The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 63: Last straw

356K 12.8K 5.2K
By iDangs

Hailey's Point of View


Papunta ako kila Piper para kunin 'yung librong hinihiram ko nang makita ko si Warren na nakaupo sa terrace nila at mukhang problemado sa phone niya. Paano naman kasi parang nagtetext siya tapos ibaba niya 'yung phone. Wala pang 5 seconds titingnan na naman niya at parang magtetext tapos ibababa na naman. Hindi kaya may textmate na 'to?

Baka nakahanap siya ng ibang babae. Kaya siguro nitong mga nakakaraan panay pagtutulak niya kay Piper at Hunter. Sabi pa niya naka move on na siya. Hindi nga kaya may iba na siya.


Oo nga at tinutulungan ko siya dati kay Piper. Kasi si Piper 'yun eh. Matagal na niyang gusto 'yun. Ngayon kung may iba na siyang gusto, may iba na siyang babae... hindi ko alam. Naiisip ko palang parang gusto ko nang sabunutan si Warren.

Hindi ko naman malalaman kung tama ba 'tong mga iniisip ko kung hindi ko titingnan.

Pasimple kong binuksan 'yung maliit na gate nila at tahimik na pumasok. Dahan dahan akong nagpunta sa likod niya. Kahit medyo malamok dito sa halamanan wala akong pakialam. Kailangan makita ko 'tong tinetext ni Warren.


Nakausap mo pala ang mga teammates ko kanina.


Ayon ang nakalagay sa phone niya pero hindi niya madugtungan. Kinausap kanina? Teka. Sabi nga pala kanina ni Migs kinausap sila ni Kuya Zane. Hindi kaya siya ang tinetext ni Warren?


"Tinetext mo si Kuya Zane?" tanong ko sa kaniya. Halata naman na nagulat siya sa pagsasalita ko kasi kanina nakataas pa ang paa niya sa isang upuan pero ngayon nasa sahig na.


Nilock niya agad ang phone niya at inilagay sa lamesa. "Ano bang ginagawa mo diyan? Paano ka ba nakapasok?" Tinuro ko ang gate nila at nagpunta na sa loob ng terrace saka umupo sa katapat niyang upuan.


"Ano na? Itutuloy mo ba 'yang message mo o hindi na? Aba, Warren, magpasalamat ka naman sa kuya mo. Thursday ngayon. Umuwi pa 'yan dito para lang makausap teammates at coach mo."


Kinuha niya ang phone niya at tiningnan na naman 'yung screen. Konti na lang ipapakasal ko na 'to sa phone niya eh. Kung itetext niya, itext niya na. Sa tuwing nagdadalawang isip siya nasasayang lang ang oras.


"Hindi ko alam sasabihin ko sa kaniya."

"Magpasalamat ka lang. Gets na niya 'yun."


Napahawak siya sa batok niya at kapag ganoon, halatang nahihiya siya. Siguro iniisip niya pa rin hanggang ngayon 'yung ginawa niya. 'Yung nagalit siya sa kapatid niya. May point naman siya kaya lang magkapatid kasi sila. Kaya dapat hindi pinapalaki ang alitan. Kung may sama ng loob sa isa, dapat sabihin na agad. Pero past is past naman na.


"Ayos lang, Warren. Kapatid mo 'yun. Matulungan ka lang nu'n okay na siya. Magpasalamat ka lang masaya na 'yun. O baka naman galit ka pa rin sa kaniya?"


Umiling siya at inilapag ulit ang phone niya, "Hindi ko nga alam kung nagalit ba talaga ako o sadyang nagtampo lang. Hindi ko rin magawang magpasalamat kasi 'di ba nga huling beses na magkausap kami inaway ko siya."


"Kahit hindi ka pa nagsosorry napatawad ka na nu'n. Hindi naman niya kakausapin yung coach at teammates mo kung hindi pa."

"Bakit parang kilalang kilala mo si kuya? Bakit parang close na close kayo?"

"Kilala ko talaga at close talaga kami. Wala naman kasi akong kapatid. Kay Kuya Zane, pakiramdam ko may kuya ako."

