So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 15 : Endearment - Trunks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 17 : Assembly - Treat

22.9K 409 65
By Ytianity

ALLEN'S POV

Hay, sarap ng buhay first year. Walang masyadong ginagawa, walang masyadong stress bukod sa schoolworks.

"Oi, Allen! Pinapatawag ka sa faculty room. May meeting daw kayo." sabi ni Aaron, yung bully na sinupalpal ko nung 1st sem? Medyo civilized na siya makitungo sa akin. Haha.

"Anong meeting? Hindi naman ako officer ah?" confused kong tanong sa kanya.

"Aba malay ko sa inyo. Basta ako nautusan lang ng prof." sabi niya tapos umupo na siya sa usual seat niya sa likod.

10 pa ang klase namin pero, in fairness sa kanya ha? Ang aga niya pumasok. 9:30?!

Bumaba na lang ako para malaman kung ano ang meeting na yun.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng faculty room at nakita ko ang kumpol ng estudyante sa kabilang side ng kwarto.

"Ayan na ata yung president ng first year, block 1 eh." biglang sabi ng isang lalaki kaya nagsilingunan yung iba sa akin.

Sinenyasan nila akong lumapit kaya ginawa ko naman.

Umakbay sa akin ang isang lalaki nung makalapit na ako. Mukhang higher year siya, mas matangkad sa akin eh. Haha.

"Kumpleto na tayo. Shall we introduce ourselves? Matagal-tagal pa tayong magkakasama eh." masiglang sabi nung lalaking umakbay sa akin.

"Hi. I'm Diego Castro but my friends call me Diegz or DC. I'm the president of 1st year, block 2." nakangiting sabi ng morenong lalaki na kasing tangkad ko lang.

So, 2 blocks pala kami? Hindi ko feel! Hindi naman kasi kami close sa ibang block eh.

"Hi. Ako naman po si Marivic Reyes. Ang 2nd year, block 1 president." sabi naman ng isang medyo nerdy na babae. Nakasalamin saka medyo, well, nerdy yung look eh. Huehue.

"And I'm Mika Mallari. 2nd year, block 2 prez." nakangiting sabi ng isang maputing babae. Bakit naging president 'to? Eh mukhang pang-muse datingan nito eh. Tss.

"John Ollie Antonio at your service. 3rd year, block 1 president." sabi nung lalaking maputi na nakaupo sa tapat ko. Eto naman, pang-escort ang datingan.

"I'm Dina Mapakali. Hahaha. Joke lang. I am Divine Ronquillo. 4th year president. Ganda ko 'no?" pabirong sabi naman ng medyo chubby na babae. Ang galing niyang mag-joke. Napaka-funny nung last line na sinabi niya.

"And I am Miguel Joseph Laxamana. 3rd year, block 2 president." sabi nung lalaking nakaakbay sa akin, habang nakataas yung kabilang kamay niya at kinakawayan ang iba.

Tumingin na lang ako sa kabilang direksyon kasi na-awkward-an ako sa kanya. Napaka-friendly naman nito! Makakaway akala mo sinalubong sa airport!

"Oy ikaw na!" biglang sabi ni Miguel or Joseph or Miguel Joseph or MJ or kung anuman ang dapat kong itawag sa kanya tapos niyugyog niya ako. Grabe! Sana sinakal niya na lang ako.

"Ako si Allen Estanislao. 1st year, block 1 REPRESENTATIVE." diniinan ko yung salitang 'representative' para naman maintindihan nila na hindi ako ang president ng klase namin.

"Eh sino naman ang president niyo?" tanong ni MJ. MJ na lang itatawag ko sa kanya, ang haba kasi ng real name niya eh.

"Sa totoo lang, wala pa po eh. Never po kaming nagbotohan for homeroom officers." sabi ko.

"Wag mo nga akong po-in! Hindi naman nagkakalayo edad natin eh." nakangiti niyang sabi. Wow, gwapo pala 'to? Naku, naku!

Nginitian ko lang din siya bilang pag-sang-ayon. Pero bigla niyang pinisil yung magkabila kong pisngi! Araaaaaay!

"Ang cuuuute! Ilang taon ka na?" bigla niyang tanong.

"16." monotonous kong sabi para hindi mahalata na naiinis ako sa pagpisil niya sa pisngi ko.

