Explanation of Love

By LittleBeeanca

2.7K 55 27

Lahat tayo. May kanya kanyang explanation kung ano ang love. Kung ano ang rason mo kung bakit ka nagmamahal... More

Explanation of Love
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 1

164 4 5
By LittleBeeanca

Chapter 1


"Bebs! Tara na! Kaen na tayo! " 

Hayy.....'Yan si Shaun.. 

Shaun Michael Andrada.  

Bestfriend 'ko.

At ang mahal 'ko....


Nagtaka kayo bakit 'Bebs' ang tawag niya sakin? 

Ang taba 'ko 'daw kasi.. Pinasosyal nya lang para 'daw hindi halatang baboy ang meaning 'nun, tska para 'daw sweet. -.-

Gusto niyong malaman ‘kung gaano kataba? Hmmm…

60 kgs ang timbang, waist line 30’’,  4’11 ang height.

Odiba, Pinaghirapan ko ‘rin ‘yan kaya proud ako. -_-

Ay, nasa bahay 'ko pala siya ngayon. Wala lang, tambay lang.. 
Ganyan kami nyan. 

" Oo na! Teka lang! Psh! " 

" Mamaya 'kung ano ano na naman 'yang ginagawa mo! " 

" Bakit ba? Mauna ka na ngang kumaen! "

" Mamaya pumayat ka nyan! " 

" Ewan 'ko sa'yo! "


" I love you too! Haha! " tska siya pumunta sa kusina. Lagi naman ganyan 'yan eh, puro biro 'rin ang alam.

" Ay! Bebs! " sigaw niya, tska ako tumayo sa kinauupuan ko.

" Ano?! Bebs 'ka ng bebs eh! " sabi 'ko habang papunta na rin ng kusina para saluhan siya kumaen.

" May game kami bukas! Nako, sana manuod si Crush bukas! " sabi niya habang sumasandok ng ulam at ako naman umupo sa tapat niya.

" Mamaya iba na naman 'yang crush mo! Tsk, magsusuot na naman ako ng lintek na costume na yun. " sabi ko habang sumasandok na ng ulam at kanin.

"Hindi ah! Sira 'ka! Siya pa rin crush ko! Saka, Bakit kasi pumayag 'ka na maging school mascot? Tsk. "
saka siya sumubo ng pagkaen.


" Syempre, para makita 'kang maglaro at maexcuse ako sa class namin para sa'yo. "


'Yan ang gusto 'kong sabihin, pero syempre, hindi 'ko sinabi. -.- 


" Eh, wala eh. Dagdag grades, saka wala ng choice. "
 

" Anong walang choice? Namimiss mo tuloy class mo kada may game sa school. " hindikasi kami magkaklase, college na kami. Hindi kami same course, siya kasi Engineer ang kinukuha niya ako naman Music course.

" Excuse naman ako eh! Saka, Ang dami mong satsat! Manay kumaen 'ka nalang 'dyan ng tahimik! "
Ayoko na rin sumagot sa mga tanong niya about sa pagvolunteer 'ko bilang mascot, hindi niya alam na nagvolunteer ako, ang alam niya talaga no choice ang school kaya ako ang nagmascot sa team ng school.

“ Tss.. Ikaw talaga, Bebs! Ah, teka. “ tska niya binaba ang kutsara’t tinidor na hawak niya tska siya tumingin sakin ng direcho, pero ako tinutuloy ‘ko pa ‘rin ang pagkaen ‘ko. “ Hindi ba uuwi ngayon si Tito Joven ngayong month? “

“ Uuwi bakit? “ Nagulat kaming dalawa sa biglang sumagot, tska kami napatingin pareho sa isang babaeng nakatayo na nasa likod ng upuan ni Shaun.

“ Uy! Ate Tina, Nandito ‘ka na pala. “ Sabi ni Shaun, saka siya umayos ng upo at kinuha ulit ang kutsara’t tinidor para kumaen ulit.

 Ate ko nga pala, si Khristina Villafuerte Baser, pangalawang matanda, nagtatrabaho naman siya sa company nila Shaun, Teddy Bear manufacturer, HR si ate sakanila. Siya yung tumatanggap ng mga applicant sa company nila. Hehe.. cute no? Teddy bear manufacturer. 3 kaming magkakapatid, yung Kuya kong panganay, si KuyaJan Villafuerte Baser ay nasa ibang bansa naman, America to be exact, nagtatrabaho na bilang nurse. Ako nalang naman ang nag-aaral samin, kaya tinutulungan nila sila Mama at Papa na pag-aralin ako. Si Papa naman ay Seaman, nakadestino sa Europe. Every 4 months lang siya umuuwi, pero minsan lagpas pa. Si Mama Head Accountant ng isang Motorcycle Company, sikat din ang mga motorcycle na binebenta nila mama, may mga bumibili rin namang mga bigatin pero,siya rin ang nagaasikaso samin dito. Tawag ko nga sakanya eh, Wonderwoman. Kasi kahit pagod na siya, hindi niya pa rin kami makakalimutang asikasuhin o alagaan. May katulong din kami si Manang Lucy, simula bata palang kami dito na siya.

