Breaking the Bad Boy (Publish...

By blue_maiden

39M 1M 312K

Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but... More

Prologue
Chapter 1: I'm in trouble
Chapter 2: Guardian Angel
Chapter 3: Who are you?
Chapter 4: Kiss or Take it off?
Chapter 5: Revenge
Chapter 6: The war is on
Chapter 7: Our deep secret
Chapter 8: Picture Frame
Chapter 9: Persistent
Chapter 10: Friends?
Chapter 11: Best friend
Chapter 12: We are now
Chapter 13: Busted
Chapter 14: Chance
Chapter 15: The Plan
Chapter 16: Tell me your secret
Chapter 17: It's time
Chapter 18: First date
Chapter 19: I trust you
Chapter 20: I'll take care of you
Chapter 21: Confused
Chapter 22: So.. friends?
Chapter 23: Who got your back?
Chapter 24: We can't be
Chapter 25: Best friend
Chapter 26: Daddy
Chapter 27: Yes
Chapter 28: Bothered
Chapter 29: Lies
Chapter 30: Meet the parents
Chapter 32: Forgive me
Chapter 33: Last Chance (part 1)
Chapter 34: Last chance (Part 2)
Chapter 35: Reasons
Chapter 36: Traitor
Chapter 37: Bro code
Chapter 38: Beatrix
Chapter 39: Cheater
Chapter 40: Don't dare me
Chapter 41: Soccer game
Chapter 42: Ex-boyfriend
Chapter 43: Another chance
Chapter 44: He is sick
Chapter 45: True feelings
Chapter 46: Last two pages
Chapter 47: It's you
Chapter 48: Pageant
Chapter 49: Defeat
Chapter 50: The past
Chapter 51: Wake up
Chapter 52: Goodbye best friend
Chapter 53: Farewell
Epilogue
Book 2
TV MOVIE
Self-Published

Chapter 31: Truth

620K 17.3K 5K
By blue_maiden


Angel's point of view



Hilig na siguro ni Kiro na gisingin ako sa mga tingin niya. Para siyang alarm clock na automatic na gigising sakin. "Wake up, it's already seven." nakatayo siya sa pintua ng kwarto ko. Bakit siya nandito? Akala ko ba galit siya sakin? "You have school today, right?" lumapit siya sakin at umupo siya sa tabi ko.

"Nine pa ang pasok ko." Inaantok pa din ako hanggang ngayon at parang tinatawag pa ako ng malambot kong kama. Ang sarap matulog pero lagot ako kay Caleb kapag hindi ako pumasok. "Wait, you're not mad at me anymore?" Tanong ko tapos ginulo niya ang buhok ko tska siya tumawa. "Why are you laughing?" mas lalo pa siyang tumawa kaya tinarayan ko siya. Sabi nga nila, biruin mo na ang lasing wag lang ang bagong gising.

"Seriously?" Nakangisi niyang sabi tapos ginulo na naman niya ang buhok ko. "Trix, you know that I can't be mad at you. I will never be." Ngumiti siya sakin na parang walang nangyari, na parang hind niya ako sinungitan nang mga nakaraang linggo.

"Kaya pala hindi mo ako pinapansin for the past three weeks." pagmamaktol ko. "Tapatin mo nga ako, ano bakasing problema mo?" hanggang ngayon nakataas pa din ang kilay ko sakanya. Minsan para din kaming mag boyfriend at girlfriend na nagkakaroon ng away at tampuhan pero ang maganda samin niKiro, hindi nagtatagal ang away namin.

"Hindi lang siguro ako sanay na may boyfriend ka na ulit." pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Ginagawa na naman niya akong parang bata. "Forget about that, okay?" pinisil niya ang kaliwang pisngi ko at parang nanggigil pa siya sakin. Na miss siguro niya ako. "I'll be back to New York next week so I guess you can go out with me this whole week? Treat it as despedida days for me."

"So kinausap mo lang ako dahil aalis ka na? Ganon?" Pang-aasar ko.

"Of course not!" Depensa niya. "Don't be so childish, Trix."

"Okay fine. I think Caleb is fine with that. Hindi naman siya seloso, eh." kinuha ko agad 'yong phone ko. May tatlong text na sakin si Caleb. 'Yong una two hours ago tapos 'yong huli ten minutes ago lang. "Is that Caleb?" tumango ako at ngumiti kay Kiro. Na gets naman ata niya kung anong ibig sabihin ng mgangiti ko. "Okay okay.. go ahead and talk to him. I'll go downstairs."