"Ang cute mo talaga!" masaya niyang sabi tapos ginulo niya yung buhok ko.

Patayin ko na kaya 'tong taong 'to? Ang kulit eh. Hahaha.

"Ano bang meron dito?" tanong ko.

"Meeting para sa General Assembly ng College natin. Next month na yun." sagot ni Ate Divine.

"Eh anong gagawin ng mga president?" tanong ni Ollie. Cute ng pangalan niya.

"Tayo ang pipili ng Ushers and Usherettes para sa symposium. Tig-isang pair lang kada block." sagot ni Ate Divine.

"May kopya po ba tayo ng program?" tanong ni DC.

"Yup. Nasa FB ko, nagpapapansin! Charowts! Nasa bag ko, mamaya papa-photocopy ko tapos papamigay ko sa inyo. May listahan naman na ako ng classes at rooms niyo." palabiro 'tong si Ate Divine eh 'no? Corny nga lang!

"Eh paano po pag ayaw nung pinili namin na mag-take part sa event?" tanong ni Marivic.

Yumuko ng bahagya si Ate Divine at lumingon sa paligid. Lumapit naman kami sa kanya para marinig yung ibubulong niya. Pero dahil nalimutan naming palabiro siya, ay para kaming mga tanga!

Bigla kasi siyang sumigaw at tumawa! Mental hospital dapat pinapasukan ng babaeng 'to eh.

Nung matapos siya sa pagtawa ay tumingin siya ng seryoso sa amin.

"Sabihin niyo, pag hindi nila kayo sinunod, isusumbong niyo sila sa Adviser niyo at ibabagsak sila sa subject na yun." sabi ni Ate Divine.

Naku! Pantangang reason naman yun! Eh wala namang maniniwala sa ganun! Bahala na nga!

Ang dami pa naming diniscuss after nung Usher-Usherette thing. Nung matapos ang meeting ay sakto namang lunch break na. Agad-agad? Walang pasubali? Tss.

Ay, yung bag ko pala nasa itaas pa!

Tinext ko si Karl na ibaba na lang yung bag ko pag bumaba na siya.

"Pero nagugutom na pala ako. Eh nandun sa bag ko yung pera ko. Minsan talaga ang tanga-tanga ko. Argh!" sinasabunutan ko pa sarili ko habang sinasabi ko yan.

Nabigla ako ng may pumigil sa kamay ko.

"Wag na wag mong guguluhin yang buhok mo. Ang cute-cute mo pag maayos buhok mo eh." sabi ng isang malamyos na tinig mula sa likod ko.

Dahan-dahan kong nilingon iyon at nagulat ako ng makita ko ang pares ng magagandang mata at mapuputing ngipin. Tinernuhan pa iyon ng napakatamis na ngiti at napakagwapong mukha. Si Miguel! Ay, Joseph pala! Ay, ano ba talaga itatawag ko dito sa gwapong nilalang na nakaharap sa akin at hawak hawak ang aking braso? Anoooo?!

"MJ. Mas madaling bigkasin 'no?" malamyos talaga ang boses niya! Singer ba 'to?

"Nagugutom ka na ba?" tanong niya.

Umiling naman ako. Nakakahiya kung sasabayan niya pa ako. Saka wala pa akong pera eh. Pero lalo lang akong napahiya nung umatungal yung tiyan ko. Peste ka! Wrong timing! Galing mong mamahiya!

Napangiti naman ako sa kanya ng pilit at nginitian niya lang ako.

Binaba niya yung kamay niya tapos inakbayan niya ako.

"'lika, kain tayo. Libre ko na." nakangiti niyang sabi sa akin.

Bahagya ko naman siyang tinulak para magkaroon ng space sa pagitan namin.

"Wag na po. May inaantay pa po ako eh." nahihiya ko na lang na nasabi sa kanya.

Inakbayan niya ulit ako, pero mas mahigpit na.

"Non-sense! Aantayin mo pa yung tao na yun kahit gutom na gutom ka na? Eh paano kung pagdating niya, namatay ka na pala sa gutom?" tanong niya. Wow ha? Pakitanong nga kung excited siya?

"Ang OA mo naman! Hindi naman ako mamamatay sa gutom 'no? Galing lang siyang fourth floor kaya mabilis lang yun!" sabi ko tapos tinulak ko siya para lumayo sa akin.

