart
Chapter 45 ♥ Music and Feathers
Chapter 46 ♥ Doubts
Chapter 47 ♥ On the Hunt
Chapter 48 ♥ Where is your Loyalty?
Chapter 49 ♥ The Queen and the Devil
Chapter 50 ♥ Haunting Memories
Chapter 51 ♥ Finally Meeting Her
Chapter 52 ♥ In Denial
Chapter 53 ♥ I Understand
Chapter 54 ♥ Misunderstanding
Chapter 55 ♥ Start All Over
Chapter 56 ♥ Second Chance?
Chapter 57 ♥ Three o'clock
Chapter 58 ♥ The Traitor
Chapter 59 ♥ Confusion
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part one)
Chapter 60 ♥ Big Revelation (Part two)
Chapter 61 ♥ Damnatio Memoriae
Chapter 62 ♥ Forgiven
Chapter 63 ♥ Hidden Secrets
Chapter 64 ♥ The Controversy
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part one)
Chapter 65 ♥ Connecting Puzzles (Part two)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)
Chapter 66 ♥ Forbidden (Part two)
Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora II)
Chapter 68 ♥ The Allies (Maeda Mora III)
Chapter 69 ♥ The Blue Archer
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)
Dear You
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)
Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part three)
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III
Epilogue IV
Epilogue V
LTMH: The extended ending
Extended Ending: Part One
Extended Ending: Part Two
Extended Ending: Part Three
Extended Ending: Final
A Letter To The Reader ♥

Chapter 8 ♥ That Awkward Moment...

48K 542 47
By wistfulpromise

A/N: Dedicated kay cupcake!! Hayiieee cupcake!! Musta na?? Goodluck and more power lagi sa story mo!! GODBLESS CHUUU!! and Thank u berriii matss dun sa banner ahh! ILOVEIT!! <3 

And yes!! Try nyong basahin yung story nya titled "Yes! Young Master!" eextra kasi ang inyong 'yours truly' ang taray ng role ko dun! Cluma-Clarisse! but ILABIT! <3 OHYEAH!

WIGGILY HOOPLA DANCE ~(^O^)~ *OLE*OLE!* LOL

Thank u po sa lahat ng nagvovote at syempre sa lahat ng mga nagcocomment!! COMMENT LANG PO KAYO!! Ang sarap pong basahin mga comments nyo mas lalong nakakaganang magsulat PRAMIS!! Anyways...

I tried my best Listeners XD ENJOY!

♥♥♥

Chapter 8 

Kanin, check. Ulam, check. Dessert, check. Hmm... ano pa kaya ang kulang?

"Ito na ang pinapakuha mong basket iha" ani ate Des na may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Salamat po."

Nakangiti kong inaayos ang lahat ng mga pagkain na prinepara ko. Magdadala pa kaya ako ng ketchup? O tama na 'to? Hmm..

"Mukhang excited ka ah. Alam nya ba na pupunta ka roon?" 

Nilingon ko si ate Des. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha ko. Para na nga ata akong timang na kanina pa nangingiti ngiti. Buti na lang wala si Julian dito dahil may lakad sila nila Niel. Sila Nyree naman hindi ko alam kung nasaan. Siguro namamasyal at ineenjoy ang mga natitirang araw ng summer. 

"Hindi nga po eh," sagot ko. "Isosorpresa ko lang po sya sa pagpunta ko. Sa tingin nyo po ba magugustuhan nya 'to?"

"Kung ako ang tatanungin iha? Hindi lang magugustuhan. Mas lalo ka pa nyang mamahalin."

"Sus! Si ate Des! Ikaw talaga. Pero salamat po."

Sa ngiti nyang walang halong pagsisinungaling, tiwala ako na totoo ang sinasabi nya. Si ate Des ang tumayong ikalawang ina ko magmula ng dumating ako dito sa Pilipinas. Hindi lang isang katulong ang tingin ko sa kanya kundi isang pamilya --isang ina-- na parating nanjan para sa akin. Niyakap ko sya at muling nagpasalamat. Masaya talaga ako na naging parte ng buhay ko si ate Des. Wala man sila mama at papa parati sa tabi ko, kampante naman ako dahil nandito lang sya lagi sa likod ko. 

