Mahal Kita Manhid Ka Lang (On...

Oleh freamaetiel

7.3K 109 4

Arriane Jade Dela Cruz is head over heels with her best friend Gian, not until he came, Adam Daine Villaflor... Lebih Banyak

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 4

308 8 1
Oleh freamaetiel

Mahal Kita Manhid Ka Lang
by: simplyB_94

Author's Note: Plagiarism is a crime babies.

©2015

Chapter 4

Arriane Jade Cruz

Maaga pa akong pumasok ngayon at hindi ko na hinintay pa si Kuya Alvin at Arlan. Mag-si-six thirty pa lang ay nasa school na ako. Iilan pa lamang ang mga estudyante at ramdam ko pa yung lamig na dahil sa hamog. Feel ko lang talagang pumasok ng maaga ngayon.

"Miss Iyakin?" nagulat ako sa lalaki na bigla na lang na sumulpot sa gilid ko.

"You startled me! Gosh! Akala ko naman ay kung sino na." sabi ko na nakahawak pa sa dibdib ko. Mabuti na nga lang at hindi ko naihampas yung hawak kong book sa kanya.

"Hahaha! Akala mo kung sinong gwapo na yung tumabi sayo?"

"Naku! Wag mo na ngang dagdagan ng hangin yung lamig ng umaga, Mr. Villaflor." Biro ko sa mayabang na katabi ko. Oo na! siya na yung gwapo.

"Hahaha! Atleast ay hindi kasinungalingan yung sinasabi ko, Ms. Cruz." He said with a wink.

Natawa na lang ako sa kanya. Kahit papaano naman ay nasimulan ng good vibes yung umaga ko at sana naman ay magtuloy-tuloy na hanggang mamaya. Lumiliwanag na rin and unlike kanina ay marami na rin yung mga estudyanteng nagdadatingan ngayon.

"Ang aga mo yata, ah."

"Nagising lang ng maaga kaya pumasok na lang rin ako ng maaga. Ikaw? Bakit ang aga mo rin?" tanong ko rin sa kanya na ngayon ay mukhang bata na pinaglalaruan yung tubig sa damo.

"Kasi maaga yung klase ko. 7:00 am." Same yung time ng pasok nila and ni Gian?

"Nga pala, ano yung course mo? Ako kasi is ay BSHRM."

"I am a BSA. Same year level with you, I think." So classmate siguro sila ni Gian.

"Classmate mo ba si Gian? Gian Angelo de Cena?" I asked him pero kunot-noo lang yung nakita ko sa mukha niya.

"Maybe? Hindi naman kasi ako nakikipag-socialize sa mga kaklase ko. Mas gusto ko na kapag nasa classroom ako ay books o di kaya ay yung mga notes yung kaharap ko at isa pa ay bago lang ako dito, transferee student."

Kaya pala. Hindi naman kasi makikitang introvert siyang tao kasi ang ingay niyang kausap.

"Ah, kaya naman. I suggest, you should start socializing with your classmates para naman you have lots of friends." Sabi ko sa kanya pero natawa lang siya.

"Mas gusto ko lang talagang kapag nasa klase ay iyon lang ang focus ko. Nakikipag-socialize naman ako pero sa piling mga tao lang naman." He explained kaya naman ay tumahimik na lang ako.

Tumingin ako sa kabilang hallway pero wrong move iyon dahil nakita ko si Gian and yung babaeng kasama niya. Pagkagising ko kanina ay tiningnan ko kung meron ba siyang message sa cellphone ko but I got disappointed dahil kahit 'good morning' man lang ay wala. Ang hirap talaga kapag biglang mawala yung nakasanayan mo na. Aasahan ko na rin na wala nang mangyayaring FRIENDLY DATE. Pinaypayan ko pa ng mga kamay ko yung mata ko dahil feel ko na naman na parang maiiyak ako.

Ano ba, Arriane Jade? Akala ko ba ay magmo-move on ka na?

