Amazonas:Into The World of Ga...

Od moonmagnet

658 29 8

Amazona Into the World of Gangsters Více

The Amazonas
The Plan
The Plan 2
Cake & Threats
Mall
Jam
Magpapakamatay ka ba?!!
Pati ba naman sila?!
Pictures
Amazonas vs The Black Crow
Ouch
Save by the Crush
Sleep Over
Visitors
The Council
Slave
Moves

Still Lucky

33 2 0
Od moonmagnet

♥Sam's POV

"Oy! Sure ba kayong iiwan natin si Cice dun?"

Tanong ko uli sa kanila. Tiningnan lang ako ng masama ni Angel.

"Akala ko ba ikaw ang pinakamatalino satin? Bat di mo makuha na hindi na dapat tayo makialam dun dahil family matter yun?"

Napasimangot ako sa sinabi ni Angel. Kainis naman ang babaeng to kasi may point siya. Tinapik ni Ayn ang balikat ko.

"Ok lang si Cice"

"Paano mo nasabi?"

Ngumuso ito sa likuran ko kaya napalingon ako. Nakita kong naglalakad habang nagbabangayan sina Cice at ang Papa nito papunta sa kotse nila-dahil nga nasa parking lot na kami at pauwi na- daladala ng Papa niya ang mga gamit niya at pinagbuksan siya ng pinto. That scence makes me feel jealous to Cice, dahil kahit na hiwalay na ang parents niya, atleast nakakasama naman niya ito. Habang ako..ewan, bat ang drama ko ngayon?

"Hoy Sam, hindi ka ba sasabay samin?"

Napatingin ako kay Jannes na nakapasok na sa sasakyan ni Ayn. Pero si Ayn, Angel at ang gwapong si Giro ay nasa labas pa at nakatingin sakin.

"Sam, kanino ka sasabay? Kay Angel o sakin?"-Ayn

"Ah. Sayo nalang. Sige, pasok na ako"

Paalam ko kina Angel at Giro, tango lang ang sagot nila, magpinsan nga, parehong moody. Sinara ko na ang pintuan at hinintay na makapasok si Ayn. Ng magstart na ang engine ng sasakyan ay binaba ko ang windshield at kinawayan si Giro na nakatayo sa tabi ni Angel. Ngumiti ito sabay wave din sakin.

"Crush mo?"

Napatingin ako kay Ayn na abala sa pagbilang ng boxes of cake niya. Napailing nalang ako, adik sa cake.

"Oo, ang gwapo eh"

Nakangiting sagot ko. Sa totoo naman eh, gwapo naman talaga.

"Ang kapal kaya ng kilay nun"

Inis na sabi ni Ayn at tumingin sakin. Natawa naman kami ni Jannes sa sinabi niya

"Matagal mo na bang kilala si Giro, Ayn?"

Tanong ni Jannes, nacurious din ako bigla, kanina kasi nung magkita ang dalawa parang may something na.

"Hindi naman. Kahapon lang"-Ayn

"Kahapon? Anong oras? Diba magkasama tayo kahapon?"- Ako

Tumango ito sabay sandal sa upuan at pumikit.

"Nung nasa mall tayo, remember natagalan ako, dahil yun sa kanya, binangga ba naman ako ng unggoy nayun kaya nahulog ang cake at cp ko, sa sobrang inis ko tinapon ko sa mukha niya ang cake. Pero gumanti din sya, susugurin ko na sana nung biglang dumating si Angel"

Pagkukwento niya pero nakapikit parin. Nganga naman kami ni Jannes at maya-maya ay natawa.

"Grabeh naman Ayn. Ang harsh mo, sana nagsorry ka nalang, pero infairness ang sweet"

Kinikilig na sabi ni Jannes, dun na napamulat si Ayn at sinamaan ng tingin si Jannes.

"Ano sweet dun? Imagination mo Jannes ah ayusin mo, baka mapektusan kita ng wala sa oras"

Inis na sabi ni Ayn na nagpatawa sakin ng todo.