"Sumama ka na sa akin. Dyan lang naman tayo oh." sabi niya sabay turo sa kiosk.

Tss. May naaalala ako sa lalaking 'to. Hulaan niyo kung sino. Hahaha.

"Pero wala akong dalang pera eh. Nandun sa kaibigan ko yung bag ko." sabi ko sa kanya, hoping na available pa din yung offer niyang ilibre ako.

"Wag kang mag-alala! Libre kita." nakangiti niyang sabi tapos kumindat. Naknampitumpu'tpitongputingtupa! Ang gwapo nitong nilalang na 'to!

KARL VINCENT'S POV

Akala ko hindi pumasok si Allen. Nag-meeting lang pala.

"Hoy! Yung bag ni Allen!" sigaw ni Jason. Ay, oo nga pala!

Biglang hinagis ni Jason yung bag kaya hindi ko iyon nasalo ng maayos. Medyo nakabukas yung zipper ng bag niya kaya may nalaglag na mga gamit.

Nakita ko ang itim na wallet kaya dinampot ko iyon. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang picture ni Allen. Tinitigan ko ng mabuti yung picture hanggang sa madako ang paningin ko sa labi niya.

Napalunok ako bigla! Naalala ko kasi yung muntik na naming kiss dahil sa CPR! Nyeta! Isang linggo na yun ah?! Bakit hindi ko yun makalimutan?

"Ayos ka lang? Natulala ka?" biglang tanong ni Jomar na ikinagitla ko kaya agad-agad kong ipinasok yung wallet sa bag.

"Oo, ayos lang ako. Baba na tayo." nakangiti kong sabi sa kanya.

After 10 minutes, oo ang tagal, ang dami kasing taong nagsisibabaan din eh, ay nakarating na kami sa baba. Nagtext si Allen na nasa may kiosk siya, kumakain.

Napaisip naman ako. Paano siya makakakain kung nasa akin yung pera niya? Hmmm. Nanlimos siya? Hehehe. Joke!

Nung malapit na kami sa kiosk ay natanaw ko si Allen na kumakain ng burger. Paano siya nagkaroon ng pambili nun?

"Allen!" pagtawag ko sa pansin niya nung medyo makalapit na kami.

Lumingon naman siya at ngumiti. Kasabay naman nun ay lumingon din sa amin yung lalaking katabi niya.

"Oh. Sana kasi dinala mo na bag mo." sabi ko kay Allen sabay abot ng bag niya. Yung dalawa naman, dumiretso sa kiosk at bumili na ng pagkain.

"Hindi ko naman alam na aabutin kami ng ganun katagal eh. Saka biglaan lang. Pinababa ako kahit hindi naman ako yung president." sagot niya tapos kumagat siya ng burger niya. Dahil sa sobrang laki nung kagat niya ay may sumayad na catsup sa gilid ng labi niya.

Napangiti ako dahil hindi niya napansin yun, para talaga siyang bata kapag kumakain, pero nung kukunin ko na yung panyo ko para punasan yung catsup, ay biglang may dumikit na hinlalaki sa labi niya at pinahid yung catsup. Sinundan ko yung daliri hanggang sa sipsipin ito nung lalaking katabi ni Allen! EWW! KADIRI! Nilingon ko ulit si Allen para siya na lang ang pagtuunan ko ng pansin pero nagulat ako ng makita kong namumula yung pisngi niya tapos bahagyang nakanganga yung bibig niya.

Nung medyo nakabawi na siya ng reaksyon ay bigla niyang hinampas yung lalaki sa braso.

"Ang baboy mo naman!" sabi niya.

"Pasensya naman! Sayang kasi yung catsup eh. Favorite ko pa naman catsup." nakangiting sabi nung lalaki.

Teka, sino ba 'tong lalaking 'to? Bakit close agad sila ni Allen? Baka FC lang din 'to. Tch.

"Ay, nalimutan ko nga pala! Karl. Si Kuya MJ. Kuya MJ. Si Karl po." salamat sa pag-introduce Allen. Salamat!

Nag-handshake kaming dalawa pero hindi ko iyon sineryoso.

"Ouch! Nag-po ka na naman! Mukha na ba talaga akong matanda?" nakasimangot niyang tanong kay Allen.

Lol! Wag mo ngang inuuto si Allen! Kapal ng apog mo!

