Breaking the Bad Boy (Publish...

By blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... More

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 31: Truth
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 34: Last chance (Part 2)

481K 16.9K 5.5K
By blue_maiden


Angel's point of view

Pinapasok niya ako sa condo niya. Malaki na 'yong pinagbago unit niya, magulo na at makalat. Hindi ko tuloy maiwasan na maisip 'yong mga memories na meron kami dito. All of a sudden gusto kong umiyak pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya, ayoko na.

"Upo ka," pinaupo niya ako sa sofa katapat ng inuupuan niya. Umupo ako at pinagmasdan ko siya. May kakaiba talaga sakanya. Ang cold niya at mukhang hindi pa siya komportable na nandito ako. "Anong pag-uusapan natin?" 'Yan agad 'yong bungad niya sakin. Hindi ko inaasahan 'yong ganitong treatment galing sakanya pero pagkatapos nang nangyari, ano pa bang aasahan ko?

May mga luha na naman na gustong tumulo galing sa mata ko. Sinara ko ang kamay ko para pigilan ang sarili ko. You can't cry now Angel, not now.

"Gusto kong mag fair sayo." Wala man lang pagbabago sa expression ni Caleb. Hindi ako sanay na ganito siya. "Kaya ako nandito para sabihin sayo ang totoo. Hindi lang ikaw 'yong naglihim sa ating dalawa dahil naglihim din ako sayo." Wala pa din pagbabago sa expression ng mukha niya. "Ako at 'yong Trix na ex-girlfriens ni Skie ay iisa." Nakatingin lang ako kay Caleb habang sinasabi ko 'yon, hinihintay ko 'yong magiging reaksyon niya. Ako pa ata 'yong nagulat sa aming dalawa kasi imbes na magulat siya sa sinabi ko, ngumisi lang siya at para bang alam na niya ang totoo.

Sandali, alam na ba niya?

"Nung una ayoko pa talagang maniwala sakanila kahit na ang dami na nilang patunay pero t*ngina, ngayon ito, galing na mismo sayo. Totoo pala talaga ang lahat." Huminga siya ng malalim pagkatapos kinuha niya 'yong baso sa harapan niya na may laman na alak. Uminom siya bago siya nagsalita ulit. "Ang giling mo magpanggap, Angel. Muntik na din akong maniwala sayo." Ramdam ko sa boses niya ang galit. "Paano mo nagawa sakin 'yon ha?"

"Kaya ko lang naman nagawa 'yon kasi ayoko nang gumulo pa 'yong relasyon natin at ayokong magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan ni Skie."

"Anong pinagsasabi mo? Niloko mo ako, Angel! Niloko mo kaming lahat!" Napaatras ako sa takot. Galit na galit siya at halos mabasag na 'yong baso na hawak hawak niya. "Alam mo hindi mo deserve si Skie at lalong hindi mo ako deserve kasi manloloko ka!"

Anong pinagsasabi niya? Bakit parang nagiging baliktad pa ang lahat? Hindi ba sila ang nanloko sakin? Naglihim lang naman ako sakanya pero lahat naman ng pinakita ko sakanya totoo. At bakit niya dinadamay 'yong relasyon namin ni Skie. Wala siyang alam duon!

"Kayo ang nanloko sakin! Hindi ko lang sinabi sayo ang tungkol sa amin ni Skie pero lahat ng pinakita ko sayo, totoo lahat 'yon Caleb!" Hindi ko na talaga napigilan 'yong pag-iyak ko. "Paano mo din nasabi na hindi ko deserve si Skie? Wala kang alam don kaya pwede ba, wag mong idamay 'yon!"

"Kung Skie naloko mo pwes ako hindi." Pati siya umiyak na pero bakas pa din sa mata niya 'yong galit. "Hindi mo na ulit ako malokoko, Angel."

"Ano ba kasing siansabi mo? Hindi kita maintindihan?"

"Caleb? Baby?"

Pareho kaming napalingon ni Caleb. Napahinto ako ng makita ko si Briana. Nakahubad din siya at may towel lang din na nakapulupot sa kawatan niya. Parang nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. Mas lalo akong naiiyak pero pinupunasan ko lang ang mga luha ko.

"What are you doing here?" Tanong ni Briana. "Hindi mo ba nakikita na nakakaistorbo ka samin." Lumapit siya sa amin at pumulupot pa siya kay Caleb.