"Isa kapa, tumahimik ka nga"

Nagpeace sign lang ako at tiningnan ang cp ko dahil nagvibrate ito. Agad na tumingin ako sa dalawa.

"May meeting pala ang mga parents sa friday txt ni Mika"

Tumango naman ang dalawa, ako naman ay finorward ang message sa mga kaklase ko.

"PTA na naman, magpapabongga naman ang mga parents dun"-Ayn

"Oo nga eh, tsk, for sure pati suot nila bongga din"-Jannes

"Buti nga sa inyo darating eh, ewan lang ang parents ko"

Napailing na sabi ko, for sure kasi hindi aattend ang mga yun dahil mas priority nila ang negosyo kesa sa anak nila. Natahimik naman sila, alam na naman nila yun eh. Tahimik lang kami hanggang sa makarating na sa bahay.

"Jan, una na ako Ayn, thanks for the ride anyway"

Tumango lang sila kaya bumaba na ako. Hinintay ko muna silang mawala sa paningin ko bago nagdoorbell. Agad na binuksan ni Manong Guard ang gate.

"Mam, ikaw pala."

Tumango ako at ngumiti sa kanya at pumasok na.

"Ah. Mam, nandyan po ang mga magulang nyo"

"Talaga po? Kailan lang dumating?"

"Kanina pa po. Pero Mam uma-"

Di ko na pinatapos ang sinabi ni Manong Guard at dali-daling tumakbo. Napangiti ako at agad na tumakbo papasok sa bahay. Excited akong pumasok sa bahay. I miss my parents. 4 months din kasi silang nasa ibang bansa for a business trips.

"Mom?! Dad?!"

Sigaw ko na nag-echo sa mansion. Tinapon ko ang bag ko somewhere. Tumakbo ako papuntang kwarto nila pero wala sila dun. Bumaba ako at pumuntang kusina, wala din, sa garden, veranda, pool, cr, bodega, maids room, pero wala sila. Pagod na napaupo ako sa may sofa. Akala ko ba nandyan sila. Binibiro ba ako ni Manong Guard, naku!! Sisisantihin ko yun kapag nalaman kung joke lang pala yun. May lumapit sakin na maid at may dalang juice.

"Mam, inom po muna kayo"

"Manang, nandito po ba talaga sina Mommy?"

"Oo Mam, kaso pagkadating nila ay umalis agad dahil may business dinner sila"

Napayuko ako and I bit my lower lip. Now I get it, they didnt miss me. Hanggang sa paguwi business parin ang inaalala nila. Nakalimutan uli nila na may anak sila na naghihintay sa pag-uwi nila, na may isang anak sila na miss na miss na sila.

"Mam, ok lang ba kayo?"

Pilit na ngumiti ako kay Manang at tumango.

"Oo manang, here, pakilagay po sa hugasan, thank you"

Umalis naman si Manang, napahilamos ako ng mukha, trying to control myself from crying.

"Ano ka ba naman Sam? Bat iiyak ka eh sanay ka naman dyan, sanay na sanay. Bat di mo matanggap na second priority ka lang o baka nga last?"

Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa sarili ko. Walanjo lang, ang sakit. Napatayo ako bigla ng marinig kong may bumusina sa labas agad na inayos ko ang sarili ko at tumakbo sa pintuan. Nakangiting binuksan ko ito. Nakita kong lumabas ng kotse sina Mommy at Daddy.

"Ofcourse Mr. Lim, everything is ok. Yeah..oh really."

"Its settled din, but when it be?. You know I'm a busy person"

Nawala bigla ang ngiti ko ng paglabas nila ng kotse business parin. Ngumiti uli ako ng mapatingin sila sakin. Naglakad ang mga ito papunta sakin pero sa tenga parin ang cp.

"Hi Mom! Dad!"

Masiglang bati ko. Ngumiti lang sila at hinalikan ako sa pisngi-Take note nasa tenga pa ang cp nila at may kausap- deretcho agad sila sa loob. Napayuko naman ako dun. As usual, dinadaanan lang nila ako. I took a deep breath at pinilit na ngumiti uli sabay sumunod sa kanila sa loob.

