The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 2: The Groups
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 58: Prefect of Discipline

341K 11.5K 8.1K
By iDangs


Warren's Point of View


Sa tuwing nagpupunta ako ngayong taon sa office ng prefect of discipline, laging hindi maganda ang balitang nakukuha ko. Noong una, pinagsabihan kami tungkol kay Tamara at sa pagpili niya ng grupo. Hindi magandang balita 'yun noon kasi hindi pa naman kami magkakaayos nila Nate. Nu'ng pangalawa naman, pinarusahan kami at pinaglinis ng dalawang classrooms. Sa pangatlong punta ko naman, nasuspend kami kasi nasabit sa gulo

Ngayong nandito ako sa POD, wala pa man din silang sinasabi sa akin, kinakabahan na ako. Ramdam ko naman na hindi magandang balita 'to.

Kating kati na ako magtanong kung anong ginawa kong mali ngayon pero natatakot naman ako na baka mas mapagalitan pa ako dahil sa pagmamadali ko.


"Nakatanggap kami ng reklamo mula sa isang estudyante." Ayan na nga ba sinasabi ko. "Tungkol 'to sa ginagawa mo noong mga nakalipas na buwan."


Ano ba ginagawa ko? Nakatahimik na nga lang ako.


"Aware ka pa ba sa existence ng rule sa school na 'to?" tanong niya pa. Tungkol ba 'to sa rule?

"Opo," sagot ko sa kaniya.

"Alam mo pa naman pala na may rule. At ang rule ay ginagawa para sundin, hindi para labagin. Nitong mga nakakaraang buwan, may nagsumbong sa amin na madalas ka raw makitang nakikipag-usap sa mga walang grupo. Madalas ka pa raw sumama sa mga ito. Dahil dito, sinubaybayan namin ang kilos mo at tama nga siya. Madalas kang sumama at makipag-usap sa iba. Kung alam mo ang rule, bakit mo 'yun ginagawa?"

"Kasi po kaibigan ko sila." Lakas loob kong sagot.


Inayos niya ang salamin niya at napatango, "Pinatawag kita dito para malaman mo na pwede ka nang makipag-usap sa mga kaibigan mo nang hindi lumalabag sa rule." Parang hindi ko gusto ang susunod niyang sasabihin. "As the head of the prefect of discipline, I'm kicking you out on your group."

Anak ng tokwa! Seryoso ba 'to?!


"Pero miss, parang hindi naman po ata fair 'yun."

"Mr. Evans, the rule exists for a reason hence you need to follow it. But you didn't. You broke it so many times. Pay the consequences of your actions. I'm sorry but my decision is final. I'll give you a chance to talk to your groupmates until this afternoon. After that, you need to inform them that you're no longer a part of The Jocks. As for you coach, we'll inform him about this. Do you have any questions?"


Napakarami kong tanong pero kahit naman itanong ko pa 'yun isa lang ang kakabagsakan ng lahat ng 'to, sasabihin pa rin niyang hindi na ako parte ng Jocks. Labo!


"I'll take your silence as a no. You may go."


Lumabas ako agad sa room na 'yun bago pa man ako may masabing hindi maganda. Nakakatangina lang talaga.

Nang makalayo layo na ako sa room ng POD ay sinipa ko ang nakita kong upuan na nasa may corridor. Nakakabanas talaga. Sobra. Tinanggal ako sa grupo dahil lang doon? Anong klaseng rason 'yun?! Ang tagal kong hinintay na madala sa championship ang school namin tapos biglang tatanggalin na lang ako sa grupo. Huling taon ko pa naman din dito. Lahat nang paghihirap ko sa practice mapupunta lang pala sa wala. Gaguhan.

Kinuha ko ang upuan na sinipa ko kanina at itinayo ulit saka inupuan. Ang sakit sa ulo nito.

Hindi man lang ako binigyan ng choice. Pero kung sabagay... kung papapiliin naman ako kung alin ang pipiliin ko, pipiliin ko sila Hailey. I let them down before. I won't do it again.

