Casimiro's Instant First Lady...

By bluekisses

977K 28K 3.1K

It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaak... More

ZBS 1: Casimiro's Instant First Lady
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Epilogue

Kabanata 10

38.1K 1K 191
By bluekisses

Kabanata 10

Maingay nang magising ako ngayon lumabas ako ng kwarto at tumanaw mula sa hagdan. May mga nagbubuhat ng lamesa at upuan, may nagpapalit ng mga kurtina. Masyadong maraming tao para ganitong kaaga. Ano bang meron?

"I want that there." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nang makita ko si Tita Elen ay naalala ko kung anong meron ngayon.

"Ma you're too early, hayaan mo na sila diyan." Natigilan ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang baritonong boses mula sa likuran ko. Kagabi nga pala ay dumating na dito ang parents ni Konsi kasi gusto ng Mama niya na maging hands on sa mangyayaring binyag ng apo at birthday ng anak.

"Gising na pala kayo, time ticks. Maya-maya lang ay pupunta na tayong simbahan so better ready magbreakfast na kayo." Sa gawi ng pakikitungo sa akin ni Tita Elen pakiramdam ko aya espesyal ako, na para bang parte na ako ng pamilya.

"Salamat po Tita, bibisitahin ko muna po si Cassia." Tumango ako sa kanya tapos kay Konsi na nasa likod ko. Putres talaga yong sando niya na namang iyon. Nadedepina pa naman nun ang maganda niyang katawan. Pakshet yong tinatakbo na naman ng utak ko.

"Me too mama, it's her big day too." Narinig kong sabi niya at base sa sinabi niya ay pupuntahan niya din ang anak niya.

Sa totoo lang ay medyo naiilang pa ako kay Konsi, ewan ko kung nahahalata niya ba na sa tuwing nag-uusap kami ay naiilang ako, paano kasi sa tuwing nakikita ko ang labi niya naalala ko kung gaano yon kalambot nung dumampi sa labi ko.

Shet! Nung gabing nagkainuman kami, hindi ko alam kung gising siya nung nangyari ang insidente, kasi narinig kong humihilik na siya nung napatayo na ako. Nung sumunod na araw naman ay hindi naman siya nag-open ng usapan. Baka nga siguro tulog na siya nun.

Pagpasok namin sa kwarto ni Cassia ay sakto namang nagising siya.

"Good morning baby ko." Mabilis akong lumapit sa kanya. Siya naman ay mabilis na tumayo sa pagkakahiga at kumapit sa railings ng crib niya. Sobrang galing niya nang buhatin ang sarili, magaling na rin siya humakbang-hakbang basta ba ay hawak kahit isang kamay niya.

"Mmaaa... Dada." Sabi niya nung makita niya kami ng daddy niya.

"Uh my princess called me dada again." Malambing na kausap ni Konsi sa anak, nito kasing nakaraang araw ay tinuturuan niya ang anak na tawagin siyang 'daddy.'

"Dada, dada." Excited na sigaw niya habang papalapit sa kanya ang daddy niya.

Nitong mga nakalipas na araw nakita ko kung gaano naging attached si Konsi sa anak niya, paggising sa umaga dadaan muna siya sa anak niya, bago umalis tsaka pag-uwi. Ganun dim si Cassia sa daddy niya. Pero kung titignan mukhang hindi pa rin kumpleto ang araw ng pamangkin ko nang hindi ako nakikita.

"Okay kiss Daddy muna." Nilalambing niya na ngayon ang anak niya. "Muaaah." Narinig ko pa ang paggaya niya sa tunog ng kiss tapos nagkiss sila sa lips ng anak niya. Napalunok ako nung maalala ko ang labi niya. Pakshet! Kinalimutan ko na ng ayong nangyari nung gabing yon naalala ko na naman tuloy.

"Mama...ma..." Dun lang ulit ako natauhan mula sa naisip ko. Lumapit naman sila sa akin tapos yumakap sa akin si Cassia kahit buhat siya ng daddy niya, sobrang lapit tuloy namin.