 “ Kelan uuwi si Tito? “ sabay subo niya ng pagkaen.

“ Ewan ko eh, Teka. “ Umupo siya sa tabi ni Shaun at tumingin sakanya. “ Bakit ka nandito? Saka, bakit mo tinatanong kung uuwi si Papa ngayong month? “ nakita kong tinaas niya ang isang kilay niya.

“ Papauwi sana ako sakanya ng babaeng sexy eh. HAHAHA! ARAYY! “ Ayan, nabatukan ka tuloy ng di oras. Muka ka kasing babae eh. -_-

“ Oy! Bianca! Puro pambabae lang ata alam nitong si Shaun. Pauwiin mo na nga ‘to! “ Tumayo siya at kumuha ng plato sa lagayan at sinabayan na kaming kumaen ni Shaun.

“ Ganyan naman yan eh, puro pambabae alam. Tss.. “

“ Selos ka naman. Suus! Wag kang magalala. Ikaw lang naman ang one and only Bebs ko. “

“ Ewan ko sayo! Oy, Ikaw maghugas ng plato shaun, ako na nagluto. “

“ Oy! Bakit ako? Bisita ako dito! Ako paghuhugasin mo? “ Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang yan.

“ Aba! Halos dito ka na nga tumira eh! Tapos bisita ka pa rin. Gusto mong masapak? “ sabi ni ate Tina habang nakaclose fist siya.

“ Joke lang naman, gusto mo tawagin din kitang bebs? Hahaha! “ tapos nagwink siya kay Ate, pero yung muka niya hindi maipinta, mukang nandidiri.

“ Oh! Akala ko ba, ako lang bebs mo? Tss… Wala to. “ Saka ako tumayo sa kinauupuan ko at kumuha ng ice cream sa ref.

“ Eto namang si Bianca Bebs ko, tampo agad. Joke lang! “ nagsmile ng nakakaloko ang mokong.

“ Ewan ko sayo! “ nilapag ko ang hawak kong container ng ice cream sa dining table at umupo ulit sa pwesto ko.

“ Bianca, Hindi ka ba titigil sa kakakaen ng mga matatamis? Lalo ka lang tumataba eh! Magdiet ka nga! “ Reklamo ni Ate Tina, palibhasa kahit malakas kumaen hindi siya tumataba. -_-

“ Eh, bakit ba? Gusto ko ng ice cream eh. Sarap kaya! Diba, Bebs? “ kinalabit ko si Shaun gamit ang kutsarang hawak ko.

“ Oo naman! Kaya kami nagkakasundo ni Bianca eh, mahilig kami sa ice cream. Pero, sexy pa rin ako! HAHAHA! “ pagkasabi niya nun, tinignan ko siya ng masama. Pero, totoo ang sinabi niya. -_- Hindi rin siya tumataba kahit gaanong karami ang mga kinakaen niya. -_- Syempre, lagi siyang naglalaro ako naman, potato couch. “ Joke lang, Love na love ko nga mga fats ni Bianca eh. Teka, hindi fats yan. Abs yan. Diba, Bianca? “

“ Oo nga! Haha! Tska, Ate Tina, Magandang mataba naman ako eh. Haha! Diba diba? “

“ Hindi. Sinong may sabi? Yang kurimaw na yan? Tsss…” Maya maya, biglang nagbeep ang cellphone niya. May nagtext. “ Kayo na bahala dyan sa mga plato, tatawagan ko pa si Martin. May gusto daw magpanoselift. “ tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta sa may sala.

 “ Oy! Penge ako nyan! “ aakmang kukuha na siya ng ice cream pero tinapik ko ang kamay niya.

“ Akin lang to! Kumuha ka ng sarili mo! “ habang feel na feel ko ang pagkaen ng ice cream. Vanilla eh, favourite ko kaya walang pwedeng umepal. -_-

“ Ehh! Ang dami naman niyan eh! Dali na! Penge na! “  tska siya kumuha sa container ko.

“ Pashalamat ka, mahal kicha. “ sinabi ko ng pabulong kaya wala siyang reaction sa pagkaen niya.

