Paraisla II: Kalahati

Por yukiirisu

29.2K 1.2K 96

๐“’๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #2 of Paraisla Trilogy. -Isang naging kalahati, kalahating mabubuong muli. - Nag... Mais

- notice -
- 0 -
- i -
- 2 -
- ii -
- 3 -
- iii -
- 4 -
- iv -
- 5 -
- v -
- 6 -
- vi -
- 7 -
- vii -
- 8 -
- viii -
- 9 -
- ix -
- 10 -
- x -
- 11 -
- xi -
- 12 -
- xii -
- 13 -
- xiii -
- 14 -
- xiv -
- 15 -
- xv -
- 16 -
- xvi -
- 17 -
- xvii -
- 18 -
- xviii -
- 19 -
- xix -
- 20 -
- xx -
- epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- 1 -

1K 38 6
Por yukiirisu




Maingat na bumaba si Ninette mula sa prestihiyosong sasakyan na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Bitbit ang basket, pinasalamatan niya ang lingkod niyang si Amos. "Walang anuman, binibini." Ngumiti ang lalaki sa kanya na halatang may gusto sa kanya. Iniling na lamang niya ito at nagsimulang maglakad paakyat ng kanilang mansyon.

Wala akong panahon sa mga ganitong bagay. Siguro, anim na taon ang nakakaraan, malamang ay kinikilig na siya dito pero nag-iba na ang lahat ngayong labing-pitong taong gulang na siya.

Marami na ang nagbago sa buong kaharian.

Pagkatapos ng madugong rebelyon at pagsupil sa mga 'Sinumpa', nagkaroon na ng bagong pamamahala. Si Lax ay naging Hari, kasama ng kanyang reyna na si Eyha na yumaong sa pagpapanganak. Nagkaroon ng Konseho na pinapamahalaan ni Val kasama ng anim pang pinuno mula sa bawat isla. Isa na ang kanyang ina doon– si Astrid. Kaya naman ganito na lang ang ikinaganda ng kanilang estado sa buhay.

Syempre, hindi lang sila ang nakinabang sa bagong pamamahala.

Nang umakyat sa trono si Lax, madaming proyekto ang kanyang ipinatupad. Umangat ang pamumuhay ng mga tao. Dahil dito, mahal na mahal siya ng mga nasasakupan. Sa loob ng anim na taon, naging konektado na ang bawat isla sa isa't-isa sa pamamagitan ng mga mahahabang tulay. At lahat ng isla ay konektado na rin sa Paraisla sa parehong paraan.

Kung titingnan, para na itong gulong ng isang karwahe. Ngayon, matatawag na ngang 'puso' ng kaharian ang Paraisla. Ngunit ang pinaka-nagbago sa lahat...

"Magandang umaga, Binibini!"

Lumingon si Ninette sa kanyang gilid.  Kumakaway sa kanya ang mga estudyanteng kawal habang tumatakbo. Araw-araw nila iyong gawain. Tinanguan lamang niya ang mga ito.

Ang mahirap na isla ng Rena noo'y naging isla na ng militar. Dito ipinatayo ang mga sentro at pasilidad para sa estratehiya, depensa at opensa at iba pang may kaugnayan sa proteksyon ng kaharian. Kasama na dun ang mga paaralan para sa mga naghahangad na maging kawal.

Ito'y plano ni Val na siyang ipinilit niyang maipatupad ng Hari. Ngunit mas madalas pang magpunta dito si Lax kaysa sa kanya. Nagtuturo ang Hari, mismo, sa mga estudyante sa pakikipaglaban. Siguro'y isa iyon sa tumulong sa paglimot ng Hari sa lungkot na dulot ng pagkamatay ni ate Eyha.

Nang makapasok si Ninette sa loob ng mansyon, agad siyang nagtungo sa isang maliit na pasilyo sa likuran at pumasok sa isang silid. Amoy na niya ang langsa ng dalang hilaw na karne sa basket pero hindi niya tinakpan ang kanyang ilong.

Tinulak niya ang isang lalagyan ng mga libro sa gilid at inalis ang mga kandado ng pintong nagtatago sa likod nun. Huminga siya nang malalim at tuluyang bumaba sa madilim na hagdanan tungo sa basement.

"Sinong nandyan?" isang galit na boses ang narinig niya.

"Ako lang ito, Ate Danae." May pinindot siya sa dingding at umilaw ang buong silid.

Sa isang sulok, nakaupo habang yakap ang mga tuhod ang isang babaeng naka-kadena ang mga pala-pulsuan sa sementong dingding. Matigas at buhaghag ang maikling kahel na buhok nito. Marumi ang bestida nito at dumikit sa kanyang maputing balat ang dumi at putik.

Nag-angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata. Pinigilan ni Ninette na maluha. Hindi talaga siya masasanay.

"Dinalhan kita ng makakain," pinilit niyang lagyan ng saya ang kanyang boses.