"Iss..." Ngumuso si Cassia at ang sumunod ko na lamg naramdaman ay ang kiss ng pamangkin ko sa lips ko. Tapos yumakap ulit siya sa daddy niya, potek indirect kiss yon ha. Natigilan ako at napatingin sa dalawa na naghaharutan. Sinaway ko na lang ang sarili ko dahil mukhang ako lang ang affected.

"Let's eat baby." Yakag niya sa anak niya, "How bout you Aria? Kain ka na din we'll be having a long day today." Naling niya naman sa akin.

"Sige magshower lang muna ako, ikaw muna ang bahala sa kanya." Hindi ako umiiwas dahil naiilang ako, kasi totoo namang magsashower pa ako.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay bumilis ang pagtahip ng dibdib ko. Ano bang nangyayari sa'yo Ariana? Nung isang linggo halos hindi ka makatulog dahil sa aksidenteng pagdampi ng labi niyo. Ngayon ano? Binibigyan mo ng malisya ang halik ng bata? Paksyet! Para na akong tanga na kinakausap ang sarili kong utak.

Sa awa naman ng Diyos ay napalis ko sa isip ang mga gumugilong iyon. Hindi yon maganda para sa araw na ito. Kailangan kong maging productive.

***

Alas diyes nang pumunta nang simbahan ang mag-ama kasama ang mga kapatid mga magulang ni Konsi at sila Mamita. Sinabi ni Tita na mauna na sila, may maghahatid naman sa aking driver. Kaya ayon minadali ko na ang pag-aayos, alas onse pa naman ang mismong binyag.

"Shet! Ako ba to?" Para akong natanga na nakaharap sa salamin ng makita ko ang repleksyon ko. Hinayaan kong nakalugay ang tuwid na tuwid at itim na itim kong buhok. Kahit papaano naman ay marunong akong mag-ayos, ginamit ko lang ang pressed powder ko at pink na lips stick. Naglagay ako ng eye liner sa paligid ng mata ko at inayos ang makapal at magandang hubog kong kilay.

May suot din akong pearl na hikaw, imabot sa akin yon kanina ni Mamita nung nagkita kami sa kusina. Pinasadahan ko pa ng tingin ang katawan ko. Ang ganda talaga ng fit sa akin ng damit na ito. Pakiramdam ko ay mala-dyosa ako sa awra kong ito. Hindi pa ata ako matitigil sa pagkatulala sa salamin kung hindi lang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko na tinignan kung sino ang tumatawag pero mabilis ko naman iyong nabosesan. "Asa bahay ka pa?" Alnganing tanong niya.

"Oo, paalis pa lang sana ako." Sagot ko na gumiya na palabas ng kwarto ko.

"Good, naiwan daw ni Mamita yong purse niya sa altar malapit sa kwarto mo, can you check it?" Lumakad ako at nakita ko nga sa altar ang isang purse na itim.

"Nakita ko na." Balita ko sa kanya.

"Okay then, dalhin mo na yan dito, inaantay ka sa labas ni Nico, he will drive you here." Bilin niya.

"Okay, papunta na ako." Sagot ko habang dahan-dahang bumababa sa hagdanan.

"Yeah, see you in a while." Tapos naputol na ang linya. Letse! Bakit ganun siya kung magsalita ang lakas makagwapo? Well gwapo naman kasing talaga. Naimagine ko tuloy ang paglubog ng dimples niya. Yong malalim sa kaliwa tapos yong isa na nakikita din sa tuwing magsasalita siya.

"Mam alis na po tayo?" Aya sa akin nung driver na maghahatid sa akin sa simbahan nung nakita niya ako sa labas ng bahay. Ni hindi ko nga namalayan na nakalabas ako e.

Bakit ba kasi lumilipad ang utak ko sa tuwing naaalala at naiisip ko si Konsi, hindi na ata siya healthy sa sistema ko.

"Sige, ikaw ba si Nico?" tanong ko sa lalaking halos kaedad ko na sumalubong sa akin.