"Umiiyak ka na naman ba?" Tanong niya.

"Ha? H-hindi no. He-he-he. Okay lang ako." Pilit na tawa kong sabi sa kanya. Baka sabihin na naman niya kasi na lagi na lang akong umiiyak every time na magkikita kaming dalawa.

"Kapag pinigilan mo yan ay mas lalo lang na sasakit. I'll listen to you, I can be your human handkerchief if you need one." Tinitigan ko lang siya hanggang sa unti-unti ng pumatak yung mga luha ko.

"Ang tanga ko naman kasi. Sabi ko magmo-move on na ako pero bakit hinahayaan ko na ganito yung maramdaman ko para sa kanya? Alam ko namang walang pag-asang magkaroon ng kami pero bakit ganito?" Umiiyak na ako ngayon sa harap niya at hindi naman siya umiimik at nakikinig lang talaga siya sa akin. Naramdaman ko na lang na ihinilig niya yung ulo ko sa dibdib niya at mahinang tinapik-tapik ako sa balikat.

Iyak lang ako ng iyak sa kanya habang sinasabi lahat ng hinanakit ko sa kanya. Wala man siyang sinabi na piece of advice ay nakatulong na sa akin iyong may makikinig sa drama ko.

"Feeling better?" nakangiti na tanong niya sa akin.

"Hmm. Thank you." Nakatungo kong sabi. Nahihiya akong humarap sa kanya.

"Cheer up. 'wag kang mahiya sa akin and tayo lang naman yung nakakaalam na you're such a cry baby." He said with a peace sign. Nang-asar pa talaga, eh. "Sige na, papasok na ako. See you later, cry baby." Tatawa tawa pa siya habang papalayo.

"Sana naman katulad mo na lang si Gian." Naibulalas ko at umalis na sa pwesto ko and pumunta na sa cafeteria.

Papasok na ako sa main door ng cafeteria noong biglang may babaeng bumangga sa akin I looked at her and she looks familiar. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa marealize ko na siya yung babaeng kasama ni Gian. Siya si Yana.

"I-I'm sorry." Hingi ko ng tawad sa kanya but she's just looking at me.

"Oh! You must be Arriane. You're Arriane, right?" parang may pang-iinsulto sa tono niya.

"Yes."

"I'm Yana, Gian's GIRLFRIEND." Kailangan ba talaga niyang ipagdiinan yung word na GIRLFRIEND? Bitch rin pala ang isang 'to. Boto pa sana ako kung mala-anghel ang ugali ng babaeng nagustuhan ng bestfriend ko and baka maka-move on pa ako kaagad. Pero ang isang 'to halatang napaka-plastic.

"Yeah, I know. Sinabi na sa akin ni Gian." Hangga't kaya kong mag-timpi at maging mabait sa taong kaharap ko ay gagawin ko.

"I'm just wondering kung masakit ba, na yung taong mahal mo ay may mahal na iba." Aba naman!

"What do you mean?" Timpi lang Arriane and 'wag mo siya papatulan.

"You know what I mean and don't act as if you know nothing. Kung ako sayo ay lumayo ka kay Gian." Sino ba siya para sabihin na layuan ko yung bestfriend ko?

"Who do you think you are para sabihin sa akin yan? Why would I stay away from him?" inis kong sabi sa kanya. Ang sarap lang hatakin yung buhok eh.

"Because I am his GIRLFRIEND." Sabay irap sa akin.

"Hindi mo kailangang ulit-ulitin na girlfriend ka niya kasi kanina mo pang sibasabi yan. At isa pa wala naman akong pakealam kung girlfriend ka niya because I am his bestfriend and mas nauna ako sayong makilala si Gian." Sumilay ang galit sa mukha niya dahil sa sinabi ko dahilan para bigla niya na lang akong hatakin sa braso.

"Kung ayaw mo, pwes ako ang gagawa ng paraan to make him stay away from you." Madiin na sabi niya habang pinipisil yung braso ko na parang huhulma na yung mga kuko niya.