"Mom, Dad, lets eat dinner"

Tumingin lang sila sakin. Inilayo ni Daddy ang cp niya sa tenga.

"We're done eating dinner Baby, ikaw nalang ang kumain"

Sabi niya sabay balik ng cp sa tenga nya. Minsan talaga parang gusto kong sirain ang mga cp nilang dalawa. No Sam, padadaig ka ba sa isang cellphone lang? No way! Hinarap ko naman si Mommy na nakaupo sa sofa sa harap ni Daddy, habang may kinakausap din. Umupo ako sa tabi niya.

"Mom, hows the trip? Kwento ka naman"

Pero sininyasan lang niya ako. Napayuko nalang ako. Talo talaga ako, ang malala sa isang cp pa. Parang anak na nila ang cellphone nila kesa sakin. Naiiyak na ako. Bumuntong hininga nalang ako at tumayo. Mas mabuting itulog ko nalang to, dun gaganda pa ako lalo. Pero nagulat ako ng biglang nagsalita si Mommy.

"Well marami kaming napuntahang magagandang mga lugar."

Sabi nito sabay ngiti at balik sa kausap, pero napangiti nalang ako. Tumayo ang mga ito.

"Magdinner ka na, matutulog na kami ng Daddy mo, atsaka pinagshopping kita sa secretary ko."

Mas lalong napangiti ako, 1 point for me 0 to the cp. Pero bigla uli tumunog ang cp nila, sabay pa talaga!! Napamura ako sa isip ko. Walanjo talaga. Umakyat na ang mga ito ng may kausap sa phone. Sa sobrang inis ko ay tumakbo ako sa hagdan at inunahan sila. Gulat na napatingin sila sakin ng harangan ko sila.

"Ano na naman ba yun nak?"

Tanong ni Daddy ng ilayo niya saglit ang cp sa tenga niya. Habang nag-uusap sila ng kung sino mang bwisit na yun ay nakatingin sila sakin.

"Sabihin mo na baby. May imporanteng kausap kami dito"-Mommy.

Napakagat ako ng ibabang labi ko at yumuko. Bat nasasaktan ako sa sinabi nila? Importante pa pala ang kausap nila kesa sakin.

"Gusto ko lang pong sabihin na"

Tumingala ako sa kisame para pigilan ang luhang handang-handa ng mahulog sabay basa ng labi ko gamit ang dila-ofcourse-. Tiningnan ko sila at dun di napigilan ang pagtulo ng luhang yun. Agad na pinunasan yun at pilit na ngumiti sa kanila.

"Welcome back Mom, Dad. And I miss you"

Pagkasabi ko nun ay dali-dali akong tumalikod at tumakbo sa room ko at nilock iyon. Dali-dali kong kinuha ang cp ko at tinawagan sina Ayn.

"Guys, inum tayo"

♠♠♧♧♣♣♡♡♥♥

Matapos na tawagan sina Ayn ay nagbihis ako at bumaba. Wala na dun sina Mommy. Paglabas ko ay agad na nakita ko ang kotse ko at pumasok na dun. Nandun na si Manong Driver. Di pa kasi ako pweding magdrive eh.

"Mam, baka po pagalitan tayo"

"Di yan kuya, wala naman silang paki sakin eh, atsaka akong bahala sayo"

Inistart na nito ang engine at umalis na kami.

"San tayo Mam?"

"Sa Royalty bar po kuya"

Ng makarating kami ay agad na hinanap ko si Ciceley, sila kasi ang may-ari ng bar. Unlike other, this bar is just for rich and known people lang, may class din ang bar na to.

"Sammy!"

Nakita ko siyang kumakaway sakin. Agad na nilapitan ko ito.

"Bat naman biglaan ang pagyaya mo?"

"Kukwento ko mamaya, san tayo?"

"VIP tayo. Sa taas"

Agad na umakyat kami sa second floor at pumasok sa isang room na akala mo eh nag check in ka lang sa isang hotel. Kumpleto kasi ito sa kagamitan at may kwarto pa. Umupo ako sa sofa.