Tahimik lang kaming kumakaen ng magsalita siya.

“ Oh, Bianca. Tawagan mo nala-ang ako kapag tapos na kayo nare? “ Manang Lucy na mukang galing sa likod, inaayos niya kasi yung garden namin.

“ Hi Manang! “ Bati ni Shaun kay Manang.

“ Sige, Manang. Ako nalang po bahala dito. Ay! “ inakbayan ko si Shaun, “ Si Shaun na po pala bahala dito. “ tinanggal niya ang pagkakaakbay ko sakanya at tumingin sakin ng nanlalaki ang mata.

“ Muka mo! Hindi no! Manang, si Bianca na bahala dito! “ kinutongan ko nga kaya napahawak siya sa ulo niya.

“ Osiya siya, kayong dalawa talaga oh-oh! Sige na. Doon muna ako sa likod aneh? “  tumango ako atsaka naman bumalik si Manang sa Garden.

Tahimik lang kaming kumakaen, ng magsalita si Shaun.

“ Tingin mo Bebs, kapag kinausap ko si Shai, mapapansin niya ko? “ sabi niya habang nakatutok ang mata namin sa ice cream habang kumakaen.

“ Natural, kinausap mo eh.” Napatingin ako sakanya at this time, ako naman yung tinignan niya ng masama. “ Hayy..  Sino ba naman kasi hindi papansin sayo? Eh, nanalo ka bilang Mr. Hallington last year, tska MVP player ka. “ Yep, nanalo siya bilang Mr. Hallington Pageant sa school namin. ( Hallington University )

“ Sure ka? Kinakabahan tuloy ako. Tsk. “

Si Shaira Cruz naman, ang pinapangarap ni Shaun maging Girlfriend. Girl Heartrob naman si Shaira. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang Matalinong katulad ni Shaira, maganda at ang simple niya pa. Kumpara naman sakin. -_-

“ Nahihiya kasi ako eh. Tsk. “

“Wow! Meron ka pala nun? “ tumingin siya sakin ng masama, naparoll eyes naman ako dahil sa itsura niya. “ Walang mapapala ang pagkahiya mo, walang patutunguhan yan. Kung gusto mo talaga siyang lapitan, mana’y lakasan mo loob mo. “ Sabi ko kahit medyo labag sa kalooban ko. Medyo lang naman.

“ Nux! Ang Drama! Haha! Pero, Salamat Bebs ah! “ Maya maya tumunog cellphone niya na nanggaling sa bulsa niya at saka tinignan kung sino ang nagtext. “ Bebs, Alis na pala ako, tinext ako ni Mama eh. Ikaw na bahala dito sa pinggan! Bye! “ Saka siya tumakbo palabas.

“ HOY! ANG DAYA MO! BUMALIK KA NGA DITO! Tsk. “ hay… wala na. Tsk. Ayoko na nga. Itatago ko na tong ice cream na to. Nawalan na ko ng gana. -_-

Maya maya may naririnig akong cellphone na tumutunog, kaya hinanap ko sa may sala. San ba kasi nakalagay yun? Tsk. Ay! Ayun! Nakasingit sa sofa, Ay! Akin pala. Cellphone ko pala ang tumutunog, may text lang pala akala ko tawag. Kung makatunog at vibrate naman kasi to, OA. Nang Makita ko ang screen,pangalan niya agad ang nakita ko, kaya binuksan ko.. Psh, nagtext ang nakalagay lang pala ay thank you sa pagkaen. -_- Atleast nagthank you.

--

 

5:00 AM, MONDAY

“ Bianca! Gising na. 5 na! 7 ang pasok mo! Malalate ka na! “ Katok ni Mama sa kwarto ko. Kaya nagulat ako at tumingin sa alarm clock kong hindi man lang nag-aalarm pagkakita ko, Mag5 na! Pero dapat ang gising ko eh, 4:30. -_- Kasi MagLRT pa ko para makapunta sa School.

Kaya bumangon agad ako at dumirecho na ng Banyo at naligo’t nagbihis na pagkatapos kong magbihis, bumaba agad ako, nakita ko si Mama nanunuod, si Manang naman naghahanda ng agahan.

“ Ma, Asan si Ate? Pwedeng magpahatid ako sakanya sa LRT? “ tanong ko kay Mama habang si Mama ay nanunuod ako naman ay nagsusuklay na ng buhok.

“ Andun sa kwarto niya, tanong mo nalang sakanya. May pasok naman yan eh, try mong sumabay sakanya. “ Biglang bumukas ang kwarto ni Ate. Sakto! Nakabihis na rin siya. Papasok na rin siya sa trabaho niya ngayon, himala, ang aga.