"Oo na sige na, sige na. Punta ka na sa labas at hinihintay ka na ni manong Raul mo." tulak nya sa akin palabas ng pintuan. Natatawa man sa pagtataboy nya sa akin ay sinunod ko pa rin. Malapit na rin kasi ang lunch time at ihahatid ko pa itong hinanda kong pagkain.

Kumaway pa ulit ako sa kanya bago tuluyang makalabas ng pinto.

"Sige po ate Des! Salamat ulit ah! Mauna na po ako." 

Inihatid ako ni Manong Raul sa lugar na pakay ko at bago pa man nya ako iniwan ay nagpasabi na akong hindi na magpapasundo. Alam ko rin kasing busy sya at may kailangan pang asikasuhin. Noong una ayaw nyang pumayag pero di naglaon ay napapayag ko rin. 

Humarap ako sa mataas na gusali na nasa harapan ko at napangiti. Hinawakan ko ng napahigpit ang basket na dala bago nagtuloy tuloy na pumasok sa loob. 

"Black Dragon Savage Society Company." basa ko sa malaking karatula na nakapaskil sa gusali. Humugot pa ako ng isang malalim na paghinga. "Here I come"

Ang Black Dragon Savage Society ang isa sa pinakasikat na kumpanya dito sa buong Pilipinas. Marami na silang naitayong negosyo pero pagbebenta ng pinakasikat, pinakamaganda at pinaka-latest na kotse sa buong bansa ang specialty nila. Lingid man sa kaalaman ng lahat, sila rin ang isa sa nagmamay-ari at namumuno sa isa sa pinakakinatatakutang gang na kilala sa pangalang Black Savage Gang sa buong mundo. Dalawa kasi ang nagmamay-ari nito, ang isa ay ang nandito sa Pinas at ang isa naman ay ang nasa Canada. Nagkaayos man kahit papaano ang Intricate Gang at ang Black Savage Gang na pinamumunuan ng pamilya ni Jace. Mukhang matagal tagal pa ata bago maayos ang nasirang gusot sa pagitan ng Ellipses Gang at ng Black Savage. Noon palang kasi ay sila na ang mortal na magkaaway. Ayos na si Jace sa mga magulang ko at sa Black Savage na pinamumunuan ng pamilya nila pero sa side ng Black Savage na pinamumunuan ni The Highest? I don't think so. 

Ayos man sa mga magulang ko ang Black Savage na pinamumunuan ni Jace, para sa mga myembro ng Ellipses Gang hanggang ngayon ay hindi pa rin. Para kasi sa kanila

"Once a Black Savage, will always be a Black Savage".

Sa totoo lang hanggang ngayon medjo tutol pa rin ang majority sa kanila tungkol sa relasyon na meron kami ni Jace ngunit madalas ay itinitikom na lang nila ang kanilang bibig at dumidistansya kapag nanjan ang kahit sino sa myembro ng Black Savage. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil ang away sa pagitan ng dalawang gang ay hindi basta basta. Hindi mo naman maayos ng ganun ganun lang ang isang bagay. It takes time at naiintindihan ko ang bagay na yun. Sana lang balang araw maintindihan at makita rin nila na iba si Jace kay The Highest. 

Kabado ako ng konti dahil iilang beses pa lang akong nakapasok dito. Noong una awkward since pakiramdam ko pumapasok ako sa kuta ng isang kalaban na halos isumpa ko na noon. Pero noong nalaman ko na halos majority ng empleyado rito ay walang alam sa part time gang ng kumpanya nila ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi naman siguro tama na magalit ako sa kanila gayong wala naman silang kinalaman doon. Plus, halos lahat sa kanila ay friendly lalo pa ng malaman nila na ako ang iniirog (naks, ang wordings) ng CEO at President (lang naman) ng kumpanya nila na nagngangalang Jace Alvarez. 