"Gumagalang lang. Oh sige, hindi na kita po-po-in." nakangiting sagot ni Allen.

Tch. Close talaga kayo ha?

"Sino siya?" tanong ko.

"Seryoso ka? Kakasabi ko lang diba? Siya si MJ." sarcastic na sagot ni Allen.

"No, I mean, paano kayo nagkakilala?" tanong ko ulit pero nakatingin ako dun sa MJ.

"Ah. Kanina lang, sa meeting. Siya ang president ng 3rd year, block 2." nakangiting sagot ni Allen tapos kumagat uli siya nung burger. Tch, walang catsup na sumayad, tch!

Pero kanina lang sila nagkakilala? Tapos ganyan agad sila ka-close? Galing ha?

"Okay." sabi ko na lang tapos ay umupo ako sa tabi ni Allen

"Salamat sa libre ha?" dinig kong sabi ni Allen.

Tumawa naman yung MJ. Bakit ganun? Parang naiinis ako, eh wala naman siyang ginagawa? Nagsasalita lang siya. Pwede ba yun? Yung naiinis ka, marinig mo lang boses niya? Kasi ganun talaga nararamdaman ko ngayon.

"Ako naman ilibre mo next time." sabi ni MJ. Tch, may kapalit naman pala panlilibre mo eh. Ako, pag nililibre ko si Allen, walang kapalit! Ha! Beat that!

"Wala akong pera eh." sabi ni Allen.

"Okay na kahit fishballs lang." sagot nung MJ.

Tumawa naman si Allen at nabunggo pa ako!

"Sige ba! Anong oras ba uwi niyo mamaya?" tanong ni Allen.

Seryoso siya? Ililibre niya si MJ kahit first time lang nilang magkakilala? Eh bakit nung nilibre ko siya, hindi siya nag-offer ng ganyan sa akin?

"3, pero baka abutin ako ng 4 kasi may gagawin pa ako sa faculty. Auditor din kasi ako ng Society natin eh." sagot nung MJ. So, ano naman kung Auditor ka? Walang nagtatanong!

"Talaga?! Ang talino mo siguro sa Math?" amused na amused na tanong ni Allen.

Narinig kong tumawa si MJ na parang nahihiya. Ang sarap kaltukan ng taong 'to! Papansin!

"Hindi naman masyado. Marunong lang, nadala ng pag-aaral eh." pa-humble pa, pangit naman!

"Sana ganyan din ako. Nage-gets ko yung lesson kahit nagbabasa lang. Ang bobo ko kasi sa Math eh." sabi ni Allen.

"Eh pinapakopya naman kita minsan ah?" bigla kong singit. Totoo naman kasi! Pinapakopya ko siya sa Math tapos papakopyahin niya ako sa English o kaya sa Science subjects namin.

"Nakakahiya ka naman! Wag mo namang ipangalandakan na ang bobo-bobo ko sa Math to the point na pagkopya na lang ang pag-asa ko!" nakasimangot na sabi sa akin ni Allen. Salamat at nilingon mo din ako. Pero ang cute niya pag nakasimangot ha? Parang batang inagawan ng lollipop. Hahaha.

Narinig kong tumawa si MJ kaya bumalik na naman yung inis ko. Kakaltukan ko talaga sa noo 'to eh!

"Gusto mo turuan kita? Madali lang naman yun kung magfo-focus ka lang eh." nakangiting sabi ng pangit na MJ na yun!

"Talaga?" amused na tanong ni Allen.

"Oo naman! Basta sabihin mo lang sa akin kung kailan ka free para maayos ko din sched ko." nakangiting sabi ni MJ.

Hindi ba sumasakit panga niya kakangiti? Baka gusto niyang ako na magpasakit nun? Bwahahaha.

Isinukbit ni MJ yung bag niya sa balikat niya at tumayo.

"Kita na lang tayo ulit mamaya ha? May klase na ako eh." sabi nung MJ na yun at ginulo niya buhok ni Allen.

"Aish! Sabi mo ayaw mo ng magulo yung buhok ko?" sabi ni Allen.

"Hindi ko sinabi yun ha? Ang sabi ko lang, mas cute ka pag maayos ang buhok mo." nakangiti pa ring sabi ni MJ saka umalis.

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa maka-akyat na siya sa building.

"Ang gwapo niya." mahinang sabi ni Allen. At yung mga salitang yun ang nakapagpakulo ng dugo ko!