"Yes po Mam. Tara na po." Pinagbukas niya pa ako ng pinto sa likod. Bagong driver niya ata ito, ngayon ko lang kasi nakita to e.

"Mam, alis na po tayo?" Tanong sa akin ni Nico.

"Oo, tsaka Nico diba?" Tumango naman siya sa tanong ko. "Pwede ba wag mo na akong tawaging Mam naiilang ako. Hindi naman ako senyorita dito." Pakiusap ko, nakakailang na nga, sila ate Fe nga na kasambahay ay kinukulit ko din na wag akong tawaging Mam.

"E Mam ano pong itatawag ko sa inyo?" Alanganing tanong niya habang minamaniobra ang sasakyan.

"Aria, Aria na lang. Tsaka wag mo na akong i-po, halos magka-edad lang naman tayo e." Pahabol ko pa sa kanya.

"Sige Aria." Pagsang-ayon niya na nagpatuloy na sa pagdadrive, malapit lang naman kami sa simbahan, pero gusto pa nila ako ipahatid ako. Ewan ko ba sa mga mayayaman.

"Aria andito na tayo." agaw ni Nico sa atensyon ko, masyado kasi akong busy sa titig ko sa salamin ko. Simple lang ang naman ayos ko pero ewan ko ba. Parang blusang itim ata itong suot ko, nakakaganda.

Nakababa na pala si Nico at napagbuksan na ako ng pinto. "M-Aria, inaantay na po ata kayo sa loob." Sa sinabi niya ay nagmadali na akong bumaba, inalalayan niya pa nga ako.

"Thank you." Sabi ko sa kanya nung makababa na ako ng sasakyan, tapos dumiretso na ako sa loob ng simbahan.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko agad si Mamita na nagmamadaling lumapit sa akin. Konti lang ang tao sa loob ng simbahan, wala pa siguro sa dalawampu. Reserve lang kasi ang araw na ito para sa binyag ni Cassia, walang ibang kasabay.

"Hay salamat dumating ka na Hija, malapit nang mag-umpisa." Salubong sa akin ni Mamita, inabot ko na din ang pouch niya at sumabay na rin sa kanya papunta sa harap. "Salamat ha."

"Naku wala iyon Mamita." Nakangiting tugon ko sa kanya, tinapik ko pa ang kamay niya.

"Ke ganda mo ngayon." Nag-init ata ang pisngi ko sa puri sa aking iyon ni Mamita, iba pa rin pala yong hindi lang ikaw ang pumupuri sa sarili mo. "Nagkandahaba na nga ang leeg ng apo ko e." Napatingin ako kay Mamita at sinundan ang tinitignan nito.

Nakatingin siya kay Konsi na nakaputing button-up long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at itim na slacks. Kausap niya ang kuya niya. Sino nga yon, si Caleb? Nang magsalubong ang mata namin ay nginitian niya ako at bumalaik ang atensyon sa kausap. Niloloko lang ata ako nitong si Mamita e, pero yong totoo, kinilig pa rin ako ng konti lang. Konti lang talaga. Ay syete! Mahiya naman ang kalandian mo sa simbahan Ariana!

"Mamita nagbibiro ka na naman po e."

"Ay naku, trust Mamita!" Kumindat pa siya sa akin kaya napailing-iling na lang ako.

Maya-maya nga ay nag-umpisa na ang seremonyas. Ako ang may hawak kay Cassia, kasi tinopak kanina. Nasa gitna na kami ngayong lahat ang pamilya ni Konsi, pero wala si Rod at Elliot, tapos ang ilang hindi ko kakilala na siguro'y ninong at ninang ni Cassia.

Ngayon ay nakapalibot na kami sa isang malaking bilog kung saan babasain ang ulo ni Cassia. At dahil ako ang may hawak sa bata ay katabi ko si Konsi na naka-alalay dahil siya ang ama ng bata. Ang labas ngayon, parang kaming dalawa ang magulang.