"Hi Ms. Serene. Good afteernoon po." 

Halos lahat ng madaan ko ay kung hindi ako binabati at nginingitian ay yumuyuko sa akin bilang paggalang. Sa totoo lang na aawkward-an ako. Hindi naman kasi nila kailangang gawin yun. Feeling ko lahat ng empleyado rito ay kilala ako. Hindi lang dahil ako si 'Serene Lopez' na sikat na myembro ng isang banda kundi dahil simula pa lang ng idala ako ni Jace rito ay nilinaw na sya sa lahat ang katayuan ko sa buhay nya. Na dapat daw nila akong irespeto, igalang at ibigay lahat ng kailangan ko kapag nakita nila ako dito sa loob ng building nila kahit pa daw wala sya.

Sa tuwing naaalala ko nga yung araw na yun napapailing na lang ako. May binugbog kasi si Jace at finired na isang empleyado (na sa tingin ko ay myembro ng Black Savage Gang na tutol pa rin sa akin since myembro ako ng Avana Clan na syang mortal nilang kaaway 'noon') na nambastos sa akin. Not really binastos pero sabihin na lang nating 'ayaw nyang makita ako roon at pumupunta', cold shoulders ang peg nya sa akin at lagi akong binabangga bangga sa tuwing nakikita ako sa hall ng building nila. Alam ko simpleng bagay lang yun pero alam nyo na, si Jace, para sa kanya big deal na yun. Balita ko nga napa-ospital pa yun eh. Hay buhay. 

"Ms. Serene dito po tayo." 

Pagpasok ko pa lang talagang super alalay na nila sa akin. Mula sa hallway hanggang sa elevator, sa pagliko at paglalakad sa bawat daan, kung hindi dalawa minsan tatlo ang kasama ko na naglalakad. Ayos din naman yun sa panig ko dahil ang totoo nyan sa laki nitong building kung wala talaga akong kasama eh talagang mawawala ako. Pero wait. Nasaan kaya ang washroom dito noh? Para kasing naiihi ako bigla. Ang layo kasi ng nilakad namin ayan tuloy umeepal si nature's call. 

"Dito na po ang office ni young master Ms. Serene."

Muli silang yumuko sa akin bago ako iniwang mag-isa. Pang-ilang beses ko na bang nakapunta dito? Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin namememorize ang mga pasikot sikot papunta sa opisina ni Jace. Nakakalahati ko na ang paglalakad sa loob ng biglang may sumalubong sa akin. Si Aiden, ang secretary ni Jace. 

"Serene," 

Si Aiden lang ata ang isa sa mga tao na tumatawag sa akin ng walang 'Miss, Master, o young lady' bukod sa mga kaibigan ko syempre. Hindi naman kami ganun ka-close pero hinayaan ko na lang sya na tawagin ako sa pangalan lang. Besides, feeling ko hindi nya rin ako ganun kagusto. Sya kasi yung taong masasabi mong may 'attitude' pero imbes na awayin ay pinakikisamahan ko na lang. 

"This is impossible. Simple instructions and you can't even follow? Fix this thing in an hour or else you'll never like what will I do to you."

 

Mula dito sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ang ingay na yun. Halata ang galit at inis nito sa bawat tinig. Tuloy tuloy pa rin ang ingay na aking naririnig na parang may pinapagalitan. 

 

"Saan ang washroom nyo dito? Pwedeng pagamit?" yan sana ang sasabihin ko sa kanya pero kapalmuks ko naman kung yun ang una kong sasambitin di ba. Busy sana kung superrr close kami. Kaya tinanong ko ang dapat "Si Jace?"  since yun naman ang isa sa pinaka-obvious na rason kung bakit ako nandito.

"Sa tingin ko hindi ito ang tamang oras para mamasyal ka at bisitahin sya. Kung nakikita mo kasi medjo busy kami."