"Aray! Ano ba nasasaktan ako." Bigla ko siyang tinulak and sakto naman iyon sa pagpasok ni Gian na noon ay biglang nagbago ang timpla ng mukha. Galit. Galit yung nakikita ko sa kanya.

"Arriane?! Bakit mo siya tinulak? Did she do something wrong for you to treat her like that?" So, galit nga siya!

"Gian, she started it!" Turo ko sa babae na ngayon ay parang pang-best actress of the year na yung drama. Don't tell me na paniniwalaan niya ang babaeng 'yan.

"I just want to know her lang naman, but she pushed me." Nagpapaawang sabi niya.

"Tigilan mo nga yang pag-iinarte mo!" sabi ko pero bigla na lang nagsalita si Gian.

"Tama na, Rriane. Hindi ko alam na ganyan ka pala kababaw." Yan lang yung sinabi niya pero grabe yung impact sa akin. He's choosing that liar over me. Tinalikuran na niya ako and nakita ko naman na umismid sa akin si Yana.

"Do you wanna go somewhere?'' si Adam. It's him again.

Hinawakan niya ako sa mga kamay ko and dinala niya ako sa part ng school na wala halos na tao.

"Here." Tapik niya sa balikat niya. "I'm your human handkerchief diba?" sabi niya kaya lumapit na ako sa kanya and umupo sa tabi niya.

"Hindi man lang niya ako pinakinggang mag-explain. Pinaniwalaan niya yung babaeng 'yon kaysa sa akin na bestfriend niya." Para na akong bata na nagsusumbong sa tatay ko. "Kilalang-kilala niya ako! How come na mas naniwala siya sa babaeng kailan lang niya nakilala?"

"To be honest, I want to punch that asshole's face. He's always making you cry."

He flinched his fist pero hinawakan ko iyon kasi ayaw ko naman na mapa-away pa siya ng dahil sa akin. Labas siya kung ano man yung hindi pagkakaintindihan namin ni Gian.

"I'll talk to him. I'll explain everything to him." Narinig ko pa na nag-sigh siya kaya inilayo ko yung ulo ko na noon ay nakasandal sa balikat niya at tinitigan siya. "Siguro naman ay makikinig siya sa akin kapag naka-usap ko siya ng maayos."

"Okay, just call me when you need someone to talk to." He said and smiled at me.

"Thank you talaga Adam. I really appreciate everything you've done to help me."

"Maliit na bagay lang iyon. Mabait talaga kasi ang isang gwapong katulad ko." Natawa naman tuloy ako sa kanya. Hindi talaga mawala yung pagiging mahangin ng lalakeng 'to. "Anong oras ba yung klase mo?" tanong niya kaya natauhan ako at tinignan kung anong oras na ba.

Gosh! 5 minutes before my class.

"I'll walk you to your room. Let's go." Sabi niya and siya na yung nagdala ng books ko.

"Teka, diba may klase ka pa dapat?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Wala yung prof." Nakangiting sabi niya kaya naman ay napatango na lamang ako.

Akala ko naman kasi ay nag-skip siya ng klase niya.

"Ako na yung magdadala niyang mga libro. Kaya ko naman." Agaw ko doon sa libro ko na nasa kanya.

"Ako na at baka sabihin naman nila na gwapo lang ako pero hindi gentleman kaya kalma ka lang diyan and let me handle this." Napa-iling ako dahil ang yabang niya po talaga.

Hindi na lang ako tumutol dahil baka magyabang na naman siya. Ibinigay niya sa akin yung mga books ko noong nasa harap na kami ng classroom ko.

"Thank you. Sige na at baka may klase ka pa."

"Ah, yes. See you later." Tumakbo na siya and pumasok na ako ng classroom.

Nagulat ako na pagkapasok ko pa lang ay naghiwayan yung mga kaklase ko. What's with them?