Nang matapos ay bumalik na kami sa bahay para sa reception. Bukod sa mga kasama namin sa simbahan ay may iba pang bisita doon. Medyo nakakailang kasi naman iba ang tingin sa akin ng ilan. Hindi ko naman alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip nila. Tapos buhat ko pa si Cassia.

***

"Hello everyone." Naagaw ang atensyon ng lahat sa pagbating iyon ni Konsi. "I know most of you were shocked about this invitation, dahil hindi niyo naman nabalitaan na nag-asawa ako, kaya nagkaanak. But I want to use this opportunity to introduce my daughter." Dinala naman ni Tita Elen si Cassia sa ama. "This is Cassia Audrey Zaragoza, my daughter." Nagpalakpakan ang lahat. Nagkaroon ng ilang bulungan at may isa akong narinig.

"Yong babae kaya kanina ang nanay non?" Tanong ng isang babae sa kausap nito.

"I guess, poor her wala sigurong balak na pakasalan ni Councilor Casimiro." Komento ng isa na nagpataas ng kilay ko.

"Ang sabihin mo, sinadya niya magpabuntis para matali at makuha niya si Casi." Putres! Pigilan niyo ako at makakakalbo ako ng babaeng madaldal. Tapos bigla silang nagtawanan. Bwisit na mga babae iyan!

Kahit hindi ako ang ina ni Cassia ay nasaktan ako, kasi bukod sa ako ang tinutukoy nila ay naisip ko na kung buhay si Ate ay siya ang pinag-uusapan ng mga mahaderang babaeng ito.

Sa inis ko ay lumipat ako ng pwesto, mahirap na baka may makalbo dito. "I'm glad for your presence, and would like everyone to stay till night for my birthday celebration." Pagkasabi niya noon ay nagpalakpakan ang lahat at umalis na siya sa gitna.

"Andito ka lang pala hija, kanina pa kita hinahanap." Napaangat ang tingin ko mula sa stage na inalisan ni Konsi at bumaling kay Mamita.

"Mamita bakit po?" Tanong ko sa matanda.

"Halika may ipapakilala ako sa 'yo." Hinila ako ni Mamita sa kumpol ng mga tao kung nasaan din si Konsi. Pulos lalaki ang nakita ko doon, mga lalaking ka-edad ni Konsi.

"Mamita, anong gagawin natin dito?" Mahinang bulong ko kay Mamita, bago pa man kami makalapit sa mga anim na lalaki kasama ni Konsi.

"Akong bahala sa 'yo, sumakay ka lang."

"Mamita." Bati ni Konsi sa matanda.

"Hijo, hindi mo ba ipapakilala kay Aria ang naggagwapuhang binatang kasama mo?" Napangiwi ako sa sinabi ni Mamita, naagaw naman agad ang atensyon ni Konsi. Tumingin siya sa akin at nawala ang ngiti.

Tumikhim siya at parang napilitan na ipinakilala sa akin isa-isa ang mga lalaking kausap niya. Oo gwapo sila, pero hindi ko sila type, hindi sa nag-iinarte ako, alam kong mayayaman ang mga iyon at may sinasabi ang pamilya. Pero kasi mukhang wala silang kaseryosohan, hindi sila potential husband for me. Ay letse, pinakilala lang sa akin potential husband agad naisip ko, ambisyosa lang? Atsaka bata pa naman ako, di pa ko nagmamadaling mag-asawa. Tama na muna sa akin si Cassia ay ang Dad-ay pucha ano na naman Aria?!

"Nakita mo iyon hija, mukhang nag-selos ang apo ko." Humahagikhik na sabi ni Mamita nang makalayo kami sa karamihan.

"Mamita..." Kunot noong saway ko.

"Totoo naman e, lalo na noong kinausap ka nung tsinito, hindi mo nakita pero nakita ko." Tumawa siya at nakitawa na rin ako. Naku, baka maniwala na ako nito sa kabubuyo ni Mamita e.

"O pupunta ka mamaya sa birthday party ni Casi mamaya diba? May isusuot ka na ba?" Pag-iba ni Mamita sa usapan.