Iisipin ko na lang na makakasama ko na ang mga bestfriends ko madalas. Titingnan ko na lang ang brighter side.


Maghapon akong naghintay na matapos ang mga klase para makumpleto na ang grupo ko – dati – sa may locker room. Nagpapalit na halos ang karamihan ng jersey nila habang ako ay kinukuha na ang mga gamit ko sa locker. Ngayon na wala na ako sa grupo, hindi naman na tama na nandito pa ang mga gamit ko.


"May practice game tayo, Captain. Nakuha mo pang mag general cleaning," biro sa akin ni Migs at tinapik pa ang likuran ko.


Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang hirap sabihin sa kanila na hindi na ako makakapaglaro kasi hindi na ako kasama sa grupo. Tanging myembro lang ng mga jocks ang pwedeng sumali sa team. Hindi na ako myembro, hindi na ako kasali sa team.


"Boys, pwedeng pumunta muna kayong lahat dito. May sasabihin lang akong importante."


Naglapitan sila sa akin at pinalibutan ako, "Alam na namin 'yan, Captain. Sasabihin mo lang naman na mag-enjoy lang kami sa paglalaro. Kasi win or lose proud ka sa amin." Napangiti ako. Mamimiss kong sabihin 'yun sa kanila.


"Win or lose, proud ako sa inyo. Lagi lang ako susuporta sa inyo. Sa loob o labas man ng ring."

"Labas ng ring? Anong sinasabi mo, Captain?"


Nginitian ko ulit sila, "Sorry hindi ako naging maingat. Kanina pinatawag ako sa POD. Napapadalas na raw ang interaction ko sa mga walang kagrupo. Alam niyo naman sila pagdating sa rule... sobrang higpit. Kaya ayon... tinanggal ako sa grupo. Hindi niyo na ako makakasama hanggang sa championship pero naniniwala ako na kaya niyong dalhin ang team hanggang doon."


"Captain..."

"Susuportahan ko pa rin kayo. Manonood pa rin ako ng game niyo. Kaya lang habang nandito tayo sa loob ng school, hindi ko na kayo kakausapain at sana ganoon din kayo sa akin. Huwag na natin hayaang may isa pang matanggal sa grupo."

"Pero Captain... hindi namin kaya 'to kapag wala ka."

"Kaya niyo 'yan. Maniwala lang kayo na kaya niyo. Kasi ako naniniwala sa inyo." Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na sa kanila. Tama na 'to. Hindi ko na kailangan ng panibagong drama.


***

"I don't know what to say," sabi ni Piper sa akin nang sabihin ko sa kanilang dalawa ni Nate na pinaalis na ako ng grupo.

"Dapat pala hindi ka na lang namin kinakausap kapag kinakausap mo kami. Malay ba namin na aabot sa ganto," dagdag naman ni Nate.


Kung anu-anong comforting words ang sinasabi nila sa akin. Naaappreciate ko naman na ginagawa nila 'yun para pagaanin lang ang loob ko kaya lang masakit pa rin maisip na hindi na ako makakapaglaro.


"What's up, guys?" tanong ng bagong dating na si Hailey at umupo sa tabi ni Piper. "May problema ba at ganiyan ang mga mukha niyo?"

"Meron. Tinanggal ng head ng POD si Warren sa Jocks."

"Seryoso?!" gulat na tanong niya. Tiningnan niya kami isa isa at halatang naghihintay ng sasagot sa tanong niya. "Oh my God. Seryoso nga."


Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko, "Sobrang lungkot niyan, Warren. Sobrang unfair naman." Napailing siya at saka ako pinalo sa likod. Hindi lang palo na tapik. Palo na palo talaga. "You know what, hindi talaga siya unfair. Kasalanan mo rin naman talaga kung tutuusin. Ang kulit kulit mo kasi. Sabi na nga sa 'yo dati na okay lang naman na hindi mo kasi kausapin sa loob ng school. No hard feelings. Kaya lang pasaway ka. Kausap ka nang kausap. Ang kulit mo."