"Ayiiiee!! Akala namin gustong-gusto mo yung bestfriend mo? Pero bakit si Mr. Transferee ng BA Department yung kasama mo?" pang-e-echos ni Lian sa akin.

"Ano ka ba? Tinulungan niya lang naman ako and iyon lang yun. Don't put malice on it." Saway ko sa kanila pero tinitigan lang nila ako na nanunukso.

Tinigilan lang nila ako sa mga kantyaw nila noong dumating yung professor namin. Pero pati yung si Prof ay tinukso rin ako kaya nag-ingay na naman yung mga butihin kong mga kamag-aral.

"Aba!, Miss Cruz, magkakilala pala kayo ni Mr. Villaflor? Hmm." Sabi niya na may tonong nanunukso.

Ngumiti na lang ako as a response dahil ayaw ko na sa akin matuon yung lahat ng attention ng mga kaklase ko. Echosero rin naman kasi si Prof. Nakakahiya tuloy dahil kulang na lang ay isubsob ko yung mukha ko sa desk ko. Mabuti na lang dahil na divert na rin sa lesson yung atensyon ng classmates ko noong mag-start na siyang mag-lecture. Wala kaming vacant kaya sunud-sunod yung klase ko ang break time lang ay noong lunch and diretso na yung klase hanggang 5 pm.

Dismissal na kaya naman ay tinawagan ko na yung driver na hi-nire ni Kuya para sa akin dahil magpapasundo na ako sa kanya. I'm on my way when I've seen Gian and Yana. Tinitigan lang ako ni Gian and iniwas niya rin yung titig niya. Aaminin ko na masakit yun para sa akin. He never looked at me that way back then. Napansin ko naman na nakangisi yung bruhildang Yana sa akin. Ang sarap lang bunutin lahat ng ngipin niya, eh. I ignored them at pumuntang waiting shed para doon na hintayin yung sundo ko.

"Asan na kaya si Adam?" tanong ko sa sarili ko.

"I'm here." Napa-igtad ako sa lalakeng biglang tumabi sa akin.

"Gawain mo ba talaga yung biglaang pagsulpot?" baka kung may sakit ako sa puso ay inatake na ako ng dahil sa kanya.

"Waiting for someone?" he asked and I nodded at him.

"I'm waiting for our driver. Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?"

"Sasamahan na muna kitang masundo ng driver n I ninyo then I'll go."

Gentleman, huh? Sana nga ay ganito pa rin ksmi ni Gian but everything has changed now.  Stop thinking about it, Arriane! After ilang minutes ay may nag-park nang kotse sa harap namin ska lumabas yung driver  namin. Si Adam na yung nagbukas ng pinto para sa akin.

"Thank you. See you tomorrow." I waved at him at ganoon rin siya.

"Take care." Habol pang sabi niya bago makalayo yung kotse namin.

Habang nasa kotse ay napatingin ako sa phone ko na ang wallpaper ay kaming dalawa ni Gian. Ito yung time na maayos pa kaming dalawa. Kulitan lang yung ginagawa namin, walang ibang pina-prioritize and ang iniisip lang ay ang FRIENDLY DATE namin. Sana magkaayos na kaming dalawa. Nabalik lang ako sa realidad noong mag-beep iyong phone ko. May text message na galing sa isang unknown number.

'I told you, kung ayaw mo siyang layuan then ako ang gagawa and nangyayari  na nga iyon ngayon.'

Base pa lang sa text ay alam ko na kung sino ito. That brat! Kung papatulan ko pa siya ay wala rin namang maitutulong.

Napaka-immature! Ayaw ko namang ibaba yung sarili ko sa level niya, kung gusto niyang lumayo ako kay Gian, fine! Kung iyon ang makakapagpatahimik sa kanya at para na rin tigilan na niya ako. It's all up to Gian.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

272K 9.9K 50
a very talkative girl named kahmyla came all the way from new jersey & moves to philadelphia. she has no friends but she finds interest in this one g...
47.2K 3.1K 26
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
214K 10.3K 57
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...