So Into You (BxB)

By Ytianity

1.2M 23.6K 3.4K

BABALA: Boy to boy content. Kung HOMOPHOBE kayo, edi layo na! Baka kasi may mangyari pang away eh. XDD Meet A... More

Chapter 1 : Introduction - Irritation
Chapter 2 : Game - Text
Chapter 3 : Meet-up - Awkwardness
Chapter 4 : Sciences - Retaliation
Chapter 5 : Call - Anger
Chapter 6 : Persistence - Annoyance
Chapter 7 : Bothered - Vexed
Chapter 8 : Rain - Offer
Chapter 9 : Blush - Punch
Chapter 10 : Sorry - Peace
Chapter 11 : Beat-up - Hug
Chapter 12 : Advice - Doubt
Chapter 13 : Visitation - Seduction
Chapter 14 : Sleep - Thanks
Chapter 16 : CPR - Almost
Chapter 17 : Assembly - Treat
Chapter 18 : Usher - Deal
Chapter 19 : Snap - Guilt
Chapter 20 : Apologize - Fulfill
Special Chapter : Vacation
Chapter 21 : Tickle - Whisper
Chapter 22 : Worked-up - Bump
Chapter 23 : Lie - Realization
Chapter 24 : Miss - Embrace
Chapter 25 : Box - Nicks
Chapter 26 : Drunk - Confession
Chapter 27 : Hangover - Forget
Chapter 28 : Space-out - Avoid
Chapter 29 : Reconciliation - Friends
Chapter 30 : Tryouts - Pretend
Chapter 31 : Celebrate - Wish
Chapter 32 : Invite - Excite
Chapter 33 : Father - Christmas
Chapter 34 : Bonding - Holding
Chapter 35 : Party - Together
Special Chapter : Territory
Chapter 36 : Conversation - Toothbrush
Chapter 37 : Bipolarity - Trust
Chapter 38 : Break-up - Joke
Chapter 39 : Lucky - Congeniality
Chapter 40 : Misheard - Abnormality
Chapter 41 : Talk - Flashback
Chapter 42 : Engagement - Faith
Chapter 43 : Diminish - Another
Chapter 44 : Lying - Gotcha
Chapter 45 : Lust - Lips
Chapter 46 : Revelation - Unsure
Chapter 47 : Weird - Please
Chapter 49 : Princess - News
Chapter 50 : Uncivilized - Problem
Chapter 51 : Retrieval - Disappointment
Chapter 52 : Top - Steal
Chapter 53 : Okay - Back
Chapter 54 : Forced - Mad
Chapter 55 : Truth - Escape
Chapter 56 : Oblige - Over
Chapter 57 : Hurt - Decision
Chapter 58 : Don't - Enough
Chapter 59 : Pageant - Clear
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 1 )
Chapter 60 : Ending - Beginning ( Part 2 )
Special Chapter : AFTER

Chapter 15 : Endearment - Trunks

22.1K 403 30
By Ytianity

ALLEN'S POV

Wow! Time really flies when you're having fun! Biruin niyo ba namang nasa 2nd sem na kami? Hahaha.

"Oi! Halimaw!" kilala niyo naman na siguro kung sino tumatawag sa akin diba?

"Bakit manyak?" tanong ko sa kanya. Bawi-bawi din pag may time.

"Sabi ng! Wag mo akong tawagin ng ganun! Force of habit nga lang yun! Saka hindi ko naman alam kung ano nangyayari pag tulog ako eh." pabulong niyang sabi sa akin. Ano bang binubulong-bulong niya? Eh kami lang namang dalawa ang nasa gazebo.

"Che! Wag mo akong tawaging 'Halimaw' para hindi kita tawaging 'Manyak'!" sabi ko sa kanya pero naka-focus ako sa syllabus na binigay sa amin ng Biology professor namin kanina.

"Hindi pwede! Wala na akong itatawag sa'yo." sabi niya tapos umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"May pangalan ako, brod." monotonous kong sabi.