Tumango-tango lang ako bilang sagot.

"Naku, may pupuntahan ako mamaya kaya baka hindi na ako umabot sa party, kaya mo na ang sarili mo ha, ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan para akitin ang apo ko." Napaawang bigla ang bibig ko sa sinabi niya tapos nag-init ang pisngi ko.

"Mamita..." Saway ko sa kanya.

"Ay namula ang pisngi, kinilig." Tuya niya pa sa akin, kaya hinawakan ko ang pisngi ko.

"Halika na nga at kumain na tayo, nagugutom na ako."

Mabilis na lumipas ang maghapon, ngayon nga kay nagliligpit na ang ilang tauahan ng nirentahang caterer para ihanda ang party sa gabing ito. Hindi pa rin tinanggal ang stage dahil may live band daw mamaya. Ay kung alam ko lang na may live band di sana ako na lang kumuha saya g ang raket! Tiba-tiba kami nila Jose, panigurado malaki magbayad si Konsi.

"Ma..." Napalingon ako kay Cassia na nasa crib niya.

"Yes baby ko?" Tanong ko.

"da...da..." Paiyak na sabi niya. Naku hinahanap niya na naman ang Daddy niya. Binuhat ko siya at mabilis na lumabas, sana nasa kwarto lang si Konsi.

Sinubukan kong kumatok sa pintuan pero kusa iyong bumukas. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok. Ngayon na lang ulit ako nakapasok dito, putek may naalala ko bigla.

Wala naman yata siya dito. Tatalikod na sana ako noong makarinig ako ng pagsipol-sipol at parang gusto ko na ulit bumalik sa labas ng makita ang sumisipol, medyo tumutulo pa ang tubig mula sa buhok niya papunta sa katawan. Shet! Bakit biglang uminit.

"Da...da..." Excited na sigaw ni Cassia, bago pa man ako makatalikod.

"Oh fuck." Mabilis na mura niya na hinablot ang nakasabit na robe mula sa pinto ng closet niya.

"Sorry." Parang namumula niyang sabi o ambisyon ko lang yon. Nag-iwas kasi ako ng tingin.

"Sorry, ano kasi hinahanap ka, antayin ka na lang ba namin sa labas o iwan ko sayo?" Tanong ko pa, lasi ang likot na ni Cassia.

"Okay iwan mo na lang mukhang hindi yan papayag na hindi mo iwan sa akin." Sabi niya na hindi ko namalayang nakalapit na sa akin.

"Come on baby." Kinuha niya na si Cassia.

"Labas na ako." Paalam ko.

"Okay, you should prepare for the party too." Sabi niya bago ako makalabas.

"Sige." Sagot ko bago ko sinara ang pinto. Dumiretso na ako sa kwarto at sumalampak ng higa.

Siguro sa pagod ay hindi ko namalayang naidlip ako.

***

Nagising ako sa marahang pagkatok sa kwarto ko at ang malakas na iyak ni Cassia. Di pa man ako nakakabangon ay bumukas na ang pinto. At iniluwa nito ang problemadong si Konsi, buhat ang anak na si Cassia.

"Sorry for waking you up, but she wont stop crying if I don't bring her to you. She keeps on calling 'Mama.'" Reklamo niya na lumapit sa kama at umupo, hinayaan niya ang anak niya na lumapit sa akin.

"Yes baby, bakit ka ba umiiyak? Miss mo agad ako?" Kausap ko kay Cassia. Inalo-alo ko lang hanggang sa tuluyan nang nakatulog ang bata. Napansin ko naman na nakapagpalit na si Konsi para sa party niya samantalang ako ay hindi pa nakakpagpalit ng damit.

Nang maayos ko na ang pagkakahigs ni Cassia ay nag-angat ako ng tingin para lang mahuli ang malalim na titig sa akin ni Konsi. Napaawang ang labi ko dahil parang biglang natuyot ang lalamunan ko at nawalan ako ng sasabihin.

