My Bodyguard Is My...What?! (...

By BeWIXyGirl_Wp

493K 11.9K 1K

Paano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin m... More

Prologue
Chapter 1-My Bodyguard
Chapter 2-At Your Service Ma'am
Chapter 3-Duties And Responsibilities
Chapter 4-Pardon Me Madame
Chapter 5-First Move-Unexpected Kiss
Chapter 6-The Punishment
Chapter 7-Unidentified Feelings
Chapter 8-Sorry
Chapter 9-Kiss
Chapter 10-You're Safe With Me
Chapter 11-Don't Touch Her
Chapter 12-Stay Away
Chapter 13-I'll Protect You
Chapter 14-Into The Storm
Chapter 15-Inlove With You
Chapter 16-Let The Game Begin
Chapter 17- I Love You
Chapter 18- I'll Catch You
Chapter 19-The Co-Owner
Chapter 20-The Photos
Chapter 21-The Real Mico Aragon
Chapter 22-For Who You Are
Chapter 23-Solo Para Estar Contigo
Chapter 24-His Life
Chapter 25-Unknown Number
Chapter 26-Life or Wealth
Chapter 28-Resthouse
Chapter 29-You Broke Me
Chapter 30- Her Hero
Chapter 31 - Unforgiven
Chapter 32-In Your Arms Again
Chapter 33 - Marriage Contract
Chapter 34 - Untitled
Chapter 35 - Traitor
Chapter 36 - Hidden Hide Out
Chapter 37 - Paalam Mico
Chapter 38 - Behind The Crime
Chapter 39- Untitled
Chapter 40 - Dissolution
Epilogue
Special Chapter

Chapter 27-The Crime

9.7K 236 26
By BeWIXyGirl_Wp

Viola's POV

Pababalik-balik akong naglalakad hawak ang mobile phone ko.Nandito kami ni Mico sa sala pero naka-upo lang siya at busy sa kanyang laptop.Alam ko naman na kung hindi tungkol sa kaso ko ang ginagawa niya diyan I'm sure tungkol sa negosyo nila.

Kaya ko lang naman hawak ang phone ko dahil gusto kong tawagan ang tiyuhin ko.Gusto kong tawagan si Uncle Ernie at sumabatan kung siya nga ba ang may gawa?Pero ang sabi daw ni Mico,'wag kong gawin 'yan dahil mahihirapan silang tiltikan ang galaw n'on.At sa ngayon,may tao ng nagmamanman sa bawat galaw ng tiyuhin ko kasama na pati mga pinsan ko at ang buong pamilya nila.

Lihim pa rin akong nagdarasal na sana inosente sila.Dahil hindi ko siguro matatanggap kung sila ang may pakana ng lahat.

Naging mabuti si daddy sa kanila.Binibigyan sila ng kagustuhan nila noong nabubuhay pa si daddy.Minahal sila ni daddy dahil ang sabi ng ama ko ay kapatid siya ni mommy kaya pamilya na rin ang turing ni daddy sa mga iyon.

Patuloy ako sa ginagawa kong pabalik-balik na paglalakad.Naiisip ko rin na paano kaya kung pupunta ako sa kanila?Kina uncle Ernie.Kaya hawak ko pa rin ang phone ko dahil gusto kong tawagan o i-text si Uncle na dadalaw ako sa kanila.Pero siguro mas maigi kung gulatin ko na lang sila.

Urgh!

'Di ko alam kung ano ang gagawin ko.Gusto ko ng maayos na ang magulo kong buhay para si Mico naman ang haharapin ko.Alam kong marami pa akong tutuklasin sa kanya.

“Violet,can you please sit down?Nahihilo ako sa iyo eh.” sita niya sa akin.

“Eh kung doon ka na kaya sa kwarto mo Mico.Para 'di ka mahihilo sa kakatingin sa akin.” mataray kong sagot sa kanya.Kainis kasi eh.Kung makasita wagas.Palibhasa siya ay panay laptop lang.

“Tsk!” kumibot ang dulo ng labi niya. “Alam mong hindi kita pwedeng iwanan dito hon.” isinara niya ang laptop niya at tumayo papunta sa akin. “Maupo ka kasi muna.” hinapit niya ako sa baywang at hinila paupo sa tabi niya.Hindi naman kami kasi malayang makagalaw dito sa bahay as a lovers dahil marami kaming kasama dito.