"Bukod dun! Gusto ko may pantawag talaga ako sa'yo. Kumbaga 'term of endearment' ko sa'yo." ramdam ko yung ngiti sa tono ng pananalita niya.

"Wow sa 'term of endearment' ha? Wag mo nga akong guluhin! Nasaan yung dalawa?" tanong ko sa kanya. Iiwasan ko na yung 'term of endearment' thingy kasi kinikilig na ako, mamaya mahalata pa niya eh.

"Nandun sa gym. Nagpapa-enroll ng P.E. Naabutan kasi ng cut-off nung enrollment eh." sagot niya. Ano kaya P.E. nila?

"Ikaw ano P.E. mo?" bigla niyang tanong sa akin.

"Swimming." bored na bored, yung para bang ayoko nung topic, kong sabi.

"Swimming?! Anong sched?!" bakit excited p're?

"Saturday, 10 to 12. Ayoko ng swimming eh. Kaso sa lahat kasi ng may available slots, yun na yung may pinakamagandang time." bored ko pa ring sabi.

Bigla naman siyang tumayo at pumalakpak sa harap ko, yung parang bata yung itsura?

"Parehas tayo! Magkaklase tayo sa P.E.!" nakangiti niyang sabi habang pumapalakpak.

"Oh, tapos?" monotonous kong tanong tapos may biglang pumasok sa isip ko.

Nakahubad si Karl at naka-trunks lang! Waah! Shit na malagkit!

Nagitla ako nung akbayan niya ako. Wag mo muna akong hawakan! Hindi na maaalis sa utak ko yung 'naked image' mo eh.

"Mag-su-swimming tayo. Maraming chicks na naka-two piece dun. Hati tayo ha?" nakangiti niyang sabi.

Nyeta! Nalimutan ko nga palang babae ang habol nito! Kingna!

Tinulak ko siya palayo sa akin at pinasok sa bag ko yung syllabus. Isinukbit ko yung bag ko sa balikat ko at tumayo.

Pero bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ako sa braso at pinigilan.

"Tch. Hindi ka na mabiro! Alam ko namang hindi ganun ang habol mo eh." sabi niya tapos bumigat yung hawak niya sa braso ko, siguro tumayo siya.

"Alam ko namang katawan ko ang gusto mong makita eh." bigla niyang bulong sa tenga ko mula sa likod.

Shit ka, Karl! Pinag-iinit mo KATAWAN ko!

Siniko ko siya. Paglingon ko ay nakapamaluktot siya at sapu-sapo ang tiyan niya. Nasobrahan ata ako ah?

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

"Ang sakit!" bigla niyang sabi.

Shit! Nasobrahan nga!

Inupo ko muna siya sa bench para malaman ko kung ano ang masakit sa kanya.

"Alin ba ang masakit? Ituro mo." concerned kong tanong.

Tinuro niya yung bandang tagiliran niya. Naku, baka magka-pasa siya.

"Patingin nga!" sabi ko tapos dahan-dahan niyang inangat yung polo at sando niya. Naman, yes, naka-uniform na kami!

Pero mali ata yung ginawa ko? Nung tinaas niya kasi yung mga suot niya ay napa-nganga na lang ako. ABS! May abs si Karl! Hala!

"Uuuyy! Namumula siyaaa!" nakangiti niyang panunukso sa akin habang nakaturo sa mukha ko.

Aba't pinagtitripan lang pala ako nito!

Kinuyom ko ang kamao ko at kinonyatan ko siya!

"Aray! Ang sakit nun ah?!" bigla niyang sabi sa akin habang kinakamot yung parteng binatukan ko.

At ako, sa tingin mo, hindi ako nasaktan? Masakit! MASAKIT SA LALAMUNAN! Nanuyo lalamunan ko nung makita ko ang ABS mo, nyeta ka!

Inirapan ko na lang siya at lumakad palayo. Mamaya pagtripan na naman niya ako eh.

KARL VINCENT'S POV

"Sorry na. Galit ka pa ba?" tanong ko kay Allen. Nasa klase kami ngayon pero hindi ako makapag-focus sa pag-aaral kasi alam kong galit siya.