"Kuya lang?"

"Oo. Huwag kang mag-alala, kuya lang talaga. Hindi ka nu'n aagawan ng posisyon as bestfriend ko."


Tinignan niya lang ako pero nang taasan ko siya ng kilay ay tumango siya. Anong trip nito?


"Sige na. Itext mo na kapatid mo. Punta na ako kila Tita Ayu." Kinawayan ko siya at lumabas na ng terrace nila. Hindi pa man din ako nakakalayo nang may tumama sa ulo kong maliit na bato. Kasing liit lang ata ng kuko ko o mas maliit pa doon.


Tumalikod ako at nakita si Warren na nakangiti sa akin. Ayos din 'to. Pagkatapos ko siyang damayan babatuhin niya lang ako.


"Thank you! Hindi ko talaga alam kung paano na ako kung wala ka."


***

Warren's Point of View


Pagdating namin sa school ay agad may sumalubong sa amin na mga handang magbigay ng pirma. Kahapon nakaabot kami ng 100 signs. 160 pa ang kailangan namin.

Sobrang laking tulong ng teammates ko pati na rin ng ibang Populars at 'yung lalaking tinulungan ni Hunter. Dahil sa tulong nila ay nakakuha pa ulit kami ng isang daan na pirma sa sobrang ikling oras. Astig lang talaga.

Marami na ang pumirmang ordinaries at nerds pero kulang pa rin. Hindi bale, may oras pa.


"Kailangan na raw natin magpunta sa auditorium."


Napatingin ako sa papel kung saan nakalagay ang mga pirma. Hindi pa rin kami umaabot sa 260 pero pinapapunta na agad kami sa auditorium.


"Ayos lang, Warren," sabi ni Hailey sa akin at hinawakan ako sa likod. "May oras pa."

"Pwede pa bang humabol ng pirma?"


Napatingin kaming lahat sa nasa may pintuan. Si Hunter na nakasuot ng uniform ng Kingdom High. Paanong... nakabalik na ba siya?


"Guevarra!" sigaw ni Nate at tinapik siya sa likod. Lumapit ako sa dalawa at hinampas din sa likod si Hunter. Maski sila Hailey at Tamara ay nilapitan si Hunter at tinapik sa braso. Huling lumapit sa kaniya si Piper at inilahad niya ang kamay niya dito, "It's nice to have you back here sa Kingdom High, Hunter."


Nginitian siya ni Hunter at bigla na lang niyakap. Sandali nga lang kasi hindi pa rin naman sila gaya ng dati. Namula si Pipes sa ginawa niya kaya agad namin siyang pinagtawanan.


"Paano ka nakabalik?" tanong ko sa kaniya.

"Sinabi na raw nu'ng tinulungan ko 'yung totoo."


Ayos! Astig talaga.    


***

Nagspispeech tungkol sa rule ang head ng Prefect of Discipline ngayon sa harap ng mga estudyante ng Kingdom High. Nakaupo kami sa may pinakunahan.


Nang mapansin ko na hindi mapakali si Hailey at pinaglalaruan niya ang kamay niya ay hinawakan ko 'yun para kahit papaano ay mawala ang nerbyos niya.

Matapos ng speech ng head ay pinaakyat niya kaming anim sa stage para ipaliwanag ang side namin at para masabi kung bakit namin gusto ipatanggal ang rule. Nagbubulungan ang ibang estudyante pag-akyat namin at hindi nakakatulong 'yun. Buti na lang ay sumigaw at nag-cheer sa amin sila Migs at ang ibang mga pumirma sa pinaglalaban namin.


"Hindi namin pinaglalaban na mawala ang rule para lang sa wala. Hindi namin ginagawa 'to kasi trip lang namin o kasi nanghihingi kami ng karamay dahil wala kaming mga grupo. Walang pumilit sa iba na umalis ng grupo. Pwera na lang siguro sa akin na sapilitan pinaalis dahil lang sa rason na nakikipag-usap ako sa mga walang grupo. Bakit? Anong masama kausapin ang mga kaibigan mo? May masama ba doon? Masama bang damayan mo ang kaibigan mo? Sa pagkakaalam ko hindi naman masama 'yun. Nagiging masama lang naman sa tingin niyo dahil sa rule na 'yan."