Inilahad nya ang buong kamay sa paligid para ipakita ang bawat empleyado sa loob na hindi magkanda ugaga sa ginagawa nilang trabaho sa kani-kanilang mga mesa. Dito kasi sa opisina ni Jace halos isang floor sya. Marami ka pang madadaan na empleyado sa kani-kanilang mesa bago ka makatungtong sa main door kung saan ang pinaka-opisina ni Jace. Sabi sa inyo eh malaki talaga ang kumpanyang 'to. 

Tiningan ko ang orasan sa may wall clock di kalayuan sa akin. 

"Lunch time na ah busy pa rin ba kayo? Di ba break time nyo na sa ganitong mga oras?"

"Kanina pa tapos yun five minutes ago kaya kailangan na ulit naming bumalik sa trabaho."

So ang lunch time nila is 11:00 ganun ba yun? Ang aga naman.

"Ibibigay ko lang sana 'to sa kanya," ipinakita ko ang basket na dala ko. "Naglunch na ba si Jace?"

"Hindi pa." ang matipid nyang sagot.

"You need to state your reason. Hindi pwedeng ganyan na lang lagi ang pinapasa mo sa akin! We are doing business here and we are not playing!"

Ang galit na boses na namang iyon. Sunod na lang naming narinig na may ibinabatong bagay na kung ano, pero feeling ko isang folder ng mga papel na malakas na ibinagsag sa sahig. Sa lakas nga eh gulat na gulat ang lahat ng mga empleyado at hindi mapakali sa kinauupuan nila. Halatang takot sila sa galit na boses na naririnig at kung sila ang papipiliin mas gugustuhin pa nilang lumabas at magpahangin kaysa tuloy tuloy na marinig ang galit na galit na tinig. 

Isa-isang tao lang naman ang alam kong may ganung boses. 

May naririnig na naman kaming malakas na kalampag at galit na boses na nakatitiyak akong nanggagaling sa main office nila. Halos mapatalon sa gulat ang lahat ng empleyado. 

"Alam mo sa tingin ko, kailangan ko ng icheck ang nangyayari roon." sabi ko kay Aiden bago nagtuloy tuloy na maglakad sa may hallway sa pagitan ng bawat mesa. Karamihan sa mga empleyado ay napatingin sa direksyon ko. 

Malapit na ako kung saan namin naririnig ang malakas na kalabog ng biglang iharang ni Aiden ang katawan nya sa harapan ko. 

"Hindi ka pwedeng pumasok ngayon jan. Kung hindi mo man naririnig, medjo wala sya sa mood para tumanggap ng kahit sinong bisita. Bumalik ka na lang kapag medjo okay na sya." 

Ni minsan hindi ko pa nakitang ngumiti si Aiden sa akin. Lagi syang super seryoso pero kapag sa ibang tao naman okay na okay sya.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Jace at lumabas doon ang isang babae na umiiyak. Mabilis syang tumakbo ni hindi nga ata napansin na nakatayo lang kami roon halos katapat ng pinto. Sa sobrang gulat nakalimutan ko tuloy ang ihi ko. Naman o.

"Sir, sir." may isang empleyadong lalaki ang dali daling lumapit kay Aiden at may inabot na folder. "Kailangan daw po kayo sa room 304 para sa isang urgent meeting with Mr. Andrada. Si young master po sana ang haharap pero sa sitwasyon ngayon sa loob medjo wala po ata sya sa mood para harapin sila. Pinapatawag na po kayo roon dahil baka daw umalis pa sila."

At pagkatapos nun, dali-dali lang hinablot ni Aiden ang folder sa kamay ng lalaki at tumakbo na palabas. Hindi man lang nagpaalam. Sabi sa inyo eh ayaw nya sa akin. 

"Ms. Serene," yumuko sa akin yung lalaki at yumuko naman ako pabalik

"Anong nangyayari sa loob?" nag-aalala kong tanong. Itinuro ko ang opisina ni Jace at napabuntong hininga na lang sya.