ALLEN'S POV.

Problema nun? Bigla-biglang nagwo-walkout?

Pero ang gwapo talaga ni Kuya MJ! Ay MJ lang pala! Hahaha. Ang bait pa!

May girlfriend na kaya siya? Ang swerte ng makaka-relasyon niya kung saka-sakali.

Mabait, matalino, gwapo at mukha pang masayahin. Kung babae lang ako, sigurado akong nalaglag na lahat ng pwedeng malaglag sa akin! Hahaha.

"Oh!" biglang sabi ni Karl sabay dikit sa braso ko ng mainit-init pang burger.

"Ano 'to?" tanong ko kahit alam kong burger ang laman nun.

"Kain na." monotonous niyang sagot.

"Eh kakakain ko lang diba?" pagpapa-alala ko sa kanya.

"Kung ayaw mo edi wag! Akin na nga yan!" sabi niya, obvious sa boses niya yung inis at galit, tapos hinablot niya sa kamay ko yung pagkain.

Pero bakit naman siya magagalit? May ginawa ba akong masama? Wala naman ah? Tss. Mukhang sinusumpong na naman kaibigan ko ah? Hahaha.

Kinuha ko ulit yung burger at nginitian ko siya.

"Basta ba libre 'to eh." sabi ko sa kanya at medyo lumiwanag naman yung mukha niya nung tumango siya habang nakangiti. Yan! That's better! Sibangot ng sibangot, nawawala kagwapuhan mo nyan eh.

After lunch break ay umakyat na kami para sa next subject namin.

Nung nagdi-discuss na yung prof namin ay may biglang kumatok sa pinto, kahit nakabukas naman yung pinto.

Napangiti ako ng pumasok si Ate Divine.

"Hello, Ma'am! Kumusta Freshmen namin? Ice ba?" nakangiting tanong ni Ate Divine sa prof namin.

"Naku, parang kayo lang din nung mga Freshmen pa kayo! Parang mga kiti-kiti! Sakit sa ulo!" sagot ni Ma'am na ikinatawa ni Ate Divine.

"Uhm, hello Freshmen. Ako nga pala si Ate Divine. I am the president of the White House! Charoz! President ako ng 4th year at nandito ako para ibigay ang isang importanteng bagay kay Allen. Ang pinaka-cute na Freshman na nakita ko sa buong pag-stay ko dito sa school." ayan na naman yung sakit niya. Yung corny jokes? Kabobo yung ganyan. Pero nung narinig ko yung pangalan ko at yung description niya sa akin ay parang nag-blush ako. Grabe naman kasi sa description eh, lakas maka-highly! Hahaha.

"Oi Allen! Eto na yung program. May napili ka na bang Usher and Usherette?" tanong niya sa akin mula sa harap kaya nagsitinginan mga kaklase ko sa akin. Okay, pinepressure niyo ako!

Umiling naman ako tapos tumayo para kunin yung program sa kanya.

"Next week magmi-meeting uli tayo ha? Dapat may Usher and Usherette ka na." sabi niya at tumango naman ako.

Nagpaalam na siya at lumabas na ng room. Pag-upo ko ay inagaw agad sa akin ni Jason yung papel.

"Hmm. Symposium ng 9AM-12PM tapos lunch break till 1PM tapos G.A. na gang 5PM." sabi ni Jason habang binabasa yung nasa papel.

Hinablot ko yung papel sa kanya at sinuntok ko ng mahina yung braso niya.

"Sino mag-a-usher?" tanong ni Karl.

"Mamaya ko na iisipin yun." sabi ko na lang kasabay ng pagpapatuloy ng prof namin sa pagtuturo.

Matapos ang dalawang subjects, which is 4PM na by this time, ay nakabuo ako ng mga posible kong kunin na Usher at Usherette.

Para sa Usher: Yung tatlong kumag, Si Aaron, saka yung barkada niyang si Paul. Para naman sa Usherette: Si B**chelle. Siya lang ang choice ko para mag-usherette, para makabawi ako sa pamba-badtrip niya sa akin. Huehue.

"Hoy, kain tayo sa labas?" tanong sa akin ni Karl habang nakaakbay.

"Wala akong pera ngayon." sagot ko. Totoo naman, wala talaga akong pera ngayon.