Hinawakan ko ng sobrang higpit 'yong mga tuhod ko. Gusto kong sumabog dahil sa galit pero kinalma ko pa din 'yong sarili ko.

"Anong ginagawa niya dito, Caleb? May nangyari ba sa inyo?" Nakatingin lang ako sakanya pero hindi siya makatingin sakin. "Answer me."

"Hindi pa ba obvious sayo?" Singit ni Briana. "Wag ka ngang tanga, Angel."

"Tumigil ka, hindi ikaw ang kinakausap ko. Caleb sagutin mo ako. Did you make out with her?"

"Yeah.. does it matter to you?"

Oo nga pala, hindi naman nga pala totoo ang lahat. Hindi totoo na minahal niya ako. Hindi naman totoo ang lahat nang meron samin kaya ano kung makipag sex siya sa iba? Dapat kasi malinaw na sakin ang lahat na pinaglaruan lang naman niya talaga ako. I'm so fvcking stupid.

"I thought it's already clear to you that what we had was just part of our plan. It's now over, Angel. We're over, right? I think I can do whatever I want." Tumayo siya at hanggang ngayon ang cold pa din ng aura niya. "May sasabihin ka pa ba? Gusto ko nang maligo." Umiling na lang ako. "Briana, ikaw na 'yong bahala." Naglakad siya palayo at pumasok siya sa banyo.

Napahawak na lang ako dibdib ko sa sobrang bigat nang nararamdaman ko ngayon. Ang sakit pa din pala. Ngayon malinaw na malinaw na sakin ang lahat.

"Masyado ka kasing assumera. Akala mo ba talaga makukuha mo si Caleb?" Tumawa siya ng malakas na para bang natalo niya ako sa isang laban. "Get over it, Angel. Pinaglaruan ka lang nila at lahat naman alam na ang tungkol don. Pwede ba? Umalis ka na. Wala kang lugar dito."

Tinitigan ko siya. Kung hindi lang ako nasasaktan ngayon, kanina ko pa siya binalibag sa sahig.

"Wag kang mag alala, aalis ako pero ito ang tandaan mo, sa susunod na makita mo ulit ako, ibang Angel na ang makikita niyong lahat. At sisiguraduhin ko na mararamdaman inyong lahat 'tong sakit na nararamdaman ko ngayon."

Sinara ko ng malakas 'yong pintuan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakababa at nakabalik sa kotse ni Ailee.

Pagkakita ko pa lang kay Ailee, niyakap ko na siya nang mahigpit. Hinayaan ko na 'yong sarili ko na umiyak. Gusto ko nang iiyak ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nang matapos ang lahat ng 'to. "Ailee.. ang sakit sakit."

"Angel, anong nangyari?

"Ailee, talagang niloko lang nila ako. Galing na din mismo sa bibig ni Caleb 'yon at isa kasama niya si Briana sa condo niya at may nangyari sakanila."

Hinarap ako ni Ailee at pinansan niya ang mga luha ko. "I'm really sorry, Angel. Akala ko mahal ka talaga ni Caleb pero nagkamali pala ako. Wag ka nang umiyak. Magiging maayos din ang lahat, nandito pa naman ako para sayo."

"Thank you Ailee." Inayos ko ang sarili ko. Kailangan tanggapin ko na ang lahat. Nasaktan man nila ako pero hindi ko hahayaan na masaktan pa ulit nila ako. Hindi ko hahayaan na api-apihin na lang nila ako nang ganito. Hindi ako pinalaki ng parents ko para magpaapi lang. Kagaya nang laging sinasabi sakin ni Mommy, hindi ako pwedeng magpatalo o magpaapi sa kahit na kanino. "Hindi ako magpapatalo sakanila, nararamdaman din nila lahat nang sakit na nararamdaman ko ngayon. Sinisiguro ko 'yon."

Hinatid ako ni Ailee sa bahay. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate sinalubong na agad ako ni Mommy. "Beatrix, I miss you!" Niyakap niya ako ng mahigpit. "How are you? Are you okay now?"

"Yes mom, I'm okay. I just need a breath of fresh air but I'm good now."

"Well that's good. I know you're strong just like me." Kumakalma ako kapag nakikita ko ang ngiti ni Mommy. "Kanina pa naghihintay sayo si Kiro, paalis na siya papuntang New York."