"Medjo may pumalpak po kasi na team sa isang napaka-importanteng deal kaya pinapagalitan po sila ngayon. Malaking halaga po kasi ang nawala kaya... ayan po." kamot nya sa ulo nya

"Lagi bang may nangyayaring ganito?"

"Naku ngayon lang po. Kaya nga galit na galit po si young master eh. Kapag ganyan na po ang naririnig namin wala ng nagtatangkang pumasok sa loob dahil lahat takot. Ni wala nga pong nakakapasok jan sa loob kapag galit na si young master kahit pa si sir Aiden. Natatakot po kaming lahat sa kanya eh." 

Meron na namang malakas na kalampag na nagmumula sa loob kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinatok ang pinto. 

"Ms. Serene!" nanlalaking matang pigil nya sa kamay ko. "Wag po magagalit si young master! Baka mapahamak po kayo!"

Pero wala akong pakialam. Kinatok ko ulit at ng hindi ako pinagbuksan, sapilitan ko itong binuksan. Papasok na sana ako sa loob ng biglang inunahan ako ng empleyado na kausap ko. 

"Aiden, ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako tatanggap na kahit sinong bisita ngayon?!" boses na nanggagaling mula sa loob. Mas malakas ngayon dahil nakabukas na ang pinto at halos katapat lang ako nito. 

"Uh sir nandito po kasi si Ms. Ser-"

"Out."

"Pero Sir--"

"I said out!"

Matatamaan pa sana sya ng isang matinding flying folder pero dali dali na nyang nasara ang pinto. Nanlalaki ang mata nya dahil sa gulat at parang nanlalamig ang pawis nya. Narinig ko pang napabulong sya ng "That was close." bago tensyonadong humarap sa akin

"Sa tingin ko nga po Ms. Serene mas makakabuti sa inyong bumalik na lang mamay--"

Hindi ko na sya pinatapos at mabilis na binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Matindi man ang pagtutol nya dahil sa ginawa ko wala na rin syang nagawa ng tuluyan kong isinara ang pinto mula sa loob. Gulat na gulat akong tiningnan ng dalawang lalaki at isa pang babae na halos mangiyak ngiyak na rin tulad ng babae na nakita naming lumabas kanina. Halata ang diskumporme nila sa kinatatayuan pero walang magawa kundi manatili lang doon dahil sa utos na rin ng boss nila. 

Mula sa kinatatayuan ko ay ang black leather na swivel chair na alam kong inuupuan ni Jace. Nakatalikod ito mula sa amin pero nakikita ko pa rin mula dito kung paano ipatong ni Jace ang ulo sa kaliwang kamay na para bang may pinipisil pisil na yellow thingy. Nakapikit ang mga mata nya hindi alintana na bukod sa mga pinapagilatan ay may iba pang tao na nandito sa loob. 

Aktong hahakbang na palabas yung isa pang babae pero halatang nagdadalawang isip pa sya kung gagawin ito o hindi. Huminto sya bigla sa kinatatayuan at nanginginig na iniangat ang tingin sa nakapikit pa rin na Jace. Hindi naman sinasadyang napahakbang ako ng konti ng bigla na lang naming narininig na nagsalita si Jace. Mahina man pero ramdam mo ang pagbabanta sa tinig na binitawan.

"I swear. Move one more step... and I'll fire you."

Ay. Wrong step. Tumingin sa akin ang tatlong empleyadong nasa loob. Ok... sabi ko nga eh. 

Nagkalat ang mga papel sa sahig pati na rin ang ilan sa mga gamit. Oh mehn. Sa tingin ko malaki nga ang nagawang kasalan ng mga 'to ah. Napalabas kasi nila ang tinatawag nila Kelly na 'Super-sayan" level ni Jace. Ramdam ko ang makapal na tensyon na umiikot sa buong kwarto. Kahit nga ako pakiramdam ko nanlalamig at pinagpapawisan na rin ang kamay ko sa kaba. Hindi dahil takot ako kay Jace kundi kaba para sa mga taong nasa loob na pinapagalitan nya. Magsasalita na sana ako para ideklara ang presenya ko sa loob ng biglang may kumatok na naman sa pinto. 