Nanlaki ang mata ni Piper at Nate sa sinasabi ni Hailey. At talagang sinisisi niya pa ako sa halip na i-comfort.


"Ayan tuloy. Nakita mo nangyari sa 'yo. Wala ka na sa grupo niyo. Hindi ka na makakapaglaro. Ikaw kasi. Paano na kami magchicheer niyan? Bibili pa naman na sana ako ng materials para sa paggawa ng pang-cheer sa 'yo. Pati na rin pompoms. Paano na 'yan? Wala na. Hindi na ako makakapag-cheer. Hindi na matutupad ang pangarap kong maging cheerleader."

"Hails..." tawag sa kaniya ni Nate at hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ni Hailey.


Napatikom ako ng bibig kaya lang kahit anong pigil ko ay hindi ko mapigilan matawa sa mga sinabi ni Hailey. Lahat nang sinabi niya mga masasakit na katotohanan pero sobrang nakakatawa lang ang pagkakasabi niya. Lalo na 'yung parte na sinabi niyang pangarap niyang maging cheerleader. Sinong maniniwala sa kaniya?


"Why is he laughing?" dinig kong tanong ni Piper.

"Hindi ko rin alam," sagot naman ni Nate.

"Ano, ayos ka na?" tanong naman ni Hailey.

"Better. Thanks."

"Mga baliw," sabay na sabi ni Nate at Piper at nag-aya nang umuwi.


Kinabukasan, sumabay na ako kay Piper pumasok sa school. Tutal naman wala na akong grupo, libreng libre na ako sa pagsama sa kanila.

Maaga kasing pumasok si Hailey at Nate dahil may meeting daw sila para sa yearbook. Namana kasi ni Nate ang galing ng parents niya sa pagkuha ng litrato kaya siya 'yung napili para sa random pictures ngayong taon.

Pagdating namin ng room parang may naramdaman ako na nakatingin sa amin ni Piper. Inikot ko ang tingin ko sa paligid at nagtama ang tingin namin ni Hunter.


"Sama makatingin," bulong ko.

"Hmm?" tanong ni Piper at humarap sa akin.

"Ha? Wala. Tara na lang." Napatingin ulit ako sa pwesto ni Hunter. Hindi na siya nakatingin sa amin pero halata ang inis sa mukha niya. Kasalanan naman niya. Magdusa siya.


Ilang araw pa ay mas napapadalas na kaming dalawa lang ni Piper ang magkasama. Masyadong busy si Nate at Hailey sa yearbook samantalang si Tamara madalas umiwas sa amin. Kay Nate lang naman talaga siya iiwas pero dahil close namin si Nate, nadadamay na rin kami.

Okay na rin 'to. Ilang taon ko rin ginusto na makasama ng sarilinan si Piper. Kaya ngayon ayan na. Nangyayari na.

Kaya lang parang may hindi pa rin tama.


"Hindi pa kayo uuwi? Kayo na lang tao dito sa room, ha." tanong ni Hailey nang balikan niya sa room 'yung bag niya.

"We'll wait for you and Nate."

"O sige. Balik na lang kami dito kapag tapos na."


Nagpaalam na si Hailey at tumatakbong lumabas.

Napatingin ako kay Piper. Nakangiti siya ngayon at nakatingin sa pinanggalingan ni Hailey. Nagulat ako nang bigla na lang siyang lumingon sa akin.


"Hey, Warren, I want to ask you something."

"Ano 'yun?"

"Di ba you liked me? Have you ever wished na sana we could spend time together na tayo lang dalawa? Parang ganito."

"Honestly? Yes. Bakit?"

"It's happening na, 'di ba? Tayo na ang madalas magkasama."


Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Ang weird lang na tinatanong ako ni Piper ng ganitong tanong. Ang weird lang din na sinasabi niya ang mga sinasabi niya ngayon.


"You've wished for this – this exact moment, exact scenario. And now that it's happening, I know that it's not what you've thought it would be. Walang spark, right?"