"Sandali lang Sam, nasa baba ng sina Angel"

Tumango naman ako at umalis na ito, tumayo na din ako at sumunod sa labas, tamang-tama may waiter na napadaan.

"Waiter, dalhan mo kami ng pinaka expensive na wine"

"Opo Mam"

Bumalik ako sa loob at nahiga sa sofa, ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang apat. Umupo agad si Angel sa tabi ko, at si Jannes, Ayn at Cice ay sa harap ko.

"Problema natin?"- Cice

Hindi ako sumagot at nagkibit balikat lang. Wala namang may nagsalita hanggang sa dumating na ang order ko.

"Teka, yung pinakamahal yung inorder mo?"-Jannes

Tumango lang ako at binuksan yun.

"Sammy, 23,000 ang cost nyan"-Cice

Napatingin ako sa kanya at ngumisi. Agad namang nanlaki ang mata niya.

"Hoy babae! Di libre yan! Ok lang sana kung iba huwag lang yan pinakamahal dahil allowance for 1 week ko ang nakasalalay dyan!!"

Natawa naman kami sa pagiging hysterical ni Cice. Libre kasi minsan ang inumin namin dito, huwag lang yung pinakamahal dahil binabawas yun sa allowance ni Cice. Yung pinakamura atang inumin dito yung mga san mig, the bar, tanduay light mga ganun, 70 pesos yun. Yung wine naman ang pinakamura is 15,900.

"Binibiro lang kita, huwag kang mag-alala, babayaran kita"

Nakahinga naman ito. Natawa lang uli ako.

"Ok kana ba?"

Nadako ang tingin ko kay Ayn. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Bat nag-aya ka? Anung problema?"-Angel.

Napasimangot ako at binaling sa wine glass ang tingin ko na may kalahating laman.

"Nakabalik na sina Mommy for 4 months business trip"

"Edi mabuti, anung mali dun? Di ka ba masaya?"-Jannes

Napabuntong hininga ako at uminom ng wine, inisang inuman ko lang sabay lagay uli ng panibago.

"Yun na nga eh, di nila alam kung gaanu ko sila namiss, di nila alam na excited akong makita at makasama o makwentuhan manlang sila,pero bullshit pati sa pag-uwi business parin sila. Ni di nila nasabi ang mga katagang gusto kong marinig sa kanila, yung, oy nak! Musta kana? Miss na miss ka na namin, sana...sana sumama ka samin.."

Napatingin ako kay Ayn ng inabot nito ang isang panyo. Dun ko lang napapansin na umiiyak na pala ako. Kinuha ko ito at agad na pinunas sa luha ko.

"Alam nyo yung feeling na, nandyan nga sila pero parang wala naman, yung sinalubong mo sila pero dinaanan ka lang. Walanjong cellphone yun!! Sarap itapon sa bermuda triangle. Sana pala di nalang sila gumawa ng anak kung wala naman silang oras para sakin. "

Uminum uli ako at yumuko. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa nailabas ko ang sama ng loob ko. Tahimik na umiinom lang sila habang nakikinig. Iinom pa sana ako ng may pumigil sakin. Si Angel pala. Inagaw nito sakin at inilayo.

"Baka malasing ka naman at gumawa ng eksena"-Angel

Natawa ako ng mahina. Nagulat ako ng bigla akong niyakap ng apat. Dun na ako lalong umiyak, buti pa sila, nayayakap ako, yung parents ko hindi na nila nagagawa yun sakin, buti at nandito sila at dinadamayan ako, nakikinig sila sakin, parating nandyan, sinusupurtahan ako, binibigyan ng ayo, pinapagaan ang loob ko,mga bagay na di magawa ng parents ko. Kaya masasabi ko ding swerte padin ako, kasi kahit di ako nagkaroon ng magulang na gusto ko, may mga kaibigan parin akong matatawag kong pamilya, kapatid. I'm stil lucky for having this four girls in my life.

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
18.2K 631 18
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
10.7K 261 58
Forbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her i...