His Personal Driver

By BurningRain

14.5M 193K 5.9K

WARNING: Nakakakulo ng dugo. Not suitable for readers with high blood pressure. HAHAHAHA Enjoy reading! Burni... More

Prologue
HPD 1
HPD 2
HPD 3
HPD 4
HPD 5
HPD 6
HPD 7
HPD 8
HPD 9
HPD 11
HPD 12
HPD 13
HPD 14
HPD 15
HPD 16
HPD 17
HPD 18
HPD 19
HPD 20
HPD 21
HPD 22
HPD 23
HPD 24
HPD 25.1
HPD 25.2
HPD 26
HPD 27
HPD 28
HPD 29
HPD 30
HPD 31
HPD 32.1
HPD 32.2
HPD 33
HPD 34
HPD 35
HPD 36
HPD 37
HPD 38
HPD 39.1
HPD 39.2
HPD 40
Epilogue

HPD 10

343K 4.7K 117
By BurningRain

[ 10 ]

Paul's POV

It's been an hour when he texted me na malapit na siya sa opisina.

Siraulong iyon. Halos 15 minuto lang ang layo ng kompanya sa condo unit niya. I called him.

[ Oh tol? ]

"Bilisan mo."

[ Oo na. ]

"Nasaan ka na ba?"

[Nandito na nga ako sa baba.]

"Kanina mo pa sinasabi 'yan, gago."

[ Paakyat na ako. ]

"Dali. 3 minutes!"

And I ended the call.

Imprenteng naupo na ako sa upuan habang itinaas ko pa ang dalawang paa ko sa lamesa. Ilang minuto pa, pumasok na ang magaling kong kaibigan.

"Mukha 'yan!" Natatawa kong sabi sa kanya.

"Gago ka naman, pare eh! Ni hindi ko man lang natanong pangalan niya."

Sabay busangot ng mukha. Ilang sandali pa siyang tahimik. Ano ba talagang nangyari dito?

"Hoy, Kael. Ano'ng problema mo?"

Huminga pa siya nang malalim sabay tumingin sa akin ng diretso.

"Pre, naniniwala ka ba sa love at first sight?"

Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa tanong niya.

"Seryoso ka riyan?"

"Tang'na naman, pare eh! Ganitong kagwapo ko mukha ba akong nagpapatawa?"

Seryoso ba?

"Chill, pare! Sino ba itong malas na babaeng 'to?" Natatawa kong tanong.

Tiningnan niya ako nang masama kaya tumikhim na lang ako.

"Iyon na nga. Hindi ko nakuha ang pangalan dahil tumawag ka. Timing mo rin, pare. Pero kakaiba talaga siya. Hindi ko maipaliwanag... basta iba talaga! Ang dami ko ng nakitang magagandang babae pero iba siya. Siya lang ang unang babae na natigilan ako noong una kong nakita. Parang bigla akong kinabahan?"

Pigil ako sa pagtawa dahil sa nakikita ko. Hindi lang ako sanay na ganito magsalita itong nasa harap ko. Eh wala namang pakialam sa mga babae iyan.

"Akalain mo iyon, pare? Marunong ka pa lang ma-in love?"

"Gago! Bakit mo pala ako pinapunta rito? Huwag mo sabihing na-miss mo ko?"

Ako naman ang sumeryoso.

"Nichole and I have talked."

Natigilan din siya sandali.

"About what?" Tanong niya.

I sighed. "Tita Sylvia..."

Ilang saglit na katahimikan.

"What do you think?" Tanong ko sa kanya.

"Ienjoy mo na lang, pare, natitirang mga araw mo. Hahahaha!"

Binato ko sa kanya ang libro na nasa lamesa ko. Nakailag pa ang siraulo.

"Laking tulong mo."

"Seriously, pare. Alam mong wala ng solusyon diyan! Mabuti pa iinom na lang natin 'yan."

Sabay bukas ng mini-fridge na nandito sa loob ng opisina ko at kumuha ng dalawang bote ng alak.

Kahit walang kwentang kausap 'yan, si Kael ang nag-iisang matalik na kaibigan ko and the only one who has my full trust in our businesses.