"How did you – "

"Ask yourself why," sabi pa niya saka ako nginitian. "Don't make her wait too long just because you know she will. People get tired, too. Not everyone can wait forever."


***

Hunter's Point of View


Tangina, Hunter, umayos ka.

Hindi ka naiinis. Wala kang pakialam kahit makita mo man na may iba siyang kasama. Kahit na lalaking bestfriend niya pa ang kasama niya o kahit ang lalaking nagkagusto o may gusto pa rin sa kaniya. Wala kang pakialam, Hunter. Wala kang pakialam.

Pero tangina pa rin talaga.

Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba kung anu-ano naiisip ko? Bakit pakiramdam ko nagseselos ako?

Hindi naman ako dapat magselos. Hindi naman kami ni Piper. Isa pa gusto ko lang naman siya. Gusto ko lang siya. Mabilis naman mawawala 'yun. Hindi pa malalim. Kaya pang mawala.


"Ano ang kaya pang mawala?" Napatayo ako nang marinig ang boses ni Tita Cass. Umupo siya sa tapat ko at nagpangalumbaba, "Anong binubulong mo?"

"Wala po."

"Tungkol ba 'to kay Piper at sa nararamdaman mo para sa kaniya?" Nagulat ako at alam niya ang tungkol sa bagay na 'yun. "Don't underestimate me, Hunter. Hindi mo alam kung ano ako noong college namin."


Kahit hindi ko naman talaga gustong ikwento sa kaniya ang mga bagay bagay, naikwento ko na rin. Wala naman kasi akong mapapagsabihan. Ang kaisa-isang tao na pinagkakatiwalaan ko at handang dumamay sa mga angst ko sa buhay, ipinagtulakan ko pa palayo. Tarantado ako eh.


"Wait. So sinasabi mo na ipinagtutulakan mo si Piper palayo kasi pakiramdam mo pinili niya ang side ng mommy mo kaysa sa 'yo? Ganoon ba ang tingin mo kay Piper?"


Umiling ako, "Aaminin ko po na naiinis ako kasi napangunahan ako. Parang pinipilit akong gawin ang bagay na ayaw ko naman talagang gawin. Kaya lang alam kong ginawa lang niya 'yun para sa akin. At natakot ako. Kasi naisip ko na kahit malaman kong pumanig siya sa.. doon sa nanay ko.. alam ko na mapapatawad ko pa rin siya. Alam ko na kahit ano man ang gawin niya, mapapatawad ko pa rin siya. Kahit hindi man siya humingi ng tawad. Kasi... kasi..."


"Kasi mahal mo na." Hindi ako sumagot kay Tita Cass. Hindi. Hindi ko siya mahal. Hindi pwede. "Kasi kahit isipin mo man na hindi mo siya mahal, may parte ng utak mo na nagsasabing mahal mo siya. Anong kinakatakot mo? Bakit pinipigilan mo?"

"Kasi lahat ng minamahal ko iniiwan lang ako. Masakit maiwan. Ayoko nang maulit ulit 'yon. Kaya hanggang hindi pa ako iniiwanan, ako na lang ang lalayo."

"Ikaw na lang ang mang-iiwan, ganoon ba?"


Masama man pakinggan pero oo. Ganoon nga. Una ang papa ko. Pangalawa ang mama ko. Kung pati si Piper iiwan lang din ako, baka mabaliw na talaga ako.

Buti na lang lumayo na rin siya sa akin matapos ko sabihin na huwag na niya ako pakialaman. Buti na lang hindi na niya ako pinakialaman. Ito naman ang hiniling ko. Ito ang gusto ko. Kaya lang bakit parang mali pa rin?


"Hindi naman sila magkakatulad, Hunter. Hindi lahat nang nagmamahal, nang-iiwan. May iba na handang samahan ka hanggang dulo. May iba na handa kang sabayan sa paglalakad sa daan na napili mo. Huwag mong lokohin ang sarili mo sa nararamdaman mo. Itanggi mo man 'yan, wala rin naman mangyayari. Mahal mo na, eh."