Sinundan lamang siya ng tingin ni Danae habang naglalakad siya papunta sa harap ng kanyang ate. Ilang yarda siyang tumigil at nilapag ang basket sa sahig, saka ito tinulak papunta sa nakagapos na babae. Nanlaki ang mga mata ni Danae nang maamoy ang langsa at sinunggaban ang lalagyan. Saka gutom na gutom na nilasap ang karne, ang dugo'y kumakalat sa kanyang kamay.

Ngunit napatigil siya, at saka dinura ang kanyang nginunguya.

"Ano 'to?!" sigaw niya, galit sa kanyang boses.

"Karne ng baka, Ate-"

Hinambalos ni Danae ang basket palayo sa kanya. "Ayoko nito! Ayoko!"

"Ate Dan-"

"Diba sinabi ko na sa inyo?! Ayoko ng ganitong karne! Ibigay niyo sa'kin ang kailangan ko!" Inulit niya iyon ng maraming beses na pasigaw. Ngunit dahil sa mga gapos niya, hindi siya makapagwala kahit gusto niya. Niyakap niya ang katawan at umiyak at humagulgol. "Ibigay niyo ang kailangan ko... Parang awa niyo na."

Pakiramdam niya'y mababaliw siya kapag hindi niya natikman ang dugo...ang laman...ang karne ng isang katulad ni Ninette.

Sinabunutan niya ang sarili at umiyak. Meron pa rin sa loob niya na pumipigil, nagsasabing hindi iyon dapat, hindi iyon tama.

Pero masarap, isip niya. Naalala niya ang unang beses na makakain siya nito. Kaysarap nguyain, kay lambot ng taba, umaapaw ang sarap sa kanyang dila.

Pero tao ka, isip din niya, hindi ka dapat kumakain ng kapwa mo.

Nagpabalik-balik ang tingin ni Danae sa karneng nasa sahig at sa lumuluha niyang kapatid. At doon, nagkaroon siya ng ideya. Isang ideyang lagi niyang naiisip sa tuwing bibisita si Ninette sa kanya. Ngumiti siya nang malawak.

"Ninette," mahina niyang sabi. Tumingin sa kanya ang kanyang kapatid.

"Bakit ate?" Pinunasan niya ang kanyang mga luha.

"Bakit hindi na lang ikaw ang kainin ko?" Tumawa si Danae. "Bakit hindi na lang ikaw?"

Tumalikod agad si Ninette dahil baka humagulgol siya kapag nakita pa niya ang ate niyang ganito. Hindi pa rin siya makapaniwala. Akala niya'y pagkatapos ng Pagkalap, makakasama niya ang ate niya at pagku-kwentuhan nila ang mga nangyari sa loob ng palasyo. Ngunit gumuho lamang ang lahat.

At ginawa ni Ina ang lahat para matabunan ang bangungot na iyon.

Akala ba niya'y kapag pinalitan niya ang pangalan ni Ate, mas gagaan ang loob naming lahat na ikulong siya dito sa maliit at mabahong basement?

Akala ba niya kapag pinutol niya ang mahabang buhok ni Ate na dati'y iniingatan niya ay mabubura ang imahe ni Ate Iris sa mga isip namin?

Lahat ng iyon ginawa ni Ina para isiping ibang tao ang babaeng nasa likod ko ngayon. Pinaniwala niya ang lahat na patay na si Ate.

Pero, hindi Ina.

Hindi nagbabago na siya pa rin si Ate Iris.

Pumuslit siya ng isa pang tingin sa nakagapos niyang ate bago umakyat. Nagtama ang kanilang mga mata. Ang mga mata niyang simbolo ng lahat ng pagbabago.

Kaliwang mata'y lila.

Ang kanan nama'y pula.

Ito ang sinabi ni Henrieta sa'min maraming taon na ang nakakalipas: Na sinira ni Naven, ang lalaking inibig ni Ate, ang sistema niya dahil sa pagbubuntis. Sinira ng dugo niya ang dugo ni Ate– parang isang malinaw na lawang tinambakan ng itim na kemikal.

Sira. Sira na si Ate Iris. Parang isang manikang hindi na mapaglaruan.

Ganun na lang ba iyon?

Siguro'y tama si Ina. Patay na nga si Ate Iris. Isang napakagandang rosas na ngayo'y tuyot na at iniwan na lang upang mamatay mag-isa.

Mabilis siyang umakyat palayo sa lugar na iyon.


───────⊹⊱✙⊰⊹───────

Continuar a ler

Tambรฉm vai Gostar

873 105 23
"If my life is like a novel I'd wish that someone wrote my story a happy ending" It was a new to me to fell for a vampire that lives a hundred years...
29.8M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book ๏ผƒ2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
6.4K 180 14
Maituturing na isang perpektong anak si Everly. Walang problema sa kanya ang mga magulang niya ngunit nang mapadpad sa tindahan nila si Gwen, nagawa...
67.4K 1.3K 38
To trust is WHO ?? To love is WHO ?? To help is WHO ?? Paano nila alamin kung ano nga ba ang katotohanan sa bawat hiwagang kanilang natutuklasan..