My Bodyguard Is My...What?! (...

By BeWIXyGirl_Wp

493K 11.9K 1K

Paano kung matuklasan mo na ang kinuha mong bodyguard ay may malaking bahagi ng pagkatao mo?Ano ang gagawin m... More

Prologue
Chapter 1-My Bodyguard
Chapter 2-At Your Service Ma'am
Chapter 3-Duties And Responsibilities
Chapter 4-Pardon Me Madame
Chapter 5-First Move-Unexpected Kiss
Chapter 6-The Punishment
Chapter 7-Unidentified Feelings
Chapter 8-Sorry
Chapter 9-Kiss
Chapter 10-You're Safe With Me
Chapter 11-Don't Touch Her
Chapter 12-Stay Away
Chapter 13-I'll Protect You
Chapter 14-Into The Storm
Chapter 15-Inlove With You
Chapter 16-Let The Game Begin
Chapter 17- I Love You
Chapter 18- I'll Catch You
Chapter 19-The Co-Owner
Chapter 21-The Real Mico Aragon
Chapter 22-For Who You Are
Chapter 23-Solo Para Estar Contigo
Chapter 24-His Life
Chapter 25-Unknown Number
Chapter 26-Life or Wealth
Chapter 27-The Crime
Chapter 28-Resthouse
Chapter 29-You Broke Me
Chapter 30- Her Hero
Chapter 31 - Unforgiven
Chapter 32-In Your Arms Again
Chapter 33 - Marriage Contract
Chapter 34 - Untitled
Chapter 35 - Traitor
Chapter 36 - Hidden Hide Out
Chapter 37 - Paalam Mico
Chapter 38 - Behind The Crime
Chapter 39- Untitled
Chapter 40 - Dissolution
Epilogue
Special Chapter

Chapter 20-The Photos

9.5K 250 19
By BeWIXyGirl_Wp

Viola's POV

"Hindi ko pipirmahan 'yan Attorney Crawford unless sabihin mo sa akin at i-explain sa akin if what the hell is happening?" inis kong isinauli ang folder sa kanya.Oo,gusto kong yumaman.Mayaman na mayaman.Pero hindi ako tanga na basta-basta na lang pi-pirma sa bagay na iyon.Ni hindi ko nga alam ang trip ng taong nagbigay sa akin ng kayamanan na iyan,tapos agad-agad ay pi-pirma ako?

"You don't trust me,don't you miss Fernandez?" He asked me in disbelief.

"At bakit ako maniniwala sa 'yo attorney?" Tanong ko na pinaarko ang isang kilay.

"Trust me in this Miss Fernandez.Look..." Inilapit niya ang mukha niya sa akin. "....I'm the nephew of your family attorney. So why wouldn't you believed in me?"Inilayo na nito sa akin ang mukha niya.

I glanced at Mico's place.Pero parang wala naman ang atensiyon niya sa amin ni Attorney Crawford. Busy siya sa pagta-type sa laptop niya.Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan niya at 'di niya man lang ako sinulyapan.May kausap kaya siya sa net?May ka-chat siya?Babae kaya?

Napasinghap ako.Kung anu-ano na ang naiisip ko.Pero hindi ko kasi maiwasan ang magselos sa naiisip ko.

"Hey..."

Napakurap ako ng agawin ni Attorney Crawford ang atensiyon ko.Kasabay ng pagpukaw niya sa isipan ko ay lumingon din siya kay Mico.Sinundan niya kasi kung nasaan ang paningin ko. Kaya napangiti siya ng nakakaloko at pailing-iling pa.

"What's funny attorney?" Sita ko sa kanya ng napansin kong nakangisi pa ito.

"Nothing." Nagkibikit balikat na lang siya. "Here." Ibinalik niya sa harapan ko ang folder.

"Hindi ako tanga para pirmahan kaagad 'yan attorney. Malay ko kung ano 'yan.So,care to explain attorney?Baka sakaling pirmahan ko pa 'yan." Mataray kong sagot sa kanya habang tinitingnan lang ang folder na nasa harapan ko.

"'Di ba,pangarap mo ang makilala sa buong mundo Miss Fernandez 'di ba?So this is the answer of your dreams." Kumbinsi niya sa akin.Paano niya kaya nalaman ang mga pangarap ko?

"Are you kidding me Attorney?Aren't you?" I smirked.

"I'm not joking nor kidding Miss V.Pero kung ayaw mong maniwala sa ngayon,hindi na muna kita pipilitin.Basta sinasabi ko sa iyo,mapagkatiwalaan mo ako.kagaya ng pagtitiwala mo sa uncle ko.Tukoy nito sa kanyang uncle na attorney din.

Kinuha niya na ulit ang folder.Nakatulala lang ako na nakatingin sa kanya.Hanggang ngayon kasi hindi ko maintindihan kung sino namang tao ang walang utak upang ipagkaloob sa akin ang ganoong kayamanan niya.