"Libre kita." sinabi na naman niya ang 'Magic Words'! Pero ayoko talaga.

"Wag na. Wala ako sa mood kumain eh. Medyo busog pa ako dahil sa DALAWANG burger na kinain ko." binigyan pa kasi ako ng burger kanina eh. Nakita naman niyang kakakain ko lang nung mga oras na yun.

"Okay." sabi niya tapos mukhang may kinuha siya sa bulsa niya. Cellphone niya.

Inalis niya sa pagkaka-akbay yung kamay niya para mag-text pero ilang saglit lang ay may umakbay naman sa akin mula sa kabilang side. Si MJ!

"Libre mo na ako?" nakangiti niyang tanong habang bahagyang nakayuko sa akin. Mas mataas kasi siya kesa sa akin.

Tumango na lang ako kasi hindi ako makasagot dahil sa kilig.

Nung makalabas na kami ng school ay dumiretso kami sa fishball-an.

Agad siyang kumuha ng stick at tumusok ng ... tokneneng! Akala ko ba fishball ang gusto niya?

"Tokneneng na lang libre mo sa akin. Masarap kasi tokneneng dito, try mo." sabi niya tapos ipinagtusok niya ako ng isang tokneneng. Sweet! Hahaha.

Kumagat ako at, totoo nga! Mas masarap pa 'to kesa tokneneng na tinitinda ng kapitbahay namin dun sa kanto ng street namin eh. Hahaha.

"Sarap 'no? Sabi ko sa'yo eh." nakangiti niyang sabi tapos inabutan niya uli ako ng apat pa.

Tatangu-tango kong inabot yung stick at kumain. Ang sarap talagaaa!

KARL VINCENT'S POV

Peste! Bakit biglang sulpot 'tong MJ na 'to? Nalingat lang ako saglit, kaakbay na niya si Allen? Sarap talaga kaltukan! Kingna!

Tapos, 'to pa. Kumakain sila nung tokneneng pero tawanan sila ng tawanan. Parang mga tanga.

"Par, sino yung lalaking kausap ni Allen?" tanong ni Jason habang umiinom ng softdrinks na ipina-plastic niya.

"Ka-course natin. 3rd year." monotonous kong sagot at nakita kong lumingon sa amin si Allen. Nasa ikatlong stall kasi sila, kaming tatlo nasa pang-una.

"Manliligaw ni Allen?" tanong naman ni Jomar mula sa likod ko kaya nabulunan ako kahit wala naman akong kinakain o iniinom.

Nilingon ko siya at pinanlakihan ng mata. Ano ba namang klaseng tanong yun diba?

"Kung magpapaligaw din naman pala siya, bakit hindi na lang yung kaibigan niya ang payagan niya? At least kilala na niya kaya hindi na siya mahihirapang makisama." sabi ko sa kanya.

"Kaibigan niya? Sino naman? Ikaw?" nangingiti-ngiti pang tanong nito sa akin.

At nabigla ako sa tanong niya! Anong AKO? Hindi ako manliligaw ng bakla 'no?! Tch.

"Lul! Si Jake ang tinutukoy ko! Hinding-hindi ako magkakagusto sa bakla. Nakakadiri! Umayos ka nga!" naiinis kong sabi sa kanya.

Magkaibigan lang kami ni Allen at hanggang dun lang yun!

"Relax ka lang! Masyado kang hot eh. Binibiro ka lang." sabi ni Jomar.

Pwes! Wala ako sa mood makipag-biruan ngayon, lalo na't nandyan pa yang MJ na yan! Problema ko na nga si Jake, na buti na lang at hindi ko masyadong napagkikikita ngayon, tapos poproblemahin ko din 'tong si MJ?

Teka nga? Bakit ko gagawin yun? Bakit ko sila poproblemahin? Bahala sila sa sarili nila! Basta ako, GWAPO! Hahaha.

Lumapit ako sa kanila kasi parang feel ko ring kumain ng tokneneng.

Nilingon ko muna si Allen at nakita kong sarap na sarap siya sa pagkain nung tokneneng.

Napangiti ako nung punasan niya ng panyo niya yung natirang sauce sa labi niya. That's it, tama nga yan! Wag mong hahayaang binababoy ka ng lalaking katabi mo!