May ilan na sumang-ayon sa akin at may ilan na nanahimik lang. Ipinasa ko kay Hailey ang mic. "Sabi nila ginawa raw ang rule para protektahan ang mga nabubully at hindi sila maapi. Sabi rin nila dahil daw sa rule makikita mo kung saan ka bagay, kung saan ka dapat magfocus at saan ka dapat manatili. Kaya lang hindi naman ganoon kadali 'yun. Kasi dahil sa rule nalilimatahan tayong makita kung saan talaga tayo dapat, kung saan talaga tayo sasaya. Hindi rin nakakatulong ang rule sa mga nabubully. Tingin niyo ba dahil sa rule wala ng nabubully? Meron pa rin. Hindi na mawawala 'yan. Ang mahalaga ay dapat matutunan nilang ipaglaban ang sarili nila. At 'yun ang hindi tinuturo ng rule. Kasi ang rule... tinuturuan tayong magpakaplaying safe."


Nagbulungan na naman ang mga tao at mukhang marami na ang sumasang-ayon sa amin. Mukhang maganda na ang kakalabasan ng nangyayari.

Kaya lang masyado pa palang maaga para magsalita. 


Nagtaas ng kamay si Elle at nagsalita, "I think the rule teaches us discipline which clearly you haven't learned. You're trying to poison their minds and make it looks like na mali ang rule or masama ang dinadala nito sa atin when in fact, admit it or not, mas maayos ang life niyong lima dito sa Kingdom High because of the rule. You, Piper, you're on top and you loved it when everyone loves you. Hailey, nakakapagfocus ka pa sa studies mo and that's all that matters. Warren, you could still play for the school's varsity. Nate, you could fool around and we don't care. Hunter, nakikipag-away ka and it's fine. Kasi the rule's protecting you. Kasi that's where you're supposed to be. Now na umalis kayo ng groups, look at yourselves. You lose everything. Ngayon yung ibang students dito... do you want to lose your comfortable lives like them?"

Kung marami ang sumasang-ayon sa amin kanina, mas marami ang sumang-ayon sa kaniya ngayon.


"Ginugulo talaga ng Elle na 'to ang lahat," bulong ni Tamara sa amin. Hiniram naman ni Pipes kay Hailey ang mic.


"No. We haven't lost everything. We still have each other. When I was in the Populars, people expect me to just sit, boss around and just be pretty. Kasi ayon na ang tingin ng tao sa Populars. Puro ganda, walang utak, hindi sporty, walang leadership. Sa Nerd, they just study and read. The Jocks are just sporty and full of themselves. Sa Rebels, basagulero. And the ordinaries are the wallflowers. That's what people expect sa groups. Eh what if I like to read as much as I want to take care of my looks? Saan ako babagsak niyan? Because of the groups and the rule I have to choose one and only one. I have to give up the other one kasi when I choose to be popular, magagalit ang iba if I study hard because that's not how a popular should act daw. When I choose to be a nerd, I'm not allowed na magpaganda or maging maarte kasi may magagalit."


Tumayo ulit sa Elle at mukhang nagbabalak na naman magsalita pero hindi na siya pinagsalita ni Piper, "Either way may magagalit. Kaya I decided to do what I want. Why would I allow myself to be trapped by the rule which limits me to do what I want instead of helping me to grow? Parang in real life... Why would I allow society to tell me what to do just so I can please them when I know that in the end, they always have something to say? I won't let anyone tell me who I should be because no one knows myself better than me. I want to take care of my looks, to read, to play sports, to be a normal girl, to fight. Why would I pick one if I could choose to do it all?"


Natahimik ang mga estudyante at inabot ni Pipes ang mic kay Nate.


