Papa Kael in the picture ;']]]]
Grabeeee. Ang gwapo lang di ba mga bes?
[ 16 ]
Kael's POV
Ang tagal kong hindi nakabisita sa kompanya ni Paul.
May biglang problema kasing dumating sa company namin at gusto ni Dad na tutukan ko talaga ang paggawa ng solusyon para roon. Iyan tuloy ang tagal ko na ring hindi nakikita si Sherlyn.
Pero ngayon, siguradong makikita ko na siya. Pasakay na ako sa elevator.
"Good afternoon, Mr. Alvarez!" Bati ng dalawang babaeng empleyado sa akin.
Nginitian ko lang sila at kinilig naman! Iba na talaga kapag gwapo ka talaga.
"Ang ganda talaga ng secretary ni Sir Paul noh?" Sabi ng isang babae sa kasama niya.
Si Miss Jane ba pinag-uusapan nila? Aba. Nagdadalaga ulit si Miss Jane? Hahaha.
"Oo nga. Simple lang siya at saka friendly. Dapat nga maiinis ako sa kanya kasi akala ko malandi pero sabi ni Miss Jane mas mabait pa nga raw sa kanya iyon."
"Talaga? Akala ko nga rin piniflirt niya lang si Sir. Pero kung si Miss Jane na mismo ang nagsabi niyan, mali nga lang tayo ng hinala."
Hindi si Miss Jane? Kailan pa siya pinalitan ni Paul?
Parang wala lang ako sa tabi nila kung pag-usapan ang kaibigan ko. Sumbong ko kaya 'to sila? Hahaha. Nakinig lang din naman ako sa pinag-uusapan nila.
"Pero aminin mo, bagay na bagay silang dalawa nuh?"
"Oo! Iyan nga usapan namin sa department namin. Balak pa nga nina bakla magtayo ng fans club. Hahaha. Mga loka-loka talaga!"
Tatanungin ko pa sana ang dalawang babae kaso biglang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas na sila. Last floor pa opisina ni Paul. Baka roon ko na makita ang bagong secretary niya.
Nakarating na ako sa harap ng opisina ni Paul. At pagbukas ko ng pinto, hindi ko alam kung bakit o dapat ba.
Pero nasaktan ako.
Sherlyn's POV
Ilang linggo na akong nagtratrabaho sa kompanya. Hindi naman mahirap aralin ang pagiging secretary ni Paul. Hindi ko alam kung dapat ko ba ikatuwa pero dahil sa bago kong trabaho, mas naging malapit kaming dalawa sa isa't isa.
Kasama niya ako kung saan man siya mapadpad, pero ako pa rin ang nagdradrive para sa kanya.
Sabay din kami halos palagi kung maglunch sa coffee shop. Kaya hindi naman lingid sa akin na napag-uusapan na kami rito sa kompanya. Ano naman ang magagawa ko? CEO ang nag-uutos sa akin. Kapag sinusubukan ko namang tumanggi, nagbabago ang mood. Nakakatakot ang pagiging masungit.
Pero ngayon, dito na lang kami sa opisina nag-tanghalian. Inutusan niya ako kanina magpadeliver.
"Ahmp Sir Paul..."
"Paul..."
"Ay oo nga pala."
At ngumiti lang siya. My gosh! Ang gwapo lang.
Iyon kasi ang sabi niya. Kapag dalawa lang kami o kaya wala kami sa opisina, Paul lang ang itatawag ko sa kanya. Noong unang araw ko kasi rito, ang gusto niya Paul lang talaga itawag ko. Sabi ko hindi pwede dahil boss namin siya sa kompanya at saka gusto niya bang ipa-massacre ako ng mga empleyado niya rito.
"May gusto lang ako itanong?"
"Ano?"
"Bakit mo ako kinuha bilang secretary? Hindi rin naman kasi ako nag-apply. Hindi kaya parang unfair sa iba? Wala kasing formality ang pagkapasok ko rito."
Tumaas ang kilay niya pero hindi iyong tipong galit, kundi iyong tipong ang cute!
"Curious?" Tanong niya habang nakataas pa rin ang kilay.
Tumango-tango lang ako habang nakangiti. Ngumiti rin siya.
"Matagal ko na rin kasi planong itaas ang posisyon ni Jane. Malaki rin ang naitulong niya simula noong unang dating kong dito sa kompanya bilang CEO. Siya talaga ang official secretary noon pa ni Daddy. Wala pa akong makita noon na mapagkakatiwalaan ko kagaya ng pagtitiwala ko kay Jane kaya hindi ko siya maalis sa trabaho niya. Siya na rin ang tumayong nanay ko pagdating dito sa kompanya."