Walang gumalaw o nagsalita sa tuloy tuloy pa rin na pagkatok sa labas. Napakagat labi na lang ako. Halos nasa tapat lang ako ng pinto so... bubuksan ko ba or...

"S-s-sir," kabadong sambit ng isa sa mga lalaki na empleyado sa loob "M-may tao po sa may p-pinto"

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nya. Ako na nasa tapat ng pinto o yung taong kumakatok sa labas ng pinto. Parehas lang naman kaming na nasa pinto so... 

"Aiden," boses ni Jace na nawawalan na ng pasensya. Akala nya siguro si Aiden ang kumakatok sa pinto tulad kanina. "How many times do I need to say that I am not expecting anyone so kindly please. Stop knocking and disturbing me through that damn door!"

Umikot ang swivel chair na inuupuan nya pero this time, mabilis na syang tumayo mula dito. Galit na galit syang humarap sa direksyon ng pinto... which is also... kung saan ako nakatayo. So imagine what he looked like when he saw me there, awkwardly standing with a basket in my hands. Dahan dahang nawala ang galit nyang ekspresyon at napalitan ng gulat. Akala ko ako ang susurpresa sa kanya sa pagdalaw ko dito yun pala hindi. Minsan ko lang nakitang ganito kagalit si Jace pero ibang level na pala kapag nasigawan ka pa. Well.. alam ko namang hindi talaga directly sa akin yun pero..

I know. This is awkward. Kung bakit kasi nagpumilit pa akong pumasok dito eh. 

Bago pa masabi kung bakit ako nandito sa loob ng office nya ay dali dali akong tumalikod at lumabas ng pinto. Mabilis akong tumakbo palayo at ramdam ko ang mga mata ng lahat ng empleyado sa akin. Marahil ay nagtataka kung bakit ang isang Serene Lopez ay nagmamadaling tumatakbo.Tumingin ako left and right, hindi alam kung saan pupunta.

Saan na ba ang letcheng banyo na yun?! Dapat kasi tinanong ko na magmula pa kanina eh para hindi na ako mahihirapan ng ganito! Uwaah! Naiihi na ako! Kung bakit kasi bumalik ang ihi ko sa gulat eh?! Mother nature? Nature's call? Why oh why? 

Lumiko ako at pumasok sa isang pinto na may karatula na nakasisigurado ako na walang iba kundi ang hinahanap kong banyo! Naramdaman ko pang nagvibrate ang cellphone ko pero hindi ko na pinansin. 

Pagkalipas ng ilang minuto... 

Pramis. Ginhawa! *insert 'LOL' here with matching smileys*

Pumunta na ako sa may sink para maghugas. Since nagmamadali na akong makalabas dito hindi ko napansin na barado pala yung sink. Naghuhugas na ako ng kamay nun ng muli na namang nagvibrate ang cellphone ko sa bag. Pagkabukas na pagkabukas ng cellphone nagulat ako sa dami ng missed calls na galing kay Jace! Nakabukas pa rin ang gripo na pinaghuhugasan ko ng may biglang pumasok na ilang mga babae sa loob ng washroom. Hindi ko alam kung ilan sila dahil busyng busy akong tinitingnan ang cellphone ko. Pipindutin ko na sana ang call button para kay Jace ng may bigla na lang akong may narinig na tili. Sa sobrang gulat ko nadulas ang cellphone mula sa kamay ko...

Diretso sa sink kung saan barado ang tubig. Oh no. 

"Kyaaaahh!! Serene Lopez?! Idol! Ikaw nga!!" 

Isasalba ko pa sana ang cellphone ko ng may biglang humila sa akin palayo sa may sink. Wala pang ilang sandali pinalibutan na ako ng limang babae para magpapicture at magpa-autograph. Gusto kong ngumiti sa bawat click ng camera pero hindi ako makangiti. Hindi ko pa rin kasi matanggal ang tingin ko sa cellphone ko sa may sink kung saan ito nagdive na parang isang sirena. Hindi naman ako makaalis dahil sa bawat galaw ko para kunin ang cellphone ko ay sya namang hila nila sa akin papalayo para makahanap ng magandang spot sa picture namin. Unti unti ng may lumalabas na bula mula sa cellphone ko. Hold on tight my dear cellphone. Be strong. 