ALLEN'S POV

Hala! May saltik na ba 'tong si Koopa? Kanina, nakakunot yung noo sa akin tapos ngayon nakangiti naman. Baliw-baliw na 'to.

"Allen, una na ako ha? Kita na lang tayo next time. Text mo ako?" biglang sabi ni MJ kaya nilingon ko siya.

"Ah, sige sige." nakangiti kong sagot tapos nilabas ko yung cellphone ko para makuha ko yung number niya.

Handa na akong kunin yung number ni MJ nang biglang may humablot ng cellphone ko.

"Allen, pahiram muna. May ite-text lang ako, wala na akong load eh!" sigaw ni Koopa habang papalayo sa amin.

Epal ka talaga! Chance ko nang makuha number ni MJ eh!

"Pasensya ka na sa kaibigan ko ha? Abnormal kasi yun eh." nahihiya kong sabi sa kanya.

"Okay lang." sagot niya.

"Gusto mo number ko na lang kunin mo?" nakangiti kong tanong sa kanya at tumango naman siya.

Kabisado ko number ko 'no? Agad kong binigay ang number ko na agad niya namang sinave.

After saying our goodbyes, at makapagbayad, ay umalis na siya.

Si Koopa naman ngayon ang haharapin ko.

KARL VINCENT'S POV

"Par, ihanda mo na sarili mo." sabi ni Jomar.

Maya-maya ay may bumatok sa akin ng pagkalakas-lakas. Ang sakit!

"Akin na cellphone ko." kalmadong sabi ni Allen.

"Nasaan na yung MJ?" tanong ko sa kanya habang tinatanaw-tanaw kung nandun pa si MJ.

"Umuwi na. Salamat ka kabisado ko number ko kundi baka hindi lang pambabatok inabot mo!" seryoso niyang sabi sa akin.

WHAT?! Kabisado niya number niya? Sheeeeeeet! Akala ko hindi niya kabisado number niya kaya kinuha ko cellphone niya. Talo! Tch.

"Oh." inabot ko na sa kanya yung cellphone niya.

"Uwi na ako." sabi ni Allen.

Fine! Kalimutan mong may kaibigan ka. Sige lang. Nakilala mo lang yung mokong na yun, nakalimutan mo na kami? Siya within a day ka lang naging kaibigan. Samantalang AKO, kailangan ko pang magmakaawa para maging magkaibigan lang tayo? Unfair! Tch.

"Ay, mamaya na lang ako uuwi. Nuod tayo sine?" biglang tanong ni Allen.

"Okay lang." nadinig kong sagot ni Jomar.

"Mauna na kayo. Susunod ako. Bilhan niyo ako ng ticket ha?" sabi naman ni Jason. Siguro nanchi-chicks na naman!

"Ayaw mong sumama?" tanong ni Allen sa akin.

Ako? Ako pa? I've been dying to get your attention nga the whole day eh. And now na nangyayari na yun, tatanggi pa ba ako?

Ngumiti ako at lumapit sa kanya.

Inakbayan ko siya at ginulo ko ang buhok niya.

"Sasama ako." sagot ko.

"Aish! Bakit nanggugulo ng buhok?" naiinis niyang sabi habang inaayos ang buhok niya.

At dun, nawala ang inis ko sa MJ na yun ngayong araw! Masaya ako dahil kahit papaano ay hindi nine-neglect ni Allen ang mga kaibigan niya. AKO.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~* 

And I'm back Manila! Did you miss me, guys? Mahaba naman na siguro 'tong chapter na 'to to satisfy your longing 'no? Hahaha.

At para dun sa friend ko na pinilit akong ipabasa 'tong story ko sa kanya: TUMAHIMIK KA HA? Alam mo na mangyayari sa'yo pag pinagkalat mo 'to! Bwahahaha. >:))

Vote, Comment anyone? Konting motivating force naman dyan! Mej pagod eh. :))))

Continue Reading

You'll Also Like

574K 12.8K 33
BOYXBOY GAY YAOI ~ Si PRUE (Pru) ay isang simple at masayahing bading na nag iba ang takbo ng buhay at naging mala Roller Coaster ride mula ng may ma...
1.6M 62.7K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
273K 9.3K 26
What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya? and What if ang nagantihan mo ay ang...
174K 7.7K 33
When this fierce, and kyot (well, according to himself at least) Kennard met for the first time this somewhat arrogant Vincent, he thought he was cha...