"Hindi na nga. Kanina ko pa sinasabi sa'yo diba?" mahina niyang sabi sa akin pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Galit ka eh." pangungulit ko.

"Hindi na nga." sagot niya.

"Eh bakit hindi ka tumitingin sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi nagsusulat ako. Ayoko ng naiistorbo." sagot niya.

Tinitigan ko siya pero mukhang hindi na nga siya galit.

"Sigurado ka hindi ka na galit ha?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga! Paulito ka na naman eh." sabi niya.

"Naninigurado lang. Mamaya iniisip ko na hindi ka na galit sa akin, yun pala halos patayin mo na ako sa isip mo." sabi ko at narinig ko ang pagpigil niya sa tawa niya.

Hindi na nga siya galit. Buti naman.

"Par, ano P.E. mo?" biglang tanong ni Jason.

"Swimming." sagot ko.

"Buti ka pa. Ang pangit ng P.E. ko!" sabi niya.

"Ano ba P.E. mo?" tanong ko.

"Pucha, social dance?! Tapos Ballroom Dancing pa! Siyeyt!" pagrereklamo niya.

Hahaha. Sayaw? Eh parehong kaliwa paa nito eh. Hahaha. Good luck sa kapartner niya! Hahaha.

"Eh si Jomar?" tanong ko.

"Modern Jazz ata eh." sagot ni Jason at bigla siyang binatukan ni Jomar.

"Wag mo nang ipamalita!" inis na inis niyang sabi.

Hahaha. Minalas ang dalawa! Ay, hindi! Malas mga makaka-partner nila! Hahaha.

"Buti pa pala kami, swimming!" sabi ko sa kanila tapos tinawanan ko sila.

"Kayo? Sino kasabay mo?" tanong ni Jason.

"Kami ni Allen! Magkaklase kami sa swimming." sagot ko, sounding excited.

"Hoy! Kayong tatlo dyan! First day pa lang, nakikitaan ko na kayo ng potensyal." biglang sabi ng prof namin. May prof pala kami sa harap?

"Po?" tanong ni Jason.

"Nakikitaan ko na kayo ng potensyal. Potensyal na bumagsak sa subject na 'to." biglang sagot ng prof namin.

Wow! Galing! Judgmental tayo, Ma'am?

Tumahimik na lang kaming tatlo at umayos ng upo.

"Ang dadaldal kasi eh. Sure kayong lalaki kayo ha?" pabulong na tanong ni Allen.

Pinitik ko yung kamay niya kaya nabitawan niya yung ballpen niya.

Pagkadampot niya nung ballpen ay tinaasan niya ako ng 'Middle Finger' niya. Nagtaas din ako ng akin. Sinimulan mo eh. Hahaha.

Nag-eyeroll lang siya sa akin at tumingin uli sa whiteboard.

ALLEN'S POV

Kalalaking tao kasi ang daldal-daldal! Saka bakit niya pinamamalita na magkaklase kami sa swimming? Big deal ba yun?

"Allen, pagkatapos ng klase samahan mo ako ha?" pag-aya sa akin nito ni Koopa.

"Saan naman tayo pupunta? May gagawin pa ako eh. Saka susunduin ako ni Jake, remember?" pagpapaalala ko sa kanya.

Alam naman niyang araw-araw akong sinusundo ng kaibigan ko eh.

"Tch. Si Jake na naman? Kailan ko ba kayo makikitang magkahiwalay?" pabulong niyang tanong sa sarili niya.

"Hindi mo kami makikitang magkahiwalay 'no? Mag-bestfriends kami eh." sagot ko sa kanya tapos tinawanan ko siya.

Lumingon naman siya sa akin. Ano bang meron kasi at mainit na mainit dugo niya kay Jake?

"Sige na. Sumama ka na dun kay Jake." sabi niya pero parang may tono ng pagkainis sa boses niya.

Napaka-ano nitong taong 'to.

"Oo na, sasamahan na kita!" sabi ko na lang bilang ayoko namang may naiinis na kaibigan ko diba?