"Kung hindi pa rin namin kayo makumbinsi at kung pumapayag pa rin kayo na makulong sa kung ano ang ineexpect ng tao sa inyo dahil sa mga grupo niyo, wala na kaming magagawa. Basta hindi kami babalik sa mga grupo namin kahit anong mangyari. Basta ang alam ko... ako si Nate. Dating leader ng Ordinaries. Ordinaryo lang at wala lang sa paningin ng iba. Kahit ganoon ang tingin sa akin, masaya pa rin ako kasi ginagawa ko ang gusto ko. Masaya pa rin ako kasi malaya ako."


Ibababa na dapat ni Nate ang mic pero inagaw 'yun ni Hunter.


"Bihira ko gawin 'to pero mukha ngang mas pipiliin niyo na huwag pumirma at magpakulong sa rule at patuloy pa rin na magkakaroon ng groups. Dahil diyan gusto ko sanang liwanagin sa iba na hindi kasing sama ng akala niyo ang lahat ng rebels. Hindi dahil sa ganyan silang kumilos ay masamang tao na sila. Naniniwala ako na mas may kakayanan pa silang tumulong at magmalasakit sa kapwa kaysa sa ibang tao dito. Sana makita niyo rin 'yun."


Ibinaba na ni Hunter ang mic at humarap sa amin. Tinanguan niya kami senyales na tapos na. Wala na. Wala na kaming magagawa kung hindi sila pumirma. Wala na kaming magagawa kung hindi sila makumbinsi basta kami, masaya kami.

Ipinasa na namin ang kulang na pirma sa head ng POD.


***

"Ginawa naman natin ang lahat. At least wala tayong pagsisisihan sa bandang huli. Isa pa, magkakasama pa rin naman tayo 'di ba?" Pagpapalakas ng loob ni Tamara sa amin.


Niyakap siya ni Hailey at Piper. Mukhang susunod si Nate sa pagyakap pero hinawakan namin ni Hunter ang balikat niya para pigilan. Iistorbohin pa 'yung tatlo eh.


"Sayang lang na hindi natin napatanggal ang rule pero okay lang basta sama-sama tayo. Wala nang iwanan 'to."

"And this is all because of you, Tamara. Thank you talaga for coming sa Kingdom High. Without you baka hindi pa rin kami okay."

"Okay na. Okay na. Tama na. Kumain na lang tayo. Tara na canteen," aya ni Nate at pumalakpak pa.


Bago pa man kami makalabas ay tumatakbong papasok sa room sila Migs at ibang teammates ko, pati na rin sila Lara at ibang Populars kasama ang lalaking tinulungan ni Hunter. Pinapapunta nila kami sa office ng POD. Pinapatawag daw kami.

Ito na naman. Ano na naman kayang bad news ang matatanggap namin ngayon?


Nang makarating kami sa office ay pinaupo kami ng head ng POD. Hinihintay ko na sabihin niya sa amin ang bad news nang iabot niya kay Nate ang papel ng mga pirma.


"I always believe you can do it. And look, you just did. Isa o dalawa lang ata ang hindi niyo napapirma."

"Paanong..."

"Nang matapos ang assembly ay dumiretsyo dito ang karamihan ng mga estudyante at nagsabing pipirma sila para mawala ang rule. 65% lang ang kailangan niyo pero sobra sobra ang nakuha niyo. I'm proud of you."

"Akala ko po ayaw niyong – "

"Ayaw kong ipatanggal ang rule? Hindi. Matagal ko na siyang gustong mawala pero hindi ko naman 'yan pwedeng tanggalin na lang basta. Kailangan masunod ang nakalagay sa handbook. Noong unang beses ko palang kayo pinarusahan, sinabi ko na agad sa inyo na basahin niyo ang handbook. Noong binigyan ko kayo ng suspension, tinanong ko kayo kung nabasa niyo na ba ang handbook. Pinapanood ko lang kayong anim. Buti na lang at nakatulong ang lahat ng parusang ginawa ko sa inyo para magawa niyo 'to. You made me proud katulad ng mga magulang niyo."

"Our parents?"

"Teacher palang ako noon nang ipatanggal nila ang clash. Ganyan din ang ginawa nila. Pinanindigan ang sa tingin nila ay tama."