Paglabas pa lang ni Kiro tinawagan ko agad siCaleb. "Good morning, babe." bati ko. "Bakit ang aga mo magising?"

"Secret," ang pilyo ng pagkakasabi niya kaya na excite ako. "I'll be there in fifteen minutes, see you babe. I love you." Hindi na ako nakasagot dahil binabaan niya na ako ng phone. Mukhang nagmamadali siya. Na curious tuloy ako lalo kung anong gagawin niya.

Nag ayos na ako at hindi ko alam kung paanong ligo at pag-aayos ba ang ginawa ko pero wala pang fifteen minutes, nasa baba na ako. Sakto naman na pagdating ni Caleb. May dala dala siyang dalawang bulaklak at isang tupperware. Sabi ni Ailee masarap magluto si Caleb kaya bigla akong natakam. "Good morning po, Tito and Tita. Binigay niya 'yong isang bulaklak kay Mom at 'yong isa sakin. "Good morning Kiro, hi babe." He looks so happy.

"Thank you sa flowers, Caleb." Inamoy ni Mom ang bulaklak at mukhang tuwang tuwa siya. Si Dad mukhang hindi natuwa pero tingin ko dahil naunahan niya si Caleb sa pagbigay ng bulaklak kay Mom. "Kumain ka na ba?"

"Busog na po ako, kanina pa ako tikim ng tikim sa niluto ko," nilapag niya 'yong tupperware sa mesa at pagbukas niya nanlaki ang mata ko sa niluto niyang Pininyahang manok. Pareho pareho namin paborito 'to lalo na si Dad. "Niluto ko po para sa inyo ni Tito Shawn." Naka poker face pa din si Dad pero alam ko na deep inside natatakam na siyang kumain. "Sana po magustuhan niyo."

"You really cooked this?" Excied na tanong ni Mom. "It's our favorite, do you know that?"

"Tinanong ko po kasi si Skie kung anong pagkain ba 'yong magugustuhan niyo at 'yan 'yong sinabi niya." Pare-pareho kaming natigilan.

Wait, what? Si Skie? How did he know?

"May problema po ba?" Tanong ni Caleb. "May nasabi ba akong masama?" Nagkatinginan kaming lahat.

"Wala babe," hinila ko siya papunta sa upuan sa tabi ko. "Gutom na kasi kami kaya mabuti pa kumain na tayo."

Habang tumatagal na gui-guilty ako dahil hanggang ngayon wala pa ding alam si Caleb tungkol sa past namin ni Skie. I still can't decide if I need to say that or not. "We need to talk before you leave." Bulong ni Kiro at tumango lang ako.

Hanggang ngayon ang dami pa ding tanong ni Dad kay Caleb pero si Caleb naman game na game sumagot kaya tuwang tuwa kami ni Mom sakanya. Habang kumakain si Dad kitang kita namin ni Mommy ang ngiti sa dulo ng labi niya. Alam kong nasarapan siya sa luto ni Caleb, sino bang hindi? Akala mo professional chef 'yong nagluto nito. Inaasar pa nga ako ni Mommy na hindi na daw ako magkakaproblema kapag naging mag asawa na kami ni Caleb. Muntik pa akong mabulunan dahil sa don. Pagkatapos naming kumain may ngiti na sa mukha ni Daddy. Ramdam ko naman na hindi niya gusto si Caleb pero mukhang nagbabago na 'yon ngayon. Tama talaga 'yong saying na, a way to a man's heart is through his stomach.

"We need to go Mom, baka ma-late na kami." Tumayo kami ni Caleb at sabay kaming nagpaalam sakanila. "Bye Dad and Mom."

"Mag ingay kayo. Caleb, ingatan mo ang anak ko." Paalala ni Daddy. Hindi na siya ganon ka suplado kay Caleb hindi katulad nang unang araw silang nagkita.

Pinauna ko na muna si Caleb sa labas pagkatapos kinausap ko si Kiro.

"How did my brother know about your favorite food?" Tanong niya. Kanina ko pa din tinatanong sa sarili ko 'yon. "Did you tell him about it?"

"No I didn't! Can you ask him? I'm kinda bothered about it."

"Okay, I'll ask him. Go ahead your boyfriend is waiting for you." He's already teasing me so I guess we're really okay now. Good to know. "Take care, I'll see you later."