Napangiti naman ako at nahuli niya pala iyon kaya tumaas ulit ang kilay niya.
"Why?" Kunot-noo naman niyang tanong.
Ngumiti ako lalo.
"Ehh 'yan kasi ang pinakamahabang sinabi mo simula nang magkakilala tayo. Palagi kasing one or two sentences lang naririning ko sa'yo. So ibig sabihin ba niyan, pinagkakatiwalaan mo rin ako?"
Tumawa siya nang mahina. Oh my! Ang gwapo talaga!
"Parang ganoon na nga. And besides, qualified ka rin naman. College graduate ka, di ba? At nakapasa ka pa sa board exam niyo. Sayang ang natapos mo kung hindi mo magagamit para makakuha ng mas magandang trabaho."
Kinilig naman ako doon. Hindi pa ako mahal nito pero ganito na epekto sa akin.
Paano kung mahal pa ako nito? Baka maihi-ihi na ako ngayon.
Parang may kumurot naman sa puso ko bigla. Ang sakit na hindi kami pwedeng dalawa. Kahit anong handa ko sa sarili ko na tanggaping hindi niya ako mamahalin, hindi ko maintindihan kung bakit may maliit na part sa akin na umaasa pa rin.
Ngumiti na lang ako sa kanya.
Sabay naman kaming napalingon nang marinig naming nagbukas ang pinto at iniluwa si Kael.
Kael's POV
Saglit lang din ang tinagal bago ko mabawi ang pagkabigla ko. Nginitian ko silang dalawa.
"S-Sherlyn?"
Hindi ako nabigla na nandito siya pero mas nabigla akong makita siya sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya ang corporate attire at mas gumanda siya lalo sa very light make-up na nilagay sa mukha niya. Kahit sino naman makacapture sa simple yet stunning beauty niya.
Pakunwari akong nagtatakang tumingin kay Paul kahit alam ko na ang sagot sa tanong ko.
"Nilipad ka yata dito, Pre?" Tanong niya lang sa akin.
Umupo naman ako sa harap ng lamesa ni Paul habang si Sherlyn ay nakatayo na ngayon sa tabi.
"Oy Pare, ano itong narinig kong pinalitan mo na raw si Miss Jane?"
"Yup. Sherlyn is my new secretary."
Kahit alam ko na, hindi ko pa rin maiwasang mabigla. Si Paul ba talaga ang kausap ko ngayon?
Tumingin naman ako kay Sherlyn na ngumiti lang naman sa akin. That's her signature smile. Ang smile na nakakapagdaga sa akin.
"Wow! Congrats, Sherlyn. Promoted ka na."
Tumawa naman siya.
Nakita ko namang tiningnan ako nang masama ni Paul. Ano na namang problema nito ngayon?
"Ahmp sige po Sir Paul, Sir Kael. Lalabas muna po ako. Maiwan ko muna po kayo."
Paglabas ni Sherlyn, itinuon na ni Paul ang mata niya sa mga documents na nasa lamesa niya.
"Pare, sabihin mo nga sa akin ang totoo. Gusto mo ba si Sherlyn?"
Seryosong tanong ko sa kanya.
Tingnan naman niya ako na parang sinusukat kung seryoso ako sa sinasabi ko.
"Hindi." Sabay balik uli ng tingin niya sa binabasa niya.
Parang uminit ang ulo ko sa sagot niya.
"Eh ano iyang mga ginagawa mo? Pare, baka nakakalimutan mong matalik na kaibigan mo ako at kung may tao kang hindi pwede pagtaguan, isa ako sa mga taong iyon."
Huminto siya sa pagbabasa at binitawan ang hawak niya.
"Ano ba talaga ang gusto mong malaman, Kael?"
"Gusto mo ba si Sherlyn?"
"Hindi."
"Bakit iba ang nakikita ko sa sinasabi mo?"
Naikuyom ko ang kamao ko at tiningnan niya iyon.
"Hindi ko siya gusto. Mahal ko siya. Malaki ang pagkakaiba no'n, Kael."
F*ck! Tama nga ako. Hinarap ko siya.
"Alam mo ba ang sinasabi mo, Paul?"
Tinitigan niya ako. Isang tingin na bihira kong makitang ginagawa ni Paul.
"Oo."
Huminga ako nang malalim.
"So, anong plano mo sa inyo ni Nichole?"
Natahimik siya.
"Hindi ko alam."
Bullsh*t.
"Alamin mo, Pare! Dahil alam mo kung ano rin ang nararamdaman ko para kay Sherlyn. At hindi ko hahayaang mapasok siya sa problema niyo."
Tuluyan na siyang hindi nakapagsalita.
Para hindi na kami matabunan ng mga init ng ulo namin, lumabas na ako ng opisina.