Pumasok kami sa loob. Nag uusap si Dad at si Kiro pero huminto sila nang makita nila kami ni Mom. "Beatrix, I'm glad you're back." Niyakap agad ako ni Dad. I'm glad to be home. "How was your vacation? Was it good?" I smiled, it was good. Well, I tried to think it that way. Ayoko silang mag alala pa sakin. Alam ko naman na madami na silang iniisip ngayon lalo na tungkol sa business namin.

"Iwan na namin kayo, alam ko madami kayong pag-uusapan ni Kiro." Paalam ni Mom. Pag-akyat nila lumapit sakin si Kiro at ginulo niya 'yong buhok ko.

"How are you?"

Niyakap ko si Kiro. Ayoko na din siyang mag alala pa sakin. Ayoko na maging mabigat ang loob niya pagbalik niya sa New York. Mas mabuti nang isipin niya na maayos lang ang lahat sa akin dito.

"I'm okay, getting better." Hinawakan ko ang kamay niya. "I will miss you, Kiro. Wag mong kalimutan mag video chat pagkauwi mo ha?" Pinisil niya 'yong magkabilang pisngi ko. "Mag ingat ka tska magpakabait ka duon ha? Lalo na kay Cyrene."

"Yes boss." Pang-aasar pa niya. "I know you that's why I know that you're not okay. Ayoko man umalis pero mag sisimula na 'yong class ko." Hinawakan niya 'yong mukha ko at tinignan niya ako diretso sa mata ko. "I know you can handle all of this but promise me one thing, don't let them hurt you again. They're not worth your tears. Promise me, okay?"

Tumango ako. "Promise."

Hindi na nagpasama si Kiro sa airport kaya sa labas ko na lang siya hinatid. Bago siya umalis, niyakap ko muna siya nang sobrang higpit. Ayoko muna siyang umalis pero hindi na siya pwedeng mag stay dito.

"Bye Trix, I will miss you."

"I will miss you too, Kiro. I'll see after six months, okay?" Niyakap ko ulit siya. Lumapit siya sakin pagkatapos hinalikan niya ako sa pisngi. Medyo nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang. "Ikamusta mo na lang ako kay Cyrene ha? Have a safe flight."

Pag-alis ng kotse ni Kiro, nakita ko si Caleb na nakasandal sa kotse niya. Ang sama ng tingin niya pero hindi na siya lumapit o nagsalita pa, pumasok agad siya sa kotse niya at umalis.

Hanggang ngayon aaminin ko na may feelings pa din ako para sakanya pero gagawin ko ang lahat para mawala 'yon. Lahat nang nangyari samin ay puro kasinungalingan lang at dapat ngayon pa lang kalimutan ko na ang lahay ng 'yon.

Pagpasok ko sa bahay, may notification akong nakita sa facebook ko. May nag tag sakin sa isang picture sa page ng Bella chickas. Picture ni Caleb at Brinana na magkahalikan sa isang club. Humigpit bigla ang pagkakahawak ko sa phone ko. Ang kapal ng mukha nila. Talagang lantaran 'yong panloloko nila sakin pero sabagay alam na naman ng lahat ang totoo.

Ang dami kong picture don na edited, lahat puro panglalait. Mas lalong nag init ang ulo ko.

Hindi ako makakapayad na gaganituhin lang nila ako. Hindi pa nila alam kung anong kaya kong gawin. Hindi pa nila ako lubusang nakikilala. Pwes, ipapakilala ko sakanila kung paano ako magalit at kung paano ako gumanti. Sisiguraduhin ko na iiyak silang lahat sa harapan ko.

Nagpaalam lang muna ako kala Mom. Pumunta ako sa pinakamalapit sa mall samin at duon, gagawin ko ang unang step nang pagbabago ko.

Pumunta ako sa salon at duon, nagpagupit ako. Sobrang iksi na hanggang leeg ko lang at nagpakulay ako na blonde. Pinalitan ko na din 'yong mga damit ko. Mas daring at mas fierce. Gusto ko kapag nakita ulit nila ako next week, ibang iba na ako.

Get ready, Angel is gone and Beatrix is now here.

Continue Reading

You'll Also Like

742K 11.8K 56
Collection of K-pop.. Tagalog Ver. & etc. LOLOLOL
1.4M 56.4K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
152K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...