"Sige miss Fernandez, I have to go." Paalam na nito sa akin.

"Attorney,I'm not saying na hindi kita pinagkakatiwalaan.Naninigurado lang ako." Paliwanag ko.Sa dami kasi ng may gusto sa buhay ko na mawala,sino pa ba ang dapat kong pagkakatiwalaan?

"I definitely understand you Miss Fernandez.Don't worry.Pag-isipan mo munang mabuti.At saka ko na sasabihin sa iyo ang lahat." Anito. "I will go ahead Mr.Aragon." Paalam pa niya kay Mico.Tumango lang naman ang isa.Pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ito.

Napabuga na lang ako ng hangin kasabay ng pagsunod ng paningin ko kay attorney.

"Mico?" Tawag ko sa pangalan niya.Kanina pa 'to tutok sa laptop niya eh.Nakakapag-tampo lang dahil parang wala siyang paki sa usapan namin ni Attorney.Samantalang dati eh singit ng singit sa usapan kahit 'di siya kasali.

"Yes Violet." Agad siyang napalingon sa akin.Ngumiti na ito ngayon ng matamis.

"Sino ba ang ka-chat mo diyan at tutok na tutok ka sa laptop mo?" Inis kong tanong sa kanya?

"Ka-chat?" Napakunot ang noo niya pagkatapos ay sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

Uh-oh!

Bakit ba kasi 'yan pa ang lumabas sa mga labi ko?Hindi 'yan sana ang itanong ko eh.

"I mean,narinig mo ba ang usapan namin ni Attorney Crawford?" Halata namang ang layo ng tanong ko ngayon kaysa kanina.

"Hindi." Maiksing sagot niya at ibinalik ang paningin sa laptop.

Nakakainis naman ang taong ito!

Sa inis ko,tumayo ako at naglakad papunta sa kinaroroonan niya.

"Mr.Aragon,I'm talking to you." Sabi ko habang naglalakad pa. "Hindi porket mahal kita,ay hindi mo na ako papakinggan sa mga tinatanong ko sa 'yo.I'm still your boss honey." Dugtong ko pa.Nakalapit na ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran kahit nakaupo pa siya.

Mali yata ang ang move na ginawa ko dahil napasinghap na lamang ako ng maamoy ko ang mabango niyang pabango.

"Sino ba kasi ang ka-chat mo diyan?" Tanong ko kasabay ng pagsulyap sa screen ng laptop niya.

"Wala hon." Ramdam ko rin na napasinghap siya.Apektado din yata dahil sa ginawa kong pagyakap sa kanya. "Anong ka-chat ang mga pinagsasabi mo diyan?" Tiningala niya ako at ngumiti ng matamis. "Maghahanap pa ba ako ng ka-chat kong nandito na sa harapan ko ang gusto kong makausap at makasama?At higit sa lahat,ang nagmamay-ari nito." Sabi niya kasabay ng pagkuha niya ng kanang kamay ko at dinala sa kaliwang dibdib niya.

"Eh..." Ngumuso ako. "....bakit ang busy mo diyan?" malambing ngunit may himig tampo kong tanong sa kanya.Hindi naman talaga kasi siya nakikipag-chat kasi ng sulyapan ko ang screen ng laptop niya ay naglalaro lang siya ng clash of clans o ang tinatawag nilang COC.Ang adik din pala nito sa larong ito.

"Jealous hon?" Ngumiti siya ng nakakaloko.Inikot niya ang swivel chair na inuupuan niya at humarap sa akin.Pagkatapos ay hinapit niya ako sa baywang at hinila upang makaupo sa kandungan niya. "So?"

"Anong so?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatitig lang sa mga mata niya.Ang mga mata niyang nakaka-akit.Bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko.Nagiging abnormal na naman ito.

"Na selos ka?Nagseselos ang Violet ko." Pilyo siyang ngumiti at saka hinalikan ako sa leeg.

"Of course, I'm not jealous." Tanggi ko habang nilalayo ang leeg sa kanyang mga labi. "Mico..." Saway ko pa dito.Pero parang 'di naman magpapa-awat.

"Wala kang dapat ipagselos Violet.Mahal kita,mahal na mahal na kahit ano ay kaya kong gawin,maging maligaya ka lang." Pahayag niya matapos ang panghahalik na ginagawa niya sa akin.

Hinalikan niya ako saglit sa mga labi at pagkatapos ay humiwalay naman kaagad.Aaminin ko,nabitin ako sa ginawa niyang paghalik.

Niyakap na niya ako ng mahigpit.

"Nakakatawa ka Mico." Palatak ko ng mapansin ang screen ng kanyang laptop.Hindi ko akalain na naglalaro siya nito.Akala ko kasi baril lang ang gusto niya.Palagi ko kasi siyang nakikitang nililinis ang baril.