“Doon ka na nga sa kwarto mo.Hindi ko naman sinabing bantayan mo pa ako dito.” nakalabi kong sabi sa kanya.Napabuntong hininga ako dahil hindi ako pwedeng maglambing  sa kanya dito.Pero pasimple siyang sumiksik sa katawan ko at bumulong.

“Hindi kita pwedeng iwan dito hon.Gabi na.Kahit pa nasa loob ka pa ng pamamahay mo pero delikado pa rin.At isa pa,...” idinikit pa niya lalo ang mga labi niya sa punong tainga ko. “....gusto kong masolo ka at makasama ka ng matagal bago matulog hon.” pagkatapos ng mga sinabi niya ay ngumiti siya ng nakakaloko.

“Tse!” inirapan ko siya.Pero 'di ko mapigilan ang kiligin.

Tinitigan niya lang ako at bumulong ulit.

“I love you. ”

“Mico,pwede ba tayong pumunta bukas kina uncle Ernie? ” saad ko.Humirit na ako habang may kalandian pa siya.

“At bakit?” tumaas ang kilay niya. “Ano ang plano mo Violet?Sabi ko naman sa 'yo na 'wag kang gumawa ng mo—”

“Hindi naman ako gagawa ng mga bagay-bagay na labag sa mga sinabi mo eh.Kakamustahin ko lang sila.” I pouted. “Pero kung ayaw mo akong samahan,fine...” tumayo ako. “....then ako na lang.” tinalikuran ko na siya.

“Wait Violet.Oo na.Sige na nga.” bigla niya akong hinabol. “Tsk!Tigas ng ulo.” pabulong pa niyang dugtong.

Kaya ngumiti na lang ako ng palihim.Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.

“Mahal lang talaga kasi kita.” kumakamot pa siya sa batok habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

Hindi ko na siya pinansin pa.Nagpatuloy lang ako sa paglakad na kasunod siya paakyat ng hagdan.

“Hey hon,I'm sorry na.” hinawakan niya kaagad ang kamay ko ng mahabol niya ako. “Pumapayag na nga ako 'di ba?Kaya kausapin mo na ako.” dugtong pa niya.

Hindi ko na mapigilan ang sarili na 'wag tumawa.Akala niya talaga siguro ay nagtampo o galit ako.

“Sige,pagtawanan mo lang ako Violet.” saad niya.

“Ang corny mo kasi.” natatawa kong sagot.

“Dahil pinapa-corny mo ako.” sagot niya rin.Natatawa din siya.Mabilis niya akong inakbayan at ginulo ang buhok.

“Mico naman.Baka may makakita sa atin oh.” mabilis kong saway sa kanya.

“Then let's get a room hon.” pilyo niyang saad at saka kumindat pa.

“Shut up Mico.” natatawa ko ring sabi.

Inihatid niya lang ako sa kwarto ko at pagkatapos ay lumabas na siya.At siyempre bago siya lumabas,mawawala ba ang goodnight kiss at mahigpit niyang yakap sa akin?

“Alam mo Mico,mahal na mahal ng mom ko ang kapatid niyang si uncle Ernie.Kaya nga kahit anong hinihingi niya noong nabubuhay pa parents ko ay ibinibigay sa kanya ng mga ito.” simula ko sa pagke-kwento habang binabaybay na namin ang daan papunta sa tiyuhin ko.Totoo naman kasi iyon.'Yon nga lang,naging dependent na ang pamilya ni Uncle Ernie sa amin.Pero noong namatay ang mga magulang ko,bibihira na lang humingi sila.

“Ganyan naman talaga kapag mahal mo ang pamilya Violet.Mahirap tumanggi.” sagot nito na nakatutok sa daan ang paningin.

“Pero naging malayo ang loob ko sa kanila.Nagsimula lang ng pinaslang ang mga magulang ko.Alam mo naman siguro kung paano sila pinatay ng mga hayop na iyon 'di ba Mico?Kaya masisisi mo ba ako kung napuno ng galit ang puso ko.Dahil kitang-kita ko Mico.Kitang-kita ko kung paano binaril ang mga magulang ko.” pakiramadam ko biglang nag-flashback sa isip ko ang lahat.