Hindi. Hindi ko pa siya mahal. Hindi ko siya mahal. Hindi. Pero...

Tangina. Mahal ko nga ata. Mahal ko na nga talaga.


***

Sinubukan kong mag-relax kaya tumambay ako sa likod ng school para matulog. Kaya lang mukhang kahit saan ako pumunta, ayaw akong lubayan ng gulo.


"Pero... hindi naman talaga kita pwedeng pakopyahin. Mapapagalitan ako ng teacher natin. Ayokong bumagsak," dinig kong sabi ng isa.

"Ayaw mong bumagsak, ha. Ito babagsak ka dito," dinig ko pang sabi ng isa pa.


Sinilip ko ang mga nagsasalita. Isang payat na lalaki na may salamin at tatlong lalaki. Sinuntok ng isa ang payat na lalaki at pinagtawanan. Sandali lang ay sinuntok na rin ng isa pa 'yung lalaking payat. Mga siraulo 'to. Makikipag-away na lang doon pa sa alam nilang walang laban.

Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at lumapit sa kanila. Tinanong ko sa kanila kung ano ang problema pero sinabihan lang ako ng tatlong lalaki na huwag mangialam.

Ngayong nakita ko sila sa malapitan, kilala ko pala ang tatlong 'to. Myembro sila ng Rebels.

Tutulungan ko sanang tumayo 'yung payat na lalaki pero hindi pa man din ako nakakalapit ay sinugod na ako ng tatlong lalaki. Wala na rin akong nagawa kaya lumaban ako hanggang sa mapatumba ko silang lahat.

Badtrip na ako. Huwag na silang sumabay sa kabadtripan ko.

Kinabukasan, pagpasok ko sa school, sinalubong agad ako ng head ng POD. Sa tuwing nakikita ko siya, may hindi magandang nangyayari sa akin. Ihahanda ko na ang sarili ko sa hindi magandang balita.

Nagpunta kami sa may office at may inilabas siyang envelope. Sumenyas siya na buksan ko 'yun kaya ginawa ko naman. Sa loob ng envelope, ang daming pictures nang nangyaring bugbugan kahapon.


"Anong masasabi mo sa mga litratong 'yan?" tanong niya sa akin.

"Ang bilis madevelop. Kahapon lang 'to," sarkastiko kong sagot. Hindi ko na rin susubukan depensahan ang sarili ko. Alam ko naman na kahit ano pa ang sabihin ko, hindi siya maniniwala.

"Ilang beses mo nang ginawa 'to, Mr. Guevarra. Ilang beses ka na nabigyan ng warning pero ilang beses mo pa rin kami sinusuway. Akala ko nagtino ka na pero hindi pa rin pala. Major offense ang pakikipagbugbugan sa loob ng campus. Quotang quota ka na."


Sinubukan ko naman ipaliwanag at depensahan ang sarili ko dati pero hindi naman sila naniniwala sa akin at sinasabing gumagawa lang ako ng excuse. Ngayon wala na akong pakialam. Quota man o hindi, bahala na sila. Hindi rin naman nila ako papaniwalaan.

"Sino ang iba pang kasama sa gulong 'to?"

Sa mga pictures, puro 'yung nakaharap lang ako ang inilabas ng kung sino man ang nagpadala nito. Hindi pinakita ang mukha ng mga nakaaway ko. Pati 'yung payat na lalaki hindi pinakita.

Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya. Tama na 'to. Hindi na ako mandadamay ng ibang tao.

Napabuntong hininga ang head at kumuha ng papel at pinirmahan 'yun, "Sorry, Mr. Geuvarra, but from this day onward, hindi ka na makakapasok sa Kingdom High. You're expelled."

Sobrang unfair ng naging hatol niya. Kaya lang hindi na lang ako magsasalita. Expelled na rin naman ako, wala na rin mababago.


*** 

Next update: Friday OR Saturday. Hanggang Chapter 65 na lang tayo. Lapit naaa. :)



Continue Reading

You'll Also Like

115K 8.6K 76
And so? An epistolary.
218K 14.2K 71
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.