Kael's POV

I am Michael Alvarez. Those people who are close to me call me Kael. Paul and I are best friends since college. Our family owns the biggest shopping mall in the country.

I was on the way to Paul's office kanina nang may mabangga akong isang anghel. I didn't see her face, not until humarap siya sa akin nang tuluyan.

I was stunned and fascinated by her. She's very simple and wearing no make-up but her dark round eyes, rosy cheeks, sweet lips and pointed nose make her naturally gorgeous. She's not wearing a revealing dress or skirt but damn! She's obviously sexy!

She's way different from all women I've met.

Sayang lang at hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. But I'm serious when I told Paul that I think it's a love at first sight.

Hahanapin ko siya ulit. Magkikita kami ulit.



Paul's POV

Halos mahigit dalawang oras din kaming nagkukwentuhan ni Kael ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Kaya nga walang kwentang kausap 'to.

I checked the time. It's quarter to eight.

Shit. I forgot na kaninang alas singko ko pa pinapunta si Sherlyn dahil ang sabi ko uuwi ako ng alas sais.

"Tol. It's almost 8, I need to go." Sabi ko kay Kael.

"Pffft. Pare! Kailan ka pa nagkacurfew? Grounded ka ba kay Manang Pilar? Hahahaha!"

"Tarantado! Nakapangako lang ako kay Manang na alas sais ako uuwi."

"Uy! Sama na ako, pare. Pakain na rin ng dinner!"

"Wala ka bang bahay? Naghihirap ka na?"

"Grabe. Namimiss ko na kaya ang luto ni Manang Pilar."

"Let's go."

"Yun! I love you, pare!" Sabay halakhak niya.

"Gago, kilabutan ka nga."

Hindi pa rin siya tumitigil sa kakatawa hanggang makarating kami sa ground floor.

Abnormal na talaga. Tiningnan ko na siya nang masama.

"Pffft." Sabay tigil niya sa pagtawa. "Nga pala, hindi ba umuwi ng probinsya si Mang Kaloy? Nakahanap ka na ng papalit sa kanya?"

Tumango lang ako. Sabay paglabas, agad kong hinanap ang sasakyan. Napangiti na lang ako nang makita kong parating na sa harapan namin.

Lumabas si Sherlyn sa driver's seat at agad akong pinagbuksan ng pinto.

"SirNget! Sabi niyo po alas sais kayo uuwi? Baka kanina pa po naghihintay si Manang Pilar." She's pouting while saying those words.

I found her cute with that.

Hindi na ako nakasagot dahil biglang tumikhim si Kael sa likod namin.

"Pare, baka gusto mo naman akong ipakilala sa kasama mo?"

"Ah. Si Sherlyn pala. Siya ang kapalit ni Mang Kaloy. Sherlyn, he is Kael."

Nakita ko ang gulat sa mukha ni Sherlyn.

"Pare, hindi ko alam na magagandang babae na ang tipo mong maging driver ngayon ah."

"Siraulo. Sumunod ka na lang kung pupunta ka sa bahay."

"Anong susunod? Sasabay ako sa inyo noh."

"Wala ka bang sasakyan?"

Hindi siya sumagot at bigla na lang pumasok sa loob ng sasakyan at umupo sa backseat.

"Let's go!" Ngingiti-ngiti pa.

Napailing na lang ako at pumasok na rin.

Bago pa mapaandar ni Sherlyn ang sasakyan, nakita ko siyang napatingin kay Kael through mirror. Tiningnan ko si Kael na abot tainga ang ngiti.

I know that smile.

He's my best friend. I know when he is about to flirt someone.

But this one is way different. That was his rare smile. Hindi kaya si Sherlyn ang tinutukoy niyang babae kanina?

Why does my heart feel this way?

May biglang kaba at sakit akong naramdaman.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 817 6
All Rights Reserved (2020-2021) Warning!|R-18| Read at your own risk. Isang simpleng babae lang si Lhevyrose Gonzales. Tindera ng mga sariwang gulay...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
411K 8.1K 129
Ranked #37 (4/20/18) Ranked #1 (Comedy-Romance) (2/24/2019) Ranked # 2 (Sandnes) - 3/28/2022 When my sister suffered from coma, everything changed. I...