“ Hindi ko gagamitin sasakyan ko ngayon, Nakakatamad magdrive uy! Ayoko. “ Sabi niya habang kinakalikot ang bag niya.

“ Oh, mga bata. Kumaen muna kayo bago kayo pumasok sa ekwelahan. “  aya ni Manang lucy habang inaayos ang kainan, si Mama lumapit na sa kainan at nagusap na sila ni Manang.

Tumingin ako kay manang “ Hindi na po, manang. Malalate na kasi ako. “ Saka bumalik kay Ate, “ Sige na ate please. “ Pinaglapat ko na ang mga lapad ko para magmakaawa lang sakanya. Ayokong malate sa 1st subject ko, kasi aalis na ko ng 2nd subject para sa game nila Shaun.

“ Sige na, Tina. Maaga ka naman papasok ngayon, dadaan ka rin naman ng lrt. “ Tumingin si Ate Tina kay Mama na nagbabasa ng diyaryo at ngumisi.

“ Tsk. Tara na nga! “ NapaYes naman ako, saka ko kinuha ang bag ko at kinuha rin naman ni Ate ang susi ng sasakyan niya.

“ Alis na po kami! “ sigaw ko papalabas ng bahay.

“ Ingat! “ sigaw ni mamang hindi inaalis ang tingin niya sa diyaryo habang umiinom ng kape.

“ Ma-iingat kayo sa byahe. “ sabi ni Manang.

Pagkakuha niya ng susi, sumakay na kami pareho sa sasakyan, at lumabas na si Manang para buksan na ang gate. Nakaalis na kami ng bahay mag6 na. Buti nalang 20 minutes lang ang byahe kapag lrt hanggang sa station kung nasan ang school at  kapag nakababa na ko ng train nilalakad ko nalang ang School namin. Limang minuto lang naman kapag nilakad.

Buti nalang talaga’t pumayag si Ate na sumabay ako sakanya, kasi 40 minutes pa ang byahe ko kapag nagjeep ako simula samin hanggang Lrt, Pero kapag nakasasakyan mga 20-30 minutes lang.

Tahimik lang kaming bumabyahe ni Ate, nang biglang magring ang cellphone ko, this time may tumatawag naman. Pagtingin ko sa screen, si Caryl, Close friend at blockmate ko, kaya sinagot ko agad.

( Bui! Asan ka na? ) Tanung niya.

“ Buuii! Kakaalis ko lang ng bahay sorry! “

( Ala! Dalian mo! Mamaya malate ka, terror pa naman 1st subject natin! Aalis ka na nga sa 2nd subject eh! )

“ Oo na, Eto na. malapit na ko sa LRT. Wait mo ko. Asan ka? “

( Asa Dorm pa ko. 6:15 na bui! )

“ Oo na! Teka, basta text nalang kita kapag pababa na ko ng Train. “

( Sigesige. Teka, Tawagan mo nalang ako! )

“ Sigesige. “  tska ko binaba ang tawag niya. Ayoko sa lahat yung prof namin ng 1st subject. Psshh.

“ Si Caryl? “ Tanung ni Ate sakin habang nakatingin sa daan.

“ Oo eh. “

“ Yan kasi, hindi gumising ng maaga. “

“ Sorry naman, ginawa ko kasi assignments namin eh. “

“ Assignments mo? O si Shaun? “ Nagulat ako sa sinabi niya, kaya napatingin ako kay Ate, nakita kong nakangisi siya.

“ Oy! Assignments ko ah! Tignan mo pa! “

“ Oo na! May game ba sila ngayon? “

“ Oo eh, kaya wala ako ng 2nd subject. “

“ Magmamascot ka na naman? “ biglang tumigil ang sasakyan, nakita kong lrt station na pala, kaya bumaba ako.

Pero bago ko isara ang pintuan ng sasakyan, may pahabol siyang sinabi. “ Wag mo masyadong ibuhos ang oras mo sakanya. Bestfriend mo lang siya, hindi mo naman siya boyfriend para bantayan mo ng ganyan. “

“ Psh, Ewan ko sayo. Salamat sa paghatid. “ sabi ko sakanya saka sinarado ang pinto at kumaripas na papasok ng lrt station.

Good News, konti ang tao.

Bad News, wala pa kong ticket, kelangan kong bumili para makapasok. -_-

Kaya pumila ako sa bilihan ng Ticket at buti nalang medyo maikli pila. Pero, yung pila parang hindi umuusad.