Bigla namang lumiwanag ang buong classroom nang ngumiti si Karl. O baka O.R. lang ako?

Ang gwapo talaga nito pag ngumingiti! Kung patuloy siyang ngingiti ng ganyan, forever na akong mai-inlove sa kanya!

"Ano ba kasing gagawin natin dun?" tanong ko sa kanya.

"May bibilhin lang. Kailangan yun eh." sagot niya.

Ano kayang gamit yun? Nakaka-curious. Hahaha.

At pagkatapos nga ng klase ay dinala, more like kinaladkad, niya ako papuntang mall. Hindi na tuloy ako nakapag-paalam kay Jake ng personal kaya tinext ko na lang siya. Hindi naman na siya nag-reply so, I guess, okay na.

Pagdating namin sa mall ay dumiretso si Karl sa UG floor. Ano ba kasing bibilhin nitong hinayupak na 'to?

"Ano bang bibilhin nyan?" tanong sa akin ni Jomar. Oo nga pala, sumama sila kasi may bibilhin din daw sila. Ang yayaman talaga ng mga mokong na 'to!

"Aba malay ko! Hinila niya lang ako dito eh." sagot ko sa kanya tapos ay nag-crossarm ako.

Sinundan namin si Karl hanggang sa makita namin siyang pumasok sa isang sportswear store. Anong gagawin niya dun?

"Par!" biglang sigaw ni Jason.

Hindi ba niya alam yung salitang 'HIYA'? Kung makasigaw, akala mo nasa kalsada lang.

Lumabas naman ulit si Karl mula sa store at nilapitan kami.

"Bakit?" tanong niya.

"Bibili ako ng sapatos. Bibili ka na din ba?" tanong ni Jason.

"Kakabili ko lang last week eh. Saka may bitbit si Daddy nung umuwi siya dito kaya hindi pa ako makakabili until next month." sagot ni Koopa.

What?! Kakabili niya lang last week, kahit may dalang sapatos yung Daddy niya!? Tapos balak niya pang bumili next month? Ano!? Eh ako nga, yung mga rubber shoes ko, lagpas 1 taon ang inaabot bago ako bumili ng bago eh. Tapos sa Divisoria pa galing ang mga iyon! Naknaman ng tupa oh!

"Hoy! Wag nga kayong nagsasayang ng pera! Hindi porke't mayaman kayo, bibili lang kayo ng bibili ng kung anong matipuhan niyo! Paano kung kinailangan niyo yng pera na yan? Paano ku--" natigilan ako sa pananalita dahil biglang tinakpan ni Koopa yung bibig ko. Bastos! Hindi pa ako tapos magsalita eh!

"There goes the 30-year old Allen, guys! Wag na wag kayong gagawa ng insensible things sa harap niya kundi makakatikim kayo ng pangongonsensiya at ng malalimang usapan." sabi ni Karl.

Bigla namang ngumiti yung dalawa at ginulo ang buhok ko. Mga KUMAG! Wag niyong guluhin buhok ko!

Kinurot ko yung braso ni Karl kaya naalis yung pagkakatakip ng kamay niya sa bibig ko.

"At least, may matured na mag-isip sa atin." biglang sabi ni Jomar.

Napansin ko din! Kahit mas matatanda kayo sa akin, mas matino akong mag-isip kesa sa inyo. Mga punyatera!

"Allen, kaya kami bibili ng sapatos kasi sira na yung rubber shoes namin nito ni Jomar. Si Karl ang mahilig sa sapatos kaya tinanong ko siya kung gusto niyang bumili. Wag kang masyadong judgmental." sabi sa akin ni Jason. Wow ha?

"Okay, sorry. Nanghihinayang lang kasi ako sa gagastusin niyo. Ako kasi, umaabot ng 1 taon bago mapalitan yung sapatos ko." sabi ko.

"Huh? Ano ka, lumulutang? Hindi napupudpod sapatos mo?" tanong sa akin ni Jason.