"Nakakatawa saan?" Kunot-noo niyang tanong.Kaya inginuso ko ang mga labi sa COC. "Past time lang hon." Paliwanag niya. "Boring eh." Dugtong pa niya.Kaya hinampas ko siya.

"Naglalaro ka?Boring?Pero hindi ka man lang nakinig sa usapan namin ni Attorney." Sumbat ko sa kanya ng maalala iyon.

"Its all about in your business and wealth Violet.Hindi naman yata maganda na makisali at makinig ako sa inyo ni Attorney." Sagot niya kaagad sa akin.At dahil sa inis ko ay tumayo ako mula sa kanyang kandungan.

"Ah gan'on?Pero kung sa ibang usapan nakikisali ka kahit hindi naman dapat.At ngayong,mahalaga ito,wala ka ng pakialam?" Inis kong sabi kasabay ng pagsuklay ko sa buhok ko sa pamamagitan ng mga daliri ko.

Tinalikuran ko siya kaagad.Nakakainis eh.

"H-hon..."

"Stop there Mico." Pigil ko sa kanya ng papalapit na siya sa akin. "'Wag mo 'ko kausapin!" Ibinalik ko na ang atensiyon sa computer ko.

"I'm sorry hon.I didn't meant to said those words." Paliwanag niya.

"May alam ka ba sa F & A na company?" Hindi ko pinansin ang paliwanag niya.Bagkus tinanong ko siya about sa F & A ng maalala ko na galing pala siya doon.

"Nah.Employee lang ako nila.Why hon?" Nakapamulsa na ito habang nasa kinatatayuan pa niya ito.

Employee?

Hindi ko maiwasan ang mapaisip ng may biglang sumagi sa isipan ko.

Alam kong mayaman si Mico.Hindi kaya ay isa siya sa may-ari nito?

"Mico,sigurado ka ba na wala kang alam dito?" Tinitigan ko siya at siya namang pag-iwas niya ng paningin sa akin.

"Wala Violet." Kibit balikat niyang sagot sa akin.Hindi na ako umimik pa.

Nakauwi kami ng bahay na walang kibuan.Alam kong hindi naman aamin si Mico sa akin kung ano man ang sekreto niya.Kaya ako na ang kusang gagawa nito.

Pumasok ako sa kwarto niya.Alam kong nasa baba pa siya.Kaya ito na ang pagkakataon ko.

Agad kong hinanap ang laptop niya.

Hindi na akong nagdalawang isip pa.Binuksan ko ang documents dito.Pero nagulat ako ng mga larawan ang lumabas sa isang binuksan ko.

Family pictures ang mga ito.Mayroong lumang-luma na photo kasama ng yaya niya.At iyon ay ang tinatawag niyang nanay.

In-scroll ko pa ang iba.Family picture nga ito na luma at bata pa siya dito.Sigurado akong si Mico ito.Masayang pamilya ang nakasaad sa larawan na ito.At may isa pang photo na birthday party yata ito.Pero family picture din ito.May cake pang nakalagay sa harapan nila at may nakasulat na 'Happy 7th birthday Mico Luis'.

Doon naagaw ang pansin ko sa pangalan niya.Kung gan'on,si Mico Luis ang totoo niyang pangalan.Kaya pala Luis ang tawag ng tinatawag niyang nanay sa kanya.

Halatang mayaman sila dahil sa mga kagamitan sa loob ng bahay.Sosyal at bongga ang mga nasa picture.Ang daddy niya ay foreigner.At kung 'di ako nagkamali ay Spanish din ito.

In-scroll ko na naman muli ang mga larawan.Napakunot ang noo ko dahil sa bagong picture na nakita ko.I think recently lang ang larawan na ito.Siguro two years ago or three years.

Tinitigan ko ang larawan.Isang buong pamilya na naman ito.Pero this time binata na si Mico dito.Nakasimangot siya sa larawan na para bang napipilitan lang siya.

Binasa ko ang naka-indicate na words dito.

Photoshoot with my stepfather

Kung gan'on,ay namatay ang totoong daddy ni Mico?At pangalawang asawa na ng mom niya ang lalaking ito?

Ibinaling ko ang tingin sa stepfather niya.At napatampal ako sa mga bibig ko ng makilala ko ito.

"Tito Diosdado!"

Continue Reading

You'll Also Like

117K 2.3K 23
(This is in Third Person's POV.) Sherin fell in love with TJ at the wrong time. Nang mga panahong halos mawalan na siya ng pag-asa ay saka niya ito n...
113K 1.7K 51
(COMPLETED) Paano kung makakasama mo ang ex mo sa iisang bahay? Anong gagawin mo? Find out here... Louise Shane Alqueza and Ranz Joseph Fonasier's St...
38.4K 686 27
The More you HATE, The More you LOVE? WackyMervinStories.
139K 2K 42
Isang ordinaryong dishwasher/server si Amy sa restaurant na kung tawagin ay Cheesecake Factory, pero isang gabi, nagbago ang kanyang kapalaran ng mak...