"Oh my gosh Ms. Serene! Hindi ko po talaga ineexpect na makita kayo dito!! Buti pala pinilit akong isama ni mama sa work place nya!! Dahil kung hindi baka hindi ko nakita ang idol ko ng malapitan!"

"Kyaaaah!! Ang ganda nyo po!! Imma speechless!!"

Non-stop pa rin sila sa pagpipicture kasama ako pero pinilit ko ng makalayo mula sa kanila para maisalba ang cellphone ko na nalunod na sa sink. Tumatawag pa man din si Jace! Waaah!! 911! Tawagan nyo ang 911! Emergency! Kailangan ng C.P.R ng cellphone ko!

Sunod na rin akong lumabas ng washroom pagkalabas na pagkalabas lang din ng mga babaeng nagpapicture sa akin kanina. Kinalas kalas ko na ang cellphone ko at pagkatapos ay itinataktak taktak para maalis ang tubig na pumasok dito. Kabago bago pa man din ng cellphone ko mula sa pagkakaholdap sa akin ngayon tapos ganito pa ang nangyari! 

"Ms. Serene?"

Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses na yun. Busy pa rin kasi ako sa pagtaktak ng cellphone ko na nabasa kanina kaya hindi ko agad sya napansin. Si kuya pala na pumipigil sa akin kanina na pumasok sa office ni Jace kanina.

"Yes?" Nasa loob na ulit ako ng office si Jace at lahat ng empleyado nakatingin sa akin.

"Saan po kayo galing?  Hinabol po kayo ni young master kanina nung tumakbo po kayo palabas ng office nya."

'Oh'. Yan na lang ang nasabi ko sa sarili ko dahil sa reyalisasyon. "Sinundan nya ako?" Wag mong sabihin na isinip nyang.. Crap. 

Mabilis akong tumakbo palabas ng office. Kaliwa't kanang tinitingnan ang daan kung saan sya maaring dumaan. Naglalakad ako ng mabilis at tinitingnan ang bawat daan para hanapin si Jace. Bakit kasi ang laki laki nitong building nila? Hindi ko makita si Jace at mas lalong hindi ko na alam kung nasaan ako. Palingon lingon pa rin ako sa paligid nun ng di sinasadyang mabangga ako sa isang bagay. Sa sobrang lakas nabitawan ko ang basket na dala dala ko at natumba sa sahig. 

"Ow!" hapo ko sa masakit kong pwet. Kung swinseswerte ka nga naman ngayong araw na 'to o. 

Tumingala ako para makita ang bagay na nakabangga ko. Pero laking gulat ko na lang na makita na hindi pala ito isang bagay kundi isang tao na may asul na mga mata na nakatitig sa akin. Inilahad nya ang isang pamilyar na kamay sa harap ko. 

"Pietr." bulong ko dahil sa sobrang gulat. Anong ginagawa nya dito?

Lahat ng mga taong nasa paligid nasa amin na ang atensyon. Sa gilid ng aking paningin nakita ko ang hinihingal na Jace na marahil ay galing sa pagtakbo para hanapin at habulin ako. Huminto sya sa kinatatayuan nya at tiningnan ako-- na nakaupo pa rin sa sahig at kay Pietr na nakaluhod sa harap ko, nakalahad pa rin ang isang kamay hinihintay na hawakan ko. Ni hindi nga nya ata alintana na marami ng taong nakatingin sa amin sa paligid dahil nakatitig lang ang mga mata nya sa akin. 

Oh-kay. This is awkward. 

Continue Reading

You'll Also Like

56.4M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
1.3M 44.9K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
14.2M 432K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
2.7M 71.4K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...