Sumakay ako sa kotse ni Caleb at hanggang ngayon ang laki pa din ng ngiti sa mukha niya. Ngayon ko lang din na realized na mababaw lang din naman ang kaligayahan ni Caleb. Minsan para siyang bata na kapag binigyan ko ng ice cream eh tatahan na siya sa pag-iyak. Tatlong linggo na din kami ngayon at masasabi kong mahal ko na talaga siya.

"You know what babe? Ang laki ng utang ko kay Skie. Kung hindi niya sinabi sakin 'yong favorite recipe niyo hindi ako magkakaroon ng pogi points sa Daddy mo." So kaya pala siya excited dahil magpapapogi points siya kay Dad at kata siya masaya kanina pa dahil successful siya sa plan niya. I find it cute specially if it's him doing it. It's not usual for someone like him to do all of this. Kahit si Skie hindi pinagluto si Daddy at Mommy. "Maybe I should always cook for him, what do your think?"

Hindi ko na napigilan 'yong tawa ko. "You don't need to do that babe. Dad likes you now, believe me, I know it. Isa pa ayokong palagi kang nagiging ng maaga baka naman magkasakit ka niyan."

Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa noo ko. "Ang sweet talaga ng girlfriend ko."

"Mas sweet ang boyfriend ko."

Lumapit ulit siya sakin pagkatapos hinalikan na niya ako sa labi ko. Ang tamis ng labi ni Caleb kaya hindi ko napigilan 'yong sarili ko na halikan siya pabalik. He's so good at kissing that you can't resist to ask for more. Alam kong marami na siyang nahilikan dati pero sa tuwing hahalikan niya ako ramdam ko ang pagmamahal niya sakin.

Huminto siya at tinulak niya ako palayo. "If I kiss you further, I will lose control and I don't want that to happen." Umiwas siya ng tingin sakin at bigla na lang namula ang pisngi niya. "Tara na? Baka ma-late tayo."

Pinipigilan kong matawa. Ang cute ni Caleb kapag nahihiya siya. Kapag kasama ko siya never kong naramdaman na playboy siya at isang jerk. Proud din naman akong sabihin na nagbago na siya.

"Mauuna kang lumabas sakin pero wag kang magalala susubukan kong tumakas sa prof ko. Hintayin mo ako sa canteen, okay?" Niyakap niya ako tska siya umalis. Nag bago na siya pero pilyo pa din siya minsan pero okay lang naman kasi cute naman tignan sakanya.

Pumunta ako sa class ko. Nakita ko si Skie sa likod katabi ng upuan ko. Pag upo ko don binati niya agad ako. "Did they like the food?"

"Yeah, we liked it specially Dad," nandito na naman siya so might as well ako na ang magtanong sakanya. "Ikaw daw nag sabi kay Caleb about don, paano mo nalaman? Ang pagkakatanda ko, sinabi ko lang naman sayo 'yon nung naging tayo?" Natigilan ako at parang hindi ako makagalaw.

Posible bang bumalik na ang alaala niya?

"Uhm.. I uh.. I asked my Mom." hindi ko alam kung bakit ako biglang nalungkot. Hindi ba dapat ako affected sa ganitong bagay. Ano naman kung bumalik na ang alaala niya? Wala pa din naman magbabago at isa pa masaya na kaming dalawa. "I'm happy to see him like this. I'm glad you gave him a chance even though he's known as a douche bag. He really loves you."

"I know and I love him too."

Minsan nakakatakot maging masaya nang ganito dahil pakiramdam ko sooner or later may mangyayaring hindi maganda pero naisip ko na bala dahil sa bago na ulit sakin ang lahat ng 'to kaya ako mag aalala ng ganito. Ang tagal din bago ako nakapag move-on ng tuluyan kay Skie at masaya ako na naging worth it naman lahat ng paghihirap ko. Masaya na ako ngayon. May boyfriend akong mahal na mahal ako at kasama ko na din ang parents ko sa iisang bahay. Wala na nga ata akong mahihiling pa.

Yeah, that's what I thought.

Hinintay ko si Caleb sa canteen. Sinamahan pa ako ni Ailee. Madaming tao dito pero stand out pa din ang pagdating nila Anya sa place. Napataas ang kilay ni Ailee ng dumiretso sila sa table namin. "What are you doing here, bitchy sister?" Iritang sabi ni Ailee.

"May gusto lang akong sabihin kay Angel, tungkol 'to sa magaling niyang boyfriend." Ngumisi siya at hindi ko gusto ang mga nangyayari. Bigla na lang akong kinabahan kahit na hindi ko pa naririnig ang sasabihin niya. "Everybody, listen to me!" Lahat ng tao sa canteen napatingin samin.