"I can see that she cant live without you by her side." Napangiti ako sa sinabi niya. "And I think, Me too cant live without you on my side." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatitig sa mga mata niyang unti-unting pumupungay.

Unti-unting lumalapit ang mga mukha niya sa akin at ako rin sa kanya hanggang sa...

"Aria? Aria?" Napadilat ako sa pagkatok na yon kasabay ng sa pagtawag sa akin ni Konsi at ang iyak ni Cassia mula sa labas ng pinto.

Ilang kurap pa ang ginawa ko bago ako matauhan. Putres! Nananaginip na naman ata ako. Bumukas nga ang pinto at niluwa noon si Konsi palapit siya sa kama at halatang problemado sa pagwawala ng anak niya.

"I am sorry Aria for bothering you. But I guess she wont stop crying until she saw you." Lumapit pa siya at inaalo si Cassia.

"Baby, you calling your Mama, okay here she is." Natigilan ako bigla sa sinabi niya.

"Ma..." Naluluhang iyak ni Cassia.

"Okay, halika." Nang makuha ko siya ay hinele ko na siya. Nag-hum ako, baka namiss na ni Cassia ang boses ko. Nang makatulog na si Cassia ay hiniga ko na ito ng maayos, at para namang namula ang mukha ko nung maalala ko ang panaginip ko na naman kani-kanina lang, bakit ba laging ganun? Hidden desires ba yon?

"Paano ako makakapag-asawa niyan kung laging nakadepende sa akin ang batang ito?" Natatawang biro ko.

Nakarinig ako ng pagtikhim. "I'm sorry about that, I know you've done a lot of sacrifice for my daughter, kaya hindi kita pipigilan if someday you decided to go and find yourself. Hindi pwedeng habang buhay attached sa 'yo ang anak ko." Seryosong sabi niya na nakatitig sa anak niya na natutulog.

"You can go out, wag kang mahihiyang umalis para magkaroon ka ng social life, my daughter is not your responsibility alone. Pero I guess she needs a mother figure like you as she grow, anyway you're her Aunt, and I know how much you loves your niece." Ngumiti siya at sumulyap sa akin. Pakiramdam ko natunaw ako. God, bakit may ganito kagwapong nilalang kang tinapon dito sa lupa?

"Sorry."

"Sorry para saan? Parang anak ko na si Cassia at hindi ko alam kung kaya ko na wala siya, siguro kapag malaki na siya, kaya ko na mahiwalay sa kanya." Sabi ko na nakatitig sa anak ko.

"Yes, and she is lucky to have you. By the way, Ililipat ko pa ba siya sa kwarto niya?" Pag-iba niya sa usapan.

"Hindi na, dito na lang, na-miss ko na katabi ang batang to e. Sige na, iwan mo na kami baka hinahanap ka na sa baba."

"Oh yeah, I think I gotta go, baka nga hinahanap na ako sa baba. See you there okay?"

Tumango-tango na lang ako bilang sagot, bago siya tumalikod at naglakad palabas ng pinto. Ewan ko kung gaano ako katagal nakatititg sa pintong iyon.

Shet Aria! Anong nangyayari sa 'yo? Bakit bumibilis bigla ang pintig ng puso mo? Hindi, hindi ka pwedeng ma-inlove sa kanya. Tandaan mo 'yan Aria. Wag na wag kang mahuhulog sa kanya, kahit sabihing pogi siya, malalim ang dimples niya, nakakatunaw ang ngiti niya, maging ang titig niya, na mabait siya at oo ang ganda din ng katawan niya. Chill ka lang diyan.

Inalis ko na ang tingin ko sa pinto at inilipat kay Cassia. "Bakit kasi ang pogi ng daddy mo? Juskolored baka mahulog na lang ako sa kanya, pero ang msaklap baka hindi ako masalo. Naku, masakit pa naman malaglag sa sahig.

Hay naku, tama na nga. Pinalis ko na lang sa isip ko ang mga bagay na iyon. Makapagbihis na nga lang.