At dahil nandito na ito sinimulan ko na ang magkwento kay Mico.

Flashback

“Mom and dad,gusto ko po sanang magbakasyon sa Paris ngayong Christmas vacation together with my friends please.” pakiusap ko sa kanila.Nag-puppy eyes pa ako.

Binabaybay na kasi namin ang daan pauwi.Galing kasi kami ng party.Birthday party ni Uncle Ernie.Kaya medyo ginabi kami.

“Matatanggihan ko ba ang kaisa-isa kong anak?Of course you can my daughter.” hindi nagdalawang isip si daddy na payagan ako.

“Yehey!Thank you mom and dad.” masaya kong papasalamat sa kanila.

“Because we love you anak.” si mommy.Niyakap pa ako at hinalikan sa noo.

“I love you also mom and dad.” hinalikan ko sila pareho.

“Asos.Inuuto mo na naman kami ng mommy mo.” tukso ni dad sa akin.Sasagot pa sana ako ng may biglang humarang na sasakyan sa harapan ng kotse namin.Mabuti mabilis na naka-preno si daddy.

May mga bumaba na tao sa van na itim na humarang sa amin.Pumunta sila sa gawi namin.Mga naka-bonnet at naka-maskara ang iba.

At sa 'di kalayuan ay may napansin pa akong naka-motorsiklo na sumusunod sa van na ito.Naka-bonnet din ang sakay nito at mabilis na huminto.

“Baba!” sigaw ng isang lalaki matapos niyang basagin ang salamin sa bintana ng kotse.

Kaya nawala ang paningin ko sa taong naka-motorsiklo.Abot-abot ang kaba ko.Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.Nanginginig ako sa takot.

“S-sino k-kayo?...” nanginginig na tanong ni daddy sa taong ito na parang demonyo kung makangisi.

Madilim sa labas at walang may dumadaan ngayon dito.Marami pang punongkahoy at matalahib ang lugar.

“Mamaya Mr.Fernandez magpapakilala ako sa inyo kapag malapit na kayong matsugi.” ngumisi ito ulit.

Nagulat na lang ako ng buksan ni daddy ng malakas ang pintuan ng kotse at nasapol ang kanina'y nakangisi na lalaki.Natumba ito.

“Baba,bilisan niyo!” sigaw ni daddy.Kaya mabilis din kaming bumabang tatlo sa sasakyan habang abala pa ang mga demonyo sa pag-alalay sa kanilang pinuno.

Hinawakan ako ni mommy at daddy sa magkabilaang kamay kasabay ng mabilis na pagtakbo patago sa mga punongkahoy.

Hindi ko na alintana kung anong hayop man ang narito.Ang mahalaga sa akin ay makaligtas kaming tatlo.

“Mga bobo!Habulin niyo!Kapag ang mga iyon ay nakawala patay tayong lahat kay boss!” dinig ko pang sigaw ng lalaki na inakala ko kanina ay boss nila.

“Dito na lang tayo.” hinila kami ni daddy pakubli sa malaking puno na napapaligiran ng malalabong mga damo.Kaya hindi na kami siguro makikita dito.

Hindi ko mawari ang nararamdaman.Natatakot ako ng sobra.Kaya pakiramdam ko parang maiihi ako.Panay na rin ang dasal ko na sana ay hindi kami makikita ng mga hayop na iyon.

“Aha!” nagulat ako ng bigla kaming gulatin. “Pinahirapan niyo pa kami ha!” galit niyang sabi at saka kwenelyuhan si daddy at pilit na itinayo.

Lalo akong nanginig.Pinilit kong gumalaw upang maikubli ko ang sarili sa kabilang side.

“Todasin mo na 'yan gago!Baka makawala pa 'yan!” utos ng isa.Naghalakhakan pa sila.Tiningnan ako ni mommy na nagsasabing 'tumakas ka na.'

“M-maawa kayo.May pamilya pa ako.Pero kung g-gusto niyong patayin ako,a-ako na lang.Huwag niyo ng idamay ang m-mag-ina ko...” dinig ko pang pagmamakaawa ni daddy sa kanila habang tinututukan siya ng baril.

Panay na ang landasan ng mga kuha ko.Parang mawawalan na lang ako ng malay sa sobrang takot.