Hinawakan ni Ailee ang braso ni Anya. "What are you doing?!"

"Get off me!" Tinulak niya palayo si Ailee at ang nakangisi pa din siya sakin. "Makinig kayo sakin!" Sigaw niya ulit. Nakatingin lang ako sakanya. "Alam niyo bang niloloko lang ni Caleb 'tong si Angel?"

What? What the hell is she saying?

"Plano lang nila Skie na mapasagot ni Caleb si Angel para makaganti si Skie sakanya. Lahat ng 'to isa lang palabas! Pinaglaruan lang nila Caleb si Angel at itong babae naman na 'to, paniwalang paniwala!" Nagtawanan sila Anya at ang kaibigan niya.

"Ilusyunda!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Sinusubukan ko pa din kumalma kahit na kanina ko pa gustong sampalin si Anya. "Assumera!" Nagtawanan ulit silang lahat.

"Shut up!" Sigaw ko. "Hindi 'yon magagawa sakin ni Caleb. Mahal niya ako at bitter lang kayong lahat samin lalo ka na Anya kaya pwede ba? Leave us alone!"

Tumawa na naman siya na mas lalong nagpainit ng ulo ko. "Oh, nandito na pala sila Caleb. Bakit hindi mo itanong sakanya ang totoo? Ang totoo na plano lang ang lahat ng 'to. Plano nila na ma-in love ka may Caleb at kapag nangyari na 'yon makikipaghiwalay din si Caleb sayo para masaktan ka at para bumalik ka na sa New York! Ngayon alam mo na ang lahat, mabuti pa umalos ka na dito!"

Nilingon ko si Caleb, kasama niya si Skie, Enzo at Luke. Nakatingin lang ako diretso sa mata niya. Hinihintay ko na sabihin niyang nagsisinungaling lang si Anya, na mahal niya talaga ako pero wala akong narinig sakanya kung hindi ang salitang, "Sorry Angel, let me explain." Kusa na lang pumatak ang luha sa mata ko. Parang unti unting nadudurog ang puso ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Explain? Explain what?! Malinaw naman sakin 'yong sinabi niya eh, niloko niyo ako at pinaglaruan niyo ako!" Wala na akong pakialam kahit umiyak pa ako ng umiyak sa harapan nila. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Kasing sakit 'to ng naramdamn ko nang nakipag break sakin ni Skie dati. "Pinagkatiwalaan kita Caleb! Akala ko mahal mo talaga ako! Akala ko nagbago ka na talaga! Nagkamali pala ako! Ang tanga tanga ko!" Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Lumapit sakin si Caleb at hinawakan niya ako pero nilayo ko agad ang kamay niya. "Wag mo akong hahawakan!"

"Babe nagkakamali ka, oo totoo na plano lang lahat ng 'to pero matagal na namin tinigil 'yon simula nang mahulog talaga ako sayo. Totoong mahal kita, mahal na mahal kita. Babe, please makinig ka sakin."

Sinungaling ka! Sinungaling kayong lahat!

"Wag mo akong tawaging babe! Wag ka nang magpanggap dahil nasaktan niyo na ako!" Tinignan ko si Skie. Kahit kailan hindi ka na magbabago. Galit na galit ako sakanya. "At ikaw Skie, akala ko sincere ka nang sabihin mong gusto mo akong maging kaibigan pero hindi pala! Ganyan ba talaga kalaki 'yong galit mo sakin na gumawa ka pa talaga ng plano para saktan ako at paalisin ako? You're so pathetic!"

"Angel, mali ka nang iniisip. Oo naisip ko 'yon pero tinigil na namin yon at totoong minahal ka ni Caleb!"

"Hindi niyo na ako maloloko! Magsama sama kayong lahat!"

Tumakbo ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto ko lang lumayo sa kanilang lahat.

Akala ko totoo lahat ng sinabi ni Caleb pero ang tanga ko para maniwala sakanya. Ang sakit lang kasi mahal ko na siya, eh.

Iyak pa din ako ng iyak. Hindi ko alam kung nang gagawin ko. Buti na lang tumawag siya sakin. Kailangan na kailangan ko siya ngayon.

"Kiro.. please come here, I need you."

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 21K 66
Do you believe in "Love at first sight?" :) There's this boy named Ervin, who was about to do suicide. But then this Charlotte girl came to his rescu...
49.4M 1M 90
It seems like everything is falling into place para kina Kurt at Gail. They have a baby on the way, suportado sila ng barkada at pamilya nila, and th...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
96.2M 1.1M 98
(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.