Pumasok ako sa CR para makapagshower muna. Tapos sinuot ko na yong jumpsuit na binili sa akin ni Tita.

Naisipan kong lumabas, pero bago iyon ay siniguro ko na nakapalibot kay Cassia ang mga unan, malikot pa naman itong matulog na ngayon, feeling ko nga sa susunod ay maglalakad na din siya, mga dalawang buwan siguro.

Nang makababa ako ay ibinilin ko kay ate Fe si Cassia, binigay ko sa kanya ang isang radio para marinig niya kung iiyak si Cassia.

***

Maingay na tugtugan ang bumungad sa akin paglabas ko ng pinto. Rinig na rinig ko ang ingay ng mga tao at ang kumakanta. Na-miss ko tuloy bigla ang kumanta.

Habang papalapit ako ay may sumalubong sa aking waiter na may dalang tray ng alak. Kumuha ako at humanap ng pwesto para maupo. Malapit sa stage ang napwestuhan ko kaya tanaw ko ang banda sa stage, napansin ko agad ang long hair na vocalista. Si Miles pala ang kumakanta.

Nakinig lang ako at marahang iginagalaw ang ulo para isa ay sa beat ng kanta. Halos patapos na iyon ng mapatingin sa akin si Miles. tumango at ngumiti siya sa akin.

"Happy birthday Bro!" Bati niya matapos ang awitin. "Tonight I have a special guest, I heard her sang once and I think you should hear her sang to." Habang sinasabi niya iyon ay bumababa siya sa stage at palapit sa direksyon ko, kaya napalinga-linga ako may celebrity guess ba? Nang mapatingin ako sa harap ay nasa akin nakatingin si Miles. At ang sumunod na ay hinihila niya na ako paakyat.

"Miles," nahihiyang angal ko pa kasi nadala niya na ako sa stage.

"Go ahead, I know you can do it. Birthday gift mo na kay kuya." Natatawang sabi niya. "What song would you like to sing?"

Nag-iinarte lang ako pero gusto ko talaga kumanta, para namang hindi ko ito hanapbuhay.

Ngumiti ako kay Miles tapos binilong ko ang title ng kakantahin ko.  Sinenyasan niya naman ang mga kasamahan niya tapos biglan pumailanlang ang intro kanta.

Nakita ko pa si Konsi bago ako mag umpisa.

"I wanna tell you baby
That you're the one, I'm thinking of
But your heart is still with her
And I think she's the one that you love
I only want you happy
Even if it's not with me
Maybe one day
You'll open up your eyes and you'll see"

Bakit parang may meaning yong kanta? Para kay Konsi ba ito, tapos si Ate ba ang tinutukoy ko sa kanta. Ay letse bakit ba ito kinanta ko? Pinalis ko na yon sa isip ko at nagconcentrate sa pagkanta.

"That I think I'm falling
Maybe I'm falling for you
Yeah I think I'm falling
Baby I'm falling for you."

Napatitig ako kay Konsi na nakangiti habang nanonood sa akin. Natulala ako habang patuloy sa kinakanta ko. Am I falling? Nahuhulog ba ako sa kanya? No Aria. Hindi pwede 'yon! Hindi ka pwede mahulog kay Konsi!

Itutuloy...

---
Author's Note:
Yay! I'm back after 123456789 years este months, pero 2016 na talaga! Hahaha, I'm done with my OJT na currently busy with my final quarter sa school so di pa makapagfocus. Maraming salamat sayo kasi inabangan mo ang update na ito... Susubukan kong makapag update as soon as I can! I love you Kissers.. Share this update para malaman nilang meron na! Hahaha :-*

~Leyn 💙

Continue Reading

You'll Also Like

123K 3.5K 45
How much pain do you have to go through until giving up is okay?
967K 20.3K 39
Six years ago when Mandie has this infatuation over her childhood family friend Xandrei. Ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. But it seems...
4.1M 88.8K 48
She's my secret. My beautiful little secret. -Chance McLenan
1.6M 32.6K 56
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...