“Huwag kang mag-alala Mr.Fernandez.Makakasama mo rin naman sila eh.” naghalakhakan na naman silang lahat. “Mga gago.Nakitawa pa kayo.Hanapin niyo na ang mag-ina nito!” sumigaw muli ang lalaking pinuno nila.

“Huwag kang mag-alala boss.Wala ng kawala ang mga iyon.” sagot ng isa.

“Please huwag sila ako na la —” hindi na natuloy ni daddy ang sasabihin dahil binaril na ito sa ulo.Napapitlag pa ako at napasinghap.

Tinakpan ko ang aking bibig upang 'di makalikha ng ingay.

Si mommy,panay na rin ang landasan ng mga luha niya.Tiningnan niya ako at nagmamaka-awa ang mga mata niya na umalis na ako.

“Go,” she mouthed at kasabay n'on ay marahan niya akong itinulak kaya napalayo ako ng kaunti sa kanya.Ramdam ko na medyo padausdos ang lugar na ito.Lalo akong natakot kasi ang dilim at baka may bangin dito.Pero okay na 'yong mahulog ako sa bangin kaysa sa kamay ng mga demonyo ako mamamatay.

Gumapang ako ng palayo kay mommy.Tama siya.Kailangan kong makatakas.Kasi kapag hindi ko gagawin ito mauubos kami.

Kitang-kita ko pa ang pagngiti ni mommy sa akin.

“Nandito ako.” biglang sigaw ni mommy ng mapansin niyang sa banda ko pupunta ang mga halimaw.

Halos maduduling na ako sa mga sumunod pang kaganapan lalo na ng walang awang barilin si mommy ng mga halang ang kaluluwa.Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kung paano nila pinatay ang mga magulang ko.Gustuhin ko mang sumigaw pero napipi na yata ako.Wala ng mga kataga na lumabas sa mga labi ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pero nagulat na lang ako ng may biglang humila sa akin.

End of Flashback

“Hindi ko nakilala ang tumulong sa akin.Pero ang alam ko.Kasamahan din siya ng mga demonyo na iyon.Nakonsensiya siguro kaya tinulungan ako.May isang bahagi ng pagkatao ko na nagsasabing magpa-salamat ako sa taong iyon Mico.Pero ang utak ko ay nagu-utos sa akin na huwag.Kasi galit ako sa mga taong pumatay sa magulang ko.Magpapasalamat ako sa kanya?Para ano pa?Kulang pa ang ginawa niyang pagtulong sa akin sa ginawa nilang pagpaslang sa mga magulang ko.” patuloy ko sa pagkwento habang naiiyak sa paggunita ng nakaraan.

Mabilis na hinawakan ni Mico ang kamay ko at pinisil ito.

“P-paano ka nakaka-siguro na kasamahan ng mga iyon ang taong tumulong sa 'yo Violet? ” napalunok siya habang nagtatanong.

“Alam ko Mico.Dahil naka-bonnet din siya.Dahil wala namang ibang tao ang naroon eh.” sagot ko.

“Paano kung nagkataon lang pala na naroon siya?” muli niyang tanong.Kaya tiningnan ko siya at siya namang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

“Sa palagay mo,sinong siraulo ang itataya ang buhay para lang iligtas ako sa mga demonyong iyon Mico?” may pagdidiin na tanong ko.

Nagkibit balikat na lamang siya.

Saglit na katahimikan bago siya nagsalita.

“Hanggang ngayon ba,galit ka pa sa taong tumulong sa 'yo Violet?” tanong niya.

“Yes.” deretso kong sagot pero pigil ang galit.

Narinig ko na lang ang pagbuntong-hininga niya malalim.

Continue Reading

You'll Also Like

27.1M 449K 43
Shiela tried her best to be civil with Magnus, her one-night stand--after all, they have twins to take care of. But when circumstances bring them tog...
50.2K 1.4K 23
Si Jace Wagner na siguro ang pinakaguwapong lalaking nakita ni Eralc sa buong buhay niya, transferee student ito; matalino, campus heartthrob at gali...
73.5K 1.3K 35
Latezia Clinton only need a simple life. Study, graduate, and have her own family. Pero parang totoo talaga iyong sinasabi ng ibang walang perpektong...
1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...