Nag-uusap pa kami nang bumukas na lang ang pinto sa office at isinuka si Elle. "Ma'am, this isn't possible. Natapos po ang assembly and they didn't reach the – "


"Hindi pa tapos ang araw pero nakumpleto na ang pirma. Sumobra pa nga. My decision is final, Elle. From today onwards, wala ng bisa ang rule. I need to talk to you before the day ends. May ilang rebels ang nagsumbong sa mga ginagawa mo."

"But – "

"For now, pwede na kayong mag-lunch."


Paglabas namin ay sinamaan kami ng tingin ni Elle. Sinisi niya kami dahil sa pagkakawala ng rule. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit galit na galit sa amin 'to.


"Nakakairita. Nakuha mo niyo na naman ang gusto niyo. Lagi na lang kayo ang panalo."

"Why do you hate us so much, Elle?"

"Why? Tinatanong mo pa talaga kung bakit. I've always wanted to be a part of the Populars. Gusto ko tingalain ng lahat pero hindi mo ako tinanggap noon kasi sabi mo hindi ako pwede. Bakit? Kasi medyo mataba ako noon? Nagpunta ako sa Nerds pagkatapos pero hindi rin ako tinanggap kasi hindi raw mataas ang grades ko. Nagpunta rin ako sa Jocks at hindi rin ako tinanggap kasi hindi ako pasado sa tryouts. Maski sa Rebel hindi ako tinanggap kasi lampa raw ako. Saan niyo ko ibinagsak? Sa Ordinaries? Ayokong maging ordinaryo lang kaya nag-diet at nag-work out kahit ang bata bata ko pa makasama lang sa Populars. Ever since then nangako ako sa sarili ko na gaganti ako sa inyong lahat. You don't know what I've been through dahil sa pagtulak niyo sa akin palayo. Lagi akong mag-isa. Maski magulang ko nadisappoint sa akin. And that's because of you. Ngayon naman na nasa taas na ako kokontrahin niyo na naman. "


Hindi ko maalala na sumali siya sa amin pero baka nga iba pa ang itsyura niya noon. Hindi ko alam kung mababaw ba ang dahilan o may punto rin siya kaya siya galit sa amin. Siguro nga nahirapan siya noong panahon na wala siyang grupo. Wala siyang kaibigan at napagalitan pa siya ng magulang niya. Baka grabe ang expectations sa kaniya ng parents niya?


"Kung nagawa namin 'yan sa 'yo dati, hindi namin alam. Pero humihingi kami ng patawad. Sana lang marealize mo na hindi tama ang gumanti. Kung hindi ka natanggap sa mga grupo, sana nagsumikap ka hindi para makaganti kundi para mapagbuti ang sarili mo." Paliwanag ni Hailey kay Elle.

"Nakakaawa ka sana," sabi naman ni Tamara sa kaniya. "Kaya lang nagpakachoosy ka pa. Para sa kaalaman mo, hindi lahat ng nasa Ordinaries puro mga ordinaryo lang talaga. Hindi mo alam lahat sila special sa sarili nilang paraan. Just so you know, itong si Nate na dating nasa Ordinaries... siya ang nakukuhanan namin ng lakas ng loob sa tuwing gusto na namin isuko ang laban sa rule. Huwag mo naman sila maliitin."


Nag-walkout na naman si Elle dahil sa sinabi ni Tamara at kami naman ay tinukso si Nate na mukhang tuwang tuwa dahil pinagtanggol ni Tamara ang grupo niya pati na rin siya.

Ngayong wala na ang rule, ayos na ang lahat ng issue namin sa school. Ang issue na lang sa isa't isa, sa pamilya at sa sarili namin ang dapat naming ayusin. At kailangan na 'yun maayos sa lalong madaling panahon.


***

2 chapters to go. And sa nagtatanong... yes, may book 2.

P.S. Wala talagang speech si Tamara. Never naman kasi siya nagkaroon ng grupo. 


Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 103K 24
Ang She Died po ay ini-adapt bilang isang manga or comics, available po ang She Died manga sa bookstores nationwide. 150 pesos po ang Volume 1, tagal...
4.9M 226K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
35.3M 1.1M 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin a...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...