"Timang, hindi! Sadyang maingat lang talaga ako sa mga gamit ko!" sagot ko.

"Teka, nagba-basketball ka ba?" biglang tanong ni Jomar at umiling naman ako.

"Yown!" biglang sigaw ni Jason. Naka-megaphone ba bibig nitong lalaking 'to?

"Hindi ka kasi nagba-basketball kaya matagal mong nagagamit yang sapatos mo. Eh kami kasi, halos araw-araw kami naglalaro." dagdag pa niya.

"Okay. Edi kayo na nagba-basketball! Ang punto ko kasi, wag kayong mag-aksaya ng pera! Ang gastos niyo!" sabi ko, trying to point some things.

"Yeah, yeah, yeah, we get it! Okay na? Hindi na po kami gagastos ng pera sa harap mo." sabi ni Koopa.

Miyo! Ang utak nga naman ng mayayaman!

"Sige na! Bumili na kayo! Basta tandaan niyo 'yang sinabi niyo ha? Hindi kayo gagastos ng sobra-sobra sa HARAP KO." sabi ko, giving emphasis sa huling dalawang salita para tumatak sa isip nila.

Nagtaas ng kanang kamay si Jason tapos tumango naman si Jomar.

"Opo!" sagot ni Koopa habang naka-salute at nakangiti.

Gwapo! Hay.

Pumasok na kami sa may shoe store. Pagkatapos ng almost an hour ay nakapamili na sila. Ang aarte, akala mo mga babae kung mamili ng sapatos! Nagtatanungan pa kung anong kulay ang bagay! Hay!

"Oh, ako naman sasamahan niyo ha?" biglang tanong ni Karl.

Tumango naman kaming lahat at sumunod sa kanya.

Pumasok uli siya dun sa store na pinasukan niya kanina.

Pagpasok naming tatlo ay nakita namin si Koopa na katapat ng mga swimming goggles. Aba'y medyo excited siya sa P.E. ha?

"Par! Excited ka ba?" pabirong tanong ni Jason.

Hindi sumagot si Karl dahil mukhang naka-focus talaga siya sa mga goggles.

Bahala nga siya dyan! Titingin muna ako ng mga gloves dito sa tabi ko.

"Allen, tawag ka ata ni Karl oh." biglang sabi ni Jomar.

Nung lingunin ko naman si Karl ay sumesenyas na lumapit, ako?

"Bakit?" tanong ko nung makalapit na ako.

"Maganda ba 'tong goggles na 'to?" tanong niya habang hawak ang isang pares ng goggles.

"Aba malay ko. Wala akong alam sa ganyan." sagot ko tapos ay bumalik ako sa tapat ng mga baseball gloves.

Maya-maya ay pinatawag niya na naman ako. Wala na siya dun sa tapat ng mga goggles kaya hinanap ko pa siya. Ayun! Nakaupo sa harap ng mga navy blue na thingy. Kumuha siya ng isa at tinitigang mabuti. Nung makalapit ako sa kanya ay nanlaki ang mata ko!

Swimming trunks ang hawak niya!

"Allen, ano ba mas maganda? Yung parang shorts o yung parang brief?" tanong niya.

"Isukat mo." monotonous kong sabi pero napatakip din ako ng bibig ng ma-realize ko kung ano sinabi ko.

"Munggo! Hindi pwede isukat 'to!" sabi niya tapos ay tinapat niya sa ano niya yung trunks.

"Oh eto, mukha namang maganda diba?" tanong niya at napatingin naman ako sa trunks.

Napatulala ako, hanggang sa makita ko sa mata ko na naka-trunks lang si Karl! Yummy! Ay no! Punyetang day dream!

"Ano na? Bagay ba?" tanong niya, impatiently.

"A-ayos lang." ninenerbiyos kong sagot.

Kinuha niya yung brief style na trunks at tinapat din iyon sa ano niya.

"Better." bigla kong sabi, without even thinking.

Tumalikod ako nang ma-realize ko yung sinabi ko. Shit! Gusto ko nang magpalamon sa lupa right now!

"Anong sabi mo?" tanong niya.