Tsk, 6:30 na. Kelangan ko na talagang magmadali, tsk. Ilang minuto na kong nakapila dito. Nakakadalawang hakbang palang ata ako. Paikot na ang pila sa bilihan, pero parang hindi pa rin talaga umuusad. Tsk.

Maya maya may kumalabit sakin, “ Miss. “  kaya napatingin ako. Isang lalaking nag-aaral sa Willvard University, katapat lang ng school namin at Rival din kumbaga, lalo na sa sports, tuwing may game ang iba’t ibang school. Kaming dalawa lagi ang inaabangan nila. Lagi kasing naghahabulan ng places, Kung hindi kami ang Champion, sila yun, tapos kami naman 1st lang, tapos vice versa na. Laging ganun. -_-

“ Bakit? “

“ Uhmm, Sorry ah. Pero, pwedeng makisabay sa pagbili ng ticket? Kasi nagmamadali rin ako eh. Kelangan nasa school na ko ng 7. “

“ Uh, sige. “ Naintindihan ko rin naman siya, kasi ako rin kelangan ko rin makapaak na sa room namin before 7, kaya siya naman nagantay lang sa tabi at buti naman ay, umuusad na ang pila.

2 minutes ang nakalipas, nakabili narin ako ng ticket namin, kaya pinuntahan ko na siya.

“ Eto oh. “ Inabot ko sakanya ang ticket.

“ Salamat talaga ah! Sorry kung ang kapal ng muka ko. “ Napakamot siya sa ulo.

 “ Wala yun, naiintindihan naman kita eh, ako rin kasi kelangan ko rin makaapak sa room namin before 7. Uy, sige una na ko ah! “ Akmang aalis na sana ako kaso..

“ Teka, sabay na tayo. “ Kaya sinabayan niya ang paglakad ko at sa wakas, nakapasok na rin kami ng Train. Medyo siksikan, pero wala akong magagawa.

“ Anung course mo? “ Napalingon ako sa gilid ko, kasi magkatabi kami, nasa kanan ko siya.

“ Music. Eh, ikaw? “ tanung ko sakanya habang nakatingin lang sa labas.

“ Music din. Bakit Music ang napili mong course? “

“ Kasi, mahilig ako sa music eh. “

“ Natural. “ Narinig ko namang tumawa siya ng mahina, kaya tingnan ko siya ng masama, buti nalang ay bababa na kami ng train at magkakahiwalay na. Inunahan ko siya sa paglabas ng train para hindi kami magkasabay.

“ Uy, Galit ka?” hinabol niya pala ako. -_-

“ Hindi, bakit naman ako magagalit? “ sabi ko habang dinadial ang number ni Caryl.

“ Dahil sa sinabi ko? “ sabi niya habang nakatagilid na nakaharap sakin habang naglalakad.

“ Anu bang sinabi mo? “ patay malisya kong sabi habang inaantay kong sagutin ni Caryl ang tawag, buti nalang at sinagot niya kaya naglakad ako ng mabilis.

“ Bui, nandito na ko. “ nakatingin lang ako sa dinadaanan ko.

(  Sige, Antayin kita sa Gate. ) Saka niya binaba ang tawag.

“ Uy! “

“ Ay kalabasa! “ nagulat ako sa tumapik sa balikat ko, pagkalingon ko nakita ko si Kuyang nakisabay sakin bumili ng ticket. “ Ikaw na naman? Bakit ba? “

“ Galit ka ata, Ate eh. Sorry na. “ Sabi niya sakin. Habang sinasabayan ang mabilis kong paglakad.

“ Hindi ako galit, okay? Saka, Malalate ka na rin sa pasok mo, kuya. Sige na. “

“ Teka lang muna! “

“ Bakit ba? “ Tumigil  ako saglit, Napakunot na ang nuo ko, kasi medyo nakukulitan ako sakanya, at siya rin naman tumigil.

“ Anung number mo? “

Continue Reading

You'll Also Like

253 2 11
this is a true story inspired. Hindi po lahat ng nangyari sa storyang ito ay totoo. Again, inspired lang po ito.
612 8 1
Soon (Coming Soon) Part 2 Walang nakakaalam ng kasunod na kwento o walang kasunod ang nakakaalam ng kwento?
834 1 29
Sa gitna ng kanyang mga panaginip, makakalilala siya ng isang taong magbibigay ng bagong pag-asa at ligaya sa kanyang buhay Ngunit sa hindi inaasaha...
2.1M 96K 53
Engineering students Pfifer and Ivan know that what they have is something special. Without a proper label between them plus an ugly twist of fate, c...
Wattpad App - Unlock exclusive features