Lul, kunwari ka pa! Narinig mo yung sinabi ko eh.

"Wala! Sabi ko, 'bahala ka'!" sagot ko. Sana naman wag niya akong kulitin.

"Okay. Pero kung ikaw ang pipili ng para sa'yo, ano pipiliin mo sa dalawa?" tanong niya.

Hala! Bobo ba 'to o pinag-iinit lang talaga katawan ko? Papipiliin mo ako?

"Bahala ka. Wala pa namang sinasabi yung prof natin eh." sabi ko sa kanya.

"Mabuti nang handa." sagot niya.

"Wow ha? Sana nag-boy scout ka na lang." sarcastic kong sabi sa kanya.

"Malaki na ako para sa boy scout. Dapat sa army ako." sagot niya. Nung lingunin ko uli siya ay nakita kong namimili pa rin siya at tina-try ang iba pang trunks. Jusko! Tapusin mo na yan Karl! Matutuyot na lalamunan ko kakalunok ng laway ko!

"Oo na. Bilisan mo na nga! Ang dami mo pang satsat!" inis-inisan ko na lang na sabi tapos lumapit uli ako kay Jomar.

"Ano binili nun?" tanong niya.

"Trunks." monotonous kong sagot.

"Hindi siya excited." sabi ni Jomar.

"Teka, asan si Jason?" tanong ko sa kanya. Kanina kasi nandito lang sa loob si Jason eh.

"Ayun, nakakita ng magandang babae, hinabol." sagot niya.

"Eh bakit hindi mo sinundan?" tanong ko. Diba parehas silang mahilig sa babae?

"Hindi na uy! Ano niya ako, chaperone?" sagot niya tapos nakita kong hawak niya yung paperbag na naglalaman ng sapatos ni Jason.

"'lika na. Kain na tayo." biglang singit ni Karl.

"Finally! Nagugutom na ako sa sobrang stress sa inyong tatlo!" pagrereklamo ko.

"Libre kita. Wag kang mag-alala." sabi niya.

"Wag na. Mamaya makasanayan ko yang panlilibre mo, maging dependent pa ako sa'yo." pagrarason ko.

"Sure ka?" paninigurado niya.

"Oo naman! At saka diba napag-usapan na natin na hindi kayo gagastos ng sobra-sobra sa harap ko?" pagpapaalala ko, ULIT!

"Oo nga. Pero pagkain 'to eh. Alangan namang tipirin mo sarili mo sa pagkain diba?" tanong niya.

"May punto ka dun. Finally, nagka-utak ka din." sarcastic kong sabi sa kanya na ikinakunot ng noo niya at ikinatawa ni Jomar.

Kinutusan niya ako kaya sinuntok ko siya sa braso. Nagiging sadista na 'tong taong 'to.

"Oi mga pangit! Mauna na ako ha? May date pa ako eh." biglang sabi ni Jason sabay ng paghablot niya sa paperbag mula kay Jomar.

"Saan punta mo, par?" tanong ni Karl.

"Basta." nakangiting sagot ni Jason tapos umalis na.

Babaerong kumag! Makakita ka sana ng katapat mo ng matigil na yang pagka-babaero mo!

"So, kain na tayo?" tanong ni Karl nang mawala na sa paningin namin si Jason.

Well, ano pa nga ba? Nagugutom na rin kasi ako eh.

"'lika na! Gutom na ako eh." sabi ko tapos nauna na akong lumabas ng store.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Headache + Cold + Cough + Writer's block + Family Matters + Social life + Uncivilized neighbors = CRAPPY CHAPTER. I know, I know, you don't have to tell me. Ayaw kong gamitin 'tong linyang 'to pero, 'Please bear with me'. Naulanan kasi ako kaya nabobo ako. Medyo may sakit pa rin till now pero nakainom naman na ako ng gamot, so, hopefully, maging maayos na ako agad-agad. :))

Vote, Comment or anything! :))

Continue Reading

You'll Also Like

52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
151K 11.4K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
